Dinakita | (c) Awi Columna x Agsunta | Official Music Video

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 2 окт 2024
  • Awi Columna and Agsunta released the official music video of their first collaboration single "Dinakita", produced by Eleven Beats.
    The music video is Directed by Alec Columna together with the up and coming production company, Katha Creatives.
    Dinakita is a song about the POV of a person struggling as a result of falling out of love with their partner.
    NOW AVAILABLE in SPOTIFY, APPLE MUSIC and other Digital Stores
    link bit.ly/3xLWT5B
    Dinakita Official Lyrics
    Di na kita mahal tulad ng dati
    Di na rin hinahanap pag
    Wala sa 'king tabi
    Di na kita makita
    Sa pangarap ko sinta
    At parang manhid na din ang puso
    Pag nakasama ka
    Ano pa ba ang dapat ko'ng gawin
    Pano ko ba to aaminin
    Salitang di ko na alam
    Kung san ko hahagilapin
    Nalilito na rin ako sa sasabihin
    Masaya naman tayo nun
    Naiwan ka na nga lang dun ngayon
    Di ko rin akalain matutuyot ang damdamin
    Nag-iba ihip ng hangin kahit
    Wala ka namang maling nagawa
    Pero biglang nawala
    Ang aking nadarama
    Di na kita mahal tulad ng dati
    Di na rin hinahanap pag
    Wala sa 'king tabi
    Di na kita makita
    Sa pangarap ko sinta
    At parang manhid na din ang puso
    Pag nakasama ka
    Pinilit ko rin na ayusin to
    Hinanap ko lang din ang sarili ko
    Di ko sayo natagpuan
    Aking pinagpaguran
    Di pala ikaw ang dahilan
    Yoko lang din maghanap pa
    Ng panlinlang para sisihin ka
    Wala ka namang maling nagawa
    Pero biglang nawala
    Ang aking nadarama
    Di na kita mahal tulad ng dati
    Di na rin hinahanap pag
    Wala sa 'king tabi
    Di na kita makita
    Sa pangarap ko sinta
    At parang manhid na din ang puso
    Pag nakasama ka
    Sadyang ganyan talaga ang tadhana
    Siguro nga'y la nang pag-asa
    Wala naman sa 'ting nagkasala
    Nawala lang ng kusa
    Kislap nating mga mata,
    Tibok na ’yong nadarama,
    Kahit na anong gawin
    Di ka na masaya
    Tumingin ka pabalik
    Di mo ba nakikita
    Na nadurog ako
    Sa salitang iyong sinabi na
    Kasi wala ka namang maling nagawa
    Pero biglang nawala
    Ang aking nadarama
    Di na kita mahal tulad ng dati
    Di na rin hinahanap pag
    Wala sa 'king tabi
    Di na kita makita
    Sa pangarap ko sinta
    At parang manhid na din ang puso
    Pag nakasama ka
    Laging pabalik balik
    Sa isip paulit ulit
    Naririndi na sayong
    Mga salitang
    Sana'y malimot na
    #DinakitaMV #AwiColumna #TeamAgsunta #showsomeppllove

Комментарии • 633

  • @dexteramestoso4637
    @dexteramestoso4637 2 года назад +276

    Parang mabaliw baliw din ako nung nasa barko ako nun nung sinabi nya, "anong gagawin ko Wala na ko maramdaman" di ko Alam pano mag start ulit after Ng 5 years na sankanya Lang umiikot Mundo ko. ngayon masaya na ko at nakita nya na Yung totoong mag mamahal sakanya. oo masakit pa ngayon pero pinipilit ko na Lang maging masaya para sakanila.

    • @teptepbajacan2354
      @teptepbajacan2354 2 года назад +2

      After that pre ikaw naman ang mag sasabi na dinakita makita.

    • @Pinktulips220
      @Pinktulips220 2 года назад +1

      Masasanay ka rin. Magugulat ka nalang someday

    • @sara.4408
      @sara.4408 2 года назад +2

      💔

    • @analizaestapia4014
      @analizaestapia4014 2 года назад +9

      Bro nd ka nag-iisa. 9 years kami ng ex ko.. tibayan mo lang sarili mo... sadyang mapaglaro ang tadhana... ingatan mo sarili mo. Wag mo sayangin ang buhay mo sa isang tao. Alalahanin mo my nag aantay pa sayo. Mahal ka ng pamilya mo.
      Kung maramdaman mong wla nang nagmamahal sayo. Nagkakamali ka. Nangyari yan kasi may much better na nag aantay sayo sa future. God bless bro. From Rexon..☝

    • @krisdiaz9033
      @krisdiaz9033 2 года назад +2

      Lilipas at kukupas din ating mraramdamang pagmamahal at sakit.Padayon lavan lang💪🏻😇

  • @BURONGRATTAN
    @BURONGRATTAN 2 года назад +33

    Solid to! Ang ganda ng kanta + grabe yung twist ng story sa video na to. Sana isa pelikula to.

  • @davidcajulao6002
    @davidcajulao6002 2 года назад +54

    May taong mananatili sa puso, pero hindi sa buhay natin. That's life bro :'

  • @awicolumna
    @awicolumna 2 года назад +213

    Sa mga nasasaktan, ipagdadasal ko na sana balang araw makahanap kayo ng tamang tao para sa inyo ❤‍🩹

  • @chanpodz9696
    @chanpodz9696 2 года назад +2

    Dito sa pinas hindi nabibigyan ng maraming views yung sobrang gandang kanta at mv. Sad

  • @eleuferarais1601
    @eleuferarais1601 2 года назад +1

    Nakakabaliw talaga yung pag ibig.

  • @johnlawrenceanciano9369
    @johnlawrenceanciano9369 2 года назад +13

    Share ko lang experience ko sa past relationship ko. I've been in a relationship in 7 years with my high school bestfriend and eventually became my partner. We are all goods, we struggle sometimes but we fix it together. Pass forward, I became part of the Ph. Navy training for Officer so I decided to pursue that career, masaya pero malungkot den kasi almost a year ako mag te training so maiiwan ko yung partner ko. Very supportive naman den talaga sya at nag set kami ng mga plans namin once na makapag tapos ako sakeng training at maging ganap na sundalo na. Nagdaan ang mga buwan, naging maganda naman sa simula ang journey ko sa loob pero nagkaroon ako ng problema, na fractured ko yung left arm ko so dahil don na pull out ako sa training center. Sobrang lungkit ko that time, halos gabi gabi nagkakaroon ako ng anxiety kung ano nang mangyayare saken. Pero may mas lalong nagpa lungkot saken. Yun ay nung malaman ko pag uwi ko may bago nang nakakasama yung taong mahal ko. Yung kaisa isang tao na inaasahan kong dadamayan ako sa pinagdadaanan ko ay wala na. Nangyare lahat nang yon ng dahil lang sa kagustuhan kong tuparin ang pangarap ko para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa aming dalawa sana ng partner ko.
    Almost 2 years na ren ang nakakaraan, mahirap at matagal yung pag mo move on pero eventually naging okay naman den ang lahat. Special thanks sa mga friends ko na sinamahan ako, madami daming bote ng alak den ang naipon namin. HAHAHA At syempre sobra kong nagpapa salamat sa partner ko ngayon. Sya den talaga yung naging dahilan kung bakit masaya nako ngayon. 😊
    Minsan talaga darating tayo sa point na akala naten sya na yung makakasama naten kasi sa dami ng pinagdaanan at mga binuong pangarap na magkasama. Pero susubukin talaga tayo nang pagkakataon kung saan makikita naten kung ano at kung sino talaga yung taong para saten. At lahat nang karanasan na yan ituturo o dadalhin tayo sa taong deserve naten. Hopefully, kung sino man yung partner ko ngayon sana sya na talaga kasi ready nako mag settle na sya ang aking makasama sa mga susunod pang mga taon. ✨

  • @hazellevidanes9177
    @hazellevidanes9177 2 года назад +21

    Parang nakakalungkot lang, at the same time nakakatakot. Parang kahit anong gawin or kahit wala kang gawing mali, kung di tlaga kayo para sa isat-isa, wala kang magagawa.
    Sa mga nasa ganitong sitwasyon, hindi natin alam yung pain na mayroon sila. But I hope someday mahanap nila yung peace and genuine love. Deserve natin lahat ng tunay na saya. ❤

  • @micaellanerona884
    @micaellanerona884 2 года назад +57

    Masarap magmahal, masarap sa pakiramdam ang mahalin. Yung pakiramdam na gigising ka sa umaga ng genuinely happy, nagiging productive ka dahil payapa ang isipan at puso mo dahil nagmamahal ka at minamahal ka. Yung pakiramdam na mahal mo talaga yung tao at makita mo lang siya na masaya, masaya ka na rin. Yung pinapahalagahan ka, yung pagmamahal na hindi lang pinilit, hindi nanlilimos, kusa lang binibigay dahil deserve mo. Pero hindi lang puro kilig, at saya ang relasyon. Darating ang mga araw na may mga pagsubok, pagbabago. Sa pag-ibig kahit gawin o ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat. Hindi natin mapipilit ang isang tao na piliin tayo hanggang dulo, na kahit ano pa ang gawin mo para manatili sila sa buhay mo kung gusto na nila umalis sa piling mo, aalis sila at kailangan na lang natin tanggapin at palayain sila.
    Kahit sabihin sa atin ng taong mahal natin na "DI NA KITA MAHAL" dapat mas mahalin mo naman ang sarili mo, lagi natin tatandaan na mas mahal dapat natin ang ating mga sarili. Kapag alam mo sa sarili mo na binigay mo na ang lahat o ginawa mo na ang lahat, naging mabuti ka at alam mo na hindi ka naman nag kulang then set them free tulad ng gusto nila.
    Dahil ang pag-ibig hindi lang yan lagi tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa ibang tao, kundi tungkol din ito sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa SARILI MO. ❤

    • @SymbianizeLegend
      @SymbianizeLegend 2 года назад +1

      Salamat dito 💔 Mejo nakalimutan ko na nga din mahalin muna ang sarili ko..

