Pwede bang ireklamo ang mga barangay officials na ayaw mag-issue ng Certificate to File Action?
HTML-код
- Опубликовано: 6 фев 2025
- Maari maghain ng disciplinary action sa DILG laban sa barangay captain sa ilalim ng Section 60 ng RA 7160 o Local Government Code of 1991.
Sa ilalim ng Section 60, ang isang elective barangay official ay maaaring disiplinahin, suspendihin, o tanggalin sa puwesto. Ilan sa mga dahilan ay
dishonesty, pang-aapi, maling pag-uugali sa katungkulan, matinding kapabayaan, o hindi ginagawa ang tungkulin o dahil sa abuse of authority o pang-aabuso sa kapangyarihan.
Hello po atty. Ako po ang nagtanong jan, maraming salamat po atty. Napaka laking tulong niyo po sa amin. Sana marami pa po kayong matulungan. More power and good health po sa inyo atty. ❤❤❤
Salamat din for watching
Yes! ...salamat atty. ! ...sa advised...
Ka gaya Po Ng ayaw mag sign Ng brgy,captain pwd Po bang ireklamo din Ang brgy,captain
Maari mong ireklamo ang iyong barangay captain sa Sangguniang Bayan/Panglunsod
Heló po attorney.hihingi po sana ako ng payo.anu po bang kaso ang dapat isampa s secretay nmin dto s brgy.isa po syang masitsit nangingielam ng buhay ng tao
Magandang hapon atty, from davao city
Thank you for watching
Hello po atty,ako po ay magtatanong,ang barangay captain po namin ay nasuspende,dahil sa hindi pag ganap ng mediation sa nagrereklamo sa lumipas ng 15 araw,nadala po ang reklamo sa sangguniang bayan,at sya ay na suspende,,dahilan sa sec 410 ng katarungang pangbarangay low,kapabayaan sa tungkulin,,,tama po ba ang 15 araw na suspension at walang sueldo sa loob kanyang suspinsion?ano po ba ang tamang hatol sa mga ganitong kaso?marami pong salamat at mabuhay po kayo,,,
Helo po atorney.mgandang umaga po.may nais lng po sana ako itanong.anu po bang kaso ang pwedeng usamos s secretaria namin s brgy.masitsit po at nangingielam ng buhay ng ibang tao
Pwede pla un,, ayw ko KC pmyag makipagkasundo s taong nireklamo ko... Dati ko n KC nireklamo un pro ayw Ako bgyan Ng lupon Ng CFA dhl gus2 nla mgkasundo kmi... Ngaun nire2klamo ko n nmn Ang taong un dhl tntwag p rn akong BALIW at ayw 2migil manggulo skn,, eh PWD Ako,, tntwag nya BALIW dhl s sakit ko n epilepsy
Good pm atty,ano Po Ang pede ikaso sa Isang tao na sumisigaw o binubulyawan Ang Isang Punong Barangay ,Ang kawalan nya Ng respeto sa Punong Barangay???
Maaring ito ay pasok sa insult to public authorities sa ilalim ng Article 14 (2) ng Revised Penal Code
Atty saan Po pwedeng ireklamo Ang MGA Barangay Officials at captain? Malaki Po problema Ng MGA Taga Baranggay UKOL sa supply Ng tubig. Meron pong water system pero Hindi rehitstrado sa kahit Anong sangay Ng gobyerno. Kahit BWAS Hindi rehistrado. Nawawala daw Ang Singil or pondo Ng tubig sa mahigit 10 taon. At Hanggang Ngayon walang nakakaalam kung saan napupunta Ang Singil para maayos Ang problema sa tubig. Pero MGA Barangay treasurer's lng tumatanggap Ng singil. Hindi nila tinatanngap Ang MGA reklamo.
Maarikang maghain ng pormal na reklamo sa Sangguniang Bayan o Sangguniang Panlungsod. Sila ay may hurisdiksyon sa gawain o pag-uugali ng mga opisyal ng barangay sa loob ng kanilang lokalidad.
@@batasmobataskowithatty.ronnie pwede din Po b sa DILG?
@@batasmobataskowithatty.ronnie atty magandang araw po, ano pong reklamo ang ihahain sa brgy. captain na hindi on record ang ginawang pag aayos sa amin at wala kaming pinirmahang kasunduan ng kabilang panig... ako po yung complainant
Atty.red nice to see you Andrew novilla ito former staff mo s POEA
Wow, Andrew, kumusta na? Hope all is well with you. Keep in touch.
