Ganyan din buhay namin dati, tiwala lang sa Diyos at sipag, ngayon graduate nako at May maayos na trabaho, proud ako na malayo na kami sa ganyang pamumuhay.
WOW TINIKMAN DIN NI KABAYAN NOLI ANG PAGPAG👏👏👏 sana nga dumating ang araw na lahat ng mga pilipino ei magkaroon ng hanap buhay at hindi na umaalis ng bansa para sa iba manilbihan
Family planing is the key to avoid poverty. Mindset ng karamihan mag asawa agad, magkaanak kahit dipa nakaka ahon sa hirap at wala pang natapos. Karamihan minor pa ang edad may anak na. Kaya sabi nila ang mayayaman lalong yumayaman at yong mahihirap lalong humihirap kasi kung sino pa yong mahihirap sila pa ang maraming anak. Unang-una mag aral ng mabuti at kung tamad ka at least manlang maitawid mo hanggang elementary to high school dahil may mga trabaho naman na di na required ang college graduate, then magtrabaho ka mag sumikap mag ipon at pag kaya munang bumuhay ng anak saka kana mag ka anak at yong seguradong may pang tustus ka sa gastosin niya at makakayanan nyong paaralin at mabigyan ng sapat na sustento para ma supportahan sa mga pangarap niya at kung sapat lang ang kinikita wag nang dagdagan ng dagdagan ng anak.
My god Yung IBA Todo reklamo pa SA BUHAY thank you lord kahit kinakapos Hindi niyo po kami nilagay SA ganitong sitwasyon one day Sana Wala Ng makaranas Ng HIRAP 😭😭😭😭
Tira2x pero ang laking tulong na para sa iba nating kababayan 🥺 Masipag at madiskarte po kayo sa buhay, ang mga taong may kaakibat na ganyang pag-uugali is makakaangat sa buhay ❤🙏 Kailangan lang talaga nating gumalaw para maabot yung pinapangarap natin sa life ❤💖 Kahit nakagraduate ka na sa College hindi patunay na may degree ka na, makukuha ka agad sa trabaho. Sad lang kasi mas priority ng halos lahat yung may experience na. Kaya I salute sa lahat na sa murang edad nagtatrabaho na 💗 Diskarte ang kailangan at productivity para makamtan ang goal sa life 😍❤💖💝
Ang mga nangangalakal ay nakatulong sa ating environment boxes carton plastics aluminum cans are recycled they contributed to a sustainable resources. God Bless them praying that their children will not stop going to school and finish it
For the fortunate people in these places who have too much food: Next time you throw away left over food, better if you pack it nicely in cellophane or anything of the sort. We may not be able to directly help the starving poor but at least we can make it better for them.
Mahihirapan talaga ang tao na makaalis sa ganyang sitwasyon lalo at ipinapamana pa ang kahirapan sa mga anak, Di lang tulong pinansiyal at maayos na hanap buhay ang kailangan nila.. Kailangan nila ma educate na huwag mag anak ng mag anak, talo pa nila yung mga tao na mas may kaya sa buhay hindi nagpaparami ng anak.. Kagaya niyan si Nanay pati apo pasan sa balikat! anak ng tokwa!
Korek ka.. educating na wag na sila magpalaki ng pamlya nila., dto nga japan 1 or 2 lng b anak . Dto mas kailngan mag parami ng anak dpat dhil sa population kulang na kulang kokonti na bata, mas marmi mattnda na
Tama ka kaya marami mahirap dahil nag aanak kahit hindi financialy stable. ako takot ako mag ka anak kahit 30 na ko at regular sa trabaho above minimum.
@@richellearante5985 True. If I'm not mistaken legal ang abortion sa Japan. Dapat talaga 2 lang anak para ma sustain yung pangangailangan ng pamilya. Kung sino pa yung mababa ang income at hirap sa buhay, sila pa yung napakamaraming a anak.
Happy for them keeping their marriage for better or for worse. Unlike those couple with lots of blessings but still cheating and ungrateful. I wish you happiness and good health to your family.
Naranasan ko one day 1 eat kami kaya sinabi ko talaga sa sarili ko magsusumikap ako para d maranasan ng future damily ko ang gutom d ako nkapagtapos ng pag aara nag ofw ako naswerte dahil sa kasipagan napagtapos ko mga kapatid ko at d na kami ngugutom andito ako ngaun sa new zealand❤❤❤ praise God basta magsumikap lang at wag magmadali Mag asawa
Nakakaawa ang maraming kapwa nating Pilipino, wala nang access ang lahat sa malinis at ligtas na pagkain... Lahat naman, mayaman man o mahirap may karapatan sa malinis na pagkain, maski payak... Family planning ay magiging malaking solusyon sa kahirapan... Saludo sa kasipagan nina Nanay at Tatay, lumalaban sa hirap ng buhay,
yun naman talaga dapat gawing pgdikaya ng tao magfamily planning dahil sa kulang sa kaalaman at kaisipan...dapat ang gobyerno na ang gumawa ng aksyon ..isabatas ang family planning act...yong mga pamilya na walng kakayanan magbigay ng magandang kinabukasan sa mga anak dapat gang dlawa lng anak nila dapat ligation na yan. yon ang solusyon talaga sa kahirapan
Family planning to tlga kailangan ! Kasi ba nman kung sino pa yong mas naghihikahos sila pa maraming anak!! Hindi naman po masama magkaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng needs ng mga bata....
Kinakawawa nila mga anak nila. May obligasyon sila bilang mga magulang na ibigay sa mga anak nila yung basic needs ng mga bata. Sapat na pagkain, maayos na pananamit at tirahan, ligtas na kapaligiran at edukasyon. Mga musmos na bata ang biktima ng maling desisyon nila na magparami pa ng husto ng anak.
