Life Update| Kabayan Uuwi Na Pabalik Sa Pilipinas| Buhay Canada

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 2 окт 2024

Комментарии • 448

  • @timphiey
    @timphiey Год назад +112

    After 15 years sa Canada, umuwi na rin kami sa PINAS. No regrets. Walang katulad ang sariling bayan.

    • @bornfree1888
      @bornfree1888 Год назад +3

      diba yun naman talaga ang balak ninyo; na pansamantala lang ang pag-stay ninyo sa Canada

    • @timphiey
      @timphiey Год назад +4

      @Born Free no. Not really. Life was good in Canada. The pandemic changed everything.

    • @bornfree1888
      @bornfree1888 Год назад +4

      @@timphieyare you saying that the pandemic did not change anything in the Philippines?

    • @analyncocalon8188
      @analyncocalon8188 Год назад +1

      Tama, I agreed what ur saying ❤.

    • @alice_agogo
      @alice_agogo Год назад +5

      @@bornfree1888 nangyari yan sa pinsan ko. Sabi niya 10 years lang siya sa Canada 🇨🇦 hanggang ngayon andun pa rin siya after 30 years. Kung tutuusin pwede na siyang umuwi kasi retired na siya pero mas gusto niya pa rin dun. Bakasyon lang siya dito every few years. Karamihan din ng kamag-anak namin at kakilala sa North America 🇺🇸 di na bumabalik sa Pilipinas 🇵🇭

  • @vincentcatarroja9704
    @vincentcatarroja9704 Год назад +54

    Tama ka team kaskas kung saan dapat masaya ang tao. Ako nandito sa US 23 years na mag for good na ako sa pinas after my early retirement 4 more years meron na akong nabili na farrm sa quezon province, masaya ako dun pag nagbabakasyon ako theres no place like home talaga.

    • @jbfontz2898
      @jbfontz2898 Год назад

      Vincent yan ang magic number ko 4 more years . Mag early retirement na ko . Ngayon 58 na ko. ❤❤❤

    • @rafaellagman1311
      @rafaellagman1311 Год назад

      Sounds good po. Maganda pinsan farm tahimik Ang buhay at masartmag alaga ng aso, manok at mag tanim2 jan. Good luck pinsan plano nyo👍👍👍 San Jose CA lang po ako

    • @myrnamorales5683
      @myrnamorales5683 7 месяцев назад

      Welcome to phil.😊😊😊😊

  • @WorkAtHomeMom
    @WorkAtHomeMom Год назад +20

    E ready talaga ang mindset if pupunta ng Canada. Less muna ang expectations kasi yong iba gustong yayaman agad. Walang madali na buhay kahit saan lupalop man ng mundo. Ang kasihayan ay hindi makikita sa material things, kundi ang kasiyahan ay makikita sa puso natin, its within us.There's still joy in suffering because eventually it make will make you strong and ready in life. Always keep your hopes up because we know we have God, greater than our problems. So goodluck sa pupunta ng Canada and keep praying.

    • @amparopineda7493
      @amparopineda7493 5 месяцев назад

      Middle east walang tax ,dapat ipon lang ,then uwi pinas ,magpundar sa pinas , health care lang bakit isipin mo magkasakit ,just relax at magpundar back to Philippines masaya buhay dito

    • @Moomai95
      @Moomai95 11 дней назад

      8 years na ako dito sa Canada oy, nag work ako sa Tim Hortons for 2.5 years, sa pharmacy work ko. $21/hr kulang pa rin

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  10 дней назад

      Oo nga po sobrang mahal n tlga lahat ngayon. Pero mag tyga at sipag lang blessed pdin tyo at andtito tayo sa Canada. 🫶

    • @Moomai95
      @Moomai95 10 дней назад

      @@teamkaskas kung sbagay D madali buhay kahit saan

  • @bfnimacreeze1858
    @bfnimacreeze1858 Год назад +8

    Malaking impact talaga sa desisyon un kung saan ka masaya para maluwag s dibdib mong gawin ang mga bagay n gusto mo,At syempre dpt sinupin din ang kinikita wag ibaon ang sarili s mga bagay n hinde importante..Unay Dyos lagi❤

  • @raymondpaterno2800
    @raymondpaterno2800 Год назад +11

    Nakaka-inspire ang Canadian na si Kyle aka "Kulas" na naging Filipino 🇵🇭 citizen na. Ang RUclips channel niya is becoming filipino. Basta maging positibo lang kayo sa imahe ng Pilipinas, aasenso kayo dito.

  • @lyzsantos7813
    @lyzsantos7813 Год назад +5

    tama yan advise mo sir ..dun k s kung san k masaya at mkukuntento ka. nailed it.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +1

      Salamat po mam. Opo yun po ang pinaka importante :) God bless po 💙🙏

  • @raymondpaterno2800
    @raymondpaterno2800 Год назад +5

    Basta solid lang kayo team kaskas kasi magkakasama naman kayo ng family ninyo dyan at parents ninyo sa Canada. Anu mang hirap ang suungin ninyo sa Canada, ang importante ay magkakasama kayo ng pamilya mo sa paghahanap ng solusyon 😊👏

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Maraming salamat po sir. God bless po 💙

  • @Anonymous-xq3cd
    @Anonymous-xq3cd Год назад +26

    I agree dun sa nag post sa reddit to some degree. Pero overall, grateful ako na nandito ako sa US. Its not perfect and if I had the choice i’d rather stay in the PH kasi mas masaya talaga dun. Home is where the heart is ika nga.
    Pero for me, its about sacrifice and delayed gratification. Puro work, aral, save, at ipon lang ako for now. I have my plans. Pero end goal ko is someday to live comfortably without having to work. Kahit mag for good ako sa pinas, the money will keep coming in. Im 31 y/o, single, male, wala pang anak or asawa. Someday gusto ko maka hanap ng wife sa pinas or if dito man sa US is yung babae with the same traditional values tulad ng mga pinay sa pinas. In the future magkaka family din ako at magiging head ng household so dapat lang na pag butihin ko trabaho ko, pag iipon, at pag iinvest. Para later, easy easy na lang ako kahit magpa balik balik ako sa US, PH, Canada, etc.
    Hindi ako nandito sa US para magpasarap. Im here to fight for my dreams. Nandito na ako, ngayon pa ba ako susuko? Laban lang. Atleast in the end, masasabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat at wala ako regrets.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +2

      Napaka ganda po ng perspective nyo sir. Natumbok nyo po. All the best po sir and salamat sa panonood. God bless po 🙂💙🙏

    • @ifyouseejeanne
      @ifyouseejeanne Год назад +1

      That's the right mindset. Financial literacy is the key talaga kahit saan ka pa sa abroad kung hindi din marunong humawak nang pera wala pa din mangyayari sa buhay. Nag sacrifice ka na malayo sa family eh so do the right thing.

