Ron Henley - Paliparan (Official Audio) feat. Jameson

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 4 сен 2024
  • Subscribe to my channel: bit.ly/HNLYTUBE
    Now on Spotify: bit.ly/paliparan
    Stream/Download #Paliparan here: smarturl.it/pa...
    Ika-limang kanta mula sa #MANA album!
    featuring Jameson:
    / jmsxnofficial
    Produced by Klumcee
    / iamklumcee
    Single cover art by TheNutcasePK
    / thenutcasepk
    Connect with #RonHenley :
    / akosironhenley
    / akosironhenley
    / batampasiggg

Комментарии • 857

  • @RonHenleyTV
    @RonHenleyTV  5 лет назад +701

    PALIPARAN
    (R.Henley)
    I.
    'Di sa pagdadrama
    Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na'to ang aking nadarama
    Ako ay lumuluha patago habang nakatayo
    Pinagmamasdan ka papalayo
    Sa bawat pagsubok alam kong tayo ay lalago
    At sa alaala ko habambuhay naka-tato
    Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo
    Kahit bano, sinamahan mokong maupo sa may bangko
    Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam
    Tayo'y nababalot sa kumot at unan
    At tanging sa platito lang ang ating tagpuan
    Sa mundo kung pinagkasundo ang asukal at suman
    Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan
    Magkahawak ng kamay inaabot ang kalawakan
    Masyado tayong nagsaya
    Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara
    KORO:
    Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
    Kung minsan tatlong linggo lang
    Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
    Halos laging tag-ulan
    Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
    Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
    Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
    Sa paliparan
    II.
    Nasaktan lang kita, habang wala ka
    Ako'y nasa kama ng iba, di ko talaga kayang mag-isa
    Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan
    Praningan dahil puro kasinungalingan
    Di ko na kelangang salagin, ako ang salarin
    Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin
    Dahil nagawa ko'to sa babaeng nagmahal ng wagas sa akin
    Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating
    Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari
    Kung sa'n panay bulaklak at masagana yung ani
    Pinaghalong lungkot at panghihinayang
    Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang
    Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano
    Kaso sabay sa'yong paglipad, agad itong naglaho
    Bago ka umalis at bago rin ito matapos
    Nais ko lang munang magpaalam sa'yo ng maayos, uh!
    KORO:
    Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
    Kung minsan tatlong linggo lang
    Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
    Halos laging tag-ulan
    Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
    Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
    Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
    Sa paliparan
    III.
    Tapos na nga ba tayo? o baka naman hindi pa
    Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita?
    Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin?
    Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sakin
    Marahil nagawa ko lang 'to
    Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako
    Kaya nu'ng nalulungkot ka, ako yung hinahanap mo
    Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo
    Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan
    Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan
    Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang
    Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan
    Kaya salamat nalang sa pabaong alaala
    May napulot akong aral sa ating pagsasama
    Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon
    ay naitawid naman natin sa butas ng karayum
    KORO:
    Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
    Kung minsan tatlong linggo lang
    Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
    Halos laging tag-ulan
    Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
    Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
    Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
    Sa paliparan
    OUTRO:
    Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
    Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan
    Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
    Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang "PAALAM"

  • @zmzbro
    @zmzbro 5 лет назад +234

    1% who is reading this, i hope youll be successful in life

    • @crisisaliest660
      @crisisaliest660 5 лет назад +3

      yung percentage kung related ba yung comment mo dito sa kanta ni Ron Henley ay mas mababa pa sa 1% na sinasabi mong ang magbabasa nyan ay magiging maunlad sa buhay.
      Fuck that*

    • @riaetats
      @riaetats 5 лет назад

      salamat kaibigan

    • @carllouiseofficial
      @carllouiseofficial 3 года назад

      Salamat kaibigan :)

  • @ledifvcKING
    @ledifvcKING 5 лет назад +218

    "Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon, ay naitawid naman natin sa butas ng karayom." That line tho. Tagos sa puso

    • @wiljibril1381
      @wiljibril1381 3 года назад +1

      pupwede din syang marelate sa Unalome symbol na path to enlightenment. alam mo naman si kuys Ron sapinsapin ang hain

