FJ MOTO MOUNTAIN CROSS SERIES: FINAL LEG IN GENERAL NAKAR, QUEZON | MOTOCROSS EVENT HIGHLIGHTS

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 16 сен 2024
  • Narito ang ilan sa mga highlights sa FJ Moto MountainCross Series: The Final Leg na ginanap ngayong araw, ika-13 ng Marso, 2022 sa bayan ng General Nakar.
    Hindi naging hadlang ang maulang panahon sa pagtatapos at pagtatagumpay sa karera ng dalawandaan at labinlimang (215) kalahok na nagmula pa sa iba't ibang sulok ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.
    Nagpakita naman ng buong suporta ang ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol, na nakibahagi mula sa pagsisimula ng programa sa ganap na ika-7:30 ng umaga hanggang sa pormal na pagtatapos ng karera at paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa ganap na ika-3 ng hapon ngayong araw. Ang gawaing ito ay bahagi ng adhikain ng Ama ng ating bayan na makilala ang ating bayan sa pagsusulong ng Sustainable Green Tourism at Extreme Sports Adventure.
    Maraming salamat po sa lahat ng mga nakiisa at nakibahagi upang maging maayos at ligtas ang takbo ng kompetisyon - sa @FJ Moto Enduro at lahat ng bumubuo ng organizing team, sa iba't ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan kabilang na ang MDRRMO General Nakar Quezon, Municipal Health Office, Tourism Office-General Nakar, Quezon, MIO, Tri-Mobile Task Force, BfpGeneral Nakar FS Quezon, General Nakar Municipal Police Station, Philippine Army at Philippine Coast Guard. Sa mga Barangay na nakipagtuwang upang masigurong ligtas ang lahat ng kalahok maging ang lahat ng mga sumaksi sa karera - Brgy. Pamplona, Catablingan, Minahan Norte, Minahan Sur, at mga barangay sa Baybay cluster simula Brgy. Magsikap hanggang sa Brgy. Canaway. Sa mga volunteers na naglaan ng panahon at hindi nag-atubiling tumulong, gayundin sa mga kababayan nating lumahok at matagumpay na natapos ang karera at nakapag-uwi pa ng karangalan at medalya, pinatunayan lamang ng bawat isa na tunay ngang Champion ang Nakarin!
    Turismo’y patuloy na isusulong, ekonomiya’y magkakatuwang na iaangat at ibabangon, at kaligtasan ng lahat ay patuloy na titiyakin sa bayan ng mga Champion!
    #MahusayNaPagtutulungan #StrongerTogether #ChampionAngNakarin #DisiplinaMuna

Комментарии •