    • @gloriaramos643
      @gloriaramos643 Год назад +3

      Mas maganda pa rin sa canada dahil walang marites, walang discrimination at walang age limit sa trabaho sa phil. kailangan 20 ‐25 yrs old with pleasing personality degree holder ang need ng company kaya marami unemployed ...paano kung degree holder pero pangit ka di hindi ka tanggap that's discrimation d2 canada kahit elementary grad k makakapag work ka

    • @talisay2942
      @talisay2942 Год назад +3

      @@gloriaramos643 You live in La La land if you think walang discrimination especially pag coloured ka. Hindi man sabihin sa mukha mo, behind your back is another matter. Like one time dito sa UK, may Filipino Festival sa isang park, madaming Pinoy, dumalo, may pa concert, kung ano ano pa. Here comes, yong 2 Brits na naka inom na, tumingin sa paligid sabay sabi nong isa, "Blimey, they're bleeding ugly, aren't they mate". Reality yan. Sabagay walang perpektong lugar. ☹️

    • @myrnamorales5683
      @myrnamorales5683 7 месяцев назад

      Ganyan ginawa namin now living in phil comptable not reach but not struggling... Goodluck 😊😊😊

  • @bfnimacreeze1858
    @bfnimacreeze1858 Год назад +2

    My point ka s mga sinabi mo host ❤,50 nko pero gusto ko prin magtry pumunta jan s Canada to work and maexperience ang buhay jan ,,Mabuhay ang channel nyo Team kaskas❤❤

  • @tinomanlucu5209
    @tinomanlucu5209 Год назад +10

    Kabayan I admire your frankness and respect for other's decision on where to settle down. When I was younger I also wanted to migrate in US or Canada but many things intervened which hindered my plans so I have come to accept that living abroad is not God's plan for me.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +3

      Salamat po sir. Sa totoo lang po sir kung papalarin na magkaraoon ulit ako ng stable na pagkakakitaan sa Pilipinas balak ko pa din pong umuwi. God bless po sir 🙏

  • @homebased_pinay
    @homebased_pinay Год назад +17

    Whoever posted it on reddit, salute to her/him! Wala ng mas real pa dun when it comes to living in Canada for good!

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +7

      Opo mam. Marami pong nakaka relate sa frustrations nya. Bilib po ako kay sir dahil konti lang po ang may lakas ng loob na magsabi ng sitwasyon nya dito which is madaming makaka relate. Canada may pera talaga dito but the quality of life majority of people life revolves around work. Social aspect of life is lacking. Thanks po sa panonood. I like your vlogs pareho po tayo na passionate sa business. 😊💙

  • @PamorskiVlogsNetwork-vu3tu
    @PamorskiVlogsNetwork-vu3tu Год назад +15

    Hi I m watching your vlogs I m from Sydney,Australia... I can relate to that coz, I m also planning to go back home for good I was migrated yr 1991 after my graduation. I was 23 yrs old at that time I m here for almost 30yrs +. Based on my experience I d rather say Canada and Australia has the same benefits too like health care system and more but, for me, I don't have plans to retire abroad kahit gaano pa sya kaganda uuwi't-uuwi pa rin ako. I finished my college in the Philippine but, when I came over I studied Nursing too I took up Assistant in Nursing, when I finished my course my on the job training for 300 hrs. So to cut the story short, I work in an aged care as AIN then, I become a Diversional Therapist/Recreational Activity Officer then after 8 yrs working in an aged care I worked in the hospital as AIN I worked in Acute Care for 3 yrs, But I left coz, too much pressure and I work double shift, morning and night shift. Mahirap talagang maging Nurse. I worried kasi If I pursued my nursing job bk bumalik ang sakit ko dahil parating puyat at stressed ang job. I m a cancer survivor since 2006. So for over 30 yrs + living in Australia, I m planning to go back home for good. But, before I decided to go home pinagisipan at pinagplanuhan ko na I know I m taking the risk ksi we all know mahirap ang buhay sa pinas But, what I did I save and I invested sa pinas I m an Entrepreneur, Franchisee owner and Real Estate Investor hinanda ko na sarili ko para pag uwi ko di ako nganga at walang pagsisishan sa huli kaya tama ka po kung ano ang sinasabi ng isip at utak mo gawin mo at kung saan ka masaya. Masaya ako kasi makakasama ko na ang pamilya ko especially, my mum who is a widowed and she is now 76 yrs old.

    • @marjorielicup7514
      @marjorielicup7514 Год назад

      That's good to be with your mother, ganyan din plan ko but nagpaalam na mama ko. I have my brother there so I'm still thinking of going home because home is still the best place to retire 😊

    • @roniepalomeno2808
      @roniepalomeno2808 Год назад

      Relate Ako sa mga story mo bilang ofw,me, nag work Ako bilang physiotherapist sa jubail Al fanateer hospital under royal commission sa KSA,22 yrs old Ako that time,1988,it was during gulf war inabot Ako sa pinas Ng gyera,di Ako makabalik,until 1991,naka balik Ako sa ministry dun Ako sa border sa Yemen,malayo at malungkot 300 km.away kmi sa city proper,there was a time na mis na mis ko Yun mga Kapatid ko at parents,homesick kalaban mo sa disyerto,3 mo's Bago dumating Yun mga letters from manila .culture shock talaga kmi,nag apply Ako Ng Canada way back 1996,natangap Ako sa Quebec,umuwi Ako Ng pinas para magpaalam,Dala cguro Ng lungkot at pagkasabik ko sa pamilya at magulang mas pinili ko Ang pamilya di Ako tumuloy mag Canada,so,ginawa ko bumalik muli Ako Ng middle east sa UAE,2002 after 2 yrs 2004 umuwi Ako dahil nagkasakit na Yun father ko at namatay sa cancer,,,,so,heto Ako now sa pinas nagdecide na Lang Ako dto sa probinsya,alam mo ba di ko akalain nandto Pala sa pinas Ang swerte nmin,LAHAT Ng pangarap ko na di ko nabili nun ofw Ako,nakamtan ko LAHAT,nakapag travel kmi ni misis sa Asia,nakapag pundar Ako Ng businesses,cars at LAHAT Ng gusto na di ko nabili nun nabibili ko na at higit sa LAHAT kapiling ko mga parents ko Bago sya namatay...Kya alam ko Masaya cla na nagkasama kmi at naalagaan ko sya Bago pumanaw.....gudlak n stay healthy....God bless

  • @recon1925
    @recon1925 Год назад +10

    Yung relatives ko nga 35 years sa US mataas ang position sa company pero nag for good pa din sa Pinas. Yung tita ko since 1987 sa US working sa gobyerno pa retire na sya uuwi na din Pinas. Iba talaga buhay sa sariling bansa

    • @marjorielicup7514
      @marjorielicup7514 Год назад

      Mot retirees do this, Ang bansa g sinilangan pa din an best place😊

    • @MrEpascual
      @MrEpascual 2 месяца назад

      Thats the plan, go back home, enjoy life and share your blessings. Invest while you can, do not spend it all in luxurious lifestyle. Ang sarap magbakasyon sa Pinas kapag may sarili kang properties and investments, hindi mo iisipin ang panggastos dahil pinaghandaan mo lahat. Stay healthy and happy...

