Travel to Sitio Angelo, Brgy. Umiray. General Nakar, Quezon | Delivery of Services and Programs

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 7 сен 2024
  • Narito ang mga highlights sa isinagawang paghahatid ng mga serbisyo at programa nitong nagdaang ika-15 hanggang ika-18 ng Marso, 2022, ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating mahusay at masipag na Action Man, Hon. Mayor Esee Ruzol, sa Bituan, Lukban, Malining at Landing, Sitio Angelo, Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon.
    Ilan sa mga programang personal na inihatid ng ating Punong Bayan ay ang paggawad ng farm thresher, micro rice mill at iba pang mga kagamitang pang-agrikultura sa mga magsasaka ng Sitio Angelo, mga piko at pala para sa mga kabataang nagsasaayos ng daan sa lugar, social pension payout para sa mga senior citizens, inspeksyon at pagsusuri sa ipinapanukalang gawing tulay sa Landing, at iba pang mga programang bahagi ng kanyang mahusay at matapat na paglilingkod-bayan.
    Nakatuwang ng ating Punong Bayan sa gawaing ito ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Kgg. Fabian Villareal, Kgg. Armenio Rillion, Kgg. Manuelito Ordinado, at mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan
    Sa pinakamabilis, matino at mahusay na pamamaraan, ipagpatuloy natin ang tunay na kaunlaran sa ating bayan.
    #ActionManMayorEsee #NakarinKayaNatin #ChampionAngNakarin #DisiplinaMuna

Комментарии • 5

  • @Grandpawillie
    @Grandpawillie 2 года назад +1

    😊👍

  • @elmerbauzon8557
    @elmerbauzon8557 2 года назад

    Nawika ko sa aking sarili...a good public servants....an act of kindness❤...may pusong malasakit sa kanyang kapwa tao...

  • @pablomaquiling9252
    @pablomaquiling9252 2 года назад +1

    Credits sa effort!
    Saan po nag umpisa ang trek nyo Anggat/ DRT po ba crossing to Umiray?

  • @charrisaumentado7804
    @charrisaumentado7804 2 года назад

    Pwede po kaya magvolunteer sumama.? Gusto ko rin marating ang umiray dun sa tulay malapit sa dingalan
    Sa brgy. pamplona lng po ako..