KAILAN BA TALAGA DAPAT MAG CHANGE OIL? 5000 KILOMETERS OR 5000 MILES?
HTML-код
- Опубликовано: 7 сен 2024
- MADAMING MGA SUGGESTIONS, GUIDELINES, OR MGS INSTRUCTIONS KUNG KAILAN BA TALAGA DAPAT MAG CHANGE OIL.
DITO SA PILIPINAS EVERY 5000 KILOMETERS
PERO BAKIT SA AMERICA EVERY 5000 MILES.
OR 8000KM?
I couldn't agree more. Kumunsulta sa manual at huwag sa sari-sabi lang ng iba at ang pinakamahalaga, ang budget. Pagipunan para makasunod sa sinasabi sa manual. Huwag magmarunong. Mas maraming panahon at pagaaral ang iginugol ng mga dalubhasang gumawa ng sasakyan para ipagisang-tabi natin ang kanilang rekomendasyon para mapanatiling maayos at maganda ang ating mga sasakyan.
Tama naman po pag super synthetic, 8K to 12K km per change. Maganda na ang technology ng langis at makina ngayon. Great content. 😉
Thanks po😁
5k kilometers is really for Sale Pitch period. Kumita mga kasa at oil companies. One thing to consider aside from what was discussed like better quality ng oil, oil filter etc. 1 thing to consider also is the load carried by the vehicle. Cars for example, just carry 1 or 2 passengers. This will allow the engine run using high gear with lower RPM. For truck or pick up, alway carrying heavy loads, usually using low to middle gear, this increase RPM too. The vehicle having light loads 7-9k pwede, for heavy load 5-7k pwede
Thanks for sharing ☺️
Marami kasing car myths sa Pinas na kahit debunked na ng data at ng information na nasa car manual, e naniniwala pa rin sa belief at sabi-sabi ng iba. Kaya kudos sa pag gawa ng mga data-based car videos tulad nito.
Salamat po sa Pag appreciate 😁😁
Agree.. usually kasi sa mga Pinoy feeling mas matalino pa Keysa sa mga Engineers na gumawa sa mga sasakyan nila 😂😂
sigurado twice a year ang change oil. diesel or gasoline. walang magiging problema.
Kung regular na motor oil ang gagamitin mo 5000km. ang recoomended dito sa Canada at U.S. pero kung synthetic oil naman ,ay aabot ng 10000 at 20000 km, bago mag change oil...
AMSOIL signature 10k km to 20k km ang change oil.depende talaga sa brand.the best daw ayon sa test ni youtuber project farm.
Mas mataas ang recommended na change oil sa developed countries gaya ng US, Europe or Australia dahil sa mas maayos ang infrastructure nila at mas malalayong distansya ang kinocover ng mga sasakyan nila. Dito sa atin bumyahe ka ng 2 hours pero wala pang 30 kms ang binyahe mo. Sa developed countries pag bumyahe ka ng 2 hours 100+ kms na ang layo ng naitakbo nila. Dahil dun ay umaabot ng 500,000 to 1million kms ang naitatakbo ng mga sasakyan nila. Samantalang dito sa atin 150,000 kms pa lang laspag na laspag na mga sasakyan natin dahil sa stop and go lagi ang sasakyan natin dito sa Pinas. Tsaka sa developed countries mas strict sila sa mga mechanics at maintenance kaya siguradong laging road worthy/well maintained ang sasakyan mo di gaya sa Pinas na ang daming incompetent na backyard mechanic na natuto lang sa RUclips o naging apprentice lang ng mekaniko.
I Agree
yung ibang mga mekanik mga sinungaling at mandurugas pa.
Tama po, at ibang klase ang traffic sa Pinas, maraming andar ang makina na hindi nkarehistro sa odo kasi nka idle LNG😁
Every 15,000 kilometers ang change oil ng car ko dito VW Passat. 350K na odo nya, 70 kilometers ang commute ko everyday, 5 days a week. Pati oil filter, air filter, cabin filter ako na lahat nag papalit at change oil. Castrol Long Life 5wd30 ang inilalagay ko, hindi ako naglalagay ng cheap oil 😂. So far so good matulin pa rin sya. 2.0 Turbo diesel.
yung 2 hrs ko na biyahe ay 18 kms. lang Cainta to QC during heavy traffic, pero pag moderate lang 1 hr. and 30 mins. kaya change oil ko every 3 k lang kahit fully synthetic langis ko....