  • @EvendimataE
    @EvendimataE Год назад +12

    NAG MIGRATE AKO SA CANADA IN 2005. HINDI KO RIN NA GUSTUHAN DAHIL SOBRANG LAMIG. PERO BAGO AKO UMUWI INAYOS KO MUNA ANG CANADIAN CITIZENSHIP, PARA KUNG MAG BAGO ANG ISIP PWEDENG BUMALIK

    • @nowelldomagas
      @nowelldomagas 6 месяцев назад

      Ano pong update sa inyo? Plan narin namin umuwe ng pinas dahil katulad ng iba hirap magalaga ng mga bata lalo may baby ukit kami. 😢

  • @eduardoferrer3514
    @eduardoferrer3514 Год назад +3

    Iba rin ang buhay sa pinas kpag marunong ka rin doon lalo't nakaipon ka sa pag aabroad mo meron karin patutunguhan ang buhay mo doon dahil ang buhay sa pinas ay magaan at simple basta marunong kang magmanage sa kinita mo sa pag aabroad. Compare to canada maganda dahil iba rin ang weather condition din diyan. Pero ang suma tutal kung saan ka masaya doon ka.

  • @peachygulanes8813
    @peachygulanes8813 Год назад +17

    Very well said bro we are same sentiments regarding sa living abroad . Akala nila masarap ang buhay abroad . 30 years na ako sa Australia na sa akin na lahat pero bakit ganun di pa rin masaya tuwing umuwi sa pinas iba yun feeling kahit konte lang ang ulam sa lapag masaya pa rin . Good luck sa inyo . Ito nababalak na din umuwi ng pinas at mag negosyo. Someday baka magkita din tayo . New subs here .🇵🇭🙏🥰🇦🇺

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po kabayan ramdam ko po ang comment nyo. Ganyan din po ang pakiramdam ko. God bless po 💙

    • @erwineogawa6007
      @erwineogawa6007 Год назад +5

      Kami nxt wk Monday 4good na 35 yrs d2 sa japan, @ 60 time to retire

  • @PayapaTV
    @PayapaTV 9 месяцев назад

    100% brother 🤙 that is the same reason kaya uuwi nadin kami ng pinas for good galing dito middle east. hindi lahat tungkol sa pera, pero malaking pasalamat namin kahit papaano nakaipon at nakapundar..panahon naman para magnegosyo hanggat malakas pa..gusto ko din yung pagiging natural mo sa vlog, dahil dyan sub ako sayo 🙂

  • @rafaellagman1311
    @rafaellagman1311 Год назад +4

    Kabayan Yung kwento mo parang dito rin sa US, however a little bit better lang Ang life. Mejo ok naman dito basta may work ka mabibili at makukuha mo lahat ng gusto mo. Nurse ako dito since 2007 pero nagsawa ako. Halos 16hrs ako araw2 ang laki ng sahod at makakapag ipon ka agad, makakapag travel, mabibili Ang gusto at makakain lahat ng masasarap na restaurant pero parang nagsawa ako at parang hindi ko makita yung buhay ko na trading time for money. Imagine working for the rest of your life till you retire and hoping na ma enjoy mo yung few years remaining sa buhay mo. Now I'm planning to do a small business sa pilipinas kahit ano lang to make me some money pambayad ng food, kuryente at tubig. Hindi ko na hinahangad ang malaking sahod, ang importante masaya ako. I hope I'm not making the wrong decision. If ever cguro kung hindi man ako mag succeed sa pinas, I can always come back to US and work as a nurse ulit. As for now buo na loob ko umuwi muna ng pinas early next year 2024. I will take the risk bahala na. This time cguro asikasuhin ko muna sarili ko. Na pabayaan ko sarili ko walang tulog, walang exercise at kinakain nalang kahit ano dahil sa double job ko. Alam ko maraming makaka relate sa sinabi ko lalo na mga nag double job na katulad ko. Well bihira naman yung 1 job lang sa sobrang daming binabayaran. Reply lang po kayo sa tingin nyo po sa decision ko.

    • @maureentabla935
      @maureentabla935 Год назад

      Just folllow po the desires of your heart n you'll never go wrong. Happiness is within us and not n materialistic things.

    • @libralife420
      @libralife420 Год назад +1

      Ofw din po ako dito sa uae at gusto ko na din umuwi sa atin at mag tayo ng small business kahit 4yrs pa lang ako dito, minsan talaga hindi palaging pera2 lang mas importante pa din talaga ang kalusugan natin at kaligayahan ng puso kasi kahit kumita tayo ng malaki palagi tayo nag hahangad ng mas malaki parang nagiging walang kakuntentuhan na tayo sa buhay kaya mag tatake na din ako ng risk gaya nga ng sinasabi palagi ng mga tao na maiksi lang ang buhay natin piliin natin maging masaya, piliin natin palagi kung saan tayo mas sasaya mas masarap gumawa ng mga memories na kasama ang mga mahal sa buhay kahit minsan kinakapos importante nakakaraos at di nagugutuman kesa kumayod ng kumayod ng kumayod hanggang sa di natin namamalayan na tumatanda na tayo at ang daming oras at panahon na nasayang kakahanap ng pera pero di pa din maligaya, tapos isa isa na nawawala ang mga mahal natin sa buhay kakatrabaho dito sa abroad, na di man lang natin naenjoy na kasama sila kasi palagi tayong nag hahabol sa pera.

    • @rafaellagman1311
      @rafaellagman1311 Год назад

      @@libralife420 tama, I agree with you kabayan. Choose life, choose to be happy. Ang pero kikitain lalo na kung masipag ka pero Ang oras pag nawala hindi mo na maibabalik. Take the risk 💪💪💪 ganyan din gagawin ko next year kabayan 💪

    • @Coring55
      @Coring55 Год назад

      Kung nakaipon ka na … pwede ka nang mag-retire for good sa Philippines. Lagi ka lamang maging masinop at maingat sa kabuhayan mo. Huwag masyadong pamimigay! 🤣

    • @rodman90210
      @rodman90210 Год назад

      Kung maluho ang lifestyle mo baka pag sisihan mo sa pinas.
      Pero if you appreciate simple things then its better to stay sa pinas.

