Paano Nga Ba Maging Masaya |

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 2 окт 2024
  • “Pano nga ba maging masaya?” 🙃
    Simula ng pagka bata natin hanggang sa pagtanda siguradong napakadami nating tanong sa buhay mula nung bata pa tayo kahit ngayon na medyo tumagal ka na kahit papano sa earth pero ang pinaka malupit na katanungan na hanggang ngayon ay wala padin naman talaga definite na pinaka tamang answer/description ay kung pano nga ba, pano nga ba maging masaya? Ikaw ba? Alam mo ba? Pano maging masaya? Kung alam mo eto, pakinggan mo tong kanta namen baka sakaling maging masaya ka… here is PAANO NGA BA MAGING MASAYA ~ 🤟🏻🥺💔✨
    Produced by Agsunta & Choi Padilla
    Song & Lyrics by Agsunta
    Directed By John Selirio
    Special thanks to Casa Antonio Glamping and PPL Entertainment Inc.
    #TeamAgsunta #AgsuntaOriginals #showsomeppllove #TagMoTropaMongMasaya #TagMoTropaMongIniwanNgJowa #TagMoTropaMongTumatawaMagIsa #TagMoYungTaongNagpapasayaSayo

Комментарии • 403

  • @ivanharrisbuno2335
    @ivanharrisbuno2335 2 года назад +73

    Someone told me " Piliin mo kung kanino ka sasaya " The saddest part, is I know kung kanino ako sasaya, but that person is not happy to be with me.

    • @coodlerloodle4807
      @coodlerloodle4807 2 года назад +11

      then maling tao yun. may mahahanap kang tao na masaya ka kapag sya at masaya sya pag kasama ka nya 🤗
      Dont settle for one-sided feelings

    • @noehadriandelena331
      @noehadriandelena331 2 года назад

      @@coodlerloodle4807 ggll

    • @krazyy_shawty1655
      @krazyy_shawty1655 2 года назад +1

      Sabi nga nila kung sino ang dahilan nang kasiyahan mo ay siya djn ang mag bibigay sayo ng matinding kalungkutan

    • @southvibesofficial8180
      @southvibesofficial8180 2 года назад

      I FEEL YAH BRO!!! I FEEL YAH!!!

  • @markmusicentertainment
    @markmusicentertainment 2 года назад

    Ahhhhhhhh napaka bangissss. Wish ko mag trillion views... More opm song mga sir.

  • @angelomacalinao7838
    @angelomacalinao7838 2 года назад +44

    "Ang totoong saya kay kristo mo lang madarama" dahil sobrang sarap maglingkod kay kristo. Dahil alam mo sa sarili mong hindi temporary happiness ung nararamdaman mo kundi saya ng puso habang kasama mo sa buhay ang Panginoon. Ung mga tao sa paligid natin or kung ano pa man ung nasa paligid natin na nagpapasaya satin yan ay isang temporary happiness lang dahil ang tunay na saya ng puso sa Diyos lamang makakamtan at sa Diyos lang nagmumula. 😊

  • @justjeff4280
    @justjeff4280 2 года назад +29

    For me, let's just appreciate kung anong merun tayo, the little things, if you will look into it napakaraming rason para maging masaya, yung paggising sa umaga, yung kasama mo pamilya mo, may trabaho ka, at ang pinakahuli is gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin. Bless youuuu! Another solid song from my Fav. Band!

  • @davidcajulao6002
    @davidcajulao6002 2 года назад

    Minsan may taong mananatili sa puso, pero hindi sa buhay natin. :))

  • @markmadolid4726
    @markmadolid4726 2 года назад

    Mahirap talaga maging masaya kapag malungkot ka kaya lagi mong gagawin na kapag ikaw masaya tumawa ka ha ha ha

  • @toshiya947
    @toshiya947 2 года назад

    Yung okay ka naman di ka malungkot, di kadin masaya. Pero nung nakilala mo yung tao na tanging presensya nya lang yung kailangan para pangitiin ka, marinig mo lang yung boses nya buo na araw mo. Pero at the end of the day, alam mong ibang tao talaga yung pinapangiti at pinapasaya nya.🍁

  • @renaloubusano9974
    @renaloubusano9974 2 года назад +29

    It has been 2 years and more, but the same question roams around. "Paano nga ba maging masaya?" Never did I noticed, I've been happy with my friends and more than happy with my own company. Little by little, I began to accept that there are people we're bound to meet along the way, but not to stay (for good.)

  • @jhulon6062
    @jhulon6062 2 года назад +4

    "Paano nga ba maging masaya?"
    gusto ko sana magbigay nang advise kaso malungkot ako ngayon. 10years and still counting di pa rin ako makaalis sa kalungkutan. minsan nakakapagod na rin magpanggap na masaya ka, na palagi mong pinapatawa/pinapasaya mga tao sa paligid mo, at dahil nasanay silang ganon ka at pag dumating ka sa point na malungkot kana. walang naniniwala sayo. 😅 kaya eto inaaral ko naman pasayahin sarili ko nang mag-isa.
    so, paano nga ba maging masaya?
    balik ako after a year baka alam kona sagot...

  • @darrylreguindin519
    @darrylreguindin519 2 года назад

    Nang galing ako sa paglugmok at tuluyan na akong sumuko at naging peace of mind ko na ang pagsstay sa lugar na yun. Ngunit dumating siya(o sabihin nating bumalik siya kasi may nakaraan na kaso walang label) .
    Tinulungan nya akong bumangon ulit, at un nakabangon unti unti ngunit yun lang dahil sa kanya kaya ko nakayang bumangon hindi para sa sarili ko, nagdesisyon akong maging supporta nya sa lahat ng bagay, at unti unti ko na ding nagagawa ng paraan ang pagbangon sa sarili kong paa. Subalit, nung ako'y malapit ng makabangon sa sarili kong paa nawala siya, nagbago siyang bigla oo alam kong busy siya busy talaga dahil doctora kinuha nyang kurso, pero gaano lang ung less than a minute na kausapin ako na di man lang niya ako naisip pero un lang di ko naisip WALA PA RIN PALANG KAMI. Dahil sa panlupaypay ko dumagdag lang ako sa pagkagambala sa kanya na di ko intensyon at di ko na kayang tiisin pa at di pa man siya busy noon nararamdaman ko na malapit na akong dulo ng paglupaypay ko at ayun sa maling oras at pagkakataon ko naipakita ang aking panlupaypay.
    At duon nga heto ako ngayon bumalik kung saan niya ako natagpuan mas lumalala pa at hinahanap ko na siya.
    Kaya ung pagiging masaya binitawan ko na dahil di ko na ata yun makakamit talaga yun.

