Mensahe ng Obispo DENNIS C. VILLAROJO, D.D. PARA SA KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG KATEDRAL NG MALOLOS
HTML-код
- Опубликовано: 10 фев 2025
- Mensahe ng Obispo DENNIS C. VILLAROJO, D.D.
KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG KATEDRAL NG MALOLOS
04 Disyembre 2022
Inilalarawan ni Propeta Ezekiel na “Ang buong templo’y punung-puno ng kaningningan ng Panginoon.” (Ezekiel 43:5)
Natatangi ang Katedral ng Malolos sa lahat ng mga simbahan sa ating Diyosesis hindi lamang dahil sa angking kagandahan nito, kung hindi dahil sa sumasagisag ito sa pagkakaisa natin bilang isang Sambayanan sa lalawigan ng Bulacan at lungsod ng Valenzuela.
Tuwing ikaapat ng Disyembre, ipinagdiriwang sa buong diyosesis bilang kapistahan, ang guning taon ng pagtatalaga ng Simbahan at Dambana ng ating Katedral. Sa tuwing ipinagdiriwang ito, nagbubunyi tayo sa ating pagkakaisa bilang mga binyagan at mga pinahiran ng langis.
Ang mga kilos sa liturhiya ng pagtalaga ng Simbahan ay sumasalamin sa mga kilos sa pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag. Mayroong pagwiwisik ng tubig kaugnay ng pagbubuhos ng tubig sa binyag, pagpapahid ng Krisma sa dambana at mga haligi ng simbahan gaya ng pagpapahid nito sa bumbunan ng mga bagong binyag, pagbibihis ng puting mantel sa altar gaya ng pagsusuot ng damit pambinyag, at pagsisindi ng mga kandila sa dambana gaya ng tangang mga kandila para sa mga bagong binyag.
Ngunit mga Kapatid, wala nang iba pang mas magpapaningning sa ating Katedral at sa iba pa nating mga simbahan, kung hindi ang ating masidhing pagsaksi sa ating pagiging mga binyagan. Ang tunay na kagandahan ng mga bahay dalanginan ay hindi lamang sa mga palamuti, kung di sa makatotohanang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga nagtutungo rito.
Nawa ay hayaan nating magniningning ang Panginoon sa kanyang bahay dalanginan sa pamamagitan ng ating buhay na pananampalataya.
Ayon sa Table of Liturgical Days, ang Pagtatalaga ng Simbahang Katedral ay itinuturing na isang Dakilang Kapistahan kaya minarapat itong ipagdiwang ng Diyosesis ngayong Lunes, ika-5 ng Disyembre sapagkat ang ika-4 ng Disyembre ay natapat sa pagdiriwang ng Ikalawang Linggo ng Panahon ng Adbiyento.
#AngSandiganMalolos