MSG-AJINOMOTO FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA
HTML-код
- Опубликовано: 1 окт 2024
- Mula sa Ajinomoto o Vetsin...
MSG FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA NG HALAMAN
Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo ang paggawa ng Monosodium Glutamate (MSG) fertilizer, mula sa Ajinomoto o Vetsin na pampabulaklak at pampabunga ng mga tanim na iba't-ibang uri ng halaman.
Ang MSG ay karaniwang gamit na pampalasa at pampasarap ng iba't-ibang lutuin. Nagtataglay ito ng micro nutrients na maganda sa mga halaman tulad ng Sili, Talong, Okra, at iba pa.
Maganda din ang MSG Fertilizer sa mga Citrus tulad ng Kalamansi, Orange, Lemon, Mulberry at iba pa.
Maging sa mga ornamental plants ay maganda din ang MSG fertilizer, tulad ng Mayana, Roses, Succulent Boungavilla at iba pa.
Simple at madaling gawin ang MSG fertilizer at magandang ipandilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan sa mga halaman.
Ang ibabahagi ko ay para lamang sa isang litro ng tubig.
Kung marami kayong halaman na kailangan na diligan ay gumawa lang kayo ng mas marami.
Ang mga kailangan na gamit sa paggawa ng MSG fertilizer ay isang pack na Ajinomoto na 11 grams ang laman, isang litro ng tubig, kutsara at empty bottle.
Paraan ng paggawa, gupitin ang isang pack ng Ajinomoto, ilagay sa empty bottle at ibuhos ang 1 liter na tubig na pinasingaw magdamag para mawala ang chlorine o kaya ay tubig ulan.
Kanawin mabuti ang mixture para malusaw at kapag natiyak ba lusaw na ay puwede ng ipandilig sa mga halaman.
Magandang magdilig ng MSG fertilizer kapag lubog na ang sikat ng araw o alas-5:30 ng hapon.
Gawin ang pagdilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan o kada 15-araw.
Magiging maganda, mataba at malulusog ang mga halaman na dinidiligan ng MSG fertilizer.
Kung nais ninyong magkaroon ng step by step na gabay sa paggawa ng MSG fertilizer ay panoorin po ninyo ang latest video tutorial ko sa RUclips channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER.
Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa paggawa ng MSG ertilizer.
Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari kayong makinig at manood ng aking Radio at TV program na MASAGANANG BUHAY tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Simulcast sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live ding mapapanood sa facebook at RUclips.
Sa mga nagnanais na mapalawak pa ang kaalaman sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan ay mag-subscribe po kayo sa aking RUclips Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication, kaya umagap po kayo ng kopya.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-txt, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
Sir pwede din po ba gamitin ang tao water kung walang rain water? At yan na po ba gagamitin lagi? Thank you po
Morning sir. Ilang beses po ba magbinyag ng Vitsin sa halaman?once a week ba o twice a month?
Sir pwede po ba ilagay ang vetsin sa mga upo at patola?
Opo mas malasa Po..
Balak ko po magtanim ng sunflowers pwede po ba yan sa sunflowers? Thank u po.
Pwede po bang gamitin ang msg kahit naglalagay na ng complete 14 fertilizer?
Ako po hindi ko nirerekomenda ang 14-14, mas subok ko po ay vermicast at chicken manure
Good afternoon po sir. Ask ko lng po kng anu pwede replacement sa rain water?
Thanks po at God bless.
Pag nawasa ang tubig mo, palipasin mo muna ng 24hours bago mo gamitin panghalo sa msg.
@@thinking7171 salamat po sir
distilled water po pwedi.
sir sana po ay meron din guide kung gaano kadalas ang application ng bawat fertilizer..salamat
Ang galing naman! Very simple na fertilizer yet very effective.
Sa video pong ito ilang taon o buan pa lang ang kalamansi po sir?
Sir good pm, ano bang ang best method magpabunga ng kamatis sa paso? Many tks for your prompt advise. I watch your videos how to use MSG as fertilizer, is it effective as well to tomatoes n chili???
Maglagay po kayo ng Vermicast at spray po kayo ng FFJ.
Salamat po ginawa ko po ito last year sa akin Sayote na wala pang bulaklak nagulat po ako sa resulta bigla syang nag bulaklak ng marami . Domo arigatou from Japan🇯🇵
Sir hangang kelan po ang tagal ng mixture? Thank you. Godbless po sa inyo.
Thank you po Sir sa kaalaman na ibinahagi ninyo, Godbless you po.
Cgurado ako puedi Ang tubig balon.
Salamat po sir sa kaalaman n ibinahagi nyo.dapat po b tubig ulan?o pwede din po yong galing sa gripo?