Mas mabutii pa nga sila nalaban ng patas walang nilulukong tao Di gaya duon sa Taragis Challenge na yun Scripted daw peru ang totoo umamin lang yun dhil naboking
😔...hiling ko na sana may mga taong maging financial stable para makatulong sa gantong klase ng kababayan,.. hiling ko din yan sa sarili ko, makatulong khit papano
Kaya importante tlga ang edukasyon..kc kung mga edukado sana cla hindi na nila need pa mamulot ng pagpag cempre may magnda sana cla kinabukasan,,kaya eto tumatatak sa isip ko kya gusto ko makapag aral ulet at tapusin ang college para mapag tapos ko rin ung anak ko in the near future
HA? HINDI NILA KASALANAN NA HINDI SILA NAKAPAG ARAL KAYA NAG HIHIRAP SILA. Kasalanan yan ng gobyerno kung paano sila katanga mag handle ng tao nila. Ang low minded mo, education is never the solution to poverty, itatak mo sa utak mo yan!
exactly po pero kailangan din natin maintindihan na hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng opportunity na makapag-aral sabihin man nating oo may public schools na libre pero hindi naman talaga libre mag-aral iisipin pa ng pamilya nila yung baon, transportasyon, mga libro, mga kagamitan at uniform kaya nasa gobyerno na talaga para maayos ang sistema nang edukasyon para magawang libre talaga 💓
Kung ako ang anak na napagtapos ni nanay. Hindi ko matitiis na manatili sa ganitong sitwasyon yung pamilya ko. Though hindi ko naman responsibilidad na ihaon sila sa kahirapan pero kahit konting pangarap man lng pra sa kanila.
para naman pong di nakikitang nagmamataas yung comment. it's just stating the fact and not a mockery which is true and real talk. Somehow kakulangan din ito ng dswd sa kanilang paligid, dahil hindi nila nagagabayan ang nasasakupan para magconduct ng outreach program for family planning, kase yung mga ganitong estado ng pamumuhay lalo na't kapus sa pagaaral ay kapus din sila sa kaalaman. kaya ang nangyayari sa kanila naging outlet nila ang gumawa ng bata.
Pagpag Ata yung Nakain namin dati mag asawa.ok Lang sa akin malakas yung sikmura ko.pero yung asawa ko muntikan na talaga...pero gdbless sa inyo Sana mabigyan kanyo ng pansin ng ating government.nakakaawa mga situation Nila.
It's safe to eat that basta nadarang na yan ng matagal sa apoy. I'll always think about it pag kumakain sa labas just to remind me how lucky I am to have such a great life. Galing din kami sa hirap and I pursued really hard to be where I am right now.
@@moviequeenbee Niyek? sure ka tea? kumakain ka nga ng jollibee eh. Haha. sure ka ba malinis mga food dun? nagwork ako sa jolliber ayoko na lang mag talk!
Nanay deling at tatay aden ko po yan,,,ingat po kayo lage alagaan po ninyu ang inyung kalusugan,,,nawa ay gabayan po kayo ni lord...sana mka bakasyon kayo sa Leyte miss ko na kayo..
Mahirap talaga maging mahirap pero sa mga nakikita at napanood sa socmed,narealized ko din na d lahat ng mahirap nakakaawa at d lahat ng mayaman kaiinggitan kaya merong mayaman na nagsuicide at malungkot at may kahit mahirap masaya.kelangan makontento at mgpasalamat sa blessings ni Lord🙏🙏🙏🙏 .
Wag na isama ang mga mayayaman dito. Sabihin nalang nating walang program ng sustainable ang LGU para sa mga mahihirap. Ang mga tinutulungan lang ng mga mayors ay ang mga kaayado nila at mga tao nila.. Kaya yung sinabi mong masaya sila mali yun. Kasi hindi po yan ikinasasaya. Kapanayaan po ang nakikita ko dito.
Iba ka tlga kabayan kahit na angat ka sa buhay hndi kA Maarte sana hndi lng sa harap ka Ng camera ganyan..ung pagiging coboy mo god bless you more power sa programa nyo
This is WOW Because a lot of people are soooo in need of food, in Africa there’s starvation God bless you all! Praying for your community to come together and help each other, every life is sooo precious in the eyes of the LORD CHRIST JESUS KE AKUA KUMUKAHI IESŪ KRISTO AMENE AMENE
Alhamdullillah...even we're not rich very thankful to Allah nakakain kami ng Tatlong beses o higit pa 😌 sana matugunan na Kahirapan it's breaking my heart to see this may mga tao pala na ganito akala nasa drama lang papaano nakaka lunok o nakaka tulog ang mga corruption sa ganitong nangyayari 😔😔
Kabayan matagal Napo AKO naka subaybay lahat ng MGA blogger or media na naka docu SA MGA taong pagpag.salute po AKO SA enyo at itoy na feature na Naman po ninyo sila
Hala subra Naman ka hirap Ng Buhay kaya talaga masasabi ko na blessed padin kami na nasa probinsya lumaki kahit mejo hirap di Naman Namin naranasan Kumain na ganyang food! Laban lang kayo nanay hirap Ng Buhay makaka ahon din kayo
Nakakaawa naman:( Sana mga kababayan mag famiy planning tayo:( bukod s kawawa tayong mga magulang, mas lalong nakakaawa ang magging anak natin:( Kalimitan pa pag madaming anak, yung mga anak maaga ndn nagaasawa:( Godbless po mga kababayan!!! Hindi po kayo pababayaan ng nasa Taas!!!
Lumaki ako mahirap kaya cnabi ko sa sarili ko ayoko maranasan ng mga anak ko ang hirap😢 nagsumikap d nga ako nakatapos ng skul nagabroad ako naswerte dahil ngsumikap awa ng dios d na kami ngugutom ng pamilya ko pinagtapos ko yung mga kapatid ko
So sad! daming mga kabayan natin tulad nito. Kung malapit lang ang pinas iipunin ko talaga lahat ng pagkain at mga gamit na tinatapon dito sa america para mapakinabangan pa ng iba. Laban lang mga kababayan may awa ang diyos😊❤
A few years ago I went with my sister to her kids school and I was surprised to see the kids throwing their rationed food in trash cans. How I also wish that I can throw right there to the Philippines for the poor kids especially the milk in tetra packs. Also packed foods that expired only a day or two. So much food wasted.
Yung mga taong may maayus natrabaho pero panay ang reklamo sa buhay panoorin nyo ito, sila yung mga taong kapos sa kabuhayan pero nagsusumikap mabuhay para mairaos ang kanilang pangarawaraw. kapos man pero makikita mo na pantay kung lumaban at hindi dinadahilan ang kahirapan para gumawa ng masama.
Prayers lang po nanay khit anong hirap sa buhay basta nka kapit tyo kay Lord walang imposible sa buhay....makkaraos din. Remember abg buhay parang gulong minsan nasa ibaba maaaring bukas ikaw nman nasa itaas basta patuloy lng tyong manalig at manalangin sa kanya.
