The Doctor Is Still In | Paninindigan

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 18 окт 2024

Комментарии • 135

  • @mildredbalmonte5792
    @mildredbalmonte5792 Год назад +5

    Lahat po ng makakapanood nito ay siguradong saludo at proud po sa inyo. May our Lord God continue to bless you more with long life and strength❤

  • @eranomanahan9118
    @eranomanahan9118 Год назад +3

    Mahal na mahal po namin ang Ka Theresa. Napakabait at napakagaling. Para siyang nanay sa lahat (INC man o hindi). Naalala ko ang husband ni Dra. na si Ka Ben na nakaupo sa labas ng clinic. Marami ang mga buntis na nakapila noon. May nagkukuwento na buntis na problema daw niya ang pambayad sa panganganak. Ang sabi ni Ka Ben, bulungan po ninyo si Dra, baka ilibre kayo. Huwag nyong sasabihin na sinabi ko. Nalulungkot ako na nawala na pala ang anak ni Dra. Mula pa bata ay nakita namin ang anak niya noong nasa tabi kami ng kapilya ng Quiapo.

  • @rodnnool
    @rodnnool Год назад +4

    I will never forget Ka Tess P. Montemayor. Very active diakunesa sa Quiapo, Purok Uno po kami at nakatira kami noon sa Cozy Apartment. Kasakasama namin sa pag-mimisyon noon sa mga squatter areas sa Quiapo. Beefer pa noon ang communication, pag tumunog beefer niya ay may tawag sa isa pa niyang gampanin bilang isang doctor.

  • @milcahaliaa.lagajet5361
    @milcahaliaa.lagajet5361 Год назад +4

    Isa po akong kalihim, pangulong PNK, at pangulong mang aawit sa edad na 22, ako po ay anak ng Pangulong Diakono at Diakonesa. Ako po ay magtatapos ng BS Biology major in Medical Biology. Gaya po ng kapatid nating si Dra. gusto ko din po maging OB. Patuloy po ako sa pagpapanata upang ibigay ng Panginoon ang mga biyaya na gagamitin sa aking magiging matrikula. 😭🙏 Salamat po sa inspirasyon pangarap ko din po magtrabaho sa mga hospital na tinatag ng Pamamahala.🥺🙏

  • @mikej.9194
    @mikej.9194 Год назад +5

    Namimiss ko po nanay ko kaya pinanood ko po ulit ito for the nth time.

  • @myrein4333
    @myrein4333 Год назад +11

    Dr Theresa Peren Montemayor is my OB Gyne. Maraming salamat po.

  • @neliasalazar2534
    @neliasalazar2534 Год назад +4

    Love you po Doctora, naging pasyente nyo rin po ako at nadama ko po ang inyong kabaitan. God bless po !

  • @julianmallari34
    @julianmallari34 Год назад +4

    mabuhay po kayo doktora,sana po pagkalooban pa kayo ng Ama ng mahabang buhay pa❤️❤️❤️

  • @Sophia_.1342
    @Sophia_.1342 Месяц назад +1

    So Grateful po ako si Dra. Naging OB ko po during the time Naka destino po kami ng F. MANALO ❤

  • @boysbandd
    @boysbandd Год назад +5

    Maligayang panunuod po

  • @jayeepablo4690
    @jayeepablo4690 Год назад +8

    Hello Po, Doc.
    36 years ago, Isa po Ako sa naging baby na naipanganak nyo Sa F Manalo. ❤️❤️❤️

  • @reynaldobernales212
    @reynaldobernales212 Год назад +8

    Kamusta na po Ka Teresa. Ako po si Rey asawa po ni Gemma. Kayo po ang tumulong sa amin at nag paanak Kay Gemma noong naguumpisa pa lang po kami. Maraming maraming salamat po.

  • @victoriavillanueva2249
    @victoriavillanueva2249 Год назад +9

    Hello doktora, sana isang araw madalaw po kita, maraming salamat po sa inyo!

  • @jimmylibarios7602
    @jimmylibarios7602 Год назад +10

    Isa po kayong huwaran sa lahat Ng mga kapatid po

  • @domingobautista8932
    @domingobautista8932 Год назад +3

    Sobra nman po nio matulungin sana po lahat ng hospital at clinic ay maging matulungin sa kapwa tao page palain po kyo Dr. Montemayor ng ating panginoon DIYOS 😁🚴😃👋👋👋👋👋👋👋👋👍👍👍👍

  • @nannuztichannel9992
    @nannuztichannel9992 2 месяца назад +1

    Napakabait talaga ng ka teresa,sa lokal ng bago bantay naging kasama ng nanay ko sa pagtupad bilang diakonesa☺️☺️☺️

  • @jondestua3761
    @jondestua3761 Год назад +5

    Maraming Salamat po for sharing your inspiring story. Proud Iglesia.