  • @victorlorenz4955
    @victorlorenz4955 2 года назад +2

    "The right person never leaves." Eto ang mga salitang binabanggit ko araw-araw habang bumabangon sa kada araw na naaalala ko sya. Kahit papaano nababawasan ng kaunti ang lungkot. Uusad din ako at magiging masaya in the future. ❤️

  • @julierodolfo8264
    @julierodolfo8264 2 года назад +14

    Pano ngaba Maging masaya?
    We don’t have exact answers for it kasi iba iba tayo ng situations, kagaya ko I'm still healing and exactly babad ako sa kdrama lagi din akong mag isa wala ako lagi sa mood , Ngingiti ako pero hindi totoo, every time na iisip ko mga happiness namin naluluha nanaman ako , Halos madaling araw nako natutulog , Kaya tanong ko pano ngaba maging masaya ulit

    • @kantourerotv1330
      @kantourerotv1330 2 года назад +2

      feels the same

    • @christianjohnnavarro5661
      @christianjohnnavarro5661 2 года назад

      Ganyan na ganyan ako paano nga ba sumaya haysss

    • @chinadaya
      @chinadaya 2 года назад

      Same, babad ako sa kdrama para makalimutan ko na malungkot pala talaga ako haha

  • @samuelbenavides2045
    @samuelbenavides2045 2 года назад

    Idol talaga 🔥🔥

  • @darlenedumaraos154
    @darlenedumaraos154 2 года назад

    Pano nga ba maging masaya? Yung makita mo lang siya na masaya kahit hindi ikaw yung dahilan. Masaya ako sayo Jimuel pero di ako sure kung ganon ka din sakin, alam kong madaming what if at doubt sakin pero ganon talaga. Malabo pero masaya ako sayo.

  • @raingelolabayo773
    @raingelolabayo773 2 года назад

    Stronger makes me pain yun lang masasabi ko.

  • @yom-yom1382
    @yom-yom1382 2 года назад

    pano nga ba yon, pa pa paro paro G

  • @dummyaccount8797
    @dummyaccount8797 2 года назад

    Kala ko Favorite Clothes ung sa intro HAHAHA pero kudos solid!

  • @nikoemmanuel3181
    @nikoemmanuel3181 2 года назад +14

    "Sanay na walang kasama, everyday babad sa Kdrama"
    Wala akong masyadong kaibigan tapos yung iilan pa na bilang sa daliri, hindi ko pa masabihan ng problema kasi madalas nasasabihan akong madrama. Gawain ko lang, manood ng kdrama at kiligin sa love-life ng iba.
    "Tamad na tamad sa kama, palaging walang ganap"
    Wala rin akong ganap sa buhay. Hindi nagaaral, hindi nagtatrabaho. Wala na akong gana sa lahat ng bagay, walang motibasyon, at gusto ko na lang matulog habambuhay o mawalan na lang ng buhay lol.
    "Sinubukan ko nang gumala, lumayo sa nakasanayan"
    Gumagala ako minsan para aliwin yung sarili at sirain yung pangit na routine ko. Sinusubukan ko rin namang magpatuloy. Naghahanap ako ng trabaho kahit palaging narereject. Sinubukan kong gisingin yung mga bagay na ginagawa ko dati gaya ng pagsusulat at pagguhit pero lalo lang akong nafufrustrate.
    "Sana nga'y merong mag-iba sa puso kong wala nang madama"
    Namamanhid na ako haha. Lagi na lang bigo sa lahat ng bagay. Lalo na sa pag-ibig.
    "Pa'no nga ba maging masaya? Tanong ko lang naman sa mga tala.
    Pa'no nga ba yon? Ito bang nadarama pag nandyan ka?"
    Nagkaroon ako ng isang kaibigang babae na nasasabihan ko ng lahat ng bagay. Hindi ko inaasahan na magiging sobrang malapit kami sa isa't isa dahil nung una, naiinis ako sakanya lalo na sa tawa niya. Hanggang sa ngumingiti na ako kapag naririnig ko yung tawa niya. Naku-cute-an na ako kahit parang kambing yung tunog hahaha. Tapos hindi ko na lang namalayan, hinahanap hanap na ng tenga ko yung tawanan namin. Nahulog na pala ako sakanya.
    But then, inamin ko sakanya yung nararamdaman ko. As a result, iniiwasan na niya ako HAHAHAHA. Kasalanan ko rin naman kasi nabanggit na niya sakin na ayaw niya yung ganun na nahuhulog sa kaibigan.
    In the end, wala ulit akong mapagsabihan ng problema. Balik sa mga sandaling nilalamon ako ng isip ko. Kaya ngayon, dito ako naghahanap ng kasagutan kung "Pa'no nga ba maging masaya?"

  • @johnjoshuasantos9699
    @johnjoshuasantos9699 2 года назад

    Ang mahirap ay Yung nakalimutan muna Yung salitang iyon or paniniwala Kase nasanay kang solo sa buhay. At sya lang nakasanayan mo tafus ending iniwan kapa . Wala ng dahilan para sumaya

  • @IlIl11IlIl.
    @IlIl11IlIl. 2 года назад

    Sasaya ako pag naka albor na ko ng pick at drumsticks mula sa inyo. Haha

  • @johnryansantos
    @johnryansantos 2 года назад +4

    Pa'no nga ba yon mga idolzxs? Sheeeshhh!!! ❤️❤️❤️

  • @cjpangilinan4125
    @cjpangilinan4125 2 года назад

    Paano nga ba maging masaya? Mula nung nawala ka dikona alam yung pakiramdam ng masaya, yung uuwi ako na alam ko anjan ka sabay tayo kakain, bago pumasok sa trabaho paghahanda moko ng baon ko 😭 Miss na kita ma 💔

  • @johnanthonysalenga6821
    @johnanthonysalenga6821 2 года назад +3

    Yung hardest part about pagpapaalam sa isang tao, sitwasyon at bagay na nakasanayan mona.
    Parang natatakot ako na may magbago.
    We are not open about the posibilities na may magbago.
    Natatakot tayo sa idea na baka pag nagbabye tayo, biglang mawala yung mga nakasanayan natin.
    Biglang hindi na ulit sila yung kasama natin. At dumating tayo point na baka pag gising natin isang araw, mag isa nalang tayo.
    Kase nagpaalam na tayo dun sa nakasanayan naten.
    People really fear yung mga bago sa paligid nila.
    Hindi naman mahirap mag say ng GOODBYE.
    Alam mo yun?
    Madali lang sabihin na “Uy Babye Na, Ingat Ka, At Baka Eto Na Ang Huling Pagkikita Naten". Ay napakadaling lang sabihin, alam mo kung ano yung hindi madali?Yung memories, yung bagay na ginagawa niyo together and yun yung alam mga bagay na nakasanayan mo. Sa tingin mo ba Pano maging masaya kung naiiwan kana?

  • @scythekel9032
    @scythekel9032 2 года назад +1

    Akala ko "my fovorite clothes" yung intro.

  • @rosetommarquez1710
    @rosetommarquez1710 2 года назад +6

    After 5 years nakamove on ako sa kanya grabe yung tanong na 'pano nga ba maging masaya?' lalo na napakaganda ng pinagsamahan nyo tas biglang boom hays🥺❤️

  • @reenmortera1741
    @reenmortera1741 2 года назад

    Someone told me na, piliin ko daw kung kanino ako sasaya, pinili ko naman kaso paano kung yung taong yon hindi naman na masaya sayo. Hindi na ikaw ang happiness niya. Will you stay just for the sake of your own happiness?

