MULA SA ISANG PANGARAP (composed by Sr. Ma. Cecilia, OMHS)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 21 окт 2024
  • Ang kantang ito ay sariling komposisyon ni Sr. Maria Cecilia Ana Lea de Silva Cariño para sa Santa Maria Virginia na Matriarka at Pundadorya ng aming Kongregasyon na Order of the Missionaries of the Holy Spirit Sisters, Inc. kasama ang kanyang anak na Obispong tagapagtatag din ng simbahang Apostolic Catholic Church (ACC). Sa napakagandang halimbawang ipinamalas ng aming Pundadora at Matriarka bilang Banal na Luklukan ng Santissima Trinidad na nagbigay ng sigla at pag-asa sa mga taong makasalanan at nais magbalik loob bilang instrumento ng Diyos sa Kanyang Ikatlong kaganapan bilang Diyos Espiritu na nagpatawag sa Mahal na Ingkong. Sa katauhan ng Santa Maria Virginia ay nakasalamuha, nakausap, naramdaman naming tunay ang presensya at pag-ibig ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong. Ayon sa buhay na dinanas ng Mama, Santa Maria Virginia simula nung siya ay bata pa hanggang sa kauli-hulihan ng kanyang buhay ay ganap na pagdurusa, pagpapakasakit, pagtitiis at pagpapakumbaba ang kanyang isinabuhay sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kung kayat minarapat na tawaging Santang Buhay at Banal na Luklukan ng Santissima Trinidad at ng Mahal na Inang Birheng Maria. Sa napakahirap na kalagayan ng istorya ng buhay ng Mama, Santa Maria Virginia ang nais Niya'y maglingkod sa Diyos ng kanyang buong buhay sa pamamagitan ng pagmamadre na ito nama'y tinutulan ng kanyang Ina at pilit na pinakasal sa lalaking di niya man nakita at nakilala. Tutol man ang kanyang kalooban ay taos puso niyang tinanggap ang naisin ng Ina at dahil sa takot niya sa Diyos na kailangang mahalin, igalang at sumunod sa mga magulang. Sa pagsunod sa kanyang Ina ay tunay na paghihirap, at pagtitiis ang sinapit niya sa piling ng lalaking pinapakasal sa kanya ng kanyang Ina. Sa kanyang pagkabata ay namatay ang kanyang ama na di man niya nakita at nakilala at siya ay lumaki sa piling ng kanyang Impo at tiyahing nag-alaga sa kanya dahil ang kanyang ina ay hindi sanay sa pag-aalaga ng bata at siya ang pinaka bunsong anak nung mamatay ang kanyang ama. Ang winika niya sa amin, kung sakaling sa iba naganap ang buhay niya maaring sasabihin ng iba na "hindi paniniwalang may Diyos" dahil sa sobrang pasakit na kanyang dinanas.
    Kung kaya't ang kantang ito ay inihanda para awitin mismong ng madreng lumikha kasama ang mga madre ng Order of the Missionaries of the Holy Spirit Sisters sa pagdiriwang ng Ika- 28 walong anibersayo ng pagkakatatag ng Kongregasyon. Na ang Santa Maria Virginia na dakilang layunin ay maging isang tunay at banal na madre na hindi niya natupad subalit nung gamitin siya ng Diyos at Mama Mary ay higit pa sa pangarap ang kanyang natamo at sa pagkakatatag ng Kongregasyon ng OMHS Sisters ay nagdulot ng napakalaking kasayahan sa kanya at winika niya na "Ako'y bumata ng 40 anyos na dahil sa inyo ay natupad ang aking pangarap na maging madre.

Комментарии • 19

  • @HeavensLinkPH
    @HeavensLinkPH 2 года назад

    Our Lord BELOVED INGKONG - God, The Mother - thank you for coming back. Please help and protect us together with our family in the Judgement Day 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @chelenkang838
    @chelenkang838 10 месяцев назад

    Mahal na Ingkong us for me you still alive untill now.
    I Love you somuch
    💋💋💋💖💋💋💋🙏😇🙏🙏

  • @mhonferari
    @mhonferari Год назад +1

    Ave Maria Purisima, Binabati ko po ang ating pinakamamahal na Mamang ngayon December 30, 2022 ng Happy Birthday!!!😀🎆🎉

  • @angelicacabintoy1486
    @angelicacabintoy1486 Год назад

    Nakakamiss ung mga ganapan nun😢😢

  • @EdwinEvanghelista-vz4hx
    @EdwinEvanghelista-vz4hx Год назад

    Gandq ng compose mo sister Cecilia pati boses mo di nagbabago ❤️

  • @roverosafessler8017
    @roverosafessler8017 3 года назад +1

    AVE MARIA PURISSIMA SIN PICADO CON SU VIDA ♥HALLELUJAH, HALLELUJAH, HALLELUJAH ♥ 🙏🙏 🙏

  • @irenebatucan3337
    @irenebatucan3337 3 года назад +1

    Good job po. Ganda po ng kanta

  • @sylviaacebedo1728
    @sylviaacebedo1728 3 года назад

    Ang sarap naman sa pakiramdam,

  • @arlenetenorio3100
    @arlenetenorio3100 3 года назад

    Napakagandang kanta nakakatindig balahibo. maraming salamat po Mamang Sta. Maria Virginia.♥️😘

  • @maryanngalbizo4127
    @maryanngalbizo4127 3 года назад

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

  • @jimmymaluya3458
    @jimmymaluya3458 3 года назад

    💞🙏🙏🙏

  • @ginasmonte3824
    @ginasmonte3824 3 года назад

    Wow! Ang ganda naman po very inspiring! Thank you for sharing..

  • @mariacirilaenricoso8835
    @mariacirilaenricoso8835 3 года назад

    ❤❤❤

  • @janicecaspe2496
    @janicecaspe2496 3 года назад

    ❤️❤️❤️
    Advance Happy Mother's Day po Ma

  • @donitaalexandria7179
    @donitaalexandria7179 3 года назад +1

    😍😍😍

  • @christianmandi215
    @christianmandi215 2 года назад

    ganda ng kanta , mga kulto po ba ito ? paano po cya naging santa ?

    • @angelicacabintoy1486
      @angelicacabintoy1486 Год назад

      Hindi po kulto yan..kaya po ganyan ung mga suot kase po isang pgkilala ky jesus s kanyang ina na c maria..kung kilalanin nyo at makita s personal mamangha po kayo ❤❤❤

  • @mariacirilaenricoso8835
    @mariacirilaenricoso8835 3 года назад

    ❤❤❤

  • @anndiaz9398
    @anndiaz9398 3 года назад +1

    ❤❤❤