Pinoy Construction
Pinoy Construction
  • Видео 23
  • Просмотров 652 061

Видео

Ang Basics ng Structural System Part 1 - Code Requirements
Просмотров 1,2 тыс.2 месяца назад
Code requirements prescribed by NSCP 2015 to have an earthquake resistant structural system.
Maling Akala sa Paggamit ng Hook sa Footing Rebars - Part 2 (Full Presentation)
Просмотров 2,3 тыс.3 месяца назад
Misconceptions in the use of hook or bend on footing rebars.
Maling Akala sa Paggamit ng Hook sa Footing Rebars - Part 1 (Full Presentation)
Просмотров 3,4 тыс.3 месяца назад
Misconceptions in the use of hook or bend on footing rebars.
Construction Joints Part 1 - Location (Full Presentation)
Просмотров 23 тыс.3 месяца назад
General guide regarding the location of construction joints in reinforced concrete buildings.
Slab Structural Standards Part 2 - Rebar Details
Просмотров 3,4 тыс.5 месяцев назад
Reinforcing bar standards of one and two-way slab.
Ang Structural Standards sa Poste ng Bahay Part 2 of 3 - Reinforcing Bars (Reupload)
Просмотров 4,2 тыс.5 месяцев назад
The standard and recommended details of reinforcing bars of columns in residential dwellings.
Slab Structural Standards Part 1 - Thickness of Slab
Просмотров 4,7 тыс.11 месяцев назад
The standard thickness of slab on grade, one-way and two-way suspended slabs.
Ang Structural Standards Sa Biga ng Bahay Part 4 - Main Bar Anchorage
Просмотров 29 тыс.Год назад
Basic knowledge in rebar anchorage (development length)
Column Footing Rebar Details for Single-Storey Residential based from ACI 318M-11 and NSCP 2015
Просмотров 7 тыс.Год назад
Column Footing Rebar Details for Single-Storey Residential based from ACI 318M-11 and NSCP 2015
Ang Structural Standards sa Biga ng Bahay Part 3 - Main Bar Cutoff and Splicing
Просмотров 34 тыс.Год назад
Rules and guidelines in the termination points main bars and splicing in beams.
Ang Structural Standards sa Biga ng Bahay Part 2 - Steel Reinforcement (Main Bars)
Просмотров 45 тыс.Год назад
Beam main bars - recommended size, number, layout, concrete covering and clear spacing
Ang Structural Standards sa Biga ng Bahay Part 1 - Dimension and Sizing
Просмотров 25 тыс.Год назад
The standard and recommended dimensions in the design and construction of beams in residential dwellings.
Pinoy Construction: Maling Akala sa Paggamit ng Anilyo ng Poste (Lateral Tie)
Просмотров 7 тыс.2 года назад
Mga ilang maling akala sa paggamit ng anilyo.
Ang Structural Standards sa Poste ng Bahay Part 3 of 3 - Rebar Splicing
Просмотров 32 тыс.2 года назад
Guidelines for column rebar splicing in residential houses.
Ang Structural Standards sa Poste ng Bahay Part 1 of 3 - Dimension and Sizing
Просмотров 70 тыс.2 года назад
Ang Structural Standards sa Poste ng Bahay Part 1 of 3 - Dimension and Sizing
Ang Standard Sizes sa Pundasyon ng Bahay
Просмотров 120 тыс.2 года назад
Ang Standard Sizes sa Pundasyon ng Bahay
Paano Gumawa ng Hollow Block - Ang Tamang Mix Proportion
Просмотров 20 тыс.2 года назад
Paano Gumawa ng Hollow Block - Ang Tamang Mix Proportion
The Basic Concept of Materials Engineering
Просмотров 1,7 тыс.2 года назад
The Basic Concept of Materials Engineering
Magkano ang Magpagawa ng Bahay - Estimated Cost at Budget ng isang Housing Project
Просмотров 2,9 тыс.3 года назад
Magkano ang Magpagawa ng Bahay - Estimated Cost at Budget ng isang Housing Project
Paano magESTIMATE ng Panambak sa construction ng isang bahay?
Просмотров 8 тыс.3 года назад
Paano magESTIMATE ng Panambak sa construction ng isang bahay?
Paano magCOMPUTE ng Cement Sand Gravel (Concrete Estimate) - Detailed Method
Просмотров 10 тыс.3 года назад
Paano magCOMPUTE ng Cement Sand Gravel (Concrete Estimate) - Detailed Method
Paano magLAYOUT ng mga sukat sa construction ng isang bahay?
Просмотров 197 тыс.3 года назад
Paano magLAYOUT ng mga sukat sa construction ng isang bahay?

