Kahanga Hanga by Powerhouse Worship
HTML-код
- Опубликовано: 6 фев 2025
- Magandang routine ang pagsamba, magbasa ng biblia, Pray in Tongues/Speak in Tongues para sa sarili at sa bansang Pilipinas at magdasal sa diyos kahit isang oras lang araw araw. Nasa spiritual war tayo laban sa demon at devils na gustong mahirap at defeated ang Pilipinas in terms sa economy at sa moral kaya ito ang araw araw na tungkulin ng mga christians. Pwede sa paggising pa lang sa umaga simulan mo na ngunit pwede rin kahit anong oras depende sa schedule mo. Para ito sa well being ng christian walk natin. Ang mga benefits nito ai: Para magbago tayo, mawala ang paulit-ulit na ginagawang kasalanan natin at nababago tayo dahil sa Banal na Espiritu. Para napapaligiran ka ng presensya ng panginoon. Para marinig, makita ang sinasabi ng panginoon ngayon sa iyo. Para sa proteksyon physically at spirituality at emotionally. Para sa pinansyal. At maraming pang iba.
2 Corinto 3:18 ASND
At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.
Mga Awit 91:1 TLAB
[1] Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Mga Kawikaan 18:10 MBB05
[10] Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
♫ Magsubscribe para maalam ang mga kinabukasan na bidyo ♫ 🎹
♫ Tagalog lamang na kanta. Pindutin ang link - • Tagalog Lamang na Kanta ♫ 🎹
Address ng Powerhouse Church: Angeles City, Pampanga
Kung may katangungan at iba pa contact Sulatroniko: musikasamba@gmail.com