MENSAHE NG LUB. KGG. DENNIS C. VILLAROJO, D.D. KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG PASKO (12.25.22)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 фев 2025
  • MENSAHE NG LUB. KGG. DENNIS C. VILLAROJO, D.D. KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG PASKO
    25 Disyembre 2022
    Taun-taon tayong nagdiriwang ng Pasko ngunit may dulot itong angking kagalakan sa ating mga puso sa tuwing sumasapit ito. Kabi-kabila ang ating mga pagdiriwang kaya naman, maraming mga pamilya at mga magkakaibigan ang nagkakasama-sama sa okasyong ito. Sa paglipas ng mga taon, mas nagiging malikhain ang mga tao sa pagdiriwang nito, kahit saan tayo magtungo madadama nating pasko na lalo na sa mga palamuti na pumupukaw sa ating mga kalooban.
    Ngunit ang pag-agaw ng mundo sa pagdiriwang ng Pasko ay maaaring magpabago sa kahulugan ng Pasko at maaari na nating makalimutan ang tunay na ipinagdiriwang dito. Noong unang Pasko, walang mga gayak, walang masayang salu-salo, ngunit doon tinupad ng Diyos ang kanyang pangako na hindi niya tayo pinababayaan. Mula pa man noong una, ang Diyos ay nakikilakbay na sa kanyang bayan, mula sa panahon ng ating unang mga magulang, ng mga patriarka at ng mga propeta, ngunit sa takdang panahon, pinatingkad ng Diyos ang pakikilakbay sa kanyang bayan, isinugo na niya ang kanyang kaisa-isa at pinakamamahal na Anak, upang makilakbay sa atin at hanguin tayo sa pagkakasadlak natin sa kasalanan.
    Kaya ang Pasko ay ang pakikilakbay ng Diyos sa ating mga tao.
    Sa ating Diyosesis, ang paglalakbay bilang isang bayan ay pinatitingkad din sa pamamagitan ng ating Planong Pastoral para sa taong liturhikal na ito na may temang “SAMA-SAMANG PAGBUBUKLOD TUNGO KAY KRISTO.” Si Hesus ay ang Diyos na nakikilakbay sa atin, kaya sinumang sumusunod sa kanya ay nararapat lamang din na marunong makilakbay sa kanyang kapwa.
    Sa Paskong ito, idinadalangin ko na huwag mawala sa ating kamalayan ang tunay na diwa ng Pasko, at hangad kong mas yumabong sa ating Sambayanan ang pakikilakbay sa kapwa upang sama-sama tayong mapalapit sa Panginoon.
    Isang Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Комментарии •