That was a very detailed review.I always admire how you conduct a car review, straightforward and no BS. Speaking both in English and Filipino so that you can send your message across easily,albeit a little monotonous, but that's ok.
Si sir levi talag pinaka idol ko basta sa car review. Straight to the point and no sugar coating kung mag compare ng sasakyan. Plus sabayan pa ng malumanay at malinaw na pag papaliwanag.. Dami ko natutunan sau sir. Salamat..
Sarap magbasa ng mga comment. Dahil di naman ako techy person so i prefered the GRS. Napatunayan ko na kasi ang reliability ng toyota matapos umabot na sa 11 years ang Fortuner 1KD engine ko without any single issue. Just do the required PMS and without modification and there you go.
My opinion is mas reliable ang D4D na engine ng Toyota over the new engine. I've seen several new model Hilux trucks with black smoke already, especially on acceleration.
Hahahaha yung mitsu advie nga namin na 98 buhay pa. Running 600k kms na. Walang napalitan, besides pagdating sa kaha e solid talaga. So for reliability, para sakin same same lang yan. Nasa tamang pag aalaga nalang.
We’re currently looking for a pickup na try q to. Id say go for triton more or less 10 yrs old na ang current gen hilux. Need na talaga ng new gen. Hopefully last na ng iteration ng current hilux nato.
Mitsubishi joins rallye competitions and they infuse their rallye technology in their vehicles. Just compare the ride, handling, and braking between the Hilux and the Triton. Huge difference.
@@DrLaw-ul5op cheers! ang sulit sa presyo nya pero hindi compromised ang quality especially sa ride comfort 100%, at sa looks, di naman sa bias pero pare sobrang pogi talaga ng pro4x. upgrade mo lang to bigger tires and attach a bulky rollbar, sobrang angas na ng dating
For an old timer like me its Toyota all the way! Its off road reliability is well established. For a pick up truck thats the most important thing. Looks and tech and all the bells and whistle is secondary.. Too many techs means too many things that can go wrong.. Lets review after 10 years and compare notes. Raptor maybe bigger but not necessarily better. Nice review Levi.. Kudos to you...
Korek. Kung maghanap ka ng 2nd hand hi lux vs ford ranger, ang laki ng baba ng resale value sa ford ranger. I agree with you; techs and other features are secondary. Mas importante talaga ang reliablity and easy to maintain vehicle.
6yrs ago gantong ganto ang comment sa wildtrak ko. Wala naman niisang tech na nasira. Ayun tech ng wildtrak 6 yrs ago nasa hilux na ngayon pati design ginaya.
@@virgilioconcha1085mali analysis mo sa 2nd hand. Bumili ng ka ng 2nd hand na ford kasi mas mura. Same raliability when it comes to 2nd hand cars. Why? Ford owners a few years ago will go to casa for parts. While hilux owners go to banawe where fake parts are common. Walang matibay na toyota sa pabayang owner.
@@reneogatis2019 tama po I bought a 2nd hand everest na di hamak na mura sa kasabayan niang fortuner, at the right price makakuha sa super sariwa tas same price laspag mahahanap mo sa market place if meh sariwa na yota apaka mahal 😂 di worth it price dagdag ka konti brand new na. For 2nd hand car buyers mas masusulit mo ford lalo ung complete ung maintenance records sa casa, karamihan nagbebenta yota na 2nd hand sa labas maintenance at replacement parts nillagay para maka mura
Para kase 'culto' ang Toyota sa Pinas. Yes, they're very reliable. But people really just automatically buy it because of the brand. This then means the company gets so comfortable and won't innovate, as they know people will still continue buying it. Seriously, my dad's 2023 Fortuner is so dated inside, and I absolutely hate the side folding rear 2 seats, it's such a waste of space.
Toyota lover here. Yes tama ka. Tgnan mo tong GR nila atleast sna nka ko2 man lang. Dpt mg give back dn cla sa mga bumibili ng mga sskyn nila. Hnd ung kung ano lang irelease nila kht npka outdated. Buti pa ung ISUZU MUX ngaun atleast di na outdated.
Hi! Levi, I have the first of the Five Ranger Raptor release at Ford Autohub Manila of December 2018. I have still my first version up to date at 120k KM ODO without any issue. Still pogi pa din like new even na byahe ko na ito from Luzon to Mindanao. For me, the new Hilux GRS doesn't justify the price increase na close na sa new gen Raptor but far-far more behind from the tech and feature of the Ranger Raptor. Following recommended PMS frequency properly and at 90k KM, replaced all belts and still drives like brand new. We will both have the same color soon adding a Ranger Raptor into my small garage. Stay safe and God bless.
This is a very nice experience to know. Just recently bought a white nextgen raptor. Hope it's not a lemon one. Hope it can last also without majoy problems. Hehe.
Another in-depth non biased review, alam mo na pinagisipan ng maayos and hindi basta basta ginawa ang vlog for the views, priority ang knowledge and awareness ng mga viewers and prospect buyers! 👍🏻👍🏻
Parehas tayo sir levi, I also prioritized Comfort over reliability. That is why I chose navara over other brands. I also agree with your statement that so long as you maintain well the car wala kang magiging problema. Very informative yung video.
