MB SA CARRANGLAN;GEN. HIDALGO SASABAK SA PULITIKA;MGA KILALANG PULITIKO NAG FILE NG COC

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 окт 2024
  • MULTIPURPOSE BUILDING SA CARRANGLAN NAPAPAKINABANGAN NA
    MAPAPAKINABANGAN na ng mga residente sa Barangay FC Otic, Carranglan, Nueva Ecija ang katatapos na multipurpose building ng Department of Public Works and Highways.
    Ang multipurpose building ay may sukat na 50.8 metro kuwadrado, ito ay magsisilbing central hub para sa mga lokal na pagtitipon at mga programa ng kabataan, pagpapalakas ng mga ugnayan sa komunidad at pagpapahusay ng kagalingan ng mga residente.
    Ipinatupad ang proyekto ng Nueva Ecija 1st District Engineering Office, na may P5.9 milyong pisong pondo na matatagpuan malapit sa pampublikong pamilihan, na pagdarausan ng sports, fitness activities, at community events.
    Bukod dito, ang pasilidad ay may kasamang dalawang basketball ring at idinisenyo na may ramp, layuning matugunan nito ang mga pangangailangan ng lahat ng residente.
    Sinabi ni District Engineer Osias A. Santos, bago ang pagtatayo ng gymnasium na ito, ang komunidad ay may kakulangan sa espasyong pagdarausan para sa pisikal na aktibidad at panlipunang pagtitipon, kung kayat nalilimitahan ang pakikipag-ugnayan ng mga kabataan at koneksyon sa komunidad.
    _________________________
    GENERAL HIDALGO SASABAK SA PULITIKA SA NUEVA ECIJA
    MATAPOS ang Tatlong Put Limang (35) taon na pakikibaka laban sa krimina¬lidad at iba pang sindikato, sasabak naman sa bagong career si Central Luzon director Gen. Jose Hidalgo Jr. ito ay ang pulitika.
    Si Hidalgo ay tatakbo sa pagka mayor ng Cuyapo, Nueva Ecija sa darating na 2025 midterm election. Si Hidalgo ay magreretiro pa sana sa Hulyo 15 sa isang taon, subalit minabuti niyang iwan ang PNP nang mas maaga para tugunan ang mga alituntunin ng Comelec.
    Ipinasa ni Hidalgo ang kanyang iniwanang puwesto kay incoming Central Luzon director Brig. Gen. Redrico Maranan sa isang turn over ceremony nung Oct.1 sa Camp Olivas, City of San Fernando, sa Pampanga.
    Sa kanyang pagiging pulis ay nalibot na ni Hidalgo ang lahat ng sulok¬ ng PNP, bago siya ma-assign sa Central Luzon ng isang taon at anim na buwan.
    Siya ang pina¬kamatagal na nagsilbing hepe ng PRO3. Si Hidalgo ay naging District Director din ng Northern Police District; Battalion Commander ng Regional Mobile Force Battalion; City Director ng Olongapo City at Angeles City at OIC ng Aurora PPO.
    Naging chief of police din siya ng Pasig City; Ermita Police Station; Cainta Police Station, Tiwi Police Station, Bacacay Police Station, at Boleno Police Station.
    Hindi pa naman inaanunsiyo ni Hidalgo kung kailan siya magpa-file ng kanyang certificate of candidacy sa pagka Mayor sa naturang bayan.
    ________________________________________
    MGA KILALANG PULITIKO NAG FILE NA NG KANILANG COC SA COMELEC
    NAKAPAG HAIN na ng kani-kanilang mga kandidatura ang ilan sa mga dati nang opisyal, nagbabalik at aakyat ng mataas na posisyon sa ibat -ibang pwesto dito sa lalawigan ng Nueva Ecija ang mga kilalang pulitiko.
    Sa ikalawang araw ng COC filing, Sa 2nd District ng lalawigan ay nag file ng kanyang COC bilang Kongresista ang Mayor ng lunsod ng San Jose na si Mayor Kokoy Salvador.
    Samantala, sa bayan naman ng Bongabon na tinaguriang Onion Capital ng lalawigan ay naghain na rin ng kanyang kandidatura ang dating Mayor na si Allan Gamilla.
    Sa bayan naman ng Penaranda ay nagsumite na rin ng kanyang COC si incumbent Mayor JOEY RAMOS, Samantala ay inaabangan na din ngayon sa kung sino daw ba ang mag pa file ng kanyang COC sa pagka mayor sa lunsod ng Cabanatuan dahil matunog ang pangalan ni 3 termer 3rd District Cong. Ria Vergara na umanoy siyang lalaban o posible din naman daw na ituloy na lang ng nasa kanyang last term na, na si Mayor Myca Vergara.
    Naka antabay na din ang mga Nueva Ecijano kung sino pa ang magpa file ng COC sa pinaka mataas na posisyon sa lalawigan bilang Gobernador dahil hanggang sa ngayon ay wala pang nababalita kung sino ang lalaban sa kasalukuyang gobernador na nag file naman ng COC nung October 01.

Комментарии •