  • @talisay2942
    @talisay2942 Год назад +7

    Kudos to kuya sa realidad ng immigrant life. It takes guts to admit na Hindi talaga para sa lahat ang immigrant life, no matter na mayamang bansa pa. Home is where the heart is and that is Pinas. Been in UK for 35 years but still pine for Philippines badly. I live in hope na maka retire there for good and soon. Don't care na free meds, healthcare, etc dito. It's a lonely life especially in old age and you're sickly. BTW, Gusto ko kayo as a couple vlogger, no pretentions whatsoever.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po ng marami. Pareho po tayo ng nararamdaman regarding retiring in the Philippines 💙 God bless po 🙏

    • @libralife420
      @libralife420 Год назад +1

      ​@@teamkaskasOfw din po ako dito sa uae at gusto ko na din umuwi sa atin at mag tayo ng small business kahit 4yrs pa lang ako dito, minsan talaga hindi palaging pera2 lang mas importante pa din talaga ang kalusugan natin at kaligayahan ng puso kasi kahit kumita tayo ng malaki palagi tayo nag hahangad ng mas malaki parang nagiging walang kakuntentuhan na tayo sa buhay kaya mag tatake na din ako ng risk gaya nga ng sinasabi palagi ng mga tao na maiksi lang ang buhay natin piliin natin maging masaya, piliin natin palagi kung saan tayo mas sasaya mas masarap gumawa ng mga memories na kasama ang mga mahal sa buhay kahit minsan kinakapos importante nakakaraos at di nagugutuman kesa kumayod ng kumayod ng kumayod hanggang sa di natin namamalayan na tumatanda na tayo at ang daming oras at panahon na nasayang kakahanap ng pera pero di pa din maligaya, tapos isa isa na nawawala ang mga mahal natin sa buhay kakatrabaho dito sa abroad, na di man lang natin naenjoy na kasama sila kasi palagi tayong nag hahabol sa pera.

  • @cesselaquino8158
    @cesselaquino8158 Год назад +6

    Salamat sa mga honest vlogs nyo. Kasi ako dito ako sa Malaysia, mga naririnig ko lang about sa Canada magada daw, malaking sahod. Ako naman at iba kong kaibigan nag kukumahog din. Planong mag apply. Pero sa mga narinig ko, although di nga parepareho ang swerte sa buhay, matutu nalang akong e appreciate ang trabaho at kinikita ko dito sa Malaysia. Salamat sa AWAKENING. You probably save me sa kung ano man ang ma datnan ko dyan. God bless you always❤

  • @bellecomollob995
    @bellecomollob995 2 месяца назад +1

    Kumusta na kabayan any update sa life nyo sa pinas?planing to go back home with my kids sa pinas for for good

  • @gigiramos8966
    @gigiramos8966 Год назад +10

    I watched you because your are so real no pretensions.walang halong pagpapangap❤nagulat ako while writing a comment na shout out mo name ko meaning ngbabasa kayo ng comment. Natuwa naman ako. Dont mind the bashes madami ganyan talaga stay focus on your life. I admire you and Olga. I hope i can meet you once i visit Toronto. Thank you so much!

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +3

      Salamat po mam. God bless po 💙🙏

  • @recon1925
    @recon1925 Год назад +1

    Hindi lang PERA ang nagpapasaya sa tao tandaan natin yan

  • @Pinoymechanic
    @Pinoymechanic 3 месяца назад

    Mahal nah lahat bilihin at rent ng bahay kahit saan.. im watching from Calgary Canada

  • @ninadejesus9890
    @ninadejesus9890 Год назад +1

    Watching from NZ! Nakakatuwa ka nman magadvice kuya! Real talk pasok sa banga! Kuddos 🥳🥳🥳

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po mam sa panonood. God bless po :)

  • @laarniaquino4718
    @laarniaquino4718 Год назад +1

    Tama ka kapatid, kung saan ka masaya doon ka..

  • @jeanjoycastillo4407
    @jeanjoycastillo4407 5 месяцев назад

    Ako din husto kudin mag try punta ka sa canada

  • @john6986
    @john6986 Год назад +2

    Basta ako masaya ako sa Australia. Bakasyon lang ako sa Pinas at sa iba't ibang panig ng mundo.

  • @regorositnas4720
    @regorositnas4720 Год назад +1

    nice real talk bro kahit malaki sahod dito sa korea o khit saang bansa ka pa,..pansamantalang kaligayahan lang, di madadala sa hukay.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +2

      Totoo yan brother sa totoo lang kung meron tayong sapat na pangtustos sa mga gastusin talagang mas pipiliin ko kung saan ako masaya. Yung pera di natin madadala sa hukay, di rin yan ang makakapag pasaya sa atin. Aanhin natin ang laging naghahabol sa pera kung nakakalimutan na natin magbigay ng oras sa mga mahal natin at mga nagpapasaya satin. Life is very short.

  • @simplyGemfamilyincanada
    @simplyGemfamilyincanada Год назад

    Tama kung saan siya masaya dun siya wala namang ibang magdedesisyon ng sarili nia kundi siya

  • @lyndontheman4093
    @lyndontheman4093 Год назад +6

    Yan ang good content! Real Talk no sugar coating! "We have all different experience in our owned life" No need to be correct for others people decision! Be nice and respectful gesture is much needed in times of tough times!

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Tama po kayo sir. Salamat po 💙😊

  • @rossanamanalo3908
    @rossanamanalo3908 Год назад +3

    Kung Hindi TIIS ALIS!!!Dami satsat🤪Basta kami thankful and happy dito sa🇨🇦😂

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      hehe Gusto ko po yan slogan nyo. TAMA! 💙

    • @nelabisquera2850
      @nelabisquera2850 Год назад +1

      totoo na maganda buhay dito sa canada kung masipag ka !

  • @godfreyjohnmaranon7053
    @godfreyjohnmaranon7053 Год назад +3

    Depende cguro yan kung san ka sa canada..we are living in saskatchewan,simple buhay may mga mall din at establishments na meron ang big city pero ang cost of living ang baba..you can get your own house..un nga lang sobrang lamig sa winter pero its okay pwede naman masanay..and you can visit vancouver and toronto and even usa kung gsto mo kasi nakakapgsave ka..

    • @Filo-Joe
      @Filo-Joe Год назад +2

      Di rin Maganda dyan. Boring. Malungkot.

    • @charitafloria7663
      @charitafloria7663 Год назад

      Punta nalng kayo dto sa vancouver ako na bahala sa acommodation nyo and transportation mga kabayan …❤

    • @hensongadian5693
      @hensongadian5693 Год назад

      Ate charita saan ka sa bc

  • @baldomeromartinez4469
    @baldomeromartinez4469 Год назад

    Very natural at relax Lang ang kwentohan nyu

  • @lessonsfrombert
    @lessonsfrombert 7 месяцев назад

    Paki lagay mo naman sa blog nyo kong kumusta na kayo sa Pilipinas.

