EMERGENCY LANDING - Pag-asa ng Paggaling, dala ni Yellow Bee (PART 2) | Stand for Truth

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 11 сен 2024
  • Sa kabundukan ng Palawan, may ilang bayani na patuloy na pinipiling maglingkod sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.
    Ang aircraft mechanic at paramedic na si Daniel, tinalikuran ang marangyang buhay sa Amerika para tumulong sa katutubong Palaw’an.
    Ang dentist na si Iris, dalawang taon nang full-time volunteer para sa residenteng hindi naaalagaan ang kanilang ngipin.
    Si Teacher Baby Ann, grade 8 lang ang natapos pero tumatayo bilang guro na abala sa kapakanan ng mga bata sa Marma Jungle School.
    Alamin ang kanilang mga kuwento sa Part 2 ng dokumentaryo ni @Lilian Tiburcio sa @Stand For Truth.
    Para sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring ipadala ang inyong donasyon sa mga sumusunod:
    Daniel Julian Lui
    BDO Account number :005040354305
    Swift code: BNORPHMM
    Website: palawanhelicopterpartnership.com
    Facebook: @Pamas Mission (Philippine Adventist Medical Aviation Services)
    Mag-ingat sa gumagamit ng pangalan ng organisasyon o ng reporters ng @Stand For Truth upang makalikom ng donasyon.
    Maraming salamat, mga Kapuso!
    ‘Stand for Truth’ is a daily digital newscast that focuses on data-driven reports for the millennial audience. Watch it weeknights on GMA Public Affairs' RUclips channel.
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 144

  • @randyhimaya6914
    @randyhimaya6914 Год назад +64

    Napapaluha ako sa pangyayari na Ito. Isa kami na natulongan mula sa malayo ang hirap pag walang matatawagan na madaling maka rescue rulad nito kapag emergency anjan sila para tumulong. Voluntarily silang nagseserve sa mga tao. I hope ligtas sila sa kamay ng Panginoon. We will pray for you sir Daniel Lui with your companion.

  • @safetyfirstdaw7395
    @safetyfirstdaw7395 Год назад +11

    I'm a son of a missionary and proud to the team God bless Adventist missionaries

  • @momhoneytoo4517
    @momhoneytoo4517 Год назад +13

    Thank you for featuring Pilot Daniel Lui indeed he is a God sent blessing to the least reached people who needs immediate medical assistance. PRAYING for the his rescue along with the passengers of the helicopter...

  • @jetroestrera8422
    @jetroestrera8422 Год назад +10

    As an Adventist, I am Heartbroken to what just happened. Naluluha ako habang nanunood nito.

  • @KuyaAlastrending2023
    @KuyaAlastrending2023 Год назад +4

    Natatandaan ko ang kwento ni bro. Daniel...na mauroon silang sinundo na bata na nabutas ang ulo at tinanggihan na dito sa palawan hospital...kaya dinala nila sa manila ang bata ...sa wakas ang bata ay nabuhay......living testimony ni bro. Daniel

  • @diandiandian4791
    @diandiandian4791 Год назад +15

    Nakakaiyak to. I was inspired and amazed by their deed and actions. Ito yung totoong silent hero and angel. Volunteer to assist people in need without asking any in return. I hope na ligtas kayo. Please. Naiiyak ako. Kasi bakit sila pa. Napakabuti nila.😭😭😭

