Ticket Dito, Hatak Doon! Walang Nakaligtas! MMDA Non-Stop Clearing Operation.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 26 авг 2024
  • Ang pagmamaneho ay hindi karapatan, ito ay pribilehiyo lamang kaya pag nagkaroon ng traffic violation ay meron Itong multa sa driver or sa may ari ng sasakyan, pwede rin itong ma-suspende or ma revoke ang drivers license or ma impound ang sasakyan.
    Ang lisensya ay valid for 5 years from date of birth ng driver unless sooner revoke or ma suspende. Sa loob ng 5 years na walang violation ang driver, at pag renew nito ay bibigyan na ito ng lisensya na valid for 10 years.
    Metro traffic code of 2023 ay nagsimula noong May 02, 2023 para magkaroon ng pare-pareho at pinagkaisang pagpapatupad ng traffic rules and regulation sa Metro Manila.
    Single Ticketing System - Pagkakaisa ng mga pinaiiral na batas trapiko at pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.
    - Pare-parehong multa ng karaniwang malalabag sa batas trapiko.
    Karaniwan (Frequently Violated Traffic Rules)
    - Standard na multa ng karaniwang nalalabag na batas trapiko.
    - Interconnectivity ng sistema ng ahensya ng pamahalaan na namamahala sa transportasyon at trapiko.
    Interconnectivity - Ang data sa LTO/LTFRB
    ( Registered drivers with licenses registered motor vehicle / Owner's name / Plate number ) ay alam ng mga ahensya, MMDA/LGU'S at pwedeng ipaalarma mga hindi magbabayad ng traffic violation.
    Uniform Ordinance Violence Receipt (VOVR) ang tawag sa ticket na ini issue ng MMDA/LGU'S deputized agent.
    - Lahat ng traffic enforcers ng LGU's ay isasailalim ng pagsasanay ng MMDA para ma deputized. Ang Ordinance Violation Receipt (OVR) na ginagamit ng ilang local enforcers ay pwedeng gamitin hanggang December 2024.
    - Klase ng ticket (VOVR)
    a. VOVR Ticket na me logo ng MMDA/LTO at Metro Manila LGU's
    b. Handheld Device:
    - Nakakapag print ng ticket
    - Nakakapag validate at authenticate ng drivers license(verify) at vehicle registration.
    - Makikita kung meron demerit points na ang driver or ang sasakyan ay suspendido, kanselado or merong alarma.
    - Makakabayad online.
    - Kapag tumanging magbigay ng lisensya ang driver, maaring ituring na violation-driving without license at the time of apprehension.
    - Kapag tumanging pumirma, valid parin ang ticket at lalagyan ng note na "Refused to sign"
    - Pwedeng e contest or ereklamo ang pagkakahuli sa loob ng 10 araw.
    - Bayaran ang ticket sa loob ng 10 araw sa SM Bayad Center at Landbank portal.
    Saan Bawal Pumarada:
    1. Intersection
    2. Daanan tawiran ng tao
    3. Six meters ng intersection na meron kurbada. Ang first lane na merong kurbada at walang nakalagay na "No right turn on red signal" ay likuan ng mga kakanan na sasayan, kahit na ang ilaw ng traffic light ay pula, gawain ng may pag-iingat
    4. Four meters driveway ng Fire station, Hospital at Police station.
    5. Tapat ng private na garahe.
    6. Sa daan na pwede ang one side parking, bawal ang double park.
    7. Sidewalk, daanan ng tao or lahat na hindi pwedeng paradahan.
    8. Lahat ng lugar na meron traffic sign.
    Dalawang Klase ng Illegal Parking:
    1. Attended - Meron driver pero nasa bawal na lugar pumarada, titikitan ang driver at papaalisen ang sasakyan. Penalty Php 1,000.00
    2. Unattended - Walang driver, iniwan or pinarada ang sasakyan sa bawal na lugar. Penalty Php 2,000.00 subject for towing.
    Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang tawag sa nakasanayan na number coding, binabawasan ang tumatakbong sasakyan sa isang araw.
    AM - 7:00-10:00 AM
    (Window hours)
    PM 5:00-8:00 PM
    Penalty: Php 500.00
    Exempted from UVVRP
    1. PUV - Public Utility Vehicle including tricycle.
    2. Motorcycles
    3. Garbage Trucks
    4. Marked government vehicles
    5. Fire Trucks
    6. Ambulance
    7. Marked media vehicles ( Registered in media company)
    Dress Code for Riders and Passengers:
    Ito ang violation na binibigay sa drivers dahil sya or ang kanyang ankas ay hindi nakasapatos.
    - First offense Php 500.00
    - Second offense Php 750.00
    - Third offense Php 1,000.00
    Ang obstruction ay hinaharangan ng sasakyan ( Nakatigil or Nakaparada) ang daanan ng ibang sasakyan.
    Walang violation na "Counterflow" ang ginagawa ng driver ay illegal counterflow or unauthorized counterflow
    RA 870 - Seatbelt Act of 1999
    RA 11229 - Child Safety in Motorcycle Act
    RA 10054 - Mandatory use of Motorcycle Helmet
    RA 10666 - Children's Safety in Motorcycle Act
    RA 10913 - Anti Distracted Driving Act
    Stalled Vehicle - Wala ng kakayahan na umandar ang sasakyan
    Example: Flat Tire, Naubusan ng gasolina, kumatok ang makina etc.
    MMDA Regulation 23-002
    Pinataas na multa sa mag violate sa Edsa Bus Lane:
    First offense Php 5,000.00
    Second offense Php 10,000.00 + 1 month suspension of DL
    Third offense Php 20,000.00 + 1 year suspension of DL
    Fouth offense Php 30,000.00 + Recommendation of DL
    Pag tinakbuhan or hinabol ang nag violate ng Edsa bus lane, ang penalty ay katumbas ng 3rd offense violation.