Tama po kayo idol, ako din hindi ko din nasusunod yung rules na every 5k kilometers change oil kasi mabigat din sa budget at once a year lang ako mag change oil dahil nga po mabigat din sa budget ang change oil hehe. Chaka bihira lang naman din gamitin hiace van at caltex delo gold gamit namin.
Apir😁😁😁
Rule of thumb...follow the manufacturer’s recommendation...that will give you peace of mind
Correct 💯😁
Ang Starex ko na 2001 model gamit ko na engine oil Castrol fully synthetic every one year ako nag change oil hindi. pa siya na overhaul.
20n years na ang sasakyan ko, kada 5K miles ang change oil ko at malinis pa ang makina, no sludge formation yet. Kapag ordinary oil dapar 3k KM lang dahil malakas mag form ng sludge ang ordinary oil.
More kuya Mik2----marmi akong natututunan sa inyo! God bless!
Present kuya mik. Sinamahan kita hanggang huli dami ko matutuman sayo.
Maraming maraming salamat po sa patuloy na Pag support😁
thanks sir, Mik2 isa na nman Dagdag.Kaalaman, tungkul sa pag aalaga ng sasakyan, pa shouts out po next video fm Cuyapo T.y po
Alam mo kapatid yang regular recommended oil change kailangan gawin mo kasi po kapag lumagpas ka ang maaapektohan nyan ay ang piston ring na in the long run didikit na yan di na kasi nag play or ecpand ang ring dahil maitim na ang oil bago ka magpalit..at dyan na maguumpisang kumakain na ng oil ang engine...pansinin mo yang tambutso na maiitim senyales yan ng eating oil sa piston ...kaya importante ang reccomended oil change...sa toyota po ako nag trabaho ng mahabang panahon.❤
sa toyota lng nman 5000 km chande oil na s nissan 10k kc synthetic gamit nila
Ung diesel kong sasakyan, every 3months, while ung gasolina, every 6 months oil change intervals.
Which ever comes first ka din po ba? Ganon kasi ako. Pag Fully Synthetic every 10k or 1 yr po as per kasa. Di masuyado gamit yung sasakyan. Kasi nagmomotor ako, pag kasama bata at pag umuulan duon lang nagagamit.
It depends sa kind of oil na ginamit. Usually yung mga bagong cars fully synthetic ang gamit which last a long time. Pero as a new car owner yung dashboard ko kasi every 6 months may notif na eh so no choice
nang huhula lang yan warning light pra kumita ang casa boss
Regular oil ang gamit ko sa pag change oil at every 5000kms. Lagi kasing long drive at daily driven pa, model 2009 na hilux.
Parehas po tyo, Pag may pasok mga anak ko araw araw ang gamit ng sasakyan, hatid sundo pwera pa ang ibang mga lakad Kya regular oil lng then change oil Pag nka 5k km na.☺️
Tama ka Bossing Mikmik... depende din sa budget... ako nag cha change every December pag naka bonus na😅
Once a year is good😁
ako din once a year. semi synthetic or synthetic performance na oil gamit ko.
Traffic or steady idle for long time tapos dusty to very dusty environment dalawang category na mag papa degrade ng oil mo ng mabilis... Di kagaya sa u.s dirediresto o maganda yun kalsada di masyado dusty doon or dusty lang di kagaya dito sa atin sobrang alikabok... 5k pa din para sa akin kahit na fully synthetic... Opinion ko lang din
Tama, nakasaad din ito sa manual for Toyota cars, under severe conditions.