  • @ethanemmanuelclinton4852
    @ethanemmanuelclinton4852 Год назад +11

    Sa lahat ng volunteer workers MABUHAY po kayong lahat at MARAMING SALAMAT sa inyong paglilingkod, pagsasakripisyo at kawang-gawa sa mga katutubo ng palawan: HINDI MATATAWARAN ang inyong ginagawa. 👏👏👏💖
    ----
    Obligasyon ng ating pamahalaan ang ganitong mga gawain. Sa halip na mangurakot sa kaban ng bayan dapat ilaan nalang nila ang ibang pondo sa pagtulong sa mga mamamayang pilipino (lalo na ang mga katutubo) sa mga liblib na lugar na walang mga ospital, etc. na higit na kailangan nila kapag mayroon silang mga iniindang iba-ibang sakit at mahatiran din ng tulong. 💖🙏
    ----
    Nakakalungkot at nakakapanlumo ang sunod-sunod na hindi inaasahang pagbagsak ng mga sasakyang panghimpapawid.😞😢
    Ikaw na po ang bahala sa'min ☝️🙇🙏🙌👼

  • @charliejoycastillo4819
    @charliejoycastillo4819 Год назад +3

    Praying na okay po kayong lahat 🙏🙏🙏

  • @jdubliner08
    @jdubliner08 Год назад +9

    Praying for the search and rescue of this medical team, may God save their lives to continue serving others🙏🙏🙏

  • @manangmjtv1115
    @manangmjtv1115 Год назад +9

    Praying na sana ligtas po kayo sir Daniel kasama mga kasamahan mo. Sana may himala at mahanap kayo at safe 🙏

  • @destinylifedignity3277
    @destinylifedignity3277 Год назад +1

    Dapat Silang kilalaning mga makabagong bayani Ng pilipinas

  • @haidycucasan4221
    @haidycucasan4221 Год назад +5

    Ito dapat bigyan pansin Ng governor Napaka halaga Ang kanilang ginawa malaking tulong sa mga tayong malayo Ang Lugar sa syudad .. sna nmn mapansin ito Ng governo saludo ako sa inyo sna oky sila at ligtas sila dahil paano na Ang mga taong nangangalingan sa kanila

  • @milcahreyes1541
    @milcahreyes1541 Год назад

    Thank you GMA for airing this selfless people. God Bless.

  • @Nicholle45
    @Nicholle45 Год назад +6

    Lord h'wag mong payagan na may masawi sa mga anak mo na nag lilingkod sau.. parang awa muna Lord🙏🙏 sinasamba ka namin at Ikaw Ang Maka pangyarihan sa lahat.. Iligtas mo Sila Lord parang awa muna😭😭😭

  • @TheBONDFamilyy
    @TheBONDFamilyy 6 месяцев назад

    After a year, Daniel's ministry and dedication has still the same impact in our lives even if we haven't met... and also we are here now in Palawan where he used to serve, dedicated his ministry and love of service to others. Truly one of our inspirations! Thank you Pilot Dan! You'll always be remembered! ❤

  • @clickbaitspotter4671
    @clickbaitspotter4671 Год назад +2

    No fear....For the service of God, and others. God bless these heroes.

  • @michaelpapina3999
    @michaelpapina3999 Год назад +4

    Philippine Government
    Sana mabigyan Ng Attention tong Mga Volunteers natin 🥲 Sana mabigyan Sila Ng maayos na Chopper 🥹 Sana Yung NASA Video na Chopper iHope so na may naka Survive

  • @hubogngkaisipan
    @hubogngkaisipan Год назад +12

    Sana nasa mabuting kalagayan kayo mga Sir napapa ulat kc na missing ang helicopter kanina...
    Lord Jesus sana ligtas po ang mga sakay nito.🙏

  • @daisycinco7813
    @daisycinco7813 Год назад

    Praise God for your good heart!

  • @fernandotamayo7040
    @fernandotamayo7040 Год назад +3

    Sana po Nasa maayus silang kalagayan napakabait ni capt. At ng kayang mga, kasamahan.