& the 3 most important things ..... work hard,family planning & stop voting corrupt politicians & their super corrupt political dynasties ...... if you pray everyday but you also give birth every year then still that won't solve the problem ...... so if you want a progressive life & progressive philippines .... do the 3 things ......
karamihan ng mahihirap ang daming mga anak kaya mas lalong naghihirap, ang masama pa pag di makapag aral lahat ng anak damay damay na lahat pati yung mga ng anak ng mga anak nila maghihirap.
True po! Kung sino pa kasi mas mga naghihikahos yung pa maraming anak!!! Hindi nman masama sa pagkakaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak nila.
Blessing daw po kc ang mga bata kaya gawa na lang sila ng gawa. Di nila alam na pag blessing dapat ingatan mo kaso iba ang pakahulugan ng marami sa salitang blessing... Iniisip nila pag madaming anak mas may chance na mas maraming tutulong sa kanila balang araw.. Yun nga lang kung di naman nila inalagaan, pinag aral at pinalaki ng wasto eh ano kaya mapapala nila? Di pareparehas nga nga at mauulit at mauulit muli ang storya.
Iisa lang ang solusyon sa kahirapan, family planning. Kung hindi kayang maibigay ang basic needs ng mga bata wag mag-anak kasi nagiging cycle ang pagiging mahirap. Kung wala pang stable na trabaho wag munang mag-asawa. Kailangan both couple magtrabaho para maibigay ang pangangailangan ng magiging anak.
saludo parin ako sa inyu namumuhay kayu nang marangal.. lumalaban kayu nang parihas.. pinapakain ninyu ang pamilya ninyu nang marangal mas basura ung kinakain nang mnga magnanakaw at ung gumawa nang hindi mabuti kahit pa galing sa maayus na resto o fastfood pa ung pagkain nila..
no offense,but i'm so sorry to disagree ..... breeding too much kids that you can't afford to feed good food & educate isn't considered a smart move ...... & also when you keep voting these corrupt politicians & their super corrupt political dynasties isn't a smart either ..... i think we all know where these uneducated voters came from who like to keep voting these corrupt politicians & their super corrupt political dynasties who doesn't care about the philippines again & again & again ..... if we vote for the good politicians,our economy will improve & everyone will have good jobs (unless you're lazy) & the philippines will become a developed country like our asian neighbors singapore, malaysia ,south korea & japan ...... & our passport will become stronger & we don't need to get visa to travel around the world (well,most countries,as long as the philippines have a good relationship) ..... but you know what i'm saying .....
@@johnnier.o.d4746 everyone is entitled to their opinions but we are not in their situations its easy to give our side. I still believed that no one would like to be in that situations.
Pilipinas sana ang isa sa mga bansa pagdating sa Manufacturing and trade at hindi China . Malaki maitutulong para marami mabigyan ng trabaho . Kaso sa sobra corrupt ng gobyerno marami international investors at company na takot mag outsource sa pilipinas 😢
Mindset diskarte sa buhay kailangan para maka ahon, hinde ang sisisihin ang gobyerno dahil mahirap, wag anak ng anak na di kayang buhayin... Tamang education ang kailangan ng mahihirap na pilipino para mag iba pananaw sa buhay...
Family planning tlga ang solusyon s ating bnsa kc sobrang dami Ng Tao satin. Ieducate sna mga bata regarding dito. Pra maputol n ung vicious cycle Ng kahirapan s bnsa...
Corruption ang pinaka problema ng bansa. Kung walang corruption mas may confidence ang mga investors, dadami ang trabaho. Kung walang mga kurap na politiko madedevelop ang mga probinsya at makakahikayat ng mga mamumuhunan, dadami ang trabaho at yung mga tiga probinsya di na makikipagsiksikan dito sa Metro Manila. Dadami ang opportunity pag maraming investors. Kung maraming trabaho di mo ma kailangan mag family planning kasi kaya mo na buhayin ang pamilya mo.
@@pollyannaleaves213 my point k Rin nmn kc dahil din s corruption nppabayaan ung mga ordinating Tao...pero nid p Rin ntn Ng family planning at control s sarili kc Dadami p Rin mga Tao pgdating Ng tym...magkaubusan Ng mga resources. Bnsa ntn...
@@johncarlopascual4228 Normal na proseso ng pagiging tao ang procreation, ang problema yung sistema. Kahit 7 or 9 anak mo kung may maayos na trabaho ka di mo poproblemahin yun. Kung nasa lower social class ka naman dapat may maayos na free education system tulad sa ibang bansa. Para bigyan ng chance makapag aral ang mga walang pampaaral. Mula kinder hanggang college dapat. At ang mga state universities tulad ng UP, PUP ay maging exclusive lang sa mga estudyanteng walang wala talaga. Di tulad ngayon mga estudyante sa UP puro anak ng mga burgis imbes na anak ng mga uring mangagawa. Kaya lang naman di maputol putol ang kahirapan sa isang pamilya dahil di makakuha ng maayos na edukasyon ang mga anak ng mga maralita. Tapos yung VP na DepEd secretary daang milyon ang kukurakutin sa 'confidential fund' nya. At imbes na iimprove ang mga facility at curriculum ng mga public schools inuna pa yung pagtuturo daw ng tamang pag sisipilyo. lol. Tanginang bansa talaga 'to. Puro mangmang ang mamamayan na nagluluklok ng mga magnanakaw na lider kaya di malayong magaya tayo sa Sri Lanka at Venezuela.
Kaya kapag may event Aku..Its really breaks my heart kapag maraming Pagkain at inuming sinasayang..kasi napakaraming Tao sa mundo especially in our county na nagugutom tapos yung iba sinasayang lang yung Pagkain..
Ito mga tao na dapat tulungan talaga natin at ng gobyerno sila yong mga kapos palad na nangailangan ng tulong...magpasalamat parin k lord dahil nkakaraos sila sa pang-araw araw....godbless you all..☺️🙏
Tama ka pero mabuti may pambili pa ng cellphone yung iba sa kanila, nakita mo kinukuhaan pa ng video si kabayan 😂 nakita mo rin ba yung lugar nila? kahit mahirap pero ang daming bata.. siguro minsan yung problema nasa kanila din kaya kahit ano pa sigurong tulong ang ibigay walang mangyayari.. opinion lang naman..