  • @mapiahades8870
    @mapiahades8870 2 года назад +3

    I've been single for a very long time and most of my friends keep asking me if I'm happy being single. I don't know why they thought I'm not happy but I'm really happy. Paano nga ba maging masay? You just need to be contented with what you have and what you receive...I receive tons of love from my friends, family and from myself to the point na hindi na ko naghanap ng love from a partner. Until HE CAME! I met him last year lang and now we are expecting a baby girl. Sabi ng iba ang bilis masyado, but when you love yourself first..you will know your worth so kapag dumating SYA, wala ka ng masyadong tanong kasi alam mo na kung ano yung deserve mo. So wait patiently..mahalin mo muna sarili mo habang hindi pa dumarating yung para sayo.

  • @oooook6801
    @oooook6801 2 года назад +1

    Pano nga ba? simula kasi nung umalis ka dami nagbago, to the point na halos di nako kumakain, di nakakatulog, di nakakapag focus sa ibang bagay, madalas tulala. ang hirap sumaya knowing na ikaw ay masaya naman sa piling nya. 3yrs natin na pinagpalit mo lang for someone na nakilala mo sa dating app for a month. sobrang hirap maging masaya uli kasi ikaw yung dahilan ng pag saya ko, tapos umalis kapa kasama iba.
    if ever na mabasa mo to. wish ko sana kmstahin mo naman ako minsan (marupok to).
    edited.

  • @Imlyn3456
    @Imlyn3456 2 года назад

    31yrs old nako. Single. Papaisip Ako bakit Ako lagi nasasaktan o niloloko o ssadya pangit lang Ako di Ako mahal mahal,minsan
    Di ko nga alam at Ilan beses ko rin tinatanong sa sarili ko? Kay God? Araw2x o gabi gabi tinatanong at nilalabanan ko palagi sa kalungkutan gusto ko maging masaya. Nagiging masaya naman Ako pero lagi may kapalit na sakit. Kakatakot at kakatrauma. Kaya nasanay nalang Ako di maging masaya. Bsta mahalaga nalang saken maging mabuti tao kahit patuloy ko hinihiling bumuo ng sarili pamilya kahit anak nlng 🙏🙏.

  • @lanceortiz8168
    @lanceortiz8168 2 года назад

    I promise to myself after ng debut ng ex ko is kakalimutan ko na siya for good. Sana maging masaya ako sa hinaharap ko pagkatapos non. Hirap na hirap na ako eh

  • @ryanhipolito7210
    @ryanhipolito7210 2 года назад

    Huling sandali (December Avenue)
    #agsuntasongrequest

  • @xiegamingofficial
    @xiegamingofficial 2 года назад

    Sobrang saya namin nung una pero bat ganun habang tumatagal nagbabago lahat 🥺 pinipilit ko maging masaya at maramdaman yung dating pagmamahal nya sakin. Hanggang sa malalaman ko nalang na nakabuntis sya sa mismong kapit bahay nya. Simula nun di ko na alam kung kailangan ko paba mag tiwala sa isang tao at magmahal ng buo.

  • @heartfilia2527
    @heartfilia2527 2 года назад

    Medyo fresh pa yung pain at heartbreak , and this song explains everything 💔😭 Hanggang kelan ba lahat ng to 😭

  • @jonathancayabyab1235
    @jonathancayabyab1235 2 года назад +2

    Alam naman natin sa mga sarili natin kung paano tayo sasaya. Pero patuloy pa rin nating ikinukulong ang mga sarili natin sa mga ideyang "baka pwede pa". At isa ito sa mga dahilan ng pagkadurog natin. To all the people out there na hopeless romantic, tara shot puno. Hehe. At himayin natin kung bat tayo yung laging hindi pinipili.

  • @chinadaya
    @chinadaya 2 года назад +1

    Sanay na akong walang kasama at magbabad nalang sa kdrama habang nakahiga sa kama. Hindi na ako tanga, pero hindi naman ako masaya. So paano nga ba ulit maging masaya?

  • @ica_1615
    @ica_1615 7 месяцев назад

    Pano nga ba maging Masaya?
    Kung Ang taong mahal mo
    Ay Hindi mo na pwede makasama
    Pano nga ba maging Masaya?
    Sa pag pikit Ng iyong Mata
    Luha Ang Kasama at sa pamulat nito
    Basang pisngi Ang dama
    Tulala sa kisameng iisa lang Ang kulay
    May mga Oras na
    Baka puwede pa
    Baka maayos ko pa
    Baka mapag uusapan pa
    Lakas loob susubukang lumapit
    Ng mga paang di makalakad Ng ayos sa Kaba
    Nakangiting nakatingin sa direksyong patutunguan
    Pero bigla din mapapahinto kahit di napapatid.
    Nakangiti na sya. Masaya. Nag enjoy kahit di Ako Ang Kasama.
    Gagi, ano toh. Ang lungkot na Masaya.
    Dahang dahang paa ay muling hinakbang
    Sa Ibang direksyon patungo Ng di alam kung saan
    Mga labi na ka ngiti
    Habang mga Mata ay nakatingin sa taas
    Dahang dahang hakbang
    Parang nasa putik nag lalakad
    Na unting maling apak lang
    Ay babaligtad.
    Alam mong lagi syang nandyan para sayo
    Alam mo ding Hindi mo puwedeng abusuhin
    Pano maging Masaya?
    Tumingin ka sa kanya
    Salamat sa LAHAT
    Hangang Dito nalang Ako.

  • @segr600
    @segr600 2 года назад +1

    Para sakin sa ngayon kahit anim na buwan na kaming wala pinipilit kong maging masaya palagi kasi siya nga masaya na sa iba. Wala na sigurong rason para maging malungkot ako ngayon kasi masaya na yung taong dahilan kung bakit ako palaging masaya noon at masaya ako para sa kanya ngayon. Ingat ka palagi ha!!!

  • @erwenmiano6936
    @erwenmiano6936 2 года назад +2

    Ako kasi kahit ano pa naman ang sitwasyon meron ako ngayon eh pinipili ko na lang talaga na maging masaya kasi ang hassle lang pag mag papakain ka lang sa kalungkutan o problema. Kung maraming rason maging malungkot mas maraming rason para maging masaya :))

    • @robertmarzan8482
      @robertmarzan8482 2 года назад

      Eto eto, nagbabasa ako mga comment pero eto yung the best

  • @altblt5336
    @altblt5336 2 года назад +1

    Ang sarap sa pakiramdam pag masaya ka kasama ng taong mahal mo. Pero paano kung ikaw lang nakakaramdam ng saya na un dahil mas masaya sya sa piling ng iba?