Комментарии • 126

  • @jackyjelai
    @jackyjelai 3 месяца назад +10

    Pinaka magandang Vlogger ka tlga kc may voice over, magandang content atleast Naka laman nmin kung saan lugar sa Maynila ang clearing. Mga iba kc na Vlogger basta't video lng kya nkaka wala Ng gana at unsubscribed na. Mabuhay po kau sir palagi ka nmin pinapanooran dto sa Europe. Good job Sir GABRIEL GO and all clearing MMDA, MABUHAY KAYONG LAHAT 👏👏👌❤️

  • @eduardacana959
    @eduardacana959 3 месяца назад +5

    paanu naman kami d2 sa Laguna dami pasaway! sana all knyan gawa ninyu hnggang d2 sa Canlubang Laguna gising Mayor Rizal!

  • @sp-u10marlonleano71
    @sp-u10marlonleano71 2 месяца назад

    VERY GOOOOOD JOB MMDA, SANA MAISIP NG DILG KN ANO GAGAWIN AT IKAKASO SA LGU NA DAPAT NAGLILINIS NG ILLEGAL SA LANSANGAN.......

  • @joeydingel9904
    @joeydingel9904 3 месяца назад

    Ibang iba talaga si Gabriel Go. Idol. Trabaho lang hindi namamahiya, hindi ginagawang drama, pero kahit trabaho lang meron pa rin siyang puso sa mga tao. Salamat sir

  • @jonp9654
    @jonp9654 3 месяца назад +1

    Tama, dapat talaga bigyan ng proper space ang pedestrian para maging ligtas.

  • @edwincawayan8725
    @edwincawayan8725 3 месяца назад +1

    Good Work MMDA, thanks sa nice video Dada Koo ❤❤❤

  • @bartolomeiarpis7710
    @bartolomeiarpis7710 2 месяца назад

    Gogogogogogogo mmda. Gabriel go..

  • @cadizwilmo9687
    @cadizwilmo9687 3 месяца назад +2

    Dada - thanks for your update reports! Sidewalks looking better now.