  • @xandrareyes6526
    @xandrareyes6526 Год назад +3

    napapanahon ang panonood ko po nito. Sapagkat nitong mga nakaraang buwan ay muntik ko na po bitawan ang aking tungkulin dahil sa depresyon. Ngunit mabait ang Ama. Hindi ako lumayo sa pagsamba at higit sa lahat nananalangin lagi at tumutupad ano man ang sitwasyon ang aking naranasan. Mas na inspire po ako na pagtalagahan habang buhay ang aking tungkulin. Sa hirap at saya ay laging maglilingkod sa Ama🇮🇹

  • @luisabinayan2707
    @luisabinayan2707 Год назад +3

    Mabuhay po kayo doctora

  • @bravebear21
    @bravebear21 Год назад +9

    Isa po kayong huwaran…

  • @levennelevey20
    @levennelevey20 Год назад +12

    Ob gyne ko po sya sa FManalo center sa San Juan. Super husay po!

  • @levennelevey20
    @levennelevey20 Год назад +12

    Laki na po ng improvement ng FYM Puericulture and Maternity Center.

  • @cleoendique5586
    @cleoendique5586 Год назад +4

    Praises be to our Father in Heaven for having you helping brethren esp sisters who needs you care.God bless you more po.?from your suster here at Long Beach locale (California)

  • @liliaesguerra366
    @liliaesguerra366 9 месяцев назад +1

    Hello po Ka Teresa ! Tayo po ay magka lokal sa San Nicolas .Mga Peren family po kayo at kami naman po ay mga Manalili .ka batch po namin si ka Istrael Peren. Kayo po ang pamunuan ng PNK sa Wagas sa bahay ni ka Yayang Ang Mabuhay po kayo🙏💐❤️

  • @israelsanglay9623
    @israelsanglay9623 Год назад +8

    "Ang pananampalataya nating mga kaanib sa INC - ang kamatayang pagkalagot ng hininga ay pagpapahinga, pagtulog lamang. Darating ang araw na mapalad na muli tayong magkikita-kita sa tunay nating bayan - sa Bayang Banal."

  • @lourensaguil2925
    @lourensaguil2925 Год назад +7

    May all doctors and servants of our Almighty God inside the Church of Christ be like you. from Johor Bahru Malaysia.

  • @gerryhabiling4683
    @gerryhabiling4683 2 месяца назад +1

    Dra, thanks for the memories. Nagkasama po tau sa Purok 1 lokal ng Quiapo. Diyan po sa 1140 G. Concepcion Cozy Apt. Maytungkulin ako sa kadiwa, PNK, Ilaw. Masiglang masigla po tau sa pagpapalaganap at lahat ng aktibidad. Ministro na po ako ngayon- ka Gerry Habiling.

  • @mommylyn8552
    @mommylyn8552 Год назад +4

    Nakakaiyak nmn po ang inyong kasaysayan kapatid.Salamat po sa mga patotoo na ang Ama ay hind nagpapabaya sa Kanyang mga hinirang.

  • @maydavila8101
    @maydavila8101 Год назад +42

    Napakabait po talaga ni Dra. Peren. Siya po ang OB ko noon na nagpaanak sa akin sa 2 anak ko na lalaki. Nung nakita nya po na hirap na ako sa panganganak sa 2nd son, pagkatapos nya po ako tanungin kung kaya ko pa, nagpunta po siya sa isang corner ng delivery room at nanalangin. Awa po ng Ama pareho po na normal delivery ko naipanganak ang mga anak ko sa pagkasangkapan po ng Ama kay dra.

