Ang Structural Standards sa Biga ng Bahay Part 2 - Steel Reinforcement (Main Bars)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 1 ноя 2024

Комментарии • 89

  • @blackhunter4600
    @blackhunter4600 10 месяцев назад +2

    Thank you engineer, mabuti n lng at may taong katulad nyo na hindi madamot sa kaalaman. More blessings to come and to your family😊.

  • @perfectodimaculanga1201
    @perfectodimaculanga1201 4 месяца назад +1

    Bilang engineer, naaappreciate ko na may mga channel pa na nagbabahagi ng practical, safe at TOTOONG KAALAMAN, hindi yung "diskarte" lang. Malamang hindi ka puputok tulad ng ibang channels, you're too proper, too professional for that. Pero sana tuloy-tuloy lang.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  4 месяца назад +1

      Hello po sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Sa totoo lang, madalas nag-iisip ako na tumigil na sa ginagawa kong ito. May ilang attempt na rin na isara ko na itong channel dahil isinisingit ko lang ito sa busy schedule ko. Pero dahil nakakakita ako palagi ng pangangailangan sa kaalam ng ating mga kababayan, nareremind ako na hindi pa ako makakahinto. Ok lang kung hindi magboom ang channel. Ang nagiging trending videos po kasi sa ating panahon ay yung mga non-sense na. Masaya na po ako na makapagbigay ng kaunting kaalaman at professional opinion na libre lalo na dun sa mga nagko-consult na kababayan natin sa channel. Anyways, kilala ko po yung channel na sinasabi ninyong "diskarte" lang. Dahil sa kanya kaya ginawa ko po ang maling akala video tungkol sa paggamit ng hook sa footing rebars. Salamat sa kanya at mayroon naging quick content ang channel.

    • @perfectodimaculanga1201
      @perfectodimaculanga1201 4 месяца назад +1

      @@PinoyConstruction1 Grabe, kalimutan na natin yung pambabastos/devalue sa larangan natin eh, kawawa yung mga nagpapagawa lalo na yung mga kapos sa budget. Sila yung may tendency na isacrifice ang safety para sa konting matitipid, and then after a couplle of years bitak, back job or worse giba. Ang standards dapat papataas eh. Ganunpaman, sana 'wag niyo burahin yung channel if ever wala na kayong time mag-upload. Sayang naman at for sure sa hinaharap may mangangailangan at makakahanap ng channel na'to.

  • @ramelhidalgo7203
    @ramelhidalgo7203 2 месяца назад +1

    ANG GALING MO MAG PALIWANAG PO SIR.. PANALO..!!! GOD BLESS😘😘😘

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  2 месяца назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @nelmaaustria9385
    @nelmaaustria9385 Месяц назад +1

    Thanks for info idol

  • @Leonardrecaplaza
    @Leonardrecaplaza 9 месяцев назад +1

    thank po napakaganda ng topics mo po

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  8 месяцев назад

      Wala pong anuman. Maraming salamat sa tiwala at suporta sa channel.

  • @milbertpatun-og6606
    @milbertpatun-og6606 Год назад +1

    ang kagandahan kasi complete yung illustration. sketchup app.

  • @jericportugaliza2551
    @jericportugaliza2551 Год назад +1

    Salamat po sir. Sa details according to NSCP

  • @al-yamenamal9719
    @al-yamenamal9719 Год назад +2

    hope marami ka nang ma upload this holidays. thank you sa knowledge.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello. Sa abot po ng makakaya. Maraming salamat din sa tiwala at suporta.

    • @rrseverything4153
      @rrseverything4153 Год назад +1

      @@PinoyConstruction1 gumgawa rin kau sign and sealed engineer needed for building permit

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello. Paumanhin po. Hindi po ako nagsa-sign ng structural plans. Maraming salamat po sa tiwala at support sa channel.

  • @jhodanclarktv
    @jhodanclarktv 10 месяцев назад +1

    Thank you sir

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  10 месяцев назад

      Maraming salamat din po sa suporta at tiwala sa channel.

