Kalmadong Magpatuloy
HTML-код
- Опубликовано: 11 дек 2024
- Kalmadong Magpatuloy
Composition by Sister Ricalyn Miranda
Arrangement by Brother Reniel Mariano
Acoustic Guitar by Sister Guia Ysobelle Landicho
Vocals by Sister Ricalyn Miranda
feat. Sister Hyra Pearl Porbasas
Minus one starts at 5:07
Chords
Capo on 1st fret (standard tuning)
Intro
| C - F9 | 2x
Verse
| C - F9 | 8x
Pre Chorus
| C - F9 | G - F9 | 2x
| F9 |
Chorus
| C | Am | F | Am |
| Dm | Am | G
| C | Am | F | Am | G |
Bridge
| C | Am | F | Am |
| Dm | Am | G
| C | Am | F | Am | G |
Lyrics
1
Sa bawat paghakbang
Dama mo ang hirap
Tila ba may nakadagan
Na mabigat sa iyong paa.
2
Alamin, hanapin
Kung saan nagmula
Ang bigat na nadarama
Na parang tanikala.
Pre-Chorus 1
At kung iyong masumpungan
Alalahanin mo sana…
Chorus
Ikaw ma’y madapa
Masugatan man ang mga tuhod
Dahil sa kagustuhang makawala
Ang Diyos ang magpapalaya.
Wala nang mas lalakas pa,
Sa Diyos na lumikha
Kaya Niyang ibangon ka
Magtiyaga ka’t kalmadong magpatuloy
3
O ‘di ba, kay gaan
Sa pakiramdam?
Na alalahanin, ang Diyos
Ang lagi mong kasama.
4
Kaya Niyang ibigay,
Solusyon sa problema
Lagi Siyang nakaabang
Sa pagtawag mo sa Kaniya.
Pre-Chorus 2
At pag ikaw’y lumapit na sa Kaniya
Pagtiwalaan mo sana…
Spoken
Mapuno ka ng pag-asa dahil ikaw ay natubos
Kaya dapat pasulong, hindi paurong.
Huwag matakot, walang dapat ikatakot,
Palalakasin, patatatagin, tutulungan, aalalayan,
At ibabangon ka sa lahat ng kahirapan
Kaya iwan na ang lahat ng kasalanan
Lahat ng tukso ay pagtagumpayan
Gawin mo nang totohanan ang pagbabagong-buhay
Manatiling nasa kahalalan na namumuhay sa kabanalan.
Kalmadong magpatuloy (8x)
#INCOriginalMusic
#INCContemporaryMusic
#INCMusic
#INCSongs
#IglesiaNiCristo
#ChurchOfChrist
#ReligiousMusic