    • @mawiyaparma5502
      @mawiyaparma5502 2 года назад +1

      Thank you sa pag papaalala na mas kailngan palang mas mahalin ang sarili bago ang iba.🤧

    • @Tinybubbleszzz
      @Tinybubbleszzz 2 года назад

      Sabi na dapat sarili talaga inuuna 😢

    • @ardydimabuyu3091
      @ardydimabuyu3091 2 года назад

      ❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹

  • @albertorbe3183
    @albertorbe3183 2 года назад +29

    LDR may result into this. Walang may gusto, walang pinalano biglaan mo na lang mararamdaman, magbabago yung pagtingin, mawawalan ng direksyon yung plano. Mahirap nang ipilit ang bagay na wala na, mas maige pang bumitaw kesa ipilit ang bagay na hindi mo na kaya pang hawakan. Parehas lang kayong magkakasakitan physically and emotionally bandang huli. Mahirap at masakit, pero yun ang tamang gawin! ❤️

    • @jennlevina7902
      @jennlevina7902 2 года назад

      Yes tama ka. 4 years kaming live in. Then 6 mos palang na LDR because work nagbago na agad . Nafall na agad sa iba 😥

    • @dpool4572
      @dpool4572 2 года назад +1

      💔💔💔💔 sakit sobra umikot mundo ko sa kanila ng anak nya nag pakatino ako. Naging tapat ako sa kanya bigay lahat sa kanya at para sa anak nya kasi alam ko dun sila magiging masaya pero hindi pa pala nalaman ko nitong taon lng. Sya pala nag loloko pinatawad ko pero paulit ulit parin pading ginagawa

  • @janceemoradillo6825
    @janceemoradillo6825 2 года назад +20

    sa lahat ng iniwan o naiwan, hihilom ang lahat, don't settle for less guys u deserve better!! laban peeps!!!! may dadating talaga sa buhay mo na kumbaga lesson lang at para makita mo worth mo❤️❤️

  • @ailyndelacruz1733
    @ailyndelacruz1733 2 года назад +19

    Padayon sa mga nasasaktan parin sa mga oras na ito, isang umaga gigising din tayo na wala ng sakit, malaya na tayo sa lungkot at trauma. Kapit lang!

  • @antonietteelliemarasigan4392
    @antonietteelliemarasigan4392 2 года назад +1

    September 29, 2022 when she said to me " Mas happy ako mag isa " and that moment nagstop ikot ng mundo ko. I know may kasalanan ako, alam ko nasaktan ko siya at alam ko need ko iready yung self ko sa consequences. But hindi ko akalain na ganon. I hope shes happy sa decision niya at kung nasaan man siya ngayon at kung sino man nagpapasaya na sa kanya ngayon. Masakit pero ayokong ipilit kung jindi na ako.
    DINAKITA yes, DI NA NIYA AKO MAHAL.

  • @ailyndelacruz1733
    @ailyndelacruz1733 2 года назад +34

    Bumalik yung gabing sinabi niya sakin na fall out of love na siya, d na niya ko mahal, nagsawa at napagod na.
    Kasabay nito, may nakakausap na din siyang iba.
    Siya yung taong nakikita mo para spend yun buong buhay mo. Binigay at ginawa mo naman lahat ng gusto. Pero tila di padin naging sapat . Sinisisi kapa niya bakit pinili niyang mag loko.
    Hanggang ngayon, tinatanong ko yung sarili ko anong kulang, o baka sobra sobra na sguro. Nakakaubos.
    Napapatanong ako kung talaga bang nawalan ng pagmamahal? Kasi kung nawalan lng ng pagmamahal, sigurado ako mahal, magpapahinga ka lng, babalik ka lang sa umpisa kung saan tayo nagsimulang dalawa. O sadyang meron lang talagang iba, kaya eto ka nagbago na lng ng bigla.
    Mahal bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan nagsstart na tyo sa pangarap nating pamilya?
    Di ko to inaasahan, hindi ko to pinangrap pero nangyari na lng.
    Wag ka magalala mahal, nasa punto na ako ng pagbitaw, at pagkapit. Ayoko maging selfish dahil may anak tayo.
    Kaya kung sakali man babalik kapa, kakalimutan ko ang lahat, mabuo lang tayo ulit.
    Pero kung hindi na, pangako wala kong ibang ikkwento sa anak natin kundi magagandang alaala natin magkasama. Maiintindihan niya rin ito lahat pag nagkaisip na siya.
    Mahal kita, salamat sa halos 7 taon.
    My Greatest love.
    Ang sakit sakit mo na talaga agsunta sinamahan kapa ni awi 😭💔

    • @joselitobautista5981
      @joselitobautista5981 2 года назад

      💔

    • @elrod3486
      @elrod3486 2 года назад +1

      Keep holding on mas masakit magstay sa taong d ka mahal palayain mo na sya better future awaits you

    • @jovenabriam3634
      @jovenabriam3634 2 года назад +1

      Ganitong Ganito.. ako 😔😔🥹

  • @ez2498
    @ez2498 2 года назад +28

    "Di na kita mahal tulad ng dati"
    "Di na kita makita sa pangarap ko sinta"
    "Masaya naman tayo noon,naiwan ka na nga lang dun ngayon"
    Dati tayong masaya pero bigla nabago, at nahanap mo yung dati nating saya sa ibang tao habang ako ito nakakulong padin sa pagasang magkaka ayos tayo. It's been a year a half pero ito padin ako namamalimos ng atensyon mo habang ikaw masaya na sa bago mo🥺

    • @christianpaulbautista9825
      @christianpaulbautista9825 10 месяцев назад

      uy kamusta radiologist kana ba? haha may work na pala me 😄

    • @ez2498
      @ez2498 10 месяцев назад +1

      @@christianpaulbautista9825 hindi ako nag file for boards this december pero part time part time lang ako NOON. Start na din ako work sa friday for good.

  • @allycorpuz394
    @allycorpuz394 2 года назад +7

    FALLING OUT OF LOVE IS A MYTH.If u genuinely love that person u will never run out of love. Love is not all about feelings , its also abt commitment.If u fall out love then, maybe hindi ganon kalalim yung pagmamahal na meron ka.

  • @zaquin9551
    @zaquin9551 2 года назад +24

    I fall out of love with my current live in partner, almost 4 years na kami, then suddenly nag hit yung postpartum depression ko, as in never syang napagod alagaan ako pag handaan ako ng pagkain gnun parin sya kung pano nya ko alagaan, then na nonotice ko na umiiyak nalang sya then wala akong pakialam hinayaan nya ko uminom mg isa, hang out with my friends. Sinabi na D ko na sya mahal. Pero tinulungan nya ko along thecway. Isipin nyo nalang kung gaano kahirap sa isang tao na ireject mi sya makita ka nya nahihirapan. And yet I'm so proud and happy sa asawa ko for not giving up, and now mahal na mahal ko ulit sya parang nag renew yung pagmamahal ko saknya. And whatever happens I know sasamahan nya ko palagi sa worst part of my mind, pinaka worst.. As in sasamahan nya ko kht ipagtulakan nya ko. Grabe tong kantang to and mv pinanood namin, sabi nya never tong mangyayari samin, never syang susuko. Pero grabe tong kantang to and mv sobrang gnto kmi dati.

  • @royxen6514
    @royxen6514 2 года назад +5

    Ganito nangyare saakin almost 1 month na nakalipas na gulong gulo ako sa sarili ko na para bang mabaliw sa kaniyang sinabi na, "May iba akong gusto". At, nalaman ko pa sa iba na may bf na pala siya. Nagsama kami halos isang taon na puno ng saya, kilig, pagmamahalan, at malalaman mo na lang na hindi na ikaw ang kaniyang minimithi pero heto ako, mag isang lumalaban para kalimutan ang isang bagay na pinagsamahan. Sobrang sakit lang.

  • @bentacticsvlogs9469
    @bentacticsvlogs9469 2 года назад +1

    2 years na pero ikaw arin yung standard ko, ikaw ang nagpasaya ng pandemic ko kahit alam kong maraming gulo na nangyayari sa mundo sana masabi ko rin to sa sarili ko na "DINAKITAMAHAL" alam kong masakit pero wag kang mag-alala ok na ko na ok ka masaya ako kung ano man ang mga achievements na natatamo ngayon your my Totga.
    Masasabi ko rin sa sarili ko na ok na tapos na salamat sa lahat salamat sa pagpapasaya salamat sa genuine love mahal kita LOVE.

  • @animes3205
    @animes3205 Год назад +5

    She cheated on me. 2021, I lived the worst year of my life, i work, eat less and sleep less I'm an empty shell awaiting my death, till i found another reason to live, I started to take care of myself, sleep early, feel the hunger again, take a bath daily, buy clothes, perfumes, shoes, watch, and eat everywhere i like. This is the another part of "Di na kita mahal katulad ng dati" Thank you for hurting me so much than i can ever imagine. Now I'm a better person, Di na nga kita mahal katulad ng dati, you're just another part of my unfinished story. Thank you and goodbye

    • @Sca_t.
      @Sca_t. Год назад

      Sometimes you have to be broken to find your value in yourself again, ng hindi na umaasa sa ibang tao para hanapin sayo yung value mo. This time, ikaw na maghanap sa sarili mo, and you will glow, saka ka makakahanap ng taong hinding hindi ka na iccheat kasi sarili mo, mahal na mahal mo, what if pa kung sa partner mo pa, padayonnn!!

  • @CHORDSTV
    @CHORDSTV 2 года назад +7

    This song reminds me how mental health is very important. If someone is trying to destroy your inner peace or doesn't have any care for your mental health, it is better to end up your connection with them. Look for the right people who really cares and know your your worth as a person. But be wise. Baka kasi yung iba nagpapanggap lang na may care pero tinitake advantage ka na pala. Palagi mong tatandaan, mahalaga ka.

  • @ciruelajudylynne7879
    @ciruelajudylynne7879 2 года назад +8

    Alam mo yung masakit? Yung natapos kayo dahil hindi kana mahal. Hindi na niya maramdaman na mahal ka pa niya. Kahit sinubukan niyo naman, pero wala na talaga. Gusto ko matutunan niyang mahalin ulit ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi na rin naman ako ang pipiliin niya kung sakali. Ang sakit lang. Kinulong ko kasi ang sarili ko sa kaniya. Bumuo ako ng pangarap na kasama siya pero ako na lang mag isa ang tutupad. Sana one day magising na lang din ako na hindi ko na siya mahal para hindi na masakit.