Resale value yes and durability yes. Pero luging lugi sa price nyan. Very basic ang features. Parang tinipid unlike Raptor andun na lahat. Even tires wala ka ng babaguhin dahil naka bfg na.
@@marinerchris kaya nasabing refined ng iba kasi tahimik, well tahimik nga talaga kasi wet belt gamit nila eh. Pero pag yan umabot 60k-80k mileage kabahan ka na hahaha!
Hard core off roader here. Not a Toyota Fanboy. If you want to go in the mountains take the Ranger Raptor. If you want to make sure you go back home take the Hi Lux. Thats all i can say. ✌️
Galing ng Review Tito Levi Looking forward sa long term review regarding Ford service and reliability Feeling ko yan lang ang reason kung bakit ginugusto ng marami ang Toyota Hilux, reliabliity
Kung sasabay lang si toyota in terms of features sa mga competitor ay walang duda na mas lalo niyang paghaharian ang market. At kung sasabay naman ang mga competitor in terms of reliability ay tuluyan na nilang tatalunin sa market si toyota.
Thank you sir levi for helping me decide. Hindi bagay sa akin ang hilux. I value safety, comfort and tech. Wala naman ako balak magoffroad at magdala ng heavy loads. I also own a montero like you and i might regret buying a hilux galing sa comfort ng montero. I do respect other people na cguro ay bagay sa lifestyle nila ang Hilux. Hindi ko kinokonsider na plus yung tatagal yung pick-up kasi baka hindi mo rin ito magagamit 20-30 yrs from now dahil baka iphaphase out na diesel as we shift to everything electric. Tagal ko na naghanap ng videos comparing both cars na yung straight to the point. Hindi yung playing safe. Raptor it is then 😊
Ang masasabi ko lang sa gusto bumili nang GRS hindi ka mag sisi sa huli grabe ang performance parang elephanti na walang ka hirap hirap mag akyat ako sa farm namin na matarik at rough road talaga na hindi kaya nang Raptor.
Sir Levi good review! Ranger owner here, pero inisip ko din maghilux. Both are really good at sabi mo nga its based on what you prefer at the end of the day. Ang gusto ko sa review niyo, hindi bias. Alam mo naman kasi mga hardcord fans medyo toxic. Anyway keep posting! Sana magka Lexus reviews din kayo
I own the last gen grs, and i would recommend the dmax instead. If only isuzu launched it a bit early, not that the hilux is bad, but toyota still sticks to the saying, " if it aint broke dont fix it "
@@bladeofmiquella1887they did it for a reason po tenyo naman ang price ng triton compare sa dalwa they need to make simple things para mag match sa price at the rest binalanse nila but overall sa price ni triton napaka sulit nya mitsubishi yan matibay yan 😂
@@bladeofmiquella1887 bat ba factor sayo drum brakes? Dahil ba sinasabi ng mga car reviewers na ayaw nila ng drum kaya ayaw mo rin? FYI mas advantage ang drum for using the Parking Brakes compared to disc brakes sa likod. Mapapakinabangan mo ang all disc brakes if sports car gamit mo, pero for a normal car it has little to no advantage sa drum sa likod.
@@techietoma Meh. Gawa gawa mo lang yan. Look, Triton Athlete costs a whooping 2 million pesos. Kung nagawa ng FORD at Toyota magbigay ng rear disk brake sa parehong price segment, kaya din dapat ng Mitsubishi yan. Pero nope, tinipid nila para mas malaki kita. Wag paka engot boi.
@@bladeofmiquella1887ang laki ng problema mo sa drum brake lods hahaha speaking of tipid, look at toyota’s cars, as u can observe hindi justifiable price point sa mga feautures na nasa unit nila. Just like for example, fortuner toyota v 4x2 2019 top of the line na pero walang rear camera like wtf seriously? Jan ka mag wonder kung sino ang matipid puro ka dada wala namang alam HAHAHAHAHAHA
Wag kang maniwala jan di mo parin alam na pineke nang toyota ang power output nang makina kaya nga nagrecall ang toyota sa fortuner at hilux…sa papel lng malakas pero sa actual eh ganun parin sa dating old hilux.
Ranger, hilux or triton choices ko nung nagcocontemplate ng sasakyan. Went for ranger kasi iba yung riding dynamics nya tska + points yung EPS talaga. Hilux is close second since we had 2016 hilux before yung model na bagsak sa moose test 😅 kaso in a year or 2 may new model na so nanghihinyang ako. Triton ewan para lang siguro may isa pang choice. Sayang lang di na test drive yung dmax at bt50.
