NAGTATAE NA ASO BAKA LACTOSE INTOLERANCE YAN | Paano Malaman At Ano Ang Remedyo?
HTML-код
- Опубликовано: 1 ноя 2024
- Sa video na ito ay ibinahagi ko itong lactose intolerance na problema sa mga aso o ito po yong pagtatae dahil sa gatas.
paano malalaman na may lactose intolerance ang iyong alaga at ano ang remedyo.
So,sana makatulong magbigay kaalaman sa mga pet owner itong video ko na ito.
Ty po doc.
welcome.
Thanks Doc dami ko natutunan
welcome po.glad to hear that.
Maraming salamat ulit doc!🙏
grabe npakaliwanag at informative mo doc. di ka madamot sa mga tips.
i appreciate your comments.Godbless!
thankyou doc very informative po thankyouu po
maraming salamat poo....
Doc ilang weeks ang puppy para ma deworm?
as early as 2 weeks old,you can already start deworming.
Akin naman po doc yung puppy ko po na mag t-two months di pa marunong kumain at pinagatas ko po ng bear brand almost two weeks ngayon po nag pupupu po sya ng nagtutubig at parang nagdurugo po kaya pinainom ko po ng antibiotic kasi ganun po ako sa mga aso at unti unti pong bumabalik ang sigla nya ang kaso nga po hindi ko na sya pinagatas ngayon kasi naisip ko na rin po ito at hanggang sa naisipan ko nga po syang isearch at ayun po symptoms po pala ng lactose intolerant iyon. Although nawala na po yung pagdurugo sa poop nya tubig parin po talaga. Tapos dahil nga po hindi ko sya pinaiinom ng milk, naglagay ako sa bottle nya ng water po. At ayun nga po di naman po nya inaayawan kung tutuusin po pag nakalapag yung bottle kung nabubuhat nga lang nya sya na mag isa iinom eh. 😅 Magandang sign po ba ito doc kasi paunti unti nagiging makulit na rin po sya.
Thank you so much doc❤️
Pwede po bang painomin ang bagong panganak na aso ng bear brand milk ihali sa dog food.?
huwag na po.hindi nmn kelangan baka magdiarrhea pa Yan Lalo na kung di po Yan sanay sa gatas.
Sanay po siya gatas nong nag bunbuntis palang siya palagi po siyang umiinom.
Pedigree puppy po na dog food hinahaloan kopo ng gatas .
Pinapakain kopo siya ng karne ng manok nilaga nilalagyan ng malungay. Sa gabi ung milk po at dogfood ang pinapakain ko.salamat po.
Igco milk po pede ba bigyan sya paminsan monsan
im not familiar sa igco milk na yan sir..sorry for that.
Pero goat milk po
Salamat po
Thank you so much Doc sa information 🙏🙏
My pleasure
nag alala po ko sa pg poops na malambot ng puppies ko po..thanku so much po very clear na advises po doc...pls mire videis to help us especially po na walang budjet sa pg pa vet or kahit na po pg bili ng gamot..thanku po..i truly appreciate your advises..
Doc pina ininum po namin ang mama dog ng bear brand tapos ngayon may isang parat sa dede na parang bou ang gatas namaga ang dede nya pero di po sya nag tatae at nagsusuko pero pag mag dede si puppy dun parte nasasaktan po si mama dog doc. Pls doc help
baka po sa gatas yan na pinainom nyo kaya tumutunog kamo ang tiyan ng alaga nyo.huwag nyo na bigyan muli ng gatas..with regards dyan sa maga na dede,try warm compression..consider consulting a vet personally if necessary.
Doc may nabili po akong goat milk kaso nakalagay lactose intolerant. Ngayon nagtatae sya at dumudumi ng dugo. Dapat po ba lactose free?
Magandang araw po. Ano po ang remedyo para matigil ang diarrhea ng aso. Matagal na po ang diarrhea nya at maraming klaseng gamot na rin ang naibigay pero magkakaroon lang sandali ng laman ang poop ng aso pero bumabalik agad na watery. Nakukuha din ba ang diarrhea sa mga nabibiling dogfood?
doc ask lng pwedi parin ba ang mga babies ng dam na mag dede sa nanay kung nagka diarrhea ang nanay?
pwede nmn po as long as malakas nmn ang inahin.kawawa mga puppies kung hindi makadede.