Комментарии

  • @DerrickChan-qk1su
    @DerrickChan-qk1su 2 дня назад

    Hello po sir. Tanong lang po. Lahat po ba ng beam ay may cut bar o yung sa floor beam lang po to suport the floor slab?. Kasi di ba po lahat ng poste ay lalagyan ng beam palibot lahat po ba yun may cut bar?. Maraming salamat po

  • @MaamRitchelandSirBobby
    @MaamRitchelandSirBobby 4 дня назад

    thank you po ,

  • @GladielAmoto-xw6hz
    @GladielAmoto-xw6hz 6 дней назад

    magandang araw...tanong lang po...ano po ang design kung ang lalagyan ng pundasyon ay muddy or malambot or watery?

  • @engineerjeharebrahim
    @engineerjeharebrahim 15 дней назад

    DAMI KONG NATUTUNAN SA YT CHANNEL NA TO NAUBOS KO NA VIDEO HAHAHA

  • @danjacosalem2066
    @danjacosalem2066 21 день назад

    Hi sir I really enjoy your videos!, meron din po ba kayong video sa iba pang pag estimate na need i-estimate para sa isang buong bahay (electrical, plumbing, etc..) If meron po aabangan ko po! thank youu!

  • @DesaynNet
    @DesaynNet 23 дня назад

    Hello engr. I would like to ask. 8x8 single story with loft un half ng 64 sq meter sa plan po ay 16mm .sinunod ko un plan 16mm main bar then naglagay po kami footing tie beam na 16mm my question is dahil flat un column namin maari ba kami gumamit ng 12mm for LB1 beam? At ganun din sa roof beam engr? Sa plan po ay 2.5 meter un flooring to ceiling and 2 meter un loft from flooring to ceiling. Sa structural plan po ay 16mm un RB.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 23 дня назад

      Hello po sa inyo. Kung mayroon po kayong approved plan, I strongly recommend na sundin kung ano ang specification. Yung mga rebar sizes po kasi ay na-determine most probably by means of structural design.

    • @DesaynNet
      @DesaynNet 20 дней назад

      @@PinoyConstruction1 thank you

  • @Mangeux
    @Mangeux 24 дня назад

    Pwede po bang magkaroon ng construction joint sa ibabaw ng tie beam? bale sa connection ng tie beam and column po. Thank you!

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 23 дня назад

      Hello po sa inyo. Possible po ang construction joint sa location na yan. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @isabelladelacruz-u1y
    @isabelladelacruz-u1y 27 дней назад

    good day engr. can you make atopic on admixtures e.g. tibaymix or rheomix 205 regarding cost benefit perspective in chb and poured concrete applications. achievd strength vs standard non admixed concreted mix. different style of layering chb, screen application waterproffing t&b and on wall plastering, sorry madaling tanong. God bless po dahil hindi ka madamot sa iyong kaalaman at magalang oang sumagot sa mga tanong.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 23 дня назад

      Hello po sa inyo. Sa isang mubuting pagkakataon po ay pag-uusapan po ito. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @hubagna5221
    @hubagna5221 28 дней назад

    thank you so much engr

  • @tiagorosal553
    @tiagorosal553 Месяц назад

    Ang application ba na ito sir is applicable kahit multiple storey?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 29 дней назад

      Hello po sa inyo. Hindi ko po alam kung alin particular sa topic ang inquiry po ninyo na applicable sa multiple storey. Pero in general terms, applicable po ito.

  • @ramelhidalgo7203
    @ramelhidalgo7203 Месяц назад

    ANG GALING MO MAG PALIWANAG PO SIR.. PANALO..!!! GOD BLESS😘😘😘

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 29 дней назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @FarmsUno
    @FarmsUno Месяц назад

    About sa splicing sa bottom bars. Bat sa manual ng dpwh bawal mag splice ng bottom bars sa loob ng column. Pati sa 1st zone bawal. 2nd zone daw splice zone ng bottom bars

  • @user-yv1kg5yc4v
    @user-yv1kg5yc4v Месяц назад

    Sir balak ko po magpatayo ng 2 storey na bahay ang distance po bawat poste ay 5meters x 5 meters ang total nya ay 25 square meters ang tanong ko po gaano ba kalaki yng poste at beam sana masagot mo ang aking katanungan maraming salamat po

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 29 дней назад

      Hello po sa inyo. Pumanhin po sa late response. Hindi ko po agad masasagot ito base sa laki ng floor area. Depende po ito sa overall architectural at structural framework or configuration. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng proper design procedure. Marami pa po kasing ibang factors na kailangang i-consider bago natin masabi ang dimension ng footing, poste, beam at slab. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @carlvokscabigas2416
    @carlvokscabigas2416 Месяц назад

    Share nmn po idea ng concrete mixture for column, long span beam and slab.. thank you idol

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 29 дней назад

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Sa karanasan ko po ay 1 : 2 : 4 (cement bag of 40kg : cubic foot sand : cubic foot of 3/4 inch maximum size gravel) ang karaniwang mix ratio na ginagamit sa footing, column, beam at slab. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @joncea4448
    @joncea4448 Месяц назад

    Sir saan po ba dapat ang putol ng buhos sa beam at slab kung sakali di matatapos yung buhos? sana po macontent nyu din po regarding dito. Salamat. God Bless!

