APAT NA MAG KAKAPATID NA MUSMOS PA LAMANG NAMUMUHAY NG SILA LAMANG!NASAAN KAYA ANG KANILANG MAGULANG

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 12 сен 2024
  • PLEASE DON'T FORGET TO LIKE,SHARE AND SUBSCRIBE !#Pugongbyahero #OFW🔴Message us on Facebook www.facebook.c... solar order pls message us here / lol

Комментарии • 4,3 тыс.

  • @PugongByahero
    @PugongByahero  Год назад +2033

    Maging maingat po tayo sa ating mga komento,Panoorin po hangang huli.Maraming salamat po paki like nga po mga kababayan❤

  • @jaelissajaeger9634
    @jaelissajaeger9634 Год назад +40

    Seriously,this makes me cry ..A true Mother will conquer the world for her children !!Thanks to the concerned people in the area..I’m proud of the boy to take care of younger siblings..Thank you PB team for visiting them..God bless and May the blessing shower to these poor children.

  • @nineironricecake4617
    @nineironricecake4617 Год назад +219

    Nakakaiyak . . . Survival of the fittest talaga. Saludo ako sa bata,matalino,mapagmahal sa mga Kapatid,mabait at alam ang responsibidad sa murang edad.

    • @floridaaguada4216
      @floridaaguada4216 Год назад +12

      Oo nga mabuti na lang at my blogger na tulad ni Sir P.B para matulungan ang katutubo😢

    • @maribelyambao8292
      @maribelyambao8292 Год назад +16

      Sir Paul ipagawa niyo rin po yung bahay nila.God bless Pb team

    • @cayamonauba5238
      @cayamonauba5238 Год назад +5

      Maraming2× Salamat po nahanap niniyo sila ,,,, iyan Ang Dapat Tulongan .... ingaaaatan ka Ng Diyos sir PAUL Para matulongan mo lahat Ang nasa layLayan or mahirap na mahirap na manga katutubo💓 Salamat din SA lahat Ng PB team Davao at SA lahat Ng PB team luzon Visayas Mindanao

    • @emilycarpena2813
      @emilycarpena2813 Год назад +2

      Kawawa nman eh... ingat o kau sir Paul at s buong PB team..

    • @mariviccaceres7030
      @mariviccaceres7030 Год назад +7

      Napaiyak aq dito sa segment 😢😢😢...hirap Ng malayo SA magulang ofw KC aq..no skip ads sir Paul from cyprus

  • @MaryjeanVictoriano
    @MaryjeanVictoriano 14 дней назад +1

    Tulo luha ko dito.sila ang deserve na matulungan.kuya paul.

  • @ohim.24
    @ohim.24 Год назад +72

    Di ko npigilang umiyak lalo na nung bumigay na sa pgiyak c kuya nla. 😢😭 Npakabait na kuya at mpagmahal sa mga kpatid. ❤Sna po may tumulong na mpagawa ang knilang bahay at may mag-sponsor sa pag-aaral nya. 😢💔 Salamat po Sir Paul at npuntahan nyo ang magkakapatid na ito.🫡👍🏼Godbless everyone!

    • @lifeofanofw2641
      @lifeofanofw2641 Год назад +3

      Ako rin huhuhu, nakakaantig ng puso, imagine sa kalalaking tao at menor de edad, naging tatay at nanay na sya sa.kanyang mga kapatid

    • @raquelambal3434
      @raquelambal3434 11 месяцев назад +1

      Naiiyak ako habang pinapanood si kuya sana bumalik na mama nila sir sana gawan mo rin sila ng bahay para kay kuya god bless kuya

    • @user-fc8kb6nl1y
      @user-fc8kb6nl1y День назад

      salamat sir paul sa tulong mo sa mga batang naulila sa mga magulang na inabanduna harinawa pagawaan nio cla ng bahay at suporta salamat at pagpalain kau lord god bless at all .❤❤❤😂😂😂

  • @ReyneJaneCacdac
    @ReyneJaneCacdac Год назад +44

    Sana mapaayos ung bahay nila at makabalik na din sa skwela ung panganay nila pagdating ung nanay nila, more god bless ka pugong byahero and your team.

  • @merlindacosa3902
    @merlindacosa3902 Год назад +35

    Ingat po lge sa bawat misyon Sir Paul at mga sisterrets ,,wala aq pinapalampas n vlogs mo and no skipping of ads pra sa mga katutubo,,we love you Pugong Byahero❤️🙏

  • @MindaMariposque
    @MindaMariposque 11 месяцев назад +10

    Napaiyak ako, npkabait n kuya naalala ko nong mga bata p kmi, parang ganyan din, 3 din kmi hiwalay din mga magulang nmin, ako din tumayo n ina at ama, kaya naiyak ako, sana maytumulong na mapabahayan sila kahit maliit lng, para di sila mabasa ng ulan at makapagaral c Roel napakabait n kapatid, God blessed Sir Paul at buong team, ingat kayo palagi, kayo nlng ang mga mahihirap mating kababayan, walang pagasa ang gobyerno n matulungan sila, kc d man sila nkkarating s mga liblib n lugar., Proud Pugongbyahero,, ❤❤❤

  • @boomboom1718
    @boomboom1718 Год назад +54

    Deserve ng mga batang to ang tulong..lalo sila lang at walang maguLang..thank you sa ngoost para mkarating sa pb team ang mga batang to at natulungan❤❤❤

  • @emeliemanly
    @emeliemanly Год назад +95

    Thank you Sir Paul at napunta ka dyan sa apat na magkakapatid again hulog ka uli ng langit sa kanila ! Sana mapabahayan din sila , nakakaawa naman ! Doon sa mga sponsors na may malaking puso sana mstulungan itong magkakapatid !

