Buhay-estudyante Talumpati

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 7 сен 2024
  • Isang magandang umaga sa ating mga guro, mga bisita at mga mag-aaral.
    Hindi lamang pag-aaral ang inaatupag ng isang "estudyanteng" katulad natin at hindi lamang sa paaralan umiikot ang ating buhay. Mayroon pa tayong iba't ibang responsibilidad sa bahay, sa simbahan, sa lipunan, at sa sarili.
    Hindi madali ang maging estudyante. May mga araw sa paaralan na hindi natin maunawan agad ang mga araling tinalakay sa klase. Natatambakan tayo ng mga gawain sa paaralan. Mabilis tayong matukso na magbabad na lamang sa social media at sa iba pang distraksyon imbis na matupad ang ating mga gawain pag-uwi sa bahay. Madalas tayo magprocrastinate at magCRAM. Kasabay ng lahat ng ito, ang ilang estudyante ay mga manlalaro din sa iba't ibang isports. Ang iba, may mga club na sinasalihan at inaasikaso at ang iba naman, malayo ang biyahe mula sa paaralan hanggang sa tirahan. Paminsan-minsan, pumapasok sa ating mga isip ang mga tanong, "Ano ang kukunin kong kurso sa kolehiyo? Paano na ang buhay ko pagkatapos ng pag-aaral?" Mayroon din tayong mga responsibilidad sa bahay katulad ng pag-aalaga ng mga kapatid, mga gawaing bahay, at pakikisama sa pamilya. Kasama rin siguro sa ating mga To-Do na listahan ang ating mga responsibilidad sa simbahan.
    Ang lahat ng ito ay pagsasabay-sabayin natin ngunit, dapat may nakalaan parin na oras para sa sarili at sa pagpapahinga. 'Wag nating lalagpasin ang ating makakaya at 'wag natin papabayaan ang ating pag-aaral. Dapat natin inuuna ang mga bagay na mahahalaga at mayroon tayong disiplina at determinasyon sa sarili.
    Sa sarili kong karanasan sa mataas na paaralan, araw-araw akong bumabiyahe ng Bae mula sa San Pablo. Marami talagang bago at mahihirap na tinatalakay sa klase, gawain sa paaralan, iba't ibang klase ng proyekto, at mga pagsusulit. Sinisikapan kong gamitin ng mabuti ang lahat ng aking libreng oras sa paaralan na matupad ang mga takdang aralin upang magkaroon ng oras para sa pamilya, sa Diyos, at sa sarili pag-uwi sa bahay. Nagtitiwala at nagdedepende ako sa ating Maykapal sa lahat ng ginagawa at pinagdadaanan ko. Sa tabi ng lahat ng bigat ng loob, kahirapan, at pagod, alam ko na tutulungan at gagabayan Niya ako. Kaya kayo, lahat tayo, kakayanin natin ito. 'Wag natin isipin na isang abala ang pag-aaral. 'Wag din tayo matakot na abutin ang ating mga pangarap at 'wag na 'wag tayong susuko. Ako po si Keona Aranguren, at ito ang buhay ng isang estudyante. Maraming salamat po at magandang hapon.
    Ipinasa ni: Keona G. Aranguren
    Ipapasa kay: G. John Carlo C. Cabilao

Комментарии • 47