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Mayroon pong video discussion tungkol dito. Ito po ang link: ruclips.net/video/Y5Hz17FTI4M/видео.htmlsi=rv72SXUxjB6HOhhU Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @SamuRai1984
    @SamuRai1984 Месяц назад

    pano po kung sagaran ang lupa, at ecintric type

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po ulit sa inyo. Kung sagaran sa property boundary, it is a possibility na mas maging maliit ang area dimension ng footing pero ang thickness will be the same. Possible din na yung amount ng rebar will be reduced as well, dahil nga sa reduction sa footing area dimensions. Pero ang recommendation ko ay huwag nang i-reduce at as is na po ang dimension and rebar details.

    • @SamuRai1984
      @SamuRai1984 Месяц назад

      @@PinoyConstruction1 salamat po

  • @siresy2463
    @siresy2463 Месяц назад

    Good day sir. Ask ko lang po if 16 mm ang ginamit for 3m beam span, ok lang po ba na isa lang ang cut bar for support and midspan?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo? Bago ko po sagutin ang tanong, ano po ba ang width ng beam?

    • @siresy2463
      @siresy2463 Месяц назад

      200 x 400 mm po. Grade 33 lang po na bakal meron sa hardware

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      @@siresy2463 , yung 1-16mm cut bar ba ay ilalagay sa pagitan ng 2 continuous corner bars?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Kaya po ako nagtatanong ko ang ganito ay upang i-check natin ang clear spacing ng rebars. According to structural code requirements, clear spacing or bars placed in a horinzontal layer (beam rebars) shall be at least the greatest of 50mm, diameter of the rebar, and 4/3 the maximum size of aggregate (gravel). Ang maximum size of gravel for structural concrete ay 19mm. Ang greatest sa 3 ito ay 50mm. I-check mo if ang clear spacing ng 3 bars (2 continuous corner bars at 1 cut na parehong 16mm diameter) ay 50mm or more. If so, ok po yun. If not, change the design sizes.

    • @siresy2463
      @siresy2463 Месяц назад

      Parang d nga po papasok sa required spacing. Okay lang po ba na gamitin ung nasa video na 4 continuous 2 cut bars na 12 mm kung grade 33 lang po ung bakal?

  • @TheCanopyAirResidencesMakati
    @TheCanopyAirResidencesMakati Месяц назад

    Salamat Engr. New Subscriber here. Ask ko lang po. Nagpapagawa ako ng concrete Fence ngayun. Naka design sya as abang para sa poste ng bahay na itatayo in the future. Dinesign naman sya ng Engr. Ang tanung ko lang po is about sa Splicing. tapos na kasi yung isang mukha ng fence .kakapanood ng video nyo na realize ko yung splicing zone na dapat. Kasi yung putol na ginawa ni Foreman ay pantay pantay na doon sa Vertical bar ng poste. Hindi na masusunod yung sinasabing 50% splice lang dapat. Bale magiging 100% kapag gumawa na ng panibagong poste para sa unang slab. Paano po ba ang aprroach sa ganito? Mukhang heto yung maling nakasanayan na ng mga foreman. Ang sabi sa akin ng Foreman, sa dami na ng ginawa nyang bahay ay puro ganyan ang yari, at wala namang problema. Ang sa akin lang naman ay masunod kung ano ang nasa code. Sana po ay magabayan nyo ako kung ano ang dapat kong gawin. Maraming salamat pong Muli at more power sa inyo.