Ang recommendation ng Lexus sa oil change ay kapag normal driving condition palitan ang oil at filter kada isang taon o 10,000 miles whichever comes first. Pero sa severe service ,change oil and filter every 6 months or 5,000 miles whichever comes first. Ang recommended oil dito sa US nang Lexus/Toyota motors ay 0w20 synthetic motor oil. Ang gingamit ko ay Mobil 1, buhat noong 1977 ay ginamit ko na ang brand no ito sa aking 1977 Oldsmobile Cutlass Supreme model. Maski na sub freezing temperatures,start agad ang engine, iyung mag sasakyan na regular oil ang gamit,matagal mag start dahil almost solidified ang langis.
Sa Pinas ang kotse na may 5000km equivalent niya na sa develop country ay 8,000km dahil dito sa Pinas sobrang traffic na susunog na ang oil mo Naka tingga lang sa traffic ang sasakyan mo Kaya walang kilometer reading habang nasa traffic ka pero ang oil mo nasusunog habang Naka idle ang sasakyan.
Magandang Punto po yan. Kasi totoo po yan Sabi Nyo n maraming andar ang makina n hindi magregister sa odo dahil sa traffic ☺️ salamat po sa comment
Naobserbahan ko na sa 5,000miles run, marumi na ang langis,synthetic pa ang gamit ko.Equivalent yun sa 2 oil changes per year!
May mga langis po na mabilis umitim Pero ok pa din mag lubricate, Sabi po kasi ng mga oil experts hindi accurate pagbasehan ang Pag change color ng langis, Lalo kung ang mga makina ay diesel or Yun may mga turbo, mas mainit kasi ang mga ganitong engine Kya malakas makaitim ng langis, any way eto po ang link about sa Pag itim ng langis according to AMSOIL
blog.amsoil.com/why-does-motor-oil-turn-black/#:~:text=It's%20common%20to%20assume%20that,to%20wear%20out%20your%20engine.
Good day sir gawa ka din Video for ATF oil interval thanks👍🏼
Pinaka ok malaman dapat ipa oil analysis. Walang hula
According to the owners manual sa truck ko ram 1500 ecodiesel ay 1500 km. synthetic oil ang recommended na langis 5w 40
1,500 po or 15,000?
tama ba 1500 kms boss, bka typo yan.
@@PepeDizon-qy7xv 15000km bossing
Okay lang magchange oil ng madalas. Mura lang nmn s shopee or lazada ang langis at madali lang mag palit ng langis. Para humaba ang buhay ng makina. Oil is cheap pero ang makina mahal.
sa south africa , unang sasakyan ko na ginamit was a corrola 94 model na 1.6. Casa maintained, 120k km na ang odometer, walang kain ng langis, tumatakbo pa ng 170 kph tuloy tuloy basta walang speed traps, and di nagiinit. oil change was already 15k km interval na since day 1. Next was a vw golf mark4 1.9 tdi. got it from an auction, at 150km odo. regular casa recommended oil change 15k din. medyo bugbog ng husto but nung naayos ko, di pa rin kumakain ng langis kahit naka 200km na natakbo ng nabenta namin. kaya 180kph pero mag cruise ng 140-160 walang problema and di nag ooverheat. honda civic 1.4 99 model ganuon din oil change interval Corrola altis 1.6 model 2011, 15k km din ang interval, in 5 years 150k na natakbo and walang problema. Lahat na yan, may free pms up to 100k km from the casa, although yong corolla altis 90k km na lang. Pag kasa gagastos parehas sa south africa yan ang interval ng oil change.
Sir Mik-Mik, ask ko lang kung meron bang expiration ang engine oil kapag ginagamit na ito? Kasi di naman ako umaabot ng 3k Kilometers kada taon sa SUV ko. Please advise! Many thanks and more power sa channel mo!!! 😊
I think, hindi directly applicable sa Pinas yung recommendation sa US, unless puro expressway lang ang byahe mo araw-araw.
Otherwise, sa grabe ng traffic sa atin, halos lahat ng sasakyan sa lansangan pasok sa "Severe" driving conditions.... dusty environment, long idle times, stop-and-go driving, etc. That's why dapat every 6 months or 5k km, whichever comes first, ang tamang oil change interval (OCI) para tumagal ang makina.