  • @ronmoz5815
    @ronmoz5815 11 месяцев назад

    tama po kayo, 33 years ko na rin d2 , ngayun ko natutunan ang system

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  11 месяцев назад

      salamat po sa panonood sir. God bless po 💙🙏

  • @TheEarnestinberlin
    @TheEarnestinberlin Год назад +1

    saw your comment on reddit! Power to you guys hehe

  • @susancuello4073
    @susancuello4073 Год назад +1

    50 years in Canada, kaming magkapatid gustong umuwi for good. No properties pero merong parents ancestral house so asa sa pension. Mindanao naman so cheaper ang cost of living, walang rent. Dito kasi 2k na ang monthly rent

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po mam and happy retirement po. God bless po 💙🙏

  • @ellim.6109
    @ellim.6109 Год назад +12

    Iba't iba talaga tayo ng mga experiences and swerte sa buhay. Sa Pilipinas may mga mayaman, may mahirap. Swerte siguro kami kasi nasa situation kami na mas gusto ko ang life ng family namin dito sa Toronto kaysa sa Pilipinas. Di rin dapat natin icompare na mas maganda magmigrate sa ganitong bansa versus sa ganitong bansa. Goodluck everyone.

    • @alice_agogo
      @alice_agogo Год назад +1

      90% ng kamag-anak at kakilala namin sa North America 🇺🇸 di na bumabalik sa Pilipinas 🇵🇭 except for vacation 9

    • @EssentialActs
      @EssentialActs 8 месяцев назад

      Maraming umuwi rin na nasawi po. Mas maigi na magtyaga. Kasi Mas mataas ang retirement na makukuha. At saka pag hindi ka nagwagi pag uwi babalik ka naman at mag-umpisa muli.
      A friend of mine bought a 3 bedroom house noong caregiver pa lang siya 2013 ata yon. Eh baba pa ng presyo noon. Pag taas ng presyo. Over $100K itinaas ng 2015 lang. ibininta niya. idi masaya ang buhay...

  • @OhayouOhana
    @OhayouOhana Год назад +5

    natutuwa ako na may ganitong vlog realtalk. honestly, nakakatakot maglabas ng realtalk na vlog dahil hindi lahat tatanggapin ito as positive at nakakatulong. mostly iisipan ka pa negatibo, depress dahil sa pagsasabi ng sasaloobin at kung ano ano pa.
    gaya niyo nagbavlog din kami about dito sa canada para di na makabiktima pa ng iba dahil sa maling akala.
    isa din sa nagustuhan kong.vlogger si indianong bisdak. kung may mga ganitong vlog sana malamang di kami tumuloy dito dahil sayang iniwanan namin sa pinas lalo na sa health care dahil sobrang hirap magkasakit dito (base sa experience ko at ng iba na dig kilala ko na kasama dito sa ontario canada)

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po mam welcome po 💙

    • @ifyouseejeanne
      @ifyouseejeanne Год назад +4

      Sabi nang karamihan free healthcare nga daw pero kung iisipin mo di ka naman din e entertain kung hindi emergency yung sakit, tapos may mga napanuod na wala ka daw option to get private healthcare so lahat nang nasa Canada pipila para sa healthcare eh sabi nga nila kulang yung manpower nang nasa healthcare industry eh. Gusto ko magCanada before but I realized na kung may magandang work ka dito sa pinas, may health insurance ka, may HMO, may life insurance etc I think you're good. Libre daw manganak dyan eh hindi ka naman din manganganak taon taon HAHAHA

    • @OhayouOhana
      @OhayouOhana Год назад +1

      @@ifyouseejeanne honestly di din naman masasabi libre health care kasi isa sa requirements para makakuha ng "libreng health care" ay may full time work ng ilang buwan. saka naranasan ko din mahospital kahit emergency pila pa din 😅🤣 kaloka, kaya naappreciate ko pinas kasi sa pinas may bayad man uuwi ka na alam mo na sakit mo saka monthly may check-up anak ko, dito inabot ako ng 6mos para sa wala at taon na anak ko wala pa ding check-up. 😅

  • @marivicmeneses6828
    @marivicmeneses6828 Год назад +1

    Maganda ang buhay sa Pilipinas. Pag may sarili kng business. Blessed ako sa mister ko na prove niya na mayron din opportunity d2 sa pinas. Ng try din akong mg vlog. Kailangan talaga may content tulad ng Conchinillo ni Marvin Agustin. Ng boom din. Bago lng akong vlogger. Thanks to all. Makapasyal din kami jn sa Canada. Hindi na rw kailangan ang visa ngayon jn, sabi nila jn sa Canada.

  • @tereSitafullvlogs
    @tereSitafullvlogs Год назад +2

    Salamat din sa Inyo mga Łódź tuloy lang ninyo pagbavlog first time ko kayong napanood at gusto ko yung pana naw ninyo sa buhay at yung mga tips o payo nyo see you always mga Lodi👍❤️

  • @jingwills6267
    @jingwills6267 Год назад

    I will not go back to the Phils. for good only for vacation although we have a house there. After 35 years in the USA, I'm used to the way of living here and I swear I can't live in the super-hot climate over there. I live in the Northeast part of the US, and I love the cold weather here.

  • @DREYsCanadaVlog
    @DREYsCanadaVlog Год назад +2

    LOUDER! Very well said! Maganda kung sa maganda ang Canada pero iba iba talaga ng preference ang tao!

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +2

      Salamat sa panonood idol 😊💙

  • @zeroboy569
    @zeroboy569 9 месяцев назад +1

    Alam mo kung ano maganda sa pilipinas pa din ex seaman ako . Ginawa ko nag ipon ako ng pera sa barko now 5 years na ako sa pilipinas simula bumaba ako ng barko .ginawa ko nag business ako . Mas malaki ang kita sa pilipinas kay sa abroad . Tandaan nyo there's no place like home .