    • @TheCanopyAirResidencesMakati
      @TheCanopyAirResidencesMakati Месяц назад

      Idagdag ko lang po Engr., Bale ang dami ng vertical bar ng bawat poste(total 12 columns) ay walo, na may sukat na 4pcs. 12mm at 4pcs. na 16mm.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Una sa lahat, maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Hayaan po ninyo akong magbigay ng kaunting paliwanag regarding sa presented situation ninyo. Nararamdaman ko po kasi na mayroon pong kaunting confusion. Ganito po kasi yan. Ang building construction whether residential, commercial, industrial, o institutional ay ibinabatay mainly sa 2. Una po ay sa mga governing codes (National Building Code of the Philippines NBCP and National Structural Code of the Philippines NSCP 2015) at sa general construction practice. Ang mga code na nabanggit ang nagtatakda ng "minimum requirements" or "standards". Kapag sinasabi po na "Code", ibig sabihin, ito po ay bahagi ng batas (legal document) na kailangan natin sundin. Similar po ito sa Family Code, Civil Code, Labor Code, etc. Kaya po sinasabi ang salitang "requirements". Ang ika-2 po ay batay sa general construction practice. Ito po yung mga actual methodologies na nakasanayan na at satisfactorily accepted dahil ito po ay proven at tested sa site. Maaaring hindi po ito specifically stated sa alin man code pero ginagawa ito dahil ang mga license civil engineers ay required na magpractice ng profession in good faith. Kung mapapansin po ninyo sa mga video discussions ng Pinoy Construction channel, ang mga information ay mostly presented at delivered with basis from the code at maging sa general construction practice. Nagpe-present din po ako ng aking sariling recommendation. Kapag sinabi po sa video na ito ay "from the code", required po talaga na ito'y sundin regardless. Pero kapag sinabi po na "ang general practice..." o kaya ay "ang recommended practice...", hindi po ito requirement na kailangan masunod sa dahilan na ito ay maaaring hindi applicable sa isang paticular na project situation at condition. With that being said, sagutin ko po ng pranka ang tanong ninyo. Ang 100% rebar splicing ay allowed po ayon sa structural code. Wala din pong provision na nagsasabi kung saan particular ang location ng splicing sa column rebars. Hindi rin po specified na dapat hindi pantay-pantay ang splicing o ito yung tinatawag na splicing in a staggered manner. Ang meron sa code ay ang length of splicing, ang uri ng splicing, etc. In the absence po ng code provision, ang engineer must render a good professional practice. Ang nag-design po ng inyong structure must choose a better option/methodology. In short, siya po ang dapat na magtatakda ng requirements. Paano po ba ito? Ang isang general at recommended construction practice ay magiging requirement lang kung ito po naka-specify na sa contract documents katulad ng isang approved plan. Bigyan ko po kayo ng halimbawa. Sa code, ang minimum concrete cover po ng vertical bars sa column ay 40 mm. Kung naka-specify sa approved plan na 50 mm ang minimum, hindi po susundin ang 40 mm na nasa code kundi yung nasa plano. Mao-obliga lang po natin si foreman na gawin ang 50% total splicing, splicing in a staggered manner, at ang recommended splicing location sa column kung ipinalagay ang mga ito sa contract documents ng engineer na nagdesign. Usually, ito po ay makikita sa structural/general construction notes. Ako ay nag-aagree totally sa sinabi po ninyo na mayroon po talagang mga maling nakasanayan. Kadalasan ay nagiging excuse po yung mga salitang "matagal ko na itong ginagawa pero walang namang naging problema" o kaya ay "marami na akong naging karanasang ganito" upang tanggapin ang kanilang naging pamamaraan. Ang ating mga construction practitioneers tulad ng foreman, leadman, steelman, karpentero, mason ay kinakailangan pa rin i-supervise ng isang engineer. It is a pleasure to answer your inquiries. Maraming salamat po ulit sa tiwala at suporta.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po ulit sa inyo. Hindi po ako makakapag-comment po tungkol dito. Kung ito po ay dumaan sa engineering design procedure, at na-approved, nothing to worry about po. May mga na-encounter po akong column reinforcement na similar po dito sa isang approved plan.

    • @TheCanopyAirResidencesMakati
      @TheCanopyAirResidencesMakati Месяц назад

      @@PinoyConstruction1 Hindi ko alam kung papaano kayo pasasalamatan❤️❤️This means alot po. Hitik na hitik sa kaalaman, detalye at naipaliwanag nyo ng napakalinaw para sa mga katulad ko. Maraming maraming salamat po muli Engineer sa sagot nyo, sa oras na binigay nyo sa pag tugon. Mabuhay po kayo❤️❤️

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Wala pong anuman. Very glad to help.

  • @SamuRai1984
    @SamuRai1984 Месяц назад

    ilang mm po ng rebar ang kailangan para sa footing? 2 storey house

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Check po ninyo itong isang video ng channel regarding sa foundation baka po makatulong sa inyo. ruclips.net/video/VvXVtqD6O4c/видео.htmlsi=nOw6AT8cLGD6rFpg Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @dinomarquez-nb4rd
    @dinomarquez-nb4rd Месяц назад

    hello sir, ok lang po ba ang 250x250cm na poste for 1 storey bungalow? 6pcs 12mm naka square type sya hndi sya naka 200x350mm . and ang distance po ng wall is nasa 4.70m ang column at isa ay nasa 4.3m . 9 Columns lang po sya sa 6.5x9mters na floor plan. Salamat po sa isasagot nyo

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Ang recommended po sa bungalow ay 200mm x 350mm for column span distance na less 4m reinforced with 6-12mm rebars. Kung ang 250mm x 250mm po na sectional dimension ay adequate base sa engineering design, ok po yun. Basta nai-design po sya ng engineer, nothing to worry.

