MGA “TANDA” AT “TINIG NG HINAHON”
HTML-код
- Опубликовано: 6 фев 2025
- MGA “TANDA” AT “TINIG NG HINAHON”
Homiliya Para sa Pandaigdigang Araw ng mga Lolo’t Lola,
Misang Bihilya para ika-16 na Linggo ng KP,
22 Hulyo 2023, Mt 13:24-30
Ang Misang ito ay ang pakikiisa ng Diocese of Kalookan sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga lolo at lola. Ito kasi ang Linggo na pinakamalapit sa Araw ng kapistahan nina San Joaquin at Sta Ana, mga lolo at lola ni Hesus. Salamat kay Papa Francisco, meron na tayong araw na pantapat sa mother’s day at father’s day: ang grandparents’ day.
Sa ating binasang talinghaga sa ebanghelyo, may dalawang tinig tayong narinig: tinig na mapusok at tinig na mahinahon.
Mas tipikal sa mga kabataan ang tinig ba mapusok; sa talinghaga, sila ang mga tauhan ng may-ari ng bukid. Ang alok nilang solusyon para daw mailigtas ang mga trigo at bunutin o puksain ang masamang damo. Hindi ba parang ganito ang dating ng magkapatid na sina Santiago at Juan, nang minsang ayaw silang padaanin ng mga Samaritano sa kanilang bayan dahil patungo sila sa Jerusalem. Sabi nila kay Hesus, “Panginoon, paulanin kaya natin ng apoy ang masusungit na iyan para pugnawin na sila sa balat ng lupa!” Wow, ang init ng ulo. Ang sagot ni Hesus ay, “Maghunosdili kayo. Humanap na lang tayo ng ibang daan.”
Ang ikalawang boses sa talinghaga ang may-ari ng bukid: “huwag magpadalos-dalos, aniya, baka sa hindi ninyo sinasadya pati mga trigo ay masaktan ninyo o mabunot.” Lalo na’t ang masamang damo pala ay hawig na hawig sa trigo.
Sabi ng mahinahon na tinig na amo sa talinghaga, “Ang kaaway ang may kagagawan nito.” Ang kaaway ay si Satanas; siya lang naman ang itinuro sa atin na itakwil, di ba? Sabi ni San Pablo, “Hindi laman at dugo ang kaaway naton sa mundo. Walang binhi ng masamang damo na galing sa Diyos. Ibig sabihin, walang likas na masamang tao dito sa mundo, kahit lahat ng tao may kakayahang makagawa ng masama. Ang mabuting binhi at masamang damo sa kwento ay hindi tungkol sa labanan ng mabuti at masamang tao. Ang tinutukoy niyang labanan ay labanan ng kabutihan at kasamaan sa ating lahat, sa lahat ng tao at sitwasyon. Laging may tunggalian sa pagitan ng Diyos na nagtatayo ng kanyang kaharian at kay Satanas na sumasabotahe sa plano ng Diyos.
Lahat tayo ay pwedeng saniban at paglaruan ng diyablo. Kaya dapat lang na tayo’y maging mahabagin kahit sa mga nakakasakit sa atin. Laging isaisip- “baka may pinagdadaanan, baka wala sa sarili, baka napo-possess…”.
Ang tinig ng hinahon ay mas tipikal sa mga nakatatanda-
huwag magpadala sa silakbo ng damdamin, baka lalong lumala ang perwisyo. Totoo namang nasaktan tayong lahat sa ginawang paglalapastangan sa ating panalangin at sa Poong Nazareno, di ba? Pero kapag nagpadala tayo sa reaksyon ng galit, minsan lumilihis na rin tayo.
May mga tao na ibig talagang magpapansin, minsan kusa siyang mananakit o mang-iinsulto para lang tumawag pansin. “Narcissism” ang tawag doon ng mga psychologists. At kung kailan daw sila pinapansin, mas lalo silang naliligayahan. Ang tinig na mas madalas nating marinig sa mga nakatatanda na mas marami nang pinagdaanan sa buhay ay huwag magpadala sa provocation o pang-uudyok. Huminahon, harapin ang nang-uudyok, at taos-pusong itanong, “Okay ka lang ba?” “Are you crying for help?” “May pinagdadaanan ka ba? May maitutulong ba ako sa ito?” Minsan sa hinahon mas napipigilan ang tindi ng pang-uudyok o provocation. Kailangan talaga natin ang hinahon ng matatanda.