    • @mazzatokawanishi4336
      @mazzatokawanishi4336 3 года назад +1

      @@wiljibril1381 oonga e, tumaba nga ako sobrang tamis ng bawat linya

    • @uchihabutsuma559
      @uchihabutsuma559 2 года назад

      Methaphor pre

  • @OnePunchArman
    @OnePunchArman 5 лет назад +8

    7 years kami at magpapakasal na dapat, pero nagloko sya sa abroad nakakita ng ibang lalake, 3 years na ang nakakalipas, halos laging tagulan pa din sa akin

  • @kyleyvesjosefmendoza3889
    @kyleyvesjosefmendoza3889 5 лет назад +36

    Ron henley the story teller rapper! Wala ka talagang kupas 👽

  • @kenokk704
    @kenokk704 5 лет назад +95

    one of the best writer of pinas 👽🔥

  • @wasteoftime5804
    @wasteoftime5804 5 лет назад +11

    Highschool, college, gang naka trabaho n ako, Nag ka pa pamilya nasa playlist ko pa rin mga kanta mo idol 🔥🔥🔥 download ko naman to😊 pti anak ko kilala na mga kanta mo salamat sa musika!

  • @aidy6215
    @aidy6215 4 года назад +19

    "ngunit sa tuwing bumabalik sya ng kanyang kaharian, halos laging tag ulan" gets mo din ba? 😂🍄

  • @jezahexclusive8153
    @jezahexclusive8153 5 лет назад +6

    Saktong sakto tangina. Kaway kaway sa mga batang nag abroad! ✊💘 20 ako umalis Pinas, 23 nako ngayon at nagkahiwalay kame kase di kinaya LDR. saktong sakto lyrics! laban tayo mga batang OFW! 💖💖💖

  • @KLebBigWavesENT
    @KLebBigWavesENT 5 лет назад +73

    Congrats tol!!!! Salamat sa inspirasyon para lalo ko pang galingan!!!

    • @aserotingga7701
      @aserotingga7701 5 лет назад +1

      Lisenyado nako mag maneho.

    • @hakb7787
      @hakb7787 5 лет назад

      @@aserotingga7701 congrats man! painom ka na 🍻

    • @aserotingga7701
      @aserotingga7701 5 лет назад

      @@hakb7787 haha liriko yan ni idol k leb😅

  • @haroldalison1701
    @haroldalison1701 5 лет назад +18

    Idol ron pa like naman oh..ito music na to sounds like VENUS

  • @juliandeguzman1914
    @juliandeguzman1914 5 лет назад +14

    kaya mahirap ang LDR eh..😢😢 daming relasyong nasira dahil dyan. Ang lalim ng hugot ni Ron Henley dito pero da best talaga sa pagsusulat. idol talaga kita at lalabs pa😘😘😘

  • @saidatwice210
    @saidatwice210 4 года назад +13

    Umaasa akong papatok to, solid ng mensahe at yung blending boses!! Pero di na ako magugulat kung di to mapapasin, kasi ganon naman diba, mas mapapansin yung mga walang kwenta yung laman ng kanta kaysa sa may magandang mensahe! Like kung agree kayo! Support Idol Ron!

  • @otep4748
    @otep4748 3 года назад +6

    “Masydong tayong nagsaya, naniningil ang kalungkutan”.

  • @patricksinatraadelacruz3190
    @patricksinatraadelacruz3190 4 года назад +5

    Di ko magets bakit underrated parin si Ron
    Like sobrang solid ni Ron sa mga lyrics

  • @juliuspazziwagan6190
    @juliuspazziwagan6190 4 года назад +6

    Masyado tayong nagsaya
    Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara- literal siningil lahat walang tinira

  • @jaynielalburo5786
    @jaynielalburo5786 5 лет назад +1

    Bakit kaya di maiwasan ang nag didislike😥 hndi ba sila nakaka relate sa nilalaman at kung ano ang ibig sabihin ng local rap songs.. Btw congrats Sir Ron henley sa bago mong album.