@@jakejake8921 Sabagay my point ka rin brader..kahit tulungan natin sila at ng gobyerno nasa kanila parin ang desisyon at gawa...para sila umangat..salamat sa sa opinion mo..godbless..☺️🙏
Ang hirap ng buhay nila pero pwede nila baguhin ang pamumuhay sa sipag at tyaga sabay sa bagong pangarap.Wag po kayong makontento sa ganung stado nalang.
,..ang tibay mo kabayan!👌👌👌😛😛😛, takbo ka ulit tas tulungan mo mga yan..,👍👍👍 satin, wag mag aksaya ng pagkain, ganyan kahalaga ang pagkain sa mga mararaming nagugutom.
Ganyan din buhay namin dati, tiwala lang sa Diyos at sipag, ngayon graduate nako at May maayos na trabaho, proud ako na malayo na kami sa ganyang pamumuhay.
Wag kang mag-alala marami pang tao hindi tiwala sa family planing so hindi uubos yan.
sana wala ng ganyan sa mga kababayan natin
Nice one Sir tuloy Ang buhay...mabuti at nabago mo na Ang takbo Ng pamilya nio Godbless
Ganyan din kami noon ng itay at inay at isa kung kapatid.Nag aral at nakapagtapos ako.Sampung taon na akong public school teacher.
Golden era na ano ka ba
WOW TINIKMAN DIN NI KABAYAN NOLI ANG PAGPAG👏👏👏 sana nga dumating ang araw na lahat ng mga pilipino ei magkaroon ng hanap buhay at hindi na umaalis ng bansa para sa iba manilbihan
Xmpre dhl mkkta on cam e,,, bise presidente xa d nga nya mtulungan mga sobrang hirap n tao,
🤣🤛🤭
@@jacquelinemacapagat1909 mangmang
@@gianmartintv685 muka mu😂
PUBLICITY LAPIT NA ELECTION 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂 JUSKONG MGA KAWATAN SA GOVERNMENT MAG AAWAY AWAY NANAMAN SILA SA POSITION.
Grabe ung gnawa ni Kabayan Noli nung kumain dn sya ng Pagpag. Nkka amaze. Much appreciated. Kudos. 💯💯
Family planing is the key to avoid poverty. Mindset ng karamihan mag asawa agad, magkaanak kahit dipa nakaka ahon sa hirap at wala pang natapos. Karamihan minor pa ang edad may anak na. Kaya sabi nila ang mayayaman lalong yumayaman at yong mahihirap lalong humihirap kasi kung sino pa yong mahihirap sila pa ang maraming anak.
Unang-una mag aral ng mabuti at kung tamad ka at least manlang maitawid mo hanggang elementary to high school dahil may mga trabaho naman na di na required ang college graduate, then magtrabaho ka mag sumikap mag ipon at pag kaya munang bumuhay ng anak saka kana mag ka anak at yong seguradong may pang tustus ka sa gastosin niya at makakayanan nyong paaralin at mabigyan ng sapat na sustento para ma supportahan sa mga pangarap niya at kung sapat lang ang kinikita wag nang dagdagan ng dagdagan ng anak.
👍👍👍
Sarap Kasi mag ka anak Marami,pag may ipon sagana ❤
Ito ang realidad, mag aral, magsumikap para umasenso, maging simple, mag ipon, wag sayangin ang mga pagkain, maraming taong nagugutom.
ANG HIRAP NAMAN NA MAGING MAHIRAP TALAGA ...KAWAWA NMAN TO...SANA MAKA AHON SA HIRAP GOD BLESSED 🙏🙏♥️
My god Yung IBA Todo reklamo pa SA BUHAY thank you lord kahit kinakapos Hindi niyo po kami nilagay SA ganitong sitwasyon one day Sana Wala Ng makaranas Ng HIRAP 😭😭😭😭
Ibig sabihin mo ba na si Lord nilagay sila sa ganyang sitwasyon?
@@ThePirateyang23 siguro kasi blessings yung 10 nilang anak eh😅
Thank u lord daw at hindi sya nilagay sa ganyang sitwasyon. Kabobohan talaga ng mga maka diyos nato.
Ayus kabayan Nolie tinikman MO ang pagpag saludo po ako sa inyo walang arte arte para din po iwas sa mga bashers God bless po...
iba talaga pag galing hirap...yan si kabayan makatao i proud of you kabayan noli de castro🕊️🕊️🕊️🕊️🕊️🕊️😇😇😇😇😇😇
Tira2x pero ang laking tulong na para sa iba nating kababayan 🥺 Masipag at madiskarte po kayo sa buhay, ang mga taong may kaakibat na ganyang pag-uugali is makakaangat sa buhay ❤🙏 Kailangan lang talaga nating gumalaw para maabot yung pinapangarap natin sa life ❤💖 Kahit nakagraduate ka na sa College hindi patunay na may degree ka na, makukuha ka agad sa trabaho. Sad lang kasi mas priority ng halos lahat yung may experience na. Kaya I salute sa lahat na sa murang edad nagtatrabaho na 💗 Diskarte ang kailangan at productivity para makamtan ang goal sa life 😍❤💖💝
Nkakaawa yung sitwasyon nila pero ang dami din nilang anak kong nag family planning sana hindi ganuan ka hirap ang buhay
Kawawa nman sila.. Hirap din kami pero salamat sa Diyos di nmin naranasan kumain nang pagpag..😌😌😌😌
Ang mga nangangalakal ay nakatulong sa ating environment boxes carton plastics aluminum cans are recycled they contributed to a sustainable resources. God Bless them praying that their children will not stop going to school and finish it
Tumataba pa nga sila sa pagkain ng pagpag.
@@dangil3549 so dyan nlng sila? Kain ka din ng pagpag. Nakakataba pala e
@@aliengod2104 patabain mo utak mo toy sobrang payat na ng utak mo patuyo na hehehe😂😂
Ipgpdadsal.kk kayo😢😢😢😢
😢😢😢
For the fortunate people in these places who have too much food: Next time you throw away left over food, better if you pack it nicely in cellophane or anything of the sort. We may not be able to directly help the starving poor but at least we can make it better for them.
Mahihirapan talaga ang tao na makaalis sa ganyang sitwasyon lalo at ipinapamana pa ang kahirapan sa mga anak, Di lang tulong pinansiyal at maayos na hanap buhay ang kailangan nila.. Kailangan nila ma educate na huwag mag anak ng mag anak, talo pa nila yung mga tao na mas may kaya sa buhay hindi nagpaparami ng anak.. Kagaya niyan si Nanay pati apo pasan sa balikat! anak ng tokwa!