  • @musclecat5937
    @musclecat5937 6 месяцев назад +1

    detailed na detailed lods...ung iba iniiskip ung roof beam 😅

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  6 месяцев назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @brybelchez3433
    @brybelchez3433 Год назад +2

    Mas malinaw pa to kesa sa turo ng engineering class sa kolehiyo

  • @DesaynNet
    @DesaynNet 2 месяца назад +1

    Hello engr. I would like to ask. 8x8 single story with loft un half ng 64 sq meter sa plan po ay 16mm .sinunod ko un plan 16mm main bar then naglagay po kami footing tie beam na 16mm my question is dahil flat un column namin maari ba kami gumamit ng 12mm for LB1 beam? At ganun din sa roof beam engr? Sa plan po ay 2.5 meter un flooring to ceiling and 2 meter un loft from flooring to ceiling. Sa structural plan po ay 16mm un RB.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  2 месяца назад +1

      Hello po sa inyo. Kung mayroon po kayong approved plan, I strongly recommend na sundin kung ano ang specification. Yung mga rebar sizes po kasi ay na-determine most probably by means of structural design.

    • @DesaynNet
      @DesaynNet 2 месяца назад +1

      @@PinoyConstruction1 thank you

  • @notsniwaez
    @notsniwaez 3 месяца назад +2

    Pwede po kayang 2 columns lang yung gagawin for a 6meters wide? 3m x 6m po sana gagawin namin.. instead na 10mm bars gagamitan lng ng mas makapal?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  3 месяца назад

      Hello po sa inyo. Pwede naman po. Pero mag-increase po ang sectional size ng column at beam. Magrerequire din po ito ng larger bars o mas maraming bakal. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng design.

    • @ArnulfoGalvan-h1g
      @ArnulfoGalvan-h1g 3 месяца назад +1

      Sir plano ko pong magpatayo ng 2 storey house Ang distance sa bawat kwarto ay 5 meters x 5 meters gaano Po kalaki Ang poste at beam maraming salamat po sa sagot

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  2 месяца назад

      @@ArnulfoGalvan-h1g, Hello po sa inyo. Pumanhin po sa late response. Hindi ko po agad masasagot ito base sa laki ng floor area. Depende po ito sa overall architectural at structural framework or configuration. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng proper design procedure. Marami pa po kasing ibang factors na kailangang i-consider bago natin masabi ang dimension ng footing, poste, beam at slab. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @edmundgarcia8782
    @edmundgarcia8782 Год назад +1

    Magandang Araw po Sa inyo Sir, 6 by 7 po kasi yung balak naming ipagawang bahay, pwede po bang 2.70m ang distance ng isang column at 3.30m naman sa pangatlong column.. slab po.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Pwedeng pwede po ang agwat na yun. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.

  • @SeaCookieTv
    @SeaCookieTv Месяц назад +1

    Good day Sir Grouting tie beam for two stories building is strength for earthquake.?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  16 дней назад

      Hello. I apologize for the late response. I beg your pardon sir/madam but I was not able to clearly get your question. Is your question about building tie beams for added structural strength against earthquake?

    • @SeaCookieTv
      @SeaCookieTv 15 дней назад

      @@PinoyConstruction1 hello Sir Good day po. nagawa na kasi ang column for 2stories building. ngayon ng decide mg lagay ng tiebeam sa ground which is late na.paano po iyo gawin na matibay?