    • @remysnavarro47
      @remysnavarro47 Год назад +3

      Silent viewer ako at palagi nanood sa mga vlog nio pagtulong at maraming salamat at ginawa kayong kasankapan mahanap ang gaya nilang karapatdat tulongan mabuhay kayo pb team ipagoatuloy nio po yan

    • @rosariosanjuan-tw8md
      @rosariosanjuan-tw8md Год назад +4

      Yan dapat Ang tulungan

    • @user-jm9zc5zk2o
      @user-jm9zc5zk2o Год назад +3

      Good eve sir Pul sana mapabahayan din po sila ng medyo malapit lapit sa paaralan nila kawawa naman yong apat na bata.ako kahet anong hirap ko dko talaga iniwan ang dalawang anak ko.kahet isang nodle nalang ang pinagsasaluhan namin tatlo.tuloy parin at buhay ginawa ko nag aral ako ng massage therapy kasama kasama ko ang bunso ko sa awa naman ng pangenoon ng nkatapos ako.yon doon na nag umpisa kahit papaano gumiginhawa ang buhay.dahil ang asawa ko magpala man oh hinde dahil sa besyo alak.segarilyo.

    • @user-jm9zc5zk2o
      @user-jm9zc5zk2o Год назад +2

      Kaya relate talaga ako sa mga daanan ko din ang hirap nila.alam ko marameng maaantig na puso sa inyo mga anak laban lang buti magpasasalamat ako kay sir Pul at napuntahan .God bless you all laging mag ingat PB team.saludo ako sa inyo

    • @welmacubilo7992
      @welmacubilo7992 Год назад +1

      Salamat Sir Paul pinuntahan nio magkakapatid 😢😢😢 Godbless Pugong Byahero team Luzon Visayas at Mindanao ❤❤❤

  • @remiebruns5900
    @remiebruns5900 Год назад +6

    Nakaka iiyak ang sitwasyon ng mga bata sakripisyo ng isang ina para sa mga anak. Laban lng ate Marlyn

  • @tharnasarnichthys7808
    @tharnasarnichthys7808 15 дней назад +1

    Gwapong bata, 15yo pa lang marunong na sa buhay, pero ang inaalala ko yung kaligtasan nila kc may hawak na pera, paano kung may masasamang loob at saktan sila sana man lang may guardian sila...God bless you Ruel.

  • @myluckygecko5859
    @myluckygecko5859 Год назад +122

    Ang bait ng batang si Ruel sabi pa niya 'SALAMAT SIR ANG PANGINOON DIOS NA LANG ANG BAHALANG MAGBIGAY BLESS YOU SIR PAUL IN RETURN' ang dami kung luha.

    • @JunettaBoado
      @JunettaBoado Год назад +12

      Salamat sa pagtulong nyo sa mga Bata.Naluluha Ako habang pinapanood ko.Sana makapag isip isip Ang ama para mabuo Ang pamilya nila o kung di na samahan Muna Ng kanilang Ina dahil inuubo Ang mga Bata at may sponsors sana na mapaayos Ang Bahay nila.Ingat kayo lagi mga Bata at Pugong Byahero.Sumainyo lagi Ang patnubay Ng Diyos.

    • @daisytravero8389
      @daisytravero8389 Год назад +3

      Mahusay si sir paul mg advice katulad ni sir techram

    • @gloeyluto9696
      @gloeyluto9696 Год назад +1

      kaya nga, first time ko marinog na may pasalamat na ganun.. wawa man mga bata inuubo sa lamig yan eh

    • @bryantscott3055
      @bryantscott3055 Год назад +1

      Aq dn habang nanonood aq naiyak aq.d kami mayaman pero nabibili naman namin ang gusto namin makain.

    • @fhetuscano8531
      @fhetuscano8531 Год назад +1

      Maraming slamat kuya paul s pgtulong mgkakapatid n walang mgulang sana mtulungan m din mgkabahay ang mgkakapatid ang bait ng panganay n c ruel❤❤❤

  • @almyco1271
    @almyco1271 Год назад +20

    Sana ISA sila matulungan s pabahay kht Kubo Lang importante safe sila at Di mabasa Ng Ulan Sana matulungan sila😔

  • @elizabethlaxamana599
    @elizabethlaxamana599 Год назад +70

    Sobrang nakakadurog ng puso ang mga batang ito.maagang naging amat ina sa kanyang mga kapatid.maging matatag ka anak ikaw ang panganay .salamat sir paul napakabuti ng puso mo sa mga kapos palad.

  • @helenolviga9969
    @helenolviga9969 11 месяцев назад +10

    hindi ko napigilan ang umiyak sa magkakapatid na ito,napakabuting anak tumayo pa syang nanay at tatay sa mga kapatid nya,may awa ang dyos roel ipagpatiloy mo lang kabutihan mo sa mga kapatid mo at laging tumawag sa panginoon thank you sa team pugong byahero sa pagtulong at naway may mabubuting kalooban na tumulong sa kankla para mkapagpatayo ng khit maliit na bahay basta hindi d cla nababasa ng ulan..

  • @carmelamacaraeg313
    @carmelamacaraeg313 Год назад +16

    Ramdam ko ang pakiramdam ng batang ito bilang panganay napaka hirap maiwan ng magulang at akuin ang responsibilidad ng magulang parang napupunit ang puso ko.thank you sir Paul at nandyan ka po para matulungan sila

  • @quely9036
    @quely9036 Год назад +23

    😭😢dko namalayan tumulu din luha ko nong naiyak na ang bata sa Perang binigay ni sir paul laking tulong na yan para sa kanila sana may mag sponsor para sa bahay nila at pangkabuhayan para sa nanay para mag stay sya at hindi sya mapalayo sa mga bata nakakaawa sila subra at sponsors din para sa pag aaral nila🙏🙏🙏🙏
    Always Thankful to you sir paul and team specially po sa mga mababait na sponsors.God bless you all po🙏

  • @janettangchor4268
    @janettangchor4268 Год назад +118

    Napakaswerte ang nanay ng batang ito na at his young age eh napaka-responsible at mabait...lalaki pa siya. Sana ipagpatuloy mo pag-aaral mo Roel iho.