    • @RonHenleyTV
      @RonHenleyTV  5 лет назад +1

      All good in da hood. Ayos lang yan, balanse lang. Apir! Salamat sa oras tol 👌🏼

    • @jaynielalburo5786
      @jaynielalburo5786 5 лет назад

      Ron Henley salamat sa pag reply idol ron😊 godbless sana madami kapang i release na music

  • @bestmateo4108
    @bestmateo4108 4 года назад

    Time check 12:37 am. Ngayon lang ako nag puyat ng ganito. Soundtrip lang ng mga kanta mo kuya. See you soon.

  • @dithsey81
    @dithsey81 5 лет назад +4

    Classic na ron henley. GOAT TALAGA 💕❤

  • @lykssesgundo5556
    @lykssesgundo5556 2 года назад +2

    "Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang PAALAM"

  • @mackee3913
    @mackee3913 5 лет назад +3

    Im here at abroad dubai... Kapag napapakinggan ko mga kanta ni ron henley lalong lumalakas loob ko.. Sobrang gaganda ng mga kanta ni ron henley... Salute... Support local rap artist.

  • @angelynreyes5857
    @angelynreyes5857 5 лет назад +5

    "Andame pa natin sinasabe, anim na letra lng ang salitang PAALAM" Ansakeeeet uyyy 😭💔

  • @wiljibril1381
    @wiljibril1381 3 года назад +1

    legit mga sapin sapin mo kuys. yung koro at panapos

  • @darellemariano6586
    @darellemariano6586 5 лет назад +6

    Ron Henley! Fans since 2013!!... may panibagong kanta nanaman akong kakabisaduhin na mula kay idol ron henley! Keep it up!

  • @frankizta8255
    @frankizta8255 5 лет назад +3

    1% of reading this, I hope something good comes to you this year!

  • @jocamz_clips
    @jocamz_clips 5 лет назад +2

    Eto yung musikang di na kailangan pa ng auto tune.. marami man ang nagbago ng pandinig.. ang tunay na nakaka alam ng tunay na likha, ay nananatiling makikinig.

  • @leinnarranniel1376
    @leinnarranniel1376 5 лет назад +14

    Autolike kahit di pa napapakinggan!!

  • @paolopacayra9254
    @paolopacayra9254 3 года назад

    sa tuwing may bagong darating ay meron din naiiwanan.

  • @silent_3812
    @silent_3812 4 года назад +2

    Ewan ko lang tlga bakit mas mataas views ng iba kesa sa mga gnitong tunog🔥🔥🔥

  • @sono2463
    @sono2463 5 лет назад +1

    Kakaiba talaga sumulat ng kanta c Idol Ron may sarili syang style na hindi mu maririnig sa iba 😁 more power idol 💪

  • @wiljibril1381
    @wiljibril1381 3 года назад +1

    "Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon, ay naitawid naman natin sa butas ng karayom." pupwede din syang marelate sa Unalome symbol na path to enlightenment. alam mo naman si kuys Ron sapinsapin ang hain at spiritual na tao.

  • @donpits7853
    @donpits7853 5 лет назад +2

    Andami pa nating sinasabe , anim na letra lang ang salitang "PAALAM" relate na relate ang karamihan sa kanta mo idol , uragon ka talaga idol 😎

  • @ghettofoe9653
    @ghettofoe9653 5 лет назад +1

    'Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan kapag binitawan'

  • @SorianoJanduen
    @SorianoJanduen 2 года назад

    Ang dami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang paalam

  • @devaes
    @devaes 5 лет назад +4

    Tapos naba tayo ? O baka naman hindi pa .
    Bakit mali parin ng isat isa ang ating nakikita .
    Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin ?
    Para akong lalagnatin sa tuwing nanlalamig ka sakin .

  • @user-vz4hi4tv9w
    @user-vz4hi4tv9w 8 месяцев назад

    Pero nung nalulungkot ka ako yung hinahanap mo, ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo.🎵🎶 Ayun yun eh.