Agree with your point not just for the hilux but for all modern toyota models. Worth it lang talaga if you plan to use it long term o pang harabas (with exceptions for the dihatsu based models 🤫). Other than that overpriced siya. I work for toyota yet own a nissan, kia, and benz. Unless you plan to get a camry, lc300 or imports from japan I just can’t justify owning one because there are always better options. 🤷🏽♂️
Ako last yr kumuha ng hilux grs pero ngayong nahihiram ko yung sa kapatid ko na raptor kahit na 3yrs old na ay talaga sobrang ganda ng raptor sadyang sobrang mahal ng maintenance kaya din nagdecide ako last na yr na maghilux nalang.
Dapat hindi tinipid ni Toyota ang Tires nito, Dapat nakipag partner sila with Toyo or Falken para lagyan ng more rugged wheels like the Ford Raptor with BFG KO2. Kahit madagdagan ang price atleast naka setup na and more appealing sa buyers pag nasa showroom. Sana rin naka negative offset yung mags para pumantay sa fenders.
@techietoma I was watching the 2024 Ranger Raptor review from US sir. They really test the Raptor in real world situation and you can see that rear locking differential of the Raptor is not enough, they always engage the front locker to move forward.
@@eraserheads78 I think you're referring to the video from CarExpert, yung need ng Raptor ma engage both rear and front diff lock para maka akyat sa steep incline.
The outside rear shock absorber set-up is similar to that of the 4-Runner. That cruise control switch is archaic! Hahaha! Toyota has a lot of over stock of that frame and they are upgrading that frame just to sell them. The new Hilux with the hybrid gasoline option is already available, but cannot be sold yet in country because of the overstock. Mitsubishi is different. They are selling the old Triton side-by-side the new Triton.
Maganda talaga sana yanh HILUX GrSports kasu na sacricifice yung comfort at luwang sa loob, compare sa ranger raptor na comfortable and maluwang talaga
Kung pang matagalan at patibayan at iwas Sa sakit Ng ulo in the future,Sa Toyota na lng Ako,subok KO na yn,purmado nga ung MGA gawa Ng Ford Pero bibigyan ka naman Ng desenting problema Sa hinaharap,di Gaya Sa Toyota brand Kung bibigyan ka man Ng problema Ng unit Mo Pero cgradong kayang Kaya Mo,,
dapat sa ganyang presyo at lapad. ginawa na nila sana 285 ang tires. pinag lalaban nila sa raptor pero ang liit ng tires. ndi match ung maliit na tires sa wide body ng grs.
Sir. Mag upload din po kayo vids regarding your raptor PMS and costs. Debating po kasi ako what to get . raptor or triton athlete or this hilux GRS. Looking forward to more of your vids
Ang hilux matagtag kung wala kang pira kaag may pira si hilux ay very smooth heheheh kung wala kang pang bili mag GRAB na lang kayo vety comfy pa sumakay
Hello po Sir Levi. Kamusta po kayo ngayong ko lang nakita ang post ninyo..😊 ito po ang Hi-Lux SUV na may Bravado looks... 😊 sana mag post kayo ng mga iba ibang sasakyan. 😊 maraming salamat po..😊
For me, my vl 4/4 manual navara is the best. Haha I prefer to buy Hilux next tym if I luckily got millions of money just for hauling something in my farm at mountainous area.
Kadalasan kasi dito ang tinitingnan ang porma at resale value..pro sa mga marunong talaga durability dapat ng makina pagtoonan ng pansin in the long run..maliban kung mayaman talaga kayo after 5years palit agad ng sasakyan...ang kawawa yung bumibili ng secondhand kasi pagkatapos nilang gamitin ng ilang taong ipinagbenta nila sa mga taong walang alam masyado sa makina ang sasakyan pati mga maging problema nito.kaya sa mga buyer na moderate lang tibay ng makina ang talagang pagtoonan nyo ng pansin kasi nandyan ang napakalaking gastusin pati sa transmission....dikayo ngtaka bakit ang daming 2019 pataas na model binibenta ngayon ibig sabihin..may dahilan baka need ng funds or may sekreto ng sakit ng sasakyan na nabahala sila na sila ang makagasto ng malaki doon kaya ni resale kawawa talaga ang secondhand lover bumili kanang pinagsawaan nila pati ang parating na malking gastosin sa check engine haha..
Boss ang concern mo sa GRS makarating Yan Kay KIICHIRO TOYODA paga litan natin ang may Ari. Kasi Hindi comfortable sa GRS. Hehehe Boss sa Kay raptor na tayo kaya lang sisirain ang raptor in the future. Less tech less problem more tech more problem in the future
It depends on how you use it for. For high speed off-roading Ranger Raptor, for crawling Hilux until Philippine Ford will equip it with a front locker like they offered in The US.
@@iceice5481 ano po pala kotse nyo? May 2024 Ranger Wildtrak 4x2 po ako and a Toyota Fortuner, asawa ko naka Toyota Raize. Wildtrak 4x2 kinuha ko kasi 6speed and single turbo lang. Yung 10speed with bi-turbo sakitin, which is nakalagay sa Raptor and Wildtrak 4x4. Totoo naman may elec issue eh, yung 12" na screen minsan nawawala display sa unit ko, need mo pa irestart sasakyan para bumalik. Nag lalag pa minsan. Ano po kotse nyo?
