SI KRISTO ANG LIWANAG NG ATING BUHAY - Homily by Fr. Danichi Hui on Feb. 2, 2025

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 8 фев 2025
  • SI KRISTO ANG LIWANAG NG ATING BUHAY - Homily by Fr. Danichi Hui on Feb. 2, 2025
    GOSPEL: Luke 2:22-40 or 2:22-32
    Biblical: Tatlo ang pinagdiriwang natin sa araw na ito:
    Una ay ang Pagtatanghal kay Hesus sa Templo (Presentation of the Child Jesus in the Temple), kung saan narinig natin sa Ebanghelyo na ayon sa Batas ni Moises ang bawat panganay na lalaking isisilang ay ihahandog o itatalaga sa Diyos. Kaya naman makalipas ang 40 araw matapos ipanganak si Hesus, siya ay dinala ng kanyang mga magulang sa Templo.
    Pangalawa, ipinagdiriwang natin ang Paglilinis kay Maria. Para sa mga Hudyo (Purification), sino mang dinugo ay tinuturing na marumi. Kaya naman kailangan nilang sumailalim sa Rito ng Paglilinis at kailangan lumublob sa isang “Mikvah” o natural na deposito ng tubig (pool) at pagaalay ng para sa kasalanan.
    Bagamat hindi kailangan ni Maria sumailalim sa “Paglilinis” sapagkat siya ay walang “bahid dungis” at “pinaglihing walang sala”. Dahil siya ay masunurin sa Batas, pinili niyang sundin ang Batas na nagpakita ng kaaiyang kababaang loob at pagsunod sa Diyos.
    Pangatlo, tayo din ngayon ay nagdidiraing ng Kapistahan ng Candelaria, bilang si Hesus ipinakilala ni Simeon sa lahat na magiging “ilaw” o “liwanag ng lahat.” Ito yung narinig din natin kay Simeon sa Ebanghelyo na kanyang binanggit; “Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay liwanag sa iyong bayang Israel.” Ibig sabihin, bilang ilaw o liwanag, walang ititirang nasa kadiliman. Walang pipiliin para liwanagan dahil ang ilaw ay para sa lahat.
    Ganito si Hesus bilang ilaw, liwanag para sa lahat.
    Ngunit ang liwanag ni Hesus ay hindi lang para sa mga nadidiliman o nasa kadiliman kundi higit sa lahat isang apoy na magpapadalisay o maglilinis. Ito yung tinutukoy ni Propeta Malakias sa Unang Pagbasa tungkol sa apoy; Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon.
    Reflection: Ang gamit ng apoy sa bakal, tanso o ginto ay para dalisayin o pinuhin. Pinaiinitan ng apoy para maging mataas na uri ang isang metal. Aalisin nito ang lahat ng dumi at hindi mahalaga sa pagbuo ng metal, para mas maging pino at puro. Tulad nang isang matapang na sabon, kayang paputiin at alisin kahit ang matinding mantiya.
    Ito ang gampanin ni Hesus bilang liwanag; tayo ay kanyang dadalsayin at lilinisin mula sa dumi, mantiya at marka ng pagkakasala.
    Story: Ganito ang trabaho ng isang panday. Pinapainitan niya ang isang tanso, bakal o ginto para maging puro at pino. Kailangan niya itong bantayan habang pinapainitan dahil kapag napasobra sa init, maaaring masira ang tanso, baka o ginto. At para malaman kung ito ay pino at puro na, kapag nakikita na ng panday ang kaniyang repleksiyon “reflection” sa pinaiinitang tanso, bakal o ginto.
    Mga kapatid, ito ang gampanin ni Hesus bilang apoy o (liwanag) sa ating buhay, ang purohin at pinuhin tayo. Alisin ang ating karumihan hanggang makita ang imahe ni Hesus sa atin na kaniyang pinapanday.
    Mamaya babas-basan natin ang mga kandila, nawa’y kapag inuwi natin ito sa ating mga tahanan at ito’y sindihan maalala natin si Hesus bilang liwanag na magtatangal ng kadiliman at higit sa lahat magpapadalisay sa ating mga karumihan dulot ng kasalanan. Ito ang hihilingin natin sa panalangin, na si Kristo ang maging liwanag ng ating buhay.

Комментарии • 33

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 7 дней назад +1

    Maligayang Kapistahan ng Pagtatalaga ky Jesus sa Templo 🙏🙏🙏💜💜💜

  • @cherrytirona6258
    @cherrytirona6258 7 дней назад +1

    Amen good morning father Danichi🙏🙏🙏🙏♥️

  • @armindalucaba2394
    @armindalucaba2394 7 дней назад +1

    panginoon ang ilaw ng sanlibutan pagkalooban nyo poliwang upang aging liwanag ang isip ko amen

  • @arseniaguerra5629
    @arseniaguerra5629 7 дней назад +1

    Thanl you Lord everything

  • @emmacoronado7918
    @emmacoronado7918 7 дней назад +1

    Thank you po Fr.Danichi for the Gospel reflection & homily.
    Have a blessed day!

  • @maryjoytutor5115
    @maryjoytutor5115 7 дней назад +1

    Good mrning Fr. Danichi🙏🏻🙏🏻🙏🏻💙💙💙

  • @lindaward9976
    @lindaward9976 3 дня назад +1

    Papuri Sa’Yo Panginoon.🙏

  • @wenanoblejas9450
    @wenanoblejas9450 7 дней назад +1

    Thank you Fr. Danichi. God bless po always.

  • @LeonisaFrancisco-s3y
    @LeonisaFrancisco-s3y 7 дней назад +1

    Magandang umaga po Father at maraming salamat po uli samaganda at maliwanag na pagninilay sana po maisabuhay namin ang aming mga narinig Amen!!!

  • @spunkysprano2708
    @spunkysprano2708 6 дней назад +1

    yes father, hello po! nakikinig po ako, Amen❤

  • @nedyopinion9495
    @nedyopinion9495 7 дней назад +1

    naway maging malinis
    tau

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 7 дней назад +1

    Mapagpalang umaga Fr.Danichi Hui at salamat po sa mabuting balita at homiliya.Panginoon ikaw ang aming ilaw naway ang liwanag nito ay maghatid sa amin sa tamang direction na amin tatahakin at magbigay rin ng liwanag sa aming mga buhay.Godbless you fr.at ingat po kayo palagi 🙏💜

  • @rommelbroce8623
    @rommelbroce8623 6 дней назад

    Thank you Lord 🙏🙏🙏

  • @jenniferpinon85
    @jenniferpinon85 6 дней назад

    Maraming salamat po panginoong Jesus!

  • @cristinaebora9675
    @cristinaebora9675 7 дней назад

    Thnk you lord sa lahat ng gabay at biyaya. Abd mama mary . Wag nyo po km pbbyaan amen

  • @virginiabobadilla263
    @virginiabobadilla263 7 дней назад

    Amen🙏
    Salamat sa Diyos🙏

  • @josephinebauzon3335
    @josephinebauzon3335 7 дней назад

    "Si Kristo ang liwanag ng ating buhay"
    Good day and thank you po Fr. Danichi.

  • @rodeliaquilor3726
    @rodeliaquilor3726 7 дней назад +2

    Papuri sa Iyo Panginoon 🙏🙏🙏

  • @consolacionmendoza4013
    @consolacionmendoza4013 7 дней назад

    Amen 🙏🙏🙏

  • @geralynapistar8085
    @geralynapistar8085 7 дней назад +1

    Thank u lord for everything amen❤❤❤❤❤

  • @jocelynvillanueva4786
    @jocelynvillanueva4786 7 дней назад

    Amen 🙏 salamat sa Dios ❤

  • @jocelynvillanueva4786
    @jocelynvillanueva4786 7 дней назад

    Good morning father Danichi very well said maliwanag at may buhay ang ito homiliya more power and God bless 🙏❤️

  • @elviracaraig9028
    @elviracaraig9028 7 дней назад +2

    Amen..Good morning po Fr.Danichi❤..Thank you Lord Jesus for all the Blessings and everything 🙏 ❤

  • @rodeliaquilor3726
    @rodeliaquilor3726 7 дней назад +2

    Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo 🙏🙏🙏

  • @グレース久保
    @グレース久保 7 дней назад

    ❤❤❤❤❤❤ ❤❤Amen🙏

  • @lolitavillanueva4407
    @lolitavillanueva4407 7 дней назад +1

    ❤❤❤

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 7 дней назад +1

    Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo 🙏🙏🙏💜💜💜

  • @josephineorobia4659
    @josephineorobia4659 7 дней назад

    Salamat po Lord Jesus Christ❤

  • @leonitaurbano2265
    @leonitaurbano2265 6 дней назад

    Amen🙏❤️

  • @heart6884
    @heart6884 6 дней назад

    ❤❤❤

  • @lindaward9976
    @lindaward9976 3 дня назад +1

    Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo.🙏

  • @lindaward9976
    @lindaward9976 3 дня назад +1

    Amen.🙏