  • @kristiandaryldavid1374
    @kristiandaryldavid1374 3 года назад

    ito ung kantang lagi ko pinapatugtog bago ipinanganak ung anak ko,at bago maosipital mama ko na may cancer, ung mensahe na "sa tuwing may bagong darating meron din maiiwanan" tumatak sakin yan pinanganak ung anak ko ka Birthday ko, 4 days after namatay mama ko,di ko alam bakit lagi ko pinapatugtog to bago mngyre un lahat, dko alam kung nagkataon o anuman pero napaka lalim ng mensahe sakin ng kanta na to umakma sa naranasan ko. 🖤🤍

  • @MRBruce-vw2qm
    @MRBruce-vw2qm 5 лет назад +1

    Iba talaga. Solid! Hagdan papuntang venus habang nag aantay sa paliparan nakakita ng mga platitong nag liliparan! Idol talaga!!! Sana maka jam

  • @gens.x019
    @gens.x019 4 года назад

    ``Pinag-kasundo ang asukal at suman``

  • @aetiamsimsaul8342
    @aetiamsimsaul8342 5 лет назад +2

    Sobrang makaka relate ang ofw dito . Sobrang totoo ! Kung may mag tatanong man sakin kung paano ko nabubuo tong personalidad ko malaki ang naging parte ng mga kanta ni ron henley! Salamat sir ron madami kang nasasagip .

  • @perryjohnmanikan6511
    @perryjohnmanikan6511 4 года назад

    Ewan ko ron pero pag kanta mong malungkot kahit masaya vibe mo malulungkot ka paden e haha saet ng kanta mo idol ron

  • @angeliquerufin4599
    @angeliquerufin4599 5 лет назад +1

    Ganda ng kanta pero ansakit sa puso ng lyrics

  • @danrefuncion274
    @danrefuncion274 3 года назад +2

    Ron wag kang tumigil, mauuhaw yung mga naghahanap ng may kabuluhan.

  • @haze300
    @haze300 5 лет назад +2

    Dahil sa mga kanta ni Ron, lalo ko pang gagalingan, gusto kitang higitan! O kung hindi man e mapantayan! Aaahhhh!

  • @jmsoftight8988
    @jmsoftight8988 4 года назад +1

    The best tong si ron henley siya yung middle child ng hiphop sa pinas

  • @xtellearandia381
    @xtellearandia381 2 года назад

    "Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo..."

  • @raymondrivera9725
    @raymondrivera9725 5 лет назад

    ron henley pampawi ng sugat ng puso

  • @werchsley
    @werchsley 5 лет назад +4

    Grabe boss damang dama ko to. Grabe ung metapora. Iyak nako. 😢

  • @poetrysociety409
    @poetrysociety409 5 лет назад +6

    Salamat sa palaging pagiging inspirasyon Pat!!!! isang malamig na RH para sa awiting masakit ni RH

  • @jva7125
    @jva7125 3 года назад +1

    Tanging sa platito lang ang ating tagpuan,
    Sa mundo kung sa'n pinagkasundo ang asukal at suman.
    Waiting for MV of this song idol.

  • @jesusdistor3214
    @jesusdistor3214 3 года назад

    Mzta bro god bless lagi sa mga song's mo idol tlga kita cmula plang alm q idol mo tlga c Eminem...

  • @Hoshi_GG
    @Hoshi_GG 5 лет назад +14

    one of the best meaningful song composer/rapper in pinas! idol ron henley!! ☝💚

  • @dawggmike
    @dawggmike 5 лет назад +4

    Ron does it again!! Thank you Ron! Sa mga kantang pampakalma. God bless you Sir! 🎧

  • @DxHxAxNxIxCxA
    @DxHxAxNxIxCxA 5 лет назад +5

    "Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita?
    "
    This hit me harder than a train could

  • @crisvargas1084
    @crisvargas1084 5 лет назад +1

    Isa sa mga "pinaka" mahusay na makata sa pinas !!! Idoll

  • @walleeee8642
    @walleeee8642 5 лет назад

    Wala ka pa rin kupas Ron

  • @promoves8244
    @promoves8244 5 лет назад

    SOLID TALAGA IDOLO KITA RON SINCE DAY 1 NA NAPAKINGGAN KITA WALANG NAKAPALIT SAYO SAKEN MADAMI MANG BAGO IKAW PARIN PINAPAKINGGAN .