  • @0510larry
    @0510larry Год назад +3

    Buhay na bayani ng pananampalataya at propesyon bilang dra. Very inspiring nawa biyayaan pa po kau ng lakas at mahabang buhay

  • @prencesjhaneopiz9982
    @prencesjhaneopiz9982 Год назад +13

    Sana all po meron hospital at mabait na dra theresa

  • @nidzcartalaba7848
    @nidzcartalaba7848 Год назад +2

    We can’t thank you enough po dra. Hindi man nmin kyo kilalang personal pero napakabait nyo po sa amin. Hindi nyo po ipinagkait ang inyong oras sa amin. Isa po kayong malaking biyaya para sa amin. 21 years old na po ang bunso namin ngayon . Kahanga hanga po ang inyong dedikasyon sa inyong propesyon at higit sa lahat sa inyong pagtupad ng tungkulin. Maraming salamat pong muli. ❤❤❤

  • @cherrycabatay9048
    @cherrycabatay9048 Год назад +6

    Sana all po at the age of 84 napakalakas pa po tulad nyo po .God bless po

  • @jusselsolmerano
    @jusselsolmerano Год назад +7

    Very inspiring po, ty po ,fr the Local of Guildford,District of British Columbia ,Canada

  • @rossanaenriquez971
    @rossanaenriquez971 Год назад +10

    wow.another inspiring story ❤ po

  • @ceeneyvargas3889
    @ceeneyvargas3889 Год назад +6

    We are very Proud of you Kapatid 🇮🇹🥰

  • @preciousjadesaclao3119
    @preciousjadesaclao3119 Год назад +4

    "Napakasaya po ang maglingkod sa Iglesia...."
    🥰🥰🥰🥰🥰

  • @alfredopoquiz6372
    @alfredopoquiz6372 Год назад +10

    Tuloy lang po sa pagggamot god bless u po

  • @alfredopoquiz6372
    @alfredopoquiz6372 Год назад +9

    Nkkaiyak po napakatibay po ang ating Mahal na kptd

  • @nellyseverano2005
    @nellyseverano2005 Год назад +10

    Idol ko po kyo sn ol. Sn ako din mging ktulad nio.

  • @jemcamila5626
    @jemcamila5626 Год назад +9

    Napakabait po nya sobra.. Sana po dumami pa ang lahi nyo.. Ingat po lagi

  • @abelardomorallos9139
    @abelardomorallos9139 Год назад +7

    Salamat po Dra. isa po kayong inspirasyon,, ang inyong anak ang naging doktor po ng aming anak sa pamayanan po ng tagumpay,, purihin po ang panginoong DIOS

  • @sierratangomike2921
    @sierratangomike2921 Год назад +14

    Pagpalain pa po nawa kayong lagi ng ating AMA!

  • @annesangalang3680
    @annesangalang3680 Год назад +21

    Doc peren is my mama doc.
    She was the OB of my mother in law sa 3 anak (1969 to 1973 ). And sa akin. I have 3 kids.
    We love u mama doc. Marami nananalangin sa Dios na kayo po ay biyayaan pa ng lakas at mahabang buhay.

  • @wilmatomo1221
    @wilmatomo1221 Год назад +7

    Wow ninang artista kana maraming salamat po sa Ama na naging ninang ka namin sa kasal napakabait po nyan sana po pahabain pa ng Ama ang iyong buhay para makasama kpa namin lalo na sa mga gawain sa loob ng Iglesia ni Cristo.

    • @celmatarimanoh3995
      @celmatarimanoh3995 8 месяцев назад

      Hello po...pd po makuha ang complete adres ni Dr. Teresa Montemayor and cp no.po..ty po..❤❤❤.isa po akong tagahanga niya..

  • @soledadbartolo6651
    @soledadbartolo6651 Год назад +6

    Salamat po ka Teresa na nagpaanak sa akin sa bunso ko na asawa ngayon ng isang ministro . Sa Perpetual Succot po yon di ko malilimutan ang kabutihan at kahusayan niya . Idol ko po sya noon at ngayon karapatdapat na maging isang mabuting huwaran bilang manggagamot , ina at maytungkulin . Nawa patuloy po kayong pagpalain ng Ama. Love you po !❤

  • @MRxYOSO
    @MRxYOSO Месяц назад +1

    Salamat sainyo Dra. :) inspirasyon ko po kayo sa pagka Iglesia ni Cristo at sa propesyon.

  • @janicelacuesta9747
    @janicelacuesta9747 Год назад +6

    Ang napakabait na doctor - sya po nagpaanak kay Gem at Tenten😊🙏🏻
    We love you po 😍 God bless you always po🙏🏻

  • @MarieJaneTenorio
    @MarieJaneTenorio Год назад +3

    Godbless you po kapatid..sana bigyan ka pa po ng mahabang buhay para madami kapang matulungan..🤍

  • @avrilwilliams6623
    @avrilwilliams6623 Год назад +9

    ♥️♥️♥️ God bless po sainyo kapatid. nkkproud po kayo🥺🙏🏻

  • @hajapatola1824
    @hajapatola1824 Год назад +11

    Sana po bigyan pa kayo ng mahabang buhay ng ating panginoong Diyos po.

