Hamon ng Pagasa MTV by Princess Snow Martinez

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 сен 2024
  • Composer: Michael Martinez
    Singer: Princess Snow Martinez
    Guitarist: Rafael Dionisio
    Artist: Mico Martinez & Myka Martinez
    Lyrics
    1st Verse:
    Nung una kang makita
    Alam kong ikaw na
    Simpleng dalaga
    At maamo ang mukha
    Refrain:
    Nilapitan kita at
    Tinanong ang pangalan niya
    Ako’y natuwa
    At ako’y napagbigyan niya
    Chorus:
    At ngayon, tayo na nga
    Sumabay sa mundong, tayo lang dalawa ang masaya
    Lika na, lumipad tayo ng Malaya
    Salubungin ang bawat umaga
    Kasama ang bawat isa
    Yan ang hamon ng Pagasa
    2nd Verse:
    Ilang taon na nga
    May itatagal pa ba
    Hangang sa tumanda
    At ako’y makuba na
    Refrain:
    Nilapitan kita at
    Tinanong ang pangalan niya
    Ako’y natuwa
    At ako’y napagbigyan niya
    Chorus:
    At ngayon, tayo na nga
    Sumabay sa mundong, tayo lang dalawa ang masaya
    Lika na, lumipad tayo ng Malaya
    Salubungin ang bawat umaga
    Kasama ang bawat isa
    Yan ang hamon ng Pagasa
    Yan ang aking Asawa
    SPOKEN POETRY
    Nagumpisa ang lahat sa isang noodles
    Noodles na halos di ko maubos
    Pano ba naman punong puno ng sabaw
    Sabaw na halos di ko na makita ang laman
    Laman na pangarap kong maubos
    Habang nakikita ka at kakwentuhan.
    Araw araw bumabalik ako sa inyo para makita ka
    Makita ang bituin na bubuo sa aking tadhana
    Tadhana na alam kong sayo ko nakita
    at alam kong tadhana na nakalaan para sa ating dalawa.
    At heto na nga, nakasama na kita
    Kasama sa hirap at ginhawa
    Ginahawang naramdaman habang sabay nating inaabot ang ating mga pangarap
    Pangarap na abot kamay dahil sa tiwala at pagharap
    sa mga bagay na tayo lang ang tumatahak.

Комментарии •