    • @shengyatin3041
      @shengyatin3041 Год назад +2

      kaya nga po ka gwapo pa nmn mabait na bata..Thnx God jn c PB TEAM.❤❤❤❤❤❤

    • @merliedaoa2634
      @merliedaoa2634 11 месяцев назад +1

      Naway gabayan kayo n God sa araw araw at ligtas palagi lalona sa gabi😢❤ salamat sir Paul nakakaiyak😢😢 naway balikan mu sila air Paul mapaayos ang bahay nila🙏🙏🙏

  • @larrysamson648
    @larrysamson648 11 месяцев назад +7

    Subrang laking biyaya ang isang katulad mo pugong beyahiro. Marami pang darating na swerti sa buhay mo. God bless more.......

  • @lynpajel32270
    @lynpajel32270 Год назад +5

    Sana may mag sponsor na mapagawan sila ng bahay para safe sila at di mabaabsa ng ulan.Nakakaawa ang mga bata,buti nalang marunong ang panganay at naaalagan ang mga kapatid nya...God at more bless sa inyo sir Paul.gabayan kayo palagi sa mga misyon nyo kayoñg pbteam davao.#ilovekatutubo❤

  • @neldamanib3628
    @neldamanib3628 Год назад +17

    Magandang Gabi sir Paul habang nanuod ako sa kuwento ng Bata umiyak ako mahirap ang walang magulang mag alaga bilib ako Kay towel maronong sya mag bdjet sa pera mabait na Bata mabuti yong nanay Nila kahit iniwanan sila ng mama Nila pero na ka suporta parin❤❤❤❤❤👋👋

  • @lanieromerolegal538
    @lanieromerolegal538 Год назад +5

    Natulo luha ko,basta naawa ako sa kanila,sana sir Paul matulungan niyo po sila,mapatayuan ng bahay,at mapakag aral po silang lahat, God bless always team pugong BYAHERO

  • @DoloresDiotay
    @DoloresDiotay 11 месяцев назад +1

    ❤maraming a man sigurong paraan sa hanap Buhay para lang Hindi maiwan ang mga bata kawawa talaga mabuti na man mayrung good job pb team gabayan po kayu ng panginuon❤❤❤

  • @rayacandyj9722
    @rayacandyj9722 Год назад +14

    Sana ma rescue agad sila. Sana mapabahayan sila kasi sirang sira na talaga ang bahay.sana matulungan sila aged SIR Paul

  • @aliciacayanga6659
    @aliciacayanga6659 Год назад +154

    Nakakadurog ng puso ang pag iyak niya na talagang tagos sabpuso angbpasasalamat niya,ramdam sa puso niya ang hirap na dinadanas nila, sana mag aral pa at ng matupad pangarap niya.. uwi ka na nanay at ng magabayan mo mga anak mo.. salamat PB team sa kabitihan niyo at sa mga sponsors na di nagsasawang tumolong mabuhay kayong lahat ❤

    • @melaniepangarap1942
      @melaniepangarap1942 Год назад +5

      Kakaiyak po sobra😢

    • @taurus5483
      @taurus5483 Год назад +1

      😭💔

    • @Bingkay2
      @Bingkay2 Год назад +2

      Soon true. Naiyak din po ako. 😢

    • @Bingkay2
      @Bingkay2 Год назад +2

      Sooo true. Naiyak din po ako.😢

    • @lowelljanelibay262
      @lowelljanelibay262 Год назад +6

      Subrang nkakaiyak po nkkaawa cla.sna may mag sponsor na mag paaral at mgaqawan Ng bhay

  • @gurodeboholano2136
    @gurodeboholano2136 Год назад +39

    Tulongan mo itong mga bata pugong byahero , dalhin mo sila sa inyo kahit lang maging malaki na bago mo sila hayaan mamumuhay po

  • @user-bo5lw2ch5t
    @user-bo5lw2ch5t 9 месяцев назад +3

    Pati ako sir Paul naiiyak habang hinibigyan mo cia ng pera nakaka awa talaga cla Buti nlang anditan kayo sir Paul na kaging tumutulong at pb team lalo na sa mga sponsors na laging nagbibingaysn ng tulong Godbless po da inyong Lahat

  • @Violeta-ec9ov
    @Violeta-ec9ov Год назад +5

    Naiyak naman ako sa batang ito. Thank you.. thank you so much Sir Paul. Sana mapagawaan sila ng bahay. Ska sana maka pag aral ang kuya. God Bless Sir Paul & Team.

  • @norabriones4237
    @norabriones4237 Год назад +20

    Kwwa nmn cla grabe ang hirap ng buhay nla pero d cla ngrreklamo khit ganun lng ang buhay nla..sana ung sponsor nyo mbigyn din cla ng maayus n bahay.ingat pb team

  • @julienusillas6418
    @julienusillas6418 Год назад +14

    Sana po sir Paul may mag sponsors sa kanila para mapagawan sila ng bahay. 😢😢😢 nakaja awa po ang jalagayan nila. GOD BLESS YOU ALWAYS Roel at sa iyong mga kapatid at nanay. Sa po matulunga mo sila sir Paul. Maraming salamat po sir Paul and PB Team. 🙏.