  • @stevehubert3393
    @stevehubert3393 2 года назад +6

    Paminsa'y mararamdamin din na'tin 'yung sitwasyon na lubhang malabo na ang relasiyon. 'Yung tipong manhid, pagod at sobrang ubos na ubos ka na. Ngunit ang mga ala-ala na lamang ang dahilan kung bakit ika'y nanatitiling naka kapit.
    Sad'yang mapa iisip ka na lang talaga na bumitaw, ngunit kapag inu ungkat ang mga nakaraa'y ika'y patuloy na naliligaw.
    Ngunit ng dahil sa mga ala-alang naka naka-ukit, tila ay nakalimutan mo na ata ang huminto sa iyong pag guhit. Hindi mo na mabig'yan ng hangganan dahil ika'y naka pikit. Naka pikit at na sa malalim na panaginip na kung saan ay patuloy mong hinahanap ang dati n'yong pag-ibig.
    Anyways...paka tandaan na ang tunay na pagmamahal nagmumula 'yan sa ating mga sarili, kaya't matuto munang mahalin ang sarili okayy? Sa susunod ay makatatagpo rin tayo ng taong makapag babalik o makahihigit ss pagmamahal na ibibigay na'tin. Kaya't " stay single until someone match your loyalty "

  • @johnruwizgaliza4123
    @johnruwizgaliza4123 2 года назад +19

    I had a 5 years relationship that ended recently. We had a child and I thought that we are together at the very end. But this 2022 really change a lot, Her actions, her words, everything from her nagbago ng sobra hindi ko na makilala yung babaeng kasama ko 5yrs ago up to now. We have a problem with each other lalo na sa communication pagdating sa away naming dalawa and may mga pagkukulang din na binabawi naman paunti unti and winowork out. But there is something na sumira ng lahat, yung taong akala ko eh tunay sakin siya palang sumasalo sa tuwing may alitan kami. I trusted a lot but suddenly she left me with that guy a close friend of mine and wala akong magawa kasi wala na talaga. Kahit anong habol ko sakaniya hindi na talaga siya yung dating babaeng aking nakilala. Iniwan niya ako na parang wala lang, and kung itrato niya ako eh parang wala kaming pinagsamahan knowing that we had a child, and now masaya na silang nagsasama that guy was more better and financial stable than me. I learned a lot from that relationship and fixing myself more where did I go wrong and ano yung mga pagkukulang ko bakit nagkaganon. For now I only focus on myself and for my daughter bringing this energy and motivation help me to go more further and not to look back. Self love before you give love because at the end of the day it is only you.

    • @richellebelches4604
      @richellebelches4604 2 года назад

      cheer up😊

    • @winnapatawaran547
      @winnapatawaran547 2 года назад +1

      Same! 2 months ago! 5yrs relationship with daughter and kasal. Pero iniwan nya kami para sa ibang tao 🥹

    • @graciasena7382
      @graciasena7382 2 года назад

      Hugs para po sa mga pain n naramdaman nyo rin po.

    • @arantejvlog3095
      @arantejvlog3095 Год назад

      mayplano mas maganda sayo ang diyos dahil nilayo ka nya sa tao di karapatdapat para saiyo tiwala lang sa kanya at magintay ng resulta.

  • @jay-ncrausus2909
    @jay-ncrausus2909 2 года назад +2

    " Sorry Di na tayo tulad ng dati "
    Salitang gusto kong sabihin pero di ko masabi sayo.

  • @adamcosio636
    @adamcosio636 2 года назад +21

    "Tamang tao, maling oras at pagkakataon"
    "May mga tao tayong makikilala pero magiging bahagi lang sila ng istorya natin"

    • @jessamula2417
      @jessamula2417 2 года назад +1

      Grabeeeeee..... tinamaan ako ng husto sa mga salitang to.
      Ung feeling na maayos na kayo. Mahal nyo ang isat isa,nag pa plano na Kayo ng para sa future. pero hindi pala kayo pwede. Ung taong inakala mo na sasalba sayo sa pagkalunod at pagka wasak. Iiwan ka din ulit. Kahit naramdaman nyo na nasa tamang tao na kayo. Pero mali pa din ung oras. At hindi sa inyo ang pagkakataon. Naging Isa lang sya sa kwento sa pahina mo pero hindi nanatili hanggang dulo. 😔😔😔

  • @anageminisadohiling989
    @anageminisadohiling989 2 года назад +4

    Sabi nila ang babae kahit paulit ulit mong lokohin, Tatanggapin ka pa rin nya. Iba pala talaga kapag dumating na sa puntong napagod ka na. Naubos ka na. Hindi pala lageng okay ka lang sa ginagawa nya. Hindi rin pala laging tatanggapin mo sya. Nakakapagod din pla. Nakakaubos din ng pagkatao. Lalo na kung ibinigay mo naman lahat pero hindi parin sya nakuntento. Iisipin mo na lang, hindi ka naman nagkulang. 😢

  • @mercadomarcadriannemagbanu9977
    @mercadomarcadriannemagbanu9977 2 года назад +7

    Nung panahong malabo na. The moment I asked her "Mahal mo pa ba ko?" Then she said "Hindi na." My whole world shattered. 💔
    Thankfully, someone came into my life to help me rebuild myself again. And I'm ready to give it my all again. Coz I know it will all be worth it. 💖

  • @wredalfrancegimotea7914
    @wredalfrancegimotea7914 2 года назад +1

    Naalala ko lang yung niligawan ko ng 3 months tapos bigla nya nalang ako pinag stop manligaw sa kanya, mahirap pala i let go yung isang tao pag mahal na mahal mo, kung saan nasanay ka na sa kanya doon pa sya mawawala sinsabi ko na lang sa sarili ko na bakit mo pa pinatagal, aalis ka din naman pala. Ayon miss na miss ko pa din sya, nag hihintay pa din na bumalik sya.

  • @arianemayebilane4822
    @arianemayebilane4822 2 года назад +3

    ⚠️TW: MENTAL HEALTH
    Dumaan lang 'to sa NF ko and somehow it got me curious. What a concept na ihinabol ninyong irelease this last day ng September.
    Lemme share some of the 2 cents a professional someone told me:
    1. Learn to stop showing up for that person; for the mean time or permanently, stop allowing that person to show up into your life.
    2. You can't feel self convenience if you keep allowing yourself to be that "convenient person". If you don't feel to, huwag mo ientertain just to keep your relationship.
    3. We always conclude na sinaktan tayo, because we couldn't bear the fact na tinolerate natin yung treatment na ganun.
    4. Kung nasaktan ka man ng ibang tao, huwag mong hayaang pati ikaw mismo, masira mo ng tuluyan ang sarili mo.
    Imagine being sleepless at wala sa sarili for few wks to the point na nabitawan at napabayaan ko serbisyo ko sa trabaho, bahay, kaibigan, kay Lord. Had I known how worst was the impact of that feeling, di sana ako nagpalamon sa katangahan ko for that person lol.
    In the end, we can decide. Do it, habang kaya mo pang isalba sarili mo.

  • @albertjr.manzanas9556
    @albertjr.manzanas9556 2 года назад +2

    Parehas kami nag ka mali sa isat isa nakipagkita siya sa ex niya ng hindi ko alam para lang sa gamit napatawad ko naman siya pero lagi na ako nagooverthink, at next nahule naman niya ako na may chinat na babae, humingi ako sorry at apologize, after a days sumuko na siya. Gusto sana makipagayos kaso ayaw niya na ako makausap, diyan lang halos umikot problema naming dalawa nakipagkita siya at nahule niya ako, 😔😔 sayang ang buwan na pagsasama namin, magpapasko naman😔😔skl.

  • @heidideguzman9718
    @heidideguzman9718 2 года назад +2

    Puro pagmamahal Yung binibigay ko pero puro sakit Yung binibigay niya.
    Yun Pala ako na Lang Pala Yung nagmamahal naiwan na pala ko. Sa iba na pala niya binubuo pangarap namin. 3 years pinagpalit ako sa may anak at 20 years ahead sa kanya. Sobrang sakit Pala masaktan.
    Wag mo pala ubuhos lahat ng pagmamahal ikaw pala Yung mauubos.

  • @aery5737
    @aery5737 2 года назад +5

    We gave ourselves space. Reason kung bakit ayoko talaga ng space is baka habang inaayos namin ang sarili namin bigla na lang din mawala ung feelings namin para sa isat isa. Baka habang hinahanap namin ang sarili namin, mawala naman ung "kami" at tuluyang maging "ako" at "sya" na lang...

  • @panerkateaaliyahbeth2507
    @panerkateaaliyahbeth2507 2 года назад +1

    the saddest part of having a LDR is that u don’t have idea kung hanggang kelan nya kakayanin. and worst thing is ikaw kinakaya mo naman pero sya bigla nalang magsasabi ng “hindi ko na kaya ang LDR” 🙃

  • @angelomores9494
    @angelomores9494 2 года назад +6

    Sakto ang kanta niyo sa pinaramdam niya sa akin.
    Tulad ng sabi sa kanta, "Sadyang ganyan talaga ang tadhana".
    Maybe I am meant to build that person para sa totoong nakatadhana sa kanya. Dakilang builder, na ang tanging purpose ko ay mag pave ng way para sa "The One" niya.
    Ewan ko. I am full of love and I am willing to share it with my special person. Pero hindi talaga yung magiging sapat yun sa taong hindi ka naman kayang ipaglaban.
    Buti upbeat yung pagkaka areglo ng kanta at medyo may comic relief yung vid 😅
    Salamat Agsunta at Awi Columna, napagaan niyo ang pakiramdam ko 😉