Kung gusto mo mas scientific ang approach sa OCI, mag-run ka ng used-oil analysis (UOI) para makita yung level ng wear metals, oil viscosity and additive condition. Dyan malalaman kung pwede mo i-extend o i-reduce ang iyong OCI. Kaso, medyo mahal ito kaya doon ka na sa safe na 6 mos or 5k km.
Thanks for sharing 🙂
Ang problema po kc sa Pinas hindi highway mileage kundi puro traffic mileage. Kya mabilis mag deteriorates yung engine oil. Pero po sa Toyota recommended ng oil change nila every 10,000 miles sa America yung mga bagong car nila. Pero po sakin tinitignan ko kulay, amoy at thickness ng oil at duon ko po binabase ang oil change ko
Ako po sir nka ugalian ko n bisitahin ang oil every week para makita ko kung Ano n itsura at inaamoy n din para makita ko kung nagkakaroon ng moisture, at kailangan hindi mag Amoy gasolina
Kaibigan bakit iba-iba ang kailangan nating sending ng interval ng maintenance pangkalahatan hinde ang TERM NA CHANGE OIL NAPA KA LUMA NA YAN ANG CORRECT AY PMS PERIODIC MAINTENANCE SERVICE at its decent da temperature ng country ang pag Palit ng lahat ng langis ng car
share lng mga garage van baguio routine tru entire luzon mostly toyota old to D4D ordinary oil lng gamit still strong till now, na compare nila iba ang effect ng fully synthetic in the long run, and im using ordinary shell oil every 5k so far so good....
Lahat ng vid nyo pinapa nood ko kasi very informative
Dto s arizona every 2 months lng nagchange oil n ako kc abot n s 5miles ang milyahe ng sasakyan ko s layo ng tinatakbo everyday
Basta ako kung ano lang nakalagay sa manual yun ang sinusunod ko when it comes to change oil.
Gamit ko po mobil1 0w-40. 4yrs na po ok pa yung langis dati pinaabot ko talaga ng 15k kms ngayon Hindi ko na masyadong ginagamit kaya 4yrs na halos 7k km plng pero ok pa ang langis nya.
Ayon po sa mga oil experts Pag bihira po gamitin ang sasakyan nagkakaroon po ng moisture ang oil at nag bbreakdown ang components nito na hindi visible sa mata natin, Kya advise nila ay magpalit ng langis atleast once a year kung bihira magamit ang sasakyan regular oil n lng daw po ang gamitin😁
@@damimongalam6987 thank you po sa reply
Boss take for consideration din s pag change oil ung age ng car..kagaya saakin 13yrs old n ung car ko kya nasa 5000 to 8000kms ako mag change oil..at full synthetic lagi oil ko..nag aabang kse ako ng sale or promotion, then itatabi ko lng muna. kya hnd rin mabigat s budyet. mas luma mas mdalas dpt ung pg change.
Tama po, kaya po sabi ko sa bandang hulihan ng video, ang sasakyan natin ay Iba Iba, depende sa kung saan ito ginagamit, gaano kadalas gamitin, ako ang brand, edad at Iba pang factors, Kya dapat atleast twice a month tinitingnan ang condition ng oil, ako nga po inaamoy ko pa😁
gamit ka ng fully synthetic para safe makina mo. change oil interval ka ng every 10000km
Fully synthetic oil, for 10k kms 😊
I believe you Sir. Sobrang naiwan na nga tayo, they are now going electric.
Kuya Mikmik, sa Honda po ay 10K na. Nasa warrantee handbook po nila
pang "normal driving" yan boss. pag lagi sa trapik bawasan interval
Best Auto Mentor Kuya Mik2🚙🛻🚛🚕🚗
Thanks po😁😁
Fully syntetic mobil , lucas oil, ams oil 10kms bsta fully syntetic👍👍👍
Ang bigat po kasi sa bulsa ng full synthetic, kya masadalas n regular oil lng ang gamit ko, change oil n lng after 5k km.☺️
My lexus every year ang change oil at filter.
(3000-5000 miles) full synthetic oil 5/30.