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  8 месяцев назад +1

      Tama po kayo sir. Nakapag pundar na din po ako ng 7 negosyo sa Pilipinas at 2 properties bago po mag covid. Bumalik lang po ako sa Canada kasi humina po ang mga negosyo ko noon 6 gyms at 1 Japanese restaurant. Nag iipon lang po uli at uuwi na din po. Tama po kayo THERE IS NO PLACE LIKE HOME! 💙💙💙

  • @NormanGeorge-n4s
    @NormanGeorge-n4s Год назад

    Absolutely correct ka Sir! 💯 % agree ako sa iyo

  • @CookingwithAnneHugo
    @CookingwithAnneHugo Год назад +3

    Twin tower yung 9/11 attacked, now lang nag comment pero dami ng video n panood ko kayo s tv di kasi maka comment pag sa tv, noon pangarap ko mag abroad pati s mga anak ko after ko makita blog nyo at sa ibang blog tungkol s ibang parte ng mundo , napagtanto ko na lucky kami na nandito kami s pinas malawak pa lupain di kailangan mag rent ng matitirhan, wag bibitaw gaganda din buhay new soon ,upload lang ng upload ,mas maganda may bashers malaki din contribute nila hahahaha yayaman kayo s mga bashers

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +1

      Maraming maraming salamat po mam sa panonood. Opo mam masaya po sa atin talaga. God bless po 💙🙏😊

    • @CookingwithAnneHugo
      @CookingwithAnneHugo Год назад +1

      @@teamkaskas Welcome and God bless remember key to success upload lang ng upload everyday kahit 8 min pataas lang makakaahon gagaan din buhay niyo dyan

  • @markkevinlim3875
    @markkevinlim3875 Год назад +2

    Nasa abroad maganda mag trabaho pero sa pilipinas ka dapat mag invest

  • @justmemiranda1901
    @justmemiranda1901 Год назад +14

    Agree with you when you said the Canada is not for everyone.. very true.. I'm a resident in Abu Dhabi for. more than 17 years now, had the chance to migrate in Canada and the reason that we did not pursue is because we believe that Canada is not for everyone.... Kudos to you guys

    • @christiannunez6471
      @christiannunez6471 Год назад

      Ano work mo po sa UAE?

    • @jennybanzon2450
      @jennybanzon2450 Год назад +3

      10 yrs in AbuDhabi and we are here now in Canada.. ngayon gusto ko bumalik sa UAE

    • @christiannunez6471
      @christiannunez6471 Год назад

      @@jennybanzon2450 Hi kabayan saan kayo sa Canada? Ilang years na kayo dyan? Galing din ako UAE

  • @marwintamayo
    @marwintamayo Месяц назад

    Nice content bro and sis,,keep it up,,almost 11 years din kami na dito sa canada,,planning to retire na din,,,new subs here!!

  • @REjGN24
    @REjGN24 Год назад

    Salamat po sa tapat na pagvvlog po ninyo idol.. shout out from Baguio City 😘

  • @louiselouieincanada
    @louiselouieincanada Год назад +1

    Basta ako super Grateful to be herw and my family.. never ko pina day care ung anak ko. Ako at ang husband ko ang nagbabantay sa anak namin.. salitan.. kung sa pinas din ganun din mangyayari magtrabaho at magtrabaho ka parin ng to do.. ok lang kung tunay kang mayaman.. at mag aaway pa kau kasi naubos na ang pera mo sa kung sino mab nagkakasakit sa family... pag mayaman pwedi... pero dito malaking tulong natong andito kami para sa mga magulang at kyng sino pa ang need ng help sa kamag anak sa pinas espicially related medical.. kapag mashonda ba dito sa canada pwedi ka namsng magbakasyon find yourself a leisure para ma enjoy ka.... Thanks God for everything na andito kami sa bansang ito im super grateful at walang pagsisi kasi ito ung bansa nagpapakain nv buong pamilya ko at nagpapagamot sa family ko sa magulang ko sa pinas...

  • @marcusv.7565
    @marcusv.7565 Год назад +2

    Goodluck sa journey nyo tol ! pakatatag lang!

  • @luciamedina8924
    @luciamedina8924 Год назад +3

    Take care and God bless to your family as well🙏♥️🙏

  • @ernalynfelomino8901
    @ernalynfelomino8901 Год назад +2

    Sir/Mam, wag ninyo INTINDIHIN ang mga BASHERS at STAY FOCUS sa LONG TERM GOAL ninyo. Kapag nag START ka ng BUSINESS, KALIMUTAN muna LAHAT ng WANTS mo. BASIC NEEDS lang ang DAPAT PROVIDE. Goodluck & GOD bless.

  • @whitedeath-u9o
    @whitedeath-u9o Год назад +2

    dame ko kilala nanjan bili agad ng sasakyan un ang inuna 😂 bahala kayo sa buhay nyo, show off lang kase ung iba, ung iba kase na budol ng snow at mga vloggers na budol bsta magka followers lang

  • @eroskamasi2309
    @eroskamasi2309 9 месяцев назад

    Gusto ko vlog nyo kasi real talk lng. Ung totoo lng sa canada. Unlike mga ibang vlogger, lageng positive yung content, na tipong minsan parang denial stage nalang sa katotohanan na buhay sa canada.
    Cgro dahil pag napanood sila ng mga kamag anak nila sa Pinas. Di sila ma bash. Na pa canada canada kapa ehh nag hihirap ka din pala dyan

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  9 месяцев назад

      Salamat po sir. Sa totoo lang madami pang realtalk na pwede ko sabhin pero madaming masamang ugali mga pinoy na basher galit na galit pag may nasabi ka agad sa kanilang langit at paraiso na Canada 😂

  • @monicocungao3632
    @monicocungao3632 Год назад +1

    Tama ka kabayan mas masarap ang buhay sa pinas

  • @amanciocontante3106
    @amanciocontante3106 Год назад

    Idol libre din ang elementary at hschool sa pinas maski ng college ay libre din tulad UP,PUP,PCAT govnt school canada hindi naman libre ang college

  • @pathholetrudger336
    @pathholetrudger336 Год назад +1

    If you are a citizen/Dual Citizen in Canada, maintain it for your healthcare security.

  • @MaritesTayag-u3j
    @MaritesTayag-u3j 8 месяцев назад

    Shout out po pashout out po marites watching from Australia

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  8 месяцев назад

      Cge po s susunod na video. Thanks for watching po. GODBLESS

  • @japokespiritu
    @japokespiritu Год назад +1

    Try nyo muna mag TAIWAN pag kinaya nyo dito Kaya nyo na sa ibang bansa..

  • @baldomeromartinez4469
    @baldomeromartinez4469 Год назад +1

    Hello sir from ksa

  • @gigiramos8966
    @gigiramos8966 Год назад +3

    Taga binan laguna pala kayo starosa naman kmi pareho tyo Laguna😊

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад +1

      Opo mam. Magkalapit bayan lang po tayo 😊

  • @williamirene393
    @williamirene393 11 месяцев назад

    Nice desicion guys😊

  • @kawaiimitchiko7669
    @kawaiimitchiko7669 Год назад +1

    Well kung culture lang wala naman tatalo sa Pinas.......masaya talaga sa Pinas...

  • @MaAltheaKristineHernandezTHEPL
    @MaAltheaKristineHernandezTHEPL Год назад +1

    pls help po gusto ko work sa Canada 🇨🇦 kse 20 yrs n ako dto sa Saudi Arabia 🇸🇦 gusto ko mka experience another work there ty God bless us 🙏✝️👏🏻✝️🙏

  • @rosemalanes8728
    @rosemalanes8728 Год назад +2

    Ganun talaga swertihan ang pag abroad hindi lahat araw araw Christmas
    Kaya kelangan sipag at tyaga
    Well as they always say
    There’s no place like home
    Experience sa buhay.