Korek ka.. educating na wag na sila magpalaki ng pamlya nila., dto nga japan 1 or 2 lng b anak . Dto mas kailngan mag parami ng anak dpat dhil sa population kulang na kulang kokonti na bata, mas marmi mattnda na
Tama ka kaya marami mahirap dahil nag aanak kahit hindi financialy stable. ako takot ako mag ka anak kahit 30 na ko at regular sa trabaho above minimum.
Pero sarap na a sarap sila sa pagkain ng pagpag pati reporter napasubo. Kita naman natin nagsisitabaan pa nga sila sa pagkain ng pagpag.
@@richellearante5985 True. If I'm not mistaken legal ang abortion sa Japan. Dapat talaga 2 lang anak para ma sustain yung pangangailangan ng pamilya. Kung sino pa yung mababa ang income at hirap sa buhay, sila pa yung napakamaraming a anak.
Agree
proud ako na sa gantonng pamumuhay kami binuhay ng papa ko ❤️❤️
Sa totoo lang saludo ako sa mga nangangalakal Ng dahil sa kanila nababawasan Ang mga basura god bless Po sa inyong LAHAT 🙏🙏🙏
Madaming mga anak sobra bago dapat mag anak isipin kung may maipakakain
Andami naman kasing anak wala na nga makain lalo lang nila pinahirap ang pamumuhay nila :(
saludo po aq s inyo..atleast marangal po ang kinabubuhay nio..di katulad ng iba ng nanlalamang ng kapwa..at gumgwa ng msama
Happy for them keeping their marriage for better or for worse. Unlike those couple with lots of blessings but still cheating and ungrateful. I wish you happiness and good health to your family.
My choice ba sila? Sa hirap ng buhay makakapag cheat ka pa ba? Sus naman.
@@aliengod2104 🤣🤣 need mo ng money to cheat. Wala na ngang pambili ng food mag cheat pa.
@@progovt1207 kaya nga.
Naranasan ko one day 1 eat kami kaya sinabi ko talaga sa sarili ko magsusumikap ako para d maranasan ng future damily ko ang gutom d ako nkapagtapos ng pag aara nag ofw ako naswerte dahil sa kasipagan napagtapos ko mga kapatid ko at d na kami ngugutom andito ako ngaun sa new zealand❤❤❤ praise God basta magsumikap lang at wag magmadali
Mag asawa
Nakakaawa ang maraming kapwa nating Pilipino, wala nang access ang lahat sa malinis at ligtas na pagkain... Lahat naman, mayaman man o mahirap may karapatan sa malinis na pagkain, maski payak... Family planning ay magiging malaking solusyon sa kahirapan... Saludo sa kasipagan nina Nanay at Tatay, lumalaban sa hirap ng buhay,
yun naman talaga dapat gawing pgdikaya ng tao magfamily planning dahil sa kulang sa kaalaman at kaisipan...dapat ang gobyerno na ang gumawa ng aksyon ..isabatas ang family planning act...yong mga pamilya na walng kakayanan magbigay ng magandang kinabukasan sa mga anak dapat gang dlawa lng anak nila dapat ligation na yan. yon ang solusyon talaga sa kahirapan
Yon na nga mahirap na Ang buhay panay anak pa. Pero saludo parin Ako sa kanila Kasi malakas loob nila sa hamon Ng buhay
Family planning to tlga kailangan ! Kasi ba nman kung sino pa yong mas naghihikahos sila pa maraming anak!! Hindi naman po masama magkaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng needs ng mga bata....
tama, family planning ang kailangan pra hndi na maulit sa next generation.
buti natalo si bam, kasi pagpag ang solusyon nya
@@chiebantayan9471 malakas loob gumawa ulit ng bata
Namumuhay sila Ng marangal.. walang inaapakan at sinasamantala.. saludo pa rin ako sa kanila.. gumagawa sila Ng paraan.. para maka survive
nagiging pabigat lang
Kinakawawa nila mga anak nila. May obligasyon sila bilang mga magulang na ibigay sa mga anak nila yung basic needs ng mga bata. Sapat na pagkain, maayos na pananamit at tirahan, ligtas na kapaligiran at edukasyon.
Mga musmos na bata ang biktima ng maling desisyon nila na magparami pa ng husto ng anak.
Mas mabutii pa nga sila nalaban ng patas walang nilulukong tao
Di gaya duon sa Taragis Challenge na yun
Scripted daw peru ang totoo umamin lang yun dhil naboking
sus. edi kumain ka rin ng pagpag.
😔...hiling ko na sana may mga taong maging financial stable para makatulong sa gantong klase ng kababayan,.. hiling ko din yan sa sarili ko, makatulong khit papano
cayetano 10k😄
wala ng makkatulong kasi ayaw nila umalis Dyan at Kung my tolong man sila matanggap I wawaldas lang din at babalik din sila
kailangan muna nilang tulungan ang sarili nila, step 1, wag ng magparami
Kung gusto mo makatulong kaya mo.
Ako hiling ko matututo na mga pilipino magfamily planning at wag mag anakan ng maganakan ng madami kung di rin lang nmn kayang buhayin.
9:49 amazing lahat may phone na no mapa mahirap or mayaman.. kaya lahat may access na sa information❤️ love it
ang lakas pa ni nanay. sana bigyan pa sya ng kalakasan silang mag asawa n lord at mka tamasa ng magingawang buhay pa.
Masaya sila kahit mahirap Ang Buhay💞
Sana ito ay mapansin ng gobyerno ❤️🙏 ipapanalangin ko sana po siswertehin din kayo ❤️
Kaya importante tlga ang edukasyon..kc kung mga edukado sana cla hindi na nila need pa mamulot ng pagpag cempre may magnda sana cla kinabukasan,,kaya eto tumatatak sa isip ko kya gusto ko makapag aral ulet at tapusin ang college para mapag tapos ko rin ung anak ko in the near future
HA? HINDI NILA KASALANAN NA HINDI SILA NAKAPAG ARAL KAYA NAG HIHIRAP SILA. Kasalanan yan ng gobyerno kung paano sila katanga mag handle ng tao nila. Ang low minded mo, education is never the solution to poverty, itatak mo sa utak mo yan!
exactly po pero kailangan din natin maintindihan na hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng opportunity na makapag-aral sabihin man nating oo may public schools na libre pero hindi naman talaga libre mag-aral iisipin pa ng pamilya nila yung baon, transportasyon, mga libro, mga kagamitan at uniform kaya nasa gobyerno na talaga para maayos ang sistema nang edukasyon para magawang libre talaga 💓
Kung ako ang anak na napagtapos ni nanay. Hindi ko matitiis na manatili sa ganitong sitwasyon yung pamilya ko. Though hindi ko naman responsibilidad na ihaon sila sa kahirapan pero kahit konting pangarap man lng pra sa kanila.