  • @LilinAjuma
    @LilinAjuma Год назад

    Tearful as always. All we left are wonderful memories

  • @esthertan0721
    @esthertan0721 Год назад +5

    Nakakaiyak naman na nawawala sila ngayon sana naman lord ligtas silang lahat please lord🙏🙏🙏

  • @joriecelmagtibay974
    @joriecelmagtibay974 Год назад +3

    We lift everything to you Lord,.if this is your will. Let it be🙏

  • @auroraradam3086
    @auroraradam3086 Год назад +5

    I salute you Sir for being a kind hearted person,,,,hope you will help more people in far flung areas,,,Godbless and prray for you to be in good health always that you will help more,,,,

  • @randysoledad2939
    @randysoledad2939 Год назад +4

    I leave in narra Palawan......thanks to those volunteer...god bless

  • @precycalera760
    @precycalera760 Год назад +2

    Sana Naman po nakaligtas kaung lahat brother and sisters🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @BaliAcosta
    @BaliAcosta Год назад +2

    May God bless all the missionary volunteers! Especially in this difficult times that they are facing right now, we are praying for a miracle that there will be survivors sa na missing na YELLOW BEE HELICOPTER. Thy will be done, not ours.

  • @travelandhappiness884
    @travelandhappiness884 Год назад +17

    Nakaka lungkot ko pong ipabatid sa inyong lahat na ang Volunteer na Helicopter at ang apat nitong sakay kahapon at nawawala hanggang sa ngayun, .🙏🙏🙏

    • @lizavega105
      @lizavega105 Год назад +1

      Oo nga npanood ko din 😥

    • @reignheart2669
      @reignheart2669 Год назад +1

      Are they the same people being portray in the video. I’ve seen in the news too and I hope they are all alive and not harmed.

    • @evperdz48
      @evperdz48 Год назад

      😥

    • @daniloboligorjr6802
      @daniloboligorjr6802 Год назад +1

      @@reignheart2669 yes po yan ang ang pilot kasama ang ibang volunteers nawawala pa rin😭

  • @francinebanez8207
    @francinebanez8207 Год назад +6

    grabe yung lungkot ko sa balitang bumagsak ang helicopter na yan 😭🙏🙏🙏🙏kung sino pa yung tumutulong sila pang napahamak 😭😭😭

  • @emotera5844
    @emotera5844 Год назад +1

    grabe npaluha ako s gnawa ni sir daniel slamat po panginoon s mga taong my taos pusong tumulong s mga mahihirap

  • @g.vicvlog5535
    @g.vicvlog5535 Год назад +5

    Sana ligtas sila, kc walang mga sahod yung nagwork na pilot, doctors at nurse, napanood ko yung dokumentaryo nila kung paano sila tumulong sa mga may sakit na mahihirap.

    • @clydeasahar6503
      @clydeasahar6503 Год назад +3

      Kaya nga..sana nga ligtas tlga,ang dami n din nito ntulungan sa remote area..

  • @joeyarbs1639
    @joeyarbs1639 Год назад +1

    sana safe pa sila.salute sa inyo sir Daniel at sa team nyo sana safe kayo at mahanap na kayo..

  • @Onyxx444
    @Onyxx444 Год назад +3

    Sana makita po kyo and ok kyong lhat..god pls help them🙏

  • @daisydabu7865
    @daisydabu7865 Год назад +3

    God bless sir, ❤️❤️❤️

  • @eggylicious
    @eggylicious Год назад +7

    sana ligtas sila lahat at sana bigyan sila ng mas malaki at capable na chopper. 🙏🙏🙏