  • @angelicaflores1656
    @angelicaflores1656 2 года назад +3

    Forgiveness, patawarin ang sarili and Surrender it to God. Hindi madali ang pinagdadaanan ng bawat isa pero keep our faith strong over fear. We need to trust him ☝ Kahit na ito ang gusto natin, ang plano natin, pero kung hindi pa kalooban ng Diyos hindi parin tayo patuloy na sasaya. Laban lang sa buhay, mararanasan din nating sumaya ng walang pagaalinlangan at sa pagdating ng panahon nayun babalikan koto.. 💫

  • @jessicamalobago8528
    @jessicamalobago8528 2 года назад +2

    Yan iyong bagay na halos iyakan ko gabi-gabi, paano nga ba?. I've been through alot of heartaches, pambabalewala, pinagpalit, sinukuan, pagkapagod, panghihina. Im still trying to smile na parang walang nangyri. Until one day, I came back to my old Me.Nagsimula ulit gugulin ang sarili sa church, and i realised, God is my home, my entire life is longing for him kaya pala hindi ko mahanap ung saya. And now, I'm giving up myself and asking him to forgive me once again, at nangangakong mananatili na sa paraisong kinalulugdan nya 💕. Have a Blessed Day, everyone 😇

  • @igymateo
    @igymateo 2 года назад

    Parang yung HOTDOG ang dahilan ng lahat😄✌️ sa teaser music video kasi nahulog HOTDOG hahaha

  • @kei-chei3804
    @kei-chei3804 2 года назад +2

    Its been a month simula nung nag hiwalay kame. For some reasons. Ngayun tanung korin sa sarili ko to papano nga ba maging masaya. Papano nga ba kung yung kasiyahan at kapahingahan mo eh wala. Pero thats life may mga disisyon talaga na pag sisishan natin sa huli. Piliin nalang natin palaging maging masaya sa kabila ng kalungkutan.
    Solid kayo agsunta.👌

  • @le5907
    @le5907 2 года назад +1

    Paano nga ba maging masaya kung yung nagpapasaya sayo ang dahilan ng pagiging malungkot mo 💔

  • @candy-ob9pl
    @candy-ob9pl 2 года назад +2

    "Hindi na ako masaya, Wala na ko nararamdaman para sayo"
    Ramdam ko pa lahat yung sakit ng binitawan mong mga salita. We've been together for 9 years, pinagpalit mo ako sa malapit. Pinagpalit mo ko sa may oto. Pinagpalit mo ako sa dalawang buwan mo pa lang nakakausap. You are so unfair, sabay tayong nangarap, nag usap tayong sabay nating aabutin yung mga gusto nating makuha together. Pero nung abot kamay na, binitawan mo ako kasi nakahanap ka ng taong mas kayang ibigay yung mga pangarap mo na binuo mo ng ako yung kasama mo. Hindi biro yung 9 years na nasa sistema na tayo ng bawat isa. Mahal kita, sobra. Pero kung sa iba ka magiging masaya, ipapaubaya kita, kahit kapalit non ako ang magdusa. Mamahalin kita palagi. Hindi ko man mahanap ngayon yung dahilan ng saya ko, hangad ko ang pagsaya mo kahit na hindi na ako. Paalam mahalko, mahal pa kita pero kung hindi na ako ang ligaya mo, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.

  • @r3dp1n6
    @r3dp1n6 2 года назад +2

    Naaalala ko Sabi "success is getting what you want, happiness is wanting what you get." Most of us never stop chasing something that's already far ahead or beyond our reach and in the process natetake for granted natin what we currently have. We are so busy looking and running forward that we often forget to enjoy the view around us. Para tayong kabayo sa hiway. Blinded na Tayo sa sides natin. Which is Mali. Even if we slow down, even if we totally stop, ung finish line anjan lang lagi Yan. Madedelay ka lang. Pero ung race track minsan ka lang dadaan jan. Enjoy the view. Feel the air of the moment. Instead of getting sad and stressed for those things that we currently don't have. We have to enjoy and cherish what we already got :) enjoy the journey, celebrate life always. Every moment ❤️❤️❤️❤️❤️❤️ Yun Ang happiness ☺️☺️☺️☺️

  • @reymartlucero1480
    @reymartlucero1480 2 года назад

    Okay na sakin na di ako maging masaya basta ikaw maging masaya ka. Kung bumitaw man ako ngayon tandaan mo palaging mahal na mahal kita. Kasakit lang isipin na hindi tayo naghiwalay dahil may iba. Naghiwalay tayo dahil sa pagod. Mahal na mahal kita palagi, hindi man ako makatuluyan mo bastat alam kong masaya ka oks na ako don. Tsaka kung hindi talaga ako, kunin mo nalang akong ninong. Iloveyouuu Stacy Anne! 🤍

  • @babyruthcatallo3411
    @babyruthcatallo3411 2 года назад

    Paano nga ba maging masaya ngayong iniwan mo akong parang bula? Paano nga ba masaya ngayong hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Paano nga ba maging masaya ngayong kahit gusto kong kalimutan ka hindi ko magawa? Kung hindi ka na masaya sabihin mo lang dahil kaya ko namang magparaya. Mahal na mahal kita at nasasaktan akong nawala ka, pero pipilitin kong maging masayang mag isa kung ang kapalit nito ay ikaw ang maging masaya.
    PAANO KA NGA BA MAGIGING MASAYA? Malaya ka na Gab, hiling ko lang sana maging masaya ka. 💔

  • @ramph273
    @ramph273 2 года назад

    Wala akong broken heart story. Gusto ko Lang mapost sa FB. Shout-out sa asawa ko. Mylene. Mahal Kita.

  • @nhixxelavena4298
    @nhixxelavena4298 2 года назад

    Madali lang naman maging masaya pero parang ako si mark tahimik lang

  • @highlightsph587
    @highlightsph587 2 года назад

    Pa notice po.. Pa request po nang song "Walong Bilyon" by TJ monterde: Thank youuuuuu po mga Lodiii 🥰

  • @joseemmanuelreyes7847
    @joseemmanuelreyes7847 2 года назад

    5 Years na kami ng gf ko and lagi niya ako binibitawan sobra akong kumakapit at di sumusuko kaya bumabalik siya "temporary". Then darating ulit pag naging medyo ok na mag bbreak ulit. Mahal ko siya pero tinotoxican na niya para bumitaw ako.HAYS PWEDE BANG SUMAYA LAGI NALANG AKO NAIYAK :(

  • @YshMachDramaReviews
    @YshMachDramaReviews 2 года назад +3

    I just watched kdrama na "Tomorrow" episode 7, sabi nia,
    "The standard of her happiness is her own self."
    Dont let society dictates you what makes you happy and dont let anyone ruins whats inside you.
    Dont expect someone to bring you the happiness you are looking for.
    Its within you, know your self, know your worth, know your purpose and be grateful.
    And at the end, its your life. So I hope we can find our own happiness and peace.
    ps: Mamema lang. 😂✌️

  • @danielgaming3450
    @danielgaming3450 2 года назад

    Madali lang maging masaya kaso yung kasiyahan ko iba ang gusto pero SUPPORT PARIN AKO SA KANYA KAYT DI AKO YUNG GUSTO

  • @wojtekgaming1974
    @wojtekgaming1974 2 года назад

    Reality, Mahalin natin sarili natin kasi sa huli sarili lang natin lagi makakasama natin. Everything is temporary except CHANGES.
    Nag hiwalay kami ng ex ko 8 months na nakalipas. 7 & 4 months kami nag tagal. Mag kasama kami ups and downs ng buhay namin pero dumating sa need na namin tapusin kasi parehas nang hindi kaya at nahihirapan. at yung "KUNG DI NA AKO" yung break up theme song namin. She's happy right kasi we have good closure naman. Pero ako naka move on na pero olats ulit sa babae. Kaya tanong ko pa din sa sarili ko yan "PAANO MAGING MASAYA" kung sa sarili ko lang pala makikita at hindi sa iba.

