PABLO 'Kelan' ft. Josue Official Lyric Video | Reaction
HTML-код
- Опубликовано: 3 окт 2024
- 'ALON' Album Out Now
distrokid.com/....
VI. Kelan ft. Josue
Artist: PABLO, JOSUE
Composer: RADKIDZ (PABLO, JOSUE)
Producer: RADKIDZ (PABLO, JOSUE)
Mixing & Mastering Engineer: Emil Dela Rosa
Creative Director: Xi-Anne Avanceña
Creative Associate: Amor Amores
3D Artist & Animator: Miko del Rosario
LYRICS
Kelan ba ‘ko magiging payapa
‘Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala
Kahapon ay hindi na lumipas
‘Di ko rin alam kung meron bang bukas
Pilit nga na nangangapa sa alam na ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim
Liwanag ang kanyang lihim
Sinubukang alamin saloobin
Tumingin sa salamin
Ngayon ano’ng aking gagawin?
Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo
Kung pagtingin sa salamin
Nakangiting
Ikaw pa rin
‘Di mo na kailangan na
Magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sa walang sana, walang dismaya
Makatotohanan lang, walang iba
Buksan mo ang iyong isipan
Kakitira’y gawing kalawakan
Ang katotohana’y ‘yong nahahawakan
Tuparin ang napanaginipan
That’s right!
Play, hanggang sa dulo
Ah, mayday!
Panay peligro
But someday,
Maitotono ko rin ang buhay ko
Na desintunado, sing!
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko ang aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Ako’y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba’t parang ‘to’y bangungot
‘Di ‘ko magalaw aking tuhod, bukod pa dun ay ‘di ako makahugot ng hininga
at parang nalulunod
Ang pakiramdam ko ay nanlulumo
Bawat sigaw ay parang lang bumubulong,
tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
hindi ako marunong humingi ng tulong
ako lang ang guro sa bawat pagsubok
kahit na lumulubog kahit na nalulugmok
Sugod ng sugod kahit hindi matumbok ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito’y hindi magkakatuldok
hilig ng tadhana ma’y ako’y mabugbog, hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
kinalaban ang nasa salamin
kinontra kanyang mga gawain
‘lam naman natin na s’yang salarin sa lahat ng naging pangyayari samin
sa kabila ng lahat ng aking inakala’t pagsisisi, siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
at pagkalabog ng beat, mga mata’y namulat sa pagkapikit
unti-unting gumagalaw ang mga binti
‘di ko na pinansin aking paghikbi
kelan ba makakatakas dito sa kulungang ginawa sa’king bumbuna’ng takot ang naging puhunan
nanlalamong kalungkutan - minsan nang napalibutan
diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko ang aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Kelan ba ako tunay na sasaya
Tuluyan nang nawawala’ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging ama kelan ba
oh kelan ba, kelan ba, kelan ba
Kelan?!
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Facebook: / popowpablo
Instagram: / imszmc_
X: / imszmc
TikTok: / truiszmc
#PABLO #PABLOAlonAlbum
1:44 yes, raise to the thousand points bro, solid ung flow
6:36 same with Gloc, props to rappers alike
Mgkapatid cla
mana
Sarap pakinggan lahat ng kanta ni Pablo. Nakakatalino ng buong pagkatao.
Sana kantahin nla to ng LIVE..
magkapated Po sila SI Josue Po Yung sumunod kang Pablo
Pa react din po determinado MV
Galing. Marami kasing nag-rereact na di ma-appreciate ang rap. May ibang character ang flow na hiwalay sa lyrics. May ibang discourse dito.
magkapatid po sila
Oo. Iba iba yung flow ni Pablo sa mga kanta niya at sa iba't ibang verse sa iisang kanta. Definitely plus points.
May mga rapper kasi na iisa lang flow. Kahit ibang kanta na, kahit ibang beat pa yun, almost same yung flow. Tipong lapat mo yung vocal tract sa isang kanta dun sa beat sa isang kanta eh halos walang pagkaka-iba.
First time ko makinig sa reaction video mo boss, I like it. Nakinig ako ng ibang local reaction video (yung mga mostly hiphop/rapper yung music) halos walang mention about sa flow/wordplay ni Pablo.
kuys, check mo din mga songs ni josue. solid din. check mo ung bulalakaw saka agos. ang ganda nun...more on rap talaga sya
Sure, subscribe din ako para updated
New sub here, lola/ nanay.keep going @@NikoR3acts
First time to see your reaction. Am liking it so much. Erp on foung i esp for Pablo, my bias and SB19! ❤btw, are u a rapper? I can hear one!❤
Yes , he made it more entertaining sa tenga para sa gaya ko na di naman talaga mahilig sa rap. Magaling!
Yeahh. Basta Pablo or SB19, Very dynamic lagi kahit rap flow nila. 😊
Ano kayang final form ni Pablo
nxt po DETERMINADO and AKALA by NASE brothers PABLO and JOSUE( RADKIDZ) ❤
Magkapatid cla pero mas matanda si pablo
Akala ko, mas matanda si Josue
Magkapatid yeyeah
Woah
Check mo Mv nila na determinado by magkapatid pablo josue. D sila pwede magmura kac christian sila.
Younger brother po si Hoswe.
Mukhang mas bata si Sejun
YOUNGER BROTHER PO NI PABLO SI JOSUE
Bakit may mga ganung magkakapatid, no? Parang sa'kin, mas mukha akong matanda sa kuya ko 😅
Welll, your observation is really good. Pablo is a great rapper. Thank you for supporting Pablo❤❤❤
6:21 💯💯💯
Dibaaaaa
5:25 Magkapatid po hehe
Akala ko mas bata si Sejun hahaha
9:04 yun ata yung di niya kaya wahahaha XD
You need to watch their live performance ng Kelan sa Earth hour celebration. Mas maganda kesa sa recorded version. Maraming adlibs. Sobrang legit.
Ay sige po, hahanapin ko
my bias PABLO
Mine too❤
Btw, Josue is more growly than Pablo. Pang heavy metal talaga, like the one he did in Determinado.
Oh, I see.
Thank you po na appreciate mo ang SB19. I'm watching all the reaction! New sub here!
Thanks for subbing!
keep safe always kuys!
You too!
Radkids(pablo and josue)
Bakit po "rad"?
Name of their company and they are brother /siblings
3:10 What!? po ang title
Yun, what?! pala. Nasa isip ko, gento 🤣
Na aamused ako sa reaction mo hehehe, nakakatuwa ka, i really like watching your reaction videos...
Magkapatid po sila. Older si Pablo.
Thanks!