    • @dinomarquez-nb4rd
      @dinomarquez-nb4rd Месяц назад

      @@PinoyConstruction1 Thank you, pero po kasi ung Haba ng bahay is 6.5x9 meters bale 9 columns lang sa design, ung pagitan ng columns is nasa 4.75m ung isa at isa nasa 4.25m po. Ok lang po ba un? 250x250 ung laki ng poste. pina design ko lang po sa pinsan ko na Engr.

  • @dinomarquez-nb4rd
    @dinomarquez-nb4rd Месяц назад

    Hello po, tanong ko lang po, ang design po ng poste po ay 250x250cm pero ung distance ng 2 column is nasa 4.75m at ung 2nd is 4.25 cm , delikado na po ba? kasi lumagpas na po sa 4M ? salamat po, sana masagot. Single storey Bungalow house lang po, nasa 6.5x9meters ung floorplan

  • @dinomarquez-nb4rd
    @dinomarquez-nb4rd Месяц назад

    ok lang po ba na 250x250cm ang Column sir? sqaure type hndi sya rectangular for Bungalow single storey po? thanks

  • @3AGCONSTRUCTION
    @3AGCONSTRUCTION Месяц назад

    Salamat po

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      @@3AGCONSTRUCTION , Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @Arnold-mo5xh
    @Arnold-mo5xh Месяц назад

    Pls. explain thoroughly about the location of maximum axial compressive stress in columns, thanks for the explaination & good tutorial in construction methodology.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello. Thank you for the trust and support on the channel. A detail discussion will come in the future.

  • @charliegabriel9164
    @charliegabriel9164 Месяц назад

    sir ang ganda ng explanation with slide presentation

  • @charliegabriel9164
    @charliegabriel9164 Месяц назад

    very informative and base codes.

  • @barredobrothersofficial
    @barredobrothersofficial Месяц назад

    Nice may Matutunan nanaman tayo

  • @user-yv1kg5yc4v
    @user-yv1kg5yc4v Месяц назад

    Sir ok lang ba Ang distance ng poste sa 2 storey na bahay ay 5 meters? Yng bedroom ay 5meters x 5meters

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa late response. Pwede naman po. Take note lang po ninyo na kapag ang distance ng mga poste ay humigit sa 4m, yung recommended sectional dimension ng poste at beam pati na yung rebar details ay maaaring magbabago o maiba. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @geni911
    @geni911 Месяц назад

    sir, ginamit ko yung estimate ni sir m.fajardo kaso ang layo ng difference nung computation nyo. Bakit po kaya ganun? since detailed yung procedure nyo sir mas kampante akong gamitin yung procedure po ninyo

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Sa natatandaan ko sa estimate book authored by Max Fajardo, kahit anong mix class, ang sand ay nakaset na agad sa 0.5 cu.m at ang gravel ay 1.0 cu.m. Hindi ako 100% sure. Hahanapin ko yung book na yun sa files ko. To make sure. Anyways, malaki ang allowance factor nya since kung io-observe mo yung staging at hauling ng materials, maraming natatapon. But it wouldn't favor the numerics of the estimate kasi lalabas maxadong malaki ang quantity na may significant impact costing.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Pagbatayan mo pa rin ang estimate book nya. Nagpo-provide yun ng basics. Pati dib yung ibang books nya. Hanggang ngayon binabasa or nagrerefer pa rin ako sa mga yun. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

    • @geni911
      @geni911 Месяц назад

      @@PinoyConstruction1 regarding sa procedure ng estimate ni sir m.fajardo basta na lang kinuha yung volume nung required member and then multiply lang sa value na naka tabulate. Hindi na po sya gumamit ng dry volume. Dadgdag ko na din po sir, hingi lang po ako ng recommendations na book or article about sa class mix and standard thinckenss for conrete masonry and plastering. Hindi po kasi parep-pareho ang nababasa ko hindi ko po alam ano susundin ko.

    • @geni911
      @geni911 Месяц назад

      @@PinoyConstruction1 Salamat po sir sa pagshare ng knowledge sa tulad naming baguhan sa construction industry. Kampante po ako sa inaabsorb kung kaaalaman kasi pinapakita po ninyo na galing sa code ang mga tinuturo ninyo lalo na sa structural.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Paumanhin po sa inyo. Hindi ko napansin ang comment po ninyong ito. Ang mix proportion po for plastering and mortar filler ay ranging from 1:2 to 1:4.(cement:sand). Ang computation approach po ay very similar dun sa video discussion ng channel about mix proportion ng paggawa ng hollow blocks. Ang thickness ng plastering ay 10mm, 15mm at 20mm (single face). Wala po akong mai-recommend sa inyo na reference book aside kay Max Fajardo. Dahil po sa inyong inquiries, nagpaplano po ako ng isang video discusion regarding po sa topic na ito.

