Thank you very much Atty. Jojo Perez for sharing to us your legal expertise on matters concerning the HOA! I am looking forward for your future #UsapangHOA in the near future.
Atty good day Ask ko lng po kung may power ang mga current officers na may kaso na show cause order.over staying 5 yrs terms.hindi nag sumite ng annual reports since 1998,un official receipt ang ini issue sa mo.dues.mag amyenda daw cla ng bylaws,babaguhin nila na pwede tumakbo sa election ang caretaker at renter.f ever na ma amyendahan ano.po ang proper procedure para maging valid..need pa po ba ipa alam sa dhsud.. Ayaw po nila gamitin ang old bylaws.maraming salamat atty.God bless
@@REALTTORNEY pano po kung nasa skwater po at wlapo sa subdivision hindi po sa amin ang lupa lat may assasasion puede po bang hindi kmi sumali matagal napo since birth pa pokmi dto sa lupa naitokung po bang mag bigay ngbiyaya ang may ari ng lupa maoasama ba kmi fahil wla kmi sa assosasion.
Magandang araw po. Sir Roderick Salamat sa inyong katanungan. Hindi po pwede na ang developer ang maningil ng association dues. Dapat po bumuo muna ang developer ng isang HOA at ang Board of Directors or Trustees ang siyang mangongolekta ng monthly dues pagkatapos po na ma-rehistro ang HOA sa DHSUD at sa BIR. Panghuli, dapat din po sundin ng HOA Board ang sinasaad ng ByLaws at rules and regulations sa pagpapataw ng monthly dues sa mga miyembro. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
I just saw your You Tube Channel and subscribed immediately, watching your other episodes as well. Thank you for your generosity in sharing your expertise with problematic homeowners and lot owners. Hope I found you earlier. More power to you Atty. Jojo!
Thank you for subscribing and watching the videos. By God's grace, we hope we can file more videos this 2022, to provide more information to homeowners desperately in need of it. Please share the video to your friends who you think may benefit from watching the content made so far. God bless always.
good pm po Atty, mag aasked lang po sana ako ng legal assistances about po sa tie up ng water service and Homeowners Association. meron po kasing arrears si home owner from before na dues years na po ang binilang ngaun po nagbabayad na po ng monthly dues(current) plus water bill. naiwan po si arrears pero may intention naman po to pay but not the lumpsum. from the past years po, ngaun lang po nagbigay ng disconnection si water provider to collect ung arrears and threated na kapag di nabayaran before due date puputulin po ang tubig kahit bayad and water bill in which wala naman po din na cascade na info and board of directors. ask lang po sana if they are violating some laws incase putulina ng water service ni homeowners. salamat po sa sasagot
Gudam sir ask k lng po ilang % po b pwedeng magkaroon ng hoa at hal.500 unit capacity ng subd.nmin pero 150 plang ang nakatira s amin ang sabi po s amin ng filinvest wla raw kming karapatang tumanggi
Atty ano po ang mga hakbang na kailangan gawin upang ipetisyon na tanggalin ang isang hoa officer na simulat sapul eh hindi po umaattend ng meeting ng hoa officers at hindi din po active?
Hi Atty Jojo. Maraming salamat po sa mga payo po ninyo. Sana po ay masagot po ang katanungan na ito. Puede po ba maging opisyales ang anak ng owner kapag senior na ang owner at willing n syang ibigay ang membership nya sa anak niya? Sana po masagot ang aking katanungan. God bless.
di bo ba ang deeds of restrictions is an agreement between the developer and the buyer? and when the developer is left the develop project meaning the agreement in deed of restrictions are not considered valid
Sir bumubuo kami ng hoa kaya lang ayaw aprubahan kelangan daw pumunta muna kami ng dshud Phase 1 to 5 phase 5 kme Hindi na kami inaabot ng tulong May nakita kaming batas na once himdi ka dumadaan sa nasasakupan nila may kalayaan kaming bumuo ng sariling hoa at hindi kami na seserbisyuhan ?? Ano po ba pwedeng gawin kelanga. Po ba talaga punta pa kmi ng hoa
Legal po ba na ang LGU mismo ang naginitiate ng HOA sa isang street ng isang brangay( hindi subdivision) ang sinsabi nla kpag hndi ka member ay wlang mttnggap n ayuda sa govt
Here in Villa Elena the officers was not elected by the mambers as such appointed by the realty co. Start their operation prior to the approval Hlurb as well reg with BIR is now issuing payment with aknowledgement receipt are the legal in thier operation and imposing rules that if you have accountability on monthly dues the prevent installation internet provider in in your residential place to have this facilities as work at home employee to have an income for your family pls help us to handle this problem thank you.
Magandang araw po Sir Lito. Salamat sa inyong katanungan. It seems that your HOA is not duly registered with DHSUD and BIR. If this is the case then you can file a complaint with the DHSUD (Human Settlements Adjudication Commission). That is the only you can stop the wrongdoings committed to all the homeowners in your subdivision. You can also file a complaint against illegal collection with the barangay, if you so choose. But, going directly to DHSUD is best for the situation of the homeowners. Good luck. and God bless.
Atty. ako po ay may tanong. Ako po ay may nabiling townhouse ng cash, inner unit po ito. Ngunit may konti lamang akong binago, ang bubong po ng terrace ay kalahati at nakaharap sa kanan. Ngaun po ng magbubong kami ng kalahati pareho na naming pinaharap sa kalsada. Pinababaklas po sa amin dahil bawal daw po ang ginawa namin?
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga informal settlers po ay pwede magtayo ng HOA. Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU. Hindi po pwede sumali ang informal settlers sa isang HOA kasi po hindi po sila ang may-ari ng lupa kung saan sila nakatirik. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi po. Magtatanong lang po. Katatapos lang po ng HOA Election namin this February 2023. Ang tanong ko po, ano po ang requirements ng DHSUD para mapa update namin ang new set of Officers sa records nila at mapa renew na din po namin ang aming HOA Regustration sa DHSUD? Salamat po.
Gud morning po ang homeowners po namin ay hindi naka registered sa HLURB pero naniningil sila ng monthly dues na kasama sa bill ng tubig po monthly. Gusto po namin na magkanya kanya ng tubig for residential kasi sobrang laki po ang sinisingil nila ang sabi ng Maynilad na bundle po ang tubig kaya di pwede kami magkanya kanya
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Meron talagang ganyang sitwasyon na ang Maynilad ang kausap lang ng HOA. At may standard charge lang po kada homeowner sa tubig. Kung gusto ninyo baguhin ito makipag usap po kayo sa HOA Board para sila ang kakausap para magkaroon ng metro ang bawat homeowner. Pero baka po may malaking paunang gastos ang pagpapalagay ng sariling metro sa bawat bahay ng homeowner. Timbangin po ninyo ang inyong mga options. Good luck.
Good morning atty,I'm from Antipolo city, Rizal,where can we file our complaints against our past officers? Issue is non submission of FINANCIAL STATEMENT for the past 5 years
Atty gdpm paano po kung ang binibigay nila resibo sa monthly dues is peti cash at hindi resibo ng bir pwde po ba ako hindi magbayad..hindi na din nag sumite ng annual report sa DHSUD since na rehistro.salamat.po
Magandang araw po Sir Alex. Salamat sa inyong katanungan. Pwede po kayong hindi magbayad kung hindi BIR-registered official receipt ang binigay sa mga miyembro kapag nagbabayad ng monthly dues. Pero, mas mainam po kung irereklamo ng mga homeowners ang mga officers na nasa likod ng illegal na pagkolekta ng monthly dues. Hanggang sila po ang nangongolekta ng monthly dues, pahihirapan po nila kayo kahit kayo ang nasa tama. Good luck po.
nakatira po ako sa labas ng subdivision entrance gate. meron pong homeowners association ang nasa loob ng carmel 3 subdivision. pwede po ba nila akong singilin ng homeowners association dues kahit ako ay wala sa enclosed area ng subdivision?
Gooday...sa pg entrnce po nmn sa sub kelangn po ng sticker..ngyn po 2021 may bago rules ang po na kailangn mg fill up ng form at bibigyan k lng ng form kpag updated ka sa monthly due...at kpag hindi po kelangn mo mg bayad ng 5 pesos..sa main gate nmn..makatwiran po ba iyon...salamat po.
Atty.,kung hindi ko po gusto na magmember ng HOA,may right po ba ang board of director na pilitin akong magbayad ng monthly dues at ano po ang mawawala sa aking mga karapatan sa pagtira ko sa subdv ito?
Magandang araw po. Pasensiya na po at mukhang wala nga yung Episode 3. Hindi po naupload. Hanapin po namin kung saan siya nai-save at i-upload agad. God bless po.
Kapag hindi po ba nakka pag updated sa pagbabayad ng monthly due wala ka pong karapatan n magtanong kong saan napupunta ang mga pera na pumapasok sa HOA,lalo na po dun sa sticker na nakokoleksyon nila
good pm po.. mag koconduct napo kami ng hoa election ngayong feb.. ok lang po ba na wag naming sundin yung sa hlurb kasi po ang gusto ng majority eh per partylist... sa hlurb po kasii base sa ranking ng mga tumakbo ang magiging posisyon nila.. pag 1 ka automatic president kana.. sana po mapansin ninyo ang tanong ko.. salamat po and god bless
may mga guidelines po b sa pag gamit ng sattelite disc within residential used? and how HOA will act to regulate it or it is necessary to limit this by HOA?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may konting fee na babayaran. Finally, dapat meron pong matinding rason kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation. Kung sa tingin ninyo na hindi makatarungan ang nasabing patakaran sumulat po kayo sa Board para ipaalam ang inyong saloobin.
Sir how about nmn po sa nabiling lupa na rights lang at may nagclaim na wala nmn siyang titulo ng lupa. Sanay mapansin tong coment ko at mgawan ng kasagutan. Maraming salamat.
Tnx for the info.paano po Kung Ang among samahan ay wla pa title Ang lot.at iyon po Ang layunin ng ass.mandatory po b na sumali Ang lahat ng nkatira?at Tama po ba na kahit wlang bahay at Hindi lihitimong nkatira sa lugar ay maaring sumali sa HOA?
Magandang gabi po tanong ko pag hinde ba nka bayad ng monthly dues ng tatlong buwan ay may karapatan na ibenta ang aming bahay at lupa.pero wla naman nabanggit sa deed of sale namin ang HOA.pero nirehistro nila kya may karapatan daw ang mga board of director. Na ibenta kasama ang HLURB.
Magandang araw po Ms. Cristina. Salamat sa inyong katanungan. Kung hindi po makabayad ang isang homeowner ng monthly dues sa tatlong nakalipas na buwan, wala pong karapatan ang HOA board na ibenta ang bahay at lupa ninyo. Ang taninging kapangyarihan ng inyong HOA Board (kung sila ay legal na rehistrado sa DHSUD at BIR) ay ideklara kayong "delinquent member" ayon sa Section 9 ng RA 9904 at sa provisions ng HOA ByLaws. Kung magpipilit sila na kanilang mga sinasabi sa inyo na walang basehan sa batas, pwede po ninyo sila ireklamo sa barangay at sa DHSUD. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi po. Matatanong lang po. Pwede po ba mag increase ang HOA ng Monthly Dues without calling for a General Membership Assembly ng Homeowners? Please advice. Thank you.