Agree
tama!
Choice nila maging mahirap, kung ayaw mo mahirapan sa buhay wag ka muna mag anak simple.
Nasasabi mo yan kasi meron ka!! Wag masyado mapagmataas!!!Kasi bilog ang mundo!!!
para naman pong di nakikitang nagmamataas yung comment. it's just stating the fact and not a mockery which is true and real talk. Somehow kakulangan din ito ng dswd sa kanilang paligid, dahil hindi nila nagagabayan ang nasasakupan para magconduct ng outreach program for family planning, kase yung mga ganitong estado ng pamumuhay lalo na't kapus sa pagaaral ay kapus din sila sa kaalaman. kaya ang nangyayari sa kanila naging outlet nila ang gumawa ng bata.
masakit pero totoo naman .. kung sino pa walang wala sila pa pinaka marami anak kaya ang kahirapan naippasa pa sa anak nila 😢
Huwag naman i generalize. Life is unfair and not everyone has a choice.
Mayron Ka Kasi Kaya nasasabi mo Yan upakan Kita Makita mo ..
Mawawalan Ka din Hindi pera ..
Kamag anak
Pagpag Ata yung Nakain namin dati mag asawa.ok Lang sa akin malakas yung sikmura ko.pero yung asawa ko muntikan na talaga...pero gdbless sa inyo Sana mabigyan kanyo ng pansin ng ating government.nakakaawa mga situation Nila.
Mappaisip ka tlga na maswerte prin tau kumpara sa iba...kya lagi taung mgpasalamat sa grasya nten araw araw sa dios☺
It's safe to eat that basta nadarang na yan ng matagal sa apoy. I'll always think about it pag kumakain sa labas just to remind me how lucky I am to have such a great life. Galing din kami sa hirap and I pursued really hard to be where I am right now.
Kung anak nya dalawa lang at tinutukan ang pag aral maka ahon silà sa hirap.
Bawal po ang pag2x.
Kakain ka ba ng pag pag?
No it is not safe to eat!
@@moviequeenbee Niyek? sure ka tea? kumakain ka nga ng jollibee eh. Haha. sure ka ba malinis mga food dun? nagwork ako sa jolliber ayoko na lang mag talk!
Nanay deling at tatay aden ko po yan,,,ingat po kayo lage alagaan po ninyu ang inyung kalusugan,,,nawa ay gabayan po kayo ni lord...sana mka bakasyon kayo sa Leyte miss ko na kayo..
Family Planning is the Key ❤️
Mahirap talaga maging mahirap pero sa mga nakikita at napanood sa socmed,narealized ko din na d lahat ng mahirap nakakaawa at d lahat ng mayaman kaiinggitan kaya merong mayaman na nagsuicide at malungkot at may kahit mahirap masaya.kelangan makontento at mgpasalamat sa blessings ni Lord🙏🙏🙏🙏
.
Wag na isama ang mga mayayaman dito. Sabihin nalang nating walang program ng sustainable ang LGU para sa mga mahihirap. Ang mga tinutulungan lang ng mga mayors ay ang mga kaayado nila at mga tao nila..
Kaya yung sinabi mong masaya sila mali yun. Kasi hindi po yan ikinasasaya. Kapanayaan po ang nakikita ko dito.
Dinamay pa yung mayayaman, eh di naman tungkol sa mayayaman ang punto ng video. Napapaghalataang insecure ka sa mayayaman lol maisingit lang eh.
Iba Po Ang depression and iba din Po Ang kahirapan
Family Planning is the Key.
Iba ka tlga kabayan kahit na angat ka sa buhay hndi kA Maarte sana hndi lng sa harap ka Ng camera ganyan..ung pagiging coboy mo god bless you more power sa programa nyo
Sana po makabalik nlng sila sa probinsya nila para makapag tanim para di sila magutom at baka magkaroon ng kabuhayan pa
after seeing this snippet I started to be grateful for my life, my brother is healthy. greetings from🇮🇩
This is WOW
Because a lot of people are soooo in need of food, in Africa there’s starvation
God bless you all! Praying for your community to come together and help each other, every life is sooo precious in the eyes of the LORD CHRIST JESUS
KE AKUA
KUMUKAHI
IESŪ KRISTO
AMENE
AMENE
Ganyan talaga ang buhay, may subrang mapaka yayaman mga tao at my subr din mahihirap na tao, hnd nman pdi lahat mayayaman,
Alhamdullillah...even we're not rich very thankful to Allah nakakain kami ng Tatlong beses o higit pa 😌 sana matugunan na Kahirapan it's breaking my heart to see this may mga tao pala na ganito akala nasa drama lang papaano nakaka lunok o nakaka tulog ang mga corruption sa ganitong nangyayari 😔😔
Ilang beses ko Ng napanood itong segment na pagpag sa ibat ibang program..pero iba or rin tlga pag SI kabayan Noli de Castro Ang magbalita...
Diyos Ko.. i can't help but cry..
Kabayan matagal Napo AKO naka subaybay lahat ng MGA blogger or media na naka docu SA MGA taong pagpag.salute po AKO SA enyo at itoy na feature na Naman po ninyo sila
Pasalamat tayo may mga taong nangangalakal paano nalang ang kalat sa paligid kong wala sila mas madumi ang kapaligiran
Hala subra Naman ka hirap Ng Buhay kaya talaga masasabi ko na blessed padin kami na nasa probinsya lumaki kahit mejo hirap di Naman Namin naranasan Kumain na ganyang food! Laban lang kayo nanay hirap Ng Buhay makaka ahon din kayo
Grabi, parami ng parami ang mahihirap sa bansa
sarap kaya ng pagpag basta ayusin lang ang pagluto nakakamiss ang pagpag
Nakakaawa naman:( Sana mga kababayan mag famiy planning tayo:( bukod s kawawa tayong mga magulang, mas lalong nakakaawa ang magging anak natin:(
Kalimitan pa pag madaming anak, yung mga anak maaga ndn nagaasawa:(
Godbless po mga kababayan!!! Hindi po kayo pababayaan ng nasa Taas!!!