  • @geni911
    @geni911 2 месяца назад

    Ganda ng explaination sir! Panatag ako sa knowledge na inaabsorb ko kasi sa nscp ang reference. God bless you sir!

  • @LionsHeart01
    @LionsHeart01 2 месяца назад

    Hi po..mas maganda at matibay ba ang colunm sir kapag monolitic yung walang putol to 2nd floor po. Or mas recommended yung my putol? Please advise me tnx po sa sagot

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Hindi naman para maging matibay yung column kundi magkaroon ng enough rigidity/stiffness ang beam-column connection kaya recommended ang monolithic pouring from within H/4 ng column hanggang floor system. Hindi mo kasi maa-avoid ito dahil hindi advisable at dahil sa limitation na hindi mapopormahan ang buong column kasabay ang floor system. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

    • @raypgtv4590
      @raypgtv4590 24 дня назад

      Bakit kailangan may dugtungan if puede naman idoretso

  • @randy4639
    @randy4639 2 месяца назад

    Engr. Underrated mga videos mo pero napakadaming matututunan.

  • @cesardelacruz4593
    @cesardelacruz4593 2 месяца назад

    Sir subscriber nyo ko. Magpapa tulong lang sana ko kung mag kilala kayong structural engineer para ipa calculate ko yung size ng columns tsaka beams. Thanks

    • @cesardelacruz4593
      @cesardelacruz4593 2 месяца назад

      Sir baka pwede mo ma compute yung size ng colums, beams, walls tsaka columns ng pinaplano kong ipagawang elevated swimming pool. Hingin ko sana yung number nyo kung pwede para pag usapan natin kung magkano bayad. Thanks

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 Месяц назад

      Hello po sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Paumanhin po sa inyo. Wala po ako sa Pinas. Hindi ko rin po magagawa dahil abala din po sa hanap-buhay.

  • @OffDutyAdventures.withyana
    @OffDutyAdventures.withyana 2 месяца назад

    Again thankyou for the knowledge idol, narerefresh ako sa mga provisions ng code dahil sa videos mo.waiting for part 2

  • @Spracheinheit
    @Spracheinheit 2 месяца назад

    Ito ang pinaka the best mag explain, salamat engr.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @calicohadji-ali3040
    @calicohadji-ali3040 2 месяца назад

    Bitin....longer video please.

  • @notsniwaez
    @notsniwaez 2 месяца назад

    Pwede po kayang 2 columns lang yung gagawin for a 6meters wide? 3m x 6m po sana gagawin namin.. instead na 10mm bars gagamitan lng ng mas makapal?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Pwede naman po. Pero mag-increase po ang sectional size ng column at beam. Magrerequire din po ito ng larger bars o mas maraming bakal. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng design.

    • @user-yv1kg5yc4v
      @user-yv1kg5yc4v Месяц назад

      Sir plano ko pong magpatayo ng 2 storey house Ang distance sa bawat kwarto ay 5 meters x 5 meters gaano Po kalaki Ang poste at beam maraming salamat po sa sagot

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 29 дней назад

      @@user-yv1kg5yc4v, Hello po sa inyo. Pumanhin po sa late response. Hindi ko po agad masasagot ito base sa laki ng floor area. Depende po ito sa overall architectural at structural framework or configuration. Matutukoy lang po ito sa pamamagitan ng proper design procedure. Marami pa po kasing ibang factors na kailangang i-consider bago natin masabi ang dimension ng footing, poste, beam at slab. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @du30pro
    @du30pro 2 месяца назад

    Sir , gusto ko pong mag pagawa sa inyo Ng structural plan Ng Bahay , mga rebars, plumbing ,electrical ,, paano kita nakuntak sir ,ang sukat na gagawing bahay 40x30 feet ,, single house lng po . Sana mapansin

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Paumanhin po sa inyo. Hindi na po ako tumatanggap ng project dahil wala na po ako sa Pinas. Paumanhin po ulit.

