How to Power Up a Car Stereo at Home | Paano Paganahin ang Iyong Car Stereo sa Bahay | Filipino

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 18 окт 2024
  • Sa Video na ito ay ipapakita namin sa inyo kung paano mo mapapagana ang iyong nakatambak na car stereo sa bahay. Panoorin lamang upang matuto!
    #carstereoathome #carstereopowerup

Комментарии • 158

  • @rogeliogarabina5610
    @rogeliogarabina5610 8 месяцев назад

    Big thank you sir, pagaganahin ko yung car stereo na matagal ng naka stambay.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  8 месяцев назад

      You're welcome po!

  • @marioperilla4090
    @marioperilla4090 5 месяцев назад

    Salamat sa magandang impormasyon igan gawin ko yan kc may car stereo din ako gamit ko dito sa bahay.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  5 месяцев назад

      You're welcome po at maraming salamat din po sa suporta!

  • @dannypalomares-f9j
    @dannypalomares-f9j Месяц назад

    Salamat boss,may natutunan ako.

  • @richardmonato5149
    @richardmonato5149 20 дней назад +1

    Tanong lng po may car stereo po akong na bago pa pero ngayon ko lng po paganahin gamit ang 12v /6v power supply. Naikabit kona po ang red yellow black lines, pero ayaw pa rin po mag on, ano pa po kaya ang kailangan para magamit ko po ito sa bahay

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  20 дней назад

      Na-stock po ba yang car stereo niyo? Maaari po kasing lumobo na mga capacitors niyan sa board, kasi po kung tama naman ang wiring tapos ayaw mag-on malamang po either sira po ang power supply niyo or naglu-loose ang wiring connections or sira na car stereo dahil na-stock ang unit. May mga capacitors at resistors po kasi sa loob ang car stereo, pag matagal di nagagamit lumolobo ito lalo kapag nadaluyan na ito ng current.

    • @richardmonato5149
      @richardmonato5149 20 дней назад

      @@gawinmoito maraming salamat po bubuksan ko po at i chek ko po isa isa po.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  20 дней назад

      @@richardmonato5149 Balitaan niyo nalang po kami.

  • @rass1000
    @rass1000 2 года назад

    Informative paps salamat sa tutorial , shout out sa next video mo ✋

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Thank you po!! Salamat po sa suporta!

  • @henryponce9206
    @henryponce9206 2 года назад

    Salamat sa info sir sana mag awa ko rin yung car Soterio ko kaso walang wir yung sa akin saan ang Lugar mo sir. Shout nman po

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Pakihanap nalang po sa Facebook page, Gawin Mo Ito. Salamat po sa suporta!

  • @michaelteodoro2399
    @michaelteodoro2399 Год назад

    ok paps meron na ko natutunan gagawin konyan

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Thank you so much po sa comment! May future project din po akong naka-abang na katulad nito. Stay tuned lang po.

  • @norv6615
    @norv6615 8 месяцев назад

    Sir yung white at red ba output na lagayan ng jack sa likod ng stereo,pwede ba dun mag saksak ng jack na papunta sa cellphone.?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  8 месяцев назад

      Hello po, dapat po kapag nagsasaksak ng phone ay sa harap dapat po ng car stereo, doon po sa mismong saksakan niya na may AUX po nakalagay. Ang white wire po kasi ay para po sa output na speakers tapos po ang red ay sa ignition switch po.

  • @11-eimvinoraygerloue.72
    @11-eimvinoraygerloue.72 2 месяца назад

    Pareparehas Lang BA Ng diagram Yung mga car ampli salamat po SA sagot😊

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 месяца назад

      Yes po, mediyo parehas po ang pang amplifier, wala lang na pang antenna.

  • @rmascarinas47
    @rmascarinas47 Год назад

    Lahat po ba na brand ng car stereo ay standard ang power source nya? red/yellow

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Hello! Yes po, standard po ang wiring ng mga car stereo, yellow wire (direct to battery) at red wire (ignition switch / ACC). Wala pa naman akong nae-encounter na iba ang kulay sa red & yellow wires. Sa speaker wires po, may na-encounter po ako na iba ang kulay, hindi standard, Audioline po ang brand.