  • @bethbeal7144
    @bethbeal7144 Год назад +1

    Personal convictions galing sa Panginoon ang tawag na mag volunteer nakagaya nila Daniel & Janelle ay mga Pilot & medical volunteers para maipadama ang character ng ating nilikhang Dios. Hindi namimilit ng Panginoon para pag silbihan para sa mga mamayan nating Palawanos, buong Filipinos, ganun din ng SDA kampong organisayon ay mga volunteers din sa pinakatakot ng parte ng Africa, west Sudan, Zambia, Tanzania, ganun may mga volunteers natin sa kasalukuyang digmaan sa Ukrane at ang katatapos na lindol sa Turkey, may mga katulad nila Daniel and Janelle din sa kasalukuyan Kaya kusang loob ini-aalay nila ang panahon nila na i- alay na tumulong sila sa mga taong nangangailangan sa lupalok ng mundo hindi lang sa Palawan , Mindanao, Visayas at Luzon. Pwede tayong humingi sa Gobyerno ng tulong kung nais nilang tugunan at sa katotohanan, binigay nila ang Philippine navy fleet nila sa Palawan & the Philippine Marines sa pagsakay & dala ng ating mga Sonar Experts para itubog ang rod detector para mahanap ang nawalang Yellow helicopter. Tinukoy Ni “Jesus sinabi nya 'My kingdom is not from this world. If my kingdom were from this world, my servants would be fighting to keep me from being handed over to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from here'” (John 18:36). Kaya iyung nakakaintindi sa banal na kasulatan din sa Matthew 5:16 KJV “Let your light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father which is in heaven. Ilagay po natin sa kamay ng Panginoon, at pag may puso tayong magbigay ng tulong sa pormang kahit napakaliit na halaga ( Ang Panginoon ang maglalaganap Ang anumang halaga na naibigay natin sa tumpak na kamay, dapat nyong subaybayan ang testimony kasay sayan sa Youtuve reels tawag “ Flying by Faith”, , isang panayam isinalaysay ni Dyane Harris na pinagkalooban lamang sya ng iisang at napakalumang helicopter dahil ang kanyang hangarin ay matulungan ang kabunang Pilipinas na nasa lupalop at walang paraang maipadala ang mga mahihirap na may sakit, after 16 yrs may 4 na hammer stations & 5 planes as well volunteers Pilots and medical volunteers na may layuning tumulong sa mga mahihirap.
    Kaya kami nagbibigay ng tithe & Love offerings sa SDA dahil siguradong mahahantong sa tamang pagtulong ng mga kababayan nating Pilipino at ganun din hindi lang sa Pilipinas, ganun din sa mga lugar na may parehong pangangailangan. Iwasan po nating sisiin ang Gobyerno, gawin nating huwarang si Jesus, kung papano Nyang pinag ukulan ang tungkol sa mga nasa mataas na kaukulan, gayon din sa mga taong nais gawin ang mga kawang gawa.
    Ang mahalagang maihahandog natin ay magigiting mga panalangin natin kina Daniel, Janelle, pasyenteng & mga 2 pasaheros, ganun din ang kaligtasan ng mga volunteer missionaries sa buong mundo na tatahak sa nakakatakot na pakikipagsapalaran sa himpapawid, sa mga taong maaring saktan ang mga taong nagbigay kanilang buhay para pagsilbihan ang ating mga kababayan sa anong daan sa buhay.

  • @patresmarias1897
    @patresmarias1897 Год назад +3

    God bleez po wag nmn po Sana Sana OK Lang kayo

  • @bedjrocks5550
    @bedjrocks5550 Год назад +4

    Sana ligtas kayo lahat🙏 nabalita pa nman na nawawala kayo 🙏

  • @mariasarahcuartontolentino5758
    @mariasarahcuartontolentino5758 Год назад +3

    Sana po Lord ligtas silang lahat in the news now that they are missing

  • @CosmeTrevVlogs
    @CosmeTrevVlogs Год назад +2

    Kawawa Naman ni sir Daniel sana Buhay sila marami pang tao ang matulongan nila Hindi sa Palawan...sana awa ni amo Buhay lahat sila pati na yong pasyente

  • @amorbarella6020
    @amorbarella6020 Год назад +1

    GOD bless always po WATCHING from Kuwait

  • @755fudNdrinks
    @755fudNdrinks Год назад +1

    Napaka buti nyo Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sana ok lang kayo

  • @jumarbayo3485
    @jumarbayo3485 Год назад +1

    Sobrang nakakaiyak talaga lord sana ligtas sila at sila sa mga silent hero sa pilipinas..