  • @Prince_xyrel40
    @Prince_xyrel40 2 дня назад

    Grabe sakit sa dibdib nakakaiyak tlaga,,i salute you sir paul,god bless po❤❤❤

  • @manaynenetvlog4964
    @manaynenetvlog4964 Год назад +4

    Na pa iyak 😢😭ako sa kuya roel nila super bait nia he’s very responsible si kuya kasi mahal na mahal nia ang kanYang mga kapated. He’s best kuya talaga❤. Salamat po PB team keep safe always along Lalo na sa mga mission nio 🫰🏻🫰🏻🫰🏻 and may Godblessyou ❤️❤️

  • @evelyngalupo2076
    @evelyngalupo2076 Год назад +16

    Batang marunong mag pa salamat,cya ang responsible na anak at mapag mahal na kapatid, salamat po sir Paul and pb team, God bless you all 🙏

  • @mhelrenido
    @mhelrenido Год назад +14

    nakakawa sila nasa umuwi nlang ang nanay nila.masakit sa dibdib 😢sir paul maraming salamat po ng marami sa pag tulong mo sa magkakaptid.god bless you all. 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @user-mf9ou5tz6e
    @user-mf9ou5tz6e 11 месяцев назад +1

    Mabait na kuya..kawawa man sila mabuti at nakita kayo n sir paul❤❤

  • @kobethedog18
    @kobethedog18 Год назад +31

    Nadurog ang puso k9 nitong mga bata..Ito ang aming aabangan.Sana may tutulong sa kanila mapagawan ng bahay..At mabigyan din ng ayuda.Salamat kuta Paul sa walng tigil sa pghahalugad sa kabundukan ng mga katutubo.Grabee to sa lahat ng pinanood ko sa vlog nyo po d2 bumuhos luha ko ng husto..mgpakatatag ka kuya..Sana my mga mabusilak na puso tutulong sa kanila🙏

    • @1radiq
      @1radiq Год назад +1

      Ganun din po ako ramdam ko pag iyak nya ang hirap at tuwa may nagbigay ng tulong sana nga sir paul matulungan nyo sila pabahay nyo kawawa sobra 😢

    • @rosendocalderon208
      @rosendocalderon208 Год назад +3

      Matic n yan kay sir Paul bhay unahin dahil single mom at talaga nmn kita ng langit kahit may bubong

  • @olimzkie48
    @olimzkie48 Год назад +14

    Ang sipag ng kuya responsible sa kanyang mga kapatid nya.sana sir paul magawan sila ng bahay malapit sa school para hindi malayo ang nilalakad nila God bless to all.laban lang kuya sana makapag aral ka ulet ❤❤❤

  • @lalainesuppes4889
    @lalainesuppes4889 Год назад +69

    Hindi ko mapigilan nat tumulo ang aking luha,napakabait ng kuya nila..salamat sa inyo Sir Paul aka Pugong Byahero at nandyan kyo na laging tumutulong sa ating mga kababayan na nasa malalayong lugar..ang maitutulong ko lang ay ang hwag mag skip ng mga adverstiment sa inyong programa..Godbless u all,ingat kyong lagi Sir Paul and PB Team...

  • @lyrnacastillon3750
    @lyrnacastillon3750 Год назад +6

    Goodevening sir paul, nakakaawa naman ang mga bata, laban lang kuya para sa mga kapatid mo, pray lang po kayo, godbless🙏🙏🙏

  • @pearlygenuino6053
    @pearlygenuino6053 Год назад +84

    Maraming salamat po sa Buhay mo sir Paul..Ikaw Ang pg asa Ng mga kababayan nating mga katutubo..dahil sayo ngkakaroon Sila Ng pg asa s Buhay..at salamat s Dyos dahil ginagamit ka Nyang instrumento pra matulungan Sila..Kya lagi ko prayer pra sayo at bgyan kpa Ng lakas at ilayo s kapahamakan at alging ligtas s lahat Ng lakad at misyon mo..Always Godbless you Ang your team ..mabuhay kayong lahat ❤🙏💕

    • @leahfetabor224
      @leahfetabor224 Год назад +1

      Napakabait na kuya. Naparaya s pag-aaral magbayan lamang ang mga kapatid. Sana makauwi na nanay nila pr kht siya ay mkpag-aral n rn.
      Pwede na niyang pauwiin ang nanay nila . Mkpagsimula na cla s binigay ninyong pera. Sana nga ay mapatayuan dn cla ng mas maayos n bahay. At nawa ay may mgsponsor s pag-aaral ni ruel. Salamat sir paul s pghatid ng tulong s mgkkkapatid.

  • @antonettecnalla-juni4241
    @antonettecnalla-juni4241 Год назад +4

    Nakakaiyak yung sitwasyon nila, lalo na ky Rowel na sa murang edad eh tumatayong tatay /nanay sa kanyang mga Kapatid 😢😢😢

  • @MelodyTimoteo
    @MelodyTimoteo 5 месяцев назад

    Mabait at matalinong bata.maasahan,marunong mgbudget.magsikap ka lang at malayo mararating mo.laban lang sa buhay.