Sir, legal po ba na magputol ng water connection ang homeowner's association ng isang subdivision during this time of pandemic? Tapos ngayon na need ho yung water nag sisingil po ng reconnection fee para ikabit ulit yung linya?
Magandang hapon po Atty.Gusto ko lang po itanong sa nyo kung papano ko po mallaman kung legal po ba itong aming association location po namin dito sa barangay ngapayong pasig city mangga 3 Tuazon home owners name nya may mga buwanang payad kami,pwede ko po bang verify sa bir ang resibo binibigay nila?malaman lang namin kung totoo kasi madalas bayad po ng bayad pag dating ng oras pag nagpalit ng president wala na din ang mga collection
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong. Ang isang HOA na rehistrado sa dating HLURB (ngayon ay Homeowners Associations and Community Development Bureau) ay meron Articles of Association at By-Law na nasumite sa HACDB. Para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado pwede po ninyo hanapin sa website ng www.hlurb.gov dahil wala pa pong website ang Department of Human Settlements & Urban Development, kung saan ang HACDB ay isang bahagi. Bukod dito pwede din po kayo na lumiham sa RDO-BIR kung saan lugar ang inyong HOA para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado sa BIR o hindi. Kung ang inyo HOA officers ay kolekta lang ng kolekta ng monthly dues at hindi kayo binibigyan ng O.R. na rehistrado sa BIR (ibig sabihin ay meron TIN ang inyong HOA), malamang hindi po rehistrado ang HOA sa BIR. Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
Pwede po bang humingi ng payo. Hindi po ba cover ng garbage disposal and hoa association fee bakit po pinag babayad parin ako ng garbage fee kahit nag bayad na ako ng association fee?
Magandang araw po Ms. Yvaine. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga HOA po ngayon ay nangongolekta ng "garbage disposal fee" na bukod sa monthly HOA dues. Ang fee pong ito ay special assessment (sa ilalim ng "environmental protection fee") under Section 9.2. ng HLURB RESOLUTION No. 001, Series of 2017. Ngunit dapat ang proseso sa pag kolekta ng garbage disposal fee ay nakasaad sa isang Board Resolution na pinasa ng inyong HOA Board at naka itemize sa official receipt ng HOA, na rehistrado sa BIR, at binibigay sa inyo pagkatanggap ng inyong bayad. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good morning atty. Ang village po nmin ay mga problema pa na dapat solusyonan ng developer pero gusto ng iturn over sa HOA, 70 percent ay gusto na iaccept at magkaroon ng election 30 percent ng residents ay ayaw pa po. Pwede na po ba iturn over at bumuo ng officer khit may 30percnt na ayaw pa? Sana masagot po agad atty.
Magandang araw po Sir Toffy. Salamat sa inyong katanungan. Ang HOA po ay parang isang bansa na demokrasiya ang namamayani. At dahil dito, the rule of majority will be followed po. Dapat po idaan sa referendum ang nasabing issue sa general membership meeting or assembly. At kung ang pagpayag sa turn over ng HOA community facilities at parks, playgrounds and open spaces ay 70% then kailangan po sundin ng 30% ang pasya ng nakararami. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Paano po Ang dapat gawin Kung Ang isang subdivision e walang developer maraming may ari at Wala kame mga hawak na title at bigla po may nag tayo Ng HOA pero Wala nmn po sila mapakita n mga documents na legal po sila pero gumagawa po sila Ng batas na kapag Hindi ka nag bayad lalot sa collection nila na para sa basura e Hindi ka kukuhanan Ng basura noon panmn po e Wala nmn HOA dito sa Amin ano po b Ang mga dapat nmin gawin para mahadlangan Ang mali nilang kagustuhan Sana po matulungan nyo po kame salamat po.
Magandang araw po Sir Godo. Salamat sa inyong katanungan. Pwede po ninyo ireklamo sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD) ang mga nagpapatakbo ng nasabing "organisasyon" na hindi nakarehistro sa DHSUD. Paki hanap na lang po ang address ng pinaka malapit na Regional Office ng DHSUD sa inyo. Kung nasa NCR po kayo, pwede po kayo magpunta sa main office ng DHSUD na katabi ng City Hall ng Quezon City sa Kalayaan Avenue po. Good luck.
Atty.Good morning po 2012 pa registered ang Hoa at ang nagparehistro nito ang Drveloper at I bang officer tao nila di nakatira sa subdivision at naningil ng monthly dues tama po ba ito? Marami di nagbbayad now ang sabi nila Lahat ng Di nagbbayad pwedi icharge sa pagkuha ng Titulo di daw makkuha ang Titulo if Di bbayaran all monthly dues mula ng cmula ano po tama?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang kasapi ng HOA ay dapat po homeowner sa isang subdivision project. Sabi po sa Section 3(j), RA 9904, ang HOMEOWNER ay isang "owner or purchaser of a lot in a subdivision/village." Base po sa batas dapat po ang mga members ng HOA ay may-ari ng lote sa subdivision project. Ang may-ari ng lote ay pwede po nakatira o hindi nakatira sa loob ng nasabing subdivision. Ang hindi ho pagbabayad ng HOA monthly dues ay wala pong kinalaman sa pag iisue ng titulo sa pangalan ng may-ari ng lupa. Basta fully paid na po ang lote, ayon sa PD 957 ay dapat na pong ibigay ang kopya ng titulo sa lupa sa nasabing may-ari. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang pagpasa ng Board Resolution ng HOA ay wala pong required number of days para ang Resolution ay maging epektibo. Once the Board Resolution has been adopted by a majority vote of the Board Members, it becomes effective immediately, unless there is a specific time period that is indicated on the Board Resolution itself. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
gud day ask ko lang. .bubuo plng po ng hoa subdivision nmin. .bali Phase 2 po xa ung Phase 1 my sarili pong HOA, tnung q lng pwd po b tumakbo ang isang officer sa PHASE 1 sa PHASE 2?. .preho po xang my property s parehong phase, ,ky lng my tnung sa isip ko bkit nid nya pang tumakbo?.. salamt po
Good evening Mark. Salamat po sa iyong tanong. Kung bubuo ng hiwalay na HOA ang Phase 2 dapat po sumunod ito sa mga alituntunin ng batas. At kapag naka rehistro na ang Phase 2 sa Bureau of Homeowners Association and Community Development, may sariling identity na ito sa Phase 1. Ngunit, sa aking palagay, hindi pwede tumakbo ang iisang tao sa parehong HOA dahil magkakaroon siya ng CONFLICT OF INTEREST na ipinagbabawal sa mga alituntunin ng dating HLURB (ngayon ay BHACD). Sana po makatulong ang impormasyon na ito. God bless always.
Magandang araw po Sir Joseph. Salamat sa inyong katanungan. Ayon po sa SEC. 30 ng PD 957, ang may-ari o developer ng isang subdivision project ay obligado na magpasimula ng isang Homeowners' Association na binubuo ng mga mga nakabili at nakatira sa nasabing subdivision project. Yung timing lang po ng pagsisimula ng isang HOA ay hind naklaro ng PD 957. Ngunit ang sabi ng batas ay ang pagsapi sa HOA ay voluntary at hind pwede pilitin ang isang homeowner na sumali sa binubuong HOA puwera na lang kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Absolute Sale na pinirmahan ng mga buyers o kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Restrictions at ito ay naka annotate sa land title ng nabiling bahay at lupa. Paki tignan lang po ang nasabing dokumento para sa inyong kaalaman at patnubay. God bless po.
Hello Atty. pag nangungupahan ka lng po ba sino responsible sa pagbabayad ng HOA. Owner or naguupa? Required po ba kmi magbayad monthly even wala sa contract nmin ang HOA fees? TIA
Good morning po attorney ask ko po may batas po ba na nag sasaad sa batas patungkol sa pag lagpas ng bubong mga gamit pag luluto sa daanan pag papatugtog ng lampas sa 10pm to 8am. Para na rin po sa kaalaman niyo 1 meter lang po kasi nag daanan namin at dead end pa po. 😢
Good morning Raphael. I hope all is well with you. Than you for your question. May mga restrictions po regarding your concern na nasa Building Code of the Philippines. Hindi ko lang alam kung anong exact provision po. Pwede po ninyo itanong sa Office of the Building Official sa inyong LGU. Yung pagpapatugtog o pagkanta ng malakas sa disoras ng araw o gabi ay sakop po ng ordinansa ng inyong LGU. Kung wala pa pong ordinansa patungkol dyan, pwede po kayo magreklamo sa barangay o sa munisipyo ng inyong LGU. Good luck po.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang pagbabayad po ng monthly HOA dues ng isang nangungupahan ay depende po sa kasunduan ng dalawang panig sa Contract of Lease. Wala pong sinasabi ang batas kung sino po ang magbabayad nito. Kadalasan po ang pagbabayad ng HOA dues ay nakatoka sa Lessee (yung naupa ng baha). Kung ang may-ari po ang magbabayad ng dues, kadalasan po nakasama yung halaga ng monthly dues sa kabuuang renta na babayaran ng Lessee. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Magandang araw po Sir Leandro. Salamat sa inyong katanungan. Ang mga informal settlers po ay pwede magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng Community Mortgage Program ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU at sa NHMFC. Kailang po kasi nila ng "originator". At ang LGU, kung papayag po ang Sanggunian, ay pwede maging "originator". Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Magandang araw po. Salamat sa inyong comment. Sa sitwasyon na ganyan, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang nasabing HOA President ninyo o pwede po ninyo siyang tanggalin sa kanyang posisyon, Sundin lang po ninyo ang prosesong nakasaad sa inyong HOA ByLaws. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Atty.,magandang hapon po, how about,nag elect na sila ng officers last January 2020, tapos hindi alam ng ibang homeowners(lack of communication), tapos until now hindi pa rin nalilipat sa amin ng developer ang HOA, please help Atty.
Gud day atty Jojo.nakabili po kami NG lote na walang papel,I mean entry pass.excess lot po.bininta NG katabi namin bahay.may kasulatan Lang po kami,Pina-register namin sa Hoa,ang ginawa same PA din NG number my - A Lang.ex.B-22 L-99-A po. Pwd q PA ba ipa-iba at gawan kami NG sarili na number?
Magandang araw po Ms. Josephine. Salamat sa inyong katanungan. Ang excess lot po ay may ligal na proseso na sinusunod para marehistro sa inyo. Kung wala pong kasulatan ang bentahan ng nasabing lupa, hindi po ninyo magigiit na ipa-iba at gawan kayo ng sariling lot number. Kung gusto ninyo ng mas malilim na kasagutan, pwede po kayo sumangguni sa PAO. General information lang po ang aming binibigay sa mga nagtatanong. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi gud day po atty.! Ask ko lang po! Naka bili po ako ng bahay sa lupa na rights lang meaning wala po titulo, at ang lugar na yun ay may hoa, ang hoa sa lugar na yun ay mandatory po clang naniningil ng membership fee po na worth of 15thousang pesos, hindi kopa po alam kung registerd po ba cla ng hlurb at bir, tanong ko atty., kung may karapatan ba cla na pilitin kami na mag pa member e yung lugar hindi naman subdivision or hindi naman titulado???
