TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER
HTML-код
- Опубликовано: 7 фев 2025
- PAGTATANIM, PAG-AALAGA, PAGPAPABUNGA NG HITIK AT PAG-ANI NG BELL PEPPER
Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo kung paano ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper, para magkaroon ng hitik sa bunga.
Maraming taglay na health benefits sa ating katawan ang Bell Pepper, tulad ng mataas na anti-oxidant content, proteksiyon laban sa sakit na cancer at puso. Nagtataglay ng Vitamin C, E, Beta Carotine at marami pang iba.
Ang aking mga tanim na Bell Pepper ay pawang nasa 10-liters na empty bottle ng mineral water na aking pinalaki hanggang sa mamulaklak at nagbunga ng hitik na hitik sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
Ang Bell Pepper ay masarap at madalas ay ginagamit na sahog sa ano mang luto mula sa karne at isda at pampasarap sa pizza.
Ginagamit din sahog sa pansit, masarap sa atchara dahil katamtaman lamang ang Anghang nito at iba pang lutuin.
Kung nais ninyong magtanim ng Bell Pepper ay maaari kayong bumili ng seeds nito sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise Supermarket iba pa.
Simpleng alagaan at patubuin ang Bell Papper sa 10 liters na empty bottle ng mineral water.
Tiyakin lamang na matabang lupa ang gagamitin sa pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Bell Pepper.
Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman.
Ang ratio ng lupa sa pagtatanim ng mga halaman tulad ng Bell.Pepper ay 60 percent garden soil o buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay o Carbonize Rice Hull at 20 percent ay tuyong dumi ng manok o chicken manure.
Maaring direktang itanim sa bote ang Bell Pepper o kaya'y ipunla muna.
Ibaon lang ng 1-inches sa lupa na nasa bote, saka didiligan ng bahagya araw-araw at pagkalipas ng 7-araw ay tutubo na.
After 15-days ng pagkakatubo ng Bell Pepper ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ),.isang beses kada Linggo para manatiling malusog.
Pagkalipas 30-days at nasa mahigit isang dangkal na ang laki ay i-pruning siya para magkaroon ng maraming sanga.
Kapag malapit ng mamulaklak ay ispreyan na ng Fermented Fruit Juice.(FFJ) once a week.
Para hindi lapitin ng mga insekto ang Bell Pepper ay one's a week na mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim.
Sa loob lang 60 to 80-days ay maaari ng umani ng bunga na sariling tanim na Bell Pepper.
Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng Bell Pepper sa Merkado.
Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan.
Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim na gulay, pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME.
Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon.
Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo.
Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper sa bote.
Panoorin po ninyo ang video tutorial ko sa aking RUclips Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER tungkol sa step by step na pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper.
Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live din ninyong mapapanood sa Facebook at RUclips.
Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking RUclips Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication.
Hello akoy 82 yrs old n mhilig ako magtanim ng mga gulay silil lhat ng klase hndi p gaanong sucess aking pagta2nim.nadagdagan ang aking kaalaman dhil lage ako nanonood s mga tips m sana mkamit kna ang katulad m n nagkaroon ng hetik n mga bunga ang mga tanim thank you
Wow ang laki ng bell peppers
Watching from Tagaytay City po. Nagtatanim din po ako ng vegetables po which is just beside and at the back of our Café business. Yung pangunahing needs and ginagamit namin sa mga ingredients for burgers, fruit juices, silog meals at iba't-ibang niluluto ang mga itinatanim ko, tulad ng different varieties of peppers, tomatoes, pipino, ampalaya, pechay, talong, potatoes, spring onions, basil, thyme, mint, rosemary, parsley, green tea, atbp. I'm so proud to say na fresh po from the garden to our kitchen mga vegies ginagamit namin at organic po pamaraan ko kaya chemical free po.
Now and then, nagre-refresh po ako ng mga natutunan ko na kaya I'm revisiting your videos & vlogs po. You're a big help po and I thank you so much sa mga tinuro nyo po.
God bless you and your channel!
Eto yung plan ko pag nagkaron ako ng food resto tbh. Kase mas okay tlaga pag fresh from garden ang ingredients.
San po pwedeakabili ngFFJ?
Tanim kung ganyan Ang taas mahigit five feet no pruning at madaming bulaklak kumpulan at bunga maraming na.
Therapy din po! Ang pag tatanim sa terasa lang mg apartment ko at sa mga paso lang mga tanim ko. Kahit mahal presyo ng lupa dito:🇨🇭 at hindi pwedi magawa composed . Super happy pag namumulaklak na at nabunga na 💝. napaka laki ng advantages maraming ingredients & herbal spicies itanim at organic pa tamis ng kamates ko, at dahon ng gabi lalapad. At yong kamote bagin kahit naka tayo lagi ko ini ttrim dahil dahon "talbos" lang kailangan ko, at iba pa mga tangled, luya, sibuyas, bawang ect, ect namadali tumubo.