  • @Broken-cs7fq
    @Broken-cs7fq 2 года назад +1

    Minsan Akala natin na Yung taong sobrang mahal mo na tipong ginawa mo ng Mundo Ang makakasama natin Hanggang dulo. Pero Hindi talaga lahat ng kwento natatapos sa happy ending. Hanggang Ngayon Lagi Kong tanong sa sarili ko kung saan ba ko nagkulang binigay ko Naman Yung best ko alam Kong Hindi Ako perpekto pero pinilit kong maging tamang tao para sa kanya. Bigla nalang nawala yung dating masasayang ngiti nya Sayo biglang nanlamig ung dating mainit na pagmamahal nya Sayo sa isang iglap parang nabura na ung pamilya na binuo nyo mga pangarap na gustong makamit magkasama. May iba na palang nagpapasaya sa kanya. Halos gusto ko ng mawala sa Mundo pero pano Yung anak namin? Lahat ng pagmamahal ko sa kanya binuhos ko nalng sa anak ko hanggng ngyon pinipilit Kong maging tamang tao kahit Hindi para sa knya kahit para Nalang sa anak ko. Ngayon nasa malayong Lugar Ako naglalakbay habang nagpapagaling ng pusong nawasak. Gawing lesson lahat ng pagsubok dahil sa lahat ng pagkatalo mo Hindi mo napapansin mas lumalakas ka.
    #seamaniloko

  • @bhabiequ26
    @bhabiequ26 2 года назад +2

    is it possible b n gigising k nlng s umaga n wala k ng nraramdaman pra s partner mo?? o mtgal mo ng nraramdaman n my mali pero hinayaan mo nlng kya humantong s fall out of love?🤧

  • @jesanecabacang8386
    @jesanecabacang8386 2 года назад +1

    Hindi Na Tayo Tulad Ng Dati ,
    dahil Sa Sakit Ng Mga Panloloko Mo Ng Paulit Ulit ,
    Hindi Ko Nadama Ang totoong Pagmamahal Galing Sayo , Maipadama Mo Man Sa simpleng Bagay O effort Isinusumbat Mo,
    Ang tunay Na Pagmamahal Hindi Isinusumbat ,
    Hindi Pinipilit Dapat Kusang Binibigay ,
    Kahit Ilang Beses kang Nagbago Ng Ibang Babae habang Tayo ,
    kahit Ilang Beses Kang Lumandi Sa Ibang Babae habang tayo ,
    Kahit Alam Ko Hindi Na Tama Ang mag Stay At Patuloy Kang Mahalin , Nananatiling Sayo Kahit DI MO NAKO MAHAL
    Hindi Ko Na Alam Kung Kelan Ako Kinilig Sayo ,
    Hindi Ko Na Alam Kung Kelan Mo Sinabing Mahal Mo Ako , HINDING HINDI TAYO TULAD NG DATI DAHIL ALAM MO MAS LUMALA YUNG PANLOLOKO AT SAKIT NA DULOT MO MULA UMPISA .
    Hindi Ako Nagbago Sayo "AKO TO TULAD NG DATI TOTOO PARIN SAYO"
    HANGGANG DULO kahit Di mo Makita Ang Halaga Ko Sayo Mula Umpisa, MANANATILING SAYO .

  • @indirapega6621
    @indirapega6621 2 года назад +1

    Hindi naman sa hindi ko na sya mahal, almost 8 years akong lumaban at nagtiis sa lahat ng pambabalewala sa nararamdaman ko bilang isang ina. Gusto ko ng buong pamilya at pagod na ko sa araw araw na pinaparamdam nya. Ilang beses kong sinubukan iwan pero dahil may anak kami di ko magawa kaso dumating na talaga sa punto na NAPAGOD NA KO, KAHIT ILANG BESES KONG IPAHINGA KASO WALA E LALO NA KUNG SYA YUNG DAHILAN NG PAGOD AT SAKIT. KUSA NA LANG SUMUKO YUNG KATAWAN AT ISIP KO. PANO NAMAN AKO? PANO NAMAN UNG MENTAL HEALTH KO ARAW ARAW PALALA NG PALALA. HINDI NA KAMI TULAD NG DATI. SANA MAHANAP MO YUNG TAMANG LANDAS AT MAHANAP YUNG HALAGA NG TAONG ANJAN PALAGI SAYO PARA PAALALAHANAN KA. KASO PASENSYA NA NAPAGOD NAKO.

  • @maemae4082
    @maemae4082 2 года назад +1

    5 years. And we supposed to be married this coming December 28, 2022. Akala ko issaprank lng lahat. Sa limang taon never Tayo nag away, never mo pinaras sakin Ang masaktan. Kht masasakit na salita d ko naranasan sayo un. It was an almost perfect relationship (for me). Then one day Booooom! Sinabi mo nlng tigil na ung kasal, gusto mo mapag Isa. LIKE WHAT?.. Para akong nanaginip at nanood Ng kdrama ung tipong may plot twist pala Ang lahat. Pero d Ako sumuko from July up to now I keep pursuing you. When august 2022 came, I realized my menstruation got delayed and we found out that I am pregnant but still Ang cold mo. Halos ayaw mo paniwalaan. sinabi mo lang, Wala Ikaw magagawa Dahl anjan na. :( D ko naramdaman ung tuwa katulad Nung nalaman mong buntis Ako sa panganay ntin... 9 weeks journey of being pregnant I keep pursuing you, nabayaan Kong alagaan sarili ko pati panganay ko pti ung dinadala ko. Until Sept 3 nag spotting Ako umuwi Ako sainyo to do a follow up check up. Then Sept 6 we found out that My lil baby was dead inside my womb 😭 gusto ko magalit, magwala d ko alam kung sino sisisihin ko but in the end sinisi ko sarili ko sa sobrang kapabayaan ko.. after doing the D &C procedure. I stayed at the hospital for 5 days and 5 meals only in total. Nakakabaliw sobraaa... When I got discharged and talk to you you officially end up our relationship... Like nothing happened 😭. Yes I was so bad on sharing memes and quotes about failed relationship. it's like PATAMA sayo. But honestly it's my way to express my feelings. Wala akong sinasabihan kundi mama mo lng at mama ko lng.. pero Kahit ganto set up ntin andito Ako sainyo kht Wala na Tayo ..Alam ko may PAgkukulang Ako sayo, di kita nakausap sa mga panahong kailangan mo Ng kausap. Hindi Ako perfect na Tao. Sana balang Araw mapatawad mo ko sa kung ano Mang kasalanan ko sayo at sana mapatawad moko sa dahilan kung bakit d mo na Ako mahal.. Kahit Sabi mo wag Ako umasa na maibalik lahat ayos lng. Titiisin ko Kasi mahal kita. Sau Ako BUMUO Ng pangarap at pamilya. Kaya nanindigan Ako. Gaya Ng Sabi ko sayo Mula noon Hanggang Ngayon HAYAAN MO AKONG MAHALIN KA. DAHIL MAMAHALIN KITA HANGGAT SA ALAM KO PA ANG SALITANG MAHAL KITA. DI KITA SUSUKUAN.

  • @dmeluna3494
    @dmeluna3494 2 года назад +1

    Di na Kita Mahal . Di na Tayo tulad Ng dati . This song reminds me my greatest love way back 2019. Up to this year. Paulit ulit nya parin sinasabi na Wala na nga . Reality sucks pero half of it is stupidity . Ganun na ba kadali sa knya mawala Yung love Yung akin almost 3 years of trying to let go and move on but I can't. I tried and I don't know why I keeping myself begging for comeback , pleading to have some chances to be with him again . I wish my feelings for him will fade. Hoping next year I will be healed and move on completely .

  • @jesanecabacang8386
    @jesanecabacang8386 2 года назад +1

    pwede To Sa Lahat Ng biglang Na Out Of love ,
    Pero For Me , Kahit Sa Panahong Hindi Mo Na Sya mahal Or Sabihin Mo sa kanyang Di Na Kita Mahal if they Are Into You , Hindi Sila Bibitaw Bakit ? Nung Una Ba Mahal Mo Na Agad ? Bumalik Lang Sa Umpisa Palagi ? Pero Paano Kung Umpisa Palang Ng Relasyon Niyo Hindi Na Masaya , Hindi Na Maganda Would You Still Want To back To Start ?
    Sabihin Mo Mang Hindi Na Maganda , Gusto Mong Balikan Ang Umpisa Pero Umpisa Palang Di Na Maganda Itutuloy Pa Din Kaya ?
    would You Still Stay Even If It Hurts ?
    Ilaban Kahit Masakit ,
    Its Like You Lived Everyday But You Already Died,
    Para kang Kaluluwang ligaw Pilit lumalaban Kahit Wala Na Talaga , Hindi Mo Lang Matanggap :(

  • @jesanecabacang8386
    @jesanecabacang8386 2 года назад +1

    Its Been A Year Since Nagbalikan Kami ,
    Its Been A Year Na Din Ang Sakit Ng Panloloko Nya , :( But Still Im With Him Bakit Kahit Di Nadama Ko Na Nung Di Ko Na Sya Mahal , Nag Stay Ako , Narito Ako , pinili Ko manatili .
    Hindi Ko Man Makita Na sya Yung Kasama Ko sa Pangarap Nag Sesettle Ako Kase Gusto Ko .
    Kahit Ilang Panloloko Pa GinAwa mo , Kahit Sabihin Kong Di Kita mahal Feeling Ko Nagsisinungaling Ako Sa Sarili Ko kaya Heto Araw Araw Lumalaban , Araw Araw Inilalaban Yung Relasyon Na Ito .
    Makaramdam Man Ng Pagod Nagpapahinga Lang ,
    makaramdam Man Ng Sakit Heto Nakakapit Pa Rin .
    Hindi Kita Mahal Kundi MAHAL NA MAHAL 😔😔

  • @dracyertv9829
    @dracyertv9829 2 года назад +2

    Need deep rest for depression🙏☝
    Ilalayo sayo nang panginoon ang mga taong sasaktan ka Lang, at papalitan nang mga taong makakabuti sayo
    That's what we called "god protection"

  • @markitot1687
    @markitot1687 2 года назад +1

    kami 5 years na sana this november, may isang anak kami pero ng umuwi sya sa baguio kasama anak ko bigla nalang umamin sakin na wala na syang nararamdaman sakin masakit yung time na pagkasabi sakin na "SORRY DINA KITA MAHAL PINIPILIT KO PERO NAPAGOD AKO WALA NG SPARK "😔 napapagod din ako pero diko naisip yun kasi mahal ko anak ko at ayokong lumaki ng walang maayos na pamilya, pero wala eh mahirap makipaglaban ng sa tadhana 😔

  • @jeyjeyberganio1133
    @jeyjeyberganio1133 2 года назад +2

    Bakit kaya kahit ang sakit sakit nung ginawa mo sakin, mahal pa rin kita paano moko nagawang lokohin? paano mo kinayang matulog na niloko mo yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Sinuway ko yung magulang ko para sayo. Pinaglaban kita sa lahat

