[6] Ang Bagong Tipan | Aklat ng mga Taga-Roma | The Book of Romans | Holy Bible

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 21 окт 2024
  • #TheNewTestament
    #JesusChrist
    #Christ
    #Salvation
    Nananabik si Pablo na makapagministeryo sa iglesya sa Roma at alam ito ng lahat (Roma 1:8-15). Isinulat ang Aklat ng Roma mula sa Corinto bago magtungo si Pablo sa Jerusalem upang dalhin ang mga abuloy para sa mahihirap doon. Ninais niya na magtungo sa Roma at pagkatapos ay sa Espanya (Roma 15:24), ngunit nagbago ang kanyang plano ng hulihin siya sa Jerusalem. Sa huli, makakapunta din siya sa Roma bilang isang bilanggo. Maaaring sii Febe na isang miyembro ng Iglesya sa Cencrea malapit sa Corinto (Roma 16:1), ang nagdala ng sulat na ito ni Pablo sa Roma.
    Ang Aklat ng Roma ay isang akat ng doktrina at maaaring hatiin sa apat na bahagi: ang pangangailangan ng katuwiran, 1:18-3:20; ang pagkakaloob ng katuwiran, 3:21"8:39; ang pagpapatibay sa katuwiran, 9:1-11:36; at pagsasanay sa katuwiran, 12:1-15:13. Ang pangunahing tema ng sulat ay katuwiran. Sa gabay ng Espiritu, unang kinundena ang lahat ng tao dahil sa kanilang kasalanan. Ipinahayag ni Pablo ang kanyang pagnanais na ipangaral ang Salita ng Diyos sa Roma. Ito ang kanyang pag-asa upang mananatili sila sa tamang daan ng pananampalataya. Binigyang diin niya na hindi niya ikinahihiya ang Ebanghelyo (Roma 1:16), dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa sinumang sumasampalataya.
    Ipinapahayag sa atin ng Aklat ng Roma kung sino ang Diyos at ano ang Kanyang ginawa. Ipinapahayag din nito sa atin si Hesu Krusto at kung ano ang ginawa ng Kanyang kamatayan. Isinasaysay nito kung sino tayo noong wala pa tayo kay Kristo at kung sino tayo pagkatapos nating sumampalataya kay Kristo. Isinaysay ni Pablo na walang anumang hiningi ang Diyos sa tao bago sila lumapit kay Kristo at namatay si Kristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
    Disclaimer:
    I do not claim any ownership on all the recording and music in this video that I have created. The intention is for promotion use only and does not intend to infringe the rights of the artists/owners.

Комментарии • 42