Kung Alam Mo Lang - Bandang Lapis (Official Lyric Video)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 июл 2022
  • Composed by: Mark Jay Nievas
    Arranged by: Bandang Lapis
    Recorded by: LS-F Music Studio
    Mix & Mastered by: Emil Dela Rosa
    Produced by: Bandang Lapis
  • ВидеоклипыВидеоклипы

Комментарии • 2,6 тыс.

  • @Bandanglapis
    @Bandanglapis  2 года назад +2589

    Maraming salamat palagi sa pakikinig at pagsuporta sa amin mga kalapis! Mahal na Mahal namin kayo.

  • @SirJPVlogs
    @SirJPVlogs 2 года назад +285

    Bakit ganito yung sakit na nararamdaman ko sa kantang ito, 4th year education student ako and she was an incoming freshmen when we first met each other on 2018. I still love this only woman since 2019 😅. Teacher na ako nung naging kami, I used to write poems, gave her the time and love she deserved, bought her food, paghatid at pagsundo sa kanya pauwi (buti na lang di ganun kalayuan yung work place ko), at ang di ko makakalimutang scrapbook na ginawa ko na may Nakalagay na Sampung Tula para sa kanya. Kaso nagbreak kami ng biglaan ng March 2020 without any arguments or quarrels. Pero after a couple of weeks of breaking up with me she said she likes someone else (a guy who's criminology student at that time). Even after breakup naghahabol pa ako sa kanya, I still love her so much until now 😅. August of 2020, I was hired as a College Instructor of my alma mater where she is also studying. Third year college na sya that time. I was expecting to handle minor subjects in the lower year but it happens that the loads given to me include the subject at a higher year level where she belongs. September 21 birthday namin pareho (sabay kasi) nagmeet kami at kumain sa fast food, we also talk about things like yung criminology guy na ginusto nya ay niloko lang sya. That day she was also trying to tell me na bumalik kami sa dati but I said to her na mahal pa kita pero hindi tama yung time kasi Instructor mo ako at student kita pagbutihin mo muna yung pag-aaral mo at hihintayin kita hanggang sa pagtatapos mo. After meeting on our birthday minamy day na nya yung mga tula na binigay ko sa kanya at nakiusap ako na alisin nya kasi baka makita ng iba mabigyan ng malisya dahil sa case namin. I made white lies in my work place and sa mga taong may alam ng tungkol sa past namin to protect both of us and para iwas tanong and pagusapan like sinasabi ko sa iba na wala na di na kami naguusap (but in reality we have conversations) pero ayon na nga may mga nakakarating yata sa kanya na kung ano ano and I just send her a message saying "Hang in there for a while, when the time is right pwedeng mangyari ang lahat, support lang ako now and being professional when it's related to work. But when it's not related to work you still have a place in my heart. Natutuwa ako na you become more closer to God! While I'm trying to get back on track. God Bless 😇❣️"
    Nakasubaybay lang ako sa kanya at palaging nagsasabi na kaya mo yan, pagbutihan mo pagaaral mo. While ginawa kong busy ang sarili ko, trabaho lang ng trabaho and then I started pursuing my master's degree habang nagaaral pa sya. Aaminin ko na ako ay tagaheart at tamang reply ng napakaganda mo binibini sa mga my day nya haha.
    Recently, she graduated in her Bachelor's degree. I was the one reading the names of graduates in our department and when I called her name, her fellow graduates clapped and then said ayiieeehhh (Most of them know our past kaya siguro may pagpalakpak HAHAHA). So after all this kwento, at this very moment she knew that I still love her so much and I am more than willing to pursue her dahil graduate na sya at natupad ko yung promise ko na hihintayin ko sya sa finish line ng college life nya. The sad part of the story is that she told me na may nanliligaw na sa kanya, at wag ko na raw sya ipursue at humanap na lang daw ako ng iba kasi di nya raw ako deserve. But she always message me kapag may ipapacheck, magtatanong sya, or may need sya sa school HAHAHA. And I being the pinakamarupok sagot agad sa mga kailangan nya HAHAHAHA.
    I got into the trauma of being in love again, and got more trust issues from the experiences with her, and I thought she is the only one who can make it heal. I really love her so much until this very moment of my life, She is the Greatest Love of my life. And I'm still praying that we can be together again soon. Pero kung hindi man sya yung plan ni Lord sa akin, wag sana ako maging coldest person in terms of love and may I not bend my frustrations sa bagong makikila ko. May someone handle my traumas and trust issues and help me to become more at peace and build a stronger relationship.