Just tried this for a test drive lastweek in europe its a bit disappointing on its suspension matagtag sya,slow accelaration and its gas consumption..ill choose ranger raptor over this..
That was a very detailed review.I always admire how you conduct a car review, straightforward and no BS. Speaking both in English and Filipino so that you can send your message across easily,albeit a little monotonous, but that's ok.
Si sir levi talag pinaka idol ko basta sa car review. Straight to the point and no sugar coating kung mag compare ng sasakyan. Plus sabayan pa ng malumanay at malinaw na pag papaliwanag.. Dami ko natutunan sau sir. Salamat..
Thanks for the support
@@ridewithlevi6418EPS naba stering boss?
Sarap magbasa ng mga comment. Dahil di naman ako techy person so i prefered the GRS. Napatunayan ko na kasi ang reliability ng toyota matapos umabot na sa 11 years ang Fortuner 1KD engine ko without any single issue. Just do the required PMS and without modification and there you go.
My opinion is mas reliable ang D4D na engine ng Toyota over the new engine. I've seen several new model Hilux trucks with black smoke already, especially on acceleration.
Exactly...durability matters most..lalo na yung pakiramdam na hinde ka iiwanan ng sasakyan pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
@@rexhinlo3398mamaw yang d4d na yan. Di ka ipapahiya
Ano nalang Yung Isuzu dmax namin 2011 ls 280k odo na fuel filter, change oil at brake pads Lang napapalitan😂
Hahahaha yung mitsu advie nga namin na 98 buhay pa. Running 600k kms na. Walang napalitan, besides pagdating sa kaha e solid talaga. So for reliability, para sakin same same lang yan. Nasa tamang pag aalaga nalang.
We’re currently looking for a pickup na try q to. Id say go for triton more or less 10 yrs old na ang current gen hilux. Need na talaga ng new gen. Hopefully last na ng iteration ng current hilux nato.
just me, but i would 100% just get the Athlete, that almost 300k difference isn't justified.
How about Mazda bt 50 pangolin edition 2? 5 year warranty
Mitsubishi joins rallye competitions and they infuse their rallye technology in their vehicles. Just compare the ride, handling, and braking between the Hilux and the Triton. Huge difference.
@@rexhinlo3398 agree.
I just bought Navara VL 4x4 Yun lang kinaya ng budget ko. I loved watching your reviews to see what I'm missing out from other brands.
Thankss
Mas friendy user kasi navara. Kuntento na rin ako sa navara pro4x
@@DrLaw-ul5op cheers! ang sulit sa presyo nya pero hindi compromised ang quality especially sa ride comfort 100%, at sa looks, di naman sa bias pero pare sobrang pogi talaga ng pro4x.
upgrade mo lang to bigger tires and attach a bulky rollbar, sobrang angas na ng dating
Thank you for your detailed information regarding the unit and saludo po ako sa inyo.........
For an old timer like me its Toyota all the way! Its off road reliability is well established. For a pick up truck thats the most important thing. Looks and tech and all the bells and whistle is secondary.. Too many techs means too many things that can go wrong.. Lets review after 10 years and compare notes. Raptor maybe bigger but not necessarily better. Nice review Levi.. Kudos to you...
Korek. Kung maghanap ka ng 2nd hand hi lux vs ford ranger, ang laki ng baba ng resale value sa ford ranger. I agree with you; techs and other features are secondary. Mas importante talaga ang reliablity and easy to maintain vehicle.
On point. Compare notes after 5-8yrs nga lang or 100k km.
6yrs ago gantong ganto ang comment sa wildtrak ko. Wala naman niisang tech na nasira. Ayun tech ng wildtrak 6 yrs ago nasa hilux na ngayon pati design ginaya.
@@virgilioconcha1085mali analysis mo sa 2nd hand. Bumili ng ka ng 2nd hand na ford kasi mas mura. Same raliability when it comes to 2nd hand cars. Why? Ford owners a few years ago will go to casa for parts. While hilux owners go to banawe where fake parts are common. Walang matibay na toyota sa pabayang owner.
@@reneogatis2019 tama po I bought a 2nd hand everest na di hamak na mura sa kasabayan niang fortuner, at the right price makakuha sa super sariwa tas same price laspag mahahanap mo sa market place if meh sariwa na yota apaka mahal 😂 di worth it price dagdag ka konti brand new na.
For 2nd hand car buyers mas masusulit mo ford lalo ung complete ung maintenance records sa casa, karamihan nagbebenta yota na 2nd hand sa labas maintenance at replacement parts nillagay para maka mura
Galing ng insights, only for those who really know. I can only imagine with a full team with you pero this format really suits you po sir. Great job!
Para kase 'culto' ang Toyota sa Pinas. Yes, they're very reliable. But people really just automatically buy it because of the brand. This then means the company gets so comfortable and won't innovate, as they know people will still continue buying it. Seriously, my dad's 2023 Fortuner is so dated inside, and I absolutely hate the side folding rear 2 seats, it's such a waste of space.