  • @jumarko2022
    @jumarko2022 3 месяца назад +2

    kakaiba sa lahat ng vlogger to walang cut 🎉🎉❤❤❤🎉🎉❤❤🎉🎉🎉

  • @arnelocampo6331
    @arnelocampo6331 3 месяца назад

    You are awesome! Please continue to be humble and kind, fun and friendly. The Filipino people adore you for those qualities. Please feel free and find your happiness here, this is now your home, and the Philippines 🇵🇭 is where you should be. Wishing you all the best, be safe and may God bless you always. ❤

  • @veriitas33
    @veriitas33 3 месяца назад

    tire of the whole ma awa kau sa akin, learn the law and if they warn you multiple times and you still didnt move thats your fault na. great job lods stay safe manga lods

  • @antoniotungpalan2849
    @antoniotungpalan2849 3 месяца назад

    Sana araw araw daanan nyo ang Bangkal Makati, grabe mga tao dyn double parking pa sila.

  • @user-ml4lt5tm2x
    @user-ml4lt5tm2x 3 месяца назад

    Good morning MMDA clearing team and DADA KOO be safe..

  • @jetfernando3798
    @jetfernando3798 3 месяца назад

    Suggestion po lamang sa MMDA. kung maaari po lamang na may umiikot na sasakyan ng MMDA na may PA na pinagsasabi ang lahat ng ipinagbabawal ng batas na mag mula sa illegal vendors hanggang illegal parking motorsiklo man o apat na gulong, maging mga illegal structures. Sa pagpapatupad nmn wala na silang masasabi sapagkat palaging silang nasasabihan. pinaka importante po ay palaging may kasamang alagad ng batas sapagkat inoorporate sila within the boundary of the laws, at para na rin sa safety or kaligtasan ng mga nag papatupad.

  • @bongcabron9753
    @bongcabron9753 3 месяца назад

    Sana sa malabon ang daming pasaway dun sa kahabaan ng governor pascual yung palengke grabe obstruction ska sa muzon grabe maliit na daan ang amdami rin illegal parking sna mapuntahan nyo araw araw akong nadaan jan hirap pumasok at kumabas dahil sa mga nkaharang na sasakyan

  • @rextrinidad6646
    @rextrinidad6646 3 месяца назад

    Government should hire 4x more enforcers (this generates employment) and increase the scale of these operations. No garage no car policy should be strictly enforced. Streets were not built to serve as private parking slots. Sidewalks are for pedestrians. Clear them all. The fines will more than pay for the costs. We will develop discipline which is severely lacking among Filipinos.

  • @user-ne3ct6lz3y
    @user-ne3ct6lz3y 3 месяца назад

    sir pasyalan din sana sa may Marietta Romeo Village Pasig City (brgy sta lucia)
    wala ka n din malakaran sa mga nkaparada,mga pinagagawa nkakalat semento buhangin ,sa kalsada k lalakad po talaga

  • @landofpromise6254
    @landofpromise6254 3 месяца назад

    Dapat hightech na kagamitan ng mmda pra madali mahatak naka parada na kotse gaya sa ibang bansa

  • @ednadesacula9667
    @ednadesacula9667 3 месяца назад

    Good morning DADA KOO and MMDA team..Be safe🙏

  • @antoniotubog4492
    @antoniotubog4492 3 месяца назад

    Sir sana sa Binondo kayo mag operate, sa Ongpin, pake sabi kay mr GO

  • @benjaminawat6458
    @benjaminawat6458 3 месяца назад

    Darating din ang panahon pag patuloy ang clearing susunod na rin Sila.

  • @arnulfoserrano
    @arnulfoserrano 3 месяца назад

    Keep it up mga sir hilahin lahat ng illegal parking at obstruction sa mga sidewalk 👍👍👏👏

  • @eBag944
    @eBag944 3 месяца назад

    Sana maipakita mo ang pinagdadalhan ng mga sasakyan at ang condition doon para alam ng mga tao ang lugar at ang hitsura ng lugar para magmadali na silang kuhanin agad. Tuloy lang po ang iyong patas na pag video.

  • @itsprivate5623
    @itsprivate5623 3 месяца назад

    Kapag walang huli dami nagpaparking boy dyan mga naniningil tapos kapag may hulihan ung mga tolonges na naniningil hindi man lang tawagin o hanapin ang may ari na sinisingil nila araw araw kapag walang huli. Dapat dyan wag bigyan mga parking boy dyan tutal park at your own risk din nmn wala din namn sila karapatan maningil dyan.