  • @sallyspycher2093
    @sallyspycher2093 Год назад +9

    Naiyak naman sa batang ito tagos sa puso ang.kabaitan nya may awa ang may kapal maging maayos din ang buhay nyo pag uwi ng Mama mo mag aral ka uli ,🙏💖PB maraming salamat na pinuntahan nyo sila,Gabay ng may kapal sumasainyo PB,and your Team🙏🍀👍

  • @Elizabethmedes
    @Elizabethmedes Год назад +8

    mabuti na lang nandyan kayo na PB team na pilit inaabot ang nangangailangan ng tulong God bless po sir Paul

  • @renejoyalasad8034
    @renejoyalasad8034 Год назад +11

    No skipping of ads po, mapagpalang gabi po sa inyo sir paul at PB Team 😊 kawawa nman po sila sir 😔🥺 salamat po at natulungan nyo po sila.. mag iingat po kayo palagi sir 😇😇 #ilovePugongbyahero ❤❤❤

  • @marcelinasadiamona7492
    @marcelinasadiamona7492 11 месяцев назад +1

    😢😢😢😢😢❤❤❤❤ mga kids,,, God bless you Roel goodluck magaral ka iho,, ❤❤❤❤💪💪💪💪🙏🙏🙏

  • @angelitainson1779
    @angelitainson1779 Год назад +37

    Mapagpalang lingo sa akin idolo sir Paul at sa buong pbteam davao, ibayong pag iingat akin mga idolo, sobrang buhis Buhay na Po Ang inyong mga nilalajbay palayo na Ng palayo at patarik na din Ng patarik, pabaon nmin sa inyo lahat Ang aming mga dasal na lagi kayong gabayan, patnubayan at iligtas sa lahat Ng kapahamakan, keep safe PB team godbless you all

    • @user-yo1pe6fj9q
      @user-yo1pe6fj9q Год назад +1

      mapagpalang gabi sir paul!!!God bless lagi sa inyong mga mission..salute sayo kuya...patuloy lng sa buhay..never give up..God alwys be with you!!!

  • @Naldo305
    @Naldo305 Год назад +4

    Dios kopo tulo luha KO dito mula umpisa gang SA huli, ang payat payat pa ni rowel Sana mabigyan sila Ng vitamins, pansin KO matalino si Rowel dahil marunong sya mag tagalog

  • @julietpanlilio304
    @julietpanlilio304 Год назад +10

    naiyak tlga aq..ang bait c Ruel sa mga kptid nya sya na ang tumatayong tatay at nanay..sana may maka tulong sa pg gawa ng bhay nla khit maliit lng ..tnx u sa pb team at sir Paul sa pg tulong nyo.

  • @alfredodeleon6719
    @alfredodeleon6719 6 дней назад

    Maraming salamat sa tulong ng team nyo, sir Paul. Sana palagi nyo silang ma=check parang malaman natin ang kalagayan nila. Si Lord na ang bahala sa kabutihan nyong lahat sa team nyo esp sa iyo.

  • @remediosfeliciano1027
    @remediosfeliciano1027 Год назад +5

    Good evening sir Paul PB team maraming salamat sa walang sawa niyong pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong niyo ingat kapalagi and God bless you all

  • @meraldinarnante422
    @meraldinarnante422 Год назад +49

    Napakabait na anak at kuya ang batang ito..diko npigilang lumuha ng bglang umiyak sya habang ngppsalamat sya kay Sir Paul..Gabayan kyo ng Panginoong Diyos🙏salamat pugong byahero team.

  • @rosariomunoz3399
    @rosariomunoz3399 Год назад +6

    Naiyak din ako nong umiyak si Ruel. NkakaBagbag damdamin. God Bless Pugong byahero.

  • @lyneescabassimple2574
    @lyneescabassimple2574 11 месяцев назад +4

    Naiyak nmn ako sa kwento ni roel, ang swerte ng mama nya kc mabait ung pnganay nyang anak, salamat sir paul kc napunthan at na 2longan nyo cla, sna po ma pa gawan mo dn cla ng bhay pra maayos na ung tutulugan nla, ingat po kau sir paul at lahat ng pb team

  • @RocehelleMagulayon
    @RocehelleMagulayon Год назад +5

    😭😭😭😭😭😭😭😭💔💔💔💔 nakakaiyak hoooooo kawawa mga bata thnks Sir Paul napontahan niyo sila,...ingat kau lahat PBTEAM

  • @vickyyalong6722
    @vickyyalong6722 Год назад +4

    Naantig ako sa last part na sinabi nang bata kay sir paul na dios nalang daw ang bahalag mag bigay gante sa tulong nila sa kanila lubos ang kanyang pasasalamat sa biyaya na ipanagkaloob ni sir paul maraming salamat sa nyo lahat pugong byahero team marami kayong na tutulongan na mga nanagaylan naway gabayan kaayo palagi naating tagapaglikha at marami pakayong matulong

  • @gaylengarcia7067
    @gaylengarcia7067 Год назад +37

    Good evening Po sir Paul ingat Po kayu lagi sir sa inyung mga mession Po bigyan kayu ni lord nang guide patungo sa inyu paruru unan na tinutulongan Ang magandang pangangatawan para sa mga katutubo pano nalang Kong Wala sir Paul na hulog nang langit pano nalang kaya Ang mga katutubo 😢❤ please share like and don't skip adds mga kapwa ko viewers at Taga subaybay sa pugong byahero kaway kaway ponsa inyung lahat❤❤❤❤

  • @mariannecanen955
    @mariannecanen955 9 месяцев назад

    Ang paborito kung episode ay Ang pag ligtas Kay mylin. Isa kng hero sirPual sa mga katutubo,mabuhay ka sir Paul at sa buong team..ingat kayo palagi GOD BLESS YOU ALL...