  • @kenjiedelacruz9820
    @kenjiedelacruz9820 2 года назад +2

    Yung ginawa lang ako pansamantala kase nag papakatanga ako sa isang relationship na hindi ko naman talaga alam gagawin pag nag kaka ganon siya ilang buwan naren kmi hiwalay pero hindi ko siya maalis sa isipan ko lalot nasanay nako na nasa tabi nya palagi ☹️

  • @rosecielleaudreypaguirigan3508
    @rosecielleaudreypaguirigan3508 2 года назад +2

    subrang sakittttttt kasi naging martir kana pero hindi kaparin sapat💔💔

  • @sanjuni3083
    @sanjuni3083 Год назад +1

    Sa loob ng 3yrs ldr d nagbago ung pag mamahal ko sknya lahat ginawa ko sya ung Mundo.. pero bakit ganun lahat nmn ng sabihin nya sinusunod ko.. tapos maririnig ko ngaun sknya nawawalan na sya ng gana dahil sa ugali ko.. gusto nya sya lagi nasusunod Kaya sumusunod nmn ko..3yrs ako d nag work Kasi ayaw nya.. tapos ganito lng gagawin nya sasabihin nya skn WALA NA KONG GANA😭😭😭 DNA TAYO TULAD NG DATE😭😭😭 Prng binuhusan ako ng malamig na tubig sobrang sakit😭😭😭 kagabi Lang ngyari kausap ko sya Hindi Ako nakatulog😭

  • @baymasong6362
    @baymasong6362 2 года назад

    masarap mag mahal ,, pero ngayon tulad ng dati na hinahanap hanap ka palagi at iniisip ka palagi ,,, ngayon masaya na ako kasi masaya kana sa iba ,, pilitin man natin na ibilik ang dati ,,mukhang wala na talaga kasi ngayon masaya kana sa iba ,,, i hope na sana maging masaya ka sa kanyan ,,, alagaan ka niya tulad ng pag aalaga ko sayo stay strong sa inyo mahal kita at minahal kita ng sobra pero ngayon unting unti ko kakalimutan ka magiging malakas na din ako at masasanay na wala kana talaga❤️

  • @akiramos9754
    @akiramos9754 2 года назад +1

    Ang dami kung na alala dahil sa kantang to☹️
    Anwy,To my Favorite person. Baba hru?
    Lovey, Marami ako pag kukulang sayo di ako naging perpekto
    :(Palagi mo sinasabi na we deserve someone better:(
    Nahhhh I’m trying naman each and everyday para maging better version of myself.
    Pero kahit ako di ko na , nakikilala sarili ko dahil sa love ko and willingness ko mag bago just for you:(
    Sa magulong mundo baba mas pinipili kita araw araw. At pipinipili parin kita kahit sa napaka gulo na setwasyon.
    Kahit na di mo magawa sakin yan pabalik.
    Sa pag lalayag mo mahal ko mahanao mo sana yung taong mag mamahal sayo ng sobra pa sa sobra. Pipilitin ko maging masaya para sayo-kaye

  • @ailyndelacruz1733
    @ailyndelacruz1733 2 года назад +2

    Tinanggap kita kahit sobrang hirap sa part ko na magtiwala ulit dahil sa ginawa mo, sumugal ako sa walang kasiguraduhan, kasi ayokong maging selfish dahil may anak tyo. Oo ako yun nasaktan ng sobra satin dalawa, ako yung nagkatrauma, pero dko na inisip yun sarili ko, kahit alam kong wala kana nararamdaman saken, pinilit pa din kita ilaban kasi mahal na mahal kita e. Kaso eto habang unti unti natin inaayos yung pamilya natin, bakit ganon? Hindi pa din kita maramdaman, nasa amin ka nga pero parang ang layo layo mo na. Tinanggap at pinatawad kitang muli pero bat nararamdaman kong ako na lng yung lumalaban? Di ba dapat tayong dalawa yun gumagawa ng paraan para magwork tyo ulit.
    Pero sige, susuko na ako sa tayo, awang awa nako sa sarili ko.
    Susuko ako hindi dahil sa di na kita mahal, susuko ako kasi alam kong hindi kana sa akin sasaya kasi ramdam ko naman e. Papalayain kita kasi mahal kita, sobrang mahal na mahal.

  • @kimmiewanderlust1200
    @kimmiewanderlust1200 2 года назад +3

    7 years pero di pala ako ang mahal. Pinakamasakit dun nung tinanong ko sya, "Hindi mo ba kami pipiliin ng anak mo?" Tapos sagot nya sakin, "Yung anak ko, Oo. Pero ikaw, hindi na."
    Wasak na wasak ako that time. Eventually, I was able to move-on and found the one who will choose me everyday kahit yung salitang "Mahal kita" is malabo na. Love is not just a feeling, but a choice to be made everyday.

  • @anfameyatienza5304
    @anfameyatienza5304 2 года назад +1

    its been 11 months since we broke up, mahal ko pa den talaga. ansakit pa dennnn sa loob ng tatlong taon nating pagsasamaaaa dko akalain sa loob ng isang buwan bigla na lang may iba sabay sabi saking "SIGURADO NA AKO SA KANYA" :((

  • @Icyblast1423
    @Icyblast1423 2 года назад +1

    11years of relationship.
    Simula nung umpisa binigay ko yung lahat lahat. Umpisa palang 1st year anniversary natin halos ako na yun gusto mag first move mag propose pero naisip ko baka hindi ka lang handa kaya wala ka paninindigan para sakin, pero nung gusto mo na, napagod na ko maghintay. “Hindi na tayo tulad ng dati.” Grabe sapul sa lyrics. Zzzz ang sakit. 😮‍💨

  • @mikomarpuri1327
    @mikomarpuri1327 2 года назад +1

    3yrs in a relationship hahaha tinatawanan kuna lang lahat ng nangyari..Ikaw Ang bumuo pero iba Ang nakinabang...DINA KITA MAHAL mga salitang pilit kung tinatatak sa isip ko step by step makakalimot din ako😊

  • @astridxycca9589
    @astridxycca9589 2 года назад +1

    Ang sakit... Not because na-fall out of love kami sa isa't isa pero kase he cheated yet I still accept him, nagbabaka-sakali na baka magbabago sya at kaya pang ipush. Pero dumarating kase yung point na parang iba na, di na tulad nung una. Ang sakit habang tumatagal.

  • @joanguinto4923
    @joanguinto4923 2 года назад +1

    Been with a long term relationship, almost perfect. But it became worst I was treated wrong, he failed to respect me and calling me unappropriate words during the relationship. Until one day nagising nalang ako hindi ko na sya mahal. Kung kelan handa na syang magbago tsaka ako napagod. Walang cheating na naganap yet sobrang sakit padin bitawan. Mahal kita pero mas mahal ko sarili ko, Kung dimo ako kaya itrato na tama I'll do it by myself. Respeto nalang sa sarili ko ang gagawin ko :)

  • @faithdyancharissedeocampo1506
    @faithdyancharissedeocampo1506 2 года назад +2

    Parang nakakatakot tuloy tumanggi pag nag propose yung isa. 😅

  •  2 года назад +3

    WTH! Kinilabutan ako ang ganda ng story she*, astig ng story timeline huhu more videos to come brothers

  • @angelamayangulo9486
    @angelamayangulo9486 2 года назад +1

    Hello from the other side (almost 5yrs), ang bilis ng araw it's been 3yrs simula nung binalik mo ako sa family ko. Thankyou 🙂

  • @easygolendingcorporation3734
    @easygolendingcorporation3734 2 года назад +2

    6yrs in relationship, sa anim na taon wala syang ibang ginawa kundi magmakaawa at maghabol para diko sya iwan, May mga time na tinutulak at tinataboy ko sya, Inabuso ko kabaitan nung taong mahal na mahal ako, dahil kampante ako na di nya ako kayang tiisin at di nya ko iiwan, Hanggang isang araw sinabi nya maghiwalay na dahil hindi na nya nakikita yung worth nya, After break up may nag comfort sa kanya at naging sila, Ramdam na ramdam kong mahal na mahal sya nung tao nayun at pinahahalagahan sya, Ang sakit pala makita na masaya na sa iba yung taong mahal mo, Yung gusto mo bumawi sa lahat ng ginawa mo pero di na pwede. Totoo pala marerealize mo lang lahat pag wala na sayo yung tao, Nasa huli talaga ang pag sisisi.

  • @gleenart8614
    @gleenart8614 2 года назад +2

    Ako yung nahanap niya, Ngunit hindi ako ang gusto niyang matagpuan.

  • @capellashyneaguilar266
    @capellashyneaguilar266 2 года назад +1

    Sabi nila 'mahalin mo lang daw ng mahalin yung taong mahal mo kahit hinde na kayo hanggang sa mapagod ka' pero nung ginawa ko yan ako lang yung nahirapan kase kahit anong pilit mo sa isang tao na kalimutan sila hinde mo agad magagawa kase malaki yung naging part nila sa buhay mo. pero ang diko matanggap yung nagawa nya akong palitan agad na para bang hinde ako worth it lalo na nung sinabi nyang hinde naman daw talaga nya ako minahal. YUNG GALIT KO HANGGANG SA MAMATAY AKO DI MAWAWALA SA KANYA.