  • @edwarddelacruz5893
    @edwarddelacruz5893 3 месяца назад

    Salute to MMDA & Dada Koo.

  • @truthmatters8689
    @truthmatters8689 3 месяца назад

    ayos din ng content ni dadaa , nakikita gawa ng mmda

  • @robrig55
    @robrig55 3 месяца назад

    We need more teams talaga

  • @bebotvice4887
    @bebotvice4887 3 месяца назад

    Goodmorning dada🙏🏽

  • @franxiswilliam647
    @franxiswilliam647 3 месяца назад

    Mabuhay Gabriel go pero kulang sa seminar tao minsan pati pwd at halaman demolisyon

  • @Cerified_Check
    @Cerified_Check 3 месяца назад

    Yung problema kasi maikli lang ang parking space halos kakainin na parking space yung side walk

  • @LuckyGCR23
    @LuckyGCR23 3 месяца назад

    Tama iyan tanggalin ang Obstruction 👍

  • @gemnomramla5926
    @gemnomramla5926 3 месяца назад

    Dapat kaag moving naman Yung tinda sana wg ng kukumpiskahin ng PANINDA dugot pawis ang pinuhunan nila jn tapos kukuhanin lang nila kawawa naman mga tao

  • @nestornayad8555
    @nestornayad8555 3 месяца назад

    Sana yong mga LGU Magpa2pad ng batas gawa Sila lage yong nandon yong mga MMDA kulang ng personal

  • @adoinsalejandro2245
    @adoinsalejandro2245 3 месяца назад

    Sana po mapuntahan nyo lahat dito po sa S Francisco st. San Bartolome Novaliches nag extension na ang mga bahay.

  • @Fiorees_Channel
    @Fiorees_Channel 3 месяца назад

    Good job team 💪

  • @jomelcasil1181
    @jomelcasil1181 3 месяца назад

    Dapat binuksan ang dalawang pintuan nang sasakyan para maka daan parin ang mga tao.😂

  • @pipeline684
    @pipeline684 3 месяца назад

    Good job!

  • @crismartelina3131
    @crismartelina3131 3 месяца назад

    Hnd na sa bangkita naka lagay Ang mesa ah... Hanapan pa Ng permit buti sana Kong malaking tindahan yon..

  • @alvinbatangan8700
    @alvinbatangan8700 Месяц назад

    Good job

  • @0426ADOLFO
    @0426ADOLFO 3 месяца назад

    Sana meron nag-iikot na magtiticket lang sa buong Metro Manila from MMDA iiwan lang sa windshield ticket responsibilidad ng car owner check kung meron violation .

  • @mikibihon8826
    @mikibihon8826 3 месяца назад

    Ganyan ang clearing ops sa Afghanistan by Taliban troops. Kung matiketan kayo ng MMDA kahit naka Parada sa tamang lugar, singilin ninyo ang business establishment. O kaya do not do any business sa lugar na yon. Ginagawang "milking cow" ang mga motorists. Kung gusto ng motorists mag demand sa korte, malaki chansa na manalo ang motorists. Kasi kung hindi mag appear ang MMDA operative na nag ticket sa violation, panalo na ang motorist by default! Balik ang multi sa motorista, malamang ma demote ang MMDA operative.

  • @brayanolanka7782
    @brayanolanka7782 3 месяца назад

    sana magoperate dito sa lugar namin sta.lucia Novaliches QC

  • @jabmd2nd
    @jabmd2nd 3 месяца назад

    Tama! Kulang sa disiplina ang mga tao!

  • @HJNonsense
    @HJNonsense Месяц назад

    8:43 parallel parking na lang sana kasi ginawa kasi short na short yung parking length.