    • @callmebon6152
      @callmebon6152 2 года назад +5

      Kaya mo yan bro🙏☝️🤘🤘💪 PAUBAYA sabi nila makakita ka rin iba

    • @kisrylparagoya8038
      @kisrylparagoya8038 2 года назад +6

      "wag sana akong maging coldest person in terms of love and may I not bend my frustrations sa bagong makilala ko"
      I feel you, ganyan ako ngayon. After my trauma wala na talaga.
      To you Sir, sana maging okay ka na soon at mahanap mo yung para sayo.

    • @jacquelynatchero6698
      @jacquelynatchero6698 2 года назад +1

      Wow ❤️

    • @2010kulka
      @2010kulka 2 года назад +9

      if a girl dumped u please don't be stupid chasing her cz she will eventually do it all over again ..

    • @aerodynamics8146
      @aerodynamics8146 2 года назад +6

      Bro akala ko talaga sa gitna ng kwento mong ito ay nagiging maayos na ang lahat at napapangiti na ako,but at the end apakasakit pala ng ending🤦‍♂️
      Kaya mo yan bro! darating palang ang the one mo, trust lang tayo kay God😊
      I pupursue ko din this year yung Masters ko, may we achieve our goals in life! GOD BLESS!💗

  • @jayarreyes8633
    @jayarreyes8633 Год назад +92

    TO THE GIRL WHO'S READING THIS, I HOPE YOU FIND A MAN WHO DESERVE YOUR LOVE. ♥️🦋

  • @JocelsTV
    @JocelsTV Год назад +25

    BANDANG LAPIS isa sa pinakapaborito Kong Banda sa PILIPINAS ,Solid Yung mga kantang Hindi ka Naman broken pero dalang Dala ka sa kanta ❤️

  • @lestherofficial
    @lestherofficial 2 года назад +1396

    Maraming salamat palagi sa patuloy na pagsuporta saamin! ❤️

  • @hannaalexineramos
    @hannaalexineramos 2 года назад +388

    Another masterpiece! ❤️🔥 Eto yung POV nung guy na late nya narealize na mahal nya pa yung girl kaso huli na ang lahat! Ang galing! ❤️❤️ Kudos to Bandang Lapis ✏️

  • @marcoanthonybarrientos2363
    @marcoanthonybarrientos2363 9 месяцев назад +8

    Blessed talaga kayo 7 kayong member.,at ung no.7 yan ung numero ng DIOS.,God bless palagi.,di nga ako nagkamali sa unang comment ko sa pinaka unang kanta nyo na sisikat pa kayo ng husto.,at dapat down to earth lng kayo palagi.,lumingon sa kung anung pinanggalingan nyo para kayo ay pag papalain pa ng husto.,sana next time gawa naman kayo ng worship song na inaalay sa ating MAHAL na PANGINOON.😊😊😊

  • @nancypaller7869
    @nancypaller7869 Год назад +8

    Nalaman ko Tong kantang to nung pinakinggan to ng present ko. At ang sakit subrang sakit yung kantang to para sakin. Sana kung nababasa mo man to. 3 yrs kitang tiniis, minahal at mamahalin pa. Sa lahat ng sakit na binigay mo di kita sinukuan tinanggap kita ng buong buo. Gusto ko ding mahalin ng buo. Its 11:07pm now Cheer me up guys I'm crying while typing this.

  • @lenreybeltran
    @lenreybeltran 2 года назад +287

    Maraming salamat sa lahat ng umabang sa bagong kanta namin♥️
    maraming salamat sa suporta ♥️

    • @aaronsipat7265
      @aaronsipat7265 2 года назад +6

      solid nyo idol sana ma pansin ako ni idol lester

    • @denmarkazares489
      @denmarkazares489 2 года назад +5

      @@aaronsipat7265 oo nga eh pa notice po idol

    • @lenreybeltran
      @lenreybeltran 2 года назад +2

      @@denmarkazares489 thank you idol salamat sa support

    • @lenreybeltran
      @lenreybeltran 2 года назад +3

      @@aaronsipat7265 thank you po sa support

    • @venmenes3281
      @venmenes3281 2 года назад +2

      Idol inaabangan ko palagi new release song nyo 💖💖

  • @margeliedaniel5202
    @margeliedaniel5202 2 года назад +9

    I don't know if possible ba na mabasa ni nimo mylove but Kung e tugot gud ni lord why not, when I was listening to this masterpiece that bandang lapis created I remember our past and I realized Wala nagud diay tay chance Kay happy na kaayo ka sa imong bago krun proud pa Gani kaayo sa iyaha na maski tung sa una kita pa wla nko na Nakita or na feel sa imoha na proud ka sako as uyab nimo but it's okay cause dili man sab same Ang every relationship. happy ko na Nakita tika na happy with her maski sakit Ang Baylo na Makita tika na nalipay sa lain ok lng🙂 Mylove I'm still looking forward to see you with me and be mine again 😭 I know it's impossible pero e ampo ra nko Kung unsa gud ang Plano ni lord sato duha ana sab baya ko sa imo sa una na Kung kita gud KITA GUD and unta Kung e tugot sab ni lord na mag sugat Ang atong mga dalan sa sunod nato na pagkita unta sa sakto na panahon og sakto na Ang tanan sa atoa. By the way good luck diay sa imong new journey I'm always here to support you silently mylove, God bless you always my future seafarer.✨🥰

