Ang Apologist

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 16 окт 2024
  • Ang mga alagad ni Cristo ay ang asin ng lupa at wala ng iba pa. Ang paggamit ng asin noong unang panahon ay ang pagiging preservative. Habang nakikihalubilo ang mga evangelists as Christian believers sa di-mananampalatayang comunidad, napapabagal nila ang moral decay ng comunidad na ito; subalit ito ay mangyayari lamang habang taglay ng mga believers ang mga values na nagmumula sa salita ng Diyos at patuloy ang kanilang pagpapasakop sa biblical standard ng katotohanan, kabutihan at katuwiran.
    Si Jesus ang tunay na ilaw ng sanlibutan. Ang ilaw Niyang ito ay naa-absorb at nare-reflect sa Kanyang mga alagad. Nakikita ang liwanag na likas kay Cristo sa pamamagitan ng buhay ng mga disciples Niya, na naninirahan sa kani-kanilang comunidad. Sa Bible, ang ilaw ay kadalasang nagsi-symbolize ng kalinisan laban sa karumihan, katotohanan laban sa kasinungalingan, kaalamanan laban sa kamangmangan. Sa madaling sabi, ang mga Christian evangelists sa pamamagitan ng kanilang lifestyle ay di nakikibahagi sa mga kasagwaan, kamalian at katangahang nagaganap sa kanilang ginagalawang barangay. Sa gayo’y mapag-mamasdan ng madla, na ang mga masasamang kaganapang na nangyayari ang siyang humahadlang sa pag-unlad ng buong lipunan.
    Nakikita sa mga tunay na disciples ni Cristo ang kanilang mabubuting gawa. Ipinamumuhay nila ang isang lifestyle na naglalarawan ng kaharian ng Diyos na nagre-reflect ng kaisipan at kalooban ng Panginoon, kahit na ang kapalit nito kadalasan ay ang rejection or persecution mula sa kamay ng masa.
    #lifestyle #evangelism #apologist #defendingthefaith #part5

Комментарии •