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Kung hindi po naka rehistro ang HOA sa HLURB (ngayon ay DHSUD) at BIR wala po itong karapatan na maningil ng membership fee. Also, wala po kayo at ang ibang kasapi sa HOA na matibay na pinang hahawakan kung "rights" lang po ang inyong nabili. At dahil dito, kung ang totoong may ari ang lupa ang magpapakilala sa inyo at paaalisin kayo, wala po kayo magagawa. Ingat lang po.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Pagpasensiyahan po ninyo at hindi ko po maintindihan ng lubos ang inyong tanong. Kung wala pong naka-annotate sa mga titulo ng may-ari ng lupa ng subdivision project na "mandatory" ang membership sa isang HOA, pwede pa rin po magtayo ng HOA sa subdivision project ang mga homeowners na gusto magkaroon ng HOA. Hindi lang po pwede na pilitin ang ibang homeowners na sumapi sa itatayong HOA. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good morning Atty! kami po ay palipat ng gobyerno sa northville1 at sakop ng NHA. Ang aming mga HOA ay nagpatupad ng vehicle sticker na may kaukulang bayad. Ito po ay hindi dumaam sa general assemble or public consultation. Hindi rin ipinaalam sa mga miyembro na dapat kinakailangan para simple majority bilang kanilang pagsangayon. Tama po ba ang kanilang naging habang atty. Maraming salamat po
Ask lang po, iba po ba ang Neighborhood Association at Homeowners Association? Kung oo po, need po ba itong iregister din? San po ito makikita kung legal?
Can the developer impose a homeowner monthly due to a single dwelling house constructed over four lots considering that the one lots is only 90 SQ M. Also the developer is imposing a lot monthly dues without any house built on it? Please enlighten us about this matter if illegal or legally allowed?
may karapatan din po ba na maningil ng bond ang developer wala po kaming hoa officers sapagkat hindi po kami iniendorse ng developer pero may mga volunteers po kami naniningil sa basura sapagkat hindi naman po kami iniintindi ng developer...
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ano po kaya yung bond na sinisingil sa inyo? Kung construction bond po ay ligal na naman po iyan. Ito po ay sumasagot king may masisira na kalsada o improvement dahil sa paglabas at pasok ng mga construction materials sa subdivision. Also, kung may deed of restrictions at setbacks na hindi nasunod pwede po i-forfeit ng developer ang construction bond. Ngunit king wala naman pong nasira at sumunod kayo sa lahat ng nakasaad sa Deed of Restriction dapat po agad ibalik ang construction bond kaagad.
Good day Sir. Tanong ko lang po, ang lugar namin ay hindi subd. At hindi rin village. Sitio lamang at meron nagtayo ng HOA dito sa amin naniningil sila ng monthly due at car sticker. Hindi rin ito membro ng HLURB at hindi register sa B.I.R. Ano pweding gawing asksyon dito.
Good evening po. Salamat po sa inyong katanungan. Ireklamo po ninyo sa Office of the Mayor, sa BIR at sa Department of Human Settlements & Urban Development (ang dating HLURB). Pwede po magsampa ng kasong administrative, civil at criminal laban sa mga "officers" ng inyong HOA na hindi rehistrado.
Sir nakikiusap Po ako na masagot Po ninyo ang aking katanungan pls Lang mo paki replyan mo Po ako totoo ba na pag nag election ang home onwer asusation ang pwede government bomoto Po ay ang May ari nanaka pangalan Sa kanya ang papel ng bahay eh kasi Po ang asawa ko at mga anak ko hindi pwede bomoto Sa gaganaping election ng homeowners
Magandang araw po Sir Randie. Salamat sa inyong katanungan. Tanging ang miyembro ng HOA lang po ang pwedeng bumuto sa HOA election. Hindi po pwede ang kahit sinong tao na nakatira sa bahay ng homeowner-owner. Ang karapatan na bumoto sa HOA election ay nakasaad po sa Section 7 ng RA 9904. At ito po ay para lamang sa miyembro ng HOA. May exception po iyan pero hindi po sakop ng exception ang mga kasama sa bahay. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Sir tanong ko lang po, sinisingil ako ng almost 9k sa subdvsiin n nabili ko hindi ko pa natirahan yung bahay nayon 3years npo smin yung bahay pero hnd pa natirahan legal ba sila na maningil ng ganubkahit hind pko nkatira doon
Sir ask q lng po....kapag kau ay nagkaroon ng kaso sa hlurb n to vacate at nadesisyunan n....kaya lng umablt ng 12 years na hnd napatupad ng arbiter ng hlurb....may bisa p rin po b yun para mgdemolis....thanks...txtback pls....
Sir ako po ay nakatira sa isang subdiv sa avida sta catalina salawag ang problema po nmin ang ayala po ay binitaan na po at iddonate n lng sa lgu kaso d pumayag ang hoa at cla ang umako na magshoulder ng bayarin sa clubhaus or sa spine road, ano ang dahilan bakit inako ng hoa kz ayaw n makapasok ang iba, kaya napilitan ang 3 phase na mangolekta ng fee na binase sa laki ng lupa ng mga member, per sqr mtr, 6pesos so kung malaki lote mas malaki ang fee, bkit binase sa lote hindi po doon sa laki ng spine road o expenses ng club haus,ang problem po hindi po nagpatupad ang isang phase bastat inapprove n ln ng hoa officers without the voting of the members , at wala pa pong final turn over, legal poba un at sobang taas po
Paano po nagta-transition ang HOA BOD from HLURB to DHSUD? Saan na po dapat nagpapasa ng requirements ang elected BOD? HLURB ba or DHSUD? salamat po Atty.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Wala pong bagong requirements na ipapasa sa DHSUD. Yung listahan ng mga registered HOA na nakatala sa HLURB, ay pareho pa rin po sa talaan ng DHSUD. Ang mga reportorial requirements na dapat ipasa ng HOA kada taon ayon sa alituntunin na nakasaad sa RA 9904 at IRR nito, ay ipapasa na po ngayon sa DHSUD, in particular sa Homeowners Associations and Community Development Bureau (HOACDB). Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi Atty Jojo. Tanong ko lng po kasi yung mga officers sa subdivision namin ay in practice sila na sumasahud pero hindi nila sinasabing sahud sabi lng nila honorarium lng daw. Pero monthly sila lahat tumatanggap at may proposal na naman daw sila na mag increase at meron pang sinasabi na magkaroon ng discount sa kanilang monthly dues pa. Legal po ba ito Atty?
Ask ko lang po atty, paano po kapag hindi po registered yung HoA sa SEC or sa HLURB? Kini-claim po nila na registered po sila sa BIR, pero hindi naman po yun ang tamang department for registration. In fact po, may monthly dues po sila na hinihingi samin at meron din pong mga kinukuhang entry fees para sa deliveries, e sa mga residence din naman po yung mga pupuntahan nung mga deliveries na yun
Magandang araw po EM. Salamat sa inyong katanungan. Ang unang hakbang po na ginagawa ng HOA ay ang pagpaparehistro sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD). Ang dating HLURB ay DHSUD na po ngayon. Pangalawa po, tsaka pa lang magpaparehistro sa BIR ay HOA kapag lumabas na ang certificate of registration ng HOA mula sa DHSUD. Ang patunay po na nakarehistro na sa BIR ang isang HOA ay ang pag-iisyu sa mga miyembro ng official receipt na may valid Tax Identification Number kada bayad ng month dues, etc. Kung hindi po sumunod ang inyong HOA sa prosesong ito, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang mga tao sa likod ng inyong unregistered HOA. Good luck po.
Good evening. Tanong lang po. Bagong bili ko lang nang 20 year old condo at nagbabayad ako nang HOA dues every month. Napansin ko ay ang property management is not maintaining the property. I’ve asked kung kelan ang HOA meeting. Ang sabi ay wala daw HOA committee established by condo owners. All decisions are being done by developers and they don’t invite condo owners to attend their meetings. I have been writings letters to property management to implement their house rules and make some repairs but I am being ignored. Other owners feel the same way but I am more passionate about correcting the issues. Ano po ba ang dapat ko or namin gawin para ayosin nang property management ang condo namin? Thank you.
I apologize for the late reply. I was sick for about 2 weeks. I hope I have answered all your concerns in an earlier thread just now. Good luck a d God bless. I hope all Unit Owners are as passionate as you in upholding your rights as Unit Owner. God bless always. Atty. Jojo
Realttorney TV thank you so much for the info. I’ve already mailed a letter to Hlurb and just waiting for their reply. I would like to suggest if you can make a segment similar to my situations as I know a lot of condo owners experiencing the same issues (not worst as mine). Again, thank you.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Ang bawat subdivision project ay may right-of-way palabas sa public road (barangay road, municipal road, city road or national highway. Kung sa private road po naka konekta ang main road ng inyong subdivision, pwede po masabi na nakikiraan lang ang subdivision sa may-ari ng lote sa harap. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Sir tanongko po kung pede b maningil ang presidente ng home owner....para magpagawa lng ng kalsada ang mga dumadaan n sasakyan... Hndi poh sya rehistrado ng hlurb... Ang dokumento lng n ipinapakitq ay ordinaryong papel n may pirm lng ng land owner... Pero wala certification ng baranggay.. Sealed nito
Good evening. Maraming salamat sa iyong katanungan. Ang isang HOA ay dapat muna magparehistro sa Department of Housing & Urban Develoment at sa BIR bago ito magkaroon ng karapatan at kapangyarihan na maningil ng special assessment para sa pagpapagawa ng kalsada sa subdivision project. Lahat ng sisingilin sa mga miyembro ay dapat ma-isyuhan ng official receipt na rehistrado sa BIR. At ang pondo ay kontrolado ng HOA at hindi ng developer. Sana makatulong ito sa iyong sitwasyon. Good luck. God bless always. Atty. Jojo
Good day po.. sir ask ko lng po paano po kaya singilin ang mga member ng hoa in a good way.. malaki po kc ang dpt kolektahin sakanilng obligasyon sa monthly dues.. at kng sakali hnd sila mgbyd ano pwdng kaharapin nilng violation na pwdng ipataw?