  • @MHT_MUSIC_2023
    @MHT_MUSIC_2023 9 месяцев назад +34

    Philippines is an amazing country!! I'm from Malaysia, but I love your Philippines very much. From the people, the culture, to the food to this song. Everything is great!!
    Is anyone listening to this song also me?!❤❤

  • @alpaysin7604
    @alpaysin7604 Год назад +26

    Sabi ng ex ko "Paano daw kung mahal niya pa ko" at Pinasa niya tong kantang to sa'kin, perp tinawanan ko lang siya. Sa totoo lang wala ko iba, mahal ko pa din siya, kaso madami ng nagbago, madami na din ang hindi pwede dahil galit sa kaniya ang pamilya ko lalo nung niloko niya ko. Kaya ngayon pamilya ko naman ang pipiliin ko kasi sila yung kasama ko nung sinaktan niya ko.

    • @leonardtabiano6098
      @leonardtabiano6098 3 месяца назад

      Sabihin mo sa ex mo kahit thinking out loud pa ang isend sayo, wala na.

    • @user-zz5fi4um4n
      @user-zz5fi4um4n 3 месяца назад +2

      Yung wala sya mahanap🤣

    • @jonathanbalatar1599
      @jonathanbalatar1599 2 месяца назад

      Sakit po subra miss kona sya kaso.wala eh ako ang nag loko 😢😢😢 nasa huli po talaga ang pag sisisi

    • @reginaespedidoadano5759
      @reginaespedidoadano5759 2 месяца назад

      Sana masabi ko rin ito sa sarili. Sana makayanan ko💔

    • @ElizabethLancian
      @ElizabethLancian Месяц назад

      Herrieiwsgikkosss

  • @rechoplaysjr.3918
    @rechoplaysjr.3918 2 года назад +44

    There was a girl i really love the most.I courted her almost for 2 years but it ends up being a friend.I was there when she was nothing even though in the darkest times I'm always there but we end us a friend.I really love the girl that I courted which I planned to marry her as soon as possible probably it ends this past month.I know she loved some guy but i accept it coz I know that Im already done for the time that God brings me more memories for that girl.Thank You Aiza Mae!Hindi kita malilimutan isa kang prinsesa sa buhay ko.Hanggang sa muli mahal na mahal kita.Salamat Bandang Lapis for this wonderful song want to cover it soon hehe

    • @cathleenantigua8964
      @cathleenantigua8964 2 года назад +3

      Makikita mo rin yung para talaga sayo. Maybe God has plan for you so cheer up 🤗

    • @MTM28950
      @MTM28950 2 года назад +1

      😭

    • @malynganas9541
      @malynganas9541 4 месяца назад

      Bro feel you hope you find someone that can make you happy

  • @ronnajanerasco7040
    @ronnajanerasco7040 2 года назад +40

    Bagong mapanakit na kantaaaa nanaamaaaan toooooh ❤️😍😍😍 sobrang excited nakoooooo. Hindi talaga nakaka disappoint mga songs ng bandang lapis.

  • @Jenifercrisostomo27
    @Jenifercrisostomo27 5 месяцев назад +6

    Nakaka LSS talaga mga kanta nyo - inantay ko talaga kayo kanina sa fiesta ng MABITAC LAGUNA .. galing nyo . Pag uwi ko paulit ulit ko na pinapakinggan ang mapanakit nyong kanta haha good job guys ❤

  • @alexandramarietamayo1505
    @alexandramarietamayo1505 Год назад +15

    Kung alam mo lang na mahal pa kita😭
    For almost 5years na tayong wala bakit pag nakakarinig ako ng mga masasakit na kanta naaalala parin kita😭😭