  • @reyarnoldmingala63
    @reyarnoldmingala63 2 года назад

    Happiness is subjective i think?😁
    Be appreciative and grateful sa mga simpleng bagay na dumadating sa buhay, or take nalang ng enervon?😂 more energy mas happy?😂😂😂

  • @mariaandreaavecilla9494
    @mariaandreaavecilla9494 2 года назад

    I just wanna ask my ex Kyle Carlo M.
    kung kailan mo ibabalik 5k mong utang? 🤦🏽‍♀️
    Shinare kona dito kasi lahat ng socmed accounts na ka block nako pati family ko hahahaysss
    - I guess dun ako magiging masaya 😅

  • @lyrika9097
    @lyrika9097 2 года назад

    Everyday, tinatanong ko kay God kung paano ba maging masaya? But, I didn't notice na sumasaya naman pala ako with fam & friends. Minsan kasalanan ko lang din pala bat feel ko di masaya, kase hinahanap hanap ko yung bagay na WALA NA, TAPOS NA.

  • @nadcena308
    @nadcena308 2 года назад

    Idolo request naman. . .
    Pa cover po nang PAALAM NA BA BY Ryan An feat Mic Shaw. Salamat aabangan kopo ha

  • @anggecutie031
    @anggecutie031 2 года назад

    Dati kahit hanggang madaling araw handa ako magpuyat makakwentuhan lang sya at makasama maglaro ng mobile game. Btw, this guy hv a girl already pero mali ko nahulog ako. Weird but he treat me more than as a friend e. Whenever other guy from the game flirt with me nagagalit na sya. I really fall hard. I never treated like that. It really hurts kasi I know walang papatunguhan kaya I distance myself na. This time after months of hiding this feeling binaon ko na. Pinili ko yung sarili ko. Sabi ko sa sarili ko pasasaan bat makakatagpo kami ng pag ibig na para sa amin. Yung pag ibig na walang kahati. Pag ibig na tanging akin lang. Yung ganung klase ng pag ibig sabi ko worth the wait. Kaya kahit masakit dumistansya na ko.

  • @T43.2
    @T43.2 2 года назад

    I fucked up. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula ulit. Can't see myself loving another person. Dude, I literally talk to god everyday and beg him to let me have u again and let things work for us. Hindi ko na alam kung may pagasa pa ba. Hindi ko na alam. Kung ano ano na ang ginawa ko to stop the pain pero hindi maalis alis eh. The pain demands to be felt. Araw araw inom. I've been trying to drown the sorrow away. Isang kaha ng yosi tatlong araw lang tinatagal. Tried committing suicide again pero naagapan nanaman ako. Walang may alam kung gaano ako nagsisisi. Araw araw parusa sakin. Kung may sumagasa sakin magpapasalamat pa ako. I want the pain to stop. Hanggang ngayon hindi ko pa tanggap. Ang labo na ng kinabukasan ko. Wala ka na eh. Hindi ko kaya. God knows how much I love you.....until now and I will never love someone else if they're not you. Sayo umikot at umiikot ang mundo ko. Oo, hibang na kung hibang pero yan ang totoo. Hindi ko na alam. Probably you'll meet someone else and I want you to know na I will never stop loving you. You have me.....always. I'll be here waiting for you.....always. I love you so much, L !

  • @ibarramariano9445
    @ibarramariano9445 2 года назад

    2018 life of regret
    I met this lady sa dati kong trabaho. Nagkaroon ako ng crush at first site sa kanya. Akala ko lang dati ba ordinaryo crush lang, kaya kahit na pinupush nila ako para ligawan ay hindi ko siya niligawan.
    Fast forward to 2022 wala na ako doon sa company at umuwi ng province. Pero nandoon pa rin sya sa company kung saan ko siya nakilala. Then recently nalaman ko na mat bagong BF na siya
    Nalungkot at dahil it took me 4 years to realize na sana tinake ko na yung opportunity sa akin way back 2018. Kasi ngayon wala na ako magagawa para magkaroon ulit ng same opportunity tulad noong 2018.
    Kaya nga ito na din ang naging greatest lesson sa buhay base sa personal experience.
    "The hardest part of letting go, is the very slow process of realization, that their is no such thing as holding on."

  • @camillejoycecarandang9911
    @camillejoycecarandang9911 2 года назад

    Paano nga ba maging masaya kung kasabay ng pagkawala ng taong nagturo sayo kung pano maging masaya ay ang pag kawala rin ng iyong sarili. Life went on, but it was never the same. Sometimes you get stuck, devastated, get bruised, and stay on that situation for a moment until you are ready. Until you started to have courage and regained yourself. And when you bring yourself back, kaya mo na maging masaya. You'll be happy again.
    Paano nga ba maging masaya? When you regained yourself choose it this time, kase choosing yourself means drawing your own happiness.

  • @nerizacalimpong5487
    @nerizacalimpong5487 2 года назад +1

    paano nga ba maging masaya kung wala kang pera? :(

  • @dalelopez2193
    @dalelopez2193 2 года назад

    Hmm these past few days or months rather I feel so lonely and anxious. May kaibigan naman ako pero I feel that they are near yet so far. Yung feeling na wala kang matakbuhan pag down na down kana. Hmm yeah, I also have suicidal thoughts. Yung nabubuhay ka lang para maging malungkot 🙂.

  • @johnluisbustamante6491
    @johnluisbustamante6491 2 года назад

    Araw araw , gabi gabi nilalamon ng kalungkutan . Sobrang pressure ang nadarama sa buhay , yung tipong akala mo lahat sayo ay huli na . Madaling magkunwari masaya , lalo na sa maraming tao . Pero once na mag isa kana . Idk . So empty inside 🙃 sana mahanap ko na yung rason KUNG PANO MAGING MASAYA 🙂

  • @crislerj1709
    @crislerj1709 2 года назад

    Pag talagang dumaan sa buhay mo na lugmok na lugmok ka,mahihirapan ka talagang maging masaya ULIT...PM KUNG SAME🤣