  • @iamtheBlvckSheep
    @iamtheBlvckSheep Год назад +1

    She cheated on me. Higit sa isang beses ! dalawang mag kaibang taon and same birthmonth ko pa! This 2022, I lived the worst year of my life, sayang lahat ng pinag samahan thru up's and down. Grabe pala talaga sa BPO industry no? Kahit ilang taon mo ingatan yung taong minahal mo ng sobra. Bukas pag gising nya di na ikaw agad ung dahilan kung bakit sya masaya. Almost same scenario sa last year, alam ko na niloloko nako but i choose to keep myself in silence. Ewan ko? Sobrang devastating ng mga ngyare sakin everyday i eat less and sleep less I'm an empty shell, everyday umiiyak ng palihim kasi nagagalit sya pag nakikita nyang umiiyak ako, para daw akong bata. Ang sakit kasi para hindi manlang naging Valid ung nararamadaman ko. Pero still kahit na gina-Gago ako ng paulit ulit sobrang umasa padin ako ng magiging okay lahat. Pero wala e? Kahit sana ung guilt manlang or respect bilang naging partner nya in a long run. Eh wala, still doing shit behind my back! Right after sabihin nya na gusto nyang ma win back lahat, sobrang fck up lang? Kasi kala ko may chance na uli na ayusin pero t@ng*&^ nag uusap at nag papalitan na sila ng ily sa isat isa? Grabe di ako makapaniwala na my ganun pala talaga. Iiwan ung partner nila na nakasama ng ilang taon para sa taong niloko lang din ung long term relationship nya.
    Ako na sobrang drain na sa sakit everyday umiiyak alone ni kahit konting comfort hindi nadama, tas ung iniiyakan ko ayun. Palihim na nakikipag kita at nag sasaya kasama ung taong dahilan kung bakit isang araw biglang hindi na sya masaya na mag kasama kaming dalawa. Imagine kahit my bagyo o masama ung pakiramdam nya basta makasama nya lang ung taong un? G agad sya anytime. Sobrang sakit lahat siguro nag paka martir nalang din ako inuubos ko na lahat ng pain sa katawan ko para pag alis ko masasabi ko na din na, This is the another part of "Di na kita mahal katulad ng dati" Thank you for hurting me so much than i can ever imagine. Now I'm a better person, Di na nga kita mahal katulad ng dati, you're just another part of my unfinished story. Thank you and goodbye

  • @rowenatorres6489
    @rowenatorres6489 2 года назад +2

    Ito din yung tanong ko, alam kong wala akong maling ginawa kasi nangako kami na maghihintay sa isa't isa gang makatapos, bigla na lang hindi nagparamdam kaya binalak ko isurprise sa family event nila ako pala magugulat kasi nadatnan ko may kayakap na siyang iba at mukhang masaya naman sila kaya hindi na ako nagpakita, tumayo na lang sa malayo habang tinitingnan kung gaano na siya kasaya. Siguro hindi na nga niya ako nakita na kasama niya sa hinaharap.

  • @emmarose754
    @emmarose754 2 года назад +2

    nung iniwan niya ako dahil sa iba sobrang sakit din pala na sabihin sayo n dina kita mahal at mas pinili niya ang bago kesa sa 10 years na relasyon namin.. para akong mababaliw nun sa skit , na ngttanung ako sa srili ko kubg saan ako ngkulang , hanggang ngaun sobrang laki ng impact sa buhay ko na kung sinu ung taong pinagkakatiwalaan mo siyang sisira ng isip, ng pagkatao mo, at ng worth mo. na hanggang ngaun ang hirap hirap bouin ang sarili mo dahil sa pagkakadurog sayo, tpos babalik sayo para makipagaus at ssbhn sayo na nagkamali ako. na bawat makita ko siya nakikita ko lagi ang pgmamamkaawa ko nun na ako piliin nya sobra ang iniwan nilang takot at pagkabigo sa puso ko.. 😔😔

  • @neoncoloredlights
    @neoncoloredlights 2 года назад +1

    Currenty, I am in a relationship. We are going 3 yrs now but unfortunately she is already fall out of love after our first anniversary. I don't know when and how, she doesn't know either. But we still together trying to fix cause she will feel empty if I let go and It will be painful in my part kasi mahal na mahal ko pa. As months goes by, she is not what she is more than a year ago. Mas masakit pala yung ganun, yung tipong all the things you both do hindi nyo na ginagawa. Informing each other presence, parang di na pwedeng gawin. Less I love yous, sometimes sobrang wala pa. The hardest part in this is yung sobrang denial ka na kesyo go with flow ka na lang, na waiting ka na lang sa ending at umagree ka na lang since nakasanayan mo naman na ganun lang kayo but deep inside sobrang durog na durog ka na. Pagod na pagod ka na. Mauubos ka na at tanging inaantay mo na lang ay maging manhid ka pag kaharap mo sya hanggang wala yung pagmamahal na meron ka sa kanya.
    Ang hirap mawala yung taong mahal mo pa pero mas mahirap pala makawala sa parehong taong inuubos ka.

  • @robertsaulog6038
    @robertsaulog6038 2 года назад +1

    naranasan ko din naranasan niyo...i remember nung kami pa...masaya kaming nagsasama noon...maraming mga pangarap sa isa't isa...sobrang saya namin noon...then one day she confess to me na nag cheat sya...nagpaka-TANGA ako sa part na pinatawad ko siya para di nya ako iwan...then so many days ang nagdaan...and one day nag chat ako...then dun na nagbago lahat...sinabi niya sakin lahat...hindi ko lang maintindihan eei...kasi nung kami pa...masaya sya sa piling ko then sasabihin niya na wala siyang mutual feelings sa akin...sobrang sakit lang na nabubuo pala ang pekeng pag ibig sa panahon nang kinakailangan ng kalinga...SAYANG!! yung mga binubuo naming PANGARAP...hanggang dun nalang pala yun sa libro...WAKAS NA!!

  • @ElectricSago
    @ElectricSago 2 года назад +3

    As someone na galing sa 4-year relationship, this speaks to me on another level. Never ako nagkaron ng closure dahil tinapos nya lahat through phone call lang. Baka yung lyrics ng kanta na to yung mismong gusto nyang sabihin? Dahil di ko alam yung totoong rason. Nagsawa lang ba? Kailangan na ba akong lampasan? Or was it betrayal? It has been more than a year already, so I guess I'll never know. 🤷🏾‍♂️

  • @Mae-ng9vd
    @Mae-ng9vd 2 года назад +1

    It's been almost 2 yrs. Wala na kong balita tungkol sayo. Hindi mo na ko kinausap. Ang dami kong gustong sabihin at itanong sayo. I've been praying na sana mabigyan ako ng chance na makausap ka, na makita ka, to have a better closure pero siguro kaya di inaallow ni G kase he is protecting me or baka ikaw din, baka it's better this way. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako galit, na naiintindihan ko kung bakit pinili mo yung sarili mo over us. Naiintindihan ko na hindi mo na ko kinausap after that kase pinili mo yung peace mo. I'm glad you did that. You saved me, you saved us. I'd rather have this pain of not having you kesa yung nasakin ka pero hindi naman tayo masaya, na nagkakasakitan lang tayo.
    Thank you sa 8 yrs. Thanks for loving me unconditionally nung kaya mo pa. Sorry kung nahirapan kang mahalin ako. Hindi mo kasalanang napagod ka pero sana maintindihan mong hindi ko ring kasalanang mahalin ka pa din kahit hindi ka na sakin. Be happy and be safe as always. I hope one day, kung magkita man tayo, wala na yung bigat, na mangingitian na natin isa't-isa.
    Alam kong ako ang kasama sa mga plano but iba na siguro ang makakasama mo sa pagtupad ng mga yon. Still, I will root for you. I am proud of you. Sorry sa lahat.

  • @andricraetrinidad942
    @andricraetrinidad942 2 года назад +1

    Almost turning to 10 years together nang nagdesisyon kang kailangan mo nang tapusin. Andaming nabuong pangarap, alaala, pangako at mga pagsasama na parehong malungkot at masaya ngunit ito na nga yata ang huling pahina. Totoo pala ang sabi na darating din ang oras na kapag napagod ang isang tao, kahit na nangako kayo sa isa't isa na walang mawawala at walang iwanan, pwede padin palang maubos at sumuko sa laban. Ngunit ganun pa man patuloy akong lumalaban at nagtitiwala sa Panginoon na kung ito ang kanyang nais para saakin at para saatin, tatanggapin ko kahit mahirap, kahit masakit. Ayaw kong mawala ka sakin, kaya lang sumuko kana. Pasensya kana kung hindi ko na maibibigay ang kasal na minsan mong hiniling sakin. Alam ng Ama kung gaano kita kamahal at kahit kelan hindi yun nagbago at kahit kelan hindi ako sumuko. Kung mabasa mo man ito, patawad, gusto kong malaman mo na nandto parin ako. Nananalangin na sana matanggap kong wala kana, habang eto ako na patuloy parin na umaasa at nagmamahal sayo kahit na ayaw mo na. Mahal na mahal parin kita MST

  • @laurenceandallo1694
    @laurenceandallo1694 2 года назад

    yung sinabi nya na TAMA NA parang narinig ko ulit dito sa kantang ito

  • @krishacamilledequina
    @krishacamilledequina Год назад +1

    3yrs in a relationship and 2 and a half years we lived together in a one room . But now she feel out of love ☹️ nawala na yong pagmamahal na binigay nya sakin sa loob ng tatlong taon . Alam ko may pagkukulang din ako pero bakit naman ambilis nya sumuko . Bumyahe ako mula quezon para lang pumunta sakanya sa laguna para sana kausapin parin sya at malutasan namin yong problema namin but sad to say is hindi nya na daw ako mahal ☹️ ang sakit lang na kahit gaano pa natin kamahal yong tao eh wala parin tayong magagawa kundi palayain sila lalo na kong hindi na sila masaya satin .. hindi madali at hindi okay pero no choice eh kundi palayain nalang at ibigay yong happiness na hindi na nya maramdaman pa sakin 😔 . To my greatest love you know how much i love you. You know that I'm always willing to take a risk basta para sayo.. thankyou kase ket sa maikling panahon na nagsama tayo eh nalaman at naranasan ko . Kong ano mismo yong kahulogan ng happiness and contented 🙂 pero sakit lang kase hindi ako yong nakikita mong makakasama sa future mo .. andami kong gustong i settle ng kasama ka . Sa lahat ng pangarap ko kasama ka . Pero hanggang pangarap na nga lang din pala lahat ng yon 🙂.. but now I'm not fully healed but still i set you free . Sana sa susunod na mamahalin mo sana tumbasan nya yong pagmamahal na binigay ko sayo . Sana ingatan ka nya katulad ng pag iingat ko sayo . At sana yong saya na hindi muna maramdaman sa piling ko eh maibigay nya ng sobra sayo 🥺 maraming salamat mahal ko . Siguro nga eh hanggang dito lang yong kwentong "IKAW AT AKO" hinding hindi kita kakalimotan at sana sa next life ko merong isang ikaw ulet . At sana kong may darating man ikaw nalang ulet 🥺 now I'm officially signing off being you're loving girlfriend . Thankyou for all the memories that i always keep in my heart . Iloveyou and goodbye 🤍🤍🤍