Lumaki ako mahirap kaya cnabi ko sa sarili ko ayoko maranasan ng mga anak ko ang hirap😢 nagsumikap d nga ako nakatapos ng skul nagabroad ako naswerte dahil ngsumikap awa ng dios d na kami ngugutom ng pamilya ko pinagtapos ko yung mga kapatid ko
Nakakaawa yong mga kababayan natin na nasa ganyang sitwasyon.😢😢 Sana makaahon sila sa kanilang kahirapan.
Nakakaawa po tlg lalo na kung sa ganito pong interview na buong mundo makakita eh 500 pesos lang po ang naiabot sa knila
Kasalanan din naman kasi nila, sobrang hirap na nga tas mag’aanak pa ng 10
Noli decastro.. true journalist.. keep going sir Noli..
So sad! daming mga kabayan natin tulad nito. Kung malapit lang ang pinas iipunin ko talaga lahat ng pagkain at mga gamit na tinatapon dito sa america para mapakinabangan pa ng iba. Laban lang mga kababayan may awa ang diyos😊❤
A few years ago I went with my sister to her kids school and I was surprised to see the kids throwing their rationed food in trash cans. How I also wish that I can throw right there to the Philippines for the poor kids especially the milk in tetra packs. Also packed foods that expired only a day or two. So much food wasted.
@@progovt1207 totoo po sobrang nakakahinayang ng mga tinatapon nila kung sa pinas yan walang masasayang
Nakaka miss gantong segment mo kabayan da best k tlga
Mahirap talaga maging mahirap.
Hanggang ngayon ganyan ang kinakain ng pamilya ko sa Cavite.paborito ko ang pagpag dahil lumaki akong araw araw pagpag ang kinakain.
Yung mga taong may maayus natrabaho pero panay ang reklamo sa buhay panoorin nyo ito, sila yung mga taong kapos sa kabuhayan pero nagsusumikap mabuhay para mairaos ang kanilang pangarawaraw. kapos man pero makikita mo na pantay kung lumaban at hindi dinadahilan ang kahirapan para gumawa ng masama.
Sabihin mo sa mga politiko mismo yong reporter na naging Vice President wala naman din ginawa.
Prayers lang po nanay khit anong hirap sa buhay basta nka kapit tyo kay Lord walang imposible
sa buhay....makkaraos din. Remember abg buhay parang gulong minsan nasa ibaba maaaring bukas ikaw nman nasa itaas basta patuloy lng tyong manalig at manalangin sa kanya.
& the 3 most important things ..... work hard,family planning & stop voting corrupt politicians & their super corrupt political dynasties ...... if you pray everyday but you also give birth every year then still that won't solve the problem ...... so if you want a progressive life & progressive philippines .... do the 3 things ......
Kawawa namn sila, naaalala ko nanay at tatay ko mahirap lng din kami,
Ngayon okay na kayo?
Sari2x laway na Yan. Sana mka kuha kayo Ng mapagkakakitaan n maayus.
karamihan ng mahihirap ang daming mga anak kaya mas lalong naghihirap, ang masama pa pag di makapag aral lahat ng anak damay damay na lahat pati yung mga ng anak ng mga anak nila maghihirap.
True po! Kung sino pa kasi mas mga naghihikahos yung pa maraming anak!!! Hindi nman masama sa pagkakaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak nila.
Blessing daw po kc ang mga bata kaya gawa na lang sila ng gawa. Di nila alam na pag blessing dapat ingatan mo kaso iba ang pakahulugan ng marami sa salitang blessing... Iniisip nila pag madaming anak mas may chance na mas maraming tutulong sa kanila balang araw.. Yun nga lang kung di naman nila inalagaan, pinag aral at pinalaki ng wasto eh ano kaya mapapala nila? Di pareparehas nga nga at mauulit at mauulit muli ang storya.
Salamat kabayan, eto tlga type at gusto panuorin sa youtube
Iisa lang ang solusyon sa kahirapan, family planning. Kung hindi kayang maibigay ang basic needs ng mga bata wag mag-anak kasi nagiging cycle ang pagiging mahirap. Kung wala pang stable na trabaho wag munang mag-asawa. Kailangan both couple magtrabaho para maibigay ang pangangailangan ng magiging anak.
Sarap! 😋
Swerte pa din kaming nasa probinsya hindi ka magugutom pag masipag ka libre pa minsan gulay
saludo parin ako sa inyu namumuhay kayu nang marangal.. lumalaban kayu nang parihas.. pinapakain ninyu ang pamilya ninyu nang marangal mas basura ung kinakain nang mnga magnanakaw at ung gumawa nang hindi mabuti kahit pa galing sa maayus na resto o fastfood pa ung pagkain nila..
Nkkaawa po .pero sa kabilang banda sobra pong nkkataba ng puso kasi hindi sila gumawa ng masama.nabubuhay sila sa kabutihan.pagpalain po kayo ng Dios
Nakaka lungkot at kailanagn gawin ng ating mga kababayan ang ganyang sitwasyon. Iba talaga ang Pinoy maparaan para mabuhay
Masarap po Yan dok aga .Lalo nat adobo
Maparaan sa buhay. Sana yung paraan na yun ginamit nilà para di mag anak ng marami.
no offense,but i'm so sorry to disagree ..... breeding too much kids that you can't afford to feed good food & educate isn't considered a smart move ...... & also when you keep voting these corrupt politicians & their super corrupt political dynasties isn't a smart either ..... i think we all know where these uneducated voters came from who like to keep voting these corrupt politicians & their super corrupt political dynasties who doesn't care about the philippines again & again & again ..... if we vote for the good politicians,our economy will improve & everyone will have good jobs (unless you're lazy) & the philippines will become a developed country like our asian neighbors singapore, malaysia ,south korea & japan ...... & our passport will become stronger & we don't need to get visa to travel around the world (well,most countries,as long as the philippines have a good relationship) ..... but you know what i'm saying .....
@@johnnier.o.d4746 everyone is entitled to their opinions but we are not in their situations its easy to give our side. I still believed that no one would like to be in that situations.
lalo na sa paggawa ng bata
Iba talaga dumiskarte ang pilipino.. kahit ano nagagawan ng paraan... ganyan din samin sa payatas...