Hi Mark. Ang una dapat gawin ng HOA Board ay ipakita sa mga miyembro na nagtatrabaho sila para sa kapakanan ng buong HOA. Clean Up Drive sa bawat kalye, paggawa ng community vegetable garden at ronda patrol ang ilan pwede gawin para mapakita sa mga kasapi ng HOA na may ginagawa para sa buong komunidad. Ngayon, sa pag singil ng arrears sa monthly dues, mas mainam kung papadalhan ng sulat ang mga miyembro na nakasaad duon kung ano ang utang nila sa HOA. Tapos ang Board ay dapat maglabas ng mga alituntunin na magbibigay ng tulong sa mga miyembro na hindi kaya bayaran ng isang beses ang kanilang utang -- installment payments, na pwede weekly o bi-weekly, 20% discount kapag nabayaran buo ang utang, etc.. Pag natanggap na ang sulat mag personal follow up po after 1 week siguro para malaman kung sang-ayon sila sa payment scheme. Mahirap at nakakapagod ang trabahong ito pero kailangan tiyagain lang ng mga namumuno. Ang RA 9904 ay nagsasaad kung paano masasabi kung sino ang delinquent members ng isang HOA (Section 9). Kapag hindi nagbabayad ng monthly dues ang isang kasapi pwede siya matawag na delinquent member. Ang sabi ng batas ay ang ByLaws ng HOA ang magsasaad ng patakaran o alituntunin kung paano magiging delinquent ang isang kasapi ng HOA. At nakasaad din dapat sa ByLaws kung ano ang mga parusa na ipapataw sa delinquent member. Ano ang halimbawa ng parusa na pwede ipataw? Kung may centralized garbage collection system ang HOA pwede na hindi kunin ang basura ng miyembro para dalhin sa lugar kung saan ang pick up point ng garbage truck ng LGU. Hindi pwede tumakbo bilang Board Member sa halalan ng HOA ang isang deliquent member. Ang importante po ay ang mga administrative sanctions na ito at iba pa para sa delinquent members ay dapat nakasaad o nakapaloob sa ByLaws ng HOA. Kung hindi bawal po na ipataw ang mga sanctions na nabanggit. Mahirap pong gawin ang pag-a-amend ng HOA ByLaw, pero iyan po ang nakasaad sa batas.
Magandang araw po Sir Jerremel. Salamat sa inyong katanungan. Ang isang miyembro na DELINQUENT or hindi in good standing ay hindi po maaring sumali sa General Assembly. Ngunit dapat po muna na ang nasabing miyembro ay dumaan sa proseso na pagtukoy sa kanya bilang isang "deliquent" member. Ang proseso pong iyan ay nakasaad dapat sa ByLaws ng HOA. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon. Good luck.
Atty. ask ko lng po.kc un BOD nmin sinisingil kami ng association dues na Php 300/mo. Turnover na po samin yung house and lot kso d pa kami nkatira duon.Dapat po ba na magbayad pa rin kami ng buo ? wla namn kami dun sa property na yun..kinausap namn po ng mister ko na kung maaari khit kalahati ng 300 kasi nga d kami naktira kso di pumayag.kaya di na mna kmi nagbbyad ngayon. Un dues ay para sa street light,guard at basura. salamat po.
Hi Honeyjing. Merry Christmas. Salamat sa iyong katanungan. Paki tignan ang inyong Deed of Sale kung nakasaad duon kung kailan magiging miyembro ang isang buyer ng H&L sa HOA. Kadalasan, kapag nakapag turn-over na ng H&L sa buyer kaagad na miyembro na ng HOA. Sa ganitong pagkakataon, kahit nakatira o hindi ang bagong may-ari ng H&L, kailangan pong magbayad ng monthly dues. Wala po itong pagbubukod (o exception) dahil hindi nakatira ang may- ari ng H&L sa subdivision -- may ibang bahay o nagtatrabaho sa ibang bansa. Isang tungkulin ng bawat kasapi (o miyembro) ng HOA na magbayad ng monthly dues. Ito ay nakasaad sa Section 8, RA 9904. Mas maganda po kung hihingi kayo ng "payment terms" sa arrears ng monthly dues. Kailangan lang po talaga itong bayaran. Good luck po.
hi ask ko lang po may karapatan po kami na hindi sumunod sa developer sa pag papagawa namin ng extension kasi may allowable na sukat lang sila na ini aaproved, eh ang balak namin wag sumunod sapagkat napakaliit lang na allowed nilang sukat, kami na po ang nagbabayad sa pag ibig pati tax, wala po kaming home owners officers sa kadahilanang hindi kami iniendorse ng developer..
pero sa contract to sell na pinirmahan ng asawa ko last 2014 may mga terms and conditions sila sa pagpapatayo as long na hindi lalagpas sa property line mo ang roof okay basta nahihirapan po kami attorney🤦♀️😭
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ms. Marienel, please read your ByLaws and your Deed of Restrictions at nakalagay po dun kung hanggang saan po kayo pwede magpagawa ng extension. May mga set-backs po kasi na nakasaad sa batas kung kaya't hindi basta basta na pwede magpagawa ng extension kung mawawala ang set-back na nilaan ng batas para sa maayos na pamumuhay. Good luck po.
Hi again atty. Gusto ko rin po malaman kung paano mabubuwag yung association kung illegal po yung ginagawa nila? Naghihikayat po kasi sila ng mga tao sa lugar namin para maging members at pinapangakuan po ng libreng titulo ang magiging miyembro ng HOA ang nakakapagtaka lang po may kasama pa po silang taga denr pag nagiikot po sa brgy namin? Ano po sa tingin niyo po sa ganitong case? Hoping po sa inyong response. Thanks po and God bless atty.🙏
Good morning po. Salamat po sa inyong katanungan ulit. Before you can determine if the HOA was created illegal, you have to check if it is registered sa Department of Human Settlements & Urband Development (formerly, HLURB). If it is duly registered then you go through the process of revoking the certificate of registration of the HOA. If it is not regiatered then no need to file a revocation case. However, you cannot stop the activity of these people if they insist on recruiting "members". Sabihan na lang po ninyo yung mga tao na baka wala pong mapala yung pag recruit sa kanila. Good luck.
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang homeowner sa isang subdivision na hindi miyembro ng HOA ay pwedeng ireklamo sa hindi pag sunod sa mga alituntunin ng HOA. Ngunit kung ang ibig ninyong sabihin ng pagpepetisyon ay ipapatanggal o papaalisin ang isang tao na nakatira sa subdivision, wala po karapatan ang HOA na gawin ito lalo na kung ang papaalisin ay siyang may-ari ng bahay at lupa na nasa subdivision.
@@REALTTORNEY good pm attorney jojo perez ask ko po mag re election po kmi ng officer ilan po ang board member at grievance commitee n kailangan kc po pag nak pag election n po kmi ipaparegister n po nmin . Thanks & god bless po
Hanggang ngayon po dalawang resibo ung isa official receipt which is 300 pesos tapos 'yong isa printed lang na resibo which is 200 pesos ..sa palagay ko po walang legality ung 200 pesos.
Ang tanong ko po sir im a new owner of lot nabili ko but the last owner of the lot hindi nya binayaran yung hoa since nabili nya yung lot.. ang tanong ko po ako po ba mag shoulder ng hoa since na bili nila yun almost 20 years na dinila binayaran yung hoa pero sa registered deed nila wala namn naka sulat na automatic na member sila ng hoa.. please answer my question thank you
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Unfortunately, sagot po ninyo ang arrears ng HOA dues ng previous owners. Bakit po? Dahil ang HOA dues po ay nakakabit sa lote na nasa loob ng isang subdivision. Kahit magbago po ng may-ari ang real property (lote o bahay at lupa) naka charge po ang dues sa property. Kaya nga po palagi ko sinasabi sa mga gusto bumili ng H&L sa isang gated community na paki research muna king may utang ang may-ari ng bahay sa HOA. Kung meron po dapat po bayaran muna ng may-ari ang arrears bago ito ipagbili o iawas sa contract price ang halaga ng arrears sa HOA para walang extra cost ang bagong may-ari.
Atty, Im OFW and ung property House & Lot ko ay pinaupahan ko and bigla sabj ng HOA na Forclosure na daw ung House ko..May karapatan ba ung HOA na mag foreclosure ng Property ko..pls answe ASAP po.salamat!
Magandang araw po Sir Jerome. Salamat sa inyong katanungan. Wala pong karapatan na mag foreclose ang HOA ng isang property ng homeowner. Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Thank you very much Atty. Jojo Perez for sharing to us your legal expertise on matters concerning the HOA! I am looking forward for your future #UsapangHOA in the near future.
Maraming salamat po. 😁
Thank you po
Gud pm po atty. Ask q lng po kung may krapatan po b n myembro na tumanggi sa pinagbibili Ng HOA na mga project gagamitin dw s fund
Atty good day
Ask ko lng po kung may power ang mga current officers na may kaso na show cause order.over staying 5 yrs terms.hindi nag sumite ng annual reports since 1998,un official receipt ang ini issue sa mo.dues.mag amyenda daw cla ng bylaws,babaguhin nila na pwede tumakbo sa election ang caretaker at renter.f ever na ma amyendahan ano.po ang proper procedure para maging valid..need pa po ba ipa alam sa dhsud..
Ayaw po nila gamitin ang old bylaws.maraming salamat atty.God bless
salamat sir sa info.. highly recommend p channel ninyo.. Godbless. we will support ur channel sir..
Maraming salamat po.
@@REALTTORNEY pano po kung nasa skwater po at wlapo sa subdivision hindi po sa amin ang lupa lat may assasasion puede po bang hindi kmi sumali matagal napo since birth pa pokmi dto sa lupa naitokung po bang mag bigay ngbiyaya ang may ari ng lupa maoasama ba kmi fahil wla kmi sa assosasion.
Attorney, ask ko lang po if tama ba na wala pa kaming HOA pero naniningil na ng association due ang developer
Magandang araw po. Sir Roderick Salamat sa inyong katanungan.
Hindi po pwede na ang developer ang maningil ng association dues. Dapat po bumuo muna ang developer ng isang HOA at ang Board of Directors or Trustees ang siyang mangongolekta ng monthly dues pagkatapos po na ma-rehistro ang HOA sa DHSUD at sa BIR. Panghuli, dapat din po sundin ng HOA Board ang sinasaad ng ByLaws at rules and regulations sa pagpapataw ng monthly dues sa mga miyembro.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi po. Ask ko lang po kung nawawalang bisa ang isang MOA sa pagitan ng dalawang HOA pag nagkaroon na ng panibagong set of HOA Officers? Salamat po.
Atty mag kano po b ang membership at monthly dues ng mga pabrika na nasa loob ng hoa....
I just saw your You Tube Channel and subscribed immediately, watching your other episodes as well. Thank you for your generosity in sharing your expertise with problematic homeowners and lot owners. Hope I found you earlier. More power to you Atty. Jojo!
