DAKILA KA | Timothy Paul Sagaoinit

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 16 сен 2024
  • Dakila Ka
    by: Timothy Paul Sagaoinit
    Verse 1:
    'Di nagsasawa
    'Di nang-iiwan
    Siya'y laging nandiyan
    Tapat kung maghamal
    'Di lumilimot
    Siya'y laging abot
    Pag-asa ay tanaw
    Siya ang ating Diyos
    Pre-Chorus:
    Matatakbuhan
    Malalapitan
    Pinanggagalingan
    Nang kasiyahan
    Siya'y laging nandiyan
    Kahit ating iwasan
    Diyos ay pag-ibig
    Ika'y kanyang mahal
    Chorus:
    Dakila ka (Ika'y dakila wala ng iba)
    Dakila ka (Siya ang ating Diyos na Ama)
    Noon, ngayon
    At kailanman
    Purihin ka at purihin pa
    Dakila ka
    Dakila
    Verse 2:
    Simula't sapul palang ng Ikaw ay aking makilala
    Sa bilis ng pangyayari
    Mundo ko'y nag-iba
    Mga pader nagiba
    Nabuksan aking mata
    Maraming bagay dati ang aking hindi magawa
    Ngunit ng Ikaw ay maengkwentro
    Ako ay nakuntento
    Dahil Sayo aking nalaman
    Ang tunay na kwento
    Pagibig ng Amang ibinigay sa masa
    Nagiisang anak na nagbigay pag-asa
    Hindi ka huminto
    At hindi ka nabigo
    Sa kabila ng mga sugat
    Na iyong natamo
    Ngayon ay tatayo
    Hindi na lalayo
    Ako'y isang patunay
    Na may Diyos na buhay
    Verse 3:
    Bago ko tapusin itong aking awitin
    Nais kong sariwain
    Ang pag-ibig ng Diyos sakin
    Ako'y dating wala
    Ngayo'y isang himala
    Dati ako'y walang-wala
    Pero ngayo'y namamahala
    Mahal ako ng Diyos
    Mahal ko rin siya
    Ingat na ingat
    Ganun Siya mag-alaga
    Hindi ka Niya iiwan
    Ni pababayaan
    Yan ang Kanyang pangako
    Pangako Niya sa ating
    Ikaw ay sasagana
    Higit pa sa iyong akala
    'Wag kang magtataka
    Diyos ang Siyang may pakana
    Halika't Siya'y purihin
    Ating bigyang awitin
    Pag-ibig, pag-ibig
    Yan ang Diyos natin

Комментарии • 6