Ako Lang nag change nito.
Dahil mahal sa casa mag pa change oil at service every year.
£97(6,790 pesos) change oil
£270( 18,900 pesos) - yearly service.
Kaya DIY check and change oil.
My OBD2 computer ka macheck muna ano sira ng car mo.
Sinubukan ko mag change oil ng 3000 miles napakaganda ng andar at takbo niya.
Smooth at mabilis Ang responds.
Always check Lang sa mga basic maintenance.
Air filter cleaning
Pcv cleaning
Throttle valve cleaning
Oil change and filter
Engine cleaning
Change ng coolant and clean sa radiator.
Breaks pads discs
Tires.
Use long life coolant( pink colour). Tested 100% na siya na mag last ng 50000 miles.
Sa radiator Kailangan malinis Walang bara ang mga holes nito. Para Hindi masira din ang fan
Diyan masisira and radiator valves a cap Dahil sa Hindi tamang flow at heat nito.
Sa Manual ng bagong Toyota car sa Pilipinas for normal use 10km or 6 months, the same car model sa South africa 15km or 12 months
Yes po sa mga new models☺️
So ok lang na every 10,000km na change oil sa toyota wigo ko? Yun po kasi nasa manual nya mismo.
@@armoredkinkakujix7901 pwede basta wag kang sosobra sa 3 months kung mineral oil at 6 months kung fully synthetic. Ganyan ang recommended ng kasa.
Alam mo Sir Kaya 5k miles ang recommended ng charges oil Sa Mga developing countries!
Malinis din kasi ang hangin...
Eh dito sa Pilipinas MADUMI ang hangin at Bumper to Bumper ang Mga Sasakyan..
Plus Mga High grade oil yung Mga Ginagamit sa Mga developing countries
Thank you sa very informative content kuya Mikmik. God bless. Thank you din sa pag shout out.
You're welcome po 😁
Sa Amin 10km na kami Nag change oil basta fully Synthetic Isuzu Dmax Gamit namin.. Mahal mag change oil sa Casa Kaya sa Gasoline Station na lng kmi nagpapa change oil Po.
Yes po para practical. Ako po mas madalas n diy n lng Pag change oil Pero Pag tinatamad dinadala ko n LNG din sa gas station Pero di ko po pinabubugahab ng compressed air ang makina, pwede po kasi maging cause ng Pag galaw ng mga oil seals. Pag tumulo n langis ok n sa akin. Pinapakabit ko n oil filter then salinan n ng new oil
tama yan boss. wag kalimutan palit rin ng filter
Masha Allah. Shukran po kuya mikmkik😊😊😊
Shukran shukran kuya mik mik
You're welcome 😁😁
every 6 mnths din ako mag change oil sabay sa bunos 😂😂😂😂..fully synthetic kaso nasasayangan ako kc ni hindi halos maka abot ng 5000 kms ang matako..more power kuya mik.
Always check your oil in your car. 10 miles.
Every 5k miles is a mandatory oil change philippines should adapt miles system instead of Km tbh kaya kahit tumakbo ka ng 100km diyan ang bagal bagal padin ehh specially galing ng states
mas mabagal naman ang takbuhan kasi dito ng sasakyan unlike sa US, dito sa Pinas sobrang traffic impossible na maka takbo ang sasakyan mo sa city ng above 100kph . Even sa NLEX SLEX not allowed na tumakbo ka ng mas mabilis mostly 110 - 120kph lang allowed.
Ung skin po 12,000 na itinakbo .. hindi prin po pinapa changes oil ng Amo ko po ...
Salamat sir sa info,bagong follower mo from milan
Hello po sir. Maraming salamat sa support. Shout out ko po kyo sa next vlog😁
Bawat sasakyan my service manual o owners manual nandoon ang service guidline. Yon ang basehan.