  • @CarbzFam
    @CarbzFam Год назад

    Ito dapat ang pag tuunan ng gobyerno...

  • @brainlaboratory6607
    @brainlaboratory6607 Год назад +1

    sana ok po sila..praying safe sila..

  • @cfbargoyo228
    @cfbargoyo228 Год назад

    Wow! Salute to you Sir Daniel Lui. God bless you more and your team. Looking forward to see you someday if God permits. All for the glory of God! That's true heart of a servant.👍🙌🏼😇🙏🏻♥️

  • @sirhcrose3950
    @sirhcrose3950 Год назад

    Salute sa mga unsung heroes!!!
    🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @zoophilist19
    @zoophilist19 Год назад

    😭😭😭 Lord, I hope your miracle will be seen. They could help more people in Lord God! Keep Them safe Lord.

  • @jetoytv2045
    @jetoytv2045 Год назад +1

    until now missing parin ito sa PALAWAN at malungkot nasa gitna ng karagatan nawala

  • @walwaltv1790
    @walwaltv1790 Год назад +1

    Nawawala sila sa karagatan ng PALAWAN ,,, let's Pray ng ligtas sila

  • @annnT216
    @annnT216 Год назад +6

    Nawawala pala kayo😥 sana safe parin kayo🙏

  • @bogartlingayo7391
    @bogartlingayo7391 Год назад +1

    sana ligtas kayong lahat lord i pray for their safety

  • @julietbarahan4925
    @julietbarahan4925 Год назад

    Sobra po akong naiiyak at na blebless to these beautiful and humble missionaries of God na nais lang tumulong ....naway makita na sila in Jesus name...let their families find comfort in arms of our God.God bless.

  • @lizavega105
    @lizavega105 Год назад

    My the God Bless You mga Volunter of Yellow Bee sanay andyn pa kayo ...

  • @linamindao4956
    @linamindao4956 Год назад

    Subrang nkkaiyak 🥹🥲 silent Heroes.

  • @geminiville7467
    @geminiville7467 Год назад +1

    we may not understand God's plans but i trust in Him, Whatever has happened to them,God knows & He cares.

  • @heartcrochet7050
    @heartcrochet7050 Год назад +1

    D ba ito yong naibalita na nawawala ? Hala ang ganda ng layunin nila bakit ganon 😢, sana po lord ligtas sila 😢ang lungkot naman

  • @nardongputik5326
    @nardongputik5326 Год назад +5

    this helicopter is reported missing as of march 1, 2023. I hope and pray that capt. lui and the team is safe

  • @nickatablatin6236
    @nickatablatin6236 Год назад +2

    Please pray for them po..
    Nawala po sila kanina while on air. 😢

  • @jerrybasalo7717
    @jerrybasalo7717 Год назад +1

    Kawawa nman sila sana buhay pa sila marami pa silang mga taong matutulungan 🙏kung saan man bumagsak ang aircraft na dala nila

  • @Pobrenginday03
    @Pobrenginday03 Год назад

    Waiting for part 3

    • @zenvirgil
      @zenvirgil Год назад

      There shall be no part 3 any more because the Yellow Bee disappeared like a week ago because of a possible crash into the sea. Debris has yet to be found.

    • @Pobrenginday03
      @Pobrenginday03 Год назад

      @@zenvirgil thats what i heard from the news

  • @rodelyndumlao580
    @rodelyndumlao580 Год назад +1

    Lord kng talagang makapang yarihan ko iligtas mo ang mga taong sakay nito na nakakatulong ng malaki sa mga taong nangangailangan iligtas mo sana clang lahat madami pa clang matutulungan kaya wag cla ang bawiin nyo ng buhay plss Jesus 🙏🙏🙏

  • @evacanos5035
    @evacanos5035 Год назад

    Sobrang lungkot ko sa mga nakikita ko na ang masayang Daniel na tumutolong sa mga kawawang mga tao sa bundok ay nawala na saan na kaya sila? Napakabuting tao ni Daniel mamimiss sya ng mga taga bundok sa Palawan

  • @charityembryo8387
    @charityembryo8387 Год назад

    Prayers! 🙏🙏🙏

  • @lodemerisback
    @lodemerisback 11 месяцев назад

    That pilot dapat bigyan ng malaking parangal at recognition ng national government. Bibihira lang ang gumawa ng ganyang serbisyo. Di dapat basta basta nalang kalimutan.