Puwede rin po ang tubig sa gripo pero pasingawin po muna ninyo.
Wow sir, thank you po sa bagong kaalaman.. Excited na po akong simulan ito..
Gud am/p.m po, kung msg (vetsin) ang gagamitin sa mga halamang sili (siling labuyo) ay pwede na din po ba na hindi gagamit ng compost tea at fermented fruit juice sa mga siling labuyo? Salamat po sa inyong pagtugon
Poedi, tubg, s, bomba, wala, p, ulan, s min,
Your video inform & inspire people all over the world to nurture plants effectively... Thanks & respect from Thailand... 🙏🙏🙏
Thanks, Happy.Farming and GOD BLESS
Watching from pasig city
Hello sir. Ok lang ba matamaan ang mga dahon sa pagdidilig gamit ang deluted vetsin?
Okey lang po. Pero kung kayang iwasan ay iwasan po ninyo.
Pwede po ba to sa mga orchids? 😊
Thank you for the instructions and demo. Ilan grams po ang isang pack ng msg.
mention nya 11 grams/pack
Hello Sir, pwede po ba sa mga indor plants yan? Like pothos or Money plant tree? 1tbsp po ba yung isang betsin?
‘Yung 11 gms po isang sachet.
sir good morning pwede po nang i spray sa mga dahon o mga bulaklak
Yes po
sa mga herbs plant po anu magandanf fertilizer
Vermicast po or chicken manure
Thank you, Sir! May bagong alam na naman ako sa agriculture.
Good job brad dahil sa vlog tutorial MO Maraming knowledge ang nakukuwa ko mula sa inyo about filtelizer
Pwede bang gamitin yang vetsin na fertilizer pag may kalamansi farm kana?salamat sir
Thanks for sharing watching from Western Australia Bunbury keep safe always 🙏
Un kalamansi q naglagas ang dahon anu po ba dapat gawin? D ks aq marunong tlga magtanim ,bumili aq ng nakapaso dpa namumunga ..ilan months bago mamunga? Malamig din klima ngaun ok lang ba s labas ng bahay sya o ipasok s loob ng bahay?
Hellow po sir.. Gud day.. Pwd po ba ang vitsen sa mga gulay pampa taba.. Salamt po sa reply.. Thanks n GOD BLESS
Sir how often do you need to water the plant with Ajinomoto.
Gaano po kadami n ilang beses sa Isang linggo
Maraming salamat po Sir Mer, malaking tulong,sa mga plantito at plantita KATULAD ko, GOD bless you and your family ☝️🙏😇
Ano po pede ipalit n tubig Kung walang rain water po..
pwede rin.po b yan s mga bulaklak n madahon
Sir gaano po kadalas tong pgdidilig ng vetsin mixture as fertilizer
every 15 days
Ones a week po yunv sabi
Kht wala pa bulaklak at bunga pde gamitin yan para magkabulaklak at bunga
Opo
@@AngMagsasakangReporter sir pde dn po un s tubig 24hrs kamo. Pero nakatakip kc f nka bukas baka nmn lamokin at itlogan ng lamok
pede po ba ang tubig galing sa deep well kung walang rain water
Opo
Thank you po sa mga tips for gardening. Take care and God bless.
Ha! 😮 pede pala yan sa mga tanim n gulay, magawa nga para sumigla mga tanim kong gulay! ❤
Hello Sir, Good day, everyday po ba ang pagdilig ng tubig na may msg sa kalamansi para mamunga? Or how many days per week po?
Sabi po ni sir na ok nce a week daw po sya nagdidilig ng may msg.. sinabi niya sa video po..
Sir pwede po ba e Spray yang 1litro tubig ng msg sa dahon ng KALAMAnSI.?
di ba masisira yung dahon nun..??
sana masagot mo po
Good morning maestro. May katqnungan po Ako maestro. Bkit aya2 mamunga ang tanim qng kamatis? Maraming bulaklak dhil gumagamit aq ng poliar or 15-15-30 spray every 10 days. Kya maraming bulaklak.
Salamat po sa pagiging reporter nyo dahil nakakatulong po kayo sa na po effective sa aluo vera
11gr msg : 1liter of water.thanks for sharing po
Hi sir, watching from bohol? Ok lang po ba mg apply vetsin if u r practicing organic or natural farming? Tnx po
CHEMIC
tanong ko lang po bakit nilalamgam ang mga tanim ko sili at okra
May mga aphids po. Ispray po.kayo ng OHN
Etry ko nga din Po kuya Yan pwede Kya Yan sa mga Ampalaya my Tanim Kase Ako deto sa balcony
Thank you for sharing your knowledge in gardening 🪴🌾🌴🌹Godbless
What was the white powder ?