  • @grayhelium513
    @grayhelium513 3 месяца назад

    Salamat pre dapat kumpleto gang subwoofer connection at 2 na amplifier gagamitin

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  3 месяца назад

      Soon po, gagawan ko din po ng content iyan. Thank you po sa suporta!

  • @jaysandoval417
    @jaysandoval417 Год назад

    Nice

  • @danzmotovlog3982
    @danzmotovlog3982 Год назад

    Lods matanong ko lang about pag power on ng PSU napotol na kasi yung black na katabi ng green san ko hahanapin yung karugtong nung black dun sa board
    Or gagana ba to kahit saang black ko i tap?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Hi! Kahit saan pong black wire, ground lang po kasi yon, ibigsabihin po naka-tap lang po ang black wire sa body po ng PSU. Kapag po di kayo sure, try niyo lang pong ikiskis nang mabilis po yung wire po ng stereo sa wire na black na pagkakabitan niyo po. Kapag po nagspark magkakaproblem po kayo. Pero, based on my experience po, kahit saan ko nilagay na black wire gumagana naman po. Interchangeable naman po kasi yan, pareparehas po input ng ground. Sana po makatulong.

  • @ronaldsales8907
    @ronaldsales8907 Год назад +1

    Ilang watts po yung psu nypo? Or yung pwede sa amplifietr

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hello! 700 watts po sa power supply po. Sa amplifier, puwede na po niyan paganahin.

    • @ronaldsales8907
      @ronaldsales8907 Год назад

      V12 na amplifier lods kaya papoba nya

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      @@ronaldsales8907 Hi! Yes po kaya po yan, V12 din po amplifier ko po.

  • @totoanddollynato1239
    @totoanddollynato1239 Год назад

    Sir yun nakuha ko car stereo 14.4 volts kaya ba ng 12volts na power supply?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hello! Hindi ko po masasagot iyan, kasi po ang mga nae-encounter lang po namin na car stereo ay 12 volts at 24 volts. Subukin niyo po i-testing, sa 12 volts. Hindi naman po siguro masusunog iyan, since underpowered po ang car stereo niyo, kapag tinesting po sa 12 volts na power source / battery.

  • @Basshead125
    @Basshead125 2 месяца назад

    Boss pwede po ba 12v 15amps sa car amplifier?

  • @nashranoa5279
    @nashranoa5279 Год назад

    sir ask ko lang po ilang watts lahat ang kaya ng ganyang stereo?
    ilang watts ang front at ilang watts naman ang rear (left and right).

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Hi! Sa speakers po ba? Sa Front po mga 300 Watts po na 3-way sa Rear mga 350 Watts po na 6x8.

    • @nashranoa5279
      @nashranoa5279 Год назад

      @@gawinmoito salamat po sir. godbless po.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      @@nashranoa5279 You're welcome po! Please continue to support the channel po.

  • @EioToledo
    @EioToledo Год назад

    ilan ohms na speakers ang usually kaya ng mga car stereo sir? tnx

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Hello po! 4 ohms po ang recommended. Kapag naka-amplifier po kahit 8 ohms basta naka-bridge mode po.

  • @jhenpalomo8392
    @jhenpalomo8392 2 года назад

    Sir saan po kayo nabili ng mga surplus na parts na yang binili niyo

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Good day po! Sa Gilmore po madami po shop doon na surplus parts po ng PC. Kung sakali pong bibili kayo ng power supply, ang kuhanin niyo po ay mga branded tulad po ng samsung, LG, compaq, etc. Sana po makatulong.

  • @danilosongcuan7278
    @danilosongcuan7278 2 года назад

    sir ask ko lang po sa nu nabili yang second hand adaptor mo

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Sa mga katayan po ng computer sa Gilmore po. Nalimutan ko na po pangalan ng store kasi po 2008 ko pa po ito nabili, madami naman po doon, tabi-tabi po ang mga tindahan. Kung bibili po kayo, ang bilhin niyo po mga branded tulad po ng samsung, compaq, matitibay po kasi itong mga ganito.