  • @joshuakent9736
    @joshuakent9736 5 лет назад

    Tol ron marami paba kami aabangn sayo na music sana mapanasin mo ito😊

  • @prankcastle4150
    @prankcastle4150 Год назад

    Tangina, siya talaga naalala ko dito. Kaso pinag kaiba, hindi naging kami. Hindi ko rin siya hinatid sa paliparan. Hinayaan ko nlng siyang lumipad kung san niya gustong pumunta. Hangang, tuluyan na ngang sumarado na pintuan naming dalawa.

  • @biansoralmerol4272
    @biansoralmerol4272 5 лет назад +1

    yun nag labas rin

  • @tomatosowss3065
    @tomatosowss3065 5 лет назад

    Masasaktan na naman ako next trip ko Ron 😔

  • @DaniloDelarosa-wo8pi
    @DaniloDelarosa-wo8pi 6 месяцев назад

    Kuya R.henley🍃🍂

  • @sionydizon6838
    @sionydizon6838 4 года назад

    Mabuhay ka ron henley

  • @nitsujmauricio6130
    @nitsujmauricio6130 5 лет назад +1

    Ganda. Idol

  • @whome9421
    @whome9421 5 лет назад

    Buhay nanaman ako sa paniginip 😊

  • @anasenuiq2364
    @anasenuiq2364 5 лет назад

    Grabe 7 years na kitang iniidol, sana masulyapan ka man o makanuod ng isa sa mga gig mo. Sana mag karoon dito sa Antipolo 🙏

  • @wilmarkbiol6131
    @wilmarkbiol6131 2 года назад +1

    "Masyado tayong nagsaya, naniningil ang kalungkutan"

  • @hannahbarcelon4930
    @hannahbarcelon4930 4 года назад +1

    "andami pa nating sinasabi, anim na letra lang ang salitang paalam :) "

  • @edreinejanedemesa2291
    @edreinejanedemesa2291 5 лет назад

    Hanggang tingin na lang sa ulap

  • @larzescobar3354
    @larzescobar3354 2 года назад

    Hanggang ngayon todo balik ako sa mga kanta mo luma at bago at hanggang ngayon talaga di ko magaya yung sulatan mo idol. since day one nung narinig kita di ko na nilubayan mga songs mo sana balang araw makasama kita sa isang kanta more music talaga idol.

  • @zacariascarl4226
    @zacariascarl4226 5 лет назад

    Ang lupit kahit saang dako

  • @ronsicat8391
    @ronsicat8391 5 лет назад +7

    LDR solid maka relate salute idol Ron keep up!

  • @pinkuyasha646
    @pinkuyasha646 2 года назад +1

    whyyyy....WHY??? the timing is just 💘 grabe ang kantang to.. parang ginawa talaga saken 😭 inexplain lang naman ang relationship ko dito. ang sarap mag mura! 😅 hayyy. maka inom nanga habang playing this song on repeat. 😭
    salamat sir Ron for this masterpiece. 💖👌💯💯

  • @markjosephu.briguela5099
    @markjosephu.briguela5099 5 лет назад +2

    Overflowing yung methapors. Grabe. Waiting for Ron x Because. Haaaaay

  • @cheztierleedimplearlos7144
    @cheztierleedimplearlos7144 5 лет назад +3

    I love you Kuya Ron! Ive been listening to your songs since 2012 when I was First Year Highschool. 😍😘

  • @cjaquino2887
    @cjaquino2887 3 года назад

    Mas maganda pa rin yung walang titulo ng kanta neto, solid na solid yon, sana yun ang nilabas ni idol ron