@@jhufelfernandez4162 nkka cause po ba ng diarrhea ang malunggay kung subra ang binibigay? nag lalaga kasi ako ng malunggay leaves ppakain sa knya tapos hinahaluan ko pa ng malunggay powder then pati po inumin nya malunggay din na nilaga po..
Parang may kabag sya doc tumutunog po ang tyan nya pero not po sya nag tatae or nagsusuka yun lang po doc ang dede nya po namaga at parang may kabag ang tyan nya
see reply to your other comment post.
thanks for the info doc...
Welcome po.
hello po doc, ngayon ko lang po nalaman na di pala pwede pwede ang human milk sa nga puppy. 1 week old po yung puppy ko, namatay po yung nanay nila days after sila pinanganak. 4 days ko na po sila pinapagatas ng bear brand then suddenly ayaw nya na uminom and pansin ko basa yung poop nya at par syang nasusuka kasi naglalaway sya. ano po ang dapat kong gawin doc? bumili na din po ako ng milk replacer para yun yung milk nila. thank you po sa reply.
Anong dosage po pala ng dextrose powder po para sa 1 week old?
you can use human milk pero yong lacto-free na infant milk..dextrose powder is not necessary sa ganyang edad po.
Pwede po ba yung alaska sterilized sa puppy?
kung ako huwag nlng.if you really want,then try ng pakunti kunti muna and observe the poops.kung malambot ang popo,do not continue giving that kind of milk.
thank you po sa pag share nito nakkatulong po.
Solid po kayo doc, maganda po ang mga explanations nyo about sa mga dogs kung may sakit man or iba pa. Salamat po
thanks for the comment sir.walang ano man po.
Pinakinggan kopo doc and tyan nya kung nag sasa sound yes po meron pero di po sya nag tatae doc at nag dusuka doc pero namaga lang po talaga ang isang dede nya doc tapos ayaw nya magpa dede dun banda kung saan namaga doc
see reply on your other comment post.
pinainom ko ng PUPPY LOVE aso ko, once a day (20ml) dahil nhiwalay na sa nanay nya two months old plng puppy ko, 5 days ko plng napainom, knina mlbot at medjo watery poop nya. then nagsearch ako sa youtube found this video. medjo nawala pagaalala ko. thank you doc. di ka madamot sa tips. at paunang remedy.
yes mam baka sa gatas yan.tigil nyo nlng po,no need to give milk kapag kumakain nmn na ang puppy.tubig nlng po.kung magpatuloy pa rin paglambot ng popo despite na tinigil nyo na ang gatas,pa-stool exam nyo puppy nyo,baka may mga intestinal parasite din pala...no worries.happy to share pet info and give advise sa inyong mga pet owner.
@@jhufelfernandez4162 hi ask ko lng po ilang beses po ba sa isang araw nag poop ang puppy 2 months old? kase mine is before and after kumain sa morning. at isang beses or dalawa sa gabi. is that normal?
update po nagfasting sya ng 12hours kaso pinakain ko po ng dog food after kumain unang poop nya okay. tapos nag poop ulit sya ng medjo malambot na mabaho. delikado po ba yun?
Hindi delikado kung kumakain nmn.baka marami po kayo magpakain.overfeeding can manifest ng popo na ganyang klase..with regards to defecation frequency ng tuta nyo,ayos lng yan..
doc pano poyong baby labrador ko one months palang siya. hiyang naman po siya bear brand na gatas normal yong pupu tsk my uud pong kasama pa isa isa.
Ipadeworm nyo po yan asap mam.
good day po doc. pano po kapag 2 weeks old puppy po ang nagtatae? formula milk po ang ginagamit. ano pong dapat gawin? sa mama dog nalang po muna ipadede ulit?
Up
Hello po ano po ginawa n’yo nung nagtatae po yung puppies n’yo ?
Ang goat milk poba ay safe for dog
safe nmn.except nlng kung contaminated.
Panu po kaya un nung pina inom ko po xa Ng birth tree na gatas basang nasa napu ung pupu nya
discontinue that birch tree milk nyo po..malamang iyan ang dahilan..
May new puppy po kami si Bogart, namatay po ang mama, 1 month old pa lang po siya pero kumakain napo siyang mag isa, pero napansin po naming watery po ang tae niya pag pinapa inum po namin siya ng milk(nestogen/birch free/bear brand)
Ok po bang itigil nalang po namjn pag papainum sa kanya ng gatas po?
hindi po pwede sa kanya ang mga gatas na ganyan.kung kumakain na then hwag nyo nlng igatas or else bilhan nyo ng pang aso na milk tlg.