  • @nhicaaayyy6267
    @nhicaaayyy6267 2 года назад

    Singlemom ako nung nakilala ko siya tru fb , nagchat sya sakin ng (👋) then nireplyan ko dahil sa boring din ako sa buhay at wala akong makausap non , then nagkachatan kami habang tumatagal is mas lalo nakaming nagiging close then we decided to meet each other , at ayun nagkikita nakami palagi mas lalo naming nakikilala ung isa't isa , nakakapag open nadin ako sa kanya ng problems ko at ganun din siya ☺️ at ayun nanligaw sya within a month at and finally sinagot ko na, Napaka gaan ng buhay ko start na nakilala ko sya. Tinanggap nia lahat lahat saken, napaka caring nia at higit na nagustuhan ko is tinanggap nia yung anak ko tumayo siya bilang tatay ng anak ko never sya nagcheat sakin at and never nia ko pinagbuhatan ng kamay at lalong never nia ko minura :)
    -after a year nagbunga pagmamahalan namin buntis nako that time , nung may napansin akong kakaiba sayo pero tahimik lang ako hindi ko alam bakit parang may kakaiba na sayo.
    -
    Then suddenly naopen ko messenger nia at dun kona nalaman lahat na andami na nia palang problema sa pera 😥 ni hindi man lang sinasabi sakin. nakita ko sa mga nagchachat sakanya minumura na siya , sinisingil sa utang na napakarami mong chinat at nakachat . Ang sakit lang isipan na akala ko is partner kami sa lahat ng pagsubok pero bakit nglihim siya sakin at nalaman kodin na nagoonline sabong din pala sya ngsinungaling pa sya sa link na nakita ko sa messenger nia , Nagbago ung lahat ng pakikitungo nia sakin ibang iba na sya dun na nagstart na masira kaming dalawa.
    TINANGGAP KOPARIN KAHIT PAULIT ULIT NIYA KONG GINAGAGO PINAGMUMUKHANG TANGA KASI AYOKO MASIRA ULIT UNG PAMILYA KO SA PANGALAWANG PAGKAKATAON 😥 Dumating pa sa puntong 9months na tyan ko 4days nalang mangaganak nako is na sa work pako dahil sa gusto kong tulungan sya sa lahat ng mga utang nia. Dumating nadin sa puntong napost pa sya ng scammer at nakatag pa saken kasama pic ng anak Namen 😥 lahat ng kahihiyaan is tinanggap ko nakakautang kanadin pala sa mga workmates ko at sa mga relatives ko.
    Hindi ko aakalain na ganun ung balik sakin, Lahat ginawa ko maisalba lang ung nasirang relasyon namin dahil sa pera (yung pagaaral nalang nia inaasahan ko na akala ko pagkatapos niang sa college is makakapagwork na sya ng maayos at makakaahon kami paunti unti sa buhay ay biglaang naglaho lang ng isang iglap dahil pati pagaaral nia is hindi na din pla nia tinuloy :( Sobrang sakit na paulit ulit tinatanggap ko na dati hindi ka ganon, nagsisikap ako para sa pamilya namin pero bakit hindi ko siya mabago? Pano ako magiging masaya kung ganto pinaramdam nila saken 😭 Ngayon magiisa nanaman akong lumalaban sa buhay kasama dalawang anak ko 😥 Ang hirap na wala kang katuwang sa buhay ayoko maging broken fam :( Paano ako magiging masaya kung ung taong pinagkatiwalaan ko ulit at minahal ko ng sobra is siya din ung dahilan ng pagkakadurog kong muli 😭 pero siempre I am an independent woman na kakayanin lahat para sa mga anak ❤️ "PROUD AKO SARILI KO AT NAKAKAYA KO LAHAT NG TO" para sa mga singlemom na tulad ko PAKATATAG LANG PO TAYO LABYUALL!! 😘

  • @kermimaebolosan7629
    @kermimaebolosan7629 2 года назад +2

    You can only find true happiness in the arms of Jesus. Acceptance and moving on is the key. Learn to appreciate small things, your family and your friends. They are the ones who will truly love you, that will give you happiness. Start loving yourself also. If you have love in your heart you will learn how to be happy.

  • @mikeeey5767
    @mikeeey5767 2 года назад

    pano ngaba?
    hindi lahat makukuha mo., even if you try very hard for it.
    Meron akong gf noon, mahal namin ang isat-isa but there's a problem and she left without fighting for our relationship, and dahil inlove ako nagpaka tanga ako, pinilit ko siya na gusto ko maging 3rd wheel sa relasyon nila (btw bumalik siya sa ex niya), and what did i get? another heart ache, buntis na siya and she hid this to me for three months, ansakit lng na umasa ka na maayos nyo ang problema at magka balikan pero imposible na,
    to my bb, Congratulations sa baby nyo and i hope makuha mong maging masaya 😊
    best wishes 💯

  • @bloomdelavera6642
    @bloomdelavera6642 2 года назад

    Nanahimik ako ng ilang taon tapos ginulo mo ako. Hindi pala lahat ng effort totoo, yung iba mapanlinlang. Paano sumaya? Focus sa sarili at career. Built your own kingdom.
    P.S. Hoy, tahimik ka lang pero nasa loob talaga kulo mo!!!

  • @relincabrega9701
    @relincabrega9701 2 года назад

    Paano nga ba maging masaya? For me alam ko kung pano maging masaya, pero hindi kona magawa yun. Kasi the more na nagiging masaya ako lagi kong iniisip na bakit ako masaya deserve koba itong happiness na to? Alam mo yon laging may pumipigil na maging masaya ka.
    Broken family kami, si mama ang kasama ko may pamilya na yung dalawa kong kapatid. Yung papa ko solo sya, kaya tuwing nagiging masaya ako iniisip ko lagi na bakit ako masaya. Yung papa ko ba masaya ba sya? Bakit ako magiging masaya e yung papa ko hindi ko sigurado kung masaya. KAYA PAANO BA ULIT MAGING TUNAY NA MASAYA? HAHAHAHA

  • @menesstephanie543
    @menesstephanie543 2 года назад

    Almost 1 and a half years, nagdedemand parin ako na magkaron kami ng label. Pinakilala niya ko sa parents niya kaya until now umaasa parin ako. Then one day, there was a girl, she told me that you and her have been in a relationship for 8 years. 💔 Gumuho mundo ko pero sabi mo wala na kayo at nakipagbreak narin si Girl sayo. Yes, I stayed. Pero ang daming time na umaalis ka ng hindi ko alam, ni hindi man lang din tayo friend sa FB, ibang account mo rin ang gamit mo pag kachat moko, alam kong may nakakausap kang iba pero dinedeny mo, nagsisinungaling ka kung san ka nagpupunta. I thought of leaving you but you don't want me to leave because you said you love me. Hindi ko na alam kung pano maging masaya. Pano nga ba?

  • @christianjosephlansangan152
    @christianjosephlansangan152 2 года назад

    Parequest song po ako
    Sariling multo by IV Spades
    Maraming salamat.

  • @perfectionmobileg6864
    @perfectionmobileg6864 2 года назад

    Paano nga ba ? Hiniling ko sya sa taas pero yung nararamdaman ko hindi. I was turn down exactly the day of her birthday. Tinanong nya ko, Kung ok lang ako. Damn men, Gusto kong umiyak sa harapan nya but the only thing I can do was to walk away. Sya kasi yung sugal na gusto kong tayaan pero wala e di tayo sapat. Ang hirap ng maraming kulang saten 🥹🥹🥹

  • @jayzelvein8950
    @jayzelvein8950 2 года назад

    Simula ng mawala si jeya, hnd ko narin alam kung paano pa sumaya :(

  • @andreigaileorcullo1377
    @andreigaileorcullo1377 2 года назад

    Kuya jai pwede ba pa req ng song?
    cover nyo naman "Huling sandali" by december avenue alam ko may issue kayo dati pero past na yun eh alam ko kuya jai Huling sandali nalang yung di nyo pa na cover na song ng december aven fav song ko yan kuya jai keep safe sa inyo❤️💪🏻

  • @raratolentino7849
    @raratolentino7849 2 года назад +1

    I've been struggling with this question for the past 7 months already. Paano ba maging masaya? Na wala kang tao na masasaktan? Na wala kang tao na maapakan? Paano nga ba? We've met way back September (thru online). We're both committed already. Him with his 7th years gf (na always sa kanila) and me with my 10th LDR partner. At first akala ko wala lang. Magkachat, magkausap. Mas madalas pa kami mag usap kesa sa mga partners namin. Lol! Then bigla na lang nag iba. Nakakaramdam na kami ng selos sa isa't isa. Funny coz it was a first for us. Then yun naging kami. To make the story short, nahuli siya ng gf and they broke up. Habang ako, di pa alam na partner ko na kami. We've been in a relationship for 7 months already. Di ko alam pero mahal na mahal ko na siya. I can also feel his effort and love for me. Di ko alam but I really hate this situation. So kindly answer please. Paano nga ba maging masaya despite of everything. Hindi pwede di ba?

  • @lnrdblg9419
    @lnrdblg9419 2 года назад

    By Im sorry kung diko napanghawakan yung 11months LDR naten Pero gusto ko lang mahanap mo yung happiness na alam kong Magiging komportable ka
    Di ko na masasabe ng derecho to
    Excactly 11 months na tayo Pero wala eh di na talaga nagkaka spark between us
    Again mahal na mahal kita palagi kang mag iingat Sana magkita parin Tayo

  • @leonramos5688
    @leonramos5688 2 года назад +2

    hi mae if ever you read this, , I just wanted to let you know that I still wished you the best. Thank you for giving me the opportunity to feel what it's like to be loved by you. I have no regrets about meeting you, and I appreciate you choosing me to be your home for the past two years.

  • @nelkryzchanregencia3186
    @nelkryzchanregencia3186 2 года назад

    @Agsunta Sana mapansin nyo ma post Sana SA FB page nyo huhu🥺🥺
    Pano NGA ba maging masaya?
    Hindi ko nafeel Kung pano maging masaya namulat ako SA buhay na Puno Ng sakit 🥺 like need mo Ng parents para supportahan Ka Pero wala sila Pano NGA ba maging maaaya 🥺 ma masaya siguro Lang ako pag may magulang nakong nakagabay lagi sakin🥺🥺🥺

  • @Sam-yz9xk
    @Sam-yz9xk 2 года назад

    paano nga ba maging masaya? it's been a year na iniwan mo ko i don't know why, ano dahilan mo at ganun nalang ako kadaling iwan, kaya ngayon halos nakakulong parin ako sa nakaraan natin d ko alam kung bakit pls nman tumulongan mo ko makawala sa ganitong sitwasyon, oo ikaw masaya kana ngayon sa piling ng iba at ako ito parin binabalikan ang masasayang ala ala nating dalawa, bakit ganun d ko magawang makapag usap sa ibang babae at d ko rin magawang manligaw ng iba, alam mo ba ang ginagawa ko nlang ngayon is nakafocus sa aking trabaho at sinusubukan na kumawala sa nakaraan nating dalawa salamat sau sa years nating pagsasama bilang mag jowa halos sobrang dami nating ala alang nabuo at ngayon susubukan ko ng kalimutan ka at hinding hindi na ako magpapakulong pa sa nakaraan nating dalawa❤️
    -Sam☺️

  • @shainalynquioyo4790
    @shainalynquioyo4790 2 года назад

    Ang simple lang naman ng gusto natin, ang maging masaya, pero why does it cost us so much? bakit ang hirap? Everyday is a struggle para lumaban at maging masaya pero at the end of the day, wala naman tayong choice kundi i'surive ang bawat araw, masaya man tayo o hindi.

  • @jhayoliva8977
    @jhayoliva8977 2 года назад

    Hangang ngayon tanong ko padin yan kung PAANO NGA BA MAGING MASAYA? Pinipilit ko naman ee kaso mahirap pala. Mahirap pala talaga pag ginawa mong mundo yung dapat tao lang 😅 ngayon tuloy nag sisimula ulit akong kilalalanin yung sarile kong mundo 😁 potek ang lungkot pala hahahahaha napaka unfair naman kase ng mundo ee kung kailan halos ubusin mona yung sarile mo tyaka ka naman sinukuan 😁 napagod lang naman ako ee napagod lang akong patunayan na ikaw lang walang iba napagod lang naman akong piliting ibigay lahat sayo to the point na ako na pala yung nauubos 😁 ngayon ko na realise na kahit ibigay mo pala yung sarile mo ng buong buo hindi sapat yun para piliin ka hindi padin pala sapat yun para mag stay kaya eto ako ngayon almost 3 years ng natapos ang lahat satin pero tinatanong ko padin kung PAANO NGA BA MAGING MASAYA? Baka may nakaka alam sainyo any piece of advice? 😅

  • @quinelsabando193
    @quinelsabando193 2 года назад

    "Mas pinili kong bitawan ka dahil gusto kong sumaya"
    Ang sakit lang isipin na mas pinili mo siya. Pinili mong maging may connection sa kanya kesa sakin. Hiling ko lang naman na iwasan mo siya pero hindi mo kaya. Kaya ako nalang iiwas sa inyong dalawa. Pasensya na masyadong nasasaktan na ako ng sobra , gabi² kong inisip king bakit ayaw mong iwasan siya... Sana'y tama ang desisyon mong pumayag na iwan kita gusto lang din sumaya. Salamat sa iyo paalam nah©️...

  • @rhoslynvillarba7238
    @rhoslynvillarba7238 2 года назад +1

    Paano nga ba? Eversince my boyfriend died hindi ko na talaga naranasan paano maging masaya, may kulang parang hindi ako kumpleto. Thank u for the happiest years of my life mahal, paano nga ba ko sasaya ulit ngayon wala ka na? Miss na miss na kita. I love u my angel🤍🕊

  • @nelkryzchanregencia3186
    @nelkryzchanregencia3186 2 года назад

    @agsunta
    Pano NGA ba maging masaya?
    Siguro para sakin magiging masaya Lang ako pag kasama Kona un MGA taong mahal ko SA buhay 🥺Hindi ko naranasan na makumpleto pamilya ko simula pag kabata,🥺🥺🥺

  • @alyssabrendaredulfin5759
    @alyssabrendaredulfin5759 2 года назад

    Paano nga ba maging masaya? Simple lang naman gusto ko eh gusto ko lang maappreciate ako! Kaso ginawa ko na lahat pero dinadown parin ako. Paano nga ba maging masaya sa mga panahon pati sarili mo tinatanong mo kung paano ba talaga? Na hindi rin alam kung paano ba talaga. Lahat na ginawa mo pero kulang parin. Dasurb ba self? Tanong ko lang!!!

  • @rosalindagutierrez1287
    @rosalindagutierrez1287 2 года назад

    Ilang buwan na nakakalipas okay ka na ng wala ako, pero eto ako hindi pa din okay. Everyday na iisip pa din kita sana hindi ko na lang tinuloy kung temporary ka lang pala. Mahirap talaga mag papasok ng tao sa buhay mo, lalo na pag siya yung naging source of Happiness mo. What I've learn to this was I don't need anyone to make me Happy. Kailangan bago ako ulit pumasok sa isang relasyon e dapat I know myself and I find true happiness within me. Para hindi ako mag hanap ng kaligayahan sa piling ibang tao.

  • @kenloshtinajero3804
    @kenloshtinajero3804 2 года назад

    Still looking for the word happiness. So clueless kung pano nga ba maging masaya ano bang dapat gawin? I tried to step forward para makalabas sa comfort zone pero di pala madali haha

  • @irinagladyspulumbarit4954
    @irinagladyspulumbarit4954 2 года назад

    We had 2 yrs relationship wayback then. Lahat ng pag intindi at kung ano ano pang pang unawa ginawa ko sa kanya kasi mahal ko. Kahit pakiramdam ko hindi ako enough sa kanya para mapunan yung lungkot na nararamdaman nya. I still choose to stay right beside of him. Through his ups and down. Til time came I discovered na pinili niya lang ako makasama para maka escape sa reality ng lungkot nya sa naging buhay before. Babalik naman din pala sya sa piling ng iba which is His past. So pano ba maging masaya kung hindi ikaw ang kaligayahan nya?

  • @jameerapollyannahernandez7509
    @jameerapollyannahernandez7509 2 года назад

    Sabi nila expect the unexpected. I was not looking for someone before since broken hearted ako. This someone came unexpectedly in my life. We met August 2021 tapos di ko inexpect na lalalim ung pagkakaibigan namin. Nagstart na nya akong bgyan ng kung ano-ano tas lumalabas na kami til nameet na sya ng fam ko pero as a friends. Sobrang saya ko nun kahit magkaibigan lang kmi at lumalim pa nga, iba na ung saya na narrmdaman ko pra sknya. Nagusap kmi tungkol samin, naging maayos naman pagkatapos ng ilang araw bgla syang naglaho na parang bula. Pero nalaman ko ang tunay na dahilan at yun pla may problema sya at ngayon nagbago na ang lahat. Yung dati kong saya di ko alam kung mapapantayan ng iba. Kasi sakaniya lang talaga ako sasaya.

  • @azdsggaming6509
    @azdsggaming6509 2 года назад

    Hi dun sa Tiktok crush ko na pinansin ako at nakakakwentuhan ko. Hi Chloe ❤️ Waiting for you to come back 🙇

  • @lauvlee8392
    @lauvlee8392 2 года назад +1

    Agsuntaaaa 🥺😭 Pag na-meet ko kayo ulit, it's never gonna be the same. Last time ko kayo na-meet, I was with my brother and her girlfriend.. Been ur fan for quite some time, dinala ko sya sa isa sa gig nyo sa BGC year 2019. Ang saya ko, nagustuhan nya din kayo. Now, kung may chance na ma-meet ko kayo ulit, hindi ko alam kung masaya parin. Maybe masaya, pero hindi na kasing saya nung kasama ko yung brother ko. Hindi na mauulit. Lalo na wala na sya. 😔 Everything has changed after he left us. I miss you brother, sana napapakinggan mo songs nila ngayon. 😭💔
    Pano nga ba ulit maging masaya? Pano, yung pakiramdam na maging masaya?

  • @jenniferjimenez2368
    @jenniferjimenez2368 2 года назад

    Pinili ko mag stay kasi alam kung masaya ako, pero kung pa ulit-ulit ipaparamdam sayo na dika worth it, Ouch nalang ang sakit, sobrang sakit 😭😭😭

  • @SpongeBUG128
    @SpongeBUG128 2 года назад

    Suggestion ko lang mga boss amo mas maganda sanang cover photo ng mga upcoming uploads, mas nakaka hook ng mga viewers :)) Pero in overall solid song to!!

  • @marvina.garalza8618
    @marvina.garalza8618 2 года назад

    sir ,baka po magagwan nio ng remake tong compose ni sir Nino Regalado..eto po ung link.Ganda po ng song.pero syempre, kung ok lang ky nino.
    ruclips.net/video/DUbhegSL5eQ/видео.html

  • @kuraidokun5856
    @kuraidokun5856 2 года назад +1

    Paano nga ba maging masaya?, Kung ako na handang mag antay sa kanya sa tamang panahon kahit mag kalayo kami sa isat isa ngunit may nagustuhan siyang mas malapit na may gusto din sa kanya, may gusto sa isat isa. Paano naman akong nag aantay ng tamang panahon? Lugi talaga pag nagkagustuhan silang mas malapit. Stay strong sainyo. Di kona alam paano pa maging masaya.

  • @dumprg9687
    @dumprg9687 2 года назад

    3 years and 3months! Pero almost 7years hahaha siya lang minahal ko hahaha kahit may iba siyang partner for 2 years siya pa rin. Crazy hahaha I was happy. Sa loob ng tatlong taon at tatlong buwan na may kame, naging masaya ako. Pero napalitan lahat ng saya ko ng galit. Ginawa ko lahat. Efforts, pinaramdam ko na mahal ko siya, i helped her a lot. Pero lolokohin at gagaguhin ka kahit bigay mo lahat. Kakahiwalay lang namin pero meron agad siyang iba, and I feel na habang may kame pa e nagkakausap na sila hahaha all i wanted was respect. Respect nila nararamdaman ko, hindi yung kakahiwalay pa lang e super flex na agad sa bago. Sobrang sakit, sobrang sira ako. Hindi ko alam paano makakabangon ulit. I don’t know kung magiging masaya pa ba ako after non. Pero buti na lang, may mga kaibigan ako at pamilya ko na masasandalan ko. Hi sayo, hindi ako nagsisisi na minahal kita. Naging masaya ako sayo kahit papano pero sa ginawa mo, hindi ko alam kung kailan kita mapapatawad dahil pinuno mo ng galit puso ko. Okay na ako. Tanggap ko na. Tanggap ko ng meron ka ng iba🙂 Masakit pero tanggap ko na. At unang step to sa pagmove forward ko. Salamat sa lahat ng masasayang ala-ala. Masaya ako at nakilala kita, pero sa ngayon sa galit na nararamdaman ko masasabi ko na sana di na lang kita nakilala. I settled, dami natin binuong mga pangarap na napunta lang sa wala at tinapon mo lang basta. Sirang sira ako hahaha pero gagawin ko lahat para umayos ako at mabuo ulit ako para sa susunod kong mamahalin. Salamat sayo. Paalam. Kakalimutan na kita, I’m finally letting you go! Sa paraan ng pagbitaw ko sa lahat ng satin at pagpapalaya ko sayo, sa tingin ko dun ako magiging masaya. Okay na ako. Salamat🙂

  • @marieyelpertes194
    @marieyelpertes194 2 года назад

    Hindi ako broken, pero nasasaktan ako sa kantang to.
    May ka live in partner ako, at may isa kaming anak. (9 months) At masasabe kong 'may pospartum ako. Sobrang hirap labanan, nakakatakot.
    At nakakapagod pala kapag ikaw na lang palagi ang nag giGIVE about sa relationship nyo' nakakapagod maging mabait,mapag patawad,magpasensya. Kasi lahat ng yon, may hangganan. Hindi sya nag checheat, pero mas tatanggapin ko pa siguro kung mag loko sya kesa naman sa Hindi nya pagpapaka asawa sakin. Nakakapagod. Hindi man alam ng lahat ang kwento ko pero sana may isang taong mangamusta sakin kung okey paba ako :(