  • @doityourself0831
    @doityourself0831 2 года назад

    paps kaya ba ung japon surplus na stereo ang channel lng nia 3 kya ba masagap laht ng channel na fm

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Magandang araw po! Sorry po sir hindi ko po masasagot iyan, hindi na po ako kasi masyado nag-e-FM, panay mga mp3 nalang po, nakasave sa Flash drive or SD card ang pinapatugtog ko po. Pero po itong dinemo ko po sa video na car stereo, FM lang po ang nagagamit. Wala pong AM.

  • @RideLangPagMayTime
    @RideLangPagMayTime Год назад

    Nice video sir, if mag kakabit po ako ng 3 way speaker ilang ohms po dapat pang bahay na 2 din car stereo po ang gagamitin?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +2

      Hello po! Kapag po car stereo po gagamitin niyo po, 4 ohms po ang recommended. Tutunog din po yan sa 8 ohms, tulad po ng nasa video, 8 ohms po gamit ko po diyan. Pero mas quality po ang tunog kapag 4 ohms kasi po mababa lang po ang resistance ng 4 ohm speakers sa pagkuha ng wattage sa car stereo. Mahina lang po kasi wattage ng car stereo, dahil 12 volts lang po ang power nito, hindi po kagaya ng amplifier po na pangbahay na 220 volts. Mas mahina ang resistance (ohms), mas malakas ang wattage na makukuha sa car stereo, ibig sabihin mas quality ang output ng sounds. Sana po makatulong.

    • @RideLangPagMayTime
      @RideLangPagMayTime Год назад

      @@gawinmoito sir yun po bang cpu power supply na 30 amps okay gamitin kasama sa enclosure sa box ng speaker with the stereo?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      @@RideLangPagMayTime Hi! Okay lang po yan, as long po na ang mga wiring po ay hindi magsasalabat-salabat at maganda ang pagkakalagay ng electrical tape, magbavibrate po kasi yan baka po magdikit-dikit po wiring. I-fix niyo po ang wires gamit ang cable ties, at dapat po hindi naapektuhan ng vibration ng speakers ang wires ng power supply. Wire lang po ng power supply ang iingatan niyo po, pero safe naman po as long na maganda ang pagkaka-install ng mga wires. Ang mga power supply din po ng mga computers ay may fuse po yan sa loob, kaya safe po ito gamitin sa mga car stereo.

    • @RideLangPagMayTime
      @RideLangPagMayTime Год назад

      @@gawinmoito maraming salamat sa tugon 20amperes lang pala yung nakuha will take note of that sir.
      May isa pa pala ako question sir gusto ko sana kasi lagyan ng recahrgeable battery ano ano kaya dapat ko ikabit na kakayanin ang car stereo?

    • @RideLangPagMayTime
      @RideLangPagMayTime Год назад

      @@gawinmoito salamat po in advance
      pede po ba charger at the same time yung cpu power supply pla. Ko po sana lagyan ng built in batterry yyng enclosure na gagawin ko po sana. Salamat po sa tugon. more power

  • @andryxyz1676
    @andryxyz1676 3 месяца назад

    sir baka pwede pahelp paganahin ko lang ung car amplifier ko gamit ang power supply na 450 watts.. paguide po sana kaysa magbayad ako ng technician. reply pls

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  3 месяца назад

      Mag message ka sa page namin, tulungan po kita. Hanapin mo lang sa fb Gawin Mo Ito.

  • @joseffajardo6003
    @joseffajardo6003 11 месяцев назад

    Sir hanggang anung volume kaya nian pag ganyan power supply?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  11 месяцев назад

      Kaya itodo kaso nga lang wala naman nagtotodo po kasi nababasag ang output ng sound kapag sobrang lakas.

