Hiwaga - STEM 2A Slytherin (OPM Challenge)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 окт 2024
  • Song composition challenge for the subject Contemporary Arts of the Regions for the school Year 2018 - 2019.
    Hiwaga - by House Slytherin
    Intro
    Iba't-ibang pinanggalingan
    Ngunit ngayon ay sama-sama
    Magkaisa sa isang layunin
    Dahil sa hiwaga ng buhay natin.
    Verse 1
    Kailan nga ba tayo nagkita
    Bakit ngayo'y magbabarkada
    Ilang beses kong natanong sa 'king sarili
    San ba ang simula at ang huli?
    Nais ko lamang na sabihin sa iyo
    Parte ka na ng aking buhay
    Di bale nang maglaho ang isip ko
    Di ka mabubura sa puso ko.
    Chorus
    Iba't-ibang pinanggalingan
    Ngunit ngayon ay sama-sama
    Magkaisa sa isang layunin
    Dahil sa hiwaga ng buhay natin.
    At ngayo'y may pinagsamahan
    Sa hirap at sa ginhawa
    Kahit anong unos man ang dumating
    Sabay-sabay nating haharangin.
    San mang banda at sulok
    Iba't-iba ang grupo
    Hindi nawawala ang
    Source of wifi at supplier
    At kung may jowable
    Meron ding study first
    Di rin mawawala ang
    Pabebe at pabibo
    Merong magaling magparlor
    Hingian rin ng polbo
    May lip tint sa pisngi
    At lipstick rin sa labi
    Matatabil ang dila
    Hindi mawawala
    Merong walang imik
    Nabubulok sa gilid
    Iba't-iba ang hilig
    Ngunit isa ang tinig
    Palaging magulo
    Ngunit magkasundo
    Ganyan sa aming klase
    Iba't-ibang diskarte
    Ngunit pag sama-sama
    Lagi ay masaya
    Chorus
    Iba't-ibang pinanggalingan
    Ngunit ngayon ay sama-sama
    Magkaisa sa isang layunin
    Dahil sa hiwaga ng buhay natin.
    Iba't-ibang pinanggalingan
    Ngunit ngayon ay sama-sama
    Magkaisa sa isang layunin
    Dahil sa hiwaga ng buhay natin.
    At ngayo'y may pinagsamahan
    Sa hirap at sa ginhawa
    Kahit anong unos man ang dumating
    Sabay-sabay nating haharangin.
    Oh...
    Ah...

Комментарии •