Ewan kung bakit ang salitang elderly- na sa Tagalog ay “nakatatanda”-ay madalas iugnay sa pagiging malilimutin o ulyanin. Hindi ba sa Tagalog ang pagtanda ay kabaligtaran ng paglimot? Opposite ng malilimutin ang matandain. Kaya kung tutuusin maganda ang konsepto natin para sa mga may-edad: sila ang mga deposito ng alaala na kulang na kulang sa mga batang wala pang gaanong karanasan. Ang mga bata at kabataan ang mas madaling makalimot, dahil nga kulang pa sila sa karanasan. Kung nakakalimot ang matatanda, ito’y dahil masyado na silang maraming pinagdaanan, at alam nilang hindi naman lahat ay dapat tandaan. Ang iba’y dapat na talagang limutin. Selective memory ang tawag sa ganyan.
Hindi lang “matanda” ang tawag natin sa nagkakaedad at lalong hindi ito tungkol sa pagiging amoy-lupa. Sila mismo tinatawag natin silang mga “tanda”, ibig sabihin, mga “palatandaan” o mga gabay sa ating lipunan para di tayo makalimot sa ating pinanggalingan at hindi rin tayo maligaw sa ating pinupuntahan. Kaya napakaganda kapag lumaki ang mga apo na malapit sa mga lolo’t lola nila-mahalagang marinig nila ang mga kuwento ng kanilang mga pinagdaanan, mga aral na kanilang natutuhan. Noong bata ako, narinig ko ang mga kuwento ng mga nakatatanda tungkol sa giyera, kaya may halong kaba sa dibdib ko kapag ganitong naririnig ko ang namumuong tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, at ang pagpupuwesto ng America, Japan at Australia dito sa atin para balaan ang China. Tiyak na tayong maliliit na bansa, hindi mga Amerikano o Tsino ang unang mapeperwisyo ng giyera pag nagkataon........
Amen po happy grandparents bishop Ambo salamat sa homily misa ingat po palagi amen
Amen po salamat sa diyos
🙏✌️❤️
Thanks po Bishop Ambo❤
Hello po Bishop Ambo nasa yutube pa po ok naman po stay happy take care of urself love you po amen
It is only with God's grace that we can love those who hurt us.
Lord Jesus Christ, fill us with your Holy Spirit that we may grow in wisdom and knowledge of your love and truth. Free us from stubborn pride and willfulness that we may wholly desire to do what is pleasing to you. Amen.
Homilies always full of wisdom ...makes you really reflect on...I love how you play with your words...how you explain things ...everything starts small 🤔nakasanayan, naging kalakaran ...pattern of behavior ....wow!!! thanks Bishop Ambo...God bless us all🙏😮
Thanks Bishop Ambo!🙏To God be the Glory!Stay safe .
1st part of the homily i see and hear Cardinal Tagle, mid part of it, a dangled Cardinal Tagle and Bishop Ambo… Latter part is the real Bishop Ambo.. God be with you lagi among…
I always love the real Bishop Ambo💪
Thank you Fr Ambo for the inspiring homily 🥰🙏
Maraming salamat po Bishop Ambo sa pagbibigay kahulogan ng mga salita ng Diyos, to God be all the Praises, Thanks, and Glory, Amen!
Happy grandparents day… so thankful to God that I’m a grandparent of 16 grandchildren….thank you ho, Bishop David for giving us,pagpapahalaga , even old. Amen
Yun ang nangyari bakit nanalo ang pinuno ngayon. While we were sleeping aktibong gumagalaw ang ambisyosong tao upang magtanim ng masamang damo. Hanggang very late na ang lahat.