  • @mrsampylarsonml5498
    @mrsampylarsonml5498 Год назад

    Keep up the good work yes importante yung walang arte at natural go yan 😊 good job

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po sa support mam. God bless po 💙😊

  • @franciscodelapena7026
    @franciscodelapena7026 Год назад

    God bless your family

  • @TeamBrizBel1428
    @TeamBrizBel1428 Год назад +1

    Im from Bathurst Street york Ontario im working as a building manager here mahal talaga rent dto nag range kami ng 1700 for bachelor 2100 for 1br and 2550 for 2br compare in manitoba 5br na rent ko dun 750 lang😒

  • @josephinemaeda7548
    @josephinemaeda7548 Год назад

    Tama ka kung saan tayo masaya doon tayo!!

  • @kalamangbulsa5631
    @kalamangbulsa5631 Год назад +2

    Malaki talagang gastusan dito sa Canada, Renta sa tirahan, amortization, bills na walang katapusan, mortgage sa mga may nabiling bahay., tapos napakaraming taxes, sa bahay, sa Payslip mo., Pero nasa tao pa rin yan kung paano mo talaga ibubudget ang kita mo., Kaya hindi natin masisi ang mga Pinoy dito na magdouble or triple job. hanggat tumanda na sila na hindi nila masyadong naenjoy ang buhay nila dahil sa kakawork. So this is not to discourage yong mga pinoy na nagbabalak mag migrate dito. first 3 to 5 years talagang higpit sentron ka sa mga gastusin, save more money, hindi sa mga luho at buying unnecessary things. God Bless po sa inyo.

    • @MariaDoroteaDequiño
      @MariaDoroteaDequiño Год назад

      Same lang naman sa pinas marami bayarin. Ang tax nyo sa inyo mismo mapupunta. Dito sa pinas sa mga magnanakaw sa government

  • @jaytechpinoychannel
    @jaytechpinoychannel Год назад +1

    tama kanya kanyang trip lang kung saan ka kumportable doon ka ako masaya ako dito sa saudi haha

  • @notyourbestie
    @notyourbestie Год назад +14

    May tama naman din sa sinabi dun sa redit yung Pinoy. Ako recently, I finished my studies dito sa Canada and andami ko ng napuntahan for interview. Di pa naman sobrang tagal ko na na naghahanap ng work pero ang hirap din talaga. Aask ka nila mag interview kasi pasok credentials mo pero pag nakita ka na sa interview wala na. I feel like na rracist ako sa pag aapply. Di nila sinasabi pero of course meron na silang bias. And if siguro nga di ako magaling sa interview, pero IELTS speaking ko naman ay 7.5 so anong problema sa communication skills kung yun yung iniisip nila. Background ko sa pinas and dito sa Canada ay banking pero bat wala pa rin? Nakakapagod minsan. Pero iniisip ko nalang na kung sa pinas ako, san ko naman din kukunin yung pwede kong kitain dito sa Canada. Nadaing na rin family ko ngayon sa taas ng cost of living sa pinas. True to all ang inflation ngayon at di rin naman excempt ang Canada dun so tinatanggap ko nalang sa ngayon. Totoo din sinasabi ni ate na exploited tayo. Gusto lang ng puti na ang tinatrabaho natin ay yung mga ayaw nilang trabaho. Bakit nila hinahayaan ang drugs? At kung mapapansin first nation pa ang mga adik? Because they want to have full claim of their lands while immigrants work on their economy in their behalf. Sorry not sorry but after kong magpunta ng Canada, di na mataas tingin ko sa mga puti. They are users. Using their looks and their color to manipulate other race including us pinoys. Don't be deceived. Fight for our rights. Push lang ng push sa life. Dont ever think dahil pinoy tayo dito lang tayo (isang industry, caregivers, nurses). Let's try to penetrate and educate ourselves. Let's always use our voice for equality and diversity. That's the only way we can all live in harmony with others dito sa Canada.

    • @lukeallan6486
      @lukeallan6486 Год назад +1

      So marami pala talaga ang racism sa Canada? Paano naman sa UK? Mas malala.

    • @ifyouseejeanne
      @ifyouseejeanne Год назад

      @@lukeallan6486 kahit saan 1st world country meron racism. Tingin nila sa asians dapat nasa ibaba lang kahit kung iisipin mo madaming Indian, Chinese, Japanese nangunguna sa IT industries pero binabarat nang mga puti.

  • @NoelCamacho-d2f
    @NoelCamacho-d2f 8 месяцев назад

    Ako di na ako magtrabaho sa canada kung mag retired na ako ng 60yrs old bago may konting business sa pinas dito na ako sa pinas.dapat 60 magpahinga masarap buhay sa pinas.

  • @selfinprogress2515
    @selfinprogress2515 Год назад +1

    Kapatid ko single 2jobs hindi masaya sa buhay niya nagpinas na,ako may anak hindi din masaya dito kasi kayod nang kayod para pang bills yung anak ko hindi ko masyado mabigyan nang oras kasi walang choice kailangan kumayod. California kami 2b1ba 2600$ juicecolored! Tax pa malaki din. Buti pa sa pinas kahit sapat lang pamumuhay masaya naman.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Opo mam hindi po lahat ay pera pera na lang. Yung atin pong personal happiness ay kailangan isipin din natin. Life is short. God bless po 💙🙏

  • @rosariogermino2763
    @rosariogermino2763 Год назад

    Ok kayo practical.

  • @baldomeromartinez4469
    @baldomeromartinez4469 Год назад

    Dito aq masaya

  • @elgwapzlabasano4398
    @elgwapzlabasano4398 Год назад

    Tama yan kabayan lahat nang expenses dapat binibilang

  • @LakaySigabVlog
    @LakaySigabVlog Год назад

    watching always po sa inyo...salamat po sa mga tips and advices..