Tama😁
Para sa akin depende sa frequency sa pag gamit sa sasskyan at siguro kaya miles ang unit sa kanila kasi english system gamit nila at hindi metric
Depende nga sa Budget un...
aq nag Chachange Oil lang pag may Extra pera minsan kada 2 years 😅😅😅
Naka depende pa rin po yan sa langis na ginagamit sir hindi po lahat ng langis ay pare pareho sir
Tama po, Kya Lng Sabi ko nga sa mga gusto makatipid Pero di sila kakaba Kaba, ang ginagawa ko n tried and tested n tlaga is regular legit oils Pero after 5k km mag change oil na kasi iba climate sa atin at ibang klase din ang traffic sa atin.
Kung umabot ng 1 year at hindi umabot ng 5k km. Change oil n rin.
5k km or once a year Bale, which ever comes first.
Yung hilux nmin 2013 model every 8k kmi nagpapalit ng oil, oil filter, fuel filter. umabot na ng 450k ang odo khit kylan hndi pa nabuksan mkina turbo lng po nalisan hanggang ngaun maayus pa nman ang takbo
matibay mga hilux boss. pang gera sa aprika hehe.
Based on experience kahit fully synthetic 5000kms ginagawa ko change oil, nagkaka sludge kasi pag pinaabot ng 10000kms e.
Bro hindi magkaka sludge yun kasi di naman yun septic tank walang solid waste dun...icip icip din!..🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
Depende sa condition ng car. I am changing oil every 300km now. Mas tama yung explanation nung Japanese Engineer about engines and engine oil.
300 km? Sobrang igsi nun.
@@damimongalam6987 dahil kelangan ng Engine flushing. Mistake na ang 5000 km for cars older than 2012.
@@damimongalam6987 kaya medyo misleading yung video nyo kasi hindi nyo namention na kung black na black ang lumabas na engine oil, kelangan na ng magastos na flushing na halos aabot na ngayon ng 15K PHP kasi every flush papalitan pati filter.
@@kgpcodes you mean 3000km po ata hinde 300?
kapatid bka nmn 3000kilo metter kz qng 300kilo metter mg changes oil kna pra klng pmunta ng palengke pg dting ng bhay chnages oil na nmn uli😅
hindi lahat ng developing countries ay miles ang unit,dito sa canada km per hr.
12k sa gas, 8k diezel with turbo.
Tanong lang po, bawat umaga twing nag andar ang aking celerio 2011 mdl meron tubig tumutolo sa mapler
Ok lang po yun. Mawawala po yun pag mainit na makina
Ano naman yun mga suggestion ng Car dealers 3mos or 5k whichever comes fiirst. E paanu kung madalang mong gamitin etu at di umaahok sa 5k?
check ang owners manual boss.
Gd day sir mik mik, sasakyan kopo mazda e2k 1995 model mileage po nasa 80k km po, ano po rekomendation nio sa pag change oil, ginagawa kopo kasi every year, semi synthetic oil po gamit ko 10w-40, salamat po sa pagsagot kuya mik mik
dto sa US every 5k miles dyan s atin pinas 5K km
pede naman umabot sa 8000 kilometers na change oil basta ayos pa kulay ng langis pero kung sobra itim na at hintayin mo pa na maabot yun 8000 change oil rule e wag mo na gawin sigurado oil sludge ang kalaban mo dyan at sigurado iyak ka sa pagpapa over haul ng makina lalong magastos
Sabi nman po ng AMSOIL hindi daw sa lahat ng oras ay accurate ang Pag tantya sa condition ng langis sa kung ito ay umitim na. Pero Pag nka 8k km na tlagang pang change oil n 😁 anyway heto po ang link about sa article ng AMSOIL about sa Pag itim ng langis.
blog.amsoil.com/why-does-motor-oil-turn-black/#:~:text=It's%20common%20to%20assume%20that,to%20wear%20out%20your%20engine.
Sana po Mabasa mo ang Mgs ko bossing--- BAKIT IF NAG PA CASSA TAYO WALA TAYONG BRAND MA MAKIKITA HINDI NILA IPINA ALAM SA OWNERS?
Boss yung Hyundai Eon namin April 2022 pa huling change oil fully synthetic hanggang ngayon june 2023 di pa rin na change oil nasa 3,000 km pa lang tinatakbo.🙂
Need na ichange oil yan dahil luma na ang oil nawawala viscosity kapag matanda na oil. Magugulat ka na lang sira na makina mo dahi di na umaakyat oil sa buong engine dahil malabnaw na langis.