  • @francinebanez8207
    @francinebanez8207 Год назад +1

    LORD JESUS sana po buhay pa mga sakay ng helicopter na yan 🙏🙏🙏🙏

  • @roldanringel
    @roldanringel Год назад

    I salute you sir

  • @maybelgabotero990
    @maybelgabotero990 Год назад

    malaking kawalan sila..sana buhay pa sila..

  • @kenkenx110
    @kenkenx110 Год назад

    Prayers🙏

  • @g.mendoza8138
    @g.mendoza8138 Год назад +1

    Great job 🤗😊🤗

  • @rickramos2028
    @rickramos2028 Год назад +1

    Ito yata Yong balita Ngayon nawawala Sa palawan.sana ligtas kayo

  • @rhyedaluping
    @rhyedaluping Год назад

    Ito yung nawawala diba? So sad naman sa nangyari .. malaking kawalan ito

  • @whagahkho3320
    @whagahkho3320 Год назад +1

    Nakakalungkot lang isipin, kung sino pa yung may mga halaga sa lipunan sila yung nawawala, ngunit yung mga masasamang damo ang naglilipana. Talagang napaka-unfair ng pagkakataon, panahon at tadhana.

  • @newbieguyz
    @newbieguyz Год назад

    hope by Gods grace the rescuer able to find the the team of Dan who went missing for a couple of days...

  • @arwinagcaoili6340
    @arwinagcaoili6340 Год назад

    Mas mabuti talaga ang tumolong sa mga walang wala talaga kaysa sa mga yayamanin pag da ka na nila kailangan aalipustahin ka pa kaya dumarami ang natutong pumatay dahil sa hinanakit at d bale ng makulong kaysa ilaban ang karapatan dahil kailan man ang batas para sa mahihirap ay sadyang mailap.

  • @travelandhappiness884
    @travelandhappiness884 Год назад +1

    Kababalita lang po kahapon , na nawawala po ngayun ang helicopter at ang apat na sakay nito sa pagitan ng BALABAC at BROOKS POINT PALAWAN, ipanalangin po natin na maayus po silang lahat, nakaka lungkot pong BALITA ito para sa mga pamilya at kamag anak, malakas po ang hangin kahapon Dito sa parting Palawan kahapon, Pray lang po sana nasa maayus silang kalagayan 🙏🙏🙏,

  • @fritziejaro3836
    @fritziejaro3836 Год назад

    Hala kagabe lng ako nanood nyan sana buhay pa sila!

  • @mayencent
    @mayencent Год назад

    Simple life, brings much more joy...

  • @michaelpapina3999
    @michaelpapina3999 Год назад

    Nakakalungkot na pangyayari

  • @rodneytorres5596
    @rodneytorres5596 Год назад +1

    🙏🙏🙏👍👍👏👏👏

  • @rodrigomadrid9997
    @rodrigomadrid9997 Год назад

    Salamat sa dios sa mga tawo nga nagbigay sa ila sakrepisyo

  • @allenglennequia18
    @allenglennequia18 Год назад

    Kaka watch ko lang nito. Bumagsak na pala tsk tsk..