  • @kapretty
    @kapretty Год назад +26

    Nakakadurog ng puso ito😢😢😢hulog kayo ng langit PB team sa pamilyang ito☝🏻🙏🏻💖❤

  • @CelinaGapuzan
    @CelinaGapuzan Год назад +10

    A blessed day always Sir Paul. Grabe luha ko sa episode na ito nakakadurog ng puso😢sa murang idad ni Roel naging Nanay at Tatay na sya sa mga KAPATID. At grabe iyak nya sa blessing na bigay mo Sir Paul. Alam ko dipa ito ang huli na ib😅bigay NYO sa kanila Sir Paul. More blessing saiyo at mga sponsor. Godbless🙏

  • @PingGChannel
    @PingGChannel Год назад +21

    Mabait at responsableng kuya si Ruel, laban lang sa buhay. Maraming salamat sa tulong nu sa magkakapatid sir Paul. God bless you more!

  • @jacquelinemartinote9617
    @jacquelinemartinote9617 11 месяцев назад

    Sobrang touch nmn ako kay kuya sobrang mahal na mahal niya mga kapatid niya..mag ingat kayo lagi mga bata..Sir Paul tulungan niyo po sila sobrang kawawa nmn mgakakapated😢😢😢

  • @nerycbaldozchannel6615
    @nerycbaldozchannel6615 Год назад +4

    Nakakaiyak naman si roel 😭😭 napakabuting bata mabait sa mga kapatid. Salamat sir Paul pb team at sa mga sponsors godbless all .

  • @sarabartonico2171
    @sarabartonico2171 Год назад +4

    God hinihiling ko din po sa inyo na isa rin sila namabigyan ng pabahay ng Pugong Byahero at moatapos sila ng pag aaral 🙏🙏🙏 God umiyak nman si ako Sir Poul nakakasikip sa did2x 😢😢😢 ang bait ni kuya

  • @lifeofanofw2641
    @lifeofanofw2641 Год назад +6

    Salamat po sa nagpost,,,kung jindi sa kanya di narating ang PUGONG BYAHERO ang 4 na magkakapatid....Paul anakko, salamat at pinuntahan mo sila para malaman makita mo ang kalagayan nila. Salamat sa mga naitulong mo sa kanila, napaiyak tuloy si Roel sa binigay mong tulong, iyak na pagpasalamat at may naawa o nag abot ng tulong sa kanilang 4 na magkakapatid, sana may makakatulong sa kanila para sa pangkabuhayan nila at mabigyan ng medyo maayos ayos na bahay

  • @felicianaalilio5223
    @felicianaalilio5223 3 месяца назад

    nakakainspire ang mga batang ito,,
    kahit mahirap kami,,blessed pa din kami
    wala man ako maibigay,,alm ko nakakattulong ako as charity viewer
    God bless po sa buong team

  • @nildareyes2924
    @nildareyes2924 Год назад +16

    No Skipping Ads!..mapagpalang gabi sir paul sa buong pb team davao! Grabe si kuya napakabata pa tumayong tatay ng mga kapatid! Sana matulungan niyo sila sir paul!
    Ingat ka lagi sa bawat misyon niyo!
    God bless po!❤🙏🏻❤

  • @rowenabragat536
    @rowenabragat536 Год назад +22

    Malaking blessing po sa kanila na may Pugong byahero na dumating sa kanila. Maraming salamat po sa Panginoon na dumating ka po sur Paul at Pugong byahero team. God bless po ng marami sa inyong team sir Paul.

  • @gildaatienza2574
    @gildaatienza2574 Год назад +19

    ❤ hello sir PB PAUL, nakakalungkot isipin sa mga murang idad naranasan nilang mabuhay at maging responsable para humarap sa hamon ng buhay, SALAMAT sa inyo at kahit papano maibsan ng kunti ang kahirapan, hulog ka at ang grupo ng langit sa kanila, pagpalain kayo ng Panginoon, ingat at God 🙏🙏 bless

  • @rectomakinika1248
    @rectomakinika1248 11 месяцев назад

    Very touching ang kalagayan ng magkapatid. A million thanks Pugong Biyahrro sa concern at care sa kanila. Paano kung hindi mo dila pinuntahan hindi namin malaman ng buong mundo. Hulog ka ng lsngit Sir idol. Hindi ba namamadyal ang mayor at barangay chsirman para mslaman ang sitwasyon ng kanilang kababayan.. very irresponsive naman ang mga LGUs sa lugar na yan. Calling PBBM to admonish the LGUs theteat. Congrats Sir Pugong Biyahero and team. Mabuhay kayo Idol.God bless,

  • @vhernarequino1697
    @vhernarequino1697 Год назад +9

    Sir maraming salamat po sa pagtulong sa kanila💖.., ramdam ko yung hirap na dinaranas nilang magkakapatid pero kahit pa anong hirap ng sitwasyon ng buhay nila mas pinili parin ng kuya nila na alagaan at bantayan ang kanyang mga kapatid,napakabuti naman ni kuya sa mga kapatid niya.. diko mapigilan ang pag iyak😭😭😭

  • @marcianafackler1382
    @marcianafackler1382 Год назад +8

    Thank you sir Paul sa team. Hopefully po makauwi na si mama nila ng may magasikaso sa mga bata. Hopefully may mag magandang loob na mabigyan si nanay ng trabaho diyan at the same time maalagaan.ang mga bata. Pray lang totoy may awa si Lord. Maraming tutulong sa inyo.

  • @gelianna9722
    @gelianna9722 Год назад +4

    Sir paul npakabuti mong tao naway lagi kang patnubayan ni lord dahil marami k ng ntutulungan at marami pang taong nangangailangan ng tulong mo. God bless s inyo pb team

  • @user-yf5ue8kt7p
    @user-yf5ue8kt7p 6 месяцев назад

    Naiyak si kuya, sa kabila ng hirap na nararanasan nilang magkakapatid. Maraming salamat sa PB team. @Pugong Byahero , pagpalain po kayo ni lord.