  • @noelparal5743
    @noelparal5743 3 месяца назад

    Boss dpat mabista nyo blumentrit lalo.n likod ng chinese gen hospital dami ilegal parking at car wash sa mismong kalsada na

  • @dennisquicksign157
    @dennisquicksign157 3 месяца назад

    bibilib lalo ako sa MMDA kung maayos nila ung Cambridge st, NIA rd, at Agham rd sa QC

  • @animesenpai1458
    @animesenpai1458 3 месяца назад +1

    Sana Gumamit ng Car Dollies, para Mapabilis
    ang Trabaho.

  • @edgardogo4224
    @edgardogo4224 2 месяца назад

    MAUUBOS ANG OASENSYA MO SA MGA TAONG ITO NA KAHIT ANO PANG PAKIUSAP MO AY AYAW PA DIN NILANG SUMUNOD. TAPOS KUNG ANO ANONG PAKOUSAP ANG GAGAWIN NILA SA SCOG DAHIL KINUKUMPISKA ANG KANILANG MGA GAMIT SA PAGTITINDA SA SIDEWALK. KUNG GUSTONG SUMUNOD AY SUMUSUNOD AT IYO NAMAN AYAW AY ANG DAMING DAHILAN NG KUNG ANO ANO. DAPAT MATUTO NA SILA KAPAG SILA AY MA TOW DAHIL SA MAHAL NG PENALTY.

  • @pinoydigitaldiaries7630
    @pinoydigitaldiaries7630 3 месяца назад

    Dapat unahin parking bago bumili ng sasakyan, yan ang ipatupad sana ng gobyerno

  • @patrickinigo3518
    @patrickinigo3518 3 месяца назад

    Dna nmn kailangang disiplinahin ang tao dahil likas na may taglay na ang bawat isa satin nun ky lang nahirati na kc ang marami at nasanay sa gaya gayang mind set na alam namang mali pero bkt ginagawa pa din 😮‍💨🤨

  • @JhongCabrales
    @JhongCabrales 3 месяца назад

    Kung bawal mag parking dapat pati motor ng mga operation team dapat hatakin o tiketan kasi sila hindi rin nilalagay sa tamang lugar bago manghatak o maniket diba ga go pati leader nila

  • @HJNonsense
    @HJNonsense Месяц назад

    11:35 ewan ko parang di ko maseryoso si kuya hahahahahaha

  • @gracey9586
    @gracey9586 3 месяца назад

    GTOGER walang kahirap hirap naito-tow ang mga illegal park, no need manpower pa, just the driver only.. sana mai-adapt ng ph yung ganun idea

  • @roscoeladlad6000
    @roscoeladlad6000 3 месяца назад

    Yun blumentritt area...tayuman.. san lazaro tapat ng gate ng jose reyes..yun bambang st.. yunabad santos lrt terminal...dyan madami abusadona tricycle trabahuhin nyo rin

  • @arlenerodriguez9370
    @arlenerodriguez9370 3 месяца назад

    Good job MMDA

  • @antoniotungpalan2849
    @antoniotungpalan2849 3 месяца назад

    Ang Gandia St napakaluwang subalit ginawang one way ni kap o mayor para ma accomodate ang mga constituents nila.tama ba yan?

  • @henshinph4681
    @henshinph4681 3 месяца назад

    Cge nga try nyu nga sa de LaSalle yang mmda Dami nakaparada Doon naka park

  • @breakwhiskey2863
    @breakwhiskey2863 3 месяца назад

    Ganyan lang. Enforce. Let them complain to the Mayor's office. 👍👍👍👍

  • @user-ko7cr3km5k
    @user-ko7cr3km5k 3 месяца назад

    Yon ang dapat madiciplina tayong mga pilipino nausadan na tayong karatig bayan at bansa ,pagwalang harang makita mo na maaliwalas at malinis at orderly ang metro manila

    • @jezzmeeh7044
      @jezzmeeh7044 3 месяца назад

      tama. disiplina tlga kailangan. kaya naman. e-continue lng yan. good job sa lahat.

  • @gerivega
    @gerivega 3 месяца назад

    Respect the predestrians. Give them a place to walk. Ang kalye para sa kotse ang sidewalk para sa tao

  • @ronaldallen9209
    @ronaldallen9209 3 месяца назад

    Sino po ba pumapayag sa mga establishments na itayo ng walang parking?