  • @daily.seaaa_
    @daily.seaaa_ 2 года назад +1

    Dumating na sa point na ayoko ng gumawa ng paraan para lang bumalik ka, bumalik tayo dati. Akala ko ikaw na talaga e I give everything sayo kase diba sabe mo ako lang? or nag expect lang talaga ako? Minahal naman kita ng sobra bakit binigay mo saken ay tira tira? T*ngina talaga it's been 3months 15days na tayong wala pero nandito pa den ako. Iniwan mo akong mag isa kung kelan kailangan na kailngan kita. HAHAHA grabe yung closure na binigay mo saken last September 7 kung hindi pa nangyari yun siguro hanggang ngayon nagmamakaawa paden ako na bumalik ka. You know what u hurt me so bad and Congrats to ur new girl I hope na mahalin mo sya ng totoo wag mong gagawin sakanya yung ginawa mo saken. Akala ko dati pag walang thirdparty na dahilan for breakup e mabilis lang maka move on pero hindi pala mag lalo lang ako tinotorture kase hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan bakit mo ako iniwan. Mahal na Mahal kita mag iingat ka palagi malapit na Flight ko sana ma Hug man lang kita bago ako umalis. Be a good Man my love... ;

  • @reamaylagmay7788
    @reamaylagmay7788 2 года назад +1

    Pinilit kitang intindihin kahit durog na durog nako minahal kita ng higit pa sa subra.binigay ko lahat ng kaya ko para lng maramdamn mo na sobrang halaga mo sakin.pero bakit ,bakit diko naramdaman sayo yong pag papahalaga? Dati madalas kong tanong sayo kong mahalaga bako kong mahal mo ba ako,sagot mo oo pero bakit iba ang pinapakita ng mga kilos mo? Kaya mas pinili ko nalang lumayo at piniliing mag isa kesa patuloy akong masaktan sayo .Paalam love.patawad kong sarili ko naman ang pipiliin ko Mahal pa kita pero patawad kong DINA KITA MAHAL TULAD NG DATI :(

  • @marifemiculob4729
    @marifemiculob4729 2 года назад +1

    8 years din kami bago lang nagkahiwalay last August 22. Kusa napo akong sumuko kasi naubos narin. Binigay ko lahat lahat, pagmamahal, pag aruga, yung lahat nang bilang ako, binigay ko.. Yung kahit alam ko'ng ako ay patuloy na ginagago, nagstay pa rin ako kasi I was really hoping that one day magbabago rin pero wala eh.. nagchecheat pa rin talaga. Since 2019 hanggang 2022 ganun talaga. Kaya nung nabasa ko sa messenger nya na may ibang kaharutan na naman at nag deny pa na may gf sya.. ayun napasabi nalang ako sa sarili ko "Enough na".. kaya kahit alam mo sa sarili mo na mahal mo pa ang tao, pinili mong magpalaya at magparaya.. kung saan sya masaya, dun sya.. Pero wala akong pinagsisihan kasi wala akong ginawang masama sa buong 8 years namin.
    Ngayon may GF na agad sya 3 days after the break up namin.😁😁 okay lang choice nya naman din yun..
    And thanks be to God na ngayon ay okay na ako sa pagiging single ko.. Ako naman muna sa ngayon. 😇😊
    Tingnan mo nga naman hindi ko pa nachange picture namin sa google. 😆😆😆

  • @rea5645
    @rea5645 2 года назад +1

    Di ko malilimutan yong mga salita na "Di na kita mahal just please mag move on kana lang" na sinabi niya sakin noong mga panahon na yon, actually nung august lang, napakasakit kasi two weeks bago nya sinabi yun nagkita pa kame ginagawa parin namin mga nakagawian kahit hiwalay na kame kasi gustong-gusto ko siya bumalik tapos sa isang iglap biglang ganon ang mababasa ko? nung mga panahong yun isip ako ng isip, papaano? ba't sa isang iglap biglang nawala yung pagmamahal niya? may bago na ba? may kulang ba? sobra ba ako? halos masiraan ako ng bait kaka isip, napakasakit kasi kahit gaano mo pa ka-mahalin at gawin ang lahat para sa taong minamahal mo, kung hindi rin naman ganon ang nararamdaman niya para sayo o bigla nalang isang araw hindi ka na niya mahal. WALA KA NA TALAGANG MAGAGAWA, KUNDI PAKAWALAN YUNG TAO. :(((( napakasakit talaga netong kantang to 😭

  • @jordanvalladores4933
    @jordanvalladores4933 2 года назад +9

    For 8 years. Through ups and downs magkasama tayo. Simula't sapul hindi nagbago ung rason ko kung bakit niligawan kita. Hindi ko alam kung san ako nag kulang o san ako nagkamali. Hindi ko alam bakit biglang isang araw. Gusto mong sarili mo nalang muna yung isipin mo. Biglang hindi kana handa makipag relasyon. Ang layo na ng narating natin pero bakit ngayon kapa sumuko? Andami kong pangarap para sating dalawa. Pero lahat yun wala na. Dahil di mo nako mahal tulad ng dati..
    Hindi ko alam kung kelan ka babalik pero susugal ako. maghihintay ako.. kahit gaano katagal. Dahil mahalnamahalkita.

  • @reinbertesguerra9116
    @reinbertesguerra9116 Год назад +1

    Sa mga nasasaktan at nasaktan hwag sana magsara yung mga puso niyo, gaya kung paano ko naisara yung sa akin. I’ve been in an abusive relationship. Hindi ko na isa-isahin. Pero lahat ng suntok at sampal, para akong sinasabihan kung gaano ako kawalang kwentang tao. Masarap magmahal, matagpuan niyo pa rin sanang lahat ‘yon. ❤️

  • @richellebelches4604
    @richellebelches4604 2 года назад +1

    speechless wla akong masabi🥺bsta ang alam ko nasasaktan ako ngayon ..pero wlang lumalabas na emosyon ni umiyak ndi ko magawa puro lng ako sabi na "OKAY LANG AKo"pero deep inside ndi

  • @daniellefajardo4277
    @daniellefajardo4277 2 года назад +1

    6 years of relationship. Buo na lahat ng pangarap at plano then one day he just told you "I fell out of love" and everything shatters. Yun pla yung nakakabaliw na sakit. Nakakawala ng sarili na ganon lng kabilis naitapon yung 6 na taon na pinagsamahan. Ang pinakamasakit, wala nman kayong problema. Pero nagising sya bigla na di kana mahal at wala ka na magawa kundi tanggapin lhat ng sakit.

  • @imsorry4282
    @imsorry4282 2 года назад +1

    Walang kami pero gusto ko akin lang sya.
    It's my current situation right now.
    Subrang sakit😭, masaya ako kapag kasama sya I became comfortable with her. Tapos ung kaibigan ko na d ko ini expect naging kumportable rin ako sa kanya na akala ko walang syang nararamdaman sa babae na gusto ko. Isang gabi lang akong nawala nag take advantage amputa.. tinuring kong kapatid na tapos ganon. Alam nya rin Naman na may something samin ng babae pero d nya ako inisip, mas inisip nya sarili nya.😭

  • @bktraigo9304
    @bktraigo9304 Год назад +1

    Sa buhay natin meron tlgang darating para maging katulong natin sa pangarap natin, huhubugin tayo para mas maging handa sa lahat ng ating pgdadaanan, pero hanggang dun lang pala at hanggang dun lng tlga ang pwd.
    Sa lahat ng mga nasasaktan ngaun sige lng lang, in time may darating din na para satin tlga at mas deserve natin ng taong mas worthy sa pagmamahal natin. Laban lng ngitian lng natin yan ang buhay eh

  • @vladimirrapanut2590
    @vladimirrapanut2590 2 года назад +1

    Relationship last in 1 year and 2months
    This is my friend love story.
    Binigay nya ung tiwala nya sa isang babaeng akala niya ay un na ang makakasama nya panghabang buhay. Nakilala nya ung girl sa isang friend nila na hindi alam na my Boyfriend pala and time will come they both loved each other. Iniwan nung girl ung present boyfriend nya para sa tropa ko dahil mahal na nila ang isat isa. LDR sila asa ibang bansa ung babae pero naging matatag ung relationship nila tru chat and videocalls, they both see each other nung umuwi ung babae at masaya silang parehas na naghiwalay dahil babalik na ung babae sa ibang bansa pero one day nagising ung tropa na my chat ung babae "ayaw ko na ill block you para tapos na" clueless ung tropa ko baket gnun ang ngyari. Na parang ginwa din sa knya ung ginwa nya sa EX nya sobrang nasakatan ung tropa ko na halos mabaliw na kakaisip na hindi man lang lumaban ung babae sa mga pingdaanan nila. "Sinabi pa ng babae na wag daw syang entitled for being sila" sobrang nasaktan ung friend ko na naisip nyang wakasan ang buhay nya. Na sobrang overthink nya kung my iba na ba ung mahal na mahal nyang babae dahil parehas ng ginwa nung Babae sa ex nya at sa knya. Ngyon my friend is deeply stress about what happed dahil hindi na sya bata gusto nyang maging stable sila. Pero aun ang ngyari nawala ng lahat ng paghihirap nila sa binuong pangarap lang pla.
    Hindi man lang sinbi na ng babae na DINAKITA mahal para tapos na 😥😥💔

  • @iriscstr
    @iriscstr 2 года назад +1

    Hindi ako naniniwala dito. Meron at merong iba kahit maliit lang na crush yan keya nag-iba. Ayaw lang aminin. You can lie all you want to everyone but not with yourself.

  • @lailanieprieto5230
    @lailanieprieto5230 2 года назад +3

    Masaket sobra , yung taong binuo mo ay para pala sa iba :( nakakatakot magmahal ngayon kasi bawat galaw ng kamay nung orasan madaming nagbabago. nakakatakot kapag yung nararamdaman nya na yung nagbago :( yung nasanay kana na pag gising mo ng umaga sya yung nanjan , kakain ng umaga , tanghalian at gabihan sya kasabay mo pero sa isang iglip parang ang daming nagbago :(((((( tapos sasabihin pa "SORRY DI NA TAYO TULAD NG DATI " . Hindi naman kailangang sabihin kasj ramdama mo namang nagbago na lahat :((((((

  • @janemangabat
    @janemangabat 2 года назад +1

    Almost 6 years kami. Iniwan nya ako at sinabi nya hindi nya na ako mahal. 5 months na rin ang nakalipas nung iniwan nya ko. Eto parin ako. Feels like Day 1 parin yung sakit habang sya may bago na at ipinakilala na sa family niya. Hoping for my healing process. Breakdown saglit tas babangon ulit.