  • @marlonagpawa
    @marlonagpawa Год назад +8

    Sobrang kwawa cla tulungan nio po cla god bless PB team and all sponsors

  • @emeliemanly
    @emeliemanly Год назад +4

    Nadurog ang puso at naiyak ako Sir Paul dito sa 4 na magkakapatid , pwede bang balikan ninyo itong pamilya at mabigyan din ng bahay at matulungan din sila sa kanilang pagaaral

  • @dianasantamaria6827
    @dianasantamaria6827 Год назад +208

    Mapagpalang gabi NG Lingo Pugong Byahero sir Paul and PB team Davao 😇🌃
    New mission new adventure NG Pugong Byahero ❤Nakakalungkot ang buhay NG magkapatid sir Paul. Ngunit mapagtiis sila sa kanilang buhay, sa kabila NG kahirapan lumalaban parin silang magkapatid ❤❤❤Sa totoo Lang Pugong byahero sir Paul sa kabila NG kahirapan nakayanan NG Kuya buhayin ang mga kapatid. Mabuhay ka Kuya, laban Lang sa buhay❤
    Salamat sa mga sponsors na nag bahage NG kanilang pagmamahal at supporta sa Ating Pugong byahero sir Paul ❤❤❤
    May God bless you all 🙏🏽
    Pugong Byahero sir Paul and PB team Davao sending our prayers for your all safety throughout your charity mission 🙏🏽
    # I love Katutubo ❤
    # no. 1 Best charity vlogger❤❤❤❤

    • @beccalapinig09
      @beccalapinig09 Год назад +2

      6

    • @arlenesoliot7042
      @arlenesoliot7042 Год назад +8

      Sobrang nakaka touch yung 4 na mga bata lalo na yung kuya na sya ang tumatayong tatay Nanay o mga kuya ng mga magkakapatid laban lang mga bata kaya nyo yan may awa din ang Diyos God bless Pb team sana gabayan kayo ni Lord sa mga mission nyo araw araw

    • @litapatangan-bz6iz
      @litapatangan-bz6iz Год назад +6

      Good evening po sir Paul sana ma pa bahayan din sila Kong Meron maawa na mag sponsor more blessings GOD Bless us all 🙏

    • @loiflores173
      @loiflores173 Год назад +8

      Naway may bukas palad na tulungang ma pagawa bahay nitong mag ka KAPATID 🙏🙏🙏 at ma suportahan kanilang pag aaral🙏🙏🙏

    • @penygomez7641
      @penygomez7641 Год назад +4

      Salamat pugong biyahero sir paul and team

  • @LiliaRicafort
    @LiliaRicafort 8 месяцев назад +3

    PB PAUL HULOG KA TALAGA NG LANGIT SA MGA KATUTUBO AT SA LAHAT NG IYONG TINUTULUNGAN WILL PRAY FOR YOU AND YOUR TEAM NA BIGYAN PA KAYO NG MAHABANG BUHAY PARA MAIPAG PATULOY NIYO ANG INYONG MISSION SA BUHAY ANG PAG TULONG GOD BLESS YOU MORE AND MORE PB PAUL AND PB TEAM

  • @bhiegarciamolina5813
    @bhiegarciamolina5813 Год назад +54

    Gandang gabi ,Sir Paul an to all Pb team ,salamat po dahil napuntahan nyo agad sila ,ingat ka u lagi an God bless ,we love katutubo🙏🙏🙏❤️🇦🇪

  • @chriscasipe1504
    @chriscasipe1504 Год назад +7

    Proud of you PBTEAM at my puso kyo sa mga katutubo sa Mindanao.
    God bless .

  • @user-jm8ic8yr5b
    @user-jm8ic8yr5b Год назад +7

    Salamat sa Dios may sir paul na ipinanganak na tumolong sa mga katutubo na nakalimutan ng gobyerno nawa ng dahil sa pugong byahero may katutubong maging propisyonal mabuhay ang pb team mga sponsor God bless and more power, sana all.

  • @Nestor-bh5jr
    @Nestor-bh5jr 2 месяца назад

    Napaka buti at mapagmahalin mo sir Paul sa mga kapwa nation pinoy na katutubo.

  • @user-ui7ho1il7h
    @user-ui7ho1il7h Год назад +8

    Gandang gabi po sir paul at sa buong p team...salamat po sir paul napuntahan nyo po yang apat na magkakapatid salamat po sa walang sawang pagtulong nyo sa ating mga kababayang katutubo.ilove pbteam🥰🥰 and ilove katutubo🥰🥰 god bless po sainyong lahat🙏❤️❤️❤️

  • @rodoranepomuceno4554
    @rodoranepomuceno4554 Год назад +4

    Naiiyak ako Sir Pual para sa mga bata ina din ako,😢😢siguro lalo na ang Mama nila wala lng siya magawa para mabuhay ang kanyang mga anak. Maraming Salamat po si Pual at Pb team. GOD BLESS U ALL❤ INGAT KAU❤

  • @vvian25
    @vvian25 Год назад +6

    Haisst... pinaiyak na nman tayo ni Pugong Byahero 😢 hindi ako mag sasawang sabihing maraming salamat sa Panginoon 🙏🏼 na may ginamit syang mga tao na may mabubuting kalooban para tumulong sa mga nangangailangan Kasama kayo lagi sa aming mga panalangin, ingat kayo PBTEAM sa lahat ng inyong mga lakad. God Bless You All 🙏🏼🙏🏼🙏🏼💞

  • @perladiwataagbulos1849
    @perladiwataagbulos1849 Год назад +6

    Sana magkaroon din sila ng bagong bahay...dont skip ads para magkabahay ang mga batang ito.

  • @xombz
    @xombz Год назад +8

    Grabe ang iyak ko dito sa magkakapatid na ito. Ang bait nila lalo na si kuya kc responsible sa murang edad niya. Sana maka pag aral din siya.