Pilipinas sana ang isa sa mga bansa pagdating sa Manufacturing and trade at hindi China . Malaki maitutulong para marami mabigyan ng trabaho . Kaso sa sobra corrupt ng gobyerno marami international investors at company na takot mag outsource sa pilipinas 😢
Mindset diskarte sa buhay kailangan para maka ahon, hinde ang sisisihin ang gobyerno dahil mahirap, wag anak ng anak na di kayang buhayin... Tamang education ang kailangan ng mahihirap na pilipino para mag iba pananaw sa buhay...
Di bale mahirap , mayaman naman sa mga anak , hindi man lang nag family planning!
Yan ang broadcaster hindi maarte..kumakain din ng kung ano ang hinahayag nya . Godbless sir nolie de castro
Family planning tlga ang solusyon s ating bnsa kc sobrang dami Ng Tao satin. Ieducate sna mga bata regarding dito. Pra maputol n ung vicious cycle Ng kahirapan s bnsa...
Corruption ang pinaka problema ng bansa. Kung walang corruption mas may confidence ang mga investors, dadami ang trabaho. Kung walang mga kurap na politiko madedevelop ang mga probinsya at makakahikayat ng mga mamumuhunan, dadami ang trabaho at yung mga tiga probinsya di na makikipagsiksikan dito sa Metro Manila. Dadami ang opportunity pag maraming investors. Kung maraming trabaho di mo ma kailangan mag family planning kasi kaya mo na buhayin ang pamilya mo.
@@pollyannaleaves213 my point k Rin nmn kc dahil din s corruption nppabayaan ung mga ordinating Tao...pero nid p Rin ntn Ng family planning at control s sarili kc Dadami p Rin mga Tao pgdating Ng tym...magkaubusan Ng mga resources. Bnsa ntn...
@@johncarlopascual4228 Normal na proseso ng pagiging tao ang procreation, ang problema yung sistema. Kahit 7 or 9 anak mo kung may maayos na trabaho ka di mo poproblemahin yun. Kung nasa lower social class ka naman dapat may maayos na free education system tulad sa ibang bansa. Para bigyan ng chance makapag aral ang mga walang pampaaral. Mula kinder hanggang college dapat. At ang mga state universities tulad ng UP, PUP ay maging exclusive lang sa mga estudyanteng walang wala talaga. Di tulad ngayon mga estudyante sa UP puro anak ng mga burgis imbes na anak ng mga uring mangagawa. Kaya lang naman di maputol putol ang kahirapan sa isang pamilya dahil di makakuha ng maayos na edukasyon ang mga anak ng mga maralita. Tapos yung VP na DepEd secretary daang milyon ang kukurakutin sa 'confidential fund' nya. At imbes na iimprove ang mga facility at curriculum ng mga public schools inuna pa yung pagtuturo daw ng tamang pag sisipilyo. lol. Tanginang bansa talaga 'to. Puro mangmang ang mamamayan na nagluluklok ng mga magnanakaw na lider kaya di malayong magaya tayo sa Sri Lanka at Venezuela.
Kaya kapag may event Aku..Its really breaks my heart kapag maraming Pagkain at inuming sinasayang..kasi napakaraming Tao sa mundo especially in our county na nagugutom tapos yung iba sinasayang lang yung Pagkain..
Ito mga tao na dapat tulungan talaga natin at ng gobyerno sila yong mga kapos palad na nangailangan ng tulong...magpasalamat parin k lord dahil nkakaraos sila sa pang-araw araw....godbless you all..☺️🙏
Tama ka pero mabuti may pambili pa ng cellphone yung iba sa kanila, nakita mo kinukuhaan pa ng video si kabayan 😂 nakita mo rin ba yung lugar nila? kahit mahirap pero ang daming bata.. siguro minsan yung problema nasa kanila din kaya kahit ano pa sigurong tulong ang ibigay walang mangyayari.. opinion lang naman..
@@jakejake8921 Sabagay my point ka rin brader..kahit tulungan natin sila at ng gobyerno nasa kanila parin ang desisyon at gawa...para sila umangat..salamat sa sa opinion mo..godbless..☺️🙏
Kudos to Kabayan, kahit dating bise presidente ng Pilipinas, mayaman, at sikat di nag atubiling tikman ang pagpag.
Laban lang po mga Kabayan basta Gumawa ng Marangal.
Kaya magpasalamat kung ano man ang nasa hapag kainan. Sana mapanood to ng mga nasa tungkulin. Mga kurakot na msasarap ang pagkain sa araw araw
ANG HIRAP MAGING MAHIRAP! 💔
Napaka importante talaga nang family planning po.
Ang hirap ng buhay nila pero pwede nila baguhin ang pamumuhay sa sipag at tyaga sabay sa bagong pangarap.Wag po kayong makontento sa ganung stado nalang.
Masarap talaga ang pagpag nakatikim nako nyan dati
Masisipag naman ang pinoy. Sana man lang may mga livelihood na magbibigay sakanila ng permanteng pagkakakitaan
masipag rin magparami ng mga anak..
Iba ka tlaga kabayn NOLI.. Pang masa.. Sana mag SENADOR ka ulit. 👍👏👌✌️🙏🇵🇭
iba ka talaga kabayan ,sana bumalik na kayo sa tv
Nkaka Lungkot naman buhay ng ibang Mamamayan ng Bansa 😔
Pero nkakatuwa si KABAYAN Walang arte tinikman nya ang Pagpag 😊
Nabuhay sila SA malinis na paraan 😢
Ok ka talaga kabayan Hindi ka maarte ganyan ang tunay na pilipino
MayGod bless you Ate and your family 🙏🙏🙏
Importante mabuhay ka sanay tayo sa hirap mga mahihirap kaysa gumawa ng msama konting tiis lng may awa ng diyos
Nakakadurog ng puso 😢💔
Ang bait Nan ni sir di maarteng tinitikman
Dapat mapanood nina Bong Revilla at jinggoy to para ma konsensiya sila at lahat ng corrupt sa gobyerno 😢😢
Hindi kakain yan ng pagpag hahaha pakainin nalang natin ng bato!
the best ka talaga KAbayan......
Sobrang hirap talaga ng buhay ngayon mahal na mga bilihin kulang pa sahod sana mapansin tlga ng ating gobyerno ang kalagayan nila