Gud eve attorney peede nyo po ba aq tulongan binugbog po aw sa loob ng brgy ...na nkaharap ang 3 tanod ng direct filling po kmi ngaun po dismiised ang ikinaso q sa nambogbog sakin ibinaba sa physical injury kulang po ang aking mga requirements CFa po ang kulang sakin ayaw po aq issuehan ng brgy nmin..sa kadahilanang kaalyado nila ang mga nambigbog..after po ngyari ung gulo ang mga akusado lng ang ipinatawag hnd oo aq ipinatawag
Maari mong ireklamo ang mga barangay officials sa inyong sanggunian bayan
Atty.pwedi po bang kasuhan ang Isang kapitan incase na nagpaserve ng patawag na walang perma ang complainant,samantalang my perma naman sa hawak ng kapitan?
magandang araw po Atty. Pwede bang ireklamo ang barangay officials na ayaw mag sign nang sb resolution if di mabigyan nang amount na hinihingi ni kapitan sana po mabigyan mo po ako nang advice sa problema ba to Atty. maraming salamat po
Salamat attorney
Gudeve Sir,May karapatan ba ang kapitan ipahinto nya ang isang establishment sa barangay? At ayaw ibigay ang barangay clearance.
Anong klaseng establishment? Kung walang dahilan para ayaw niyang magbigay ng clearance, maari siyang ireklamo ng abuse of authority.
maraming salamat atty. ask q lang po pwed ba sabihin ng lupon n dalawang harap lang ang mgganap at hintayin nlang ang CFA . may bisa ba yung CFA kung dlwang hearing lang ang naganap? kc db tatlo dpat?
Itinakda ng Local Government Code na ang hindi pagharap pagkatapos ng tatlong summons, nang walang anumang balidong dahilan, ay sapat na batayan para sa pagpapalabas ng isang certificate to file action, na nagpapahiwatig ng hindi pakikipagtulungan ng respondent. Kung madaliang inissue ito, maaaring hamunin ang sertipikasyon kung may mga alegasyon ng hindi nararapat sa proseso ng pakikipagkasundo sa barangay.
paano po kung di pinansin ng DILG ang reklamo, pwd po bang ireklamo ang DILG sa ombudsman. ?
Ihain ang yong reklamo laban sa barangay captain through the Sangguniang Bayan o Sangguniang Panlunsod. Kailangan na Verified Complain ang iyong ihahain.
May kauukulang laki po ba ng halaga ng pagkakautang at may interest po na 15-20 percent yung complainant salamat po sa tugon.
Walang kaukulang halaga ng utang para pwedeng magreklamo
Good afternoon atty..pwd po ba mag issues nang CFA kahit kulang ang hearing sa lupon o pinapermahan lang nila sa lupon na Hindi namn nag attend sa hearing...saan po mag Reklamo kong bigyan nila.
Kapag isasampa ang kaso, kung mapapatunayan mong hindi ka wastong naabisuhan, maaaring mong labanan ito sa korte sa kadahilanang hindi nasunod ang angkop na proseso o walang due process
Atty member ng lupot yung nag reklamo sa akin .nagulat kami my cfa nai file na sa prosecutor level
@@jamesharleypangyarihan6838 Kung mag-file ka ng counter affidavit, isama mo na rin ang iyong conern tungkol sa hearing sa barangay.
Good afternoon po Atty. yung kapatid ko po kasi nasuntok sa isang barangay, di po ma identify yung nanuntok pero po yung nag bigay ng death threat kilala po nila. Pero pareho po silang hindi taga duon na barangay, saan po ba kami magrereklamo?
Attorney, yung barangay kapitan na located sa farm namin, sya po ang nag facilitate ng sanglaan sa lupa. sinangla po ng tenant namin yung isang hektarya lupang sinasaka nya. ng hindi namin alam.duon po sa barangay hall nag pirmahan ng agreement ang tenant at ng kumuha ng sangla. sana po mabigyan nyo po kami ng advise. maraming salamat po.
Nakasaad sa bagtas na ang lupang ipinagkatiwala para sakahin
ay hindi dapat ipasaka rin sa ibang tao ng tenant maliban may nakasulat na pahintulot ng nagpapaupa.
Kung wala kang ibinigay na karapatan sa tenant para isanla ang kanyang lupang sinasaka, maari mo siyang ireklamo ito sa inyong barangay.
@@batasmobataskowithatty.ronnie maraming salamat po attorney
Good evening po atty. Ask ko lang kung expires na ang CFA pwede ba humlngi ulit sa katarungan pang brgy. ng panibagong CFA? Salamat po @ god bless.