Change oil Nyo n po kasi lagpas na ng Isang taon. Pag bihira po gamitin ang sasakyan nagkakaroon ng moisture ang oil, tapos nag bbreakdown din po ang components nya or sa madaling salita ay naeexpired din. At Pag luma n ang oil kahit hindi umabot ng 5k km. Hindi na ito ganun kaayos maglubricate
Okay mga boss salamat sa inyong advise.😍
Dapat cguro magkaroon o lagyan ng RPM record ang mga sasakyan tapos dun magbase kung every ilan rpm bago mag change oil instead ok km
Yun mga newer models ng sasakyan meron sensor para sa oil, umiilaw Pag time n mag change oil, Pero Mahirap pa rin magtiwala sa sensor lng. Mas mainam p din Yun may regular schedule 😁
Idol nag DDIYBlang ako mg change oil ng sasakyqn ko. Pwede po ba na ung mga natira kong langis gawin kong png flushing kaya lang iba iba ung brand pero same viscosity. Okay lang po ba idol..? Thank you. And more power sa channel mo..
Yes po, ok lang n paghaluin n magkakaibang brand ng langis. 😁
gudam kuya mik , ask ko lang if pwede hanggang 6k oil change using pertua exello sa mitsubishi adventure 2010 gls sports many tnx & more power ! 🤘🏻💀☠️💀🤘🏻
Psi tyre presure naman po difference nung cold and hot weather. Nakakalito kasi
pag mag lagay ng hangin boss kailanfan malamig gulong, ung di pa tumakbo mga 3 kms
Every 6 mos boss yan lang buhay ng langis.
Shell 0w-30.
Bro basta pag may turbo ang Makina mo ay dapat Fully Synthetic ang oil na gagamitin? Just confirm ko lang po sa inyo! Thank GOD and much more blessings everyday in Christ Jesus name now and forever amen.
sundin ang owners manual boss. mga hilux na d4d na turbo, cf-4 diesel oil na mineral lang kailangan.
sir may video na po ba kayo na ang 2t oil ay inihahalo sa diesel? kung wala po pwede po ba un ang maging next video njyo. tnx po
Ang alam ko meron kasama dito sa topic na ito. ruclips.net/video/BqNp53CP4c0/видео.html
@@damimongalam6987 tnx po
waste of money yan. gastusin na lang pera sa tunay na ultrasonic cleaning ng injector.
how about using fully synthetic oil ilang miles po ba?
Kung gusto mong paabutin ng 500k km ang kotse mo, buy the cheapest oil and change oil every 5000km or 3mos and change oil filter every 2 change oil.
Very true😁 proof dyan ang adventure nmin na Pinang UV Express pa. Mula noon puro regular oil lng. Pero right on sked ang change oil at Siempre Pati palit timing belt
@@damimongalam6987boss 75k km pa lang tsikot ko 8 yrs na...stock timing belt pa din... paabutin ko pa ba gang 80k km?
Boss yung oil ng automatic engine pwede rin ba sa manual engine
Natural lang sa U.S. yan kasi malamig yung lugar nila kumpara dito sa Pilipinas na extreme ang weather
Ngaun ko lang to nalaman base kasi sa kasa every 5k daw mahal pa nman ng oil shell protec 5/30 😂
5000 km or 6 months which ever it comes firts ganyan sa mga casa
galing bro.
Thanks po ☺️
Boss repsol leader po fully synthtic ok po bah sa montero 2015
Kua mik mik pag diesel b engine ok din b ang fully synthetic n oil ..? Watching from dubai uae
Yes po, kung madalas gamitin ang sasakyan Yun kaya lumagpas ng 5000 miles Isang taon ok n ok ang full synthetic. Pero kung less than 5000 miles a year LNG ang mileage ang hindi sulit ang full synthetic.