  • @DerrickChan-qk1su
    @DerrickChan-qk1su Месяц назад +1

    Hello po sir. Tanong lang po. Lahat po ba ng beam ay may cut bar o yung sa floor beam lang po to suport the floor slab?. Kasi di ba po lahat ng poste ay lalagyan ng beam palibot lahat po ba yun may cut bar?. Maraming salamat po

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  17 дней назад +1

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Depende po ito sa overall design. Kaya po naglalagay ng cut bars ay para ma-satisfy ang strength capacity requirement ng beam in a particular section or zone or region. Kung lalakihan ang rebar size, may possibility na hindi na kailangan pang maglagay ng cut bars. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng design calculations. As much as possible, ang bawat poste ay dapat laterally supported ng beams. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @viellemendoza5395
    @viellemendoza5395 Год назад +1

    Kasi po yun. Contractor namin is ginwa. Niya lang 3 1/2 lang ang gagawin, kasi meron po siya kadikit na bahay namin. Luma, sami niya wala na beam don and kapag nalang ipa slab tska lagyan ng isa beam ang walang beam na part. Hindi po ba delikado yun+

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hindi ko maunawaan yung 3 1/2. As much as possible, kailangan maglagay ng beam. Hindi po matibay kung ang trusses ay nakapatong direkta sa chb wall.

  • @khing6455
    @khing6455 Год назад +1

    Hello po engr. ask ko lng pwede po ba maglagay ng water proofing like ng brand na sahara sa lahat ng klase na beam,column & column footing?halos kasi nakikita ko na pinaglalagyan ng sahara water proofing ay sa mga concrete slab & wall plastering lng.salamat

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Pwede naman talaga. Kaya lang hindi po common practice na maglagay ng waterproofing sa beam at column lalo na sa residential kung hindi naman ganun ka severe ang exposure sa tubig. Mayroon kasing hindi expose sa tubig katulad ng interior beams and columns. Ang exterior columns or beams naman ay may kaunting bahagi na naka expose na masasabing tolerable. Pero pwede pa rin itong lagyan depende na sa purpose. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.

  • @edmundgarcia8782
    @edmundgarcia8782 Год назад +1

    Magandang araw po, pag bungalow po ,pwede po bang 4 meters ang distance ng mga column?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Pwede naman po. Pero lalaki ng bahagya ang cross-sectional dimension ng biga at poste. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @3ngraning2425
    @3ngraning2425 Год назад +1

    Good day po Sir, if two storey reasdential building, ilang 16 mm bars po kaya needed for beam na may distance na 3.5 m .

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Ang recommendation ko ay gumamit kayo ng 12mm instead of 16mm para sa residential dwellings. Mahirap po ninyo mai-fit ang hook o straight anchorage ng beam rebars sa column dahil ang bigger bars ay magrerequire ng mas mahabang anchorage kaysa sa smaller bars. Magiging issue ito lalo na kung ang cross-sectional size ng column ay limited due to architectural constraints. Maraming salamat po sa suporta at tiwala sa channel.

    • @DerrickChan-qk1su
      @DerrickChan-qk1su Месяц назад

      Hello sir Tanong lang po, lahat po ba ng beam sa slab ay may cut bar oh Yung sa floor beam lang na nagsusuport sa flor slab?. Kasi di ba po lahat ng poste lalagyan ng beam palibot pati po ba Yun ay may cut bar?. Salamat po

    • @rjmaldito8468
      @rjmaldito8468 23 дня назад

      ​@@PinoyConstruction1 sir ask ko po sana if ano naman po ang standard size ng footing/parilya para sa 40sqm na bahay na may 2nd floor? Maraming salamat po.. Godbless..😇🙏

  • @rickyrazon2890
    @rickyrazon2890 Год назад +1

    Hello po..good day..👍ano po standard ng main bar sa collom at sa beam.para second storey..thank you po..🙏🙏🙏

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Wala naman po standard size (minimum) ng bakal na required sa 2 storey residential kung ibabatay sa structural code. Depende po kasi ito sa overall architectural at structural aspect ng bahay. Pero sa kung batay sa general design at conatruction practice, 16mm vertical bars para sa column at 12mm longitudinal bars sa beam. Ang agwat ng bawat column ay hindi dapat higigit 4m. Ang size ng anilyo ay 10mm para sa poste at biga. Maraming salamat po sa tiwala at suporta. Paumanhin po sa late response.