  • @vickythesupermom6728
    @vickythesupermom6728 Год назад +48

    Napaiyak ako kay kuya Roel, responsableng anak. Sana tulungan sila na mapagawa ang kanilang bahay at mabigyan nanay nila ng pangmatagalan nilang hanapbuhay. At sana magkaroon rin ng sponsor para sa pag aaral ni Roel.

    • @remisoriano4991
      @remisoriano4991 Год назад +1

      me too sa murang edad grabe nakakayanan niya alagaan mga kapatid niya
      Sana makabalik na Nanay nila para may mag aalaga at makapag aral na kuya nila

    • @yrahortega6003
      @yrahortega6003 Год назад +3

      Yes po tutulungn cla ng dswd, bali nanay nla pauwiin at bgyn ng pngkabuhayn at ppagawaan dw ng bahay n malapit sa school... Cla ung ng Viral n post ng teacher

    • @violacammagay3424
      @violacammagay3424 11 месяцев назад

      Nakakaiyak nm po idol lord

    • @violacammagay3424
      @violacammagay3424 11 месяцев назад +1

      Omowe nlg sana at maglakolako nlg dyan at least andyn sya kawawa nm sana matulungan sa bhy nila

    • @violacammagay3424
      @violacammagay3424 11 месяцев назад +1

      Bumili sya ng gatad nila para my vitamins sila

  • @whadznawhadz1876
    @whadznawhadz1876 2 месяца назад

    Proud ako sa mga kbbyan ntin kattubo . Kc khit gaano kahirap ang buhay nila hindi cla mg hingi ng tulong at lalong d naisipan nila mg nkaw . Tlgang . Kontento cla . Sa mga buhay nila . ❤️❤️❤️❤️

  • @emzpadrino2353
    @emzpadrino2353 Год назад +5

    Sana may mabuting puso mabigyan sila ng maayos na bahay kahit Dingding nla Flywood .. godblessed po tiis lang Makakaraos rin 💕

  • @jessicabayatan8349
    @jessicabayatan8349 Год назад +21

    Nakaka awa mga bata 😢 salamat ser Paul napa mabuti ng puso mo god bless you 🙏 no skip add watching Bahrain 💙💙💙

    • @jeansanchez6079
      @jeansanchez6079 Год назад +1

      Sana mpatayuan cla ng bahay khit mliit lng bsta maging komportable cla sa buhay...

    • @jessicabgomez1551
      @jessicabgomez1551 Год назад

      @@jeansanchez6079 umiyak ako nakita ko mga bata na awa ako sobra 😥😥😥😥😥😭🙏🏼🙏🏼🙏🏼🙏🏼

  • @vangieportz122
    @vangieportz122 Год назад +7

    napaiyak mo ako boy , naawa din ako sa iyo, bata kapa marunong nang mag alaga sa mga kapatid nya, maraming salamat po sir paul natagpuan mo sila, God bless pb team🙏🙏❤️❤️❤️

  • @user-yp9sd9de8x
    @user-yp9sd9de8x 5 месяцев назад

    Sir I'm proud of u Sir Paul ikaw ang taong hulog ng Panginoong Jesus Godbless PBteam

  • @aleiahmarietalacan2342
    @aleiahmarietalacan2342 Год назад +5

    Good evening po Idol Sir Paul. Saludo po kami sa inyo ng PB team❤️❤️ mananatili po kayong number 1 sa aming mga puso. Ingat po kayo palagi sa mga misyon nyo. Kasali po kayo sa mga dasal ko araw2x. God bless you always idol. Always watching from General Santos City ❤️❤️

  • @fatemazebrahim8967
    @fatemazebrahim8967 Год назад +6

    Salamat Sir Paul Pugong Byahero. Ikaw ang hulog NG langit sa mga Bata. Kawawa naman c Kuya sya tumayo bilang tatay at nanay sa mga kapatid at the age of 15 years. Sana pauwiin lng ang kanilang Ina at matulongan pang hanap buhay. Para Maka pag aaral c Kuya. 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @ronzkiepalivino8153
    @ronzkiepalivino8153 Год назад +6

    Hello sir Paul more blessings to come ❤️ good health thank you sa pag TULONG FINANCIAL sa mga katutobo sir Paul at sa buong team ninyo ❤️

  • @rosanacuadrasal2210
    @rosanacuadrasal2210 11 месяцев назад

    Naiyak aku😭naaawa sa mga Bata at natuwa dahil may team pugong byahero npalagi tumutulong sa mga nangangailangan. God bless 🙏

  • @arlene1438
    @arlene1438 Год назад +5

    Hindi ko mapigil ang luha ko..sana makabili sila ng kahit pawid para sa bobong nila at dingding kc sobra kawawa ang bahay nila ang bait ni kuya😥😥💔

    • @daisycredo2166
      @daisycredo2166 Год назад

      Sana mapagawaan na lang din sila ng maliit na bahay para ung perang binigay sa kanila.ay magagamit na lang nila sa kanilang pangangailangan araw2..

  • @mariadesantis4334
    @mariadesantis4334 Год назад +28

    Nakakaiyak naman itong mga bata lalo na sa panganay. Very responsible na anak , sana may mag sponsors sa pag aral nila . God bless you mga bata at sa Nanay nila🙏🙏🙏Darating ang araw maka haon din kayo sa kahirapan 🙏🙏🙏. Thank you Sir Paul sa pag tulong . Thank you Mang Eli, Petra, Madam Eula and Edito sa pag sama ninyo kay Sir Paul. Amping kayo Always🙏🙏🙏 ❤❤❤❤❤