Walang expiration ang CFA pero meron panahon para maaring isampa ang kaso. Kapag lumipas na ang panahon para isampa ito, kahit meron kang CFA, hindi na maaring i-file ang kaso. Katulad ng slight physcial injuries, dapat maisampa ang kaso sa loob ng 2 buwan. Kahit meron ka pang CFA kung mahigit nang 2 buwang ang nakalipas mula nang nangyari ang krimen, hindi na maaring isampa ang kaso.
Bale po nagharap na kami ng irinereklamo ng 3 meetings at di po kami nagkasundo pero po sa 3 meetings ulit na dapat ay lupon na daw po,yung kapitan padin yung humarap at sa 6 na pag haharap po sinabihan pa kami na kailangan pa daw ng consent ng inirreklamo bago kami bigyan ng CFA
Sa ilalim ng Presidential Decree No.1508 (ang Batas Katarungang Pambarangay) ang pag-issue ng certificate to file action ay hindi nangangailangan ng consent ng respondent.
Magandang araw.
From the time po na nag harap na sa barangay at hindi na talaga magkakasundo kailangan pa po ba na umbot pa tatlong pagkikita or dapat derocho na sa lupon?
Kadalasan meron tatlong paghaharap ang mga partido bagomag-issue ng certificate to file action kung hindi na magkasundo ang mga naturang partido.
@@batasmobataskowithatty.ronnie paano po kpag dalawa lang ang gnawa ng lupon . may bisa pa ba ang CFA na ibibigay nila. kailangan ba talaga e tatlong harap
@@wallbreaker4617 Ang certificate to file action ay karaniwang ibinibigay pagkatapos ng tatlong summon o hearing sa barangay. Gayunpaman, kung hindi makadalo ang respondente sa initial na pagdinig nang walang wastong katwiran o sinabing hindi siya makipag-ayos, maaaring ibigay ng kapitan ng barangay ang certificate ng mas maaga. Gayunpaman, ang bisa ng certificate ay maaaring questionin sa panahon ng paglilitis sa korte. Sa huli, susuriin ng korte ang mga pangyayari at magpapasya kung itutuloy ang kaso batay sa magagamit na impormasyon
@@wallbreaker4617 Ang certificate to file action ay karaniwang ibinibigay pagkatapos ng tatlong summon o hearing sa barangay. Gayunpaman, kung hindi makadalo ang respondente sa initial na pagdinig nang walang wastong katwiran o sinabing hindi siya makipag-ayos, maaaring ibigay ng kapitan ng barangay ang certificate ng mas maaga. Gayunpaman, ang bisa ng certificate ay maaaring questionin sa panahon ng paglilitis sa korte. Sa huli, susuriin ng korte ang mga pangyayari at magpapasya kung itutuloy ang kaso batay sa magagamit na impormasyon
Pano po sir ayaw nila mag bigay ng endorse ngunit kamag anak nila ang nakatayo sa lupa namin
Kung nakatatlo o mas higit pang hearing na ang nangyari at walang settlement, maari mong i-request na mag-issue siila ng certificate to file action. Kung ayaw pa rin, maari kung magreklamo sa inyong sanggunian.
Paano po kung malakas si chairman sa dilg at sangunian panglungsod at marami sa reklamo ay inuupuan lang at ito ay alam sa buong barangay. Saan po tatakbo ang taong gusto syang ireklamo na ng fi na dadaan sa dilg at sangunian
Maaring ireklamo sa ombudsman
Atty napupulitika lang pag nasa sanggunian panglungsod walang mangyari sa kaso
Atty.sinaktan po ako ng pamangkin kong lalaki ngayon po nagreklamo po ako kay kapitan nagalit po hnd dw pwd ireklamo ang wala na umalis kasi yong pamangkin ko pagkatapos makapanakit sakin ngayon pumunta po ako ng police nanghingi po ako nh request pra sana maaksyonan agad ni kapitan sabi hnd dw sya mag iisue ng file action kasi ddw nagpunta dw ako ng police pwd po kaya ireklamo yung gantong klaseng kapitan?
Atty, San po pwede ireklamo Yung abusadong Kapitana at ang kanyang manugang na atty? May pinapaupahan po kasi kaming Bahay at ang umuupa ay ang Atty po, Bali po ang totoong kausap po namin is si atty po talaga , At ngayon po Hindi samin humaharap Yung totoong kausap po namin sa nangungupahan, at ang Hinaharap po sa amin is ang kanyang biyenan na Kapitana..
