Это видео недоступно.
Сожалеем об этом.

Tinindag Festival 2021 sa Batangas (Taysan, Bayan kong mahal!)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 25 ноя 2021
  • Hindi napigilan ng pandemya ang selebrasyon ng ika-103rd Founding Anniversary ng Bayan ng Taysan, Batangas noong ika-11 ng Nobyembre, 2021. Para sa kasiguraduhan ng kaligtasan ng mga Tayseño at makasunod sa mga protocols na itinalaga ng IATF ay pansamantalang virtual celebration muna ang pagdiriwang ng Tinindag Festival ngayong taon.
    Ang kanilang Tinindag Festival ay isang taunang selebrasyon para ipagdiwang ang kasaganahan ng sektor ng agrikultura at ang tinindag na isa sa pangunahing produkto at kabuhayan ng mga Tayseño. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay "Hamon ng pandemya'y labanan! Ika-103 taong anibersaryo ng Taysan Bayan kong Mahal: Gunitain, Ikarangal, Ipagdiwang" na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagsunod sa protocols at disiplina upang labanan ng COVID19, Tinindag bilang pangunahing kabuhayan at patuloy na pagseserbisyo at pagtulong ngayong panahon ng pandemya.
    Sentro pa rin ng pagdiriwang ang mga tindag at mga mga produktong ginagamitan ng tinindag. Kung nakagawiang noong mga nakaraang taon ang pagsasama sama at sabay sabay na pagkain ng lutong tinindag ay naging bara-barangay ngay'on ang pag sesetup ng mga tindagan para patuloy pa ring maenjoy ng mga tayseño ang Tinindag Festival ng may pag iingat at pagsunod sa IATF Health Protocols. Kasabay din nito ay ang pagpaaabot ng tulong pinansyal at ilang kagamitang magagamit nila sa kanilang kabuhayan ng Lokal na pamahalaan ng Bayan ng Taysan.

Комментарии • 1

  • @jhayrmercado5625
    @jhayrmercado5625 2 года назад

    Tuwing kelan yan ginaganap Tindagan Festival