  • @marianperez9395
    @marianperez9395 Год назад +7

    Sa banayad mong tinig,
    wari’y sakit nagamot mo na kapatid.
    Natatanging gawa sa pagtulong sa kapwa,
    at kaluguran sa pagtupad ng tungkulin sa Dios,
    at mamahagi ng pananampalataya.
    - Perez Siblings 💚🤍❤️🇫🇷

  • @faithhombrebueno8565
    @faithhombrebueno8565 Год назад +11

    Hello po isa ito sa nakilala ko po sa Lokal ng Bago Bantay na sobrang down to earth na tao.Mabuhay po kayo Doktora🙋🏻‍♀️

  • @ednadungao714
    @ednadungao714 Год назад +6

    congrats po doc. katulad po ninyo ang hinahangaan nmin dahil ako rin hirap sa psnganganak 3times po akung na CS salamat po sa mga doctor na ginamit ng diyos kaya kme ligtas sa panganganak! salamat po sa inyong tulong sa iglesia sa diyos ang lahat ng kapurihan

  • @roniloreyes397
    @roniloreyes397 Год назад +6

    Nakakaiyak po ang history ni dra.nakaka pagpalakas at mabuting insperation sa buhay na ito.

  • @analenmartinez9798
    @analenmartinez9798 Год назад +2

    GODBLESSED PO KAPATID

  • @jimboysalvador2662
    @jimboysalvador2662 Год назад +6

    Hindi ko mapagilan umiyak sa istorya ng buhay nya sya kasi yong uri ng tao na may mababang loob at kahit madsling araw nag seserbisyo sya sa mga nangangailangan ng kanyang serbisyo at higit sa lahat ang kanyang pagtupad sa tungkulin bilang isang dyakunesa kapag nakikita ko sya sa mga pag samba sa aming lokal masiglang may tungkulin at totoong ang kanyang tahanan ay dako ng mga gawain sa purok ka doktora mahal ka namin purok 8 at purok 9 lagi po kayo palakasin ng Ama Happy New Year po sa inyo

  • @babyofeliadulalia2953
    @babyofeliadulalia2953 Год назад +63

    She was my OB po sa panganay ko. Napakabait, napakamaasikaso at ituturing Ka nyang anak. Special case ako nung nanganak ako kasi meron po ako sakit sa puso, todo alaga si Doc at hindi na sya umuwi ng bahay kasi binantayan nya ako hanggang sa time na magkaroon ako ng malay. Biyaya po kayo sa inyong mga pasyente Doc. God bless and love you po.

    • @NenitaCTinio
      @NenitaCTinio Год назад +4

      Saludo po ako sa inyong paninindigan bilang isang Iglesia ni Cristo. Sana po ay humaba pa ang buhay nyo para makatulong pa sa kapuwa at patuloy na makatupad sa banal na tungkuling kaloob ng Ama. Salamat at kayoy naging inspirasyon namin bilang isang maytungkulin. Salamat po talaga doktora!

  • @ranelen3669
    @ranelen3669 Год назад +6

    Hello po Doctor Montemayor. You're living the life I'm praying for right now po. Thank you for being an inspiration po. ♥️

  • @ray-anneabayon9673
    @ray-anneabayon9673 Год назад +6

    She was my mom’s OB. She gave the best advise as a member of the church of Christ

  • @dindocastaneda4588
    @dindocastaneda4588 Год назад +6

    Salamat po sa napakandang inspirasyon kapatid. Maraming maraming salamat po kapatid na Eduardo Manalo dahil nagtatag po kayo Ng mga ganitong programa na syang nagbibigay pp sa Amin Ng inspirasyon.