  • @khristyanjay420
    @khristyanjay420 2 года назад +173

    "Kung Alam Mo Lang"
    Kay tagal na rin pala
    Wala nang tayong dalawa
    Kay tagal na rin ng panahon
    'Di nagkikita ang mga puso
    Kay bilis ng mga oras
    Kay bilis ng panahon
    Parang dati tayo pa
    Wala na ngayon
    Kung alam mo lang
    Na mahal pa kita
    Kaso 'di na pwede dahil
    Meron ka nang iba
    Kung alam mo lang
    Gusto kitang balikan
    Kaso may mahal ka na
    At 'di na ako ang iyong mundo
    Wohh wohh
    Wohh wohh...
    Kay sakit namang makita na
    Sa iba ka na sumasaya, wohh wohh
    Binubuo n'yo na 'yung dating
    Pinapangarap lang natin noon
    Kay bilis ng mga oras
    Kay bilis ng panahon
    Parang dati tayo pa
    Wala na ngayon
    Kung alam mo lang
    Na mahal pa kita
    Kaso 'di na pwede dahil
    Meron ka nang iba
    Kung alam mo lang
    Gusto kitang balikan
    Kaso may mahal ka na
    At 'di na ako ang iyong mundo
    Wohh ohh...
    Kung maibabalik ko lamang
    Ang oras na nasayang ng kahapon
    'Di na sana humantong
    Sa panahong huli na ang lahat
    Para sa atin
    Kung alam mo lang
    Na mahal pa kita
    Kaso 'di na pwede dahil
    Meron ka nang iba

  • @zeddonse4189
    @zeddonse4189 2 года назад +6

    Iba talaga Bandang Lapis. Kuhang kuha talaga pulso ko. Daming hugot songs pero pag ang Bandang Lapis nag release automatic idadownload ko agad. Kuha agad kasi pulso ko sa unang rinig palang ng kanta. Love lots Bandang Lapis. Solid💯💝

  • @StellariusLucius
    @StellariusLucius 3 месяца назад +6

    If the time comes that you stumble upon this music/video and see my comment here, yes. You are the one that i'm talking about. I can't forget about you. Your smile, voice and all. But don't worry i'm not even hurt anymore. Just feel empty that's it. I decided to stop forming relationship since i failed. Because we failed. It's been almost 9 years now. Still wishing you happiness. Sorry that i can't say goodbye to you and to this feelings. What can i do? It's precious to me and you know what we do to all those precious things, memories? Ofcourse we preserve it. I preserve it.

  • @eljonorabsem4155
    @eljonorabsem4155 Год назад +4

    Ganya talaga kung papasok man tayu sa isang relasyon nandyan yung mga SAYA,LUNGKOT,SELOSAN at yung laging present ang MASAKTAN..😏

  • @mhayanntrinidad3695
    @mhayanntrinidad3695 2 года назад +5

    may bago nnaman akong mapapakinggan By BANDANG LAPIS ❤ sa araw.araw ✌😊 solid talaga . walang araw na hndi ko napatugtog mga kanta nyo BANDANG LAPIS ❤✏ Especially JOHN LESTHER ABAÑO. LODI ❤😊

  • @rmcvlog323
    @rmcvlog323 2 года назад +60

    Salamat idol bandang lapis lagi kung inaabangan ang mga bago nyong kanta saludo ako sa inyo idol..subrang galeng nyo gumawa ng kanta lahat ng kanta nyo nagiging kabisado korin lahat.

    • @gas_2abdul-fattahamito937
      @gas_2abdul-fattahamito937 2 года назад +2

      At lagi niyo supportahan Ang bandang lapis para mapalabas nila Ang mga bagong kanta
      #KSKM

    • @Bossmanik27
      @Bossmanik27 2 года назад +2

      Same idol hahahaha

    • @rmcvlog323
      @rmcvlog323 2 года назад +2

      Bandang lapis ang nagiging inspiration ko sa lahat ng mga gumagawa ng kanta

    • @siejayofficial9314
      @siejayofficial9314 2 года назад +2

      Pareho tau brow👍👍👍

    • @rmcvlog323
      @rmcvlog323 2 года назад +1

      I hope makita ko ang mga idol ko in personal

  • @clerbiebaya4780
    @clerbiebaya4780 Год назад +4

    I really I appreciate this band.. 90s ako but I can connect this mellenial band this days.. Love Kong kanta nyu, binabalik ako sa time nong younger days ko.. Inalala ko lahat Kung sana lng maibalik ko Yun at itatama ang lahat Yung panahon na sinayang mga pagkakataon na Malaya akong magdisisyun sa mga bagay na makakapag pasaya sakin ng husto, Kung siguro Nilaban ko hindi sana siguro pagkabigo ng iilang pagkakataon but for now moving on na siguro at hharapin ang bukas at Mga pagsubok na Alam kong Kaya ko 😊. Salamat ulit sa kanta

  • @psycheenamsu6922
    @psycheenamsu6922 2 года назад +6

    Grabi solid fans bandang lapis here. 🙋‍♂️🔥 God bless po sa inyo at sana marami pang music mailabas.. Subrang ganda ng new na ito 🎶🎧❤️❤️

  • @RaiJean_YT
    @RaiJean_YT 2 года назад +8

    grabe another beautiful song from bandang lapis keep up the good work sana marami pa kayong magawang magagandang kanta...kung pwede lng 2 thumbs up