Thank you for subscribing and watching the videos. By God's grace, we hope we can file more videos this 2022, to provide more information to homeowners desperately in need of it. Please share the video to your friends who you think may benefit from watching the content made so far. God bless always.
good pm po Atty, mag aasked lang po sana ako ng legal assistances about po sa tie up ng water service and Homeowners Association. meron po kasing arrears si home owner from before na dues years na po ang binilang ngaun po nagbabayad na po ng monthly dues(current) plus water bill. naiwan po si arrears pero may intention naman po to pay but not the lumpsum. from the past years po, ngaun lang po nagbigay ng disconnection si water provider to collect ung arrears and threated na kapag di nabayaran before due date puputulin po ang tubig kahit bayad and water bill in which wala naman po din na cascade na info and board of directors. ask lang po sana if they are violating some laws incase putulina ng water service ni homeowners. salamat po sa sasagot
Ilan buwan,taon? Kng meron protest Ang Isang matalong candidates
Gudam sir ask k lng po ilang % po b pwedeng magkaroon ng hoa at hal.500 unit capacity ng subd.nmin pero 150 plang ang nakatira s amin ang sabi po s amin ng filinvest wla raw kming karapatang tumanggi
sir ano po pwede gawin kung ayaw mag turnover ng previous officers ng mga account at assets to new elected officers since march 21 2021,
Kung di naka registro ang subd sa hlurb
Atty ano po ang mga hakbang na kailangan gawin upang ipetisyon na tanggalin ang isang hoa officer na simulat sapul eh hindi po umaattend ng meeting ng hoa officers at hindi din po active?
Sir napakalaking tulong nitong video ninyo salamat po sa inyo and God bless.
Hi Atty Jojo. Maraming salamat po sa mga payo po ninyo. Sana po ay masagot po ang katanungan na ito. Puede po ba maging opisyales ang anak ng owner kapag senior na ang owner at willing n syang ibigay ang membership nya sa anak niya? Sana po masagot ang aking katanungan. God bless.
Hello sir may tanong po ako. May lupa kasi ako na nabili na 300sqmtr ngaun po kahit po ba wala pang bahay kailangan ako mag bayad ng lupa.
di bo ba ang deeds of restrictions is an agreement between the developer and the buyer? and when the developer is left the develop project meaning the agreement in deed of restrictions are not considered valid
Sir bumubuo kami ng hoa kaya lang ayaw aprubahan kelangan daw pumunta muna kami ng dshud
Phase 1 to 5 phase 5 kme
Hindi na kami inaabot ng tulong
May nakita kaming batas na once himdi ka dumadaan sa nasasakupan nila may kalayaan kaming bumuo ng sariling hoa at hindi kami na seserbisyuhan ?? Ano po ba pwedeng gawin kelanga. Po ba talaga punta pa kmi ng hoa
Sir saan po makikita yung revised 2021 implementing rules and regulations ra 9904
Googke nyo po
Legal po ba na ang LGU mismo ang naginitiate ng HOA sa isang street ng isang brangay( hindi subdivision) ang sinsabi nla kpag hndi ka member ay wlang mttnggap n ayuda sa govt
Paano po ba talaga ang hoa dues if 1 lot address lang po kmi pero 3 po na apartment pano po ang payment ng monthly dues nun
Here in Villa Elena the officers was not elected by the mambers as such appointed by the realty co. Start their operation prior to the approval Hlurb as well reg with BIR is now issuing payment with aknowledgement receipt are the legal in thier operation and imposing rules that if you have accountability on monthly dues the prevent installation internet provider in in your residential place to have this facilities as work at home employee to have an income for your family pls help us to handle this problem thank you.
Magandang araw po Sir Lito. Salamat sa inyong katanungan.
It seems that your HOA is not duly registered with DHSUD and BIR. If this is the case then you can file a complaint with the DHSUD (Human Settlements Adjudication Commission). That is the only you can stop the wrongdoings committed to all the homeowners in your subdivision. You can also file a complaint against illegal collection with the barangay, if you so choose. But, going directly to DHSUD is best for the situation of the homeowners.
Good luck. and God bless.
Gd day atty. Pano po ang proseso sa street names ng isang village o subdivision. Anong mga docs ang dapat ihanda o isumite.
Atty. ako po ay may tanong. Ako po ay may nabiling townhouse ng cash, inner unit po ito. Ngunit may konti lamang akong binago, ang bubong po ng terrace ay kalahati at nakaharap sa kanan. Ngaun po ng magbubong kami ng kalahati pareho na naming pinaharap sa kalsada. Pinababaklas po sa amin dahil bawal daw po ang ginawa namin?
Very helpful. Thanks!
Maraming salamat po. Keep safe and stay healthy always.
@@REALTTORNEY kayo rin po, stay healthy and safe. God bless.
Sir tama po ba na hindi kami member pero gusto nila para ma bigyan kami hoa certification na need sa manila water mag bayad daw kami ng montly dues
Paano po ang impormal setler assn na naka rehistro puedi rin zela di mag pa membro
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga informal settlers po ay pwede magtayo ng HOA. Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU. Hindi po pwede sumali ang informal settlers sa isang HOA kasi po hindi po sila ang may-ari ng lupa kung saan sila nakatirik.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi po. Magtatanong lang po. Katatapos lang po ng HOA Election namin this February 2023. Ang tanong ko po, ano po ang requirements ng DHSUD para mapa update namin ang new set of Officers sa records nila at mapa renew na din po namin ang aming HOA Regustration sa DHSUD? Salamat po.
Atty. Papano po ayaw nila magbigay ng bir na resibo?? Tapos gusto nila lahat ng delivery 10pesos isa isa .kung anong dala ng motor
salamat po😊❤️🤝
Most welcome po. Paki share lang po sa mga kaibigan ninyo na pwede matulungan ng impormasyon na binahagi namin sa Episode 1. God bless po.
Gud morning po ang homeowners po namin ay hindi naka registered sa HLURB pero naniningil sila ng monthly dues na kasama sa bill ng tubig po monthly. Gusto po namin na magkanya kanya ng tubig for residential kasi sobrang laki po ang sinisingil nila ang sabi ng Maynilad na bundle po ang tubig kaya di pwede kami magkanya kanya
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Meron talagang ganyang sitwasyon na ang Maynilad ang kausap lang ng HOA. At may standard charge lang po kada homeowner sa tubig. Kung gusto ninyo baguhin ito makipag usap po kayo sa HOA Board para sila ang kakausap para magkaroon ng metro ang bawat homeowner. Pero baka po may malaking paunang gastos ang pagpapalagay ng sariling metro sa bawat bahay ng homeowner. Timbangin po ninyo ang inyong mga options. Good luck.
atty kung 2nd owner ka na ng bahay required ba na bayrn mo yung utang ng previous owner bago mo pa mabili yung bahay?
Good morning atty,I'm from Antipolo city, Rizal,where can we file our complaints against our past officers? Issue is non submission of FINANCIAL STATEMENT for the past 5 years
sir punta po kyo sa dhusd calamba . for dissolution na po ang hoa pag ganun po
Slamat po.. Dagdag kaalaman sa aming karapatan
Most welcome po Ms. Malou.
Ano po ba ang kapangyarihan ng president ng HOA at ng Board of trustees
Atty gdpm paano po kung ang binibigay nila resibo sa monthly dues is peti cash at hindi resibo ng bir pwde po ba ako hindi magbayad..hindi na din nag sumite ng annual report sa DHSUD since na rehistro.salamat.po
Magandang araw po Sir Alex. Salamat sa inyong katanungan.
Pwede po kayong hindi magbayad kung hindi BIR-registered official receipt ang binigay sa mga miyembro kapag nagbabayad ng monthly dues. Pero, mas mainam po kung irereklamo ng mga homeowners ang mga officers na nasa likod ng illegal na pagkolekta ng monthly dues. Hanggang sila po ang nangongolekta ng monthly dues, pahihirapan po nila kayo kahit kayo ang nasa tama. Good luck po.
nakatira po ako sa labas ng subdivision entrance gate. meron pong homeowners association ang nasa loob ng carmel 3 subdivision. pwede po ba nila akong singilin ng homeowners association dues kahit ako ay wala sa enclosed area ng subdivision?
Gooday...sa pg entrnce po nmn sa sub kelangn po ng sticker..ngyn po 2021 may bago rules ang po na kailangn mg fill up ng form at bibigyan k lng ng form kpag updated ka sa monthly due...at kpag hindi po kelangn mo mg bayad ng 5 pesos..sa main gate nmn..makatwiran po ba iyon...salamat po.
Atty.,kung hindi ko po gusto na magmember ng HOA,may right po ba ang board of director na pilitin akong magbayad ng monthly dues at ano po ang mawawala sa aking mga karapatan sa pagtira ko sa subdv ito?
Sir poide b hnd edeposet ang pera s HOa
diko po makita yung episode #3 ?
Magandang araw po. Pasensiya na po at mukhang wala nga yung Episode 3. Hindi po naupload. Hanapin po namin kung saan siya nai-save at i-upload agad. God bless po.
Kapag hindi po ba nakka pag updated sa pagbabayad ng monthly due wala ka pong karapatan n magtanong kong saan napupunta ang mga pera na pumapasok sa HOA,lalo na po dun sa sticker na nakokoleksyon nila
Pwede po bang maging opisyal ng HOA ang tenant or nangungupahan?
good pm po.. mag koconduct napo kami ng hoa election ngayong feb.. ok lang po ba na wag naming sundin yung sa hlurb kasi po ang gusto ng majority eh per partylist... sa hlurb po kasii base sa ranking ng mga tumakbo ang magiging posisyon nila.. pag 1 ka automatic president kana.. sana po mapansin ninyo ang tanong ko.. salamat po and god bless
may mga guidelines po b sa pag gamit ng sattelite disc within residential used? and how HOA will act to regulate it or it is necessary to limit this by HOA?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan.
Bago po magpatupad ng kahit na anong guidelines ang HOA Board kailangan po na dumaan ito sa masusing pag aaral at mas maganda kung aprubado ng mga miyembro bago ipatupad ito, lalo na kung ang regulation ay may konting fee na babayaran. Finally, dapat meron pong matinding rason kung bakit ipapatupad ang nasabing regulation.
Kung sa tingin ninyo na hindi makatarungan ang nasabing patakaran sumulat po kayo sa Board para ipaalam ang inyong saloobin.
Sir how about nmn po sa nabiling lupa na rights lang at may nagclaim na wala nmn siyang titulo ng lupa.
Sanay mapansin tong coment ko at mgawan ng kasagutan.
Maraming salamat.
hi po attorney.. pwde bang singilin ng bagong may-ari ang monthly dues ng dating umuupa?
Tnx for the info.paano po Kung Ang among samahan ay wla pa title Ang lot.at iyon po Ang layunin ng ass.mandatory po b na sumali Ang lahat ng nkatira?at Tama po ba na kahit wlang bahay at Hindi lihitimong nkatira sa lugar ay maaring sumali sa HOA?
Magandang gabi po tanong ko pag hinde ba nka bayad ng monthly dues ng tatlong buwan ay may karapatan na ibenta ang aming bahay at lupa.pero wla naman nabanggit sa deed of sale namin ang HOA.pero nirehistro nila kya may karapatan daw ang mga board of director. Na ibenta kasama ang HLURB.
Magandang araw po Ms. Cristina. Salamat sa inyong katanungan.
Kung hindi po makabayad ang isang homeowner ng monthly dues sa tatlong nakalipas na buwan, wala pong karapatan ang HOA board na ibenta ang bahay at lupa ninyo. Ang taninging kapangyarihan ng inyong HOA Board (kung sila ay legal na rehistrado sa DHSUD at BIR) ay ideklara kayong "delinquent member" ayon sa Section 9 ng RA 9904 at sa provisions ng HOA ByLaws. Kung magpipilit sila na kanilang mga sinasabi sa inyo na walang basehan sa batas, pwede po ninyo sila ireklamo sa barangay at sa DHSUD.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Pwd ba maningil ng fees gaya ng pag tas ng singil ng tubig?kahit walang mumeramdom na pinalalas?
