It’s Showtime September 30, 2024 | Full Episode

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 сен 2024
  • Madlang People, 86 days na lang, Pasko na! Ramdam n’yo na ba ang lamig ng simoy ng hangin? Uy, naghahanap ng kayakap sa gabi! Parang gusto ng katabi. If yes, certified marupok ka, bes!
    Ang ating bisita na si Bryan Chong, may anthem na bagay sa’yo! Pero hindi lang naman sa pag-ibig pwedeng maging marupok. Si Bryan, marupok ‘pag add-to-cart na ang usapan!
    Ikaw, saan o kanino ka marupok?
    Kids na deserve ang spotlight, pagdating sa aktingan, always ready to fight! Sina Imogen at Kelsey, nag-ala Judy Ann Santos at Sarah G mula sa pelikulang “Hating Kapatid.” All-out din ang talent na ipinakita nina Argus, Kulot at Jaze! Watch the video at siguradong ika’y ma-a-amaze!
    Amazing din ang performance ng ‘Showtime’ family sa hulaan. Ang mga pares for today, laban na laban! Si Petite ang ka-tandem ni Ryan Bang. Darren Espanto at Cianne Dominguez, pati Jhong Hilario at Ion Perez, hindi paaawat sa pag-guess. Mukhang kinilig naman si Tetay nang maka-tandem si Wize Estabillo ng ‘Showtime Online U.’ Nakilaro rin as teammates sina Gladys Reyes at David Licauco!
    Nasungkit nina Darren at Cianne ang unang puntos. Pero sina Gladys at David ang tumapos! Si David, lalong kumu-cute ‘pag nagjo-joke. Daanin na lang sa biro ang lahat ‘pag sa jackpot round ay medyo inalat!
    Riot sa komedya ang “Kalokalike Face 4” dahil sa pagsulpot ng mga espesyal na bisita. From her trips abroad, sa “It’s Showtime” muna ang next destination ni ‘Mega Daughter’ KC Concepcion. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon-si Kim Chiu pala ang makakaharap n’ya ngayon! Ito ba ang pagtatagpo ng past at ‘present’? Idaan na lang natin sa aktingan ang tensyon, featuring Ogie Alcasid as Paulo Avelino-pero matandang version.
    Magandang buhay! Si ‘Asia’s Songbird’ Regine Velasquez, bumisita sa kan’yang pangalawang bahay-ang “It’s Showtime” studio. Pero, si Ogie, her darling, naguluhan sa kan’yang pagdating.
    ‘Showtimer’ ka ba? Kasi si contestant number 3, nandito na! Boom! Walang konek ang mga banat, pero sa karisma niya ay walang makakatapat-‘yan si Boy Pick-Up! Paano kung si kalokalike ay nakaharap ang OG Boy Pick-Up tapos sumali pa si Regine na nagpapanggap? Ang saya ng mga ganap!
    Pati si hurado Rufa Mae Quinto, sumakit ang tiyan sa kakatawa. Nand’yan din sina Chie Filomeno at Teddy Corpuz para humusga!
    Sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” husay ay ibinandera nang buong lakas ni Christ Jesus Montessori School, Inc. student Angel Garas. Mga hurado ay pinabilib sa concert-like performance ng "Royals" na bumayag daw sa boses n'ya, sabi ni hurado Marco Sison.
    Sisikapin na maging numero uno sa entablado. St. Clare College of Caloocan student Diana Opinio, ginalingan mula umpisa hanggang dulo. Ano kaya ang komento ni hurado Karylle sa “Bust Your Windows” ni Diana?
    Matapos ang salpukan ng mga boses na palaban, si Angel ang hinirang na Top 1 sa tanghalan.
    #ShowtimeTNT5thMidterms
    #ItsShowtime
    #ItsShowtimeFullEp

Комментарии • 28