  • @apolrojo9270
    @apolrojo9270 2 года назад +2

    Di na kita makita sa pangarap ko Sinta 🙃🙃😢😢😭😭

  • @theprincessytaa2332
    @theprincessytaa2332 2 года назад +2

    ang sarap magmahal. sa una nga lang masaya 💔

  • @mhadzgaming3411
    @mhadzgaming3411 Год назад +1

    parang istorya ko to hehe di man naging kami pero sobrang sakit, pinakilala ko pa sya sa family ko tipong pati kuya at papa ko suportado sken kasi nilulutuan pa sya ng food kaso di ako pinili/pinaglaban sa family nya mas pinili yung may pera at stable na kaya ako ngayon eto magsusumikap ilang buwan walang tulog at nagkaka-anxiety na halos bumabalik yung mga nakaraan ko ewan ko ginawa kong mundo yung dapat ay "BABAE LANG"

  • @monicamacaresa8986
    @monicamacaresa8986 Год назад +1

    Maaga akong nag asawa.. At 20 years old kinasal na ako kahit ayaw ng magulang ko wala silanf nagawa dahil nga "MAHAL KO YUNG TAO". Nilaban ko sya sa lahat kahit pa sa mga panlalalait dahil nga "MAHAL KO AT MAY ANAK NA KAMI". tiniis ko ang lahat ng hirap kahit sa mga bagay na hindi ako sanay. Hanggang sa dumating yung panahon na nagka problema kami pero kahit ganon pa man nilaban ko sya khit sa mundo. Nilaban ko sya sa alam kung dulo. Pero lahat ng laban na yun nawala, umabot din ako sa punto na hindi ko na kinaya at tuliyang nakipag hiwalay.
    Nag abroad ako na nasira ang pamilya ko. Pero khit ganon pa man alam ko sa sarili ko na wala akong ibang mahal kundinsya lang. Nakipag ayos ako lahat ginawa ko.Pero wala pa din walang nangyare. Hnggang eto na nga wala na akong maramdaman. Wala na .Wala na yung pagmamahal na nilaban ko at akala ko hanggang dulo.

  • @myboo8508
    @myboo8508 2 года назад +1

    Kitang kita ko ang lahat ng plano , kaso sa isang iglap lahat nagbago. Ganun ba yun? Anniversary na sana natin ngayon oh. Oct 1!!! 🥺🥺🥺
    Binuo kita habang binabawasan ko ang sarili para ikabit sayo. Pero mas pinili mong bumalik sa taong sumira sayo. Sana maging masaya ka talaga. Sana, sana, Sana dumating din yung panahon na masabi kong dinakita. Mahal koooooo.

  • @jeanalcantara4371
    @jeanalcantara4371 2 года назад +1

    Mas masakit yung ilang beses mo siyang nahuling nagloko pero dahil mahal na mahal mo pinatawad mo. Tapos ramdam mong mas mahal nya pa tlaga yung nanay ng anak nya. Ginagawang profile picture, picture nila together minamy day pa. Ako yung ksama ng walang wala. Ako yung nag aasikaso na halos pagsilbihan ko sya. Ako yung kasama mo sa hirap e. Pero bakit sya pa din? Ang hirap ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi nakikita ang sacrifices mo. Ayaw niyang pakawalan ka pero sya yung bumitaw at wala ka ng magagawa kase di ka naman nya totoong minahal. ☹️

  • @megusta5439
    @megusta5439 2 года назад +1

    What If the person you loved right now, turnsout to be someones future. yung role lang pala niya sa buhay mo eh maging better person ka. pero sa iba talaga siya nakalaan.

  • @darrendexterbobihis4290
    @darrendexterbobihis4290 2 года назад +1

    Kailan Po ba dapat bumitaw? Almost 4 years na kaming married pero never nagkaroon Ng third party pero Ang mas masakit Kasi Hindi magkasundo Ang nanay ko at asawa ko. Palagi Akong pinapapili Ng asawa ko ay palagi siya Ang pinipili ko. Hiyang hiya na ko sa mga magulang at Kapatid ko. Kahapon ganun na naman Minsan na nga lang kami umuwi sa Bahay Namin nagka gulo pa. Alam ko kahapon na Ang Mali ay Ang asawa ko pero andito pa din Ako saknya Ako sumama. Di ko Alam dahil siguro ayaw Kong mapalayo sa anak ko. Dining Ng buong mag anak ko Yung pagtatalo nila parang gusto ko nalang matunaw Ng mga Oras na Yun. Aminado naman din talaga Ako na may mga ugali talaga na ayaw ko sa asawa ko. Hirap Kasi din talaga Ng sitwasyon ko Kasi siya Ang nag tatrabaho samin. Gusto ko Ng bumitaw pero ayaw ko naman mapalayo sa anak ko. Ayoko ko din naman Kasi talikuran Yung pamilya na nagpa laki sakin at bumuhay sakin. Ayoko ko pumili Kasi ayaw Kong may mawala sakin. Kaya andito Ako Punto Ng Buhay ko na parang gusto Ako na Ako nalang Yung mawala Baka Kasi Yun nalang Yung way para magka sundo Sila. 😭😭😭😭

  • @esmaelpanda7749
    @esmaelpanda7749 2 года назад +1

    Huwag kang magtanim ng GALIT sa minsan naging nagpasaya sayo, Tandaan mas masarap mabuhay sa mundo kung marunong tayong MAGPATAWAD ng tao, same tayo ng sitwasyon tol mas masakit yong akin dahil 8yrs na kami nagsasama pero nagawa nya ako lokohin, last year lang yon nung december, bago bago pa medyo matagal ko din syang pinatawad bago ko makamtam yong katahimikan. 6months ago nung pinatawad ko sya, nakakalungkot nga lang isipin dahil may isang anak kami, yong anak ko nakaranas ng broken fam, wala eh ganun talaga tol, may mga bagay bagay tlaga pinagtagpo pero hindi itinadhana. 😌 tandahaan diyos nagpapatawad tayo pa kaya tao lang?

  • @heartbreak2416
    @heartbreak2416 2 года назад +1

    Wag na wag kayong magmamahal ng taong sobrang na broken ng ganito. Especially ng lalaki. May isang lalaki pumasok sa buhay ko , akala ko healed na sya base sa mga kwento nya saken at base narin sa mga gngawa at pinaparamdam nya. After ilang months na maging kami decided na mag buo na kame sarili naming pamilya. I got pregnant masaya kami. I gave everything that i have. Sa bahay ako lahat kumikilos , laba luto , linis , asikaso sa kanya. lahat yan masaya kong gawin sa puso ko. Until one day nararamadaman ko nag iiba sya sa pakikitungo saken , naging cold bsta iba talaga e and Boom ayun nahuli ko na nagcheat sya sa akin.. So to cut the story short ang explanation nya kung bakit nya nagawa un ay dahil dpa sya nakaka move on sa ex nya, na akala nya ok na sya, Totoo un akala kase ng mga lalaki sa unang 3months ng paghihiwalay nila sa babae e masaya , walwal dito walwal don. Ayun pala ung inner self nila dpa totally heal. Kaya kung ako sa inyo wag nalang kayo makipag relasyon kung dpa kayo healed totally , pagaling nyo muna sarili nyo. Kawawa yung nanahimik na buhay na pinasok nyo. tapos lolokohin nyo dahil gusto nyo lang gumanti sa past nyo. at gusto nyo padin patunayan pagka lalaki nyo. We're still together pinatawad ko padin sya kahit ganon ang gnawa nya. Sana bumalik nadin kame sa dati. Lage na kong paranoid ngayon , na di naman ako ganito dati. Sobrang Overthink at anxiety pero laban lang.

  • @mrshortnameofficial
    @mrshortnameofficial 2 года назад +1

    Masaya naman kame sobra ahhahah pero sadyang masakit tong kanta nakaka dala buti na lang nag yes yung fiance ko shemay napaka sakit kung ganyan mangyayari grabe

  • @dianefloresca4047
    @dianefloresca4047 2 года назад +1

    We've been together for almost 5 years lahat ginawa ko lahat binigay ko . Hanggang sa nahuli ko 2nd acc mo nagsisinungaling ka pero kahit lumuha ako ng dugo non never ka umamin . Nagkamali na din ako . Nahulog sa iba . Pero sayo pa din ako bumalik akala ko maaayos na . Pero mas worst pala yung gagawin mo . Ending sakin mo sinisi lahat . Ilang taon ako nag tiis sa mga chismis na naririnig ko tungkol sa ginagawa mo . Aminado ako marami nagkakagusto sakin pero asan ba ko? Ilang taon tayo . Live in for months pero uuwi ka lang tuwing kelan mo gusto . Lulong na lulong ka na sa bisyo mo noon pero di kita iniwan . Nakulong ka tinulungan kita kahit baon na baon ako sa utang . Until i found out . Na napaka dami mo pala talagang babae . Mga matatanda pa mga inuuwian mo gabi gabi para sa pera . Para sa bisyo ninyo . Samantalang ako gabi gabi puyat sa trabaho . Nung nahuli ka never ka talaga umamin ako pa nakarinig ng lait mula sayo . Ibang klase kang lalake . Mabuti nalang di natutuloy yung balak natin na kasal . Ngayon . Inuna ko na talaga sarili ko . Though palagi nagkakamali . Pero sana ngayon tama na . Tama na kaka reach out sakin . Hinding hindi na ko magpapaka martir sayo . Ngayon . May tao ng nagpaparamdam sakin na mahalaga ko . Sana maayos na . Sana yung taong meron ako ngayon sya na talaga . Maraming maraming salamat sa pag sagip sakin Gino ❤️ Napaka buti mong lalake . Tinanggap mo ko ng buong buo . Lahat ng peace of mind binibigay mo sakin . Mahal na mahal kita . Laban lang sa magulong mundo ✨🔥