  • @0426ADOLFO
    @0426ADOLFO 3 месяца назад

    Sobra luwag ng batas ng Pilipinas meron 5 minutes pa hinihintay pa driver sa ibang bansa . kapag nadaanan na illegal parking automatic tow o ticket agad .

  • @Bite0fBread
    @Bite0fBread 3 месяца назад

    Okay ito, ginagawa niyo, pero hindi yan future proof, once na nag ease na yung pag roronda niyo babalik yan kasi walang choice..
    Ang mas magandang gawin ng Government is, wag kayong mag release ng building permit para sa mga gagawing building kung walang designated Parking Lot sa design nila.
    And dapat yung size ng Designated Parking lot is based at least 70% - 80% sa expected maximum occupancy ng building..
    Ang problem kasi ang daming Commercial Building jan na walang designated parking lot at yung iba kung meron man, sobrang liit naman.

  • @gilbertvergara-fg2ig
    @gilbertvergara-fg2ig 3 месяца назад

    sna daanan ng mmda ang zaragosa delpan puno n ng naka park, nd ginagalaw ng mtpb kc may parker ang mtpb naniningil, mabuhay lane pero mabuhay parking n tawag, nd kaya ng city of manila eh

  • @franz2843
    @franz2843 3 месяца назад

    Ever wonder why such clearing operations of LGUs and MMDA never ended?
    Kasi, wala na rumerespeto sa "batas". Batas na mga LGUs and MMDA din ang sumira para makunsinte ang mga violators. Kung nung una pa naghigpit na sila, sana walang umabuso.
    Natatawa nga ako sa sidewalk sidewalk kuno. They'll clear the sidewalk for pedestrians raw, eh hindi naman ganun ka useful. Dami rin obstructions, madumi, disorganised.
    Yung root cause niyan spiraling issues na yan ang bakbakan niyo. Implement and execute rules and regulations with utmost strictness. Otherwise, malabo maubos yan. You'll just go into circles.

  • @user-mg2uh8np6c
    @user-mg2uh8np6c 3 месяца назад

    Baka pwede isama nyo na ang mga squatters dyan sa area.

  • @AtoBuendia-eg7fm
    @AtoBuendia-eg7fm 3 месяца назад

    dapat boss taasan ang tubos ng sasakyan. kc pagnatubos nila yan balik ulit sa dati mga yan.

  • @gemnomramla5926
    @gemnomramla5926 3 месяца назад

    Dapat wag nilang ito towing ang sasakyan ng walang pahingulot ng may ari

    • @tonyhelenamigo9439
      @tonyhelenamigo9439 3 месяца назад

      Bakit kailangan ang pahintulot ng may
      are ay mali na nga ang parking

  • @user-ss6xo2mm1e
    @user-ss6xo2mm1e 3 месяца назад

    Inportanti nka park kahit illegal

  • @nobody8650
    @nobody8650 3 месяца назад

    Dapat pala ang mga sasakyan na bibilhin mo ngayon ay yong katulad nong kay Mr Bean😂😅😂😅😂😅😂😅😂😅

  • @ronaldallen9209
    @ronaldallen9209 3 месяца назад

    Pwede nyo isipin kung san nagmula na walang parking ang mga establishments, sino b pumayag na constrcuct ang mga yan ng walang parki g

  • @user-um4he4xq9d
    @user-um4he4xq9d 2 месяца назад

    May sidewalk naman sa harap ng Raptor ah???

  • @litolito3290
    @litolito3290 3 месяца назад

    Good job Dada n MMDA sidewalk parking ticket o towed.😅

  • @jhojo79
    @jhojo79 3 месяца назад

    4:33 time sa video may nadaanan tapat ng via mare reso, walang pedestrian

  • @rosaliacruz7880
    @rosaliacruz7880 3 месяца назад

    Niluluwagan añg sidewalk at kalsada pro nakaabang na UN mga illegal parking at illegal veñdor