  • @leianebaloyo4255
    @leianebaloyo4255 Год назад +7

    Ito ung kantang kahit hindi mo pa nararanas na umibig at masaktan, mararamdaman mo yung hugot..Ang galing...❤️❤️❤️

  • @bellexxxi2277
    @bellexxxi2277 Год назад +4

    Bakit alam ng kantang to ang nararamdaman ko . Galing ng lyrics kasi yan din nararamdaman ko ngayon . Salamat po sa kantang to . God bless always

  • @binladinkanacan8740
    @binladinkanacan8740 2 года назад +11

    Kabilang buhay+Sana'y di nalang+Dating tayo=Kung alam mo lang. Pinagsama at pinag isa tatlong song

  • @mjlabrador1183
    @mjlabrador1183 2 года назад +13

    Kaabang abang talaga mga kanta ng bandang lapis ❤️🤙
    solid montalbeño 💪🏻

  • @nemesismagno7869
    @nemesismagno7869 Год назад +3

    Bandang Lapis mga idol ang sakit ng mga Kanta nyo naaalala ko ang ex ko 20 times ko pinakikinggan ang song Nyo ang ganda talaga Gumawa pa kayo ng mga maraming Kantang Tagalog Mabuhay kayo Mabuhay Ang musikang Filipino I support Philippine music Forever

  • @triskelionako4377
    @triskelionako4377 Год назад +4

    Na LSS Ako sa kanta ❤
    Grabe kung pwede lang balikan kaso meron na siyang iba hindi na ako yung dating mundo nya 💔😢

  • @nelsonjongko3396
    @nelsonjongko3396 2 года назад +4

    God bless you all Bandang Lapis, palagi ko kayong sinusubaybayan mga bagong kanta
    niyo at perform ninyo sa wish 107.5,
    nakakarelate lahat ang mga kanta niyo, sana mapansin Fan niyo ako, from Cabadbaran City, Agusan del Norte

  • @tans0gaming872
    @tans0gaming872 2 года назад +4

    Sakit naman mga idol THANKYOUUU SA SONG NA PINAPADINIG NIYO PO SAMIN SARAP SA TENGA ILOVEYOUU BANDANG LAPIS💕✏️💪

  • @musiclover4211
    @musiclover4211 Год назад +1

    Yong feeling na ramdam na ramdam mo yong lyrics. Tsss. Hindi naman ako broken hahaha sa totoo lang masaya ako sa mag ina ko, pero parang damang dama mo talaga yong kanta. Hahaah salute to Bandang Lapis🔥😍😍

  • @geraldinetalisic5339
    @geraldinetalisic5339 Год назад +2

    Dati di q gusto mga song nio..pero nung narinig q ito song nio n "kung alam mo lang" na relate aq sa song n ito at dun n nagsimula ang pagkahilig q sa mga song nio...lahat ng kanta nio tagus sa puso...di nakakasawang pakinggan🥰🥰...now ur my fav band of this generation..🥰🥰🥰

  • @janelledomasig3222
    @janelledomasig3222 2 года назад +14

    Bagong kanta, bagong realization. May mga pagkakataon talagang malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo. Nasa huli ang pagsisisi.
    Good job sa inyo! Sobrang solid ng kanta niyo 💕

    • @jandelripalda8524
      @jandelripalda8524 Год назад +3

      Jan mulang malalaman pag wala na ang tao nag na papahalaga sayo. Yung binigay niya lahat lahat sayo.

  • @briosogandezamac4257
    @briosogandezamac4257 2 года назад +5

    Congratulations po sa niyo #bandanglapis and Galing niyo po, God bless you po. From California USA 🇺🇸

  • @rean1331
    @rean1331 Год назад +15

    wag nyong papakinggan toh pag nakainom babalik lahat ng sakit 🤣 grabe ung lyrics 🔥🤧

  • @mhanwelnevado1754
    @mhanwelnevado1754 Год назад +3

    Kung meron mang naghaharing rock band sa pinas ngayong henrasyon nato
    Ito sila! Napakalupit nio talaga gumawa ng kanta idol! Kahit Pangbroken mga kanta nio,rock na rock sarap pakinggan sa malaking speaker 💗👊
    More songs mga idol,aabangan plaagi namin bawat upload nio ng songs💗

  • @jomerita-as4029
    @jomerita-as4029 2 года назад +10

    solid talaga pag bandang lapis gumawa ng kanta dama mo yung kanta🔥🔥🔥

  • @djjohnfernando
    @djjohnfernando 2 года назад +15

    Grabe napakalupit ng Kanta..🔥🔥🔥❤️❤️❤️Salamat mga Idol❤️❤️❤️

  • @rominetholiveros4639
    @rominetholiveros4639 Год назад +4

    No, coz I'm starting to listen all the songs of Bandang Lapis coz he liked their songs^~^