  • @marjorie9166
    @marjorie9166 Год назад +6

    Nakakainspire po ang inyong pagmamahal sa Iglesia at ang mataas na pagpapahalaga sa pagtupad ng tungkulin 🥲🇮🇹

  • @natividadfabula567
    @natividadfabula567 Год назад +4

    Godbless lagi po sainyo po Doc,very inspiring po kayo sa lahat ng aspeto po lalo npo sa pagtupad nyo po ng tungkulin sa INC po.💚🤍❤😇

  • @enriquecalantog2457
    @enriquecalantog2457 Год назад +9

    Kamusta po dra. Pati sa mga taga Center

  • @AbuAaliyahAgsalud
    @AbuAaliyahAgsalud Год назад +7

    Hoping someday one of my daughters will become like her, truly inspirational 👩‍⚕️

  • @Zeen902
    @Zeen902 Год назад +10

    We love u so much, tita! ❤️❤️❤️

  • @normitasevilla681
    @normitasevilla681 Год назад +4

    Salamat po Doctora!at God bless po always🇮🇹❤🇧🇪🙏

  • @joseerpelo7102
    @joseerpelo7102 Год назад +7

    Inspiring..👍👍from Southern Ontario Canada 🇨🇦

  • @nicanordolendo3944
    @nicanordolendo3944 Год назад +6

    Ang tunay na lingkod ng Diyos. Siya po ang ulirang mananampalataya. Purihin ang Diyos. Maraming salamat kapatid sa iyong ginintoang puso.

  • @mikej.9194
    @mikej.9194 Год назад +31

    Naiiyak po ako kapag nakakakita ako ng nanay na di lang kumakalinga sa tahanan kundi nakakatulong sa komunidad. Bagama't maaga pong nagkasakit nanay ko, ang dahilan ng conversion ko sa INC ay dahil sa Pasugo. nabasa ko ang kasaysayan ng isang Ina na maagang nabalo subalit naging successful ang kaniyang mga anak. Katulad po nito, isang ulirang ina....inspirasyon ko po kayo dok nanay kahit di ko po kayo kilala ng personal. Sana basbasan pa po kayo ng Ama ng buhay at lakas sa piling ng tungkulin sa Iglesia at sa propesyon niyo po

  • @sels8848
    @sels8848 Год назад +4

    Inspiration never forget 🥰❤️❤️❤️ thank you po for story of faith 😊

  • @reymargredona7988
    @reymargredona7988 Год назад +6

    salamat po sa AMA at may PAMAMAHALA na wlang sawang nag-mamahal nag-mamalasakit sa boung IGLESIA. at paglilingap sa mamayan sa ibat ibang panig ng mundo🙏🙏😇😇😇

  • @soledadbartolo6651
    @soledadbartolo6651 Год назад +5

    Siya po ang nagpaanak sa aking bunso . Napakabait at matulungin may basbas ng Ama . So proud of her ! Ka Peren we love❤ you po ! God bless po !

  • @lanalaluces6845
    @lanalaluces6845 Год назад +6

    More birtthdays to come po,para patuloy pang makapagbigay ng inspirasyon,doctora.
    Magandang hapon from Sagana, Central po ♥️

  • @noranorvimixvlog
    @noranorvimixvlog Год назад +12

    Napakabait po na Doctor ni Doc.Montemayor.jan po ako nanganak at sya po nagpaanak sa akin sa Panganay.talagang may panalangin lagi..

  • @corazonosorio9436
    @corazonosorio9436 Год назад +21

    Mabuhay ka Dra. Peren. May your tribe increase.

    • @cristinacansino3567
      @cristinacansino3567 Год назад +1

      Very inspiring po sis..salamat po pagbabahagi..Pagpalain pa kayo ng Ama

  • @roberthanda6912
    @roberthanda6912 Год назад +6

    sa ama ang lahat ng kapurihan.. thank you po dra..proud INC♥

  • @maritesromorosa1974
    @maritesromorosa1974 Год назад +12

    Ang galing naman ..Nakaka inspire Ang story.

  • @norlynariate8287
    @norlynariate8287 Год назад +13

    Kakaiyak po..isang inspirasyon po kayo sa inyong paninindigan sa pananampalataya.Totoo po talaga na kng maglilingkod ng tapat ang hinirang binibigyan po Niya ng mahabang buhay.Dra..mukha pa po kayong bata sa edad niyo at kamangha manghang nakakatupad pa po kayo ng inyong tungkulin at mga obligasyon sa buhay.Sana'y bigyan pa po kayo ng Ama ng ibayong kalakasan at marugtungan pa po ang buhay upang magamit pa po sa Kanyang kapurihan at kaluwalhatian.

  • @sarahjeansacman666
    @sarahjeansacman666 Год назад +18

    Isa po ako sa inyong naging pasyente, salamat po sa pagtyatyaga nyo sa akin at pag-aalaga. Salamat po at naging kasangkapan kayo ng Ama upang kami po ay magka-anak. Nawa po ay magkaroon pa po kayo ng maraming pagpapala at mahabang buhay.