  • @joeldiamsay8712
    @joeldiamsay8712 2 года назад

    sir pwede rin b gamitan yan ng inverter instead n power supply?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Di po puwede sir. Ang power inverter po kasi ay kumukuha ng power sa 12V (ex. car batteries) tapos po ang output ay 220V. Ang car stereo po ay 12V lang po ang kailangan na power, kaya kailangan po ay 12V din po ang output ng power supply. May nabibili na AC/DC adapter, puwede din po yun gamitin, basta po 10 amperes para iwas sunog pagtinodo volume po ng car stereo. Sana makatulong po.

  • @mark143aragon
    @mark143aragon Год назад

    Ok ba gamitin yan hindi orig na pioneer, balak ko sana bumili, matibay din kaya

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +1

      Hi! Etong sa akin po na fake pioneer kapag nakakalog ay nagre-restart ang car stereo. Kaya ginamit kong pangbahay nalang ito, kasi hindi puwede sa sasakyan, kapag nalubak ang sasakyan mo namamatay ang device. Isa pa, sobrang umiinit ng car stereo na ito. Maganda naman tumunog so far. Okay ito gamitin pang-bahay nalang, pero kung sa sasakyan hindi ko ito nire-recommend. Sana po makatulong.

    • @mark143aragon
      @mark143aragon Год назад

      @@gawinmoito salamat sa info bro

    • @mark143aragon
      @mark143aragon Год назад

      @@gawinmoito un kaya ibang car stereo na mumurahin na touch screen na nabibili sa lazada, ok kaya un, nasira kasi un kenwood ko na car stereo, bigla na lang ayaw gumana pero nailaw naman un led light nya

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      @@mark143aragon Naka Kenwood pala kayo dati sir, dapat orig din ang ipalit niyo po sir para mas okay. Kapag po mga touchscreen, dapat po ang car stereo slot niyo po ay 2din, kasi po kapag standard po maliit po masyado screen. Try niyo po ipagawa ang kenwood niyo po sayang po kasi yan. Isa po kasi sa magagandang brand po yan ng car stereo - kenwood, pioneer, xplod sony, alpine.

    • @mark143aragon
      @mark143aragon Год назад

      @@gawinmoito nabili ko 2nd hand si vios na kasama na yan kenwood kaso pangit na rin un monitor nya kasi dina makita masyado kaya balak ko na rin palitan at saka low budget din eh

  • @charlesmendoza9722
    @charlesmendoza9722 Год назад

    Sir my nabili aq power supply 12v 5A. Pwede nmn xa SA USB Peru pag SA AM at FM Wala xang station kahit my antena. Nagtry me ibang power supply Peru pwede nmn

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Mayroon po kayong naririnig na static sa fm/am? Ang signal po kasi ng car stereo pang-fm/am ay wire lang po na nakatap sa isang antenna. Baka po hindi makasagap ang car stereo niyo po? Ano pong brand ng car stereo niyo po?

  • @Denden_Mushi666
    @Denden_Mushi666 Год назад

    Sir pwede po ba sya saksakan ng bluetooth adapter sa usb port nya? Wala kase aux port yung ganyan na nakuha ko. Para kapag magplay sana music using cp para makapagshuffle ng music kapag sa flashdrive kase naglagay music naka alphabetical order

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад +2

      Hello po! Hindi po nalalagyan ng bluetooth adapter o dongle po ang mga ganito. Kailangan po na may built-in Bluetooth or AUX ang inyong car stereo para po mai-connect po sa inyong phone.
      *Tip po para po hindi kayo mahirapan ng kaunti sa pagpili ng kanta, ilagay niyo po sa mga folder ang mga mp3 files po sa flash drive niyo. Mayroon po kasing features ang ibang car stereo na nakaka-select ng mga kanta sa folder imbes na paisa-isa para mabilis makapaglipat ng kanta. Sana po makatulong.

  • @WelsonBarrot-wn6lv
    @WelsonBarrot-wn6lv 14 дней назад

    Idol ilang watts b n speaker pwd ikabit?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  14 дней назад

      Maximum na 200 watts d6, kapag nakabridge 300 watts d8, basta mga true rated.