Exactly 💯
You nailed it. Nadale mo
Toyota lover here. Yes tama ka. Tgnan mo tong GR nila atleast sna nka ko2 man lang. Dpt mg give back dn cla sa mga bumibili ng mga sskyn nila. Hnd ung kung ano lang irelease nila kht npka outdated. Buti pa ung ISUZU MUX ngaun atleast di na outdated.
And after sales nila is shit
DO NOT STOP TALKING ABOUT TOYOTA IT IS ALWAYS NO. 1 IN THE WORLD!
Hi! Levi, I have the first of the Five Ranger Raptor release at Ford Autohub Manila of December 2018. I have still my first version up to date at 120k KM ODO without any issue. Still pogi pa din like new even na byahe ko na ito from Luzon to Mindanao. For me, the new Hilux GRS doesn't justify the price increase na close na sa new gen Raptor but far-far more behind from the tech and feature of the Ranger Raptor. Following recommended PMS frequency properly and at 90k KM, replaced all belts and still drives like brand new. We will both have the same color soon adding a Ranger Raptor into my small garage. Stay safe and God bless.
Yes, any car can last for a long time with proper maintenance, but a defective or lemon unit is a different story
This is a very nice experience to know. Just recently bought a white nextgen raptor. Hope it's not a lemon one. Hope it can last also without majoy problems. Hehe.
Another in-depth non biased review, alam mo na pinagisipan ng maayos and hindi basta basta ginawa ang vlog for the views, priority ang knowledge and awareness ng mga viewers and prospect buyers! 👍🏻👍🏻
Thanks po sa advice sir levi, dahil sa video nyo, mag raptor na po ako. Thanks..
Parehas tayo sir levi, I also prioritized Comfort over reliability. That is why I chose navara over other brands. I also agree with your statement that so long as you maintain well the car wala kang magiging problema. Very informative yung video.
Resale value yes and durability yes. Pero luging lugi sa price nyan. Very basic ang features. Parang tinipid unlike Raptor andun na lahat. Even tires wala ka ng babaguhin dahil naka bfg na.
Makina hilux tapos the rest raptor na.. yun ang solid 💪💪 nice review solid talaga mag review si boss levi 😎😎
Mas Refined makina ng Ford. STILL Ford for me.
@@marinerchris kaya nasabing refined ng iba kasi tahimik, well tahimik nga talaga kasi wet belt gamit nila eh. Pero pag yan umabot 60k-80k mileage kabahan ka na hahaha!
Hard core off roader here. Not a Toyota Fanboy. If you want to go in the mountains take the Ranger Raptor. If you want to make sure you go back home take the Hi Lux. Thats all i can say. ✌️
The best Review and one of the best HONEST OPINIONS!! NO BIAS JUST HONEST REVIEW AND OPINIONS❤️❤️
Pabile na ako ng Hilux GRS tapos bigla ko napanuod review mo sir levi. Ayun, naka reserve na yung ford raptor haha.
Goodluck sir. Raptor owner here, buying a GRS na.
nice review po ng unit na to... hopefully mag upgrade na din yun interior design
Galing ng Review Tito Levi
Looking forward sa long term review regarding Ford service and reliability
Feeling ko yan lang ang reason kung bakit ginugusto ng marami ang Toyota Hilux, reliabliity
Thank you for your highly informative vlogs Sir Levi! I can now definitely decide what is best unit to buy bet. the Raptor and the GRS
Kung sasabay lang si toyota in terms of features sa mga competitor ay walang duda na mas lalo niyang paghaharian ang market. At kung sasabay naman ang mga competitor in terms of reliability ay tuluyan na nilang tatalunin sa market si toyota.
Congrats sir...very unbaised...my favorite line is " nabili mo yun gusto mo"... the hilux is a different creature from the raptor.
Thank you sir levi for helping me decide. Hindi bagay sa akin ang hilux. I value safety, comfort and tech. Wala naman ako balak magoffroad at magdala ng heavy loads. I also own a montero like you and i might regret buying a hilux galing sa comfort ng montero. I do respect other people na cguro ay bagay sa lifestyle nila ang Hilux. Hindi ko kinokonsider na plus yung tatagal yung pick-up kasi baka hindi mo rin ito magagamit 20-30 yrs from now dahil baka iphaphase out na diesel as we shift to everything electric. Tagal ko na naghanap ng videos comparing both cars na yung straight to the point. Hindi yung playing safe. Raptor it is then 😊
Thankyou din 😊
Tama po kayo sir dipa rin sya talaga fully refine.nice video again po sir loud and clear.ganda Ng driving shoes nio po.
thank you mang levi i appreciate the item to item comparo and totally agree w ur evaluation
Thanks po
Ang masasabi ko lang sa gusto bumili nang GRS hindi ka mag sisi sa huli grabe ang performance parang elephanti na walang ka hirap hirap mag akyat ako sa farm namin na matarik at rough road talaga na hindi kaya nang Raptor.