  • @REDBANZAI-er8ox
    @REDBANZAI-er8ox 3 месяца назад

    inuuna kasi ang sasakyan kesa yun property na may parking😡

  • @zuperzaiyan3092
    @zuperzaiyan3092 3 месяца назад

    pang e-bike nalang parking spaces dyan sa metro manila😂😂😂😂

  • @valmalite403
    @valmalite403 3 месяца назад

    pati yung mga nag titinda kinuha pa yung gamit pilipinas talaga

  • @noelsalem9276
    @noelsalem9276 3 месяца назад

    Bat kasi hinayaan na lang mg Govt na magtayo ang mga buildings na walang parking space, especially sa mga Banko, walang mga parking area karamihan kaya hatakin na yan

  • @gracey9586
    @gracey9586 3 месяца назад

    dapat mga naka illegal parking minamaso na direkta.. para wala nang tiket tiket sus.. pinagtatawanan na lang mga ganyan ordinansya e.. mattigas pa rin mga apog

  • @josephlakwatsero9521
    @josephlakwatsero9521 3 месяца назад

    araw arawin nyo dyn sa timog at tomas morato,, dami pasaway dyn

  • @RomanticJazzer
    @RomanticJazzer 3 месяца назад

    Boss, magtatanong lang... sa paglalakad nyo po ba dyan meron po bang payparking dyan malapit sa abs cbn?? Salamat po sa pagreply..

  • @franxiswilliam647
    @franxiswilliam647 3 месяца назад

    Sa Manila ganyan kaya't lang off ang MMDA kasi may MOA

  • @larryfrancia8831
    @larryfrancia8831 3 месяца назад

    20k first offense ng mahirapan silang umulit uli.

  • @antoniotungpalan2849
    @antoniotungpalan2849 3 месяца назад

    Di ko maintindihan ang LGU ng QC, dahil ginawa ang kalsada para sa sasakyan subalit ginawa nilang one way para gawin parkingan ng mga constituents ni kap o ni mayor 😂😂

  • @edithajohnson8488
    @edithajohnson8488 3 месяца назад

    ❤❤❤❤❤

  • @edgardopelaez5821
    @edgardopelaez5821 3 месяца назад

    Hindi daw Alam na bawal harangan ang sidewalk. Di ba may seminar at exam bago ma isyuhan ng license. Bka nagbayad lang kau.

  • @ismaelrazon3445
    @ismaelrazon3445 3 месяца назад

    Bkit nbbgyan ng blng permit yan mga ng LGU.dpat i consider din ung parking.bgo nila bgyan mg permit..

  • @MgaKaTwoLegs
    @MgaKaTwoLegs 3 месяца назад

    Ingat po

  • @crisal3444
    @crisal3444 3 месяца назад

    Hindi pa sila aware? Saan kayang bundok nanggaling ang mga iyan?

  • @shanearleighagres9252
    @shanearleighagres9252 3 месяца назад

    Yang sa may wildfour pinagawa talaga nila yan para parkingan ng customer nila kaya lang kinuha pati sidewalk.

  • @user-vl7tb5hd7w
    @user-vl7tb5hd7w 9 дней назад

    Boss sa bangkal makati npakadaming parking ksbilaan sikip n nga ng kalsada

  • @bgkous
    @bgkous 3 месяца назад

    Bgy 132 pls

  • @epifaniarcruz
    @epifaniarcruz 3 месяца назад

    Why they don’t paint again with the red paint so they don’t have any excuse to park there

  • @eBag944
    @eBag944 3 месяца назад

    Mukhang magandang puwit ang iyong bini video at hindi ang ginagawa ng mga traffic enforcers. Baka magalit sayo si sweetie nyan? o baka naman hindi siya mahilig manood ng vlog mo? haha

  • @joelponce6372
    @joelponce6372 3 месяца назад

    Hindi aware busit saan ka ba kumuwa ng lisence sa recto busit uli

  • @clarkyeoj
    @clarkyeoj 3 месяца назад

    DADA KOO

  • @alexsy511
    @alexsy511 3 месяца назад

    daming towing truck.

  • @rovevanpersie245
    @rovevanpersie245 3 месяца назад

    Good job guys. Keep it up.

  • @merlitopangan1464
    @merlitopangan1464 3 месяца назад

    Sir pa shout