    • @WelsonBarrot-wn6lv
      @WelsonBarrot-wn6lv 13 дней назад

      Ok po salamat

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  13 дней назад

      @@WelsonBarrot-wn6lv You're welcome po!

  • @rodenionahial6776
    @rodenionahial6776 2 года назад

    san mu nabili ang original na pioner sir at magkano?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Nabili ko po ito sa K-Plus Car Accessories sa Makati City po. P3,300 po ang price.

  • @KhalilIcalina
    @KhalilIcalina 3 месяца назад

    Transformer 12v ang gamitin saan Tayo kumuha nag ground

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  3 месяца назад

      Tanong po ba ang comment na ito? Sa PSU po.

  • @Dianbugaoan
    @Dianbugaoan Год назад

    Kahit san po ba pwde ikabit boss kase madami pong wire

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hi! Maaarin niyo lamang pong ikabit sa mga sinabi ko pong kulay ng wire sa video po. May designated wiring po ang car stereo, baka po masunog kapag pinagpalitpalit.

  • @benmaglente6101
    @benmaglente6101 2 года назад

    Sir, meron din po akong nabiliing car stereo kaso 12v lang. ano po kaya paraan para maging 24v para ma install ko sa truck?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Meron po nabibili na DC/DC Voltage Regulator (24V to 12V). Bali ikakabit niyo po ang regulator sa Yellow and Red Wire ng car stereo papunta po sa source ng power niyo (red wire = ignition and yellow wire = positive terminal). Kumbaga, parang naglalagay lang po kayo ng fuse sa wiring po, proteksiyon po, masusunog po kasi car stereo sa 24V. Sana po makatulong.

  • @Johnson-hc2zt
    @Johnson-hc2zt 8 месяцев назад

    Boss pag po ba nag open Ang stereo pero ndi tumutunog sa speaker sira na? Ndi Rin po ma press ang button ng stereo

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  8 месяцев назад

      Hi po, malamang po sa mga ganiyang problem po sa board na po iyan ng car stereo niyo po.

  • @maylee3624
    @maylee3624 2 года назад

    Sir may built in amplifier na ba yan. Pwede na salpakan agad Ng 4ohms na speaker

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Yes po, amplified po itong car stereo na nasa video po. Halos lahat po ng mga modelo ng car stereo (mapa-class A or original) sa market ay amplified na po. Puwede niyo na po kaagad kabitan ng speakers na 4 ohms derekta mula sa car stereo kagaya po ng ginawa ko sa video na ito.

    • @maylee3624
      @maylee3624 2 года назад

      @@gawinmoito sir last nalang, pwede ba i-operate yan using 12V 2A na adaptor ng wifi router? Salamat and more power sa.channel niyo. Very informative..

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      @@maylee3624 Ang best po kasi na amperes po talaga ay 10, para po sa mga car stereo. Ang mga sasakyan po, nagbubuga po 15A, 20A, 25A kaya nakadesign po talaga sa sasakyan ang car stereo. Ang alternative lang po talaga na ginagamit ng masa ay ang power supply ng PC kasi po 18-34A po ang kayang amperes nito. Gagana naman po yan 2A ng wifi router adapter, pero po in the long run baka masira po ang car stereo, lalo po kung ang nabili niyo po ay high end car stereo pa, manghihinayang po kayo pag nasira. May nabibili po na AC/DC adapter na 10A kaso po pricey. Pero mas recommended pa rin po ang power supply ng PC, matagal na po ako gumagamit ng ganito, never pa po nasira or nasunog. Sana po makatulong.

    • @maylee3624
      @maylee3624 2 года назад

      Ganyan ang vlogger 💪kumpleto sumagot. Yung iba talagang soundtest lang eh. Walang panahon sumagot. Salamat sir 👍

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      @@maylee3624 Welcome po! Stay tune lang po sa iba pang video tutorials and DIYs, God bless po.