    • @du30pro
      @du30pro 2 месяца назад

      @@PinoyConstruction1 structural drawing lng Po , Kasi may balak Po Kasi Akong mgpagawa Ng bahay sa pinas , s ISA Po Akong OFW , DITO PO AKO SA EUROPE

  • @perfectodimaculanga1201
    @perfectodimaculanga1201 2 месяца назад

    Bilang engineer, naaappreciate ko na may mga channel pa na nagbabahagi ng practical, safe at TOTOONG KAALAMAN, hindi yung "diskarte" lang. Malamang hindi ka puputok tulad ng ibang channels, you're too proper, too professional for that. Pero sana tuloy-tuloy lang.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Sa totoo lang, madalas nag-iisip ako na tumigil na sa ginagawa kong ito. May ilang attempt na rin na isara ko na itong channel dahil isinisingit ko lang ito sa busy schedule ko. Pero dahil nakakakita ako palagi ng pangangailangan sa kaalam ng ating mga kababayan, nareremind ako na hindi pa ako makakahinto. Ok lang kung hindi magboom ang channel. Ang nagiging trending videos po kasi sa ating panahon ay yung mga non-sense na. Masaya na po ako na makapagbigay ng kaunting kaalaman at professional opinion na libre lalo na dun sa mga nagko-consult na kababayan natin sa channel. Anyways, kilala ko po yung channel na sinasabi ninyong "diskarte" lang. Dahil sa kanya kaya ginawa ko po ang maling akala video tungkol sa paggamit ng hook sa footing rebars. Salamat sa kanya at mayroon naging quick content ang channel.

    • @perfectodimaculanga1201
      @perfectodimaculanga1201 2 месяца назад

      @@PinoyConstruction1 Grabe, kalimutan na natin yung pambabastos/devalue sa larangan natin eh, kawawa yung mga nagpapagawa lalo na yung mga kapos sa budget. Sila yung may tendency na isacrifice ang safety para sa konting matitipid, and then after a couplle of years bitak, back job or worse giba. Ang standards dapat papataas eh. Ganunpaman, sana 'wag niyo burahin yung channel if ever wala na kayong time mag-upload. Sayang naman at for sure sa hinaharap may mangangailangan at makakahanap ng channel na'to.

  • @ak-47821
    @ak-47821 2 месяца назад

    sir, ano po dahilan bakit kailangan i-extend ang cut bars beyond point of inflection? i think development length plays a role in here.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Una sa lahat ay masaya po ako na nag-express kayo ng interest sa bagay na ito. Pero paumanhin po sa inyo. I-reserve ko po muna ang buong sagot sa isang video discussion. Maaaring mai-consider po ang development length as a reason. Ito ang common thinking ng most engineering practitioneers including po ako. Pero mag-iwan po ako sa inyo ng mapag-iisipan. Kung rebar anchorage o development length po ang reason kung bakit kailangan i-extend ang cut bars beyond the point of inflection, dapat ang sinabi ng code ay at least Ld ang amount ng extension. Pero hindi. Kundi ang prescribed length of extension stated sa ating code which is also presented in this video ay the greatest of the effective depth (d), 12x bar diameter (12db), or 1/16 of clear span (Ln/16). This leads us to think that development length is not the main reason but something else. Iyon po ang magiging topic natin sa isang mabuting pagkakataon. Maraming salamt po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @user-le2fr8cd5e
    @user-le2fr8cd5e 2 месяца назад

    Sir.pwede ba ung beam ay 5pcs of 16 mm ksama ung cut bars

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Depende po ito sa overall design. Marami po kasing factors to consider. Personally po ang recommendation ko po palagi sa beam ng residential na ang span ay hindi hihigit sa 4m ay 6 na 12mm kasama cut bars tapos placed in two layers yung 4 main bars lalo na kung ang beam width ay 200mm lang. Siyempre factor din yung depth ng beam. Usually sa ganito, ang depth ay hindi bababa sa 350mm depende pa kung roof or floor beam. Para sa ganun hindi masyadong sikip ang horizontal spacing ng bakal kapag bubuhusan. Ano po ba ang desired beam width?

  • @uekihunter752
    @uekihunter752 2 месяца назад

    Engr. Truss to column connection nman boss.... Ty

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Sige po. Isang magandang topic suggestion po ito. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @Opetuss
    @Opetuss 2 месяца назад

    Sir ilang standard na posta ang dapat ilagay sa size na 5x7 35 SQM? Salamat po sa sagot.

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Hindi po natin masasabi kung ilan dahil hindi po dependent sa laki ng floor area ang dami ng poste kundi dependent ito sa overall architectural at structural configuration ng structure. As a guide, ang recommended ay magkaroon ng poste na ang center to center span distance ay hindi hihigit sa 4.00 m. The lesser the span distance the better. Maraming salamat sa tiwala at suporta sa channel.