  • @lanisolano1426
    @lanisolano1426 Год назад +9

    Thank u po sa pag-share nyo ng inyo pong very inspiring story. Thank u po sa lahat ng tulong bilang aming OBGyne. We love you po. God bless po.

  • @juanjoaquinbastemananggit3290
    @juanjoaquinbastemananggit3290 Год назад +6

    Pagpalain po kayo at bigyan pa po kayo ng mahabang buhay ng Ama.

  • @analenmartinez9798
    @analenmartinez9798 Год назад +2

    Happyviewing po.❤❤❤

  • @karleric6827
    @karleric6827 Год назад +12

    Hello po Dra, maraming maraming salamat po 😇🙏❤️ Totoo po, mabait po ang Doc Rico at alam na po namin ngayon kung kanino po siya nagmana ❤️ Muli salamat po sainyo 😇

  • @batman1723
    @batman1723 Год назад +16

    Im so proud of you Tita. Ang pinaka-mabait na taong nakilala ko sa buhay ko. We love you so much...

  • @jasminmontemayor1391
    @jasminmontemayor1391 Год назад +46

    Mahal na mahal ka namin, Nanay! Salamat ng marami sa Ama at patuloy ka Nyang pinalalakas sa piling namin. Nawa'y lagi ka Nyang pagpalain at lalo pang pahabain ang buhay. We love you! ❤️

  • @nildaestillore5989
    @nildaestillore5989 Год назад +12

    Thank you for sharing your inspiring experiences po🙏 ❤️
    God bless you always 🙏 ❤️ 💖 ♥️

  • @nonabalbag1283
    @nonabalbag1283 Год назад +12

    Another inspiring story from Sister dra. Theresa Peren montemayor. Naiyak po ako. Napakabait at napakasigla sa tungkulin kya patuloy na pinagpapala ng Ama. May God bless you more po. ❤️🇮🇹

  • @leeyenlozano7339
    @leeyenlozano7339 Год назад +9

    Very Inspiring po 🙏

  • @estefanylouie
    @estefanylouie Год назад +3

    truly an inspiration! 🙏

  • @nerizabuzadher8348
    @nerizabuzadher8348 Год назад +8

    Maraming salamat po, Doctora. Ako po ay masyadong na-inspire sa inyong testimony sa inyong ginagawang pagtulong sa mga pasyente ninyo, sa inyong kabutihan, sa inyong pananampalataya at pahlilingkod sa Diyos. Kaya po pala you look young at your age at malakas pa kasi nabubihay kayo para maglingkod sa Diyos na siya ninyong lakas at sandigan. God bless you more po.

  • @judiediezmo6576
    @judiediezmo6576 Год назад +14

    Thank you for the inspirational story kapatid.
    Watching from Locale of Zone 3 District of Cavite South.

  • @eugenenespejo68
    @eugenenespejo68 Год назад +16

    Very inspiring story po, naway gabayan at ibigay po ng Ama ang kalusugan at malakas na pangangatawan po

  • @vinesphreels
    @vinesphreels Год назад +11

    Ang sipag at ang lakas pa ni nanay. GODBLESS you nay more birthday to come

  • @rubyviola9166
    @rubyviola9166 Год назад +10

    Wow..hello po dra.peren

  • @arvinbacus7308
    @arvinbacus7308 Год назад +6

    You're truly an inspiration po. God bless you more po. Long life and good health po sa inyo.. 🙏

  • @feyreesmom121
    @feyreesmom121 Год назад +14

    So proud of our ninang! God bless you more po with the best of health ninang, hope to see you, soon!🙏❤️

  • @marialeonorg.patindol5350
    @marialeonorg.patindol5350 Год назад +9

    Salamat po Kapatid na Doktora Peren, sa pagbabahagi niyo po ng inyong paninindigan. Isang inspirasyon po sa amin bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Truly inspiring po ang inyong kwento ng buhay. Dalangin ko po nawa pagkalooban pa po kayo ng mahabang buhay at lakas, upang patuloy na makapaglingkod sa ating Ama, at makatulong po sa mga nangangailangan. Sa Diyos po ang lahat nga Kapurihan po❤❤❤🇮🇹

  • @incnerdette
    @incnerdette Год назад +8

    Ninang Sana po mag kita po tayo ulit

  • @josefeliciano9090
    @josefeliciano9090 Год назад +4

    Nung maliit ako Dyan lagi ako dinadala ng Nanay ko sa F. Manalo San Juan Rizal now city .