  • @joemeragrava1749
    @joemeragrava1749 2 года назад

    Mass maganda po paper clip Ang pang jumper sa PC power supply

  • @rogertechtv1984
    @rogertechtv1984 2 года назад

    Nice content sir..na e kabit ko na po sir..pasukli o pabalik nalang po..thank u and God bless..

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Good job sir! God bless din po.

  • @adlawondomingodomingo9561
    @adlawondomingodomingo9561 Год назад

    Boss paano e tres or mag wering sa car stereo na walang harness.salamat boss

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hello po! Medyo mahirap po yan, ang harness po kasi ng car stereo ay vital part po ng mga iyan, mawalan po yan ng harness mawawalan na po ng silbi. Pero may nabibili naman po sa online ng harness basta tama po ang sukat at model ng car stereo. Kasi po kung iwa-wire po ng walang harness, magdidikit po mga wire sa loob ng terminal, baka magsunog, hanap nalang po kayo ng harness muna po. Sana po makatulong.

  • @willsmith475
    @willsmith475 2 года назад +2

    Don’t use a computer power supply. Get a laptop charger and cut the ends and wire it to it. Works great.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Actually, both works great as long as the amperage needed for the car stereo is correct. It's just a matter of preference.

  • @christiangalagnara9436
    @christiangalagnara9436 2 года назад

    sir pwede ba sa saksakan sa output ko isaksak?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Alin po sir ang isasaksak sa output? Speaker po o power?

  • @victorfrancisgamit8197
    @victorfrancisgamit8197 2 года назад +1

    pareho tayo na scam sa pioneer na yan sir. salamat sa ideya para magamit. hehehe

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Oo nga po sir. Dapat po talagang marunong tayo kumilatis kung ano ang fake sa hindi. Yang mga scammers po kasi na yan ay nagpopromote na authentic products nila kaya marami pong naloloko.

  • @clownfishyt
    @clownfishyt 2 года назад

    generic psu boss pwede ba?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Puwede po yan, mataas pa din ang amperes niyan kahit generic.

  • @joshmarvz
    @joshmarvz 2 года назад

    sir yung car stereo ko may Aux sa harap. pwede bang dun ko isaksak nalang yung speaker?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Ang AUX po ng car stereo sa harap ay para po kung gusto ninyo magsaksak ng phone o kaya ano mang gadget na may 3.5mm audio jack. For short po hind po pang speakers ang AUX na saksakan ng mga car stereo po. Yaong wires po sa likod sa may harness po ang tamang kabitan ng speaker wires po. Sana po makatulong.

    • @joshmarvz
      @joshmarvz 2 года назад

      @@gawinmoito aaahh oki gets... napagana ko na yung car stereo ko using adaptor para sa modem.. speakers nalang kulang... Thank you sir..

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      @@joshmarvz Okay po sir. Make sure po mataas ang amperes niyan adaptor, kung mababa po 'wag masyado itodo volume.

  • @argieg4527
    @argieg4527 2 года назад

    paps ano mangyari kung kabitan nang 8ohms na speaker ang car stereo?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +2

      Good day po! Tutunog pa din po yan, ang kinaibihan lang po ay hindi po maiibigay ng 8ohms ang dekalidad na tunog kasi po ang 8ohms ay pangbahay na mga speakers po lalo na po sa subwoofer hindi po masyado mahugong. Yang nasa video sir na pinangtest ko 8ohms po yan, Konzert po yan na speaker ginagamit ko po dati sa owner-type namin. Iba pa rin po ang 2ohms, malalim ang bass kasi po nakadesign sa sasakyan, kahit walang gamit na power amplifier po. Kung gusto niyo pa rin po mag 8ohms, maglagay po kayo ng amplifier sa sasakyan niyo po tapos po i-bridge niyo po ang speaker output. Sa mga next video po ituturo ko po kung paano magsetup ng amplifier, medyo busy lang po sa trabaho. Sana makatulong po.