So Bali po tapos na Yung Kontrata na nakasaad at ilang araw na po namin pinapaalala na Matatapos na po Yung kontrata Nila ngayon End Of Month ng July, Bali po nakausap na namin at ang sabi po sa amin is Hindi daw po sila Aalis, at May batas daw po na bigyan ng 3months Yung umuupa bago umalis Kahit may Kontrata naman po nakasaad at wala naman po sa kontrata na nakalagay na ganun sa pinagusapan. Totoo po ba yun atty na Ang nagpapaupa dapat bigyan ng 3months palugid bago paalisin kahit may kontrata at Matatapos na po kasi Yung kontrata this end of month?
Salamat po atty, Sana po Mapansin po ninyo, Godbless po😇
Bigyan mo sila ng 15-day notice para aalis sa kanilang inuupahan. Kung ayaw, magsampa ng reklamong unlawful detainer sa inyong barangay.
@@batasmobataskowithatty.ronnie pano po atty, if Yung nangungupahan sa amin is Kapitan mismo sa barangay namin? Ayaw po talaga Nila umalis hanggang ngayon, ayaw po Nila sundin Yung nasa kontrata po namin parang sila Yung nasusunod ginagamit po nya Yung pagka Barangay Captain.
Atty ano po pwedeng gawin kapag lagpas na ng 45 days ayaw padin po mag bigay ng brgy hall ng CTFA ayaw na po talagang humarap ng ni rereklamo. Pero ang sabi ng lupon kaylangan padaw po ng 10days sabi daw po ng DILG tapos pagkatapos daw po paguusapin daw po sila sa harap ng kapitan kapag hindi padin daw po nag kasundo. Saka palang daw po sila mag bibigay e. Ilang beses na po kame pabalik balik sa brgy. Less serious physical injury po yung kaso meron po kame medical ate cctv video. Ano po pwedeng gawin kapag ayaw po mag bigay ng CTFA salamat po
Kung hindi sisipot ng walang dahilan ang iyong inirereklamo sa susunod ninyong hearing, hilingin mong mag-issue ang barangay ng CTFA. Kung ayaw, maari mo silang ireklamo sa inyong Sangguniang Bayan o Panlungsod.
Ako po nagreklamo sa barangay captain namin sa pagbabanta at pananakot Sakin hinde po ako binigyan ng file Action s a huling paghaharap para sa reklamo kopo sa captain nagulat nalang po ako ako napo pinadalhan ng sulpina nabaligtad napo nila ako ang dapat ikaso ko sa kanila ay Sakin nila kinaso at ang mga tanod nya kasama ko scareklamo ay sya panyang ginagawang testigo laban sakin.paano po gagawin ko matulungan nyo po ako
Meron ka bang mga katibayan, ebidensya agt witnesses na nagsampa ka ng reklamo laban sa iyong barangay captain?
First time lang po mang hingi ng cfa, need po b tlg ng hearing bago po mag issue ng cfa? Ska my kamag anakan po pla s barangay ung irereklamo namin kya po nblitaan nmin n ngbabalak lumipat ung mga magulang ng irereklamo nmin ng Bahay, ano po dpt gawin. Salamat po
Kailangan muna ng hearing dahil tungkolin ng barangay na subokan na maayos ang problema ng mga partido. Dahil kung may kasunduan ng mga partido, hindi na kailangan na pumunta pa sa korte.
Atty paano naman po ung brgy secretary ng aming barangay ayaw mag bigay ng brgy clearance dahil lang po sa aming personal problem . Ano po dapat bang gawin sa secretary na yan
Ano ang kanyang dahilan? Kinausap mo na ba ang inyong barangay chairman tungkol sa clearance?
Atty. Pwede ba ireport ang isang kagawad na nagpunta sa ibang city or barangay para mag complaint. Naka suot ng uniform habang nasa pagkikita sa barangay.
Pwede pumunta sa ibang lugar na suot ang uniform. Hindi labag sa batas ito. Walang akong alam na batas na nagsasabing sa loob ng barangay lamang pwedeng isuot ang uniform ng barangay.
Magandang Umaga po sainyo atty. Meron po ulit aqng ktanongan sainyo Sana po ay masagot po nnyo ulit. Atty kpagka annulled po ung husband sa una at risgestered na sa PSA ung annulment at na ksal narin sa pngalawa at risgestered din sa PSA. ung anak poba sa pngalawang kasal ay liggitimate din poba? Psagot po please pra maliwanagan ang aking isip maraming salamat po and God bless.