Good job sir... Ako Rin po magsasaka, baka pwede Rin po ninyo subaybayan channel ko
Salamat po
Can we used MSG fertilizer in dragon fruits?
Buti nman po at meron ng fertilizer na mabilis lang maididilig at very effective,salamat po Sir
Sir kailangan po ba na tubig ulan? Pwede po ba tubig ng gripo lang?
Salamat po.
Sir..pde po kaya ipagmix msg tsaka malunggay juice extract?thanks po..
Ano po ba ang pampabunga sa Dalandan tree...almost 10 years old na po
FFJ po
@@AngMagsasakangReporter Ano po ang FFJ?
Thanks for sharing your knowledge in gardening and homemade fertilizer, watching from Binangonan Rizal, God bless 🙏
Paano po kng walang rain water,pwd po ba tubig sa gripo?
Sir,proven.po.yng msd ferlizer un friend maniwala peto kita po nya.un mga talong at sili abay kakataba po😊thanks sa good tip👍God bless po sa inyo🙏
Hindi mo pang spray yan
Sana next po ung ukol naman po sa pamatay ng mga langgam,uod at sa iba't ibang klaseng bugs na kumakain ng ng mga dahon ng halaman .thanks po in advance.
Puwede PO powder na sabon,spray lang PO mismo sa dahon
Borax PO ma'am with sugar and water
Çp
My sis we
@@ejej6368paano po ang ggawin
Pwd Po b s mga kalabasa s mga gumagapang n gulay ser
Opo
Kuya Mer, ang Dragonfruit po namin nag yeloowish at nagkafungus, nadilig ko ng runningwater yun po ba ang nakasira? Marevived po kaya ng MSG?
Pwede po ba hindi rain water & ok din po ba sa mga none fruit & flowering plants yan?
Paano po pspasingawin ang tap water ?
@@coramachado7064 maglagay ka ng tubig galing sa gripo sa isang balde, depende sayo kung gano kalaki ang pag iimbakan mo ng water , then hayaan mo lng sia sumingaw ng 24 hrs tsaka mo gamitin, ganyan dn lng gawa ko sa mga tanim ko 👍👍
Ang galing naman. Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaalaman. Mabuhay po kayo.
Nagsubok ako ng talong plant sa self watering plant .....inalagaan ko sa organic fertilizer...nung mamunga ang paet ng bunga.....kaya nilipat ko sa lupa na maluwang hayun nawala na ung mapait na bunga at mabulas pa at matataba ang puno ..gamit ang fertilizer na chemical isang lata ng urea 16/20/00. at potasium 00/ 00 /60 sa 16liters na tubig kada 15days ang applications isa lata lang po kada puno ang apply...tipid na mabulas pa matataba ang mga puno at daming bulalak ...tested surebol
Thanks sa imfo boss
Pierce po bang Hindi rain water ang gamitin.
Opo..pasingawin po muna ninyo ng 24-hours
Pwede din poh kya yan s mga tanim kong cbuyas, bawang, luya at kamatis?? 1st tym ko lang poh nagkainteres magtanim² eh in my 31yrs of existence🤣
Maraming salamat po sa inyong mabuting pusot,sa pagtuturo nyo ng tips.
Trillion thanks 👍 po for sharing this very informative tutorial about MSG effective fertilizer. GOD 🙏 bless po.
Kapila mag abuno simana o bulan
gud day pde din po ba yung pinasingaw n tubig.
Thank you Doc Jun Reyes sa bigay mong excercise.God bless you.
Paano po ba ang iligan nyan.. Every week po bah.. Or twice a month?,, salamt po sa reply...
Ilang beses didiligan pag may halo na sir
Twice a month po
salamat sa info sir kasi yung kalamansi namin 2 years na hindi pa nag bunga. try ko nga ito.
dapat matuto din ang mga kababayan mag tanim sa yard like dito sa america kahit papapno nagtatanim pag season. like ours pag season na spring to summer na di na kami bumibili ng mga pangunahing gulay
❤❤❤ Sana sa pilipinas din Kasi throughout the year Ang Ganda Ng season dapat Walang magugutom kung may tanim kahit sa paso paso lng maliit na space.
Sir Mer pwede rin po bang i spray sa dahon ng halaman ang msg or vetsin?tnx po and more power po sa inyo.
Pwede pala un sir try ko un sir gv me support sir salamat😊
Pwede rin kaya gamitin sa mga Orchids yong MSG fertilizer?
Tanong: pwede rin ba ang msg sa tanim gaya ng grapes, apples at iba pang fruit bearing trees/plants? Ano ang ratio?