  • @markieticala7409
    @markieticala7409 Год назад +1

    Sir ask ko lng po paano mag lay out nang mga malalaking blsg mayroon pa ba batter board or total station nlng?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Depende po ito sa sitwasyon. Highly recommended po ang paggamit ng theodolite or total station sa mga malalaking construction kagaya ng high rise buildings or mall. May pagkakataon na kakailanganin pa din ang batter board para kapag kailangan ng reference line or points, hindi na tatawagin pa ng mga taong gumagawa gaya ng karpentero or steelman ang construction surveyor para maglay-out ulit ng puntos.

  • @nelzkietv2787
    @nelzkietv2787 Год назад +1

    Sir ilang meters ba maximum ung layo ng bawat culumn? Pag 8 meters ang haba pwd naba 3 culumn? Pag 4 meters dkya bumagsak ang beam? 8x 7meters kasi ipapagawa ko e

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Ang recommended maximum clear distance between columns ay less than 4.00m sa residential structures. Kung 8m pwedeng pwede po ang 3 column to support the beam. Good luck po sa inyong project. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @viralcat-w4x
    @viralcat-w4x Год назад +1

    Ano po gamit niyong software sa 3d drawing presentation na ginagmit niyo?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. SketchUp po ang ginagamit ko sa ating 2d at 3d modeling presentation.

  • @viellemendoza5395
    @viellemendoza5395 Год назад +1

    Sir ang beam o biga po ba is talaga dapat paikot kapag mag roof trasses?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад

      Mas matibay po kung nakapaikot o naka-loop ang beam sa buong paligid ng bahay.

  • @yamahamt1534
    @yamahamt1534 Год назад +1

    Hello po Sir tanong ko lng po yung mga extra bars sa beam applicable lng po ba sya sa mga floor beam gaya ng mga two storey residential pero kung single storey like bungalow yung roof beam no need na ng extra bars? continuous bars na lng po ba...Ina-abangan ko po mga bagong upload nyo po...Salamat sa pagsagot po sir

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Hindi naman po. Kaya po may "extra bars" na madalas na tinatawag ng marami ay upang ma-satisfy ang required amount of steel reinforcement (area of steel reinforcement) which is the related sa strength capacity ng beam. Ang totoo po yan, hindi po dapat tawagin na extra bars. Kasi kapag sinasabing extra, ibig sabihin ay sobra or excess which is not the case. Kapag alisin ito ay maaaring bumigay agad ang beam at loading condition. Anyways, depende po ito sa sizing selection ng rebars. Kung mas malaki po ang size, ang possibility ay mas kaunti ang dami ng bakal na kailangan in a particular section of the beam. Maraming salamat po sa tiwala at suporta.

    • @yamahamt1534
      @yamahamt1534 Год назад +1

      @@PinoyConstruction1 salamat po sa pagsagot sir...sir ma tanong ko lang po ano po mix ratio ng concrete spacer 1:4?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +2

      Commonly, 1:4 (cement : sand) ratio. Pero mas prefer ko ang paggamit ng plastic spacers.

    • @cryptonian2121
      @cryptonian2121 7 месяцев назад +1

      @@PinoyConstruction1 Good day po, Sir ok lang po n.a. gamitin as plastic spacers ang empty pvc pipe tulad ng 2" diameter? Kindly advise po thank u

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  7 месяцев назад

      Hello po sa inyo. Hindi ko po i-rerecommend na gumamit po nito as improvised spacers. Makinis po kasi ang surface nito na kung saan makakaapekto ito sa kapit o bonding ng concrete particles. Maaari din magdulot ito ng formation of cavity or ampaw sa region ng concrete cover na nagpapataas sa chances of concrete spalling.

  • @siresy2463
    @siresy2463 3 месяца назад +1

    Good day sir. Ask ko lang po if 16 mm ang ginamit for 3m beam span, ok lang po ba na isa lang ang cut bar for support and midspan?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  3 месяца назад

      Hello po sa inyo? Bago ko po sagutin ang tanong, ano po ba ang width ng beam?