Hi po. Matatanong lang po. Pwede po ba mag increase ang HOA ng Monthly Dues without calling for a General Membership Assembly ng Homeowners? Please advice. Thank you.
Sir, legal po ba na magputol ng water connection ang homeowner's association ng isang subdivision during this time of pandemic? Tapos ngayon na need ho yung water nag sisingil po ng reconnection fee para ikabit ulit yung linya?
Magandang hapon po Atty.Gusto ko lang po itanong sa nyo kung papano ko po mallaman kung legal po ba itong aming association
location po namin dito sa barangay ngapayong pasig city mangga 3 Tuazon home owners name nya
may mga buwanang payad kami,pwede ko po bang verify sa bir ang resibo binibigay nila?malaman lang namin kung totoo
kasi madalas bayad po ng bayad pag dating ng oras pag nagpalit ng president wala na din ang mga collection
Good evening po. Salamat po sa inyong tanong.
Ang isang HOA na rehistrado sa dating HLURB (ngayon ay Homeowners Associations and Community Development Bureau) ay meron Articles of Association at By-Law na nasumite sa HACDB.
Para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado pwede po ninyo hanapin sa website ng www.hlurb.gov dahil wala pa pong website ang Department of Human Settlements & Urban Development, kung saan ang HACDB ay isang bahagi.
Bukod dito pwede din po kayo na lumiham sa RDO-BIR kung saan lugar ang inyong HOA para malaman kung ang inyong HOA ay rehistrado sa BIR o hindi. Kung ang inyo HOA officers ay kolekta lang ng kolekta ng monthly dues at hindi kayo binibigyan ng O.R. na rehistrado sa BIR (ibig sabihin ay meron TIN ang inyong HOA), malamang hindi po rehistrado ang HOA sa BIR.
Sana makatulong ang impormasyon na ito sa iyo. God bless always.
Tanong ko lng po Ang HOA po ba sir/ atty bukod po sa president ng HOA meron pa po bang chaiman of the board ? Pki rply po asap marami po salamat
Pwede po bang humingi ng payo. Hindi po ba cover ng garbage disposal and hoa association fee bakit po pinag babayad parin ako ng garbage fee kahit nag bayad na ako ng association fee?
Magandang araw po Ms. Yvaine. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga HOA po ngayon ay nangongolekta ng "garbage disposal fee" na bukod sa monthly HOA dues. Ang fee pong ito ay special assessment (sa ilalim ng "environmental protection fee") under Section 9.2. ng HLURB RESOLUTION No. 001, Series of 2017. Ngunit dapat ang proseso sa pag kolekta ng garbage disposal fee ay nakasaad sa isang Board Resolution na pinasa ng inyong HOA Board at naka itemize sa official receipt ng HOA, na rehistrado sa BIR, at binibigay sa inyo pagkatanggap ng inyong bayad.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Good morning atty. Ang village po nmin ay mga problema pa na dapat solusyonan ng developer pero gusto ng iturn over sa HOA, 70 percent ay gusto na iaccept at magkaroon ng election 30 percent ng residents ay ayaw pa po. Pwede na po ba iturn over at bumuo ng officer khit may 30percnt na ayaw pa? Sana masagot po agad atty.
Magandang araw po Sir Toffy. Salamat sa inyong katanungan.
Ang HOA po ay parang isang bansa na demokrasiya ang namamayani. At dahil dito, the rule of majority will be followed po. Dapat po idaan sa referendum ang nasabing issue sa general membership meeting or assembly. At kung ang pagpayag sa turn over ng HOA community facilities at parks, playgrounds and open spaces ay 70% then kailangan po sundin ng 30% ang pasya ng nakararami.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
May babayaran po ba sa bir?
Paano po Ang dapat gawin Kung Ang isang subdivision e walang developer maraming may ari at Wala kame mga hawak na title at bigla po may nag tayo Ng HOA pero Wala nmn po sila mapakita n mga documents na legal po sila pero gumagawa po sila Ng batas na kapag Hindi ka nag bayad lalot sa collection nila na para sa basura e Hindi ka kukuhanan Ng basura noon panmn po e Wala nmn HOA dito sa Amin ano po b Ang mga dapat nmin gawin para mahadlangan Ang mali nilang kagustuhan Sana po matulungan nyo po kame salamat po.
Magandang araw po Sir Godo. Salamat sa inyong katanungan.
Pwede po ninyo ireklamo sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD) ang mga nagpapatakbo ng nasabing "organisasyon" na hindi nakarehistro sa DHSUD. Paki hanap na lang po ang address ng pinaka malapit na Regional Office ng DHSUD sa inyo. Kung nasa NCR po kayo, pwede po kayo magpunta sa main office ng DHSUD na katabi ng City Hall ng Quezon City sa Kalayaan Avenue po. Good luck.
Thank you po!new subscriber here.
Atty.Good morning po 2012 pa registered ang Hoa at ang nagparehistro nito ang Drveloper at I bang officer tao nila di nakatira sa subdivision at naningil ng monthly dues tama po ba ito? Marami di nagbbayad now ang sabi nila Lahat ng Di nagbbayad pwedi icharge sa pagkuha ng Titulo di daw makkuha ang Titulo if Di bbayaran all monthly dues mula ng cmula ano po tama?
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang kasapi ng HOA ay dapat po homeowner sa isang subdivision project. Sabi po sa Section 3(j), RA 9904, ang HOMEOWNER ay isang "owner or purchaser of a lot in a subdivision/village."
Base po sa batas dapat po ang mga members ng HOA ay may-ari ng lote sa subdivision project. Ang may-ari ng lote ay pwede po nakatira o hindi nakatira sa loob ng nasabing subdivision.
Ang hindi ho pagbabayad ng HOA monthly dues ay wala pong kinalaman sa pag iisue ng titulo sa pangalan ng may-ari ng lupa. Basta fully paid na po ang lote, ayon sa PD 957 ay dapat na pong ibigay ang kopya ng titulo sa lupa sa nasabing may-ari. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon.
kailangan po ba na magbayad ng monthly dues ang tulad namin na renter
How many days Po Ang required na ipublish ng HOA kanilang ginawang board resolution
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang pagpasa ng Board Resolution ng HOA ay wala pong required number of days para ang Resolution ay maging epektibo. Once the Board Resolution has been adopted by a majority vote of the Board Members, it becomes effective immediately, unless there is a specific time period that is indicated on the Board Resolution itself.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
gud day ask ko lang. .bubuo plng po ng hoa subdivision nmin. .bali Phase 2 po xa ung Phase 1 my sarili pong HOA, tnung q lng pwd po b tumakbo ang isang officer sa PHASE 1 sa PHASE 2?. .preho po xang my property s parehong phase, ,ky lng my tnung sa isip ko bkit nid nya pang tumakbo?.. salamt po
Good evening Mark. Salamat po sa iyong tanong. Kung bubuo ng hiwalay na HOA ang Phase 2 dapat po sumunod ito sa mga alituntunin ng batas. At kapag naka rehistro na ang Phase 2 sa Bureau of Homeowners Association and Community Development, may sariling identity na ito sa Phase 1.
Ngunit, sa aking palagay, hindi pwede tumakbo ang iisang tao sa parehong HOA dahil magkakaroon siya ng CONFLICT OF INTEREST na ipinagbabawal sa mga alituntunin ng dating HLURB (ngayon ay BHACD).
Sana po makatulong ang impormasyon na ito. God bless always.
Magandang buhay Atty. Sa mga bagong subdivision, required ba na magkarun ng Homeowners Association? Meron kasi mga HO na tutol na magkarun ng HOA.
Magandang araw po Sir Joseph. Salamat sa inyong katanungan.
Ayon po sa SEC. 30 ng PD 957, ang may-ari o developer ng isang subdivision project ay obligado na magpasimula ng isang Homeowners' Association na binubuo ng mga mga nakabili at nakatira sa nasabing subdivision project. Yung timing lang po ng pagsisimula ng isang HOA ay hind naklaro ng PD 957. Ngunit ang sabi ng batas ay ang pagsapi sa HOA ay voluntary at hind pwede pilitin ang isang homeowner na sumali sa binubuong HOA puwera na lang kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Absolute Sale na pinirmahan ng mga buyers o kung ang pagsali sa HOA ay nakasaad sa Deed of Restrictions at ito ay naka annotate sa land title ng nabiling bahay at lupa.
Paki tignan lang po ang nasabing dokumento para sa inyong kaalaman at patnubay. God bless po.
Hello Atty. pag nangungupahan ka lng po ba sino responsible sa pagbabayad ng HOA. Owner or naguupa? Required po ba kmi magbayad monthly even wala sa contract nmin ang HOA fees? TIA
Good morning po attorney ask ko po may batas po ba na nag sasaad sa batas patungkol sa pag lagpas ng bubong mga gamit pag luluto sa daanan pag papatugtog ng lampas sa 10pm to 8am.
Para na rin po sa kaalaman niyo 1 meter lang po kasi nag daanan namin at dead end pa po. 😢
Good morning Raphael. I hope all is well with you. Than you for your question.
May mga restrictions po regarding your concern na nasa Building Code of the Philippines. Hindi ko lang alam kung anong exact provision po. Pwede po ninyo itanong sa Office of the Building Official sa inyong LGU.
Yung pagpapatugtog o pagkanta ng malakas sa disoras ng araw o gabi ay sakop po ng ordinansa ng inyong LGU. Kung wala pa pong ordinansa patungkol dyan, pwede po kayo magreklamo sa barangay o sa munisipyo ng inyong LGU. Good luck po.
Good evening po! Dapat po bang magbayad ng monthly dues yung mga nangungupahan o dapat po yung may-ari ng lupa at/o bahay? Thank you in advance po!
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang pagbabayad po ng monthly HOA dues ng isang nangungupahan ay depende po sa kasunduan ng dalawang panig sa Contract of Lease. Wala pong sinasabi ang batas kung sino po ang magbabayad nito. Kadalasan po ang pagbabayad ng HOA dues ay nakatoka sa Lessee (yung naupa ng baha). Kung ang may-ari po ang magbabayad ng dues, kadalasan po nakasama yung halaga ng monthly dues sa kabuuang renta na babayaran ng Lessee.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
ano po kaya ang requirements para magkaroon ng lote pamahayan ang mga informal settlers sa kanayunan
Magandang araw po Sir Leandro. Salamat sa inyong katanungan.
Ang mga informal settlers po ay pwede magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng Community Mortgage Program ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Meron lang pong proseso na susundin. Makipag ugnayan po kayo sa Urban Poor Affairs Office ng inyong LGU at sa NHMFC. Kailang po kasi nila ng "originator". At ang LGU, kung papayag po ang Sanggunian, ay pwede maging "originator".
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Paano Kung ang hoa president ay pinipersonal ka
Magandang araw po. Salamat sa inyong comment.
