It’s Showtime April 20, 2024 | Full Episode
HTML-код
- Опубликовано: 19 апр 2024
- Matapos ang dalawang buwang pagpapamalas sa buong mundo ng kanilang angking husay sa pag-awit at pagtatagisan ng galing sa entablado ng It’s Showtime, walong kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang naghara-harap sa Tawag ng Tanghalan Kids Season 2: Ang Huling Tapatan ngayong Sabado, Abril 20.
Para sa special edition ng kompetisyong ito, nagsama-sama ang sampung kapita-pitagang mang-aawit sa bansa upang malaman kung sino sa kiddie grand finalists ang pinaka karapat-dapat na tanghalin bilang grand winner. Ang hanay ng mga hurado ay kinabibilangan nina Jamie Rivera, Christian Bautista, Roselle Nava, Tutti Caringal, Frenchie Dy, Jason dy, Katrina Velarde, Elha Nympha, John Rex Baculfo, at Gary Valenciano, na siyang itinalaga bilang Punong Hurado.
Ngunit bago ang pangmalakasang tapatan sa kantahan ng walong grand finalists, inaliw muna ng “nation’s girl group” BINI ang lahat sa kanilang live performance ng kanilang hit track na “Pantropiko”, kasama ang cute at talented na Showtime Kids - Argus, Jhaze, Briseis, Imogen, Kelsey, at Kulot.
Para sa edisyong ito ng TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan, ang grand champion ay magkakamit ng isang tropeo, management contract mula sa ABS-CBN Music Management Group, home and learning showcase na nagkakahalaga ng P300,000, at tumataginting na P500,000.
Sinimulan ni Diane Grace Duran mula sa Kidapawan City, North Cotabato ang unang round ng kompetisyon sa pamamagitan ng kanyang nakakaantig-pusong rendisyon ng “Ngayon at Kailanman” ni Basil Valdez.
Ang pambato naman ng Balayan, Batangas na si Neithan Perez ang ikalawang sumalang sa tanghalan upang awitin ang classic hit ni Wency Cornejo na “Habang May Buhay” na kanyang inialay sa kanyang pinakamamahal na pamilya.
Napa-standing ovation ang ilan sa mga hurado sa powerful performance ni Dylan Genicera ng Pagbilao, Quezon ng “Believer” ng American pop rock band na Imagine Dragons, kung saan ipinamalas niya rin ang kanyang rapping skills.
Hindi naman napigilan ng ilan sa mga hurado at hosts ang kanilang emosyon matapos mapakinggan ang makabagbag-damdaming pag-awit ni Aliyah Quijoy ng Kawit, Cavite ng “Never Ever Say Goodbye” ni OPM legend Nonoy Zuñiga.
Napaluha at napahanga rin ni Shawn Hendrix Agustin ng San Nicolas, Pangasinan ang lahat sa kanyang bersyon ng “Kailangan Kita” na isinulat ni host Ogie Alcasid at kinanta ni punong hurado Gary Valenciano.
Ipinahayag naman ni Vice Ganda ang kanyang appreciation sa mga magulang na ipinararamdam at ipinamamalas sa kanilang mga anak ang maalab na pagmamahal at suporta dahil batid niya kung gaano kahalaga ito sa pagkamit ng kanilang pangarap.
Sa pagpapatuloy ng unang round, naantig ang puso ng marami sa rendisyon ni Thirdy Corpuz ng La Union ng “Wind Beneath My Wings” ni Bette Midler, na inihandog niya sa pinakamamahal niyang ina.
Pinatunayan naman ni Resbaker Clet Nicole Fiegalan na karapat-dapat siyang maging bahagi ng Tawag ng Tanghalan Kids Season 2: Ang Huling Tapatan sa kanyang impressive na pag-awit ng “Hawak Mo” ni TNT Season 6 grand winner Lyka Estrella.
Gayundin ang ginawa ng kanyang kapwa resbaker na si Kim Hewitt ng Dumaguete City na pinahanga ang mga hurado sa kanyang mapusong rendisyon ng “Too Much Love Will Kill You” ni British musician Brian May ng sikat na bandang Queen.
Sa walong grand finalists, sina Dylan, Aliyah, at Kim ang napili ng mga hurado mapabilang sa Final 3 at umabante sa susunod na round.
Para sa ikalawa at huling round ng TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan, agad na napamangha ang mga hurado sa vocal power ni Dylan habang kinakanta ang “Tao” ng iconic OPM band na Sampaguita.
Napatayo naman ni Aliyah Quijoy ng ilan sa mga hurado sa kanyang nakakapanindig-balahibong pag-awit ng “Lupa” ng isa pang tanyag na OPM band, Aegis.
Parehas na reaksyon ang nakuha ni Kim Hewitt sa kanyang impressive performance ng “I Don’t Wanna Miss A Thing” ng American hard rock band Aerosmith.
Bawat isa man sa kanila ay nagpamalas ng kanilang angking husay sa entablado ng It’s Showtime, ngunit iisa lamang ang hinirang na kampeon para sa TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan.
Sobrang dikit ang naging laban nina Dylan, Aliyah, at Kim, base sa total scores na ibinigay ng mga hurado. Subalit sa bandang huli, si Kim ang nanaig at hinirang na grand winner. Siya ay nagwagi ng tropeo, P300,000-worth of home and learning showcase, P500,000 cash prize, at management contract mula sa ABS-CBN Music Management Group.
Si Dylan naman ang nakakuha ng ikalawang puwesto at nagkamit ng P200,000 cash prize at P100,000 worth of learning and home showcase, habang si Aliyah naman ang nasa ikatlong puwesto at nag-uwi ng P100,000 cash prize at learning and home showcase na nagkakahalaga ng P100,000.
#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#TNTKidsAngHulingTapatan - Развлечения
Congrats Kim.. ikaw talaga ang Grandwinner ko❤🎉👏
I like that showtime finally has a home. Kaso pano naman kaming OFW na umaasa sa YT. Di na namin napapanood ng buo yung episode like we used to 😢
Totoo po yan meme vice,,,
Dylan is real Pro. But kim is total package. He captured the many audiences by his heartfelt rendition. And his Song is a difficult song that a normal kid like him can emulate like any adult singers.
sobrang gagaling ng mga bata 👏🏼🎉😘 nakakaiyak 😢❤ walng tapon lahat 👏🏼😘❤️ good luck mga bibi ❤ from chiba japan ❤
They're all good, Dylan especially. Her voice is flexible, can sing different genre considering her age.
I’m so happy to see Hurado Elha, sayang lang we’re not gonna see her more often, gonna miss you Elha Nympha- from Las Vegas
Same here po..miss na miss po namin si ELHA..inaabangan namin palagi si ELHA sa Asap kaya po pag wala sya nalulungkot kame😔
Same here 😔
Sobra ganda ng live kahapon sobra galing ng mga TNT kids
We’ve love to was It’s Showtime forever !
Paano namin marinig kung gaano sila kagaling kung edited na? Kawawa naman kaming di nakakita sa live 😢
Salamat sa pag Upload po, akala ko Di ko na mapanuod, Thank You! God Bless Showtime❤
napanood mo po ba ang performance dito? 😂
Grabeng mga batang to sosobrang galing nilang lahat. 👏❤️
Ang Saya Saya ang production number❤❤
Galing ng edit.... Saludo.... Qng alin pa ung performance ng mga kids un p ala ... Haha... SHOWTIME I LOVE YOU 😡
Congratulations kids.sobrang proud kayo ng family nyo.
Can you send me the link for
Thanks for uploading, d ko na naabutan ang live streaming niyo eh. At least meron pa rin tu kahit may cut na. Kulang ang Araw ko f d ko kayu napapanuod. Meme Vice and it's showtime fam will always be part of my life away from home. ❤ Thank you for making me happy ❤ watching from Abu Dhabi UAE
San c Kim? Plgi xa Wala,..
Miss her 😮😮😮 God bless you all always 😊😊😂❤❤😂❤🎉🎉🎉🎉🎉
@@user-vo2kx4ou6xnag attend ng kasal ni angelica panganiban sila c ann curtis
Always watching. Solid Showtimer here.💖💖💖😘😘
All the kids were wonderful!
Congrats to all and good luck.
What does "resbaker" mean in relation to the winner Kim?
Did he sing before Friday April 19?
Bakit po naka CUT na yong mga performances ng mga finalist?😢
Congratulation Kim ❤️❤️🎉❤🎉🎉
1hr and 23mins.hindi nmn pinakita Yung performance ng ibang contestant ng tawag ng tanghalan kids.
WHY EDIT THE RUclips VIDEO?!?!?!?! Would love to watch the full episode like we were used to be able to! Can we have the episodes back in full!😊
Search nyo po ang showtime online U full episode po un
It was cut due to music restrictions.
Mapapanood sa Facebook ang full episode na walang cuts.
@@jumarkpelismino5632link po
Meron nmn po sa iwantTFC. You can watch all full episodes of It's Showtime
ABS CBN ...❤❤❤❤❤
Can you send me the link for the same
The stage is on fire ❤
Where is the full vedio song?
Congratulations Kim Hewitt.Kita sa performance na gusto mo manalo.Gigil To win performance.Well deserve Kim
Congratulations Kim Hewitt Tawag ng Tanghalan kids Don't Wanna Miss A Thing
The Summary episode for April 20, 2024.. san kya mapapanood yung legit na Full episode?
TheBest Show ❤❤❤
You deserve it .. congratulations again .. Kim.
hayz di naman full vid😢
Wow dapat mapanood namin n buo..bakit ganun?its so unfair sa Aming mga ofw
Bakit putol-putol dati naman hindi ganito. We want the old videos before n full episode pls.
Please google what "copyright issues" mean.
Dun sa showtime live U
.Kompleto dun.
bkt ala po ung full video?
Paano nasabing full episode po 😢
They said full video but it was edited...
Congrats 3 kids
Ang ganda ni VG
👍👍👍👍
watching from Canada! minsan di makapanuod ng live dahil late na maxado dito., sa replay naman pinuputol., dati naman buo palage
Dahil sa rules and regulations ni RUclips, restricted po
Bakit walang kanta
Pwede Po ba ireplay sa showtime itong finals Ng kids TNT d ko KC napanood dahil may ladies fellowship kmi....
Congratulations Kim!🥰
Nag upload pa kayo eh cut nman yun mga highlights!!
Bakit po wala yung mismong performances??
copyright po kasi pag may music
Aaliyah has always beena solid singer even from the dailys. Such a rich controlled sounding vocals.
Congratulations to all the contestants
Kapag ang song ay under ng star music o ang abscbn ang publisher, di nila kika cut. Limited po kasi ang paggamit sa kanta lalo na ang copyright lang na nabayaran nila ay sa actual perfor.ance lang hindi "in perpetuity"
Why you cut the video we want to watch the final three show down. This is not good we paying full amount. Sorry for the complain but it's true. God bless!
Bakit mismong performace yun cut?
1:22:40 THIS HAPPENED! USED CONFETTI POPPER ON SHOWTIME WHEN CAN'T SEEN SIR JUSTIN ON THAT DAY!😪
Ganda ng stage
Galing nm mga bata
I like this boy nice voice excellence bravo
Here to watch my bebe Mikha❤
The best ka kim dapat may ka discubre sau sa pag kanta sobrang husay nyang bata
❤❤❤Its Showtime❤❤❤
Ampaw yung video tssssk wala bang link diyan na kumpleto
Please enlighten me, ano ba ang music restrictions ng YT? Kase popular songs eto na ginagamit ng contestants sa singing contest hnd naman content lang emphasizing in one song. Hinde ko lang ma gets.
We love u showtime fam mahal namin kayo lalo na ang viceion
Galing kitang kita ang kanta nila galing 🤣🤣 anyare bat putol putol na 😢
😂ay sawakas na apload din kaya lang Hindi buo
Anong klaseng full episode ito, Wala yung performance ?
What’s the point of the video if we can’t watch the performances
Congrat Kim, tingin ko nga ikaw tlga mananalo kasi total package kna, you have the look and most of all you have the talent. Automatic Artista kna. 🎉
Nakakaiyak. For sure proud ang Papa mo sa iyo Kim, we are so proud of you din 🥺🥺🥹🥹😘😘🫶🏼🫶🏼
Bakit wala si Ryan I missed him.
I want to.know what happen.
Wow my album na agad c kim grabu nkkaproud sobrs c kim
Yung boses ni Ion, jusko, kalat! Can he go to a class where he can improve to modulate his voice?
Pancn ko din yn
i think dhl mas sanay magkapampangan c ion kya ganyan cia magsalita. iba kc accent ng mga kapampangan kapag nagtatagalog eh.
@girlwhonevernotice it's not the accent. I speak kapampangan too pero hindi kalat ang boses ko pati mga kausap ko.
@@9teen6tea46tehhh, may kanya kanya tayong lenggwahe!! Porket kapampangan ka din, ganun din dapat maging boses ni Ion, myghoooood !! Halatang di nag grade one, hirap umintindi !! Ang importante, nagkakaintindihan !
Okay thanks
Congratulations Kim 🎊
Congratulations kim🎉
❤❤❤❤❤
Bakit nga hndi natin narinig ung kanta
Full videos please, hayzzz😡😡😡
Bakit wala si Anne & Kim?
Performances were skipped in this "FULL" episode. Don't watch if you came here for the performances
Paano namin makikita ang performance nila kung naka Cut
Bakit wala ang pagkanta ng mga kids g cutt nyo...ayoko ng manood
Full episode??? How is it a full episode when it doesn’t show the kids’ performances? This episode is not in iWant TFC so i don’t have a choice but to watch this edited cut off show inyoutube. I pay premium plan sa iwant TFC pero luging lugi!
Mimi Vice bakit di namin napanood ng mga performance sa grand final kulang ang kasayahan namin taga suporta at taga panood..lalo na ngayon grand finals..ibalik yong its showtime na dating napapanood namin noong nasa ABS-CBN
its not full episode
Bat laging Wala si anne?
ang Ganda ni meme❤
are they (BINI) singing live?
Para sa akin Iba yung Babae ...mas sisikat yata toh kay sa Champion...Iba ung bosis nakaka panindig balahibo...
Bakit wala po si miss Kim miss Anne Jugs&Teddy and Ryan
At bakit Hindi napo full episode ang napapanuod kalungkot naman ito nalang sana nagpapasaya samin mga OFW
Bakit walang kanta Yong mga contestant
Hindi naman FULL EPISODE😒
Wala nman pulos ang full episode na walang kanta sayang
LOL Inabangan namin singing portion tapos wala 😂
You guys shorten the video. Bakit ganun? I couldn't watch the 2nd round so i thought at least u guys would have let us watch the live one. But again nope. Disappointing but congrats Kim.
Nasa iwant app kumpleto doon.
@@ROGERIEPATRICIO0415 I don't have money to pay for that. Hehe.
Sayang hnd mapanood ung performances nila😂❤
29:45 my fav
WOW
Tama bakit ganoon?
Sana full episode gaya ng nakalagay hindi naman, putol putol maging totoo sana ksyo
Magagaling clang lahat dahil nasubaybayan ko ...pero Yung actual na pagkanta nila...sayang d ko narinig....d bale congrats sa mga winners ..Lalo Kay Kim..👏👏👏
Anu byan cut nla ung song .. bkt pa nla upload to my gosh wlng kwenta ..
Boo! Naka-cut yung mga kanta ng contestants! 😒
The most important part was edited. Dapat Yung usap an nila.