  • @raymundgoingo206
    @raymundgoingo206 Год назад

    Pano po ung power connection Ng Toyota 86005-yza16

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hello! Ang wire po ng power ng mga car stereo, tulad po ng sa inyo, universal naman po kasi ang kulay ng wiring, puwere lang po sa mga speaker wire minsan po iba, ay yaong red (deretso sa iginition switch) at yellow (deretso sa battery). Kung papaganahin po sa power supply po, ang gagawin ninyo ay iko-combine niyo po ang yellow at red wire at ihu-hook sa power source na 12 volts na may 10 amperes po ang kapasidad. Sana po makatulong.

  • @FamilyBaitatv18
    @FamilyBaitatv18 3 месяца назад

    Anu po pangalan harap n pinakita nyo na natatanggal

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  3 месяца назад

      Anti-Theft po na feature po ng mga car stereo po iyon, madalas po kasi na ninanakaw (kapag walang manakaw sa sasakyan tulad ng mga bag) ay mga car stereo. Yung ibang mga driver `pag baba tinatanggal nila po ito. Iyon lang po ang silbi po noon. Ang ibang mga car stereo wala pong mga ganoon.

  • @benitez8891
    @benitez8891 2 года назад

    Sakin napaka easy lang , sa lazada marami power adaptor 12volts 5ampers nasa 200 lang. Kunin mo lang ang negative at positive ng car stereo

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Tutunog din po yan sir sa ganyan setup. Puwede rin yan. Minsan lang po ay humihingi ng mataas na amperes ang car stereo lalo kapag mataas na watts ang ginamit na speakers. Base on my experience , mas safe pa rin kung gagamit kahit at least 10 amperes na power adaptor, para iwas sunog.

    • @darwinmanuel1166
      @darwinmanuel1166 Год назад +1

      Mas ok un regulated power supply 13.8v.yan gamit ko sa car sterio at power amp.pero mala depende parin sa brand ng sterio Kasi un orignal na pioneer mas matakaw sa koryente

  • @Diosdado-z2e
    @Diosdado-z2e 8 месяцев назад

    😊

  • @charlesmendoza9722
    @charlesmendoza9722 Год назад

    Gumamit po aq ng power supply ng computer. Ok nmn xa kaso naaapectuhan ung signal ng AM at FM. Nawawala talaga ung signal nia at saka maingay ung reception ng AM at FM. Sayang Pera SA pagbili. Dalawang car stereo Ang try q ganun ung effect. Pag gumamit aq transformer bumalik ung signal ng mga AM at FM

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Hmmm... Bakit kaya po ganoon? Sa akin gumagana naman, kahit doon sa original ko po na pioneer okay din. Ano pong brand ng car stereo na nabili niyo po?

    • @charlesmendoza9722
      @charlesmendoza9722 Год назад

      Kenwood sir, TAs sinubukan ko din SA pioneer ganun parin. Naapektuhan FM Lalo n am nia

  • @petersonjosue7745
    @petersonjosue7745 2 года назад

    Hi po sir, ask ko lang po what if yung car audio system na gagamitin is mayroong led touchscreen? same din po ba ng wiring? Thanks po sir.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Yes po parehas lang din po, may mga konting dagdag lang katulad po ng mga wiring papunta po sa steering wheel audio controls, gps, etc. Pero lahat po ng sinabi ko po sa video ay standard wiring diagram po - yellow = battery, red = ignition, and black = ground. Hanapin niyo po ang tatlong pinakaimportanteng mga wire na yan, at yan po ang magpapatakbo ng car stereo niyo po, may LCD screen man o wala po. Sana po makatulong.

    • @petersonjosue7745
      @petersonjosue7745 2 года назад

      @@gawinmoito very detailed. thank you po. new subscriber here. thank you for your video tutorials.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      @@petersonjosue7745 You're welcome po sir! More video tutorials to come po. God bless po!

    • @freyamobilelegends5665
      @freyamobilelegends5665 Год назад

      boss pwede rin bang pagsabayin jan ung car amp na bukod ung screen? bali dalawa sila sa ikakabit jan?

