Where The Trail Ends: Sagada-Abra-Ilocos backdoor bikepacking
HTML-код
- Опубликовано: 7 фев 2025
- Nangyari itong lakad namin nuong katapusan ng Agosto 2017 mga ilang buwan lamang makalipas nuong nagbikepacking naman kami bandang Hunyo 2017 na tinawag naming Beast of the North dahil nuknukan ng hirap ito. Mapapanuod ninyo ang Beast of the North ride dito: bit.ly/2SRMG10
Early 2017 may nabalitaan kaming ginagawang daang daw mula Besao, Mt. Province, papunta ng Abra. So bago pa masemento ng tuluyan ang ruta, dahil offroad trails talga ang aming hilig sa pagbibisikleta, ay pinlano na naming bisitahin at mai bike ang lugar.
Napaka ganda ng ruta at halos walang dumadaan sa kalsadang pagitan ng Mountain Province at Abra. Solo namin ang lugar.
Ito ang aming ruta ng 4 na araw ng pagbibisikleta
Day 1: Sagada - Besao Poblacion - Dandanac, Besao
Day 2: Dandanac - Pananuman - Tubo, Abra
Day 3: Tubo - Bangued, Abra
Day 4: Bangued - Vigan, Ilocos Sur
Sa maiksing pelikulang ito at makikita ninyo ang iba't-ibang kundisyon ng mga kalsada na aming dinaanan. Sinubok kami ng landslide sa aming ruta na kinailangang buhatin ang mga bisikleta.
May kaunting semento sa umpisa, ngunit paglampas ay offroad na ulit hanggang malapit sa Tubo, Abra. Inulan kami ng ilang beses nuong malapit na kami sa Abra. Ang aming paglalakbay ay natapos sa Vigan kung san kami ay namasyal sa Calle Crisologo at kumain ng napakasarap na Ilocos Empanada.
Yun nabanggit sa umpisa ng video na ride namin with Dean na Beast of the North ay dito ninyo mapapanuod kung san 5 araw kami nag bisikleta paikut-ikot sa mga kabundukan ng Vizcaya at Benguet: bit.ly/2SRMG10
Subscribe sa ibang social media accounts ko for more adventures:
Fb - www.Facebook.com/mtbikeviews
Fb group - Adventure Cycling Philippines
Instagram - mtbikeviews
RUclips channel - Dru Kal mtbikeviews
Music:
www.purple-planet.com
Ang hardcore naman ng rota niyo boss , halos off-road at gagawin pa lang ibang daan. Abra via Bontoc, Balbalan, Kalinga kami pero halos paved na mga daan. Good job sir and thanks for showing new trails sa CAR.
Nun nalaman namin may ginagawang daan na dun ay pinlano na namin butasin sir hehe
The best ever na mountain biker in the Phils.
Salamat ng marami sir! Best poser po pwede haha
ang galing sir
sana magawa ko din to. 🙃👌
Kaya yan sir!
Wow me lusutan pla jn sa sagada diretso ng tubo .. abra 👍
Meron sir, last year namin ginawa yan baka mas marami nang cemented parts ngayon.
I subsc kita sir .. hope maikutan nyu din yun neuva era to abra road .. tnx s video mo👍
@@itnegak6545 thanks sir, add me sir sa fb para makahingi ako tips sa route na yan sir: Dru Kal. Thanks!
kamusta na kaya itong ruta na ito. another bike it list
Marami na gumaya sa ruta na yan, pero sa ngayon sarado pa yun ruta ata. Need magpaalam sa Besao police bago mag proceed dian, kase may 2 pinatay dian before the pandemic. Muntik magka tribal war dian.