Di Ipipilit | Angel Rillera (An Original)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 28 авг 2024
  • DI IPIPILIT
    Unti unti kang bibitawan
    At huling pagkakaton ika’y pagmamasdan
    Mga labing di na mahahalikan
    Pilit nang pakakawalan
    At sa iyong unti unting paglalakbay
    Patungo sa daang hindi na ako ang kasabay
    Pababaunan ng isang kaway
    Na nababalot ng paglulumbay
    Ngunit bakit pa pinatagal?
    Bakit pa pinatagal?
    CHORUS
    Palalayain kung siya ang nais mo na makapiling
    Kung di ka talaga para sa akin
    Di ipipilit pa
    Ika’y aking pakakawalan
    At sa gabing hindi ako makaidlip
    Mga alaala’y patago kong sinisilip
    Bumibugat na ang aking pangungulila
    Kahit tinig lamang ay sapat na
    Bakit pa pinatagal
    Bakit pa pinatagal?
    CHORUS
    Palalayain kung siya ang nais mo na makapiling
    Kung di ka talaga para sa akin
    Di ipipilit pa
    Ika’y aking pakakawalan
    Pakiusap lang
    Wag mo nalang akong pahirapan pa
    Kung talagang sa kanya sasaya
    Wag ka nalang lumingon pa
    CHORUS
    Palalayain kung siya ang nais mo na makapiling
    Kung di ka talaga para sa akin
    Di pipilitan pa
    Ika’y aking pakakawalan
    At susubukan ikaw ay kalimutan
    Di malaman kung to’y makakayanan
    Pipilitin, maghahanap nang paraan
    Ang paghihirap ko ay hanggang kalian?

Комментарии • 8