ANG GALING NG ISANG TAO AY DI NAKIKITA SA ESTADO NG KANYANG BUHAY - Homily by Fr. Danichi Hui

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 фев 2025
  • ANG GALING NG ISANG TAO AY DI NAKIKITA SA ESTADO NG KANYANG BUHAY - Homily by Fr. Danichi Hui on Feb. 5, 2025
    GOSPEL: Mark 6:1-6
    Biblical: Kahapon narinig natin ang kuwento ng dalawang pinagaling ni Hesus nang dahil sa pananampalataya. Isang babaeng labindalawang taong dinudugo at isang dalagitang labindalawang taon gulang na namatay.
    Ngayong araw na ito, si Hesus ay nagtungo sa sarili niyang bayan kasama ang mga alagad. Marami ang namangha są kaniyang karunungan nang mangaral siya sa sinagoga. Ngunit ang pagkamangha nila ay hindi dahil sila ay natutuwa o nabibilib. Kundi dahil siya ay anak ng karpintero at ang kaniyang mga kapatid ay taga sa kanilang bayan.
    Kaya nga ang tanong nila, “Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan?”
    Reflection: Kung pakikinggan ang mga tanong ng mga tao, nakakainsulto dahil kailan pa naging basehan ng karunungan ang trabaho ng magulang? O ang lugar na pinanggalingan? Ano ang kinalaman ng kakayanan ng isang tao sa estado ng kaniyang pamumuhay?
    Contemporary: Sabagay, hindi malayo iyan sa panahon natin ngayon. Kapag nag-aapply sa trabaho mahalaga ang eskwelahan. O di kaya pinagbabasehan ang lugar na pinanggalingan. May iba tinatanong kung sino ang mga magulang at pamilyang kinabibilangan.
    Ganito natin tignan ang tao sa panahon ngayon. Inuuri natin base sa estado. Sinusukat ang galing ayon sa pamilya o lugar na pinanggalingan.
    Biblical: Kahit si Hesus hindi nakaligtas sa ganitong pagturing ng mga tao. Kaya sa huli, imbes na madami siyang nagawa para są kaniyang bayan. Umalis na lang siya at hindi na gumawa ng kababalaghan.
    Mga kapatid, ang galing ng isang tao ay nakikita sa kaniyang kakayanan at hindi sa estado ng pamumuhay. Kaya’t hindi mahalaga kung saan tayo galing. Kundi ang mahalaga kung ano ang maganda at mabuti nating gagawin.

Комментарии • 28