After a year po kasi need n rin palitan kahit konti p lng natakbo
Kua mik, kung habit ko tlgang mag change oil every 5k regardless, ok lng na mineral oil and nde na synthetic oil?
Yes, Yun adventure ko 21 years n puro regular mineral oil lng. Pinangpasada ko pa. Hanggang ngayon ok p din.
I’ve been a Mechanic for more than 30 years to me oil is cheaper than engine .I will stick to my 3-5 K miles rule of tell you 7500 -10 k miles they want your money especially stealership
If the car is seldom used, what should be followed if mineral oil is used
ano po ang recommended regular maintenance ng sasakyan?..monthly po ba?..
..TIA PO SA SASAGOT🙏🙏
Change oil every 5k km..change coolant every 30k km.
Change timing belt every 50-60k km.
Mas maganda po pagbasehan ng maintenance ang mileage kaysa sa buwanan schedule kasi hindi pareparehas ang Dalas ng Pag gamit ng sasakyan every month.
Kuya mik mik Tanong ko lang Po. Anong mas matibay na makina? 4J56 o D4D?
Kuya mik tanung kulang pg bumili b nang second hand car alin po ba maganda AT or MT? Salamat po kuya mik,
Kung marunong ka mag drive mT and ok lng sa u Yun hassle ng Pag tapak ng clutch mas ok Mt kunin mo, mas matibay at mas mura maintenance
Helloh sir pwede po ba Delo gold I change oil sa hi ace salamat
Good morning kuya Mik ... Ano po ba dapat sundin ng change oil for fully synthetic, 10k km run or 6 months? Salamat po
owners manual sundin boss
Gaano kadalas mag change dapat ng oil filter? Every change oil palit ng oil filter or change oil filter every 4000km then top up na lang then after 4k km saka ang sunod na change oil? Thank you for your advice.
Kada change oil change filter din
Yung change oil parang naliligo ka lang ang change filter parang damit lang, nag ligo kana pero hindi mo pinalitan damit mo na ilang buwan na suot mo.
Good info sa pagchichange oil, if ang dati mong gamit ay 5w 20 then after mga 10 years ay puede bang palitan ang viscosity ng gagamiting oil, kasi sabi ng mekaniko ay puede ng 5w 40 basta fully synthetic ang gagamitin, okey ba un wala bang problema na parang nagbago ang hatak niya. Thanks s magiging response mo.
Mabigat ang 40 oil, may negative effect sa fuel economy at longevity ng sasakyan mo. Always follow the user manual in terms of oil viscosity.
palpak mekaniko mo boss. ang oil ngayon kailangan tama viscosity pra gumana ang vvt solenoid (cam advancer). kung mali viscosity kakadyot kadyot auto at mag check engine light.
Yung kotse ko Po 2nd hand nabili., last Oct.2022...
Toyota Vios model 2011 Manual Transmission....
Ano Po kaya Ang Viscosity number Ng Oil Niya???
lagyan ng 10W-30 o 5W-30 boss.
boss mik mik kelangan bang lagyan muna ng oil ang oil filter bago ilagay after magchange oil ..salamuch
Pwede naman hindi Pero mas maganda meron na agad, kasi pag bagong change oil Makina sa unang start dun p lng aakyat langis sa mga piesa Pero mauuna ito dumaan sa filter, pag may laman n agad filter mas mabilis punta Yun oil sa mga piesa. Pag wala kasi laman pupunuin muna Yun.
salamuch boss mik mik
Dko inakala umabot ng 20000 kilometrs from may last change oil senthytic gamit ko...pero regular naman ang check up ko at ok naman ang oil ...pwede ko pa ba i byahe roundtrip 360. Kilomtrs sa makalawa?
yung pertua dw na apex synthetic performance hanggang 20k km dw bago mg change oil. yan gamit ko ngayon sa lancer ko, first time ko gamitin. sinubukan lng. kakatakot na paabutin pa sa 20k km. sa mga nakagamit na nyan at pinaabot sa 20k km ano experience nyo?
May kamahalan din pertua, di pa ko nakagamit Nyan hanggang canvas Lng tapos sa regular oil din ako mauuwi😁