@@jhufelfernandez4162 ok po, buti nalang talaga nakapanod ako ng video niyo ❤❤, maraming salamat po
Thank you doc🤗🤗🤗
Thankyou doc this video is very helpful iba talaga pag experto ang nag aadvice salamat doc .
Dok sa mineral oil po ilang ml po ibibigay orally? 25kls po sya,d tumatae na g ika 3rd day
Doc ung Isang puppy q Po kumakain nmn Po sya kaso Po prang may hanging ung tummy nya ano pong gamot dun?
kung parang may hangin o kinakabag ang tiyan baka po dietary intolerance.subokan nyo magpalit ng pagkain or kung nagbibigay kayo ng milk,stop nyo po yan.
@@jhufelfernandez4162 dipo sya ngmimilk ayaw nya nung una Po sabaw at durog na rice ok na po.btw doc ung Isang puppy n kpatid nya nmatat Po knina tingin q Po parvo KC ngdumi Ng dugo😭😭😭.and may na search Po aq malamang daw po ung bloated Po nya is bulate nid daw po ideworm.
@@jhufelfernandez4162 dipo sya ngmimilk ayaw nya nung una Po sabaw at durog na rice ok na po.btw doc ung Isang puppy n kpatid nya nmatay Po knina tingin q Po parvo KC ngdumi Ng dugo😭😭😭.and may na search Po aq malamang daw po ung bloated Po nya is bulate nid daw po ideworm.1month and half Po sya
Pwede rin po ba sa pregnant dog Ang gatas? And if Kung pwede po. Gaano karamu at Ilang beses po dapat sa isang linggo ?
wala nmng problema as long as hindi lalambot ang popo.pero hindi nmn kelangn na bigyan pa ng gatas ang buntis..good quality diet lang plus vitamins.
Doc pwede po ba ang s26 sa newborn puppy
yes po pwede nmn kung wala tlgng available na pang puppy na gatas.
Doc ask ko lang po nung tinggal mo namin hinahalong gatas sa dog food nung aso ang liit lang ng dinumi nya pero nung binalik namin yung gats nakakadalwang dumi na ulit sya ... at madami 5months na po yung aso namin
Dok breastfeed po ang 2weeks puppies ko.Naging basa po ang poops nila.Masigla at malakas naman po sila dumidede dok.Anu po kayang dahilan dok?Salamat po
Simula pi nung pinakain ko siya ng dog treat biscuit na gawa sa milk nagtatae na po siya na dilaw at may maliliit na black. Lactore intolerant po ba siya?
Malamang mam.i-stop nyo lng yong dog treats nya and once na umoke,bingo at lactose intolerant nga ang iyong alaga.
@@jhufelfernandez4162 itigil ko lang po ba yun magiging okay na siya? Wala po akong ipapainom?
Yes mam kung dahil lng sa dog treat yan,withdraw nyo lng pagbibigay nyan at dapat maging ok ang aso nyo.pero kpg mgpatuloy,baka may iba pang dahilan.
@@jhufelfernandez4162 isang araw ko na pong di pinakain ng dog treat pero ganoon pa rin tae niya. Hintayin ko lang po ba mawala o may dapat pong gawin?
Dok pwede poba tiki tiki sa puppy 2wks plng at Kung pwede kaano Po kadami ..salamat Po dok
that's the problem po sa multivitamins ng human dahil wala pong recommended dose for dogs/puppy..di ko rin po alam kung ilan ba dapat ibigay..and beside bakit nyo po bibigyan na ng vitamins ang 2 weeks old puppy?di pa po dapat yan..ang gatas ng mother dog is a super multivitamins na po yan..
Hi Doc. Ang Birch tree is pwede po? kasi pagkaintindi ko galing sya sa baka
birch tree milk is not a lacto free milk.pwede po sya magcause ng pagtatae..goat's milk po ang ok na gatas actually rather than sa baka.
Hello po ilang months po pwede pakainin ang puppy?
1month you can start training your pups to eat food.so that pagdating nila ng 6weeks old ay marunong na tlg sila kumain at ready na ihiwalay na sila sa mother dog.gumamit lamang ng starter diet talaga or alternatively,cerelac.
@@jhufelfernandez4162 thankyou po ❤️ turning 1month old na po yung puppy ko. And follow up question lang po. Masigla at matakaw po sya kumain pero nagtatae po sya ng basa na parang may bilog bilog na puti at may dugo din po na parang sipon, ano po yun doc?
Ok lang po ba mag low lactose nestogen, mag two two months pa po sya doc. Sobrang gaan niya kasi hindi sya masyadong kumakain kunti lang kasi po.
you can try.unti unti lng muna at observe nyo poops.kung ok nmn ang popo,then no problem.and consider na ipadeworm din nyo yan.baka kasi mabulate din kaya magaan at di masyado nagkakain.
Doc ntural lng po b n malambot at kulay dilaw ang poop ng 2 weeks old puppy ko ska medyo madalas po sila mgpoop pero magana nmn po mgdede s mama dog kso sinasalitan ko po ng goats milk ok lng po b?
huwag nyo na po salitan ng artificial milk.enough na po yang gatas ng nanay.baka iyan pa ang dahilan ng abnormal poops nila ngayon..breastfeeding is always the best milk.
@@jhufelfernandez4162 ok po doc slamat po ❤️❤️
@@jhufelfernandez4162 doc ask ko lng po kung pwede n po b painumin ng vitamins ang 2 weeks old n puppy at kung kailn sila dapat ideworm po
Hoping for your reply poh 😊
yes po mam,pwedi nyo po iaaply kung lactose intolerance din ang kitten.
Maraming salamat poh doc
Doc pinainum ko po ng nestogen 3 ang shih tzu ko okay lang po kaya?
i do not know kung ok sa iyong shih tzu..you can try and start at small amount muna and observe the side effect.kung wala nmng paglambot sa tae,or kaya nmng i-tolerate ng iyong alaga then maybe ok sa kanila..
Yung aso ko na rott male and female birch tree ang pinapainom ko since 2mos old.normal naman popooh niya.sa lahat ng sinabi mo na sintomas.hindi ko nakita.
well,that's great.your dog is lactose tolerance, not intolerance..
Pwd din po ba yung lugaw na may kalabasa sa 2months old na labrador doc? Nagtae kc sya bago palang. Sana mabigyan nyo po ng pansin. Salamat po
Doc nag tatae po ung puppy ko simula po khapon ng tanghali, pero masigla and nakain nman po siya di din po siya nag susuka nag tatae lang po, ano po kyang problema doc sa gatas po ba un tinigil ko ndin po muna ang pag papainum ng gatas sa kniya tubig po muna hinahalo sa dogfood niya po
baka po sa gatas.tama itigil nyo muna ang gatas at observe nyo..try nyo haloan ng nilagang kalabasa ang pagkain nya.meron ako video about home remedy sa nagtatae na aso,kalabasa.check it out in my video list sa channel ko.hope will help.
Anu po dapat ipakain doc kng may lactose tolerance?
just remove milk sa kanyng diet that's the most important.any food basta walang milk or stop nyo lng gatas.ideally kung makakabili kayo ng gastrointesinal diet,then thats best food.alternatively you can mix few pieces of nilagang kalabasa sa pagkain nya rin..i have video about kalabasa,just search it nlng for more info.
@@jhufelfernandez4162 thank u po doc
Dok ilan beses pakainin ang puppy na nagtatae 41days po ung puppy ko...
Tapos humina na po cla uminon ng gatas doc ayaw na sumisip da bottle tapos ung popo po nila do kulay dilaw na parang tubig malngsa ang amoy doc.
Good day po doc.ung tuta po namin 4months nakagat po sya ng aso sa labas.hinugasan lng po namin at nilagyan ng betadine.any advice pa po.tnx po
Wala pa po cya vaccine o anti rabbies
Tama po yong ginagawa nyo.then isang araw kpg magaling na sugat,pabakunahan nyo ng antirabies tapos observe your pet upto 3months for any rabies associated sign like nauulol,naglalaway,takot sa tubig,naglalakad na wala sa direction..kpg may gnun,cage nyo na po agad..yong kumagat kung may way rin na maobserve nyo,then observe nyo for 2weeks for any rabies associated sign.kung wala nmng sign,so walang dapat ipangamba sa rabies.
@@jhufelfernandez4162 thanks po doc
Doc ask ko lang po sana ano po kaya ang pwedeng ipainom na gatas sa 2 weeks old puppies.. binigay lang po kasi samin. Namatay po kasi mamadog.. ano po kaya pede namin ipainom.. 1day palang po sya samin.. bonamil po pinainom namin gatas ng baby ko wala.po kasi ako idea kung anong gatas po pwede kaso nagtatae po sya tas parang may dugo po.. natatakot po ako ano po pwedeng ipalit sa gatas.. di pa po kasi nakain..
Bili po kayo mam sa pet clinic ng gatas pang tuta tlg..kung wala kayo mabilhan,gamitin nyo po iyong lacto-free milk formula sa bata.
Ganyan din po doc ung sakin 7weeks pinainom ko ng nestogen low lactose pero basa po ung pupu nya tapos pinalitan ko ng puppy lab goat milk ganun parin po natatae na sya anu po kaya first aid doc 😭
7days palang po ung puppy ko...
Doc panu pag newborn puppies 11days palang po. Ano po remedy pag my lactose intollerance pag di pwde yong gatas sa kanila
palit po kayo ng ibang milk.use new born puppy formulated milk.alternatively pwede nyo gamitin lacto free milk, iyong ginagamit sa baby.
Doc ilang beses po pwede painumin ng gatas ang puppy.
Ano edad ng puppy mam?
2 months old puppy Doc.
@@laguiabsan2426 UPPP
Doc yung husky ko 14mos po nagtatae po sya pero may buo at may kasamang tubig. Naka 7 times na po sya today. Masigla naman po sya, kumakain, umiinom. Pinainom ko po sya yakult saka tubig na may asukal. Planning po ako na painumim sya ng metronidazole, ano po kaya suggested ML nyo para sa 16kgs at ilang beses sa isang araw po? Please doc sana mapansin nyo po. Salamat po.
it is unethetical on my part mam to promote self medication..if you cannot consult a vet,the reasonable alternative is resort on home/natural remedies not synthetic meds mam...magpalit kayo ng pagkain baka sa kinakain nya yan.merong nabibili na gastrointestional diet sa mga vet clinic.you can buy it even w/o prescription..i have also video about home remedy sa nagtatae na aso,kalabasa.you can try it.check it in my channel videos..yakult is also worth to try..if no improvement,consult a vet personally.pa-stool exam nyo baka madami palang intestinal parasite.and if metronidazole is the drug of choice then be it ,but it must be properly instructed under prescription.dossage,frequency and duration of treatment.
@@jhufelfernandez4162 doc opo napanood ko nga po yung sa kalabasa na remedy. Pinakain ko po sya, pinag take ko rin po sya ng dextrose powder. Sobrang nag aalala lang po ako. If di pa rin po sya mag okay until tom dalhin ko na po sa vet..
Ano po bng magandang dog food sa puppy na pomeranian??
Hello poh doc, pwede ko din poh ba iapply yan sa kittens ?
yes po..
Maraming salamat poh doc
Doc my pomeranian 1month puppy ano po ang milk na pwede ko ipainom???
Doc pag po ba positive sa parvo dapat po doble ang line na kulay red..pano po kung one line lang at malabo ang isang line..
Positive pa rin..
Hi doc good day, pwd Po ba ang dextrose powder sa lactating dog?
hello po doc yung dog kopo nag susuka at nag poop po siya ng basa at may dugo po ano po dapat gawin
nakakapag alala ang sakit na parvo sa mga gnyang simtomas.hope it's not dahil nakakamatay po tlg na sakit iyon.for peace of mind pacheck up nyo nlng sa vet iyan at para marekomendahan na rin kayo ng mga nararapat..as initial aid,keep your pet rehydrated,water + hydrite is ok..
Doc ask ko po kng anong magandang gamot sa aso ko 1year na po ung aso ko mix askal at Labrador sya almost 2mos.na po sya ngtatae ng di normal basa po ung popo at napakarami tapos parang nhhirapan na sya nangangayat at sobrang dami ng lagas ng balahibo nya. Salamat!
pacheck up nyo iyan mam lalo na kung matagal na nagtatae.pa-stool exam nyo sa vet baka marami intestinal parasite nyan at para marekomendahn kayo ng nararapat..at para maassess na rin ang paglalagas nyan..as initial aid,keep your pet rehydrated.
Good morning po Doc ungvmga tuta ko po kc ngtatae po cumula pa po kahapon 5days old pa lng anu po ang dapat gawin pls.
Sa gatas po yan mam..baka ordinary milk ang gamit nyo.di po pwdi,magtae tlg tuta sa mga gatas na ganun.
Bilhan nyo po ng pang aso/new born tlg na gatas...marami nmn sa mga pet clinic nyn..or else yong lacto free infant milk gamitin nyo..ingat rin kayo sa bottle feeding,kelangan proper positioning para hindi malunod o mapunta sa baga ang milk.
Hello doc! Ano po kayang pwedeng gawin sa tuta namin na 2 months old palang, parang nanghihina po siya tapos bigla nalang namayat, medyo kita na po yung ribs niya, tumae din po siya ng may kaunting dugo tapos ayaw kumain at uminom. Sobrang maa appreciate po namin yung sagot mo po, thank you po in advance. God bless.
see reply on your other comment post.
@@jhufelfernandez4162 doc ano po kayang pwede naming gawin, hindi siya makatayo dahil parang maga po yung paws niya tapos pag iihi po siya nakahiga nalang po siya. Hindi po kasi namin afford mag pa vet, ano po kayang pwedeng gawin? Salamat po ng sobra! God bless po!
Hi doc, nka bili po ako ng gatas pang aso pero may lacoste na ingredients, nagtatae po sya, pero pag pinapainom ko ng bear brand OK nman po d sya nag tatae, ang mahal PA nman ng goats milk😏😔
Doc gud morning,advise po yung puppy ko going 3 months matamlay,may lagnat na 42.3,tumae ng lusaw.Anu po first aid wala po ako pang vet budget? anu po mainam na gamot?
If you cannot consult a vet yet then use alternative natural remedies.bigyan nyo honey @2-3ml at probiotic..sa lagnat,punasan nyo ng basang towel at syang ipampunas nyo sa katawan to cool him down..then,once you have budget,paconsult mo tlg sa vet lalo na kung magpatuloy ang problema.
@@jhufelfernandez4162 Salamat Dok
Doc may tabing bakit po Ang taba po ng aso ko Pero Ang pay po ng bewang niya
Payat po Ang bewang niya
Ahh ok lng yan sir.sexy.
Doc ask q lang po kung ano dahilan at remedy po.. kc ung golden retriever namin 8months old kahapon mag hapon xa ndi kumain. Maputla gums nya.matamlay.ayaw kumain. Kina umagahan po tumae xa ng dark red po taz super lambot. Closed po kc vet today.thanks po doc
nakakapag alala ang sakit na parvo sa mga ganyang simtomas at edad.hope your pet is completely immunized.kung kumpleto nmn sa bakuna then,try to just rehydrate always your pet.kung bumalik knyng appetite,gamitan nyo ng gastrointestinal diet muna na mabibili nyo sa mga pet clinic or you can add few pieces of nilagang kalabasa sa pagkain nya..probiotic will help also sa mga loose stool na ganyan..if problem persist,seek veterinary consult.kung di complete vaccine,patest nyo ng parvo.
@@jhufelfernandez4162 opo doc kahapon pa po namin sana gusto pa vet kaya lng sarado clinic nila. Sunday pa daw po mag bubukas.. pero thank you doc kompleto nmn po vaccine nya last vaccine nya is dineworm xa then sa June balik uli ..thank you po doc..
Ung Isang puppy q Po nmn ngtae sya Ng 😭😭😭
see reply on your other comment post.
Thanks doc it helps me a lot. Recently I have given my dog a milk and all of a sudden lumabas sya ng bahay. Pooping outside at medyo liquid na ung 💩 nya. Tapos maya maya nagsusuka na and prang kinakabag sya prang kada hihinga sya eh kumukulog din ung tyan nya. So nagsearch ako kung bakit ganun ung aso. Thanks God I found your channel. It helps me a lot. Thank you for sharing ❤️
welcome po..
Doc pwede po ba malamn kung san po ung vet nyo just incase po
Regalado veterinary medical center,fairview qc area po.
Gano po karami ung nilalagay na dex powder sa tubig araw araw po ba un pinapainom?
Yes po,araw araw walang problema..2tbspn dextrose powder + 1glass water.