ϟ 𝚃𝚛𝚞𝚝𝚑 ϟ
#StopTheKillingsPH
Pinupuri ka namin panginoon Hesukristo, itong sasabihin ko po, ay lahat ay nangyari sabi kuna ngaay hindi ko masasabi kong hindi nangyari sa akin po,noong umiwi na ako dito, sa amin ay, sa mindanao, ay wala na akong trabaho, kaya ang ginawa ko po, para magkapera ako ay sumasama na lang ako ng aking pamangkin, ng magtinda sa school, ng mga pagkain, stock ng mga bata, habang nagtitinda po kami ay hindi alam kong napansin ng pamangkin ko ang ko, ang dalawang helicopter, na pabalikbalik, dadaan ng umaga sa amin,babalik nanaman ulit duha sila kabuok, kinabukasan ulit nagtitinda nanaman kami, ganon din ang nangyari,busis palang ng helicopter bago makadaan sa amin ay anong tagal bago makadaan or makaakyat sa himpapawin ay utak isip ko ay itinutulak pa ng ahas na hayop, ang helicopter, utak isip ko po ay isang malaking Cobra,malaki as in na itinutolak ang helicopter. Pataas,grabe ang mga pangyayari sa utak isip ko po, noon 2012 nasa quezon province,ako anong sumunod na taon, grabe yong 2013, mga ahas naman yon nasa utak isip ko, utak isip ko ay nasa Bacolod pa nangyari ang helicopter na itinataas ng ahas na cobra,tunay po itong nanyari sa aking buhay,hindi ko yan masasabi,sa tunay na buhay ko ay hindi ako takot ng Ahas, pagmakita ko yan tunay na pinapatay ko, at napapatay ko talaga kahit anong uri ng ahas,pagnakita ko ay tunay patay agad yan, naghahanap ako agad ng paraan papaano ko siya mapatay kay sa ako ang mamatay,dito naman tayo ng helicopter,noong kasagsagan ng pandemic, anong dami helicopter, utak isip ko ay, ang my ari, ay yong katulong ng hapon, sa ayala alabang, tunay na pinagtagpo kami ng panahon,sino makapagsabi, nakaalis na ako sa ayala alabang, bakit talaga akoy ipabalik2 din, sa loob,kahit mataga na ito ay ito ang pulot dulo ng aking mission, noong nakilala ko siya ay saka pa ako tuloyang nakaalis sa ayala alabang, kilala kuna siya, kong gumalaw ng mga kulay, ma yellow man yan or madilao ay si inday mae yan suarez, bkit kayo nagpakatulong magkakapatid kong ang tawag sa inyo ay mga inday Lurena, inday Mae, inday Belen, day judgie, mga inday pala kayo, mga inday sa Bacolod ay mga yayaman, bkit kayo nagpakatulong,kong tawag sa inyo ay inday, para magkita ba tayo,ano na kayo ngayon sino yong pinauwi mo inday mae, kamay moyan jan nakita ko sa unang hirit, my umuwi nababai galing sa ibang bansa bagong upo, palang noon si Mr, Duterte,Ginoo, sino yong umuwi nakapuro itim na damit na mata lang ang nakikita, nga nag wara2 ka ng iyong kamay, nakilala ko ang kamay mo Mrs Nakani sang kuno,ilang bisis yon, paulit sa TV, ng Unang Hirit,pakaway2 ka, kilala kita,kahit kuku mo ng iyong paa, ay kilala ko,kamay mo yon, sa mga ginagawa mo ay tingnan mo ngayong ang panahon at ang mundo, umayos ka, utak isip ko Homily yan,nakasama na jan ang Bible, ako lang mag isa pero gilabang ko tunay na tunay ang aking tamang mga gawa, kahit akoy masisiraan na ng bait dahil sa imong mga gawa, my roon pa kong lkaw yan ngayon anong bus, noon bagong upo, palang si Mr, noynoy Aquino, mga sundalo nayon utak isip ko sondalo, nagtrabaho kamkrame manila asawa siya ng pinsan, utak isip ko, nakillala mo ang pinsan kong sondalo sa camkrami, pangalan niya ay si Mr, Danilo or Danny Bago, sa iyong mga ginagawa Mrs, Nakani sang or Mae Suarez, ay ini isaisa yan sa utak isip ko, alam ninyong magkakapatid kayo na gi read nga ko sa ayala alabang na hindi ko alam ang kanilang mga gawa, bago mae suarez or mrs nakani sang sa iyong bahay ako Denala mga pulis, alam ninyog yan masama sila, itong lahat at tunay na ipapasabi sa akin, utak isip ko po, itong lahat ay gilaban ko, sa kanitong paraan ay masasabi ko buong nangyari sa utak isip ko noon 2012, hanggang ngayon, Homily January 1 -2012,🌳🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏,