ANG DIYOS ANG PINAKAMAHALAGANG KASAMA NATIN SA ATING PAGLALAKBAY - Homily by Fr. Danichi Hui

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 фев 2025
  • ANG DIYOS ANG PINAKAMAHALAGANG KASAMA NATIN SA ATING PAGLALAKBAY - Homily by Fr. Danichi Hui on Feb. 6, 2025
    Mark 6:7-13
    Biblical: Sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus na ipalaganap ang Kaharian ng Diyos, sinugo niya ang kaniyang labindalawang alagad ng dala-dalawa. Ngunit ang mahigpit niyang bilin, “Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Ni pagkain, balutan, salapi sa inyong lukbutan o bihisan, ay huwag kayong magdala. Ngunit magsuot kayo ng panyapak.”
    Reflection: Kung papakinggang mabuti ang bilin ni Hesus, parang ang hirap umalis ng walang dala. Tila hindi posible na sarili lang ang bibit-bitin sa isang paglalakbay. (Paki tignan ang sarili, ano ang hindi mo kayang iwan? Ano ang lagi mong bit-bit?)
    Contemporary: Lalo na sa panahon ngayon na kahit lalaki may dalang bag. Parang hindi maka-alis ng bahay nang walang dala. Bakit hindi, ang dami nang pangangailangan ngayon. (Kung may cellphone, may power bank, may electric fan, wallet, at pabango) Kadalasan ang mga ito pa ang nagiging sanhi ng pagka-antala ng gawain.
    May dalang cellphone, kailangan may power bank o charger.
    Kapag may pulbos kailangan may salamin.
    Ang wallet may kasama pang card holder.
    Biblical: Mahirap man sa paningin ng iba, pero kay Hesus sapat na ang ibibigay niya. Ito ang kapangyarihan na magpalayas ng demonyo.
    Kaya walang kailangan dalhin. Walang kailangan bitbitin. Dahil ano mang galing kay Hesus, sapat at wala nang kailagan pang hanapin.
    Reflection: Ito ang maganda kay Hesus, practical. Hindi niya tayo pinahihirapan. Hindi niya pabibigatin ang ating mga dalahin. Ang kailangan lang natin dalhin ay ang pananalig kay Hesus. Sapagkat ano mang galing kay Hesus, sobra pa sa sapat.
    Mga kapatid, sa buhay paglalakbay walang ibang mahalaga kundi ang isama ang Diyos at lahat nang kaniyang pinadadala. Dahil ano mang galing sa Dinos, higit pa sa sobra.

Комментарии •