  • @rhealyncamatura1061
    @rhealyncamatura1061 2 месяца назад

    Idol to Ng Asawa ko.. pati nga anak ko bunso .. kapangalan nya 😅 pati petsa ng bday magkatulad ndi lang buwan pero February 20 Ang anak ko si idol Ron Henley ay May 20 hehehe 😂

  • @gabrielalconera6599
    @gabrielalconera6599 5 лет назад +1

    Soundtrip koto araw araw napaka solid tlga grabe sa written si ron henley

  • @jeremiahlavarias6090
    @jeremiahlavarias6090 5 лет назад

    Halimaw talaga king of double meaning

  • @markgeromecasaul9880
    @markgeromecasaul9880 6 месяцев назад

    "Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano kaso sabay sayong paglipad agad itong nagglaho" this one hits me hard

  • @kevinj.ofqueria
    @kevinj.ofqueria 5 лет назад

    Napaka-swerte ko kasi may tenga ako. 🙏

  • @geraldfrancisco4132
    @geraldfrancisco4132 4 года назад

    sana maguest to sa wish haaaays sarap sa ears

  • @nurginda3585
    @nurginda3585 3 года назад +1

    Lidso wow panes ako boom. Hindi sa pagdadrama

  • @itsfridaybokal6222
    @itsfridaybokal6222 5 лет назад +1

    kuya ron idol, MARAMING SALAMAT sa inambag mo sa kultura 🙏🙏🙏 salamat sa stickfiggas 💯💯💕

  • @OnePunchArman
    @OnePunchArman 5 лет назад

    Like agad kahit di ko pa napapakinggan, basta ron henley subok na yan

  • @myloryu6286
    @myloryu6286 5 лет назад

    Parang don't go away ng oasis yung pakiramdam ng kanta habang pinapakinggan ko . Sarap sa tengga lalo na pag nag sesenti

  • @sheena.o1276
    @sheena.o1276 5 лет назад +1

    iloveyou ron henly💙more powers po!

  • @mazzatokawanishi4336
    @mazzatokawanishi4336 3 года назад

    happy birthday ron!

  • @smithymcsmith6751
    @smithymcsmith6751 5 лет назад +3

    he protecc
    he attacc
    but most importantly, he bacc

    • @MATTEYO.
      @MATTEYO. 5 лет назад

      Hindi naman sya nawala madami lang bagong nagiingay sa mainstream

  • @Team_Bingaw44
    @Team_Bingaw44 4 года назад

    Halos laging tag-ulan

  • @raaafasis
    @raaafasis 5 лет назад +1

    Solid

  • @valderamajerome3241
    @valderamajerome3241 5 лет назад

    sa lahat ng artist sa pinas isa si Ron henley na nakilala ko.

  • @jomariesuba9989
    @jomariesuba9989 5 лет назад

    Idol talaga to
    Magiging sikat din ako kagaya mo

  • @calingnikkyart4519
    @calingnikkyart4519 3 года назад +2

    King of double meaning💚

  • @ramirezshaeh6435
    @ramirezshaeh6435 5 лет назад

    Iwabyu Ron 💚

  • @edmonabian5915
    @edmonabian5915 5 лет назад +2

    Solid!!!! Iba ka talaga idol ron💪

  • @guimbalbantayan3459
    @guimbalbantayan3459 5 лет назад

    RIKIIIIIIWWWWWWW!

  • @ramramr4m
    @ramramr4m 5 лет назад

    Tagal rin bago ka sumulat ulit Ron. Salamat! Isa ka sa mga inspirasyon ko para sumulat at maghatid ng mensahe. Sulat lang ng sulat gee. Safe

  • @manueladrias7772
    @manueladrias7772 3 года назад

    kelan kaya tutugtugin sa wish bus to ! solid lyricism !!!

  • @chrisjan3180
    @chrisjan3180 5 лет назад

    yownnn!!! ang pananahimik ni ron ay pagbibigay daan sa iba habang gumagawa sya ng bagong daan para sa kanya at sa mga susunod na uusbong.