  • @Music107.5Playlist-dq7lb
    @Music107.5Playlist-dq7lb 3 месяца назад

    This is the time that we acknowledge OPM songs. Sobrang deserve ng mga artist natin ang recognition. Nakaka lungkot na mas puno pa ang concerts ng korean idol kesa sa mga small artists natin na halos di nabibigyan ng break... napaka ganda ng mga kantang gawa ng Pinoy..💖💖💖

  • @guiabiancadanta5766
    @guiabiancadanta5766 2 года назад +24

    Another mapanakit na Naman masterpiece from my favorite band. Tagos na Naman to sa puso for sure ..

  • @queenmalhen1738
    @queenmalhen1738 2 года назад +4

    Bago matulog diko palalagpasin to , panibagong mapanakit na kanta , dabest talaga kanta nyo kahit nakakasakit 🥺💔🔥

  • @elainebuensuceso75
    @elainebuensuceso75 2 дня назад

    Wow! This song caught my attention! My very 1st fave song from this band~ Thru' this song I was suddenly reminded of how I sacrificed my love for my 1st **and so far... last boyriend**. I lied and told him that I no longer love him because I was so stupid to think that only in this I can push him away since we really need to let go of each other. His mom doesn't like me and he also need to be with his family abroad. I lied and hurt him without him knowing what I really feels about him. Then yrs later I found out he already have a 1 yr relationship with another girl. Tho' its heartbreaking, I'm still happy for him. Hindi na baleng di niya alam basta kung saan siya masya... I'm also happy already. 😢😊

  • @mikeaerolsalacup1171
    @mikeaerolsalacup1171 Год назад +4

    Napakagandang awitin keep up inspiring us bandang lapis proud to be Pinoy

  • @jonnelg7905
    @jonnelg7905 2 года назад +6

    If super related ka dito , I just want to say na you have someone din na para sayo, just wait make your self better and Love yourself para pag dumating na Yung someone na Yun ready ka na ulit mag mahal...grabe maraming makakarelate dito thanks for another great song bandang Lapis !

  • @guiabiancadanta5766
    @guiabiancadanta5766 2 года назад +17

    Another LSS. Keep streaming! Make this trend! This deserves to be recognize. Another masterpiece songgggg grabeeeeee Wala na ako masabe sa Sakit .. 🥺

  • @adblemos1
    @adblemos1 10 месяцев назад +1

    Palagi ko tong papakinggan, Hanggang sa magising nalang ako Isang Araw na Hindi ko na sya mahal. Salamat sa musika, Bandang Lapis ✨

  • @kimberly5449
    @kimberly5449 Год назад +5

    Grabe. One of my Bandang Lapis favourite songs. Thank you for this song, for being an inspiration to us. Love lots. 😍💖

  • @marcialsoriano2167
    @marcialsoriano2167 2 года назад +64

    I just want to say that you never failed us. Bawat bagong kanta niyo tagos sa puso at mararamdaman talaga ang mensaheng nais ipahatid sa mga tagapakinig ❤️😍 #Solid🤟

  • @harleyquinn5049
    @harleyquinn5049 2 года назад +9

    Solid ang tono, ang sakit ng lyrics. = Perfect broken ❤️ pero kahit ganon, nakakatulong pa rin tong kantang to sa narramdaman ko ^^😍

  • @user-dn3xs5ek7t
    @user-dn3xs5ek7t 6 месяцев назад +1

    Oo maraming maraming salamat kasi may kanta ganito...kahit may kasama kana na d ka kana masaya atlis sa kanta na to d nila mapansin na ganito pala😢

  • @Mikeyblogs8900
    @Mikeyblogs8900 5 месяцев назад +2

    Wow,another awesome songs..i really admire all your makadamdamin songs idol..you rock 🤘🤘🥰🤩

  • @mlstvnvlrn
    @mlstvnvlrn 2 года назад +17

    Isang kanta namn ang patutugtugin sa tuwing ang puso'y nalulumbay, nalulungkot at nasasaktan! Salamat bandang lapis❤️

  • @christopherjohnchua2111
    @christopherjohnchua2111 2 года назад +4

    Kay tagal kong hinintay na magkaroon ulit sila ng bagong kanta. At ngayon sulit ang paghihintay ko. Ang ganda ng bago nilang song.

  • @gobgelacio9398
    @gobgelacio9398 7 месяцев назад +6

    The voice of the vocalist is SO soothing!