Sir Levi good review! Ranger owner here, pero inisip ko din maghilux. Both are really good at sabi mo nga its based on what you prefer at the end of the day. Ang gusto ko sa review niyo, hindi bias. Alam mo naman kasi mga hardcord fans medyo toxic. Anyway keep posting! Sana magka Lexus reviews din kayo
Thank you, Ser Levi. Looking forward to the review or POV driving experience of the Ford Everest Titanium+ 4x4.
I own the last gen grs, and i would recommend the dmax instead. If only isuzu launched it a bit early, not that the hilux is bad, but toyota still sticks to the saying, " if it aint broke dont fix it "
Nakakatuwa lang kasi more facelift lang si Hilux pero parang nakikipagsabayan pa rin kay (all new) Triton. ✌️ #dmax
MITSUBISHI TRITON IS WAVING 👋
Lokbu. Naka drum brake pa din. Walang rear aircon vent, meron lang blower. Pangit ng door lock, napaka oldies.
@@bladeofmiquella1887they did it for a reason po tenyo naman ang price ng triton compare sa dalwa they need to make simple things para mag match sa price at the rest binalanse nila but overall sa price ni triton napaka sulit nya mitsubishi yan matibay yan 😂
@@bladeofmiquella1887 bat ba factor sayo drum brakes? Dahil ba sinasabi ng mga car reviewers na ayaw nila ng drum kaya ayaw mo rin? FYI mas advantage ang drum for using the Parking Brakes compared to disc brakes sa likod. Mapapakinabangan mo ang all disc brakes if sports car gamit mo, pero for a normal car it has little to no advantage sa drum sa likod.
@@techietoma Meh. Gawa gawa mo lang yan. Look, Triton Athlete costs a whooping 2 million pesos. Kung nagawa ng FORD at Toyota magbigay ng rear disk brake sa parehong price segment, kaya din dapat ng Mitsubishi yan. Pero nope, tinipid nila para mas malaki kita. Wag paka engot boi.
@@bladeofmiquella1887ang laki ng problema mo sa drum brake lods hahaha speaking of tipid, look at toyota’s cars, as u can observe hindi justifiable price point sa mga feautures na nasa unit nila. Just like for example, fortuner toyota v 4x2 2019 top of the line na pero walang rear camera like wtf seriously? Jan ka mag wonder kung sino ang matipid puro ka dada wala namang alam HAHAHAHAHAHA
thank you sa knowledge Ser Levi.
Yan Yung gusto ko sa u mgpaliwanag Sir, prangka klaroo at patas. Nasa buyer nlng tlga kung Anu Ang ma's prefer nya.
Salamat sir
For the money, Raptor probably is a better buy. Nowadays, reliability alone from Toyota is not enough to convince buyers.
Sir Levi, best car review as always.. more power to your channel, next review or impression naman for the FJ Cruiser..
Maybe your best review yet. More power kuya Levi.
The Power of the Engine is a Big plus.
Wag kang maniwala jan di mo parin alam na pineke nang toyota ang power output nang makina kaya nga nagrecall ang toyota sa fortuner at hilux…sa papel lng malakas pero sa actual eh ganun parin sa dating old hilux.
Ranger, hilux or triton choices ko nung nagcocontemplate ng sasakyan. Went for ranger kasi iba yung riding dynamics nya tska + points yung EPS talaga. Hilux is close second since we had 2016 hilux before yung model na bagsak sa moose test 😅 kaso in a year or 2 may new model na so nanghihinyang ako. Triton ewan para lang siguro may isa pang choice. Sayang lang di na test drive yung dmax at bt50.
Agree with your point not just for the hilux but for all modern toyota models. Worth it lang talaga if you plan to use it long term o pang harabas (with exceptions for the dihatsu based models 🤫). Other than that overpriced siya. I work for toyota yet own a nissan, kia, and benz. Unless you plan to get a camry, lc300 or imports from japan I just can’t justify owning one because there are always better options. 🤷🏽♂️
Anong KIA car ang napili nyo po just curious tnx
@@lor1314 sorento
@@jjoshualb_ nice
ibang level po kayo mag review, sir levi 🔥
Ako last yr kumuha ng hilux grs pero ngayong nahihiram ko yung sa kapatid ko na raptor kahit na 3yrs old na ay talaga sobrang ganda ng raptor sadyang sobrang mahal ng maintenance kaya din nagdecide ako last na yr na maghilux nalang.
Why keeping for maintenance, if you have money to buy it, Ofcourse hindi balakid yung maintenance you can afford it too right
Would you get this grs over the triton athlete sir levi? Or say the conquest 4x4
Triton for know value for money pero mas gusto and type ko grs kung gagawin project car, mas malakas dating
Dapat hindi tinipid ni Toyota ang Tires nito, Dapat nakipag partner sila with Toyo or Falken para lagyan ng more rugged wheels like the Ford Raptor with BFG KO2. Kahit madagdagan ang price atleast naka setup na and more appealing sa buyers pag nasa showroom. Sana rin naka negative offset yung mags para pumantay sa fenders.