  • @chinasroldan349
    @chinasroldan349 Год назад

    🙏🙏🙏

  • @pablitavillar1371
    @pablitavillar1371 Год назад

    Alam ng dios kung nasaan sila ngayon kaya kung ano man ang nangyari ibabalik sila ng dios dahil mga anak sila ng panginoon buhay matulongin sa kapwa

  • @bethbeal7144
    @bethbeal7144 Год назад +1

    BTW, itong link ng interview ng ating kapatid na si Dyane ( ang director ni Daniel Lui & Janelle, 16 yrs from now may napakalumang at maliit na nagsimula na ibinigay ng Adventist Aviation Mission. Ngayon may isa sa North Luzon, isang Aviation Hanger Station sa Mindanao at sa Palawan Brook’s Point.
    ruclips.net/video/Aqzowe1mRX8/видео.html
    Kaya totoong may Panginoon tayo, na kung sincere ang puso nating ibigay ang ating kalooban kagaya nila Daniel & Janelle para tulungan ang mga nangangailan ay di tayo pababayaan ng Panginoon. Kung sakaling di nating matagpuan sila Daniel & Janelle at ang mga dalawang pasaheros ay siguradong matatagpuan po natin sila sa langit, kaya sikapin po nating maging tapat sa ating pananampalataya natin sa Dios, siguradong matatagpuan na natin doon sila Daniel and Janelle & ipapakita nila ang actual na HUGE na 3D screen sa langit kung ano talaga ang nangyari noong March 1st of 2023. Can’t wait to meet them in heaven, hang on my beloved believers, this is a wake up call to be ready because Jesus is just the corner appearing in those clouds in heaven soon.

  • @rechiezamora8337
    @rechiezamora8337 Год назад

    🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @briantresreyes
    @briantresreyes Год назад

    🙏🙏🙏🙏🙏

  • @whagahkho3320
    @whagahkho3320 Год назад +3

    Prayers to our dear heroes! Sana ligtas silang lahat! Sana magkaroon ng ganitong programa ang Gobyerno at marami tayo helicopter ambulance since puro isla at maraming liblib na lugar pahirapan sa pagdala sa hospital.

    • @jdubliner08
      @jdubliner08 Год назад

      Mga politico sa Pinas pampayaman sa sarili ang iniisip hindi servisyo publiko. Hindi nila alam ang job description nila na public servant! Mga politiko ang nag papa hirap sa Pilipinas!

  • @andrewestimo7102
    @andrewestimo7102 Год назад +2

    so inspiring:)

  • @wensdayshine7302
    @wensdayshine7302 Год назад

    Hindi pa nkita Hanggang ngayun Ang yellow bee 😢😢😢 sana ok lng Sila Isa sa mga resque volunteer

  • @reigneescotoreginianarmy6823
    @reigneescotoreginianarmy6823 Год назад

    🙏🙏🙏🙏🙏🙏 Lord

  • @lucaslago9845
    @lucaslago9845 Год назад

    That others may live

  • @farmereuna5365
    @farmereuna5365 Год назад

    Sana safe kayo. 😔

  • @jhunadeleon2810
    @jhunadeleon2810 Год назад

    while watching this episode and then suddenly while scrolling down other videos nakita ko agad na they got accident and missing..Gush cant believe😞😞

  • @kitamoko1710
    @kitamoko1710 Год назад

    Kakalungkot ng malaman ko na nawawala ang pilotong ito at ang dilaw na ambulance.. sana ay nkaligtas kayo mga sir na walng ibang gusto kundi makatulong...

  • @iFixstuff
    @iFixstuff Год назад +1

    Can I volunteer 🙋‍♀️

  • @myofficialchannel5360
    @myofficialchannel5360 Год назад +1

    Nakakaiyak naman ung situation nila

  • @lengdomingo3171
    @lengdomingo3171 Год назад

    Kuya Dan 😭😭😭😭

  • @travelandhappiness884
    @travelandhappiness884 Год назад

    Pina panood po natin ngayun ito, Samantalang kababalita lang po na nawawala po ngayun ang helicopter na ito at ang apat na sakay pray lang po tayu 🙏🙏🙏

  • @marvinlimpag1378
    @marvinlimpag1378 Год назад

    Sana Buhay pa nga pilot