  • @Xue473
    @Xue473 7 месяцев назад +1

    This is the first time na pakinggan ang kanta now ko lng nalaman ang grupo na ito ang ganda ng lyrics at maganda sa banda ang style ng kanta at ang meaning ng kanta ganda congrats❤❤❤❤

  • @Dyun32
    @Dyun32 2 года назад +36

    Those chorus hit me so hard!!! Ba't kayo ganyan bandang lapiiis?!! Another masterpiece! Keep it up, godbless!♥️

  • @juliuscesarmarzan8235
    @juliuscesarmarzan8235 2 года назад +6

    Walang kupas. Maluluha ka talaga kapag pinakinggan mo yung playlist ng bandang to kahit single ka. Again, job well done Bandang Lapis 👏

  • @jethrojohncajigas7922
    @jethrojohncajigas7922 6 месяцев назад +2

    It's 2024 and this song still gives me the feels 🥺 thank you so much Bandang Lapis!

  • @slay9165
    @slay9165 Год назад +1

    Great song! Parang kabilang buhay ito yung mga kanta na tipo di mo agad makakalimutan, grabe kept doing songs like this ang galing! Im at may 40 pero im enjoying your songs

  • @jovialjoeldimaano5084
    @jovialjoeldimaano5084 2 года назад +3

    Isa na namang kanta Ang nagpapaAntig sa bugso ng damdamin🤗
    Salamat sa pagpapaAlala na Ang dating Masaya ay maaari talagang magbago sa isang iglap🔥 Napakabilis ng oras at panahon na dating hawak mo pa siya, ngayon ,May tinatahak na panibagong yugto kayong pareho 💙

  • @honeyroseblase5181
    @honeyroseblase5181 2 года назад +10

    Galing niyo po bandang lapis kahit anong songs tagos sa puso lagi mga kanta niyo😍
    Another songs na naman na mkapgbigay inspirasyon sa lahat.
    Keep it up po sa inyo bandang lapis❤
    Godbless po❤🙏

  • @kimarakmad4759
    @kimarakmad4759 Год назад +2

    Hanip talaga Ang lahat nag kanta niyo lodss👋👋🏼👋👋👋

  • @user-ln2vp3zt4u
    @user-ln2vp3zt4u 9 месяцев назад

    Hay NKU Tlga MGA Lodz,Yung part Ng chorus po Ang nag papaAlalala,kaso d na pwede magbalikan...(toxic relationship)ei😢..Kaya hinahanap q tong kanta NYO....da best Tlga MGA kanta NYO Ang lalim Ng meaning ei...keep up the good work...loveu Bandang Lapis Band❤❤❤🥰🥰😘

  • @chiniimoninio1279
    @chiniimoninio1279 2 года назад +8

    Lagi ako naka abang sa mga kanta nyo🥺🔥

  • @jojaryviray517
    @jojaryviray517 2 года назад +16

    😭 Basta bandang lapis relate talaga ako sa lahat ng kanta nyo, Ung iba nyo pang kanta parang pinag daanan ko kaya since day1 sinupotahan ko kayo sobrang solid🔥 pagpatuloy nyo lang yan 😊😊

  • @muffetsacil239
    @muffetsacil239 Год назад +2

    Favorite band ko tlga to grabeh ang galing tagos sa puso mga kanta😘🥰💓

  • @adelyndeguerto1093
    @adelyndeguerto1093 Год назад +2

    Ang Ganda po talaga ng kanta nyong ito. Kudos sa Bandang Lapis 👏❤️❤️

  • @princessshairil6610
    @princessshairil6610 2 года назад +8

    Thank you bandang lapis for releasing a new song on my birthday. Binuo nyo araw ko. Ever since nung marinig ko yung "Kabilang Buhay" naging fan nyo na ko🤘

  • @franzalluzeusbacan1919
    @franzalluzeusbacan1919 2 года назад +10

    I keep following and support to all of you guys sarap sa tinga ang mga kanta niyu tagos sa puso ang bawat mensahe ng kanta niyu keep it up🥰

  • @maccoytv6660
    @maccoytv6660 Год назад +3

    Wag kayo titigil sa paggawa ng kanta mga idol , kahit di ako broken dama ko parin yung skit ng kanta nyo 🥺

  • @malborored-gt7cp
    @malborored-gt7cp Год назад +1

    ganitong kasaklap nang yari samin ngayon ... huhhuhuhuhuhhu nag flash back lahat

  • @elcamarlon3711
    @elcamarlon3711 2 года назад +7

    Walamg kapusan kupas ang tagos na pusong kanta nyo guys,super galing nyo talaga,walang kmtulak kabigin.👏👏👏👏👏👏

  • @barcelonafedz1997
    @barcelonafedz1997 2 года назад +8

    Solid tlga lahat ng song nyo ❤🔥🔥 waiting sa "wag ka nang umiyak" fan from South Korea 🇰🇷