KO3.
ok lang yan, wala naman stock ng gr-s na yan eh.
@@eraserheads78 ko2 pa lang nasa Raptor na mga nilalabas nila, di pa ako nakakita na ko3 kasama.
@techietoma I was watching the 2024 Ranger Raptor review from US sir. They really test the Raptor in real world situation and you can see that rear locking differential of the Raptor is not enough, they always engage the front locker to move forward.
@@eraserheads78 I think you're referring to the video from CarExpert, yung need ng Raptor ma engage both rear and front diff lock para maka akyat sa steep incline.
Triton used aluminium cylinder block while Toyota used cast iron so durable.
The outside rear shock absorber set-up is similar to that of the 4-Runner. That cruise control switch is archaic! Hahaha! Toyota has a lot of over stock of that frame and they are upgrading that frame just to sell them. The new Hilux with the hybrid gasoline option is already available, but cannot be sold yet in country because of the overstock. Mitsubishi is different. They are selling the old Triton side-by-side the new Triton.
Kung pamorma, Raptor ako, pero kung for long term at workhorse talaga pang kargahan Hilux talaga
Those wheels look quite wide for 265/65/17? What is the rim offset?
Looks too dated no sir levi? Not to mentioned the heavy steering wheel and "tagtag" factor✌🏻but reliability wise go for it👌🏼
Lahat ng pick up magaganda... Depende na lang yan kung ano preference mo....😊 Maganda yan healthy competition
i agree in all of your opinion mr. levi
Maganda talaga sana yanh HILUX GrSports kasu na sacricifice yung comfort at luwang sa loob, compare sa ranger raptor na comfortable and maluwang talaga
Shout out sir levi, happy fiesta from las pinas city
The bigger the engine power and the little less size of the body dimension is more better in terms of weight and aerodynamic.
test drive review?
Watch niyo nalang video ko entitled “which pick up drives the best” kasama grs dun sir
...hows the fuel effieciency compared to the raptor?
Cant compare haven’t driven the grs for a long period
You can upgrade your basic hulix 4x4 into GR S look through aftermarket
The 1GD-FTV stands as a 2,755 cc (2.8 L)
Possible maganda yan sa kargahan. Mlakas ang makina di masyadong malambot ang suspension kaya di titingala kung kargahan.
nice video sir, thank you for the review. magkano additional para sa roller lid sa rear?
Kung pang matagalan at patibayan at iwas Sa sakit Ng ulo in the future,Sa Toyota na lng Ako,subok KO na yn,purmado nga ung MGA gawa Ng Ford Pero bibigyan ka naman Ng desenting problema Sa hinaharap,di Gaya Sa Toyota brand Kung bibigyan ka man Ng problema Ng unit Mo Pero cgradong kayang Kaya Mo,,
Most people who buys toyota don't plan to change their vehicle every 5 years. Nor want a company that produces lemon cars.😊
Mas maganda parehas kang merong Toyota Hilux Grs and ford raptor ranger ♥️
now ko lang napansin sir, Dunlop pala gulong dyan ng GR-S, dito po kasi sa Thailand KO2 BF ang nkakabit mula sa Toyota.
Pls tell us, How much in USD?
About 45,000 USD
Hilux user here pero para sakin raptor pa din natural na brusko. Grs parang pilit pagkalapad
Nakapaldang hilux
dapat sa ganyang presyo at lapad. ginawa na nila sana 285 ang tires. pinag lalaban nila sa raptor pero ang liit ng tires. ndi match ung maliit na tires sa wide body ng grs.
Di din po kasi kasya ang 285 with the current wheel well ng hilux, malaki ang iaadjust or tabasin to fit a 285 tire
Nice and comprehensive review sir Levi
Thank you 🙂
@@ridewithlevi6418sir ilan km/l raptor mo pag city drive?
Sir. Mag upload din po kayo vids regarding your raptor PMS and costs.
Debating po kasi ako what to get . raptor or triton athlete or this hilux GRS. Looking forward to more of your vids
Up yo this
Mpg city/hwy/mix.
Kung hindi ka nagmamadali, just wait for the 2025 Next Gen Hilux.
If PMS and maintenance cost concern mo, don't get a Ford.
Yes sir in the future
@@techietoma kasado na ba ang redesign model next year?
Pag bibili ako ng truck between hilux grs or ranger raptor il go raptor for safety and baja racing❤
kung marami kang pera pang paayos ok yan hehe
@@ElJordan-tm2wlpalibhasa mahirap ka magsumikap ka kasi para mkabili ka di puro nega baka rusi palang service mo haha
Hirap kasi walng usb port sa likod, iyak anak ko nyan. Anyway very fair mag review si Sir Lev.
Saan po banda ung on/off ng heat unit?
Hilux parin!!! The Best khit outdated design,,,Pangmatagalan,,,
🔻
How much is it in dollars ?