  • @pho1455
    @pho1455 4 месяца назад

    boss paano masave yung memory nyan kahit wala ng power

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  4 месяца назад

      Iyon lang po ang down side po ng ganitong setup, hindi po nase-save ang music lalo kapag memory card po ang gamit. Kaya suggestion ko po sa bluetooth nalang po kayo magplay para napipili ang mga kanta agad.

    • @pho1455
      @pho1455 4 месяца назад

      @@gawinmoito maraming salamat boss

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  4 месяца назад

      @@pho1455 Walang anuman po.

    • @pho1455
      @pho1455 3 месяца назад

      @@gawinmoito boss bat walang fm reception ganyan ko kahit may antenna

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  3 месяца назад

      @@pho1455 Fake po kasi ang pioneer na ganto po, ang mga magagandang stereo nakakasagap na ng signal kahit wala pang antenna.

  • @buhaybukidtv767
    @buhaybukidtv767 Год назад

    Dami sasat par...wla sa punto😅

  • @victorfrancisgamit8197
    @victorfrancisgamit8197 2 года назад

    sana pati pagkapagkabit antena rin po sir

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Oo nga po eh hindi ko po naisama sa video na ito, pero madali lang naman po magkabit ng antenna sa car stereo, either po kasi di-plug o kaya naman wired lang naman po connection ng ganoon.

  • @boyofw
    @boyofw 2 года назад

    Electrical Tape Hindi electric tape 😂

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Thank you po sir. Tama nga naman, wala nga namang kuryente ang tape.

  • @henryponce9206
    @henryponce9206 2 года назад

    Sir ano po fb mo

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  Год назад

      Pakihanap nalang po sa Facebook page, Gawin Mo Ito. Salamat po sa suporta!

  • @ichanko16
    @ichanko16 2 года назад

    gagana po ba yan sa ZK MT-21 12v-24v 9a na amplifier sir ?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      Good day po! Gagana naman po yan kung ihu-hook niyo po sa car stereo niyo po ang amplifier na yan, sa totoo lang po halos lahat na amplifier ay gagana naman po. Ang magiging problem niyo lang po ay sa power supply po. Kasi po ang PSU po na pang PC ay 12 volts lamang po, sa indication niyo po ay 24 volts po ang amplifier niyo po. Kailangan niyo din po ng power source na 24 volts para mapagana ang amplifier na iyan po sir. Sana po makatulong.

  • @Cut_the_flow
    @Cut_the_flow 2 года назад

    Gagana ba ang USB diyan sa car stereo sir using using 3.5mm to USB female Jack?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад +1

      Hello po! Hindi ko pa po nasubukan ang ganyan setup po, pero ang mga gumagana po na setup ay 3.5mm to 3.5mm jack tapos po ang nakasalpak po sa other end ay cellphone, psp (subok po ito, napagana ko po psp). Basta po ang isasaksak sa jack ay isang device po na kayang magplay ng audio na may output po na 3.5mm stereo. Kung USB naman po ang gusto niyo i-play, sa USB port niyo po isaksak gamit po ang isang flash drive na may lamang mp3 songs. Puwede rin po ang SD port na gagamitan niyo po ng SD card na may mp3 songs. Sana po makatulong. God bless po!

    • @Cut_the_flow
      @Cut_the_flow 2 года назад

      Salamat sir kaya pala angdaming reviews na ayaw daw gumana yong nabili nila na adaptor

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 года назад

      @@Cut_the_flow Most likely po kasi hindi talaga nakadesign sa car stereo ang 3.5mm to USB female jack. Ang pinaggagamitan po ng ganyang adapter po ay mga headset po na pang-call center tulad po ng Jabra Evolve. Nakadesign po ang mga headset na ganyan sa PC kasi po ang dulo niyan ay USB. Kaya po may ganyan na mga adapter (3.5mm to USB female jack) ay para mapagana po ang mga USB headsets sa mga device na 3.5mm po ang output tulad po ng mga smartphones at psp. Ang saksakan po na 3.5mm sa mga car stereo ay input po, hindi po output.