Spoken Poetry "Binalewala" Isinulat ni Jae Villegas

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 29 ноя 2024
  • "𝐁𝐢𝐧𝐚𝐥𝐞𝐰𝐚𝐥𝐚"
    𝘽𝙮: 𝙅𝙖𝙚 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙨
    Alam nyo ang sakit kapag yung ala-ala ay binasura,
    Pero mas masakit pala kapag yung pagmamahal mo ay binalewala.
    Ilan, ilan na nga ba ang mga hakbang na ginawa ko para lang mapansin mo?
    Ilan na nga ba ang sakripisyo na inalay ko para sayo?
    Ilan na ang mga akdang isinulat ko patungkol sayo?
    Ilan, ilan na nga ba ang mga patak ng luha na tumulo dahil sayo?
    Grabe! Di ko na mabilang sa sobrang dami!
    Ikaw! Oo ikaw na luminaw sa magulo kong mundo. Ikaw na bumuo sa mala-kongkreto kong mundo.
    Alam mo bang, masaya ako sa twing nakikita ka?
    Bawat galaw mo may dalang ligaya,
    Ang iyong pag-indak sa sayawan napakasarap sa mata.
    Hindi nakakasawa!
    Kung kaya't nabigyan ng rason ang papunta ko sa klase,
    Nasasabil kahit alas dose pa lamang ng gabi,
    Ikaw naman kasi,
    Marinig lang ang boses mo di nakakasisi.
    Kung bakit ako may pagtingin sayo!
    Kung bakit ako nahulog sayo!
    Kung bakit... Bakit ako nagmahal sa paraang ako lang ang nakakaalam.
    Di mo lang alam,
    Kaytagal ko ng inaasam
    Ang pagmamahal na pinapangarap ng karamihan. Isa na ako dun!.
    Di mo napansin noh?
    Nasa kanya kasi palagi ang atensyon mo, oras mo pati puso mo nasa kanya na rin. Kaya di mo ako nagawang lingunin.
    Masaya kang kasama sya, habang ako kalungkutan ang dinadala!
    Awtomatekong may tripleng kutsilyong sumasaksak sa puso ko,
    Sapagkat nakita ko,
    Ang senaryo,
    Na hindi ko gusto.
    Paraan ng paghawak mo,
    Paraan ng pagtitig mo... Sa kanya!
    Na syang ikinadurog ng puso ko.
    Binabalutan ng karupukan,
    Di bale ng masaktan,
    Di bale ng mabalewala ang pagmamahal na inipon ko mahigit ilang buwan,
    Basta masaya ka lang kanino man.
    Nakita mo ba ang mga luha'ng ito?
    Dahil ito sayo!
    Nakikita mo ba ang mga ngiting ito?
    Dahil parin ito sayo!
    Sapagkat makita lang kita masaya na ako,
    Kahit di ako yung laman ng puso mo.
    May dalawa kang mata pero bakit di mo makita ang aking halaga at paghanga,
    May dalawa kang tenga pero bakit di mo marinig sa bawat pagbigkas ko ng mahal kita.
    May dalawa kang paa pero bakit di mo kayang humakbang sa'kin papunta.
    Kaya heto ako ngayon, hinayaan kang humakbang papunta sa kanya,
    Kaya yung pagmamahal ko nabalewala.
    Pero ayos lang masaya ako para sayo,
    Dahil nahanap mo na ang karapat-dapat sa puso mo,
    Hayaan mo ipagdadasal ko nalang kay bathala, na sana... Sya na talaga!
    Minsan ko ng napagtanungan,
    Ang mga tala sa gitna ng kalawakan,
    Kung bakit tayo nagmahal sa taong hindi tayo ang mahal,
    Bakit tayo naglaan ng oras sa taong hindi naman para sa atin,
    Bakit nating pinapahalagahan ang taong hindi nakakakita ng halaga,
    At bakit... Bakit tayo paulit-paulit na nagpapakatanga kahit, binalewala na!

Комментарии •