Around 44,000 dollars
Ang hilux matagtag kung wala kang pira kaag may pira si hilux ay very smooth heheheh kung wala kang pang bili mag GRAB na lang kayo vety comfy pa sumakay
Sir kailan nyo po ang review ng Foton Tunland? Thanks
Nice review sir Levi. But TOYOTA IS TOYOTA. Less technology less future problem. 😊
ganda ng review mo sir levi. God Bless po
Hello po Sir Levi. Kamusta po kayo ngayong ko lang nakita ang post ninyo..😊 ito po ang Hi-Lux SUV na may Bravado looks... 😊 sana mag post kayo ng mga iba ibang sasakyan. 😊 maraming salamat po..😊
Para sa akin mas pogi pa yung Conquest na green. Parang bitin ang GRS. Pero panalo ang engine nito compared sa mga Ranger IMO.
Ang dami po pala karga karga ni raptor sa kanyang 2.0 engine😅. Timing belt din po ba?
eto ung dapat pag tuunan ng pansin ng toyota masyado ng outdated ung mga features ng mga kotse nila. Sa price ng 2m+ mas ok padin Raptor
For me, my vl 4/4 manual navara is the best. Haha I prefer to buy Hilux next tym if I luckily got millions of money just for hauling something in my farm at mountainous area.
Narration is topnotch!
Kadalasan kasi dito ang tinitingnan ang porma at resale value..pro sa mga marunong talaga durability dapat ng makina pagtoonan ng pansin in the long run..maliban kung mayaman talaga kayo after 5years palit agad ng sasakyan...ang kawawa yung bumibili ng secondhand kasi pagkatapos nilang gamitin ng ilang taong ipinagbenta nila sa mga taong walang alam masyado sa makina ang sasakyan pati mga maging problema nito.kaya sa mga buyer na moderate lang tibay ng makina ang talagang pagtoonan nyo ng pansin kasi nandyan ang napakalaking gastusin pati sa transmission....dikayo ngtaka bakit ang daming 2019 pataas na model binibenta ngayon ibig sabihin..may dahilan baka need ng funds or may sekreto ng sakit ng sasakyan na nabahala sila na sila ang makagasto ng malaki doon kaya ni resale kawawa talaga ang secondhand lover bumili kanang pinagsawaan nila pati ang parating na malking gastosin sa check engine haha..
224hp 550NM…woa! I wonder the fuel consumption will be?
Boss ang concern mo sa GRS makarating Yan Kay KIICHIRO TOYODA paga litan natin ang may Ari. Kasi Hindi comfortable sa GRS. Hehehe Boss sa Kay raptor na tayo kaya lang sisirain ang raptor in the future. Less tech less problem more tech more problem in the future
Thanks for watching! 😁
Sirrr ganda ng new wheels niyo kita ko sa tiktok niyo 🔥
Thanks po
Raptor pa din talaga ang the best👍
It depends on how you use it for. For high speed off-roading Ranger Raptor, for crawling Hilux until Philippine Ford will equip it with a front locker like they offered in The US.
The best sa pormahan and tech features, yes for RAPTOR but in terms of overall reliability Hi-Lux will beat it.
The best sa transmission and electrical issue.
@@techietomanasanay ka kasi sa di uling na toyota
@@iceice5481 ano po pala kotse nyo? May 2024 Ranger Wildtrak 4x2 po ako and a Toyota Fortuner, asawa ko naka Toyota Raize. Wildtrak 4x2 kinuha ko kasi 6speed and single turbo lang. Yung 10speed with bi-turbo sakitin, which is nakalagay sa Raptor and Wildtrak 4x4. Totoo naman may elec issue eh, yung 12" na screen minsan nawawala display sa unit ko, need mo pa irestart sasakyan para bumalik. Nag lalag pa minsan. Ano po kotse nyo?
ganda nang review.sana makabili din ako ng ranger raptor bago mag May 10😅
Ano po maganda GRS o WILDTRUCK
Na diskorahe ako sa comments nyo yung may negative sides sa Toyota Hilux, planning pa naman na bumili kami ng family ko next month 😅
Anyone can explain what the better daily use is raptor or Grs?
try to test drive both sir
Sir comparo po Hilux conquest gr sport VS Mazda bt 50 pangolin edition 2 same top of the line 😊 sino po ma recommend nyo?
Another awesome impression review Sir Levi!!! 👌👌👌
All insights and aspects of both cars are discussed.
May test drive po ba ng Toyota Hilux GRS?
Good day po sir Levi. Ano po ba ang sunod na sunod na reliable pick up maliban sa hilux?
Isuzu Dmax or Mitsubishi Triton
This is a very honest review!👌
Thank you!
Just tried this for a test drive lastweek in europe its a bit disappointing on its suspension matagtag sya,slow accelaration and its gas consumption..ill choose ranger raptor over this..
Tanong ko lang sir Levi, di po ba ilalabas ang ranger Raptor V6 engine dito sa Pilipinas?
Not sure, pero may possibility, feel ko mas malaki possibility nung v6 na diesel compared sa gas
Nasa 3m na yan kung v6 gas variant