  • @eddelcuyugan3230
    @eddelcuyugan3230 Год назад

    Kung saaakin kaman ibigay ni Lord someday I will wait. No one replaces you in my heart 😌

  • @ivylorrainemanipon5076
    @ivylorrainemanipon5076 2 года назад +16

    Galing talaga, more more more songs mga idol Bandang Lapis. Congrats! 😍❤️✨

  • @clausvillafuerte5695
    @clausvillafuerte5695 2 года назад +4

    Sa wakas my bagong kanta na sila lets go bandang lapis😎

  • @jakevlogs1258
    @jakevlogs1258 Год назад

    Napakagandang kanta tagos sa puso fan nyo na ko since nairelease nyo yung kabilang buhay i love it salamat sa mga kanta nyo dahil maraming nakakarelate god bless 🙏🙏🙏

  • @AndreaCastrence
    @AndreaCastrence Месяц назад

    To the man who hears this song find a girl who deserves you're love and loyal 😢 you're always in my wonderful heart

  • @jancemiketorresquijano7018
    @jancemiketorresquijano7018 2 года назад +5

    Excited na akong mapakinggan ito panigurado sisikat kaagad ito

  • @christianbacani6640
    @christianbacani6640 2 года назад +4

    Solid Lodz yun mga kanta nyo Hahahhah, inaabangan ko lagi mga kanta nyo maraming salamat

  • @charlenenworisa7764
    @charlenenworisa7764 14 дней назад +1

    Shot punu para sa mga katulad kong iniwan at pinagpalit sa iba 🍻🙂💔

  • @cherrymaemendoza6914
    @cherrymaemendoza6914 Год назад +1

    Ang sarap pakinggan napaka ganda nang boses 💖 relate ko yung meaning nang song 💖

  • @jackuling4465
    @jackuling4465 2 года назад +5

    Your songs made me wanna cry so bad.
    Why everytime i listen to your songs, all the memories we've had kept coming back in my mind 😭

  • @judyannrafisura8421
    @judyannrafisura8421 2 года назад +5

    KUNG ALAM MO LANG Bandang Lapis ! Ang galing² nyo talaga 😍😘

  • @jenniferannlalica9438
    @jenniferannlalica9438 Год назад +1

    O my god! Bkit pag naririnig ko yung chorus part, ang sakit🥺🥺🥺 grabe ang bandang lapis🙃🥰

  • @hazelmatammu1797
    @hazelmatammu1797 Год назад +3

    Grabe pogi pala ng lead guitar pati singer kita ko personal tuguegarao pavvurulun festival

  • @ryansanjuan5101
    @ryansanjuan5101 2 года назад +4

    Napaka angas talagang gumawa ng kanta ng bandang lapis, mapanakit nga lang at tagos sa puso pero solid na solid 💪. Sana gumawa pa kayo ng maraming kanta, more power BANDANG LAPIS! 💪💪

  • @chiniimoninio1279
    @chiniimoninio1279 2 года назад +5

    Panibagong kanta, panibagong kirot na naman sa puso to🥺💔

  • @ikoyztv8132
    @ikoyztv8132 Год назад

    Guys thanks sa isa naman maganda kanta nyo at thank you po sa mga kanta na sumasalamin sa aking pagkatao bilang isang nagmahal pero di rin pala kami sa huli. Sobra po nakaka-Inspired ang lahat ng kanta at lahat po iyon lagi ko po pinapakinggan. Hoping na makita or makapanood ng inyong Concert. Im your avid fan from Batangas City.

  • @jamesberdida8386
    @jamesberdida8386 2 года назад +1

    Lods ang ganda ng kanta nyoo. Wag nyoko paiyain🐟❤️

  • @wendellnantes17
    @wendellnantes17 2 года назад +5

    Another added song sa playlist ko. I love it. ❤️

  • @erilynvecina7603
    @erilynvecina7603 2 года назад +3

    Sobrang galing tlga bandang lapis👏👏👏 solid sa sakit🥺😭😭😭isang kantang mapanakit nnmn❤️🔥

  • @quededios2830
    @quededios2830 Год назад

    Ang Ganda Ganda ng Kanta mga Lodi🥺🥺😍😍, Tagos na Tagos sa Puso ko🥺😭💔,Keep Writing mga Lodi Bandang Lapis🥰🤗..

  • @ravs0402
    @ravs0402 Год назад +1

    Walang tapon lahat ng mga kanta nyo lahat tagos sa puso ang ganda salamat BANDANG LAPIS.

  • @realg9513
    @realg9513 2 года назад +43

    Another masterpiece from the best band of this generation 💗🔥 deserve more recognition ! Keep on making music man. You're unique

  • @ciro8190
    @ciro8190 2 года назад +6

    Isang solid na kanta nanaman ang paulit ulit kong papakinggan🔥♥