96 Band Flower Offering Tradition for San Miguel Arkanghel Recap - September 29, 2021

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 24 сен 2024
  • KALATAS - Tradisyon at Kultura
    Kapistahan Ni San Miguel Arkanghel
    Misa de Gracia, 9:00 N.U.
    “Magnificat anima mea Dominum”
    “Ang Puso ko’y nagpupuri sa Panginoon”
    Sinisimulan natin ang ating pagdiriwang sa isang Misa de Gracia o ang Misa ng Pasasalamat. Sa pagkakataong ito nakikita natin ang tagumpay ng Diyos dahil tayo’y Kanyang tinawag bilang isang kawan. Sa masalimuot na mukha ng buhay, sa kabila ng ating mga nararanasan ngayon na kahirapan bunsod ng pandemya, maitatanong natin sa ating sarili - may dahilan pa ba para magpista? Ang sagot ay mayroon. Mayroong dalawang malalim na dahilan ang bawat pagdiriwang ng pista, una ito’y ang katapatan ng Diyos sa atin, tinuturuan Nya tayo na patuloy na magtiwala sa Kanya at ang ikalawa ang damdamin ng bayang nagpapasalamat sa Diyos na tapat, at bilang Kanyang nagkakaisang sambayanan atin Syang pasalamatan, Siya na may akda ng lahat ng bagay at ang dahilan kung bakit tayong lahat ay naririto ngayon. Ang Diyos ng kasaysayan, tradisyon at kultura, karapat-dapat bigyan ng kapurihan dahil sa kanyang pag gabay sa ating lahat. Sa taong ding ito ang buong Simbahang Katoliko sa ating kapulungan - sa bansang Pilipinas ay nagdiriwang ng ika 500 taong Krisyanismo at dito naman sa ating minamahal na Bayan ng Bacoor ay ating ipinagdiriwang ang ika 350 taon ng pagkakatatag nito. Isang biyayang dapat ipagpasalamat at ipagdiwang ng may buong galak. Ilang siglo ang nagdaan nakita natin ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos sa ating bayan at sa ating parokya, simula ng ito’y naitatag bilang isang munting sambayanan hanggang sa ito’y patuloy na yumabong at namunga, sumasabay sa mga pagbabago, patuloy na umuunlad sa tulong ng habag at awa ng Diyos. Maraming salamat sa mga taong namumuno sa ating bayan at sa ating simbahan simula noon at magpasa-hanggang ngayon.
    Pasalamatan natin ating Dakilang Lumikha sa pagsusugo nya sa atin ng mga Pastol, ang mga paring nagmisyon at patuloy na nagmimisyon sa ating minamahal na parokya, pati na rin ang ating mga panauhing pari na ating kasama sa Misang ito. Kasabay ng ating pasasalamat sa kanila atin din po silang ipagdasal upang kanilang matupad ang mga atas na gawain ng ating Panginoon. Ipagdasal natin sila na maging masigasig sa paglilingkod nang may kagalakan.
    Pasasalamatan natin ang Diyos sa pagbibigay Nya ng mga taong nag-alay ng kanilang mga sarili at talento para sa ating Inang Simbahan, Ang mga taong naging bahagi ng mayamang Kultura at Tradisyon, ang mga taong unang nagmisyon upang magpatuloy ang buhay ng ating simbahan, ang Misang ito ay ating inihahandog sa kanila upang tayo’y magbigay pugay at tumanaw ng utang na loob sa mga pamanang kanilang ipinagkaloob sa atin na magpasa-hanggang ngayon ay ating iniingatan at nililinang. Kay Reb. Padre Domingo Sevilla ang ika anim na kura paroko ng Simbahan ng Bacoor, nagpatibay ng Simbahang bato kung saan tayo nagtitipon at ang bumuo na apat na palapag na kampanaryo ng ating simbahan. Kay Reb. Padre Mariano Gomes ng GomBurza na naging Kura Paroko sa loob ng 48 taon at Vicar Foraneo sa buong Ekslesiyastikong Lalawigan ng Cavite, na gumawa ng mga hanapbuhay sa mga sinaunang mamamayan sa Bacoor mula sa pagtatanim ng palay at sa pag iiras, baklad at palaisdaan, pati na rin ang mga pangunahing kalsada sa ating bayan at higit sa lahat kay Reb. Padre Gregorio Florencio ang bumalangkas ng mga iba’t ibang paraan upang manumbalik muli ang katolisismo sa ating bayan, na dati’y naghihingalo at malapit ng mamatay gawa ng pagkakahati ng paniniwala dahil sa malayang simbahan, Maraming salamat nang dahil sa kanya muling namumbalik ang sigla ang katolisismo sa ating Bayan, Pinasinayaan nya ang pagtatatag ng Hermandad dela Virgen Maria sa pistang bayan tuwing buwan ng mayo, ang Damas De Pascua tuwing pasko ng pagkabuhay, lumikha ng mga iba’t ibang awitin alay sa mahal na patron, iba’t ibang rendisyon ng Salve Regina, Tantum Ergo at ang ilan sa mga kinanta ay Misa Pastorela na kinakasaliwan ng Banda 96 96 Band - City of Bacoor, Cavite na tanging sa ating parokya lamang maririnig.

Комментарии • 1