Doc yung aso k po 9months old mapili po sa pagkain at hindi poh kumakain minsan pero active namn po yung aso k.. Any recommendations poh? Salamat
as long as masigla nmn at minsan lng nmn kamo hindi kumakain,nothing to worry..pwedi nyo rin subokan magpalit ng pagkain or else ulaman ang pellet dog food nya ng can-dogfood para maimprove palatibilty.hwag nyo rin ugaliin na mag-iwan ng left over food sa kakanan para hindi maumay ang aso o macontaminate tirang pagkain.hayaan nyo sya magutom at manabik sa pagkain lagi.importante may tubig lagi.
Doc pa help po yung puppy po namin matamlay at ayaw kumain.pna check up ko po sa vit.observe dw po muna jc sintomas ng parvo suggest po nila confine para ma dextrose.doc anu pa po puwede paraan na nd ma dextrose Mahal po ang daily mg stay dun. Worried na po kami.thankyo po
You can help and treat your pet kahit out patient..ang kaibahan lng kc sa outpatient ay oral ang mga gamot.unlike under confinement na mga injectables.so kung di nyo afford paconfine then pagtyagaan nyo gamotin sa mga gamot na nireseta sa inyo.
@@jhufelfernandez4162 doc vit lng po at mondex ang nireseta.observe dw po muna.. thank you so much po doc
Doc magkano ang deworm mo
Wala po gatas ung mother kaya bottle feeding po cla
doc..pwede ba ang bear brand sa aso 8weeks na po doggy namin?thanks
Good noon po. Pwede po ba magtanong kung ano pong home remedy ang pwede sa aso namin Kasi po napainom po namin sya ng gatas. Nung una po oaky naman sya, then ngaun mga 2 araw ay matamlay sya, ayaw kumain, nagsusuka, and medyo marami ung muta nya
as initial remedy,keep your pet rehydrated.gawa kayo ng 2slices of luya + 1 sachet hydrite + 1 glass hot water.palamigin nyo muna at antay muna kayo atleast 3 hrs from last vomit saka kayo magpainom nito ng pakunti kunti.hayaan nyo rin makapagpahinga ng husto.linisan nyo nlng muna ng warm towel ang mata ..then,tom po pacheck up nyo po iyan sa vet.
@@jhufelfernandez4162 thank you po
Doc, yung aso ko po kasi after manganak nag refuse na kumain ng kahit ano gatas lang po palagi ang iniinom nya twice ko po sya pinapainom at lpalagi naman pong ubos ang isang malaking baso kaya hinahaluaan ko na lang din po ng dextrose powder kasi baka manghina kung gatas lang ang laman ng tyan nya worried lang po ako sa nutrition na maibibigay nya sa anak nya since wala po syang kain kain. 5 days na po na puro gatas lang ang iniinom nya. Pero normal at masigla pa ein po sya. Ok lang po ba yun doc? Thank you.
hindi po sya ok.suppose to be dapat malakas sya kumain ng normal food nya dahil kelangan yon sa lactating bitch..possible may problem yan..or else baka heat stress..pero mainam na mapatingnan nyo sa vet at ipa-cbc nyo para maassess kung may deperensya o wala.
@@jhufelfernandez4162 pag 1months old na nagtatae pwede ia fasting?
Good afternoon po.
Doc, pwede po ba ang bearbrand sa 1 day old n puppy?
8 po kasi sila, konti po gatas Ng mama dog,then wala pong available n gatas para sa tuta. Wala po vet clinic..
Salamat po...
magkaproblema po yan sa bear brand..hayaan nyo lng sa gatas ng nanay..pakainin nyo ng masustansyang pagkain ang inahin at bigyn nyo multivitamins..
Sana po matulungan nyo po ako doc ang hirap po kc lumabas para mg pa dr.
Doc pa giveaway ka naman ng aso pleeasse
Doc pqgka nadeworm po ilang araw pwede ng maliguan?
kahit sa araw mismo na pinadeworm nyo alaga nyo.no contraindication.
Pm doc, aso namin matamlay, may lagnat, wlang gana kumain at may ubo, advice for homeremedy po
i have video about lagnat ng aso,asong ayaw kumain at ubo ng aso.magkahiwalay po yan na mga videos ang i mention there some of the remedies na pwede nyong gawin.just check it out in my channel videos.hope will help..
Pede po bang uminom ng dextrose powder ang bagong panganak n aso
Yes po,no problem..
Doc khit wala po bang sakit ang aso pwede siya painumin ng dextrose powder na nkahalo sa tubig
Yes po mam,walang masama at problema.
@@jhufelfernandez4162 thanks doc