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Maraming salamat po sa support sir. God bless po and all the best din po 💙😊

  • @annabellea.a.9307
    @annabellea.a.9307 Год назад +2

    Very practical po kayo in Not owning or not having a car. Accessible naman po sa lahat sa situation nyo, kaya ok po yan. Mahal ang monthly loan ng car at car insurance. Better talaga na mag bus nlng kung accessible nmn sa lahat.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Salamat po mam. Opo kasi kung sa pagkain lang po magtitipid hindi po malaki ang maiipon, malaki po ang matitipid kung di tlga necessary mag sasakyan, kaya mas mainam po na tumira kami sa lugar na accessible sa lahat ng kailangan namin. Literal na 5 mins walk po kami sa lahat. Grocery, police station, day care, hospitals, subway and streetcars, restaurant, parks and malls 😊💙 Maraming salamat po sa panonood. God bless po 🙏

  • @ramonzapanta9371
    @ramonzapanta9371 Год назад

    Iba sinasabi lumabas k sa comfort zone.. comfort zone k n nha eh bakit lalabas ka pa bakit susugal ka pa

  • @pasigero105
    @pasigero105 Год назад +9

    Ayos ang iyong mga paliwanag tungkol sa kalagayan ng buhay dyan sa Canada......totoo yan yung kaligayajam ay nakukuha hindi lang sa Canada, kungdi kung saan nanduduon ang pagiging masiyahin at kuntento kung ano ang meron......goodluck po Team Kaskas at tuloy tuloy lang kung ano ang iyong pananaw at sikap lang, malay natin maging mala-Canada din ang Pilipinas ay makabalik kayong mag-anak dito sa atin......salamat po....

  • @bench2662
    @bench2662 Год назад

    Ok lng po..tiis lng po tlga❤

  • @MinaPetit
    @MinaPetit 11 месяцев назад

    In the first place why you come to Canada . The way you describe healthcare you're disappointed so maybe you're a filthy rich back home that's why you don't know what is hard labor. You know I came to Canada 35years ago I'm a retired citizen now and enjoying my retirement. I was a nanny when I arrived in Van. my salary was only $400.00 a month I just pray everyday to be strong and give me strength to overcome homesickness. Then after 3 years I got my open visa I was very excited so I'm free to find a job w/ no contract and God is good I decided to work part time and take a course on evening twise a week for 4hrs. I worked as an a nurses aide for 28years and now I'm a happy to be a pensioner. You're lucky you have your parents here. The reason why I Lay all my experience the difference bet. rich and poor. I was very poor in our country and you're rich so you see the difference.. Figure it out young family. I figured out your problem you don't focus on to yourself your busy watching what others have and you don't have. Be yourself and be happy with your family at least you're together that's the most important in life especially your parents they're not getting any younger anymore. Remember whatever problem you have in the Phil. it's also a problem of your parents. I'm not criticizing you just showing you the consequences. God Bless and good luck.

  • @desireefermin5828
    @desireefermin5828 Год назад +1

    True canada not everybody kasi iba iba din tqlaga ang mararanasan jan like my sister 3 months lng siya umuwi lng siya na homesick at nag aalala sa mga anak kasi niya nun.

  • @susanv.martir5562
    @susanv.martir5562 Год назад +1

    Bakit? Ading mahirap ba diyan sa Canada ...sabi ng iba maganda raw.... salamat..mag negosyo n lang kayo mas mainam po dito na lang kayo sa pinas ...bast masipag ka...God is good

  • @sacasio3
    @sacasio3 Год назад +1

    Come home to Philippines 🇵🇭. Life is better here than Canada 🍁! Really?

  • @MaAltheaKristineHernandezTHEPL
    @MaAltheaKristineHernandezTHEPL Год назад +2

    God bless you and your family 🙏✝️🙏

  • @Fip-i3c
    @Fip-i3c 2 месяца назад

    Sa pilipinas free education din magbuhat kinder hanggang colleges

  • @baconstewart7279
    @baconstewart7279 Год назад +1

    😢Goodluck just read this now.Ganun talaga kanya kanya tayo ng Kapalaran kung saan uunlad.

  • @immschellemi
    @immschellemi Год назад +1

    Ang bata nyo pa.sna pagbalik nyo sa pilipinas makapasok kayo sa govt.kasi kung sakali na tatanda kayo dun na ang pension nyo sa SSS lng sna maka survive kayo sa 15k per month..samantalang yung mga caregiver sa US or Canada pag nagka pension sa US buhay mayaman pagnag retire sa phils.

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      May mga negosyo na pwede ko pong buksan ulit at properties naman po ako sa Pilipinas. Di pa po kami uuwi. Govt employee po ako dito and malaki din ang pension ko pag retire. Salamat po

    • @jeremieesteban4488
      @jeremieesteban4488 11 месяцев назад

      Prang mas okay if mag focus ka nlng sa na pundar mo like apartmnts pa upahan or ano pa yan , rather pag balik sa pinas is magiging empleyado din, atleast if you focus on something you love to do while earning I will assure ,your life is going to be happy , in my opinion, earn earn earn and retire at young age lets say 40, and the rest is live life,. I'll rather dream of that rather than retiring at age 65 oh no

  • @olivetalamera3027
    @olivetalamera3027 Год назад +4

    Nakita at narinig ang mga kwento ninyong magasawa,tunay tyong mga filipino ay nkahanda sa ano mang pagsubok,bastat s Lord ay laging nasa center ng inyong buhay familya,kagaya rin ng 2 kong anak yung isa nasa Italy at Usa nmn sila,na patuloy din silng nagssikap para s kinabukasan ng knilng familia n naroon kasama ng aming mga apo.Thank God always ,God bless ❤

    • @teamkaskas
      @teamkaskas  Год назад

      Maraming salamat po sa panonood mam. God bless po 💙🙏

    • @RosabelleLopez
      @RosabelleLopez Год назад

      💖 thanks for the nice video guys

  • @avelinapacho1646
    @avelinapacho1646 5 месяцев назад

    Okey yong vlog ninyo kahit saanmAhirap talaga Ng buhay Dito rin kami Italy talagang Ganon Ang abraod

  • @DindoCapili
    @DindoCapili 20 дней назад

    Ako din uuwi na sa November for good sa Pinas na ulit. Life goes on sa Pinas! ❤

  • @balagtasan
    @balagtasan Год назад

    Balagtasan tungkol sa OFW - ruclips.net/video/mKQaG8Kg0ZQ/видео.html

  • @jolibedano6970
    @jolibedano6970 Год назад

    Ang hirap pala dian. Nabasa ko yung iba daw na mga professional nanghuhugas plato at linis kobeta. Totoo ba ito?

  • @johnlennon6739
    @johnlennon6739 2 месяца назад

    Jojo from Winnipeg Canada nanonood ako sa vlog nyo❤

  • @Khaleesi.16
    @Khaleesi.16 9 месяцев назад +1

    2 beses ko tong pinanuod. And yes, it has helped me a lot on my decision. Tama yung binasa nyong comment na 3 yrs sa abroad and iba pa rin sa pinas. Im here in the UK as an Occupational Therapist din and thinking of moving back in the mideast. Mas ok ang lifestyle dun at kaliwali na ang snow at weather dito. This vlog has been an eye opener for me.😊

    • @willybernardo9155
      @willybernardo9155 8 месяцев назад

      Pag tanda mo may pension kang makukuha sa uk mas may future mga anak mo sa middle east meron ba non?