Genesis 01 - Magandang Balita Biblia 창세기 1장 성경 읽기

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 8 сен 2024
  • 1. Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;
    2. ang lupa ay walang hugis o anyo.
    Dilim ang bumabalot sa kalaliman
    at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
    3. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
    4. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan.
    Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim.
    5. Ang liwanag ay tinawag niyang Araw,
    at ang dilim naman ay tinawag na Gabi.
    Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga - iyon ang unang araw.
    6. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!”
    7. At nangyari ito. Ginawa ng Diyos na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba.
    8. Langit ang itinawag niya sa kalawakan.
    Lumipas ang gabi, at sumapit
    ang umaga-iyon ang ikalawang araw.
    9. Sinabi ng Diyos: “Magsama-sama sa
    isang dako ang tubig sa silong ng langit
    upang lumitaw ang lupa.” At nangyari nga ito.
    10. Tinawag niyang Lupa ang tuyong
    bahagi at Dagat naman
    ang nagsama-samang tubig.
    Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.
    11. Pagkatapos, sinabi ng Diyos:
    “Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri
    ng tumutubong halamang nagkakabinhi
    at mga punong namumunga.”
    At nangyari ito.
    12. Tumubo nga sa lupa ang gayong
    mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.
    13. Lumipas ang gabi, at sumapit
    ang umaga - iyon ang ikatlong araw.
    14. Sinabi ng Diyos:
    “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit
    upang mabukod ang araw sa gabi.
    Ito ang magiging batayan sa bilang
    ng mga araw, taon at kapistahan.
    15. Mula sa langit, ang mga ito'y
    magbibigay ng liwanag sa daigdig.”
    At gayon nga ang nangyari.
    16. Nilikha ng Diyos ang dalawang
    malalaking tanglaw: ang Araw,
    upang magbigay liwanag sa maghapon,
    at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi.
    Nilikha rin niya ang mga bituin.
    17. Inilagay niya sa langit ang
    mga tanglaw na ito upang magbigay
    ng liwanag sa daigdig,
    18. tumanglaw kung araw at gabi,
    at magbukod sa liwanag at dilim.
    Nasiyahan ang Diyos nang ito'y
    kanyang mamasdan.
    19. Lumipas ang gabi, at sumapit
    ang umaga - iyon ang ikaapat na araw.
    20. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig
    ng maraming bagay na may buhay,
    at magkaroon din ng mga ibon
    sa himpapawid.”
    21. Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala
    sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay
    sa tubig, gayundin ang lahat ng uri
    ng ibon. Nasiyahan ang Diyos nang
    ito'y mamasdan.
    22. Pinagpala niya ang mga ito at sinabi
    “Magpakarami ang lahat ng bagay
    na nabubuhay sa tubig at punuin
    ang karagatan; magpakarami rin ang
    mga ibon at punuin ang daigdig.”
    23. Lumipas ang gabi, at sumapit
    ang umaga - iyon ang ikalimang araw.
    24. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat
    ng uri ng hayop sa lupa - maaamo,
    maiilap, malalaki at maliliit.”
    At gayon nga ang nangyari.
    25. Ginawa nga niya ang lahat ng ito,
    at nasiyahan siya nang
    ito'y kanyang mamasdan.
    26. Pagkatapos, sinabi ng Diyos:
    “Ngayon, likhain natin ang tao ayon
    sa ating larawan, ayon sa ating wangis.
    Sila ang mamamahala sa mga isda,
    sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat
    ng hayop, maging maamo o mailap,
    malaki o maliit.”
    27. Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon
    sa kanyang larawan. Sila'y kanyang
    nilalang na isang lalaki at isang babae,
    28. at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya,
    “Magpakarami kayo at punuin ninyo
    ng inyong mga anak ang buong daigdig,
    at kayo ang mamahala nito.
    Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan
    sa mga isda sa tubig,
    sa mga ibon sa himpapawid,
    at sa lahat ng mga hayop
    na nasa ibabaw ng lupa.
    29. Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat
    ng uri ng halamang nagkakabinhi
    at mga bungangkahoy
    bilang pagkain ninyo.
    30. Ang lahat ng halamang luntian
    ay ibinibigay ko naman sa lahat
    ng hayop sa ibabaw ng lupa at
    sa lahat ng mga ibon.”
    At ito nga ang nangyari.
    31. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat
    niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
    Lumipas ang gabi, at sumapit
    ang umaga - iyon ang ikaanim na araw.

Комментарии • 5

  • @regionalchurchd3838
    @regionalchurchd3838 3 года назад +1

    Thank you for the audio that you have shared. We really need these for our bible reading. God bless and Jesus is the CHRIST.😇🙏💛💛💛

  • @merofejr.alcantara7474
    @merofejr.alcantara7474 2 года назад

    Hi maylink ka po ba kung saan mkakakuha ng buong lumang tipan na audio? Thnx