    • @siresy2463
      @siresy2463 3 месяца назад +1

      200 x 400 mm po. Grade 33 lang po na bakal meron sa hardware

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  3 месяца назад

      @@siresy2463 , yung 1-16mm cut bar ba ay ilalagay sa pagitan ng 2 continuous corner bars?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  3 месяца назад

      Kaya po ako nagtatanong ko ang ganito ay upang i-check natin ang clear spacing ng rebars. According to structural code requirements, clear spacing or bars placed in a horinzontal layer (beam rebars) shall be at least the greatest of 50mm, diameter of the rebar, and 4/3 the maximum size of aggregate (gravel). Ang maximum size of gravel for structural concrete ay 19mm. Ang greatest sa 3 ito ay 50mm. I-check mo if ang clear spacing ng 3 bars (2 continuous corner bars at 1 cut na parehong 16mm diameter) ay 50mm or more. If so, ok po yun. If not, change the design sizes.

    • @siresy2463
      @siresy2463 3 месяца назад +1

      Parang d nga po papasok sa required spacing. Okay lang po ba na gamitin ung nasa video na 4 continuous 2 cut bars na 12 mm kung grade 33 lang po ung bakal?

  • @EfrenAldava
    @EfrenAldava 8 месяцев назад +1

    Ung design ng sterrups nyo paano un nyo ikasa ung top main bars nyo kong halimbawa anim ung topbars containius

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  8 месяцев назад

      Hello po sa inyo. Generally sa beam rebar layout, mayroon po talagang continuous at cut bars. 2 continuous bars lang po talaga either sa top or bottom side which is located at the corners. Kaya 4 continuous bars lahat. And then the rest ay cut bars na. Hindi po kayo makakakita ng more than 2 continuous bar sa either top or bottom side ng beam. Magiging highly uneconomical yun. Pero halimbawa ang required na dami ng bakal sa top ay 6, ang effective na pagkakasa ng bakal ay:
      - 2 continuous bars na nasa corner ng stirrup
      - 2 cut bars sa pagitan ng 2 continuous bars
      - 2 cut bars na nasa iilalim ng 2 continuous bars na ang clear spacing ay 25mm.
      Lalabas, 2 layer ng rebar ang top reinforcement. Check mo lang ang clear spacing ng 4 na bars sa first layer according to structural code requirements. Maraming salamat po sa tiwala at supota sa channel.

  • @martinmirandadesign
    @martinmirandadesign Год назад +2

    Hello po, so pwede pala ang 6 piraso na 12mm sa beam with 10mm stirrups po?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Pwede po ang 12mm para sa main bar ng beam at 10mm minimum sa stirrups.

    • @martinmirandadesign
      @martinmirandadesign Год назад +1

      @@PinoyConstruction1 I mean sa 2 storey house na steel deck po?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Pwede po yun sa steel deck.

  • @poseidon3741
    @poseidon3741 Год назад +1

    Good day, Ano po ang spacing ng stirrups po?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +3

      Ang stirrups po ay tatalakayin sa part 5 ng beam video series. But to answer your question, ang spacing ay: una ay 1@50mm. Tapos 100mm spacing hanggang sa 1/4 of beam clear span. And then the rest ay 200mm on centers.

    • @poseidon3741
      @poseidon3741 Год назад +1

      @@PinoyConstruction1 ayuz.. maraming salamat po. God bless.

    • @viellemendoza5395
      @viellemendoza5395 Год назад +1

      Hello po Engr kapaag po ba mag pa roof Bars, ilan biga o beam ang need sa isang buong bahay?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1  Год назад +1

      Hello po sa inyo. Depende po ito sa overall architectural at structural orientation ng bahay. Usually, it is observed na magkaroon ng poste at every 4m or less on centers. Then ang beam will follow based from the location ng poste.