God blesses po!& ☘️💪🙏🎉😘
sarap pag my ganyan ka sa bahay
Hello my new friend😊 Yes to Agriculture!! More power to you sir. GODBLESS🙏😊 @LhynChannelTeammadFamily
Classmate Teacher Divine, nabati ka ulit. Wow avid fan kana rin.
Watching from KSA
Maraming salamat sa shout-out mo kuya Mer,samen lahat dto 👍
Hi 62 yrs old npo ako from bacoor city Cavite mahilig po ako magtanim pero hndi ako mabuhayan ng bell pepper gardening ang favorite hobby ko
fr teammad family sending my support kapatid
Good job po
From lhyn channel
Good afternoon po. Happy watching po From Hk. Po
im here new friend sending you full suport from teammad family
Ang ganda nman ng bell pepper dito sa paco 15.00 ang isa nyan.
Ang gandang kaalaman po sir para sa magsasaka at isa na ako dun god bless po
Hello po sir magandang umaga po nasisitahan ako na nunu od sa inyo Sir i hope na kung ako mag tanim ng Bill paoer gusto ko ganyan gaya sa inyo ang pag tanim ko maraming salamat po gusto ako matuto sa inyo palagi at lagi ako nanunuod sa inyo salamat po Gidblss po Sir,
8
galing po ng mga ideya nio sir. fr ya WLB ingat po . TeammadFamily Supporters
Magandang araw po idol... napakarami ko pong natutnansa iyong mga videos... mabuhay po kayo at pa shout out po minsan marami salamat, full support po ako sa inyo....
Hello po . Pa shout din po sa nxt vlog kelogs from Montalban Rizal at Jho from Ontario Canada.
Good day po salamat po god bless and keep safe
Ilang years pa po at talagang try ko din po yang pagtatanim, napakasarap po talaga na may sariling garden na pagkakaabalahan sa araw-araw...madami po matutunan sa channel nyo...salamat po sa sipag nyo mag share...
Sir idol laht NG cnb MO Tama po at sang ayon, isang dakilang propesyon ang paging mgsasaka, dhil layunin nito n pakainin ang sangkatauhan
Nkk inspired panoorin isang simpling farmer din ako. Lam ko npkhirap maging traditional farmer. Masaya pg yung kinakain natin ay galing lahat sa farm o bakuran natin. Stay bless and be blessed!
Good pm Po sir. Ask q lng Po. Kng pwd Po sya direct sunlight?
Good mrning sir proud boholano ako nais krin mgtanim ng gulay at halaman ako pla c gabriel bananola my ksbihan tyo kmain kng gulay pra ha2ba ang buhay thts true yan
Sn ba nbi2li ang seed ng bill paper sir khit pla wla kng space mrming praan sa pgtanim
Mrmi akng natu2nan s u sir eapply ko yan pguwi kng bohol sa mayo 9 2023 1year death anniversary ng nanay ko
good morning po sir😊😊😊
Salamat sa pag share mo po ng iyong mga nalalaman na pahiram po sayo ng Dios keep safe and God Bless po Sir.Mer
Maraming salamat po Sir, informative video Po. Matagal na Po kaming subscriber nyo ng family and friends. Watching from Chicago Illinois.
Mula ng nanunuod aqoh nito. Ginaya ko n to..marami n rin me tanim in galoon
Ang astig po Sir, ang lalaki po at ang ganda po ng bunga. thank you for sharing your knowledge and experience po Sir. God Bless po.
God pm po sir, maganda po Yan tanim nyo po na bell pepper
Good morning idol from Los Angeles California
Hello po, new subscriber here , Salamat po Sa pagtuturo .
Mag igadu ka na sir mahal ang bell pepper sa atin especially holidays.
Wow excited pag harvesting time nah... Enjoy buhay magsasaka 😊
sending my support teammad family
wow, ang dami at ang lalaki pa ng bunga!
sarap niyan sir😊😊😊
Ung ines pray mo Hnd ko makuha kung my papa ano.pki.sent Po
Slmt.po.
Pki turo Po ulit.enterested dn Po ako.
Ang bell pepperrrrr
salamat sir magsasakang reporter idol lahat po ng napapanood q sa inyu ay gagawin q salamat po
wow maraming salamat po sa pag share ..frteammad family
Ok n sir!nka subscribe nko Kay KY...be bless po
Pinapanuod ko po yung mga vedio mo ,dami ako natutunan ,sa totoo lang po ,ginagaya ko 😅 .
Maraming salamat po for sharing ng iyong mga kaalaman, marami kapo na tutulungan,God bless po ang more blessings to you
Nakakatuwa naman po ang mga tanim niyong bell pepper kasi ang daming bunga. Lagi po akong nakasubaybay sa inyo sir at napapanood ko rin kayo sa tv. Thank you for always sharing tips sir Watching from Binan Laguna.
Thank you po magsasakang reporter.
