"KAILAN KA HULING NAGING MASAYA?" Tula ni: Jonah B. Tamondong

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 19 окт 2024
  • Naalala mo pa ba
    yung huling beses kang
    naging masaya?
    Nangangarap ka pa ba
    at naniniwalang isang araw
    lahat ng ito'y matutupad?
    Nasasabik ka pa ba
    sa pagtratrabaho bawat araw
    o sahod ay hinihintay na lamang?
    Ngumingiti ka pa ba
    sa pagmulat ng iyong mga mata
    tuwing gigising sa umaga?
    Tumatawa ka pa ba
    dahil sa labis na tuwa
    o dahil na lang sa pakikisama?
    Kinikilig ka pa ba
    sa katagang "mahal kita"?
    Kaya mo pa bang magtiwala?
    Naniniwala ka pa ba
    na may magandang dahilan
    ang bawat kalungkutan?
    Umiiyak ka pa ba
    sa sakit na nadarama
    o puso'y tuluyang namanhid na?
    Naalala mo pa ba
    yung huling beses kang
    naging masaya?
    "KAILAN KA HULING NAGING MASAYA?"
    Isinulat ni: Jonah B. Tamondong
    #poetry #poem #poetryreading #spokenpoetry #spokenwordpoetry #fyp
    #fyp #fypシ゚viral #fypage #fypシ #langleav #langleavpoem #langleavpoetry #langleavpoetry #poem #poetry #poetryreading #spokenword #spokenwordpoetry #tula #orihinalnatula #tula_jonah

Комментарии •