Kung ikinasal sila after maissue ang annulment decree, ang kanilang anak ay legitimate kung ang mga ikinasal ay meron legal capacity na magpakasal.
@@batasmobataskowithatty.ronnie salamat po sa pagsagot ng message atty npakabait nyopo tlga❤️ god bless po Atty.
Salamat din for watching@@ChrismaeBordsbucag
Atty.kailangan po ba talaga ng consent ng irineklamo bago maibigay ang CFA?..Thanks po
Sa ilalim ng Presidential Decree No.1508 (ang Batas Katarungang Pambarangay) ang pag-issue ng certificate to file action ay hindi nangangailangan ng consent ng respondent.
@@batasmobataskowithatty.ronnie thank you po atty.
Good eve po po atty,from Rizal
Ask ko po sana kung may karapatan ang asawa sa property kung nakuha ito nung binata pa bago ikasal? Salamat po sa sagot
Kung ikinasal kayo noon Aug 03 1988 o after nito, ang iyong property ay magiging pagmamay-ari ninyong dalawa. At kahit na ito ay exclusive mong property, kung may mangyayari sa iyo (huwag naman sana) siya ay magkakaroon ng karapatan sa iyong estate.
@@batasmobataskowithatty.ronnie .ok po salamat po ang expect ko po kasi ay di nya pwedeng kunin dahil may anak ako sa pag ka binata po atty sa kanya nalang po sana kaso di parin po pala
@@batasmobataskowithatty.ronnie .a.ah pwede parin po pala salamat po sa tingin nyo po ilang percent po mananalo ako?
Kung conjugal ninyo ang property, ito ay hahatiin ng dalawa ng pantay. Ang kalahati ay mapupnta sa iyong estate at ang kalahati ay share sa conjugal ng iyong nabubuhay na asawa Ang iyong estate ay hahatiin naman ito ng iyong nabubuhay na asawa at ang iyong anak. @@5nclofttv
Good afternoon po atty.? Saan po ako pwede magreklamo sa brgy. secretary ng barangay namin na ayaw magbayad ng utang nya sa akin? 5k po inutang nya, maliit lang ngunit sa sitwasyon ko ay pera na po ito sa akin. Pwede ko ba sya sa barangay coucil ng barangay namin maghain ng reklamo o pwede ideretso ko sa dilg ang reklamo ko?
Pwede mong i-sumite ang iyong complaint sa Lupon Chairman
Attorney, sana po ay mapansin at masagot. Ako po ay may 2 anak sa dati kong ka live in partner at sa kanya nakaapelyedo ang mga anak ko.
Ngayon po ay ikinasal na ako ngunit hindi sa ama ng mga anak ko. Gusto po ng aking napangasa na ilipat ang apelyedo ng mga bata at sya na ang father sa birth certificate. Pumayag naman po ang biological father.
Malaki po ba ang magagastos namin? Magiging mahirap ba ang proseso ? At kung lalapit ba kami sa PAO ay makakatulong po ba ito na mabawasan at hindi na maging malaki ang aming magagastos? Salamat po.
Pwedeng i-adopt ang iyong napangasawa ang mga dalawa mong anak sa pagkadalaga. Ang PAO ay nagbibigay ng libreng legal na serbisyo sa mgaqualified individuals.
Attorney totoo po bang Hindi daw po nagbibigay ng cfa ang barangay dahil nasa ibang Bansa ako pero meron po akong representative sa pilipinas ba may hawak na special power of attorney ang sabi po ng barangay kailangan ko daw po umuwi?
Ano ba ang isinam[pa mong reklamo?
Attorney ask lang po pano po gagawin namen galing po kami sa barangay saamen kumukuha po kami ng barangay certificate for maynilad apply kaso po ayaw kami issuehan hinahanapan po kami ng titulo ng admin ng barangay pero wala pa po talaga kaming titulo sa aming lugar nais lang po sana namen mag apply ng tubig dahil po ay nakikiigib lang kami pero po 2002 pa po kami sa aming lugar
Meron ba kayong tax declaration? Kayo ba ang may-ari ng lupa?
Attorney kailan pwedeng mag refuse ang barangay officials na mag issue ng cert. to file action?
Kung hindi magkasundo ang nagrereklamo at inirereklamo pagkatapos ng tatlong hearing dapat na mag-issue ang barangay chairman ng certificate to file action.
Ubos na yung 50k na sinisingil mo pagkatapos mong pagdaanan ng mga remedies na sinabi ni atty. LOL.
Sana may mas praktikal na solusyon at malapit-lapit sa katotohonan..
Salamat sa iyong komento