HINDI NA TALAGA IMPOSIBLE NGAUN KAPAG GUSTO MONG MAGTANIM.. URBAN GARDENING IS LEGIT NA TALAGA... SALAMAT PO SA MGA TIPS
Keep safe
Hello po...Thank you po sa pag share ninyo sa pagtanim ng bell peppers gagayahin po ko yan.
Shout out nman Po dmi ko Po natutunan sa inyo,, always watching from Canada thank you Po
mabuhay ang mag sasaka..salamat sa tips idol,napakalaking tulong po..watching from davao city
Napakaganda ng tanim niyo. Sana ay makapagtanim at makapagpabunga din ako ng ganyang bell pepper.
Salamat po sa pag seshare ng mga idea nyo sa pagtatanim ng bell pepper at iba't ibang pananim.
Gd evening Sir Mer Layson... I' m 74 yrs old, nag tatanim ng mga gulay sa harap ng bhay kc ang likuran nmin binabaha sir.
Sending my support from teammad family Maraming Salamat po sa pag tulong nyo sa Amin PROYEKTO sa teammad family PO
Wow kaguapo sa bel peper unta makabalo ko ana.
Transfarmer Philippines here..Thank you.Godbless!
ang daming bunga salamat po sa mga tips , kya pala 2 lng bunga ng bell pepper ko kasi bote lang ng coke ang tinaniman ko , dpat pala mas malaki.
Tao puh , watching from japan
1st time ko lng Po nkapanuod ng video mo today. Jan. 27'23. Thank you po
Thanks for sharing the knowledge lodi. A newbie fren full support watching here😍
thanks Bro Mer, bagong kaalaman na naman, nagtatanim na ako ng Bell pepper, namumulaklak na kaso nasalanta ng Bagyong Odette, magsusimula ako ulit.... God Bless.
Tanim po kayo ulit, Happy Farming po. GOD BLESS
Ty sa sharing mo mahilig din akong magtanim at marami akong natutunzn sayo
watching FRON PAYATAS QUIZON CITY
Im watching fro hete montalban
GOOD AFTERMOON PO THSNKS FOR SHARING
Hello sir good morning namiss ko Ang video s nyo Kasi Ang dami akong natutunan about sa mga share nyo sa pagalaga ng mga tanim salamat po
Salamat sir gawin ko po tinoturo
Sir mer watching from patnanungan quezon..
Nakakaaliw panoorin yung vlog nio madami matutunan :)
Fundal Family watching from montalban Rizal
Nice brother ang dami ko pong natutunan sa channel mo.. Salamat po sa pag bbahagi.. 👍🥰
Shout out po d2 po sa puerto princesa city
God bless us start and end your day with our ALMIGHTY GOD. THANKS
salamat po sa video na ito sir...first time ko pong mag tanim ng bell pepper
watching from san jose del monte bulacan
Good evening po Sir Mer!!
Hi po sir newly subscriber 😊
Maraming salamat sa pagbigay mo ng kaalaman sa pagtatanim ng mga gulay!
Hi po s Magsasakang Reporter! New subs po from Silang Cavite
salamat sir sa mga karagdagang kaalaman sa pagtatanim. request ko lang paano ba ang paggawa ng FFJ?
Thank for ur advice. Sa
Halam.good job...
Thank you. Keep uploading more sir
Nkaka inspired po kyu marami po aqo ntutunan sa pagtatanim
Hello sir,
Pwde ho mag request ipakita nyo po ang pansit pansitan gusto ko malaman ang hitsura ng pansit pansitan at sabi nyo ho pwde panggamot. Sana sa Sunday e pakita nyo ho ang pansit pansitan.
God bless po
Tina ng Calaca Batangas
Pwede mo makita ang pansit pansitan,try mo e google
Try q nga din po. Salamat po sa educational videos nu, mahilig din po ako mgttanim ng kung anuano. Watching from Edmonton, Canada
Bom dia amigo parabéns pelo vídeo acompanho o seu canal do Brasil 🇧🇷
Thank you for sharing watching Dumagety city
Nakakatuwa dami po bunga
God bless Po at maraming salamat sa Pag share...☺️☺️☺️tamang tama Po may tanim akong bell pepper......
Wow ganyan po pala ang dapat gawin.. may isang bulaklak na po ang bell pepper ko or called capsicum in 🇦🇺 sana magbunga din po ng madami tanim ko na bell pepper.
Thanks for sharing bell peper sir
Good. Job
Pa shout out idol from opol misamis oriental
Salamat po sa pag tuturo nyo sa pag tatanim ng Bell Pepper 🌶️
Thanks for sharing Sir❤❤❤
So happy watching sir God bless po
Thanks for sharing ur knowledge, meron n ako mga punla.gagawa n lng ako Ng pgtataniman
Watching po host from UK
Okey po tutunan ko Po salamat
Thanks ser sa blag mo😊
Wow😮
I enjoyed watching your blog. Watching from Victoria, Laguna. I love gardening even I'm already senior citizen
Thnks po sa Tips, Godbless po!