Sa sitwasyon na ganyan, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang nasabing HOA President ninyo o pwede po ninyo siyang tanggalin sa kanyang posisyon, Sundin lang po ninyo ang prosesong nakasaad sa inyong HOA ByLaws.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Atty.,magandang hapon po, how about,nag elect na sila ng officers last January 2020, tapos hindi alam ng ibang homeowners(lack of communication), tapos until now hindi pa rin nalilipat sa amin ng developer ang HOA, please help Atty.
ganyan ang karamihan sa mga developer mga tuso sila at ang ipinamamama nila ay ang pasimula ng hindi magandang samahan ng magkakapit bahay
Gud day atty Jojo.nakabili po kami NG lote na walang papel,I mean entry pass.excess lot po.bininta NG katabi namin bahay.may kasulatan Lang po kami,Pina-register namin sa Hoa,ang ginawa same PA din NG number my - A Lang.ex.B-22 L-99-A po. Pwd q PA ba ipa-iba at gawan kami NG sarili na number?
Magandang araw po Ms. Josephine. Salamat sa inyong katanungan.
Ang excess lot po ay may ligal na proseso na sinusunod para marehistro sa inyo. Kung wala pong kasulatan ang bentahan ng nasabing lupa, hindi po ninyo magigiit na ipa-iba at gawan kayo ng sariling lot number. Kung gusto ninyo ng mas malilim na kasagutan, pwede po kayo sumangguni sa PAO. General information lang po ang aming binibigay sa mga nagtatanong.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi gud day po atty.! Ask ko lang po! Naka bili po ako ng bahay sa lupa na rights lang meaning wala po titulo, at ang lugar na yun ay may hoa, ang hoa sa lugar na yun ay mandatory po clang naniningil ng membership fee po na worth of 15thousang pesos, hindi kopa po alam kung registerd po ba cla ng hlurb at bir, tanong ko atty., kung may karapatan ba cla na pilitin kami na mag pa member e yung lugar hindi naman subdivision or hindi naman titulado???
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Kung hindi po naka rehistro ang HOA sa HLURB (ngayon ay DHSUD) at BIR wala po itong karapatan na maningil ng membership fee. Also, wala po kayo at ang ibang kasapi sa HOA na matibay na pinang hahawakan kung "rights" lang po ang inyong nabili. At dahil dito, kung ang totoong may ari ang lupa ang magpapakilala sa inyo at paaalisin kayo, wala po kayo magagawa. Ingat lang po.
Attorney paano Po kung sa new title wla ng naka lagay na under Ng HOA pero Po sa lugar Ng new house my HOA na sila ..Yun Po ba need na mag HOA
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan. Pagpasensiyahan po ninyo at hindi ko po maintindihan ng lubos ang inyong tanong.
Kung wala pong naka-annotate sa mga titulo ng may-ari ng lupa ng subdivision project na "mandatory" ang membership sa isang HOA, pwede pa rin po magtayo ng HOA sa subdivision project ang mga homeowners na gusto magkaroon ng HOA. Hindi lang po pwede na pilitin ang ibang homeowners na sumapi sa itatayong HOA.
Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hello po attorney, tanong ko lang po paano malalaman Kung registered ang association po?
Good morning Atty! kami po ay palipat ng gobyerno sa northville1 at sakop ng NHA. Ang aming mga HOA ay nagpatupad ng vehicle sticker na may kaukulang bayad. Ito po ay hindi dumaam sa general assemble or public consultation. Hindi rin ipinaalam sa mga miyembro na dapat kinakailangan para simple majority bilang kanilang pagsangayon. Tama po ba ang kanilang naging habang atty. Maraming salamat po
kami din po
nang gigipit itong Hoa namin
Ask lang po, iba po ba ang Neighborhood Association at Homeowners Association? Kung oo po, need po ba itong iregister din? San po ito makikita kung legal?
Can the developer impose a homeowner monthly due to a single dwelling house constructed over four lots considering that the one lots is only 90 SQ M. Also the developer is imposing a lot monthly dues without any house built on it? Please enlighten us about this matter if illegal or legally allowed?
may karapatan din po ba na maningil ng bond ang developer wala po kaming hoa officers sapagkat hindi po kami iniendorse ng developer pero may mga volunteers po kami naniningil sa basura sapagkat hindi naman po kami iniintindi ng developer...
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ano po kaya yung bond na sinisingil sa inyo? Kung construction bond po ay ligal na naman po iyan. Ito po ay sumasagot king may masisira na kalsada o improvement dahil sa paglabas at pasok ng mga construction materials sa subdivision. Also, kung may deed of restrictions at setbacks na hindi nasunod pwede po i-forfeit ng developer ang construction bond. Ngunit king wala naman pong nasira at sumunod kayo sa lahat ng nakasaad sa Deed of Restriction dapat po agad ibalik ang construction bond kaagad.
Good day Sir. Tanong ko lang po, ang lugar namin ay hindi subd. At hindi rin village. Sitio lamang at meron nagtayo ng HOA dito sa amin naniningil sila ng monthly due at car sticker. Hindi rin ito membro ng HLURB at hindi register sa B.I.R.
Ano pweding gawing asksyon dito.
Good evening po. Salamat po sa inyong katanungan. Ireklamo po ninyo sa Office of the Mayor, sa BIR at sa Department of Human Settlements & Urban Development (ang dating HLURB). Pwede po magsampa ng kasong administrative, civil at criminal laban sa mga "officers" ng inyong HOA na hindi rehistrado.
Sir nakikiusap Po ako na masagot Po ninyo ang aking katanungan pls Lang mo paki replyan mo Po ako totoo ba na pag nag election ang home onwer asusation ang pwede government bomoto Po ay ang May ari nanaka pangalan Sa kanya ang papel ng bahay eh kasi Po ang asawa ko at mga anak ko hindi pwede bomoto Sa gaganaping election ng homeowners
Magandang araw po Sir Randie. Salamat sa inyong katanungan.
Tanging ang miyembro ng HOA lang po ang pwedeng bumuto sa HOA election. Hindi po pwede ang kahit sinong tao na nakatira sa bahay ng homeowner-owner. Ang karapatan na bumoto sa HOA election ay nakasaad po sa Section 7 ng RA 9904. At ito po ay para lamang sa miyembro ng HOA. May exception po iyan pero hindi po sakop ng exception ang mga kasama sa bahay.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Sir tanong ko lang po, sinisingil ako ng almost 9k sa subdvsiin n nabili ko hindi ko pa natirahan yung bahay nayon 3years npo smin yung bahay pero hnd pa natirahan legal ba sila na maningil ng ganubkahit hind pko nkatira doon
Sir ask q lng po....kapag kau ay nagkaroon ng kaso sa hlurb n to vacate at nadesisyunan n....kaya lng umablt ng 12 years na hnd napatupad ng arbiter ng hlurb....may bisa p rin po b yun para mgdemolis....thanks...txtback pls....
Sir..may ilalapit lng po akong problema sa HOA nmin dito
Sir ako po ay nakatira sa isang subdiv sa avida sta catalina salawag ang problema po nmin ang ayala po ay binitaan na po at iddonate n lng sa lgu kaso d pumayag ang hoa at cla ang umako na magshoulder ng bayarin sa clubhaus or sa spine road, ano ang dahilan bakit inako ng hoa kz ayaw n makapasok ang iba, kaya napilitan ang 3 phase na mangolekta ng fee na binase sa laki ng lupa ng mga member, per sqr mtr, 6pesos so kung malaki lote mas malaki ang fee, bkit binase sa lote hindi po doon sa laki ng spine road o expenses ng club haus,ang problem po hindi po nagpatupad ang isang phase bastat inapprove n ln ng hoa officers without the voting of the members , at wala pa pong final turn over, legal poba un at sobang taas po
Paano po nagta-transition ang HOA BOD from HLURB to DHSUD? Saan na po dapat nagpapasa ng requirements ang elected BOD? HLURB ba or DHSUD? salamat po Atty.
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Wala pong bagong requirements na ipapasa sa DHSUD. Yung listahan ng mga registered HOA na nakatala sa HLURB, ay pareho pa rin po sa talaan ng DHSUD.
Ang mga reportorial requirements na dapat ipasa ng HOA kada taon ayon sa alituntunin na nakasaad sa RA 9904 at IRR nito, ay ipapasa na po ngayon sa DHSUD, in particular sa Homeowners Associations and Community Development Bureau (HOACDB).
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Hi Atty Jojo. Tanong ko lng po kasi yung mga officers sa subdivision namin ay in practice sila na sumasahud pero hindi nila sinasabing sahud sabi lng nila honorarium lng daw. Pero monthly sila lahat tumatanggap at may proposal na naman daw sila na mag increase at meron pang sinasabi na magkaroon ng discount sa kanilang monthly dues pa. Legal po ba ito Atty?
Ask ko lang po atty, paano po kapag hindi po registered yung HoA sa SEC or sa HLURB? Kini-claim po nila na registered po sila sa BIR, pero hindi naman po yun ang tamang department for registration.
In fact po, may monthly dues po sila na hinihingi samin at meron din pong mga kinukuhang entry fees para sa deliveries, e sa mga residence din naman po yung mga pupuntahan nung mga deliveries na yun
Magandang araw po EM. Salamat sa inyong katanungan.
Ang unang hakbang po na ginagawa ng HOA ay ang pagpaparehistro sa Department of Human Settlement & Urban Development (DHSUD). Ang dating HLURB ay DHSUD na po ngayon. Pangalawa po, tsaka pa lang magpaparehistro sa BIR ay HOA kapag lumabas na ang certificate of registration ng HOA mula sa DHSUD. Ang patunay po na nakarehistro na sa BIR ang isang HOA ay ang pag-iisyu sa mga miyembro ng official receipt na may valid Tax Identification Number kada bayad ng month dues, etc.
Kung hindi po sumunod ang inyong HOA sa prosesong ito, pwede po ninyo ireklamo sa DHSUD ang mga tao sa likod ng inyong unregistered HOA. Good luck po.
Tama ka po Atty meron namumuno dito masama ang ugali gusto Sita ang masusunod.
Good evening. Tanong lang po. Bagong bili ko lang nang 20 year old condo at nagbabayad ako nang HOA dues every month. Napansin ko ay ang property management is not maintaining the property. I’ve asked kung kelan ang HOA meeting. Ang sabi ay wala daw HOA committee established by condo owners. All decisions are being done by developers and they don’t invite condo owners to attend their meetings. I have been writings letters to property management to implement their house rules and make some repairs but I am being ignored. Other owners feel the same way but I am more passionate about correcting the issues. Ano po ba ang dapat ko or namin gawin para ayosin nang property management ang condo namin? Thank you.
I apologize for the late reply. I was sick for about 2 weeks. I hope I have answered all your concerns in an earlier thread just now. Good luck a d God bless.
I hope all Unit Owners are as passionate as you in upholding your rights as Unit Owner. God bless always.
Atty. Jojo
Realttorney TV thank you so much for the info. I’ve already mailed a letter to Hlurb and just waiting for their reply. I would like to suggest if you can make a segment similar to my situations as I know a lot of condo owners experiencing the same issues (not worst as mine). Again, thank you.