Hello Po , Im watching from Michigan USA, Thank you for sharing your planting ideas of making a home made fertilizer. I will try your fertiliizer ingredients. God Bless you po!
Thanks for sharing, Sir. This is very informative.
Thnx for sharing
Hi, po tanong kolang po yung tubig po ba top water or tubig ulan… thank you po..florida USA godbless po…
ang bell pepper po ba dapat sa shade area lng po?
Direct sunlight po
Good evening po, ask ko lng kung ok bang mag fertilise ng any manures kpag nag flowering na mga citrus? Salamat po🥰
Thank you.
What is the equivalent of the MSG in teaspoon?
Pano po pg wlang rain water pwede po b ung galing s gripo?
Pde po ba ang tubig galing sa gripo?
11 grams msg for l liter water po ba?
Once a week po ba ang pagdilig ng rain water with msg?
Can you use the MSG fertilizer sa African violets?
Can u use d msg s strawberry plants
Puede ba sa luya?
Maraming salmt po sir.
Ask ko lang po kung wala pong tubig ulan., Ano po ba ang subtitue kong tubig na gagamitin..👏✌️👍
How many times Sir do we need vetsin in watering the plants? Everyday? Once a week or twice a week? Can we also use this for orchids? Thank you and God bless.
Twice a month po
Once a week po ang dilig yon ang narinig ko sa sinabi nya
Pwede po ba spray yan sa mga dahon lalo na sa rose?
Sabi niya once a week tapos answer niya sa nagtanong twice a month . Ano ba talaga tama .
@@perladelcorro5302"
You have given your knowledge freely..God will bless you bountifully🙏
Pwedi po b khit hindi rain water
Every how many days ho ang pag lagay ng netsin sa inyong kamatis weekly po
It's not free. He is earning from his youtube channel per video.
Paano po kung D galing s Tubig Ulan ang water n ipangdidilig q. Pwede rin po b ung Wilskin o ung Regular Water. 8-29-2024
Good evening sir..ask ko lang kung I apply sa palay dhl kung effective gagawin natin makatulong sa kasama ng magbubukid na kagaya ko
Sir paano po kung walang rain water?pwede rin ba sa orchids?thanks po
Pwede palang gawing fertilizer ang Vetsin, salamat sa pag share Sir.Mer. Keep safe and God Bless po from William L. Briones and PSN Editorial Dept.
Pano po kong walng rain water
Pedi puba ang simleng tubig at pedi rin po idilg sa talong
Maraming salamat po Sir Mer sa mga makabuluhang kaalaman na talagang nakakatulong sa kagaya ko.
Sir,Tanong ko lang po,ilang beses ba dapat diligan ang halaman?Araw Araw ba o every other day o lingguhan?
Kahit po BA hinde pa namumulaklak pd na po b diligan Ng my ajinomoto,at pd Rin poh b Yan SA pechay o sili bgo p lng tanim
Thank you so much po sir for sharing po sa iyang mga kaalaman sa pag tatanim po. I learned so much po ❤️
Good day po. Applicable po ba yang vetsin to all kinds of ornamental plants?
Pde po ba yan pang spray.
pwde din po
Maraming salamat po... May bago akong natutunan sa inyo.. shout out po from Ipil Zamboanga Sibugay 🇵🇭
naku sinungaling na ajinomoto fertilizer... sinunod ko ung timpla nyo nilagay ko sa halaman at tanim na gulay wow namatay mga tanim ko.. disappointed ako sa vlog u... sana reality nman...
O pakonti konti lng po ba ang dilig or uubusin ang isang litro sa isang halaman 🪴
Thank you for sharing Sir. Watching from Tagum City, Davao del Norte.
Shot out po ryan denalo ng dasma cavite
Wow ang husay ng fertilizer mo. Amazing talaga.
Keep going, sir! Marami po kaming natututunan sa mga vlogs n'yo! God bless!
alo
Maraming salamat po myron nman akong ntotonan sa into pwede po turoan nyo ako sa mga sekteto
Salamat po sa pagtuturo kung paano gamitin ang aji no moto sa.mga halaman ...adk ko din po ilang beses po yam inaaply sa.mga hslaman ?
Sir pwede po ba ang regular water tulad ng tubig poso o kaya sa gripo basta unchlorinated. Thank you
Hello po,maraming salamat po sa mga impormasyong sinishare nyo,..can I call you uncle,Kasi Ang nanay po Ng mama ko (my Lola) is Layson galing po cila Ng capiz
May tanim po akong sili masipag mamulaklak pero di namumunga... Ano po dapat gawin...
Thank you for sharing this vedio its a big help to all our farmers.