  • @OffDutyAdventures.withyana
    @OffDutyAdventures.withyana 2 месяца назад

    Dami kong natutunan engr, salamat . Paano naman po kung steeldeck ang gamit maiiba din ba ang required steel bars?sana mapansin idol

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Ang paggamit po ng steel deck o metal deck ay hindi para mabawasan ang required na dami ng reinforcing bars sa pamamagitan ng pagluwang ng spacing o di kya naman ay liitan ang size para sa suspended slab. Ang main purpose po ng paglalagay nito ay para ma-control at ma-reduce ang vibration at deflection o paglundo ng slab kapag nilalakaran ito dahil sa added stiffness provided ng rib profile ng steel decking. Isa ito sa mga misconceptions sa construction sa ating panahon na nagti-trending. Personal opinion ko lang po ito. Ang best application nito ay sa mga mezzanine or upper floor level ng low-rise commercial structures o industrial facilities upang magkaroon ng option na ma-eliminate ang ceiling assembly at makasunod sa floor to ceiling clearance as dictated by the building code. Kapag ginagamit ito sa ganitong building occupancy, usually ito supported ng open web steel joists kung saan libreng libre ang mechanical, electrical, plumbing and fire (MEPF) utilities na lumusot sa open web steel joist ng walang abala. Hindi ko po ito recommended sa suspended slabs ng multiple-storey residential kung hindi maglalagay ng ceiling assembly. Nagiging trend na po kasi na ini-eliminate na ang ceiling kapag nagkabit ng steel deck sa bahay sa ngalan ng pagtitipid. Ang nagiging issue ay wala ng pangtakip kung mayroong plumbing pipes and utilities na dumadaan sa ilalim ng beams at suspended slab. Ang remedyo ay i-divert ang mga ito kung saan saan to the extent na palusutin ito sa poste at biga na nakakaapekto sa overall strength at performance ng structural members. Hindi po ito ang standard construction practice. Paumanhin po sa kahabaan ng sagot. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

    • @OffDutyAdventures.withyana
      @OffDutyAdventures.withyana 2 месяца назад

      @@PinoyConstruction1 maraming salamat engr.

  • @jasonguillermo4996
    @jasonguillermo4996 2 месяца назад

    Part 2 please.😊

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @zariej3712
    @zariej3712 2 месяца назад

    Napansin ko valuable po yung mga video niyo sir, kayo lang yung nakakapag explain ng may maayos na may magandang visuals dito sa RUclips kasi halos 3 days nako naghahanap ng mga ganitong discussion na based sa NCSP Siguro hindi po kayo full time sa RUclips kaya matagal po yung upload?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel. Kahanga-hanga po ang inyong power of observation. Isinisingit ko lang po kasi ang pag-upload ng mga topics sa aking busy schedule. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya upang makapag-upload po agad. Pagtiisan na po sana ninyo ang kabagalan.

  • @gnidnoeled786
    @gnidnoeled786 3 месяца назад

    Ang critical section in a footing po ba ay nasa face of the column? Kaya diyan po ba ang simula ng pagkuha ng tension Ld?

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Depende po ang location ng critical section ng bending o flexural stress ng footing sa sinusuportahan nito. Pero sa column footing, ang critical section ay nasa face of column. Binanggit po ang code reference sa part 1 ng videong ito. Section 413.2.7.1 at tabulated sa Table 413.2.7.1. Ang rebar anchorage (development length) Ld or Ldh taken from the critical section going to the edge of the footing sa limit ng concrete clear covering.

  • @user-dz6re3kh1d
    @user-dz6re3kh1d 3 месяца назад

    Sir paano ang ilayout ang bahay na nasa labas ang nossing may napanood kase ako may 3 udjustment silang ginagawa pero diko parin maintindhan

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Sa opinion ko po ay pareho lang ang procedure. Kung maaari po sana ay maibigay po ninyo sa akin yung link nung napanuod ninyo para ma-check ko po.

  • @al-kairimukalil9283
    @al-kairimukalil9283 3 месяца назад

    Very informative vid especially sa mga tulad ko CE student, Thank you Engr ! Keep uploading more vids

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 3 месяца назад

      Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.

  • @hendrixxhermosa5523
    @hendrixxhermosa5523 3 месяца назад

    Gud day po sir, ilang sqr meters po sa slab bago mg lagay ng biga at ilang centimeters ang kapal ng slab na pang roofdeck single storey. Salamat po

    • @PinoyConstruction1
      @PinoyConstruction1 2 месяца назад

      Hello po sa inyo. Hindi po dependent sa laki ng area ng slab para maglagay ng biga. Mayroon pong floor system na ang slab ay directly supported ng poste. Walang biga. Mayroon naman na kailangan ng biga pero walang slab like in the case of roof beam ng mga single-storey house o bungalow. Depende po ito sa chosen floor system configuration selected by the designer. Isang bagay pa. Iko-consider din ang bending behavior ng slab kung one-way or two-way slab. Mas marami ang biga na inilalagay sa one-way kaysa sa two-way slab. Ang recommended thickness ay 100 mm sa one-way at 125 mm naman sa two-way. Maraming salamat po sa tiwala at suporta sa channel.