Thank you for your suggestion. I will do it during the Community Quarantine. Keep safe. Be healthy. God bless always.
Attorney tama po ba na sabihin na nakikiraan lang ang homeowner sa subdivision sa kalsada pag labas mo sa gate ng subdivision
Magandang araw po. Salamat sa inyong katanungan.
Ang bawat subdivision project ay may right-of-way palabas sa public road (barangay road, municipal road, city road or national highway. Kung sa private road po naka konekta ang main road ng inyong subdivision, pwede po masabi na nakikiraan lang ang subdivision sa may-ari ng lote sa harap.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.
Sir tanongko po kung pede b maningil ang presidente ng home owner....para magpagawa lng ng kalsada ang mga dumadaan n sasakyan... Hndi poh sya rehistrado ng hlurb... Ang dokumento lng n ipinapakitq ay ordinaryong papel n may pirm lng ng land owner... Pero wala certification ng baranggay.. Sealed nito
Good evening. Maraming salamat sa iyong katanungan. Ang isang HOA ay dapat muna magparehistro sa Department of Housing & Urban Develoment at sa BIR bago ito magkaroon ng karapatan at kapangyarihan na maningil ng special assessment para sa pagpapagawa ng kalsada sa subdivision project.
Lahat ng sisingilin sa mga miyembro ay dapat ma-isyuhan ng official receipt na rehistrado sa BIR. At ang pondo ay kontrolado ng HOA at hindi ng developer.
Sana makatulong ito sa iyong sitwasyon. Good luck. God bless always.
Atty. Jojo
Good day po.. sir ask ko lng po paano po kaya singilin ang mga member ng hoa in a good way.. malaki po kc ang dpt kolektahin sakanilng obligasyon sa monthly dues.. at kng sakali hnd sila mgbyd ano pwdng kaharapin nilng violation na pwdng ipataw?
Hi Mark. Ang una dapat gawin ng HOA Board ay ipakita sa mga miyembro na nagtatrabaho sila para sa kapakanan ng buong HOA. Clean Up Drive sa bawat kalye, paggawa ng community vegetable garden at ronda patrol ang ilan pwede gawin para mapakita sa mga kasapi ng HOA na may ginagawa para sa buong komunidad. Ngayon, sa pag singil ng arrears sa monthly dues, mas mainam kung papadalhan ng sulat ang mga miyembro na nakasaad duon kung ano ang utang nila sa HOA. Tapos ang Board ay dapat maglabas ng mga alituntunin na magbibigay ng tulong sa mga miyembro na hindi kaya bayaran ng isang beses ang kanilang utang -- installment payments, na pwede weekly o bi-weekly, 20% discount kapag nabayaran buo ang utang, etc.. Pag natanggap na ang sulat mag personal follow up po after 1 week siguro para malaman kung sang-ayon sila sa payment scheme. Mahirap at nakakapagod ang trabahong ito pero kailangan tiyagain lang ng mga namumuno.
Ang RA 9904 ay nagsasaad kung paano masasabi kung sino ang delinquent members ng isang HOA (Section 9). Kapag hindi nagbabayad ng monthly dues ang isang kasapi pwede siya matawag na delinquent member. Ang sabi ng batas ay ang ByLaws ng HOA ang magsasaad ng patakaran o alituntunin kung paano magiging delinquent ang isang kasapi ng HOA. At nakasaad din dapat sa ByLaws kung ano ang mga parusa na ipapataw sa delinquent member. Ano ang halimbawa ng parusa na pwede ipataw? Kung may centralized garbage collection system ang HOA pwede na hindi kunin ang basura ng miyembro para dalhin sa lugar kung saan ang pick up point ng garbage truck ng LGU. Hindi pwede tumakbo bilang Board Member sa halalan ng HOA ang isang deliquent member. Ang importante po ay ang mga administrative sanctions na ito at iba pa para sa delinquent members ay dapat nakasaad o nakapaloob sa ByLaws ng HOA. Kung hindi bawal po na ipataw ang mga sanctions na nabanggit. Mahirap pong gawin ang pag-a-amend ng HOA ByLaw, pero iyan po ang nakasaad sa batas.
Ang bad standing ba pwede dumalo sa gen ass
Magandang araw po Sir Jerremel. Salamat sa inyong katanungan.
Ang isang miyembro na DELINQUENT or hindi in good standing ay hindi po maaring sumali sa General Assembly. Ngunit dapat po muna na ang nasabing miyembro ay dumaan sa proseso na pagtukoy sa kanya bilang isang "deliquent" member. Ang proseso pong iyan ay nakasaad dapat sa ByLaws ng HOA. Sana po makatulong ito sa inyong sitwasyon. Good luck.
Atty. ask ko lng po.kc un BOD nmin sinisingil kami ng association dues na Php 300/mo. Turnover na po samin yung house and lot kso d pa kami nkatira duon.Dapat po ba na magbayad pa rin kami ng buo ? wla namn kami dun sa property na yun..kinausap namn po ng mister ko na kung maaari khit kalahati ng 300 kasi nga d kami naktira kso di pumayag.kaya di na mna kmi nagbbyad ngayon. Un dues ay para sa street light,guard at basura. salamat po.
Hi Honeyjing. Merry Christmas. Salamat sa iyong katanungan. Paki tignan ang inyong Deed of Sale kung nakasaad duon kung kailan magiging miyembro ang isang buyer ng H&L sa HOA. Kadalasan, kapag nakapag turn-over na ng H&L sa buyer kaagad na miyembro na ng HOA.
Sa ganitong pagkakataon, kahit nakatira o hindi ang bagong may-ari ng H&L, kailangan pong magbayad ng monthly dues. Wala po itong pagbubukod (o exception) dahil hindi nakatira ang may- ari ng H&L sa subdivision -- may ibang bahay o nagtatrabaho sa ibang bansa. Isang tungkulin ng bawat kasapi (o miyembro) ng HOA na magbayad ng monthly dues. Ito ay nakasaad sa Section 8, RA 9904. Mas maganda po kung hihingi kayo ng "payment terms" sa arrears ng monthly dues. Kailangan lang po talaga itong bayaran. Good luck po.
@@REALTTORNEY salamat po
@@honeyjingserrot8600 Most welcome po. Have a prosperous New Year. 😊
hi ask ko lang po may karapatan po kami na hindi sumunod sa developer sa pag papagawa namin ng extension kasi may allowable na sukat lang sila na ini aaproved, eh ang balak namin wag sumunod sapagkat napakaliit lang na allowed nilang sukat, kami na po ang nagbabayad sa pag ibig pati tax, wala po kaming home owners officers sa kadahilanang hindi kami iniendorse ng developer..
pero sa contract to sell na pinirmahan ng asawa ko last 2014 may mga terms and conditions sila sa pagpapatayo as long na hindi lalagpas sa property line mo ang roof okay basta nahihirapan po kami attorney🤦♀️😭
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Ms. Marienel, please read your ByLaws and your Deed of Restrictions at nakalagay po dun kung hanggang saan po kayo pwede magpagawa ng extension. May mga set-backs po kasi na nakasaad sa batas kung kaya't hindi basta basta na pwede magpagawa ng extension kung mawawala ang set-back na nilaan ng batas para sa maayos na pamumuhay. Good luck po.
Hi again atty. Gusto ko rin po malaman kung paano mabubuwag yung association kung illegal po yung ginagawa nila? Naghihikayat po kasi sila ng mga tao sa lugar namin para maging members at pinapangakuan po ng libreng titulo ang magiging miyembro ng HOA ang nakakapagtaka lang po may kasama pa po silang taga denr pag nagiikot po sa brgy namin? Ano po sa tingin niyo po sa ganitong case? Hoping po sa inyong response. Thanks po and God bless atty.🙏
Good morning po. Salamat po sa inyong katanungan ulit. Before you can determine if the HOA was created illegal, you have to check if it is registered sa Department of Human Settlements & Urband Development (formerly, HLURB).
If it is duly registered then you go through the process of revoking the certificate of registration of the HOA. If it is not regiatered then no need to file a revocation case. However, you cannot stop the activity of these people if they insist on recruiting "members". Sabihan na lang po ninyo yung mga tao na baka wala pong mapala yung pag recruit sa kanila. Good luck.
ano po ang batayan ng pag pepitisyon ng isang resedenteng hnd miembro ng hoa at nakaka perwisyo ng ibang kapitbahay
Good evening. Salamat po sa inyong katanungan. Ang isang homeowner sa isang subdivision na hindi miyembro ng HOA ay pwedeng ireklamo sa hindi pag sunod sa mga alituntunin ng HOA. Ngunit kung ang ibig ninyong sabihin ng pagpepetisyon ay ipapatanggal o papaalisin ang isang tao na nakatira sa subdivision, wala po karapatan ang HOA na gawin ito lalo na kung ang papaalisin ay siyang may-ari ng bahay at lupa na nasa subdivision.
@@REALTTORNEY good pm attorney jojo perez ask ko po mag re election po kmi ng officer ilan po ang board member at grievance commitee n kailangan kc po pag nak pag election n po kmi ipaparegister n po nmin . Thanks & god bless po
Hanggang ngayon po dalawang resibo ung isa official receipt which is 300 pesos tapos 'yong isa printed lang na resibo which is 200 pesos ..sa palagay ko po walang legality ung 200 pesos.
Tama po kayo. Pwede po ninyong ireklamo ito sa BIR at sa HLURB. Good luck.
Ang tanong ko po sir im a new owner of lot nabili ko but the last owner of the lot hindi nya binayaran yung hoa since nabili nya yung lot.. ang tanong ko po ako po ba mag shoulder ng hoa since na bili nila yun almost 20 years na dinila binayaran yung hoa pero sa registered deed nila wala namn naka sulat na automatic na member sila ng hoa.. please answer my question thank you
Up for this
Good afternoon. Salamat po sa inyong katanungan. Unfortunately, sagot po ninyo ang arrears ng HOA dues ng previous owners. Bakit po? Dahil ang HOA dues po ay nakakabit sa lote na nasa loob ng isang subdivision. Kahit magbago po ng may-ari ang real property (lote o bahay at lupa) naka charge po ang dues sa property.
Kaya nga po palagi ko sinasabi sa mga gusto bumili ng H&L sa isang gated community na paki research muna king may utang ang may-ari ng bahay sa HOA. Kung meron po dapat po bayaran muna ng may-ari ang arrears bago ito ipagbili o iawas sa contract price ang halaga ng arrears sa HOA para walang extra cost ang bagong may-ari.
Atty, Im OFW and ung property House & Lot ko ay pinaupahan ko and bigla sabj ng HOA na Forclosure na daw ung House ko..May karapatan ba ung HOA na mag foreclosure ng Property ko..pls answe ASAP po.salamat!
Magandang araw po Sir Jerome. Salamat sa inyong katanungan.
Wala pong karapatan na mag foreclose ang HOA ng isang property ng homeowner.
Sana po nakatulong ito sa inyong sitwasyon. God bless po.