"KAMATAYAN" | A True To Life Ghost Story | Narrated By: Ang Pulang Dragon Of Ms. Sunako

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 окт 2024
  • "Magandang gabi po Miss Sunako at sa lahat ng taga pakinig ng Pulang Dragon, ibabahagi ko lang sana ang aking karanasan 12 taon na ang nakararaan. Ako nga po pala si Jaydee Cabugayan tunay ko pong pangalan. Nangyari po ito noong Oktubre taong 2011, kasalukuyang nasa isang pribadong ospital si papa dito sa Trece Martirez Cavite sa kadahilanang inatake sya sa puso buhat narin ng kanyang sakit na diabetes. Miss Sunako hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa, nasa ICU si papa that time kaya limitado ang pagbisita namin sa kanya, noong oras na ng dalaw ay agad akong nagtungo sa ICU para kumustahin si papa. Hinabol pa nga ako ng nurse on duty kase hindi pala ako nakapagsuot ng hospital gown na syang ginagamit sa tuwing papasok sa ICU. Pagpasok ko tulog si papa, hindi ko sya makausap kaya't hindi ko namalayan na nakaidlip nadin ako. Naalimpungatan ako kase yung katabi ni papa sa ICU umuungol, papalakas ng papalakas hanggang sa naging palahaw. Nagtaka ako kase bakit wala pang nurse na dumarating para i check yung matanda, kita ko yung matanda mula sa kinauupuan ko kase tanging tabing lang ng manipis na kurtina ang syang nagsisilbing dibisyon ng bawat pasyente. Bukod tanging boses lang nya ang naririnig ko sa ICU kaya parang naiirita narin ako at may kasamang pagkainis, paghawi ko sa tabing na kurtina ay tumambad sa akin ang isang matangkad na anino. Itim na itim sya at parang naka taklob ng itim na tela ang buong katawan, noong oras na yon iisa lang ang pumasok sa isip ko. "Nakita ko mismo si kamatayan" noong mga sandaling iyon ay parang mahihimatay na'ko, hindi ako makakilos at makapagsalita. Para bang napipi ako? Kitang-kita ko kung paano nya dukutin ang kaluluwa ng matandang naghihingalo. May lumabas na puting usok sa katawan ng matanda at bigla silang nawala, nahilo ako pagtapos non at nagising nalang sa paulit-ulit na pagkalabit ni papa sa balikat ko. Umaga na pala at hindi ko namalayan, hindi ko na ikinuwento pa kay papa ang nasaksihan ko kinagabihan. Ayaw kong maparanoid sya dahil don, namatay yung matanda dahil hindi na nakayanan pang irevive ng mga doktor. Nakatubo narin kase sya at tantya kong aparatos nalang ang bumubuhay sa kanya. Nakakaawa pero nakakatakot parin, sya nga pala Miss Sunako wala nadin si papa noon ding taon na iyon. Pa! Alam kong masaya kana kung nasan ka man ngayon, mahal na mahal kita! Sana po ay mai narrate nyo ang kwento ko maraming salamat at more power sa channel mo."
    #horrorstories
    #horrorstory
    #ghoststories
    #ghoststory
    #ghost
    #creepy
    #creepystories
    #grimreaper
    #creepytales

Комментарии • 1