NASAAN KA NA PAGKATAPOS MONG MABINYAGAN? - Homily by Fr. Danichi Hui on Jan. 12, 2025 (6:00am)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 4 фев 2025
  • NASAAN KA NA PAGKATAPOS MONG MABINYAGAN? - Homily by Fr. Danichi Hui on Jan. 12, 2025 (6:00am)
    GOSPEL _ Luke 3:15-16, 21-22;
    Story:
    Minsan sa isang simbahan, namomroblema ang pari dahil sa dami ng mga pusa na pagala-gala sa loob simbahan. May ilan nagkakalat pa ng dumi, kaya inisip mabuti ng pari kung paano mawawala ang mga ito. Tinawag niya ang kanyang mga staff upang tanungin kung ano ang magandang gawin. Sabi ng isang staff; pagpapaluin daw niya para umalis. Sabi ng pari, huwag. Masama naman yung saktan ang hayop. Sabi ng pangalawang staff; ililigaw na lang daw niya ang mga ito. Ganun nga ang nangyari ngunit nagulat ang pari wala pang isang raw, andun na naman ang mga pusa. Kaya sinabi ng ikatlong staff; “alam ko na, ito epektib talaga ito. Father, diba gusto mo hindi mo sila makita dito sa simbahan? Oo sabi ng pari. Diba ayaw mo naman silang saktan; “siyempre naman.” Hindi umubra ang pagliligaw sa kanila? Oo nakita mo naman nakabalik sila. Ang gawin mo, binyagan mo ang mga pusa at sigurado hindi mo na sila makikita sa simbahan muli.
    Joke sana po ito, pero tila isang nakakalungkot na realidad na ganito ang nangyayari pag nabibinyagan. Hindi na muli nakikita sa simbahan.
    Mga kapatid, ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Pagbibinyag ng ating Panginoon. Magandang malaman kung ano ba ang isang Binyag mula sa mga simbolo nito, ang TUBIG.
    Biblical: Ang tubig sa bibliya ay naging simbolo ng iba’t ibang karanasan ng tao.
    Sa pasimula, ang mundo ay napaligiran ng tubig. Bagamat malawak ang saklay ng tubig, ito ay nagpapakita ng kawalan ng laman (emptiness) Nagkaroon lamang ito ng buhay nang magkaroon ng lamang dagat.
    Noong panahon ni Noe, ang tubig ang naging simbolo ng paglilinis. Dahil sa matinding ulan at baha, nalinis ang mundo mula sa mga makasalanan. Ang tubig ay simbolo ng paglilinis.
    Nang tawirin ng mga Israelita ang dagat, ang tubig ay nahati at naging daan para ang mga Israelita ay makatwaid. Mula sa dati nilang kinalalagyan, patungo sa bago. Kaya ang tubig ay naging simbolo ng pagbabago.
    Nang sibatin ang tagiliran ni Hesus, dugo at tubig ang dumałoy. Dumanak ang dugo at dumały ang tubig bago si Hesus mamatay. Kaya naman ang tubig ay naging simbolo ng buhay.
    Ito ang sinisimbolo ng tubig na siyang tumutukoy sa pagbibinyag. Isang paglilinis ng sarili mula sa kasalanan. Isang pagtawid mula sa lumang buhay patungong bago. At isang simbolo ng buhay.
    Kaya naman sa ating Ebanghelyo, ipinapakilala ni Juan ang Mesiyas na siyang magbibinyag na nakapaglilinis ng kasalanan ng tao, naghahatid sa tao na iwan ang lumang buhay para sa bagong buhay at higit sa lahat nagbibigay ng buhay.
    Reflection: Ito ang kahulugan ng ating mga binyag. Hindi lang pagbibigay ng pangalan, kundi higit sa lahat pagbibigay sa tao ng karangalan
    Contemporary: Ngunit kadalasan nababahiran natin ito. Kung minsan pa nga nadudungisan. Dahil sa pauli-ulit nating pagkakasala dala nang ating kahinaan.
    Ngunit ganun pa man, dahil sa ating binyag tayo ay nabibigyan ng pagkakataon na maging malinis muli sa pagtanggap ng sakramento ng kumpisal. Dahil tanging binyagan lang ang makatatanggap ng sakramento ng kumpisal.
    Harinawa, hindi masayang ang ating binyag nang dahil sa hindi natin pagbabalik ng simbahan.
    Mga kapatid, ang binyag ay sakramento na nakapaglilinis mula sa ating orihinal na kasalanan, nag hahatid sa bagong buhay at nagbibigay ng buhay.

Комментарии • 25

  • @wenanoblejas9450
    @wenanoblejas9450 24 дня назад +1

    Amen. Thank you Fr. Danichi. Sa patuloy po ninyong pagbibigay ng magagandang reflections sa araw araw. God bless po. Prayers for ezekiel na magfocus po siya sa kanyang pagaaral at pagiging sakristan sa simbahan and also prayers for good health and financial blessings. 🙏

  • @josephinebauzon3335
    @josephinebauzon3335 24 дня назад +2

    "Nasaan Ka Na Pagkatapos Mong Mabinyagan?"
    Amen.
    "Kapistahan Ng Pagbibinyag Sa Panginoon"
    Thank you po at Maligayang Pasko Fr. Danichi.

  • @rhoelyncalderon6486
    @rhoelyncalderon6486 24 дня назад +1

    Thank youlord for all the blessings and graces🙏God bless us all❤️🙏

  • @juzethyu1360
    @juzethyu1360 24 дня назад +1

    Maraming salamat po Fr. Danichi, Praise be Jesus Christ, Amen!🙏❤️‍🔥✝️❤️‍🔥🙏

  • @emmacoronado7918
    @emmacoronado7918 24 дня назад +1

    Thank you po Fr.Danichi for the Gospel & homily.
    Have a blessed day!

  • @nenitagowan9028
    @nenitagowan9028 20 дней назад +1

    Thank you po Lord Jesus Christ for all Blessing, Guidance, Help and Protection you have given to me and to my family in Jesus name with the Holy Spirit forever and ever amen 🙏🌹🙏❤️🙏💖 God Bless you po Father Danichi and take care of yourself with the Holy Spirit forever and ever amen 🙏🌹🙏❤️🙏💖🙏

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 24 дня назад +2

    Salamat po Ama sa hiram na buhay na bigay ninyo sa amin 🙏🙏🙏💜💜💜

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 24 дня назад +1

    Happy Feast Day of the Baptism of the Lord 🙏🙏🙏💜💜💜

  • @arlynmata9725
    @arlynmata9725 24 дня назад +2

    Amen

  • @lolitavillanueva4407
    @lolitavillanueva4407 24 дня назад +2

    🙏❤️🙏❤️🙏❤️

  • @nitaandan1667
    @nitaandan1667 24 дня назад

    For the repouse of the soul of my parents Primitiva and Cerilo Delfin.Amen.Thank you po Lord,thank you po Fr Danichi for the nice homily.🙏🙏🙏

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 24 дня назад

    Salamat Father Danichi Hui sa magandang homiliya.Panginoon salamat po sa binyag na tinanggap namin at naging daan ito upang kami ay maging mga anak ninyo..patnubayan at gabayan kami upang kami ay makabahagi at makatulong at makasunod sa mga pinag uutos ninyo.Godbless you fr.and your family🙏💜

  • @josephinerecinto3352
    @josephinerecinto3352 24 дня назад +1

    Amen 🙏❤🙏

  • @marileeamador74
    @marileeamador74 24 дня назад +1

    Amen! Father nagpapasalamat ako sa Dyos kasi bata pa ako active na sa church at hanggang ngayon active pa din dahil nasa Dyos ang kalakasan ko at pag asa. Ng magkapamilya ako nagkaroon ng 5 anak na babae dinadala ko din sila sa church at lagi ko pong sinasabi sa kanila magbigay kayo ng panahon sa Dyos hindi puro trabaho.Awa po ng Dyos active naman sila sa church. Pangarap ko po noon maging madre pero ayaw ng Nanay ko kasi po wala na kaming tatay at 8 kaming magkakapatid. Hindi man po ako naging Madre dahil naging Madre de Pamilya pero guided naman ako ng Holy Spirit para ilapit lagi ang pamilya ko sa Panginoon. More Power father to be a Fisher of Men because in His Words there is Power and Deliverance.God bless us all, may His Love and Light shine upon us always.

  • @eugeniasantos4688
    @eugeniasantos4688 24 дня назад

    Good morning 🌞 po Father at everyone ❤ sana po may prayer meeting po at novena mass even once a week Salamat po

  • @rommelbroce8623
    @rommelbroce8623 24 дня назад

    Thank you Lord 🙏🙏🙏

  • @veronicacabello8088
    @veronicacabello8088 24 дня назад

    Thank you Lord amen

  • @nedyopinion9495
    @nedyopinion9495 24 дня назад

    AMEN

  • @normache5468
    @normache5468 23 дня назад +1

    ❤🙏

  • @maryjoytutor5115
    @maryjoytutor5115 24 дня назад

    ❤️💛❤️💛❤️💛🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @nedyopinion9495
    @nedyopinion9495 24 дня назад

    maligayang pasco po fr merry Christmas. fr doglas

  • @pondering84
    @pondering84 24 дня назад

    😇

  • @stefieladiong1707
    @stefieladiong1707 23 дня назад

    Amen🙏🙏🙏

  • @leonitaurbano2265
    @leonitaurbano2265 24 дня назад

    Amen🙏❤️

  